24Mas naging malambing sa akin si Lucian ng mga sumunod na araw. Halos ayaw na niyang mawawala ako sa tabi niya, hindi rin siya pumasok sa trabaho dahil siya raw ang mag aalaga sa akin.Yun namang nangyari noong nakaraan ay hindi na rin nasundan, pagkatapos kong labasan ay nilinisan pa niya ako at saka siya umalis sa kwarto. "Lyrica darling, anong gusto mong kainin? " "Ikaw na ang bahala Lucian.""Bakit palagi na lang ako ang bahala hmm? " Malambing pa itong yumakap sa aking may likuran."Ikaw kasi ang mapili sa pagkain." Napahalakhak naman siya dahil sa sinabi ko."Huwag ka ngang tumawa riyan, totoo naman ang sinasabi ko. Siya nga pala, uuwi na ako mamaya sa apartment." Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin at saka ako iniharap sa kanya."Magaling na ako Lucian, kailangan ko ng umuwi." Napabuntong hininga naman ito."Hindi naman kita mapipigilan." Parang wala lang na sabi niya. "Ihahatid na lamang kita mamaya pauwi sa inyo." Ngumiti naman ako sa kanya."Salamat Lucian, bab
25"Ayan Annika, malinaw na ba? " Excited na sabi ko."Oo ate. Tay! Ito na si Ate Lyrica." Tumakbo ito palabas ng bahay para puntahan si tatay."Lyrica anak! Kumusta ka? " Natutuwang sabi ni tatay.Inintay ko pa na makasahod ako para mapadalhan ng pambili ng cellphone si Annika at Boyet, bukod sa makakapagvideo call na kami ay magagamit rin nila ito sa pag aaral. "Ayos lang tay, kayo po kumusta? " Maiyak iyak pa ako ng makita ko sila sa video call. Sobrang miss na miss ko na sila. "Ayos lang din anak, nakabili na kami ng isang kabang bigas dahil sa padala mo tsaka naibili na rin ng gatas ang mga pamangkin mo. " Nakangiting sabi nito."Ganun po ba, mabuti naman po tay.""Ate, binilhan namin si tatay nung radio na rechargable para kapag nasa bukid siya ay nakakapakinig siya ng balita o kaya naman ay musika." Magiliw rin na sabi ni Boyet. "Oo nga ate, tuwang tuwa nga si tatay." Tumatawang sabi ni Annika."Mabuti naman. Sa susunod kapag kaya ng budget ko, bumili kayo ng telebisyon para
26"Anong ginagawa mo rito Marco? " Tanong ko sa kanya ng makabawi ako mula sa aking pagkagulat.Napatingin pa ako sa paligid at mukha namang nag iisa siya."Ikaw ang dapat tinatanong ko Lyrica, saan ka galing at bakit ganyan ang suot mo? " Galit na sbai nito at lumapit sa akin.Napansin ko ang nakasilip na kapitbahay namin sa kabilang pader. Mag aalasais pa lang ng umaga may sumasagap na agad ng balita.Napabuntong hininga naman ako saka inaya sa loob ng bahay si Marco. Sumama naman ito sa akin, siguro ay napansin niya rin ang taong nakasilip sa kabila."Ano Lyrica? Hindi mo ba ako sasagutin ha? " "Kumalma ka nga Marco. ""Paano ako kakalma ? Alam mo ba ang sabi sa akin ng kapitbahay niyo? Sa Bar ka daw nagtatrabaho Lyrica! Kasama mo daw doon iyong pinsan ni Mildred! " Halos sigawan na ako ni Marco dahil sa galit niya."Waitress lang ako doon Marco, wala akong ibang trabaho doon." Napabuntong hiningang sabi ko."Waitress? May pinag aralan ka Lyrica! Hindi ka rin naman bobo. Bakit gan
27"Marco, pwede mo akong kausapin ng hindi mo ako sinisigawan." Seryosong sabi ko rito. Kami na lamang dalawa ang naririto ngayon sa bahay dahil isinama ni Sir Kyros si Jessie. Mabuti na raw iyon para makapag usap kami ng maayos ni Marco."Sinong hindi magagalit Lyrica ha? Itinago mo sa amin ang naging trabaho mo rito. Tapos ngayon may lalaki ka ng iniuuwi rito sa tinitirhan ninyo. Sa tingin mo anong iisipin ng tatay mo ha? " Inis na inis pa ring sabi nito." Kaya nga hindi ko masabi sabi sa inyo dahil sa alam kong magagalit kayo, isa pa nahihiya akong sabihin sa inyo ang kinabagsakan kong trabaho rito." Naiiyak na sabi ko."Talagang nakakahiya Lyrica! Sino ang lalaking iyon ha? Binayaran ka na ba niya para makasiping ka? Kaya ganyan na lamang ang turing ninyo sa isa't isa." Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya. Natigilan naman siya dahil doon."Lyrica...""Tama na Marco. Masyado ng masasakit ang mga sinasabi mo. Kanina pa akong nagpapaliwanag sa iyo pero parang hindi iy
28(Letter)"Anong plano mo ngayon Lyrica? Mukhang ayaw talagang umuwi ni Marco ng hindi ka kasama." Tanong sa akin ni Jessie, naghahanda kami ngayon para sa aming pagpasok sa Valiente. Bumalik siya nitong hapon at si Shiela naman ay dumating kaninang alas dos. Umuwi rin ako kinabukasan pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa. "Oo nga Lyrica. Graduating iyong si Marco hindi ba? " Sabi naman ni Shiela sa akin."Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa kanya. " Napabuntong hiningang sabi ko. Mag iisang linggo na rito si Marco, kinausap na rin niya si Jessie at Shiela na dito daw muna siya hangga't hindi ako sumasama sa kanya pauwi sa amin. Pumayag naman silang dalawa dahil walang titigilan na bahay si Marco, siya ngayon ang nag aasikaso sa bahay kapag wala kami. Hindi rin kami masyadong nag uusap na dalawa. Napapansin rin iyon ng mga kaibigan namin kapag kavideo call namin sila. Sigurado akong uulanin ako ng tanong ni Mil at Krisha kapag kami lang tatlo ang magkakausap. Hindi pa ako ha
29Nakarating kami sa lugar nila Misha, agad naming ipinagtanong kung saan ang kanilang bahay. Malapit sa dagat ang mga kabahayang pinagtanungan namin at rinig na rinig ko ang alon na humahampas sa dalampasigan."Tsk, hindi niyo naman sinabi na ganitong lugar pala ang pupuntahan natin." Nagmamaktol na sabi ni Sir Xyver, nakasoot pa kasi ito ng pang opisina kaya halos siya ang pinagtitinginan ng mga taong nadaraanan namin.Pare pareho naman kaming natawa dahil sa sinabi niya."Sana kasi nagtanong ka." Pang aasar naman dito ni Sir Kyros. Napailing na lamang si Lucian at Sir Helios.Tatlong sasakyan ang ginamit namin. Magkasama kami ni Lucian sa kotse niya, si Jessie at Kyros naman ang magkasama. Samantalang kasama naman sa kotse ni Shiela sila Sir Helios at Sir Xyver. Ayaw niya raw sumabay sa amin dahil baka masuka lang daw siya. Tinawanan nga lang siya ni Jessie kanina."Dito na ata iyon." Sabi ni Jessie ng marating namin ang tapat ng bahay na itinuro sa amin. Isa itong tipikal na baha
30Hanggang sa makarating kami sa bahay ng magulang ni Misha ay hindi na ako kinibo ni Lucian, mukhang napikon nga talaga siya dahil sa biro ko kanina. "Tay, andito na kami. May mga kasama nga pala ako." Kita ko ang saya sa mukha ni Misha kaya naman napangiti ako."Magandang tanghali po." Bati ko sa kanila, nagmano ako sa magulang ni Misha. Nang makita iyon ng aming mga kasama ay agad din nila iyong ginawa saka bumati sa mga ito.Napatawa naman si Misha at Sir Darius dahil doon."Hindi mo naman sinabi Misha na may darating ka palang bisita." Sabi ng nanay nito.Napatikhim naman si Jessie bago umimik."Nagpagpasyahan po naming isurprise itong kaibigan namin Inay Iska.""Hay nako, kayo talagang mga kabataan. Tingnan mo itong anak ko, sinurprise din kami sa pag uwi niya. " Tumatawang sabi ni Nanay Iska, napasimangot naman si Misha dahil doon."Si nanay talaga." "Aba, natuwa pa nga ako noong sinabi mong buntis ka. Akala ko ay hindi na ako magkakaapo sa iyo Misha." Nasamid naman pareho
31Nagulat na lang ako sa mga sunod sunod na tawag at chat ni Mildred ng magbukas ako ng aking cellphone.From:MildredLyrica? Anong nangyari sa inyo diyan ni Marco? Bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Marco?Lyrica? Nag away ba kayo?Lyrica? Magreply ka naman. Nag aalala kami kay Marco. Hindi niya kami pinapansin.Lyrica, ano bang pinaggagagawa mo? Inaway mo ba si Marco? Nakaluwas ka lang ng Maynila sisirain mo na ang pagkakaibigan natin. Magreply ka naman. Ikaw ang magpaliwanag dahil hindi namin makausap si Marco.Mapait naman akong napangiti. Tinawagan si Mildred."Mabuti naman at naisipan mo ng tumawag. Ano bang nangyari sa inyo ni Marco? Inaway mo ba siya?" Tanong sa akin ni Mildred."Hindi naman kami nag away Mil, nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaintindihan. Sinubukan ko naman din siyang kontakin kaso hindi niya ako sinasagot." Malumanay na sabi ko."Ano ba kasing ginawa mo? " Paangil na sabi nito sa akin."Mil, sa chat mo pa lang sa akin kanina ay iniisip mong a
SPECIAL CHAPTER"May gusto ka bang kainin darling? "Masuyong tanong ni Lucian sa kanyang asawa."Wala, lumayo ka nga sa akin Lucian. Ano ba iyang amoy mo? " Nagulat naman si Lucian sa tinuran ng kanyang asawa."Darling? Kakaligo ko lang. Iyon pa rin namang dati ang gamit kong pabango.""Maligo ka ulit! Ayoko ng amoy mo. Tsaka parang gusto ko yata ng sunny side up na itlog mahal, yung luto yung dilaw tapos may paminta. Ipagluluto mo ba ako? " Bigla namang nagpacute si Lyric sa asawa. Natawa na lamang siya sa kanyang asawa. Naikwento na sa kanya ni Helios ang weird na cravings ni Lyrica kapag buntis ito. Naligo na lamang ulit siya at hindi naglagay ng pabango, pagkatapos ay nagluto na siya ng gusto ni Lyrica."Darling, ito na iyong pinapaluto mo.""Yehey, thank you mahal." Yumakap sa kanya si Lyrica."I love you darling." Hinalikan niya ito sa noo."I love you too mahal." Sa Cebu na nila napiling manirahan, bumili si Lucian ng sarili nilang lupa doon. Kapag kinakailangan siya sa Mayn
EPILOGUEMaagang gumising ang mag anak ni Lucian dahil uuwi sila ngayon sa Maynila. Anibersaryo ng kanyang mga magulang at sinabihan na niya ang mga dapat sabihan na itago muna ang mga alam nila tungkol sa kambal, gusto niyang sorpresahin ang kanyang magulang."Daddy? Magugustuhan kaya kami ni Lola? " "Oo naman anak, sigurado akong matutuwa sila kapag nakita nila kayo." Magiliw na sabi ni Lucian sa kanyang kambal. "Lucian, okay na ang mga dadalhin natin. ""Let's go na." Ngiti ni Lucian sa dalawamg bata. Nauna nang umalis ang magulang at kapatid ni Lyrica, inimbitahan rin sila ng mamà at papà ni Lucian dahil hindi pa sila nagkakakilala.Medyo nagpalate na rin ang pamilya ni Lucian.Naunang pumasok sa loob ng bahay si Lucian."Hijo? Nasaan si Lyrica? ""Happy Anniversary sa inyo ma, inaasikaso pa po ni Lyrica iyong regalo namin sa inyo Mamà. ""My god Lucian! Iniwan mo ang asawa mo sa labas para lang diyan! Puntahan mo si Lyrica! Siya ang gusto kong makita." Hinampas si Lucian ng kan
89"DADDY! " Masayang sigaw ng aking kambal ng makita nila ako sa kanilang eskwelahan, nagsusummer class sila ngayon dahil sa pasukan ay papasok na sila sa daycare.Napangiti naman ako ng sabay silang tumakbo palapit sa akin." Surprise! " Ngiti ko sa kanila at sinalubong nila akong dalawa ng yakap."Daddy, hindi na kami inaway kanina ni Stephen pero pumasok siya.""Huwag niyo na lang siyang pansinin mga anak ko ha? Mas mabuti nang kayo ang umiwas sa kanya. " Malumanay ang ngiti na ibinigay ko sa kanila. Hindi ko na pinasama si Lyrica dahil galit na galit siya. Mabuti na lamang at nakinig siya sa akin. FLASHBACKNakaupo ako ngayon sa opisina ng principal. Hinihintay ko ang magulang na nagreklamo sa anak ko."Good afternoon po Sir. Ano pong sadya niyo rito?""Good afternoon. I'm Lucian Drivas, nandito ako dahil may nagpatawag sa magulang ng mga anak ko. Ako po ang ama nina Lyra at Lyla." Mukha namang nagulat ang principal."Ah, okay po Sir. Papunta na po rito ang magulang ni Stephen."
88Nang makita ko si Lyrica ay halos magwala na ang sistema ko. Sobrang lakas talaga ng epekto niya sa akin.Nang makita ko siya bar noon ay hindi ko na naipigilan ang sarili ko. "You've change Lyrica." She's fiercer than before... Proud ako sa kanyang nakausad siya sa loob ng apat na taon."Bakit ka umaatras? Takot ka ba sa akin? " Napaatras siya ng bigla akong lumapit sa kanya. Napangisi naman ako dahil doon."Nasa taas sila kuya, kung sila ang ipinunta mo ay nandoon sila." Seryosong sabi niya." Hmm, okay." Parang wala lang na sabi ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong galit pa rin siya sa akin.."Wait, may nalimutan ako." Anong pagpipigil? Damn, I miss her so much!"Hmmp! " Pilit siyang kumakawala sa hawak ko sa kanya."Kiss me back Lyrica." Napangiti na lamang ako ng gumanti siya ng halik sa akin. Kaya lamang ay mas naging agresibo pa ang halik niya... May kasamang galit at hinanakit.Nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa maselang bahagi ng aking katawan.Fu
87Sinubukan kong alukin siya ng kasal kapalit ng malaking halaga. Idinahilan ko sa kanyang kailangan kong maikasal para makakuha ng mana mula kay Lolo. It's a desperate move pero iyon lang ang naisip kong paraan para makuha ko siya."You're crazy Lucian! Way crazier than me." Umiiling pang sabi sa akin noon ni Darius.Pinaimbestigahan ko noon si Lyrica, kung saan siya nagmula at ang lahat ng tungkol sa kanya. Ginawa ko iyon para makaisip pa ng ibang paraan para maikasal siya sa akin.Doon ko nalamang kapatid siya sa ama ni Helios. Itinago ko iyon dahil alam kong ilalayo siya sa akin ng aking kaibigan.Dumating sa puntong kinailangan niya ng tulong ko, dahil naospital si tatay Mario. Agad ko naman siyang tinulungan at hindi ko naisip na papayag na siyang magpakasal sa akin. Alam kong hindi ako mahal ni Lyrica kaya naman ang biglaang pagpapakasal namin ang pinakamainam na paraan para hindi na siya mawala sa akin. Minadali ko ang kasal namin dahil alam ko nang nalaman na ni Helios ang t
86LUCIAN'S POV"Hello, Kyros? Napatawag ka? May meeting ako ngayon." Bungad ko sa aking kaibigan ng sagutin ko ang tawag niya." Hello bud! Punta ka naman dito sa Valiente! Ano buburuhin mo na naman ang sarili mo sa trabaho? Balita ko ay nabobore ka na talaga diyan! " Tumatawang sabi nito sa akin."Sa ibang araw na lang." Maikling sabi ko sa kanya at saka pinatay ang tawag. Mas marami pa akong kailangang gawin kesa ang manood ng mga babaeng sumasayaw sa bar niya.Hindi na rin lingid sa aking kaalaman na front lamang ito upang makakuha ng impormasyon sa mga mayayamang mayroong ilegal na gawain dito sa loob ng bansa. Tatlo silang kaibigan ko na doon nagtatrabaho, maganda ang layunin ng organisasyong kinabibilangan nila Kyros kaya naman minsan na rin akong nagsponsor doon. Habang pumipirma sa mga papeles na nasa table ko ay tumawag sa akin si Mamà Fillys."Hello mamà? Napatawag ka? May problema po ba? ""Wala naman anak, namimiss na kasi kita. Hindi ka na naman umuuwi dito sa bahay. " N
85Ngayong araw ang uwi namin sa Cebu. Natawa ako ng makitang excited na excited siya sa pag uwi namin, napakarami niyang pasalubong para sa mga bata. Kinausap rin namin si tatay tungkol dito. Hindi rin naman siya tutol sa nais naming gawin."Namumutla ka yata. " Pang aasar ko sa kanya." Tsk, baka hindi ako magustuhan ng mga anak natin.""They will love you for sure Lucian. Sabi pa naman nila ang gusto nilang pasalubong ay ang daddy nila." Ngiti ko sa kanya. Naikwento ko kasi kay Lucian ang paghahanap ng daddy nila Lyra.Napahinga ng malalim si Lucian. Kinaon kami ni Kuya Roy sa babaan ng helicopter."Sabi ko sayo Lyrica e! Huwag kang magsasalita ng tapos! " Pang aasar nito sa akin."Tigilan mo nga ako kuya Roy! Naririto siya para sa kambal." Nasabi ko na kasi sa kanila na kasama ko si Lucian para hindi na aila magulat na kasama ko siya."Kumusta po kayo Kuya Roy? " Bati naman ni Lucian."Ayos lang naman Lucian. Halina kayo, inaantay na kayo ng mga bata." Nakangiti lamang na sabi n
84Nagsimula ang kasal ni Jessie at Kyros, tahimik lamang kaming nakikinig sa pari nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.Si Lucian iyon at nakatitig siya sa akin, nasa kabilang side siya ng simbahan. Nginitian ko na lamang siya."Award ka mi! Parang mga bagong nagliligawan a? " Natatawang sabi sa akin ni Shiela."Sshh, huwag nga ka ngang maingay. " Saway ko sa kanya, aasarin niya lamang ako." Teenager yarn! " Dagdag pa ni Misha. Napabuntong hininga na lamang ako. "You may now kiss the bride." Huling sabi ng pari at nagpalakpakan kami. Nakangiti namang itinaas ni Kyros ang belo ni Jessie."Mukbangin mo! " Rinig na rinig sa loob ng simbahan ang sinabing iyon ni Xyver kaya naman nagkatawanan kaming mga naroroon. Inakbayan naman ni Darius si Xyver at saka tinakpan ni Lucian ang bibig nito. Natawa ako sa ginawa nila sa maingay nilang kaibigan."Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging loko loko ni Xyver." Umiiling na sabi ni Shiela.Dumiretso kami sa reception, magkakasama kami
83Naging maayos ang pamimili naming dalawa ni Lucian kahapon. Ngayong araw naman ang kasal nila Jessie kaya naghahanda na ako sa pagpunta ko doon. Abay ako at forest green ang motif nila, nakasuot ako ng trumpet style na gown na mayroong slit sa gilid. Pinakulot ko na lamang ang aking buhok at nilagyan iyon ng kaunting palamuti. Susunduin daw ako ni Lucian para daw sabay kaming pupunta sa simbahan. Nagmessage na rin ako sa kanya na tapos na akong mag ayos. "Hello, Shiela? Napatawag ka? " Bungad ko kay Shiela ng tumawag ito sa akin."Papunta ka na ba sa simbahan? ""Yep, why? May problema ba? ""Wala naman, just checking on you ghurl! " Tumatawang sabi niya."Ah, okay. Susunduin ako ni Lucian, sabay kasi kaming pupunta sa simbahan." "Ay, ang haba ng hair ha? " Halakhak niya."Baliw! Matagal na kaya!" Panggagatong ko sa pang aasar niya."Ay! Iba ka talaga! Paunahin mo muna kami ni Xyver ha? " Mas lalo kaming nagkatawanan."O siya, I'll hung up na. " Sabi nito sa akin.Hindi ko alam p