Walang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroon siya ng chatmate na Kano na nagpapahiwatig sa kanyang gusto siya nito ay dun siya nabuhayan ng dugo na mangarap ulit. Lalo na ng magsabi itong handa daw itong puntahan siya sa Pilipinas para makipagkilala at personal siyang ligawan. Maayos na sana ang lahat maliban lamang sa isang problema: buong akala ng Kano ay seksi siya. Kung noong bata pa siya ay chubby na siya ay mas dumoble pa ata ang pagtaba niya ngayong nagdalaga na siya. Isa ito sa dahilan kung bakit lagi siyang inaasar na mataba ng kapitbahay niya mula pagkabatang si Brix; na siya namang nag-alok sa kanya na tutulungan daw siyang magpapayat kapalit ng pagiging modelo ng gym na pag-aari niya. Galit man siya dito ay pumayag na rin siya alang alang sa pangarap niyang makarating sa Amerika. Kasabay ng pagpapapayat niya ay ang unti-unting pagkawala ng galit niya kay Brix. Ang puso niyang dati'y nababalutan ng kolesterol ay nagsisimula ng tumibok para sa binatang wala ng ibang ginawa noon kundi asarin siya. Mababago kaya nito ang matagal na pangarap niyang makapunta ng ibang bansa?
view more"YEAH, it's pretty clear, I ain't no size two but I can shake it, shake it, like I'm supposed to do 'cause I got that boom boom that all the boys chase and all the rights junk in all the right places."Feel na feel ni Becky ang pagkanta ng "All About That Bass" habang paminsan-minsan pang napapakembot habang naghihiwa ng kung ano-anung gulay at sahog sa mga putahe."Bacause you know I'm all about that bass, 'bout that bass, no treble. I'm all about that bass, 'bout that bass, no treble." Nilapitan niya ang speaker at lalo pang nilakasan habang sinasabayan ng paggalaw ng ulo niya."Yeah, my momma she told me don't worry about your size, she says boys like a little more booty to hold at night, you know----" Isang makabasag eardrum na tili ang kumawala sa kanya nang makita ang pigura ng isang lalaki na tila aliw na aliw sa panonood sa kanya."Diyos ko!""Kumakanta ka pa
Ika-anim pa lamang ng umaga ay naka-online na agad si Becky sa Facebook at Instagram. Madalas ay iyon ang pinagkakaabalahan niya pagkatapos mamalengke tuwing madaling-araw, isasabay niya iyon habang nagpapahinga. Nagsisimula naman siyang mag-ayos ng mga gagamitin at magluto kapag malapit na ang tanghalian.Madalas ay pulos Hollywood celebrity news lamang naman ang binabasa niya. It had always been her dream to travel to or live in the USA. Gustong-gusto niya ang ideya ng winter at makapagselfie sa Statue of Liberty pati na rin sa Times Square. Pakiramdam niya ay iyon ang kanyang tadhana at ito ang totoong makakapagpasaya sa kanya, ang makarating sa lugar na gusto niya at malibot ito. Kaya siguro 'di siya makatagpo ng love life sa Pilipinas sa edad na treinta ay dahil nasa Amerika ang kanyang destiny. Ang problema lang ay wala siyang sapat na pera para makapagtravel abroad. Ang kinikita niya naman sa karinderya ay sumasapat lamang sa gastusin niya sa sarili at sa bahay. Bumuko
"Adobo ba 'to?""Dinuguan 'yan." Nakahalukipkip na sagot niya. Tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng kaharap ay naiinis siya. Ewan niya kung matatawag ngang mukha iyon dahil para iyong bigote at balbas na tinubuan ng mukha. Gigil na gigil siyang ahitan ang mukha ng binata."Sige, isang order nito, saka dalawang order ng kanin. Bigyan mo na rin ako ng mainit na sabaw, 'yong kakakulo lang sana kung meron. Salamat."Akmang ilalagay niya ang mga iyon sa plastic ng magsalita ulit si Brix."Wag mo na palang ibalot. Dito na ako kakain." Anito bago naupo sa tapat ng mesa."Magsasara na ako! Sa bahay mo kana lang kumain.""Alas-siyete palang ah, ang aga-aga pa para magsara." Anang binata bago sinulyapan ang wall clock sa karinderya."May mga gagawin pa 'ko.""Makikipag-chat ka na naman ba sa mga foreigner sa facebook?" Agad na nag-init ang mukha ni Becky sa sinabi ni Brix."P-paano mo nalaman?""I saw you at the com
"Hello there, how are you?"Kinikilig at nakangiti si Becky o mas kilala sa tawag na "BekBek" habang ka-chat ang isang foreigner sa isang app. Nagpakilala itong si Justin Cray, thirty nine years old na daw ito at may dalawang anak bago nakipag divorce sa asawa. Nakailang browse na rin ang dalaga sa mga pictures nito. Dito niya nalaman na mayaman ito at may napakalaking bahay sa Chicago at pati na rin sa Los Angeles. Laman din ng ibang litrato nito na nakasakay sa magagarang sasakyan nito at sa bakasyon nito habang lulan ng kanyang private yacht. Kung sa itsura naman ay gwapo rin naman si Justin kahit medyo mataas na ang hairline nito dahil na rin sa edad."Hi Justin! I'm okay. I'm sorry it took me a while to go online again because I've been busy with work at my own restaurant." Sabi niya dito habang nagta-type sa kanyang laptop. Ingat na ingat siya sa paggamit ng kanyang second-hand laptop na nabili niya online. Ang laptop na iyon kase ang susi ng kanyang tagump
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments