Home / Romance / A Deal With The Billionaire / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of A Deal With The Billionaire: Chapter 21 - Chapter 30

92 Chapters

Chapter 20

20"Lyrica, table 9." Maikling sabi ni Emir. Kinuha ko naman agad iyon at dinala sa costumer.Nang sigurado akong magaling na sabi Sir Lucian ay bumalik na ako sa trabaho. Tinotoo nga ni Sir Kyros ang sabi niyang dodoblehin niya ang sahod ko, kaya naman malaki laki ang naipadala kong pera kila tatay. Sinigurado ko ring hindi iyon mawawaldas ni ate Cynthia sa mga bisyo niya.Kami naman ni Sir Lucian ay nanatiling magkaibigan. Mas natutuwa pa nga ako ngayon dahil palagi akong nakakalibre ng pamasahe pauwi. Palagi ako nitong inihahatid sa aming apartment, kapalit naman noon ang paglalaba ko at paglilinis ng bahay niya. Isang beses lamang iyon sa isang linggo kaya naman hindi mabigat sa akin."Lyrica, VIP 009." Sabi agad sa akin ni Emir pagkabalik ko sa kanya.Araw ng sabado ngayon at ito ang araw na mayroon palaging pinakamaraming costumer. Kumatok ako sa pintuan ng VIP bago pumasok. Ang naroroon ay ang mga kaibigan ni Sir Kyros, tanging si Lucian lamang ang wala na siyang ipinagtaka ko
last updateLast Updated : 2024-03-08
Read more

Chapter 21

21"Lyrica, hindi ba at sinabi ko rin sa iyo noong unang araw mo dito na ayokong may nagkakagulo rito sa Valiente." Striktong sabi ni Sir Kyros sa akin ng makaupo ako sa loob ng opisina niya. Kaharap ko ngayon si Sofia na umiiyak.Napabuntong hininga na lamang ako."Palagi ko pong sinusunod ang patakaran ninyo Sir Kyros." Tumango naman siya at umayos pa ng pag upo."Nagsumbong sa akin si Sofia na inaway mo raw siya kanina." Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para ipagtanggol ang aking sarili, ganito pala ang ginagawa ni Sofia.Maliit akong ngumiti kay Sir Kyros at hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Sofia na madramang umiiyak."Sir Kyros, totoo pong sinagot ko siya kanina dahil naiirita na po ako sa ugali niya...""See, Sir Kyros... Totoo po ang sinasabi ko, inaaway ako niyang bago ninyong waitress! Akala mo lagi kung sinong umasta rito sa Valiente." Mas lumakas ang pag iiyak ni Sofia."Hindi pa ako tapos Sofia." Malamig kong tinitigan ang babae. Masama ang pakiramdam ko at wa
last updateLast Updated : 2024-03-09
Read more

Chapter 22

22Naalimpungatan ako dahil sa gutom, napahawak ako sa ulo ko dahil masakit pa rin iyon."Kumusta ang pakiramdam mo hija? " Tanong sa akin ng isang may kaedaran ng babae. Napalinga naman ako sa paligid."Naririto ka ngayon sa condo ni Sir Lucian, ako si Manang Linda. Ipinakisuyo ka niya sa akin dahil may kailangan raw siyang asikasuhin hija.""Ah ganun po ba. Maraming salamat po sa pag aasikaso sa akin Nanay Linda, pasensiya na rin po at naabala ko pa po kayo." Sinserong sabi ko at napangiti naman siya dahil doon."Hindi ka pala Inglesera hija, akala ko kasi kanina ay foreigner ka. Gusto mo bang kumain muna?" Nangingiting sabi nito sa akin."Hindi po Nanay Linda, laking probinsiya po ako. Ano po bang oras na? " Hindi ko kasi alam kung ilang oras na akong nakatulog."Alas singko pa lang ng umaga hija. ""Napaka aga pa po pala nanay, nakatulog naman po ba kayo?" Ako naman ang nag alala para sa kanya dahil baka napuyat siya dahil sa akin.Napatawa naman siya dahil sa sinabi ko."Naku, ik
last updateLast Updated : 2024-03-10
Read more

Chapter 23(WARNING‼️)

23Nasa ganoong posisyon kami ng biglang may tumikhim sa harap namin. Naroroon na sila Jessie at Shiela. Mabilis ko namang naitulak si Sir Lucian at naiilang na tumayo."Kanina pa ba kayo riyan? " Alanganin kong tanong sa dalawa."Ah, Sir Lucian pinapasok ko na po ang mga kaibigan ni Lyrica." Bumungad din doon si Nanay Linda. Tumango lamang si Sir Lucian at inayos ang sarili. Napangiwi ako ng maalalang naitulak ko nga pala siya."May gym sa baba, doon na muna ako Lyrica. Pwede kayong magstay sa kwarto ko para mas makapagpahinga ka. Maiwan ko na kayo." Hinalikan pa ako nito sa noo at saglit na pumasok sa kwarto, kita ko na may hawak na siyang hoodie jacket. Wala namang imik ang dalawa na naupo sa tabi ko. Ni hindi na rin sila nakapagpaalam kay sir Lucian.Inaya ko na lamang sila sa kwarto."Uh? So what's that? " Wala sa sariling sabi ni Shiela. "Nasanay na kasi si Sir Lucian na humahalik sa noo ko..." Namumulang sabi ko, nag iwas ako ng tingin sa dalawa."Anong nasanay Lyrica? Paki e
last updateLast Updated : 2024-03-10
Read more

Chapter 24

24Mas naging malambing sa akin si Lucian ng mga sumunod na araw. Halos ayaw na niyang mawawala ako sa tabi niya, hindi rin siya pumasok sa trabaho dahil siya raw ang mag aalaga sa akin.Yun namang nangyari noong nakaraan ay hindi na rin nasundan, pagkatapos kong labasan ay nilinisan pa niya ako at saka siya umalis sa kwarto. "Lyrica darling, anong gusto mong kainin? " "Ikaw na ang bahala Lucian.""Bakit palagi na lang ako ang bahala hmm? " Malambing pa itong yumakap sa aking may likuran."Ikaw kasi ang mapili sa pagkain." Napahalakhak naman siya dahil sa sinabi ko."Huwag ka ngang tumawa riyan, totoo naman ang sinasabi ko. Siya nga pala, uuwi na ako mamaya sa apartment." Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin at saka ako iniharap sa kanya."Magaling na ako Lucian, kailangan ko ng umuwi." Napabuntong hininga naman ito."Hindi naman kita mapipigilan." Parang wala lang na sabi niya. "Ihahatid na lamang kita mamaya pauwi sa inyo." Ngumiti naman ako sa kanya."Salamat Lucian, bab
last updateLast Updated : 2024-03-11
Read more

Chapter 25

25"Ayan Annika, malinaw na ba? " Excited na sabi ko."Oo ate. Tay! Ito na si Ate Lyrica." Tumakbo ito palabas ng bahay para puntahan si tatay."Lyrica anak! Kumusta ka? " Natutuwang sabi ni tatay.Inintay ko pa na makasahod ako para mapadalhan ng pambili ng cellphone si Annika at Boyet, bukod sa makakapagvideo call na kami ay magagamit rin nila ito sa pag aaral. "Ayos lang tay, kayo po kumusta? " Maiyak iyak pa ako ng makita ko sila sa video call. Sobrang miss na miss ko na sila. "Ayos lang din anak, nakabili na kami ng isang kabang bigas dahil sa padala mo tsaka naibili na rin ng gatas ang mga pamangkin mo. " Nakangiting sabi nito."Ganun po ba, mabuti naman po tay.""Ate, binilhan namin si tatay nung radio na rechargable para kapag nasa bukid siya ay nakakapakinig siya ng balita o kaya naman ay musika." Magiliw rin na sabi ni Boyet. "Oo nga ate, tuwang tuwa nga si tatay." Tumatawang sabi ni Annika."Mabuti naman. Sa susunod kapag kaya ng budget ko, bumili kayo ng telebisyon para
last updateLast Updated : 2024-03-11
Read more

Chapter 26

26"Anong ginagawa mo rito Marco? " Tanong ko sa kanya ng makabawi ako mula sa aking pagkagulat.Napatingin pa ako sa paligid at mukha namang nag iisa siya."Ikaw ang dapat tinatanong ko Lyrica, saan ka galing at bakit ganyan ang suot mo? " Galit na sbai nito at lumapit sa akin.Napansin ko ang nakasilip na kapitbahay namin sa kabilang pader. Mag aalasais pa lang ng umaga may sumasagap na agad ng balita.Napabuntong hininga naman ako saka inaya sa loob ng bahay si Marco. Sumama naman ito sa akin, siguro ay napansin niya rin ang taong nakasilip sa kabila."Ano Lyrica? Hindi mo ba ako sasagutin ha? " "Kumalma ka nga Marco. ""Paano ako kakalma ? Alam mo ba ang sabi sa akin ng kapitbahay niyo? Sa Bar ka daw nagtatrabaho Lyrica! Kasama mo daw doon iyong pinsan ni Mildred! " Halos sigawan na ako ni Marco dahil sa galit niya."Waitress lang ako doon Marco, wala akong ibang trabaho doon." Napabuntong hiningang sabi ko."Waitress? May pinag aralan ka Lyrica! Hindi ka rin naman bobo. Bakit gan
last updateLast Updated : 2024-03-12
Read more

Chapter 27

27"Marco, pwede mo akong kausapin ng hindi mo ako sinisigawan." Seryosong sabi ko rito. Kami na lamang dalawa ang naririto ngayon sa bahay dahil isinama ni Sir Kyros si Jessie. Mabuti na raw iyon para makapag usap kami ng maayos ni Marco."Sinong hindi magagalit Lyrica ha? Itinago mo sa amin ang naging trabaho mo rito. Tapos ngayon may lalaki ka ng iniuuwi rito sa tinitirhan ninyo. Sa tingin mo anong iisipin ng tatay mo ha? " Inis na inis pa ring sabi nito." Kaya nga hindi ko masabi sabi sa inyo dahil sa alam kong magagalit kayo, isa pa nahihiya akong sabihin sa inyo ang kinabagsakan kong trabaho rito." Naiiyak na sabi ko."Talagang nakakahiya Lyrica! Sino ang lalaking iyon ha? Binayaran ka na ba niya para makasiping ka? Kaya ganyan na lamang ang turing ninyo sa isa't isa." Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya. Natigilan naman siya dahil doon."Lyrica...""Tama na Marco. Masyado ng masasakit ang mga sinasabi mo. Kanina pa akong nagpapaliwanag sa iyo pero parang hindi iy
last updateLast Updated : 2024-03-13
Read more

Chapter 28

28(Letter)"Anong plano mo ngayon Lyrica? Mukhang ayaw talagang umuwi ni Marco ng hindi ka kasama." Tanong sa akin ni Jessie, naghahanda kami ngayon para sa aming pagpasok sa Valiente. Bumalik siya nitong hapon at si Shiela naman ay dumating kaninang alas dos. Umuwi rin ako kinabukasan pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa. "Oo nga Lyrica. Graduating iyong si Marco hindi ba? " Sabi naman ni Shiela sa akin."Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa kanya. " Napabuntong hiningang sabi ko. Mag iisang linggo na rito si Marco, kinausap na rin niya si Jessie at Shiela na dito daw muna siya hangga't hindi ako sumasama sa kanya pauwi sa amin. Pumayag naman silang dalawa dahil walang titigilan na bahay si Marco, siya ngayon ang nag aasikaso sa bahay kapag wala kami. Hindi rin kami masyadong nag uusap na dalawa. Napapansin rin iyon ng mga kaibigan namin kapag kavideo call namin sila. Sigurado akong uulanin ako ng tanong ni Mil at Krisha kapag kami lang tatlo ang magkakausap. Hindi pa ako ha
last updateLast Updated : 2024-03-14
Read more

Chapter 29

29Nakarating kami sa lugar nila Misha, agad naming ipinagtanong kung saan ang kanilang bahay. Malapit sa dagat ang mga kabahayang pinagtanungan namin at rinig na rinig ko ang alon na humahampas sa dalampasigan."Tsk, hindi niyo naman sinabi na ganitong lugar pala ang pupuntahan natin." Nagmamaktol na sabi ni Sir Xyver, nakasoot pa kasi ito ng pang opisina kaya halos siya ang pinagtitinginan ng mga taong nadaraanan namin.Pare pareho naman kaming natawa dahil sa sinabi niya."Sana kasi nagtanong ka." Pang aasar naman dito ni Sir Kyros. Napailing na lamang si Lucian at Sir Helios.Tatlong sasakyan ang ginamit namin. Magkasama kami ni Lucian sa kotse niya, si Jessie at Kyros naman ang magkasama. Samantalang kasama naman sa kotse ni Shiela sila Sir Helios at Sir Xyver. Ayaw niya raw sumabay sa amin dahil baka masuka lang daw siya. Tinawanan nga lang siya ni Jessie kanina."Dito na ata iyon." Sabi ni Jessie ng marating namin ang tapat ng bahay na itinuro sa amin. Isa itong tipikal na baha
last updateLast Updated : 2024-03-15
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status