Share

Chapter 3

Author: Isabel G
last update Huling Na-update: 2024-01-25 01:16:18

  “Pinirmahan ko na ang lahat ng annulment papers na pinadala mo sa akin, at please lang, pumunta ka sa Civil Affairs Bureau bukas ng umaga para kunin ang annulment certificate.”

         Matapos niyang sabihin ‘yon ay pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok at saka tinalikuran si Marco. Taas-noo siyang lumabas ng conference room. Umirap pa siya nang marinig ang lagabog sa loob niyon, tila ba nagbasag ng tasa ng kape si Marco, at pagkatapos ay in-announce na ni Xian na tapos na ang meeting…

  “Buti nga sa ‘yo,” bulong ni Anna na lihim na napangiti.

         Alam niyang marahil ay nanggagalaiti na sa galit si Marco, ngunit wala na siyang pakialam pa.

         Magmula ngayon ay wala na siyang kaugnayan ni katiting sa lalaking ‘yon!

         Matapos lisanin ang Riego Corporation, bumalik si Anna sa hotel. Umalis na siya sa bahay na pagmamay-ari ni Marco, bitbit ang dalawang maliit na suitcase na naglalaman ng kanyang mga damit. 

         Sa hotel room…

         Narinig ni Anna ang pagtunog ng kanyang phone. Nakita niya ang pangalan ni Xian sa screen. Noong una ay nagdadalawang-isip pa si Anna, ngunit sa huli ay sinagot niya ang tawag ng personal assistant ni Marco.

         “Madam,” kalmadong tawag sa kanya ni Xian. Noon pa man, isa ito sa mga taong nakakaalam ng totoong relasyon nila ni Marco.

         “Xian, sinagot ko lang ang tawag mo para sabihin na iniwan ko ang susi ng bahay kay Manang Ising.”

         “Madam, seryoso na po ba talaga kayo sa desisyon niyo?” nag-aatubiling tanong ni Xian.

         “Bakit? Sa tingin mo ba ay nahihibang na ako?”

         “Pero hindi ba’t mahal niyo po si Mr. Riego?”

         Gustuhin niya mang sigawan si Xian sa sinabi nito ay hindi niya magawa. Kahit pa nagtatrabaho ito kay Marco ay tinrato siya nito nang maayos sa loob ng tatlong taon.

         Napabuntonghininga si Anna. Ramdam pa rin niya ang sakit sa kanyang puso kapag inaalala ang pagmamahal na mayroon siya para kay Marco. Sa isip niya, ito ba ang kapalit ng lahat ng ginawa niya noon?

  O baka naman ito na ang paraan ng Diyos para turuan siya ng leksyon—na ang one-sided love ay walang patutunguhan.

         “Kinalimutan ko nang minahal ko siya, Xian.” Napatingin si Anna sa kanyang palasingsingan. Naroon pa rin ang marka ng kaniyang wedding ring na noon ay hindi niya nagawang hubarin. “Nilagay ko ang wedding ring sa drawer na katabi ng kama. Hindi rin ako nagdala ng mga gamit na binili sa akin ni Marco noon.” Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. “Kung sakali man na hindi makakapunta si Marco sa Civil Affairs Bureau bukas, ikaw na lang ang kumuha ng annulment certificate para sa kanya.”

         Matapos nang pakikipag-usap kay Xian ay binaba na niya ang tawag.

Ilang beses pang tumawag si Xian nang araw na ‘yon, pero na ito sinagot ni Anna. Hanggang sa marinig na lamang ni Xian ang automated message na nagsasabing pinatay na nito ang phone.

“Mr. Riego, hindi ko na po ma-contact si Madam,” pagre-report ni Xian kay Marco.

Sa harap ng engrandeng office desk ay nakatayo si Marco habang minamasahe ang kanyang sintindo. Pabalik-balik ang tingin nito sa pirmadong annulment papers na nasa kanyang mesa.

         Walo iyon. Lahat ay may pirma ni Anna.

         “She didn’t ask for money?” tanong niya kay Xian.

         Umiling ang kanyang assistant. “Hindi po, Mr. Riego.”

         “That’s ridiculous!” sigaw niya.

         He remembered that he asked Xian to prepare those goddamn documents. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit pumirma si Anna nang ganun-ganon na lang at hindi humingi ng kahit singko sa kanya.

         Imbis na manghingi ng pera ay umalis ito sa kanilang bahay. Wala ni isang alahas na dala maliban sa kanyang mga damit.

         Tanga ba ito? Pumirma ng annulment papers kahit na walang kapalit? Hindi ba’t pera ang rason nito kung bakit gusto nitong magpakasal sa kanya?

  “What are you up to, Anna?” Kinuyom ni Marco ang kamay at nanggigil na pinagmasdan ang annulment papers. “You didn’t ask for money. Hanggang kailan ka magpapanggap?”

***

Kinabukasan…

Eksaktong alas otso nang umaga nang makarating si Anna sa gate ng Civil Affairs Bureau, naghihintay sa pagdating ni Marco.

Gumamit ng ibang kotse si Marco at huminto malapit sa lugar nang mga bandang 8:10 AM.

Mula sa car window, pinagmasdan ni Marco si Anna.

Napatali ang kulay orange-pink nitong buhok; ang dulo niyon ay bahagyang nakakulot. May makeup din ito sa mukha, dahilan upang mas lalo pang lumutang ang natural nitong ganda.

Suot ang isang fitted silky dress, tila ba nagliliwanag ang kanyang maputing balat. Kahit sinong lalaki ay mapapatitig sa kanya dahil din sa magandang hubog ng kanyang pangangatawan.

Sinong ma-aakala na ang magandang babaeng katulad niya ay kukuha ng annulment certificate ngayong araw?

         “Damn, Anna. I want know what’s on your mind,” bulong ni Marco.

         Panay naman ang tingin ni Anna sa kanyang wrist watch. Tumagal na ng isang oras ang paghihintay niya ngunit hindi pa rin dumadating si Marco.

         Nagpupuyos na ang damdamin niya dahil mukhang sinasadya ito ng dating asawa. May ilang mga lalaki na rin ang lumapit sa kanya at nagtatanong kung ano’ng pangalan niya o kung libre ba siya, pero wala sa mood niya lamang tinarayan ang mga iyon.

         Samantala, tuloy pa rin sa pagmamatiyag si Marco mula sa loob ng kaniyang kotse. Kita niya kung paano lapitan ng mga lalaki si Anna. Hindi niya mapigilan ang paniningkit ng mga mata at pagtatagis ng kanyang bagang.    

         His lips formed a thin line.

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Ex-Wife Comeback   Chapter 4

    Mula sa driver’s seat ay nakita rin ni Xian ang nangyari sa harap ng Civil Affairs Bureau. Tiningnan nito ang oras. Pasado alas nuebe na at tumataas na rin ang sikat ng araw… “Mr. Riego, kanina pa po nakatayo si Madam sa labas ng gate—” “Bakit? Naiinip ka na ba?” Naiinis na wika ni Marco. Hindi na sumagot si Xian, bagkus ay tinuon ang mga mata sa harapan. Tiningnan naman ni Marco ang klima para sa araw na ‘yon. Ang sabi sa weather update ay magiging maaraw at papalo ng 38 degrees ang temperature sa bandang katanghalian.  Kumunot ang noo niya. “Mag-drive ka na.” “Yes, Mr. Riego.”  Samantala, bagot na sa paghihintay si Anna. Tatawagan na sana niya si Xian nang makita ang mamahaling kotse na huminto sa kanyang harapan. Isang Bentley. Sa pagkakaalam niya ay isa ito sa pinakamamahaling kotse sa buong mundo. Hindi lahat ng mayayamang pamilya ay mayroong gano’ng klase ng kotse sa Pilipinas. Tanging si… Nan

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • The Billionaire's Ex-Wife Comeback   Chapter 5

    Kinagabihan… Ginugol ni Marco ang kaniyang atensyon sa trabaho matapos ang mga nangyari sa Civil Affairs Bureau. Hanggang mga oras na ‘yon ay nagngingitngit pa rin siya tuwing naaalala ang mga sinabi ni Anna sa kanya. Hindi siya makapaniwala na sa loob lamang ng ilang araw ay nagbago ang ugali ng babae. Dalawang katok mula sa saradong pinto ng kanyang opisina ang nagpabalik sa kanya sa realidad. “Mr. Riego, Ms. Fuentes is here to visit you,” pormal na wika ni Xian mula sa labas ng pinto. Hindi tumigil sa pagbabasa ng mga dokumento si Marco, at hindi rin nag-aksayang mag-angat ng tingin. “Hindi ba’t sabi ko ay hindi ako tatanggap ng bisita?” malamig niyang sabi. “I’m sorry, Mr. Riego. Ang sabi ni Ms. Fuentes ay may mahalaga raw siyang sasabihin sa ‘yo.” Nakakunot-noong nag-angat ng tingin si Marco, pagkatapos ay hinubad ang kanyang suot na gold-rimmed glasses. “Let her in,” aniya habang minamasahe ang kany

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • The Billionaire's Ex-Wife Comeback   Chapter 6

    Hindi tumigil si Marco na ipahanap si Anna. He wanted to speak with her and confront her about her evil tactics. Ngunit kahit ang mga taong inutusan niya para hanapin ang dating asawa’y hindi ito matunton.Marco couldn’t find Anna anymore.Ang malala pa roon ay hindi siya pinatatahimik ng nabasang diagnosis result tungkol sa kondisyon ni Anna.Isang lingo na ang nakakalipas, pero sa sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya, ang salitang cancer ang palagi niyang naiisip. Hindi niya maintindihan kung bakit parang sumisikip ang dibdib niya kapag naiisip iyon.Hindi niya gustong paniwalaan na totoo ang resultang ‘yon. Mas gusto niyang isipin na gawa-gawa lamang iyon ni Anna para maghabol siya sa babae, pero sa mga nagdadaang araw, hindi na rin siya sigurado sa dinidikta ng isip niya.Mabilis na lumipas ang isa pang linggo…Walang ibang ginawa si Marco kung hindi ang igugol ang atensyon niya sa trabaho. Ni wala siyang ganang sagutin ang mga tawag mula sa mga business partner niya at ni Ce

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • The Billionaire's Ex-Wife Comeback   Chapter 1

      “Miss De Vera, ayon sa results ng mga laboratory mo, mayroon kang gastric cancer. I am sorry to say this but it’s already at a critical stage.” Tulalang sumakay sa bus si Anna, naupo sa isa sa mga upuan sa likod hawak-hawak ang piraso ng papel na naglalaman ng resulta matapos niyang magpa-check up. Namumutawi ang lungkot at pangamba sa kanyang mga mata. Kahit mainit ang panahon na ‘yon sa syudad ng Maynila, pakiramdam niya ay yumayakap ang lamig sa kaibuturan niya dala nang matinding takot. Sa loob ng dalawang taon ay madalas siyang mamilipit sa sakit ng tiyan. Noong una ay binaliwa niya lamang ito ngunit nang hindi na niya makayanan ang sakit ay nagpa-check-up na siya sa malapit na ospital para maresetahan ng gamot. Ayon sa doctor na tumingin sa kanya ay kinakailangan niyang mag-undergo ng gastroscopy. Ang buong akala ni Anna ay ordinaryong gastritis lamang ito, subalit isa na pala itong lumalalang cancer sa kanyang katawan! Hindi niya alam kung

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • The Billionaire's Ex-Wife Comeback   Chapter 2

    8 o’clock, Lunes ng umaga, sa isang malawak na conference room na nasa 65th floor ng Riego Corporation Building. Hindi maipinta ang mukha ni Marco sa galit, dahilan kung bakit mainit din ang hangin sa buong conference room. Ang mga board member at high-level officer ay naroon at nagkakatinginan, tila hindi alam kung ano’ng gagawin o kung magsasalita ba ang mga ito. Silang lahat ay naghihintay sa pagdating ni Secretary Anna De Vera. Kahit kailan ay hindi ito nakagawa ng pagkakamali sa trabaho, lalo na ang ma-late sa mga meeting. Ngunit late si Ms. De Vera nang araw na ‘yon. Halos bente minute na ang lumipas nang magsimula ang meeting, at wala pa rin ni anino ng secretary ni Marco. Napatingin sa lalaki ang assistant nitong si Xian. Alam na ni Xian kung ano’ng delubyo ang mangyayari kapag hindi pa nakarating si Anna sa meeting kaya naman lihim niyang kinuha ang kanyang phone sa bulsa para sana i-text si Anna. Pero bago pa man niya mai-send ang text ay

    Huling Na-update : 2024-01-25

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Ex-Wife Comeback   Chapter 3

      “Pinirmahan ko na ang lahat ng annulment papers na pinadala mo sa akin, at please lang, pumunta ka sa Civil Affairs Bureau bukas ng umaga para kunin ang annulment certificate.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok at saka tinalikuran si Marco. Taas-noo siyang lumabas ng conference room. Umirap pa siya nang marinig ang lagabog sa loob niyon, tila ba nagbasag ng tasa ng kape si Marco, at pagkatapos ay in-announce na ni Xian na tapos na ang meeting…  “Buti nga sa ‘yo,” bulong ni Anna na lihim na napangiti. Alam niyang marahil ay nanggagalaiti na sa galit si Marco, ngunit wala na siyang pakialam pa. Magmula ngayon ay wala na siyang kaugnayan ni katiting sa lalaking ‘yon! Matapos lisanin ang Riego Corporation, bumalik si Anna sa hotel. Umalis na siya sa bahay na pagmamay-ari ni Marco, bitbit ang dalawang maliit na suitcase na naglalaman ng kanyang mga damit. Sa hotel room… Narinig ni Anna ang pa

  • The Billionaire's Ex-Wife Comeback   Chapter 2

    8 o’clock, Lunes ng umaga, sa isang malawak na conference room na nasa 65th floor ng Riego Corporation Building. Hindi maipinta ang mukha ni Marco sa galit, dahilan kung bakit mainit din ang hangin sa buong conference room. Ang mga board member at high-level officer ay naroon at nagkakatinginan, tila hindi alam kung ano’ng gagawin o kung magsasalita ba ang mga ito. Silang lahat ay naghihintay sa pagdating ni Secretary Anna De Vera. Kahit kailan ay hindi ito nakagawa ng pagkakamali sa trabaho, lalo na ang ma-late sa mga meeting. Ngunit late si Ms. De Vera nang araw na ‘yon. Halos bente minute na ang lumipas nang magsimula ang meeting, at wala pa rin ni anino ng secretary ni Marco. Napatingin sa lalaki ang assistant nitong si Xian. Alam na ni Xian kung ano’ng delubyo ang mangyayari kapag hindi pa nakarating si Anna sa meeting kaya naman lihim niyang kinuha ang kanyang phone sa bulsa para sana i-text si Anna. Pero bago pa man niya mai-send ang text ay

  • The Billionaire's Ex-Wife Comeback   Chapter 1

      “Miss De Vera, ayon sa results ng mga laboratory mo, mayroon kang gastric cancer. I am sorry to say this but it’s already at a critical stage.” Tulalang sumakay sa bus si Anna, naupo sa isa sa mga upuan sa likod hawak-hawak ang piraso ng papel na naglalaman ng resulta matapos niyang magpa-check up. Namumutawi ang lungkot at pangamba sa kanyang mga mata. Kahit mainit ang panahon na ‘yon sa syudad ng Maynila, pakiramdam niya ay yumayakap ang lamig sa kaibuturan niya dala nang matinding takot. Sa loob ng dalawang taon ay madalas siyang mamilipit sa sakit ng tiyan. Noong una ay binaliwa niya lamang ito ngunit nang hindi na niya makayanan ang sakit ay nagpa-check-up na siya sa malapit na ospital para maresetahan ng gamot. Ayon sa doctor na tumingin sa kanya ay kinakailangan niyang mag-undergo ng gastroscopy. Ang buong akala ni Anna ay ordinaryong gastritis lamang ito, subalit isa na pala itong lumalalang cancer sa kanyang katawan! Hindi niya alam kung

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status