"Uh, huwag mo nalang pansinin iyang dalawa. Sige na, ilagay mo na sa kwartong yun ang gamit mo tapos kumain na tayo. " Pag iwas ni Jessie sa nagtatakang mukha ko. Sinunod ko na lamang ang sinabi niya at muling lumabas para kumain."Ay ate girl, ilang taon ka na ba? Alam mo pwede ka sa pinapasukan namin. " Sabi sa akin ni Misha."Gaga! Huwag si Lyrica, pure yan! " singit agad ni Jessie pagkaupo sa harap ng hapag kainan."Sus, sa hirap maghanap ng trabaho ngayon rito sa Maynila e sigurado akong doon din ang bagsak niya. Don't worry, aalagaan naman natin siya doon. Akala mo naman hindi ka sa ganon nagsimula." Sabi ni Misha kay Jessie.Napabuntong hininga na lamang si Jessie."Uh, so Lyrica ang totoo kasi niyan hindi ako sa opisina nagtatrabaho. Hindi kasi ako matanggap tanggap sa mga kompanya rito sa Maynila noon." Panimula niya. "Ayun, sa isang high end na bar ako nagtatrabaho pati na rin itong dalawa. Hindi alam sa probinsiya natin kaya sana ay huwag mo na ring mauulit kay Mildred. So
Last Updated : 2024-02-24 Read more