Home / Romance / My Chubby Romance / Chapter 1 - Chapter 4

All Chapters of My Chubby Romance: Chapter 1 - Chapter 4

4 Chapters

The Cook And The Bully

"Hello there, how are you?" Kinikilig at nakangiti si Becky o mas kilala sa tawag na "BekBek" habang ka-chat ang isang foreigner sa isang app. Nagpakilala itong si Justin Cray, thirty nine years old na daw ito at may dalawang anak bago nakipag divorce sa asawa. Nakailang browse na rin ang dalaga sa mga pictures nito. Dito niya nalaman na mayaman ito at may napakalaking bahay sa Chicago at pati na rin sa Los Angeles. Laman din ng ibang litrato nito na nakasakay sa magagarang sasakyan nito at sa bakasyon nito habang lulan ng kanyang private yacht. Kung sa itsura naman ay gwapo rin naman si Justin kahit medyo mataas na ang hairline nito dahil na rin sa edad."Hi Justin! I'm okay. I'm sorry it took me a while to go online again because I've been busy with work at my own restaurant." Sabi niya dito habang nagta-type sa kanyang laptop. Ingat na ingat siya sa paggamit ng kanyang second-hand laptop na nabili niya online. Ang laptop na iyon kase ang susi ng kanyang tagump
last updateLast Updated : 2022-03-09
Read more

'Bekbek'

"Adobo ba 'to?""Dinuguan 'yan." Nakahalukipkip na sagot niya. Tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng kaharap ay naiinis siya. Ewan niya kung matatawag ngang mukha iyon dahil para iyong bigote at balbas na tinubuan ng mukha. Gigil na gigil siyang ahitan ang mukha ng binata."Sige, isang order nito, saka dalawang order ng kanin. Bigyan mo na rin ako ng mainit na sabaw, 'yong kakakulo lang sana kung meron. Salamat."Akmang ilalagay niya ang mga iyon sa plastic ng magsalita ulit si Brix."Wag mo na palang ibalot. Dito na ako kakain." Anito bago naupo sa tapat ng mesa."Magsasara na ako! Sa bahay mo kana lang kumain.""Alas-siyete palang ah, ang aga-aga pa para magsara." Anang binata bago sinulyapan ang wall clock sa karinderya."May mga gagawin pa 'ko." "Makikipag-chat ka na naman ba sa mga foreigner sa facebook?" Agad na nag-init ang mukha ni Becky sa sinabi ni Brix."P-paano mo nalaman?""I saw you at the com
last updateLast Updated : 2022-03-09
Read more

Thirty-Five-Inch Waistline

Ika-anim pa lamang ng umaga ay naka-online na agad si Becky sa Facebook at Instagram. Madalas ay iyon ang pinagkakaabalahan niya pagkatapos mamalengke tuwing madaling-araw, isasabay niya iyon habang nagpapahinga. Nagsisimula naman siyang mag-ayos ng mga gagamitin at magluto kapag malapit na ang tanghalian.Madalas ay pulos Hollywood celebrity news lamang naman ang binabasa niya. It had always been her dream to travel to or live in the USA. Gustong-gusto niya ang ideya ng winter at makapagselfie sa Statue of Liberty pati na rin sa Times Square. Pakiramdam niya ay iyon ang kanyang tadhana at ito ang totoong makakapagpasaya sa kanya, ang makarating sa lugar na gusto niya at malibot ito. Kaya siguro 'di siya makatagpo ng love life sa Pilipinas sa edad na treinta ay dahil nasa Amerika ang kanyang destiny. Ang problema lang ay wala siyang sapat na pera para makapagtravel abroad. Ang kinikita niya naman sa karinderya ay sumasapat lamang sa gastusin niya sa sarili at sa bahay. Bumuko
last updateLast Updated : 2022-03-09
Read more

Chatmate

"YEAH, it's pretty clear, I ain't no size two but I can shake it, shake it, like I'm supposed to do 'cause I got that boom boom that all the boys chase and all the rights junk in all the right places."Feel na feel ni Becky ang pagkanta ng "All About That Bass" habang paminsan-minsan pang napapakembot habang naghihiwa ng kung ano-anung gulay at sahog sa mga putahe."Bacause you know I'm all about that bass, 'bout that bass, no treble. I'm all about that bass, 'bout that bass, no treble." Nilapitan niya ang speaker at lalo pang nilakasan habang sinasabayan ng paggalaw ng ulo niya."Yeah, my momma she told me don't worry about your size, she says boys like a little more booty to hold at night, you know----" Isang makabasag eardrum na tili ang kumawala sa kanya nang makita ang pigura ng isang lalaki na tila aliw na aliw sa panonood sa kanya."Diyos ko!""Kumakanta ka pa
last updateLast Updated : 2022-03-09
Read more
DMCA.com Protection Status