Alina’s POV
“Hoy, bakit hindi ka na sumasagot? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Sinisilipan mo ba ako dahil nagsasarili ako? Hindi ka nakakatuwa ah! Umalis ka dito!”Galit na siya. Panay pa rin ang paghahanap niya pero, wala naman siyang makitang tao dito sa loob ng apartment niya, kung mayroon man, ako lang na kaluluwa na lang ngayon.Ibig sabihin ay hindi ito panaginip. Maaaring totoo na itong nangyayari ngayon at baka…baka naglalakbay na ang kaluluwa ko ngayon at dito ako napadpad?“I am here inside your apartment. Hindi mo ako makikita dahil…”I stopped speaking. I don’t think I can tell him that I’m already a soul now. Baka kasi matakot siya.“Hoy, ipapakulong kita! Hindi magandang biro itong ginagawa mo. Nasaan ka ba? Pa-english-english ka pa!”I just left his apartment because I was starting to feel scared and anxious about what was happening to me. Pakiramdam ko kasi ay may mali. Maling itong nangyayari ngayon. Mali itong kaluluwa na lang ako. Saka, bakit dito ako napunta sa harap ng apartment ng lalaking ito?Pagtagos ko ulit sa labas ng apartment niya, I just walked and walked along the street until I reached a park. I sat on a bench there, lost in thought, trying to make sense of what was happening to me.Hanggang sa isang newspaper ang nilipad papunta sa harap ko. Sa mismong front page nito ay nakita ko ang pagmumukha ko. Ang picture ko pa na naka-wedding gown ako—kahapon ang naka-display doon habang nakalagay ang balita na nangyari sa akin.Alina Lovia na isang bilyonaryong babae na dapat ay ikakasal na lang ay biglang nag-suicide sa mismong veranda ng penthouse niya. Tumalon ito mula sa itaas ng penthouse at saka ito nalaglag sa swimming pool. Patay na ito nang dalhin sa hospital.Napasigaw ako nang sobrang lakas dahil sa galit.“Hindi ako nagpakamatay. Hinding-hindi ko gagawin ‘yon. Mahal na mahal ko ang buhay ko. Mahal na mahal ko rin si Nacho, kaya nga magpapakasal na ako sa kaniya, e. Wala akong dahilan para magpakamatay.”May tumulak sa akin. Iyon ang totoo. Hindi ko man nakita kung sino ito ay aalamin ko iyon. Hindi ako titigil. Hindi matatahimik ang kaluluwa ko hanggang hindi ko nalalaman kung sino ang may gawa sa akin nito.Bigla kong naalala ang lalaking nakakarinig sa akin kanina sa pinasok kong apartment. Napangisi ako. Mukhang alam ko na agad kung sino ang taong makakatulong sa akin. Ang lalaking hubu’t hubad na ‘yon na may malaking tité ang tutulong sa akin.Ang tanong ay tutulungan kaya niya ako?**Bumalik ako sa apartment niya. Nadatnan kong umiinom na siya ng kape habang nakatulala sa harap ng salamin.“May sakit ba ako o hallucination ko lang ‘yung narinig kong nagsasalitang babae kanina?” tanong niya sa sarili niya habang chini-check pa niya ang mata niya.“I didn’t attempt suicide, I wouldn’t do that,” I said, then I started crying again. He dropped the coffee as I spoke again. There's no doubt he really hears me.“Putang-ina, ano ba ‘to?!” tumingin-tingin siya sa paligid habang takot na takot ang itsura ng mukha. “May multo ba sa apartment na ‘to? Bakit ngayon lang nangyari ito?” tanong pa niya na para bang aatakihin na sa puso dahil sa takot.“Tulungan mo ako, kuya,” sabi ko ulit.“Aaaahhhh!”Doon na siya tuluyang sumigaw at saka nagtatakbo palabas ng apartment niya. Napasapo na lang ako sa mukha ko kasi mukhang mahihirapan ako dito. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin kaya umiyak na lang ako nang umiyak.Ang ginawa ko, umuwi na lang ako sa penthouse ko. Ang gara lang kasi kahit maglakad at magtatakbo ako, wala akong pagod na nararamdaman. Kung saan-saang sasakyan ako sumakay para lang makauwi sa penthouse ko. Nakisabay pa ako sa mga elevator na sinasakyan ko. Mabuti nalang din at may staff na umakyat sa penthouse kaya nakarating ako dito. Hindi ko kasi kayang pumindot ng button sa elevator. Tumatagos lang ako kaya ang tanging pagsabay lang sa mga tao ang tanging nagawa ko.Pagdating ko sa loob ng penthouse ko, maraming tao pero ni isa ay walang umiiyak. I saw the man I’m going to marry. I approached him intending to hug him, but I just passed through him.“Nacho, my love, I’m here. I’m here beside you,” sabi ko, umaasa na baka marinig niya rin ako gaya nung lalaking nakita ko sa apartment kanina. Pero tila wala siyang naririnig. Kahit isa sa kanila ay wala, hindi nila ako naririnig.Nacho left, so I just let him go for now because I wanted to stay in my penthouse. I saw my friends Geneva and Helena. Geneva is a famous fashion model, while Helena is a famous singer.“Poor Nacho. Sayang, he’s so handsome pa naman. Alina is just stupid din, e. Why did she do that just when they’re about to get married? Baliw na ata talaga ‘yang kaibigan mo,” I heard Geneva say to Helena.“Hoy, Geneva, kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Parang hindi mo kaibigan si Alina ah? Grabe ka,” sita sa kaniya ni Helena.“Hindi naman talaga. I never really considered her a friend. I only befriended her for Nacho’s sake. I really like Nacho. And now that that idiot Alina is gone, I have a chance to finally flirt with Nacho,” sabi ni Geneva na tuluyan na ring lumabas ang tunay na kulay. Tang-ina niya.“Hayop ka!” sigaw ko at saka ko siya sinampal. Sa galit ko, nagulat silang dalawa kasi nakagawa ako ng hangin. Kitang-kita ko kung paano magtinginan sina Geneva at Helena.“Ayan, sige ka. Narinig ka siguro ni Alina. Nagalit siya sa iyo,” sabi ni Helena na tinawanan lang ni Geneva.“Idiot, wala ng patay ang bumabalik pa. Diyan ka na nga. Anyway, we’re not friends anymore. I don’t like losers and goody-goodies like you. You’re both losers just like Alina.”“Plastik ka. I wish it was you who died, not Alina,” Helena said angrily, causing my tears to fall.Hindi ako makapaniwala na ganoon pala ang tunay na ugali ni Geneva. Ang bait-bait pa naman ng tingin ko sa kaniya kasi palagi siyang nasa tabi ko kapag may problema ako. Tapos, kapag nandito si Nacho, gusto niyang nakikipag-bonding sa akin nang biglaan. Iyon pala, palihim pala niyang ginugusto ang mapapangasawa ko. Sorry siya, pero hinding-hindi siya magugustuhan ni Nacho. Sa totoo lang, ang pangit naman niya talaga. Kung hindi pa siya nagparetoke ng ilong, mata, bibig at baba ay hindi naman siya gaganda.“Alina, miss na miss na kita. Paano na ako nito?” dinig kong sabi ni Helena na iyak nang iyak pa rin. Kung mayroon mang naging totoo sa mga kaibigan ko ay si Helena na iyon. “Malakas ang kutob ko na hindi siya nagpakamatay. Hindi magagawa ni Alina ‘yon. May nagtangka kaya sa buhay niya?” sabi pa niya kaya bigla akong napatango at naluha ulit.Kahit siya ganoon din ang naisip. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng galit. Sino nga kaya ang pumatay sa akin?Corvus’ POVPumunta ako kay Aling Paleng para magtanong tungkol sa naririnig kong boses sa apartment ko. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa pagtakbo ko. Pagdating dito sa tapat ng malaking bahay ni Aling Paleng ay agad kong pinindot ang doorbell sa may gate niya. Naghahabol ako ng hininga habang basang-basa rin sa sarili kong pawis.“Hoy, nandiyan na, sandali lang! Sisirain mo naman ang doorbell ko kung makapindot ka riyan!” iritadong sigaw niya habang palabas na ng pinto ng bahay niya. Iika-ika itong maglakad kasi pinanganak na talaga siyang pilay ‘yung isa paa. Kaya nga raw tinawag siyang paleng kasi paleng daw itong maglakad. Nakakunot ang noo niya, halatang na-bad-trip dahil sa pagdating ko.“Aling Paleng, may gusto po kasi akong sabihin at itanong sa inyo,” sabi ko nang pagbuksan na niya ako ng gate. Galit pa rin ang mukha niya kahit nakita niyang ako ito. Sa lahat kasi ng tenant niya, ako ang paborito niya. Ngayon kasi, mabilis na akong magbayad ng upa sa kaniya kasi mababa l
Alina’s POVI accompanied Helena downstairs to leave my penthouse. I thought that if I just stayed there, nothing would happen. Now I’m just a soul, I don’t know how long I’ll stay in this world. Baka kasi masayang lang ang oras ko dito. Bago sana ako tuluyang mawala dito sa mundong ibabaw, gusto ko sanang magkaroon ng hustisya ang pagkawala ko.I also don’t know if I’m headed for heaven or hell. Or maybe there really is another world where when you die here in the world of humans, you go to another world.“Alina, dalawin mo ako sa panaginip ko. Sabihin mo sa akin kung ano bang nangyari sa iyo,” bulong ni Helena dito sa loob ng elevator habang nasa tabi ko siya. Hanggang ngayon, panay pa rin ang iyak niya. Sobrang sweet talaga ng babaeng ito kahit kailan. Nalulungkot tuloy ako lalo kapag nakikita kong malungkot siya.“Kung kaya ko lang, Helena, gagawin ko,” sagot ko sa kaniya kahit na alam kong hindi naman niya ako maririnig.Pagdating sa labas ng penthouse, naghiwalay na kami. Hinaya
Corvus’ POV Si Geronimo ang bumungad sa mga mata ko nung magising na ako. Agad ko namang naalala ‘yung nakausap kong multo kanina kaya tuloy-bangon ako para tumingin sa paligid. “Pare, ano bang nangyari sa ‘yo?” tanong ni Geronimo na takang-taka sa akin. “M-may mult—” Hininto ko ang sasabihin ko kasi baka pati siya ay pag-isipan na nababaliw na ako. “May ano?” tanong pa niya ulit. “Wala, nanaginip lang siguro ako,” tanging sagot ko na lang at saka na ako naupo sa sofa. Tumingin-tingin pa rin ako sa paligid, pinapakiramdaman ko kung nandito pa rin ba ‘yung kaluluwa na iyon. Kung hindi ako nagkakamali, nagpakilala na siya sa akin kanina.Napatingin ako sa newspaper na nasa lapag. Pinulot ko ito at saka ko muling tinignan ang pangalan niya sa headline. Tama, siya si Alina Lovia. Ang babaeng nagpakamatay—hindi pala. Hindi raw siya nagpakamatay, iyon ang sabi niya kanina. “Mabuti pumunta ako dito. Nagulat ako nang madatnan kitang walang malay. May sakit ka ba?” “Wala, nawalan lang
Corvus’ POV Alas sais palang ng umaga ay nandito na kami ni Geronimo sa flower shop ng ate niya. Malaki pala nito at ang daming mga iba’t ibang bulaklak at dahon. Ang sabi ni Geronimo sa akin ay marami raw pa-order ang ate niya ngayong araw kaya kailangan naming maging masipag. Limang flower bouquet daw ang naka-assign na gagawin ko at limang bulaklak na pangpatay. Ang nakakakaba lang dito ay wala akong experience sa pag-aayos ng bulaklak. Natatawa tuloy ako kung bakit tinanggap ko pa itong trabahong ito. Sinabi pa kanina ni Geronimo sa ate niya na magaling kaming mag-ayos at marami ng karanasan sa pag-aayos ng bulaklak kaya lalo akong natatakot. Kung bakit kasi hindi ko rin naisip na kung minsan, gago rin itong si Geronimo. “Oh, bakit nakanganga ka pa diyan? Ang dami mong kailangang gawin, mag-umpisa ka na,” dining kong bulong ni Alina. Hindi na ako nagtaka kung bakit pati dito ay sumama pa siya. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakakuwento niya ng buhay niya. Ewan ko ba d
Alina’s POV Pinagmasdan ko si Corvus habang kumakain nang mag-isa sa maliit niyang lamesa. Kahit piniritong itlog, hotdog at nilagay talbos lang ang ulam niya, masaya na siya. Saka, sanay na sanay na rin siyang magluto ng sarili niyang pagkain. Kanina, bago siya magluto, naglaba muna siya ng damit na sinuot niya kanina. Para siguro hindi siya natatambakan ng mga malilibag na damit. Of all the men I’ve met, Corvus stands out as one of the most hardworking. It’s rare to find a man like him, adept at household chores. Si Nacho kasi, kahit maglaba o magluto ng pagkain, hindi sanay. Hindi siya mabubuhay ng walang kasamang kasambahay sa bahay nila. Para tuloy akong guardian angel ni Corvus na nanunuod sa mga galaw at ginagawa niya ngayon. Now I can say that people’s lives are not equal. I still thank the Lord because I experienced living with good sleep every day, eating delicious food. I experienced having a good job, living in big houses, and traveling to different parts of the world. It
Alina’s POVPinalabas lang ng building si Corvus kasi hindi siya kilala ng mga staff dito sa building ng condo ko. Kaya naman heto, nakatayo kami sa labas ng building na ito habang hiyang-hiya ako kay Corvus. Nawala sa isip ko na mahigpit nga pala dito.“So, ano nang mangyayari ngayon? Dapat na ba akong umuwi?” tanong niya sa akin.“Wait, mag-iisip ako ng paraan makapasok tayo sa condo ko,” sagot ko naman sa kaniya.I saw Helena’s car arrive. I smiled because it seemed like I knew what we were going to do. “Corvus, Helena’s car will stop in front of the building. Approach her and talk to her,” utos ko agad sa kaniya.“Sandali, Miss Alina. Sikat na singer ‘yan, for sure may mga bodyguard ‘yan,” reklamo naman niya agad kaya nainis ako.Si Helena na lang ang tanging paraan para makapasok kami sa condo ko kaya nag-isip ako ng magandang paraan. “Here’s the plan, when she gets out of the car, shout the word 'Twinzies',” I told him.“Bakit?”“Basta, sundin mo na lang ang sinasabi ko,” sagot
Alina’s POV I left Corvus alone in my condo to have some time to himself. Meanwhile, I went to my penthouse para makibalita kay Nacho. I also miss my fiancé na kasi. The police keep coming back to my penthouse to investigate. I think Nacho is also finding a way to figure out what happened to me. At sa tingin ko rin, siya na ang susunod na kakausapin namin ni Corvus. Para rin malaman na niya na heto pa ako, pagala-gala pa ang kaluluwa. When I entered the penthouse with the police, I found Nacho sitting on the sofa, sipping wine. He was greeted by the police. He just nodded at them, and then the police proceeded to the veranda. Nacho remained staring into space, his expression serious. I couldn’t see any worry or sadness on his face. Sabagay, ganito naman talaga siya. Hindi ko alam kung malungkot ba o masaya. Seryoso kasi siya palagi, pero napakalambing niyang tao kapag kaming dalawa na lang ang magkasama. Iyon nga lang, hindi siya kagalingan sa kama. Hindi siya todo-bigay. Ewan ko ba
Alina’s POV Tirik ang mata, hubu’t hubád, nakabukáka at halos sarap na sarap si Corvus habang hinihimás ang kargadá niyang napaka-ugat na naman. Palibhasa’t alam niyang wala ako ngayon dito sa condo ko, heto, pinapaligaya na naman niya ang sarili niya. Muli ko na namang nakita ang napalaki niyang armás. Maaga akong bumalik dito para sana ibalita sa kaniya ang mga bago kong kakayahan, kaya lang ito ang nadatnan ko. Para na naman akong nanunuod ng nagla-live na stripper. Hindi muna ako nagsalita. Hindi ko rin alam kung bakit hinayaan ko ang sarili kong manuod sa ginagawa niya. Bakit hindi, kung ganito naman ka-hot itong lalaking hubu’t hubád tapos nilalaro pa ang sarili niyang ari, hindi mo talaga sasayangin makita ang ganitong magandang eksena. Alam kong mali ito, pero hindi ko rin talaga mapigilan ang sarili ko na panuorin siya. Napangisi pa ako nang makita kong gamit niya ang oil ko sa buhok. Siguro nakita niya ito sa banyo ko. Nakakatawa siya, kaya pala makintab tignan ang katawan