Hindi makapaniwala si Rhian Monleon na naibigay niya ang kanyang sarili sa lalaking hindi naman niya kilala sa unang gabi ng kanilang pagkikita. Umuwi siya ng Pilipinas dahil kasal ng kanyang matalik na kaibigan. Hindi niya inaasahan na makikilala niya si Logan Montereal. Ang lalaking naka-One Night Stand niya. Nagpasya si Rhian na bumalik agad ng Spain dahil iba ang kutob niya sa kanyang nobyo. Gusto rin niyang aminin sa kanyang nobyo ang nagawang niyang pagkakamali. Sa kanyang pagbabalik ano kaya ang matutuklasan niya? Magkikita pa kayang muli sila Rhian at Logan?
View MoreLogan Montereal's Point of ViewFvck! Malulunod siya kung mapupunta siya sa mamalim na iyon. Hindi ba siya nag-iisip?" Galit kong usal. Nilingon ko sila Drew kung nasaan sila at hindi manlang nila napapansin ang babae.Mabilis kong pinuntahan si Rhian. Sakay ng bangka ay unti-unti akong lumapit sa kanya. "Oh, holy shit! Nalulunod na siya." Agad akong tumalon sa bangka upang sagipin siya. Dali-dali kong hinila ang babae sa mababaw na parte ng dagat."Oh my God! Anong nangyari sa kanya?" Gulat na tanong ni Alisha nang makita niyang buhat-buhat ko si Rhian habang walang malay."Muntik na siyang malunod. Nakainom na rin siya ng maraming tubig." Malamig ang boses kong usal. Lahat naman ay natulala. Wala silang kaalam-alam na nalulunod pala ito.Agad kong nilapatan nang paunang lunas ang babae ngunit hindi pa rin ito nagigising."Bitawan mo ang mommy ko!" Galit na usal ni Zane.Halos hindi naman ako makakibo nang marinig ko ang malamig na boses ng aking anak. Hindi ko kayang salubungin an
Logan Montereal's Point of ViewParahes kaming nakahiga ngayon ni Rhian sa malambot na kama at kapwa wala kaming saplot sa katawan. Matapos ng ilang beses namin pagniniig ay para kaming mga lantang gulay na nakabalot sa makapal na kumot. Naka-unan siya sa aking mga braso, samantalang ang kanyang mga braso at binti ay nakadantay naman sa akin.Marahan kong hinalikan ang kanyang noo at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ako makapaniwalang asawa ko na siya ngayon."Kung hindi mo sana ako nilapitan noong gabing iyon, hindi sana kita nakilala." Ani ni Rhian na bahagyang tumingala pa sa akin.Matamis akong napangiti sa kanya at muling binalikan ang mga sandali kung saan kami unang nagkita.***Flashback***Habang nag-iinom kaming magpipinsan sa kabilang cottage ng gabing kasal ni Cedrick ay napansin ko ang isang babae na nagpunta sa tabing dagat kung saan madilim sa gawing iyon. Marami na rin ang mga lasing sa paligid.Pag-aari ko ang resort kung saan ginanap ang kasal ng aking pinsan at aya
Rhian's Point of View"Saan ninyo dadalhin ang anak ko? Bitawan ninyo siya!" Malakas na sigaw ko sa mga lalaking naka-itim. Hawak-hawak nila si Zane habang wala itong malay.Halos kapusin ako nang hininga dahil sa takot na nararamdaman ko.Napagawi ang aking tingin sa kabilang dako. Hawak-hawak din nila si Logan. Sugatan ang katawan nito at may tali ang kanyang mga kamay at paa."Anong kailangan n'yo sa amin? Pakawalan ninyo ang aking mag-ama. Paki-usap." Humagulgol kong usal sa mga ito."Sino ang pipiliin mo sa kanilang dalawa, namimili ka!" Matigas ang boses na usal ng lalaki. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatakip ang kanilang mga mukha. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko kayang mamimili. "No! Parahes ko silang pipiliin. Ako na lang. Ako na lang kunin ninyo. Huwag ang aking mag-ama." Nagmamakaawa kong usal sa mga ito.Ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay may narinig akong sunod-sunod na mga putok."Logaaan!" Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan nang makita ko
Rhian's Point of ViewIsang linggo na ang nakalipas at ngayong araw lalabas ng ospital si Logan. Pinayagan naman siya ng doktor sa bahay na lamang siya magpagaling.Nandito pa ako ngayon sa condo niya at maya-maya lamang ay pupunta na rin ako ng ospital para sunduin sila.Masaya kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng malaking salamin.Nagsuot lamang ako ng simpleng bestida na medyo maluwang sa akin dahil lumalaki na ang aking tiyan. Marahan kong hinimas-himas iyon habang nakangiti. Hindi na ako makapaghintay na lumabas ito."Ms. Rhian, handa na po ang sasakyan." Ani Brooks na kararating lamang.Tumango lamang ako dito at saka sumunod na rin sa kanya. Simula noong nangyari ang pangingidnap sa amin ni Vera ay mas naging alerto na si Brooks. Bantay sarado na rin ako dito at hindi ako basta-basta nakaka-alis ng hindi ito kasama.Mas naging mahigpit na rin ang seguridad na pinatupad ni Logan sa kanyang mga tauhan."Sa prisinto muna tayo, Brooks." Naghihintay na sa akin ang mag-ama
Rhian's Point Of View"Sa simbahan na tayo tumuloy, Brooks." Napalingon naman ako kay Elijah. Akala ko ba ayaw nilang doon kami magtuloy?"Sigurado ka ba, Elijah? Delikado doon kapag nagkasagupa ang mga tauhan ni Logan at Vera." Seryosong usal naman ni Brooks.Mas nadagdagan naman ang pag-aalala ko para sa lalaki. Paano kung may masamang mangyari dito?"Sa ospital tayo." Malamig ang boses na usal ni Zane.Napatingin naman kaming lahat dito. Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang mukha ng aking anak na punong-puno nang pag-aalala."A-anong gagawin natin sa ospital, anak?" Kinakabahan kong usal dito. Ayaw kong isipin na may masamang nangyari sa ama nito. "M-may nangyari bang masama sa daddy mo?" "I don't know, mommy. Pero wala na sa simbahan si daddy. Nasa ospital siya ngayon base sa tracking na nakasaad sa kanyang cellphone."Narinig ko naman na napamura si Drew. Kinuha nito ang kanyang cellphone at ilang saglit lang ay may kausap na ito. "Anong nangyari kay Logan?" "Boss, naba
Third Person's Point of ViewPagkadating pa lamang ni Logan ng Spain ay agad siyang bumyahe pabalik ng Pilipinas. Masama ang kutob niyang may hindi magandang nangyayari.Lalo pang nadagdagan ang kanyang pagdududa nang makatanggap siya ng mensahe galing kay Rhian. Tinawagan niya ito ngunit hindi na niya makontak."Sir, nawawala po ang iyong mag-ina." Ani Brooks nang sagutin nito ang tawag ni Logan.Napamura naman si Logan. Hindi siya mapakali habang nasa byahe. Tiningnan niya ang lokasyon kung nasaan si Zane. Marahil ay magkasama ang kanyang mag-ina.Agad naman niyang nakita kung nasaan ang kanyang mag-ina. Tinawagan niya sina Drew at Elijah. Ngunit bago pa man niya sabihin dito ang tungkol sa pagkawala ng kanyang mag-ina ay alam na pala ng mga ito dahil nag-text na sa kanila si Rhian.Hindi niya maiwasan magtampo kay Rhian dahil tila may tiwala pa ang babae sa kanyang mga pinsan kaysa sa kanya. Hindi rin agad makakarating ang kanyang mga pinsan dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Ha
Rhian's Point of ViewPagkatapos kong makausap si Logan ay mabilis na inagaw sa akin ni Vera ang telepono."Kung gusto mo pang makita ang mag-ina mo, gagawin mo ang gusto ko." Nakangising usal ni Vera."Hindi mo na ako kailangan pang pilitin, Vera. Pakakasalan kita at ibibigay ko sa'yo lahat ng mga ari-arian ko. Pakawalan mo lamang ang mag-ina ko. Ako ang may kasalanan sa iyo, Vera." Paos na usal ni Logan sa kabilang linya.Parang dinudurog naman ang aking puso sa sinabing iyon ni Logan. Gusto kong tumutol sa pagpapakasal nito kay Vera ngunit wala akong magagawa dahil bihag ako ng babae."So, kailan mo ako pakakasalan, Logan? Baka mainip ako at pasabugin ko na lamang itong mag-ina mo." Naiinip na tanong ni Vera. Hindi na siya makapagpahintay na pakasalan siya ng lalaki."Bukas na bukas rin ay pakakasalan kita, Vera. Ngunit kailangan ko munang makasiguradong nasa maayos na kalagayan ang aking mag-ina." Ani Logan."Huwag kang mag-alala, babe. Magpapadala ako ng kanilang larawan. At paka
Rhian's Point of ViewIlang oras na kaming naghihintay ni Rose ngunit hindi pa rin dumarating si Zane. Hindi ko na maiwasan mag-alala para sa aking anak.Nagdadalawang isip naman ako kung sasabihin ko ba iyon kay Logan ngunit ayaw kong mag-alala pa ito habang nasa byahe."Huwag kang mag-alala, ate. Hinahanap na ng matauhan ni sir, si Zane." Pagpapakalma naman ni Rose.Pilit ko naman pinakalma ang aking sarili habang naghihintay sa update nila Brooks. Ilang saglit pa ang dumaan nang may natanggap akong mensahe sa hindi ko kilalang numero.Nanginginig kong binasa iyon, pagkatapos ay namumutla kong nabitawan ang aking cellphone. Muntik na rin akong matumba, mabuti na lamang at nasalo agad ako ni Rose."Anong nangyari sa iyo, ate? Bakit namumutla ho kayo?" Nag-aalalang tanong ni Rose.Marahan niya akong inalalayan na maka-upo. "Si Zane. May dumukot sa kanya, Rose." Nanginginig na saad ko habang nakatitig sa kawalan."Susmaryosep! S-sino naman ang dudukot sa kanya at anong dahilan niya?"
Third Person's Point of View"Whaat? Si Logan ang bagong may-ari ng ating mansyon?" Gulat na tanong ni Vera sa kanyang ina. "Paano nangyari iyon? Akala ko ba sa pinagkaka-utangan ni daddy mapupunta iyon?""Kay Logan Montereal may malaking pagkaka-utang ang daddy mo, Vera. Inamin sa akin ni Alberto. Kaya nga nagawang pagtangkaan ng daddy mo ang buhay ni Logan dahil wala na siyang pambayad dito." Nanlulumong saad ni Divina. Maging ang kanilang kompanya ay pagmamay-ari na rin ng lalaki."Kailangan natin gumawa ng paraan para mabawi natin ang mansyon at kompanya kay Logan, anak. Hindi ko kayang maghirap tayo." Umiiyak na usal ni Divina. Nawala na ang lahat sa kanila."Ngunit paano, mommy? Ginawa ko nang lahat para bumalik sa akin si Logan ngunit hindi nagtagumpay. Iniiwasan na din niya ako. Isang paraan na lamang ang naiisip ko."Nag-aalala naman na tumingin si Divina sa kanyang anak. Tila may hindi magandang tumakbo sa utak nito. Pero kung ano man ang plano nito ay kailangan niya itong s
Rhian Monleon's Points of ViewMalamig na hangin ang dumadampi sa aking manipis at makinis na balat sa mga oras na ito. Nililipad ng hangin ang malambot at mahahaba kong buhok, damang dama ko din ang bawat hampas ng hangin sa aking katawan dahil manipis ang suot kong mini-dressNandito nga pala ako sa Villa Rocca. Ang pinaka sikat na beach resort sa buong isla ng Marinduque. Balita ko ay mayamang binata ang nakabili ng resort na ito. Limang taon na akong hindi nakauwi ng Pilipinas lalo na dito sa probinsya dahil masyado akong busy sa trabaho sa Spain. Tinutulungan ko ang aking nobyo upang makabawi ang kumpanya nito mula sa pagkakalugi. Wala na rin naman akong pamilya dito maliban kila Aling Mila at Mang Abi.Maagang nawala ang aking mga magulang dahil naaksidente ang sinasakyan nito. Tanging naiwan na lang ng mga ito sa akin ay isang malawak na lupain at ang mansyon.Napatingin ako sa hawak kong baso na may laman pang alak. Marami-rami na din ang akong nainom mula pa kanina.Tila isan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments