Ikakasal na lang ang bachelorette na si Alina Lovia, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla siyang napunta sa tapat ng isang lumang apartment habang nakasuot pa rin ng wedding gown. Laking-gulat niya nang tumagos siya sa dingding ng apartment na ‘yon at doon niya nakita ang isang lalaking hubu’t hubad habang nilalaro ang sarili nitong ari. Doon niya napagtanto na para bang isa na lamang siyang kaluluwa. Hindi niya alam kung paano siya namatay o kung may pumatay ba sa kaniya. Habang kaluluwa na lang siya, doon niya nalaman kung sino sa pamilya niya ang kakampi, kaaway at kung sino ang nagmamahal sa kaniya. Habang tumatagal din na palagi siyang nakabuntot kay Corvus Ferrara at napapanuod niya ang ginawa nito habang nakahubu’t hubad ay tila ba natatakam na siya sa rito. Naging pangarap niyang mabuhay ulit para kay Corvus. Naging pangarap niya na matikman ito. Ano ang magiging koneksyon ni Corvus Ferrara sa kaniya? Bakit siya lang ang nakarinig at nakikita sa kaniya? Ito ba ang makakatulong sa kaniya para malaman kung ano ang nangyari sa kaniya at kung sino ang pumatay sa kaniya? Pero ang magandang tanong, tutulungan kaya siya ni Corvus?
view moreCaline’s POV Pagdating ko sa bahay-kubo ni Akeno, nadatnan kong nakaupo siya sa harap ng bahay niya, nakatulala at parang malalim ang iniisip. Nang makita niyang huminto ang sasakyan ko, doon lang siya napatingin sa akin.Tumayo siya at sinalubong ako. “Oh, anong ginagawa mo rito, Miss Caline?” tanong niya agad at saka siya tumingin sa bitbit kong merienda namin.“Tara, samahan mo akong mag-merienda,” aya ko sa kaniya. Ginawa ko lang dahilan din talaga itong merienda, pero iba ang pakay ko.“Aba, tamang-tama, nag-iisip din talaga ako nang me-meriendahin ko kaya tulala ako kanina,” nakangiti niyang sabi.Pagpasok namin sa loob ng bahay niya, binaba niya agad sa lamesa ang mga ihaw-ihaw at buko juice. Kumuha siya ng plato at saka niya hinandan ang dala ko. Habang inaasikaso niya ‘yon, nakatitig lang ako sa kaniya.Tama, sobrang okay naman talaga ni Akeno. Guwapo, maganda ang katawan, mabait at sobrang sipag. Wala akong nakikitang dahilan para mahiya akong patulan siya. Wala akong nakik
Caline’s POVHapon na at kakauwi lang ni Akeno. Kakatapos lang din ng training ko at habang tumatagal, mas lalo akong nahihirapan sa mga pinapagawa sa akin ni papa. Kaya naman naisip ko, paano kaya kapag nasa katawan ko na habangbuhay ang kapangyarihan ko, siguro mas madali ang training kasi makapangyarihan na ako.Nadedemonyo tuloy akong puntahan si Akeno para magpasakop na, para isuko na ang aking pagkabirhen, iyon lang naman na ang kailangan, e. Sadyang ako lang ‘yung tangang malanding pakipot na ayaw pa, todo-bigay pa naman na si Akeno.Habang nandito ako sa loob ng kuwarto, nakahiga at namamahinga, panay ang isip ko kay Akeno. Iniisip kong ituloy na, kaya lang e, buwisit ang puso ko. Hindi tumutugma sa isip kong naughty mag-isip.“Anak, tara, mag-merienda ka, nagluto ako ng carbonara,” sabi ni mama sa labas ng kuwarto ko.“Sige po, susunod po ako sa ibaba,” sagot ko naman.“Huwag kang magtagal, lalamig, mas masarap iyon kapag mainit.”“Okay po.”Bumangon na ako at nagpalit ng dam
Caline’s POVHuminga ako nang malalim, pilit nilalakasan ang loob ko para sa susunod na round ng training. Ramdam ko pa rin ang bigat sa katawan, pero higit pa roon ang bigat ng mga mata ni Papa Corvus, tila nanunuot sa kaluluwa ko ang bawat tingin niya. Alam kong hindi siya magpapakita ng awa dahil lang nahihirapan ako. Kaya kailangan kong tumayo at ipakita sa kanya na kaya kong magpakatatag.Ibang-iba si papa pagdating sa ganito, talagang para siyang ibang tao, sobrang seryoso at sobrang sungit, ngayon na lang ako natakot ng ganito kay Papa.Pumuwesto ako nang mas maayos at mas mababa ang stance, gaya ng sinabi niya kanina. Nang ngumiti siya nang bahagya, napatigil ako. Hindi ito ngiti ng pagtutuwid, kundi ng pagkilala—parang may bahagyang paghanga.“Now, strike at me,” sabi niya, seryoso ngunit mas kalmado na ang boses.Nagdadalawang-isip ako. Hindi pa ako sanay at alam kong magaling siyang lumaban kahit walang kapangyarihan, samantalang ako ay nagsisimula pa lang. Pero sa isang ig
Caline’s POVNakahanda na ako sa gitna ng garden namin. Ang katahimikan ng paligid ay tila nagbigay ng kakaibang bigat sa bawat segundo. Wala si Akeno kasi day off niya, si Cass naman, nasa gilid at tahimik na nag-aabang sa magiging training ko.Napalunok ako ng hangin at pilit na pinapalakas ang loob ko, pero hindi ko mapigilang kabahan.Si Papa Corvus ay nakatayo na rin sa harap ko, mabigat ang tingin at halatang seryoso. Ito ang unang araw ng training ko, at wala akong ideya kung ano ang mangyayari. Sinimulan na niya akong turuan ng mga basic defense, ngunit parang sa bawat galaw ko ay nagkakamali ako.“Keep your stance low, Caline. You’re too open,” malamig niyang sabi.Wala pang isang oras kaming nagte-training, pero parang ang hirap para sa akin. Siguro ay dahil sanay akong nakahilata lang sa kuwarto ko, sanay lang na palaging naka-relax.“Kaya mo ‘yan, Caline,” pangchi-cheer pa sa akin ni Cass. Ngumiti ako nang hindi tumitingin sa kaniya kasi baka mahalita ako ni papa. Hanggang
Caline’s POVHapon na at kanina pa kami magkakasamang tatlo nila Akeno at Cass. Nang bigla kong maisip na baka may matulong ang mahiwagang swimming pool.“Alam ko na,” sabi ko na kinagulat ng dalawa.“Ano, matutulungan mo na ako, Caline?” masayang tanong ni Cass.“Oo, baka may matulong ang mahiwagang swimming pool namin,” sagot ko kaya nakita kong napangiti din si Akeno.“Oo nga, may mahiwagang swimming pool nga pala kayo,” sang-ayon ni Akeno sa akin.Hinala ko agad sina Cass at Akeno papunta sa swimming pool area namin.“Ano bang meron sa swimming pool na ’to?” tanong niya na bahagyang nakakunot ang noo.“I have my reasons, Cass. You’ll understand once we’re there,” sagot ko, pilit na pinapasigla ang boses ko. Sa totoo lang, medyo kinakabahan ako. Hindi ko pa nasubukang dalhin ang isang kaluluwa sa mahiwagang swimming pool, at hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon nito sa presensya ni Cass.Narating namin ang likod ng mansyon kung saan matatagpuan ang mahiwagang swimming p
Caline’s POVNarinig ko ang tahimik na huni ng mga ibon sa labas ng bintana nang magising ako nang mas maaga kaysa sa inaasahan. Pero imbis na humawak ng cellphone para tumingin ng notification ay naisip ko agad si Cass. Mabilis akong bumangon at sinilip ang oras—alas-sais pa lang ng umaga. Dapat sana, pupuntahan ko agad si Cass sa guest room, ngunit tila nahulo na ako.Wala si Cass sa guest room. Nasaan na ‘yon?Nilibot ko ang buong mansyon, nagbabakasakaling makita ko siya sa isa sa mga kuwarto o kaya ay sa sala. Nakita ko sina mama at papa na nag-aalmusal, tinanong nila ako pero hindi ko sila agad nasagot kasi gusto ko munang makita muna si Cass.Pinuntahan ko rin ang library, ang kusina, pati na ang veranda, ngunit tila wala siya kahit saan. Nag-alala ako nang hindi siya matagpuan; paano kaya siya nakalabas nang hindi ko nalalaman?Hindi kaya hindi siya nakatulog at na-boring kaya umalis na rin agad nang hindi nagpapaalam.Huli kong pinuntahan ang hardin, nagbasakali ulit na baka
Caline’s POVNang sumapit ang malalim na gabi, pagod na pagod na rin kami ni Cass sa kakahanap ng kahit anong tanda na maaaring magpabalik ng alaala niya. Ilang oras na kaming nagpapalipat-lipat ng lugar, humihinto kung saan-saan sa pag-asang may matutuklasan siya. Pero sa bawat lakad namin, puro pagkabigo ang natamo namin. Wala, kahit isang piraso ng pagkatao niya ay hindi namin natagpuan. Napalitan na ng pagod ang excitement na naramdaman ko kanina; tila mauubusan na ako ng ideya sa mga susunod pa naming lakad kaya mabuti pang magpahinga na lang muna kami.Napatingin ako kay Cass, na tahimik na nakatingin sa kawalan. Ang mga mata niya, na kanina’y puno ng pag-asa, ngayo’y tila isang malalim na balon ng kalungkutan. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kumurot sa puso ko. Awang-awa ako sa kaniya, kahit na ilang oras pa lang kaming magkakilala. Siguro, dahil nakikita ko sa kaniya ang pangungulilang minsan ko ring naramdaman. Lalo na at matagal na rin naming hindi nakakasama ang k
Caline’s POVHabang binabagtas ko ang madilim na kalsada pauwi sa manisyon, bigla kong nakita ang isang parang anino sa tabi ng daan, parang nagmumulto sa ilalim ng malabong liwanag ng poste. Kinabahan ako, pero binalewala ko lang. Siguro’y pagod lang ako at kung anu-ano na ang nakikita ko. Ngunit sa paglapit ko, biglang napakalinaw ng anyo niya—isang lalaki, maputla, at parang malungkot.Hininto ko ang sasakyan, hindi ko na napigilang tignan siya nang mas mabuti. Hindi ako makagalaw. Pareho kaming natigilan at nagtama ang aming mga mata, pareho kaming gulat sa isa’t isa. Agad siyang lumapit sa bintana ko, pero ang tingin sa akin ay parang may alinlangan, bakit kaya?“You… you can see me?” tanong niya, bahagyang nanginginig ang boses. Baliw ata ‘to.Tumango ako, hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko. “Oo… bakit hindi kita makikita?” tanong ko habang pilit na hinuhulaan kung sino siya.Nagbuntong-hininga siya, at sa kabila ng kaniyang nakalulunos na itsura, may bakas ng pag-asa sa m
Caline’s POV“Ano, kaya ba o tama na muna? Ayoko naman na pilitin ka. Hindi ko hahayaang ituloy mo ‘yan kung hindi mo pa trip?” tanong niya tuloy nung hindi na ako gumalaw.“Eh, bakit kasi kailangan pang gawing parang ice cream? Parang pinaglalaruan mo naman ako, Akeno,” seryoso kong sabi sa kaniya.Ngumisi siya nang saglit. “Ay, virgin ka pa nga talaga. Hindi mo pa pala alam ang mga ganitong gawain. Sorry, masyado ata akong nagmadali. Sorry, Caline. Hindi ko naisip na wala ka pang karanasan talaga.”Tumayo siya at saka hinila ang mga kamay ko. Pinaupo niya ako sa higaan niya. Bago siya nagsalita ulit, nagbihis na muna siya.Hindi na naman natuloy ang gusto niyang mangyari. Pakiramdam ko tuloy ay parang mate-turn off na sa akin si Akeno. Bakit kasi sumabak agad ako dito nang wala pa akong kaalaman.Yung utak ko, paiba-iba. Minsan ay go, minsan ay paatras. Nakakabaliw kasi kapag ganito pala ang eksena na. Mabuti pa si Akeno, matapang, walanghiya na nararamdaman sa akin. Akong si tanga
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments