"Hello there, how are you?"
Kinikilig at nakangiti si Becky o mas kilala sa tawag na "BekBek" habang ka-chat ang isang foreigner sa isang app. Nagpakilala itong si Justin Cray, thirty nine years old na daw ito at may dalawang anak bago nakipag divorce sa asawa. Nakailang browse na rin ang dalaga sa mga pictures nito. Dito niya nalaman na mayaman ito at may napakalaking bahay sa Chicago at pati na rin sa Los Angeles. Laman din ng ibang litrato nito na nakasakay sa magagarang sasakyan nito at sa bakasyon nito habang lulan ng kanyang private yacht. Kung sa itsura naman ay gwapo rin naman si Justin kahit medyo mataas na ang hairline nito dahil na rin sa edad.
"Hi Justin! I'm okay. I'm sorry it took me a while to go online again because I've been busy with work at my own restaurant." Sabi niya dito habang nagta-type sa kanyang laptop. Ingat na ingat siya sa paggamit ng kanyang second-hand laptop na nabili niya online. Ang laptop na iyon kase ang susi ng kanyang tagumpay.
Ang restaurant naman na tinutukoy ni Becky ay ang karinderyang minana pa niya sa kanyang namayapang ina. Apat na taon na simula ng ito'y pumanaw dahil sa sakit sa kidney. Ang tatay naman niya ay nakapag-asawa na at masayang naninirahan na ngayon sa Pangasinan. Tatlo lamang silang magkakapatid at pangalawa siya sa mga ito. Ang kuya niya ay hiwalay sa asawa at may tatlong anak na samantalang ang bunso niyang kapatid ay may isang anak na rin at ikakasal na rin sa Canadian na nakilala nito sa Ormoc kung saan ito naka destino.
"It's fine my dear. I miss talking to you. It's been boring since I've no one to talk to. I like women who cook. I've always believed that the best way to a man's heart is through his stomach." Naglagay pa ito ng emoticon sa dulo na may mga puso sa mata.
Impit na napatili si Becky nang mabasa ang mensahe. Ngayon ay 'My Dear' na ang tawag sa kanya ni Justin at tila may nais na ring ibang ipakahulugan ang sinasabi nito sa kanya. Halos limang buwan na rin silang magka-chat nito. Noong una ay nagpupunta lamang siya sa mga kalapit na computer shop para makausap si Justin o kaya ay nakikihiram ng laptop sa best friend niya pero nang dumalas ang pag-uusap nila ay nagpasya na siyang bumili ng laptop online at magpakabit ng internet sa bahay. Nais niya na rin kasing i-pursue ang nasimulang magandang pagkakakilala nila ni Justin, iniisip niya na may pag-asa na magustuhan siya nito dahil sa padalas nang padalas na pagmemensahe nito sa kanya.
"Really? You know, if I'm given a chance to travel to the US, I will cook our world-renowned adobo and sinigang for you. I know a lot of recipes, name it and I will cook it for you." Sagot niya sa chat. Ang dalangin niya ay ma-gets sana ni Justin ang kanyang pahiwatig na gusto niyang dalhin siya nito sa Amerika. Nang lumabas na 'seen' na ang message niya ay kumabog ang kanyang dibdib lalo na nang makitang nagta-type na ito ng reply sa message niya.
"I hope so, I would love it if that happens. And I'm looking forward to it, Becky." Sagot nito.
Nalungkot ang dalaga sa nabasang maiksing reply ni Justin sa kanya. Mukhang 'di pa rin ito kumbinsido sa pagpapa-charming niya via online para makuha ang atensiyon nito. Para kase sa isang Amerikano ay masasabing conservative si Justin dahil kahit na maglilimang buwan na silang magka-chat ay hindi ito naging agresibo kahit minsan. Kahit kailan ay hindi siya binastos o hiningan ng kung ano-anong litrato na maaaring maka-offend sa kanya.
May mga naka-chat kase siya noon na kahit tatlong araw pa lamang ay nanghihingi na ito sa kanya ng nude pictures o kaya naman ay nagyaya ng sex on chat. 'Yong iba pa ay tumatawag para marinig ang boses niya habang gumagawa pala ng milagro na hindi niya naman alam, dahilan para i-unfriend at i-block niya ang mga ito agad.
May nakausap pa siya noon ng halos isang buwan pero nagulat na lamang siya nang pagbukas niya ng camera ay gumulantang sa kanya ang itsura ng 'junjun' nito na puro naman buhok kaya agad niya itong i-nunfriend bago iblock para 'di na siya kulitin pa.
Sa ngayon ay kuntento pa naman ang ka-chat niyang si Justin na pagtiyagaan ang mga close-up pictures niyang naka-upload sa social media account niya. Pero kapag dumating ang panahon na manghingi na ito ng full-body picture ay malaking problema na iyon.
"Ate Becky? Ate Becky, pabilhan nga po!"
Agad siyang nagpaalam muna sa ka-chat bago lumabas ng bahay para puntahan ang narinig na boses. "Anong bibilhin mo?" Tanong niya sa binatiltong naroon na si Bitoy. Napangiti naman siya nang makita ito.
"Dalawang order po ng kanin, Ate Becky. Saka isang order ng adobo at isang tulingan. Saka po... kapag may sabaw baka pwedeng makahingi na rin po."
Nang iabot niya sa binatilyo ang binili nito ay nahihiyang nagkamot ito sa ulo saka yumuko habang nagsasalita.
"Ahm... Ate Becky pakilista muna po ulit nito ha? Wala pa po kasing sahod si Nanay sa paglalaba niya sa mga Santos. Sa katapusan pa raw kasi siya mababayaran ng amo niya."
Binigyan niya ito ng malawak na ngiti. "Nako Bitoy, walang problema. Sige na at umuwi ka na, para makakain ka na rin. Isa pa,medyo dumidilim na rin. Delikado sa daan." Mabait na bata ito. Suma-sideline ito bilang pedicab driver pagkatapos ng klase tuwing umaga kaya hindi na niya magawang sungitan o mainis dito. Naaaliw din siya sa binatilyo dahil kahit kailan ay hindi niya narinig na nangbastos ito o kinausap siya sa hindi maayos na paraan 'di kagaya ng ilang tambay sa kanto. Maging ang ina din kase ng binatilyo ay masipag at minsan pa ay ipinaglalaba rin siya nito ng libre pero hindi niya rin naman hinahayaang umalis ito ng wala siyang naiaabot na bayad. Mahirap lang talaga ang buhay ng mag-ina kahit pa gumagawa naman ang mga ito ng paraan para umasenso.
"Sige po Ate. Marami pong salamat at pasensiya na."
Tumango si Becky bago isa-isang tiningnan ang laman ng mga kaldero. Ang karamihan sa mga ulam ay paubos na rin. Mabenta ang mga luto niyang ulam dahil masarap daw siyang magluto. Minsan pa nga ay hindi inaabot ng isang oras at ubos agad ang mga putahe na inihahanda niya lalo na kapag tanghali. Namana niya ang husay sa pagluluto sa Tatay niyang Kapampangan at Inang Bicolana. Nakapagtapos rin siya ng kursong Hotel and Restaurant Management kaya mas nahasa pa ang husay niya sa pagluluto. May kaibigan pa siya noong nakaraang taon na nag-offer sa kanyang magluto sa kasal sana nito kaso nga lang ay tinanggihan niya dahil sa Mindanao pa gaganapin ang kasal nito at hindi naman siya pwedeng mawala sa bahay nila dahil sa ilang ginagawa.
Halos mapapitlag siya sa gulat habang nag-iisip ng bumalik ang binatilyo. "Ate Becky, tatlong kanin at dalawang tulingan po ang ibinigay ninyo sa akin, saka may napasama pa po kayong adobo." Humahangos na wika ni Bitoy nang bumalik ito sa tindahan niya.
"Nagkamali po kayo ng ulam na ibinigay, Ate Becky"
Nginitian niya ang bata. "Hindi ako nagkamali. Sinadya ko 'yan, mas mabuti nang mapakinabangan ninyo ng nanay mo."
Nanlaki ang mata ng binatilyo sa tuwa sa sinabi niya. "S-salamat po Ate Becky!"
"You're welcome."
Ngiting-ngiti ang binatilyo nang maglakad ito pauwi.
"Anong ulam Bekbek?"
"Diyos ko! Akala ko naman bakulaw! Wag ka ngang nanggugulat Brix!"
"Ha-ha! Verry funny! Nice one, Bekbek!" Pang-aasar ni Brix bago inamoy-amoy ang takip ng mga kaldero habang isa-isang binubuksan.
"Adobo ba 'to?""Dinuguan 'yan." Nakahalukipkip na sagot niya. Tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng kaharap ay naiinis siya. Ewan niya kung matatawag ngang mukha iyon dahil para iyong bigote at balbas na tinubuan ng mukha. Gigil na gigil siyang ahitan ang mukha ng binata."Sige, isang order nito, saka dalawang order ng kanin. Bigyan mo na rin ako ng mainit na sabaw, 'yong kakakulo lang sana kung meron. Salamat."Akmang ilalagay niya ang mga iyon sa plastic ng magsalita ulit si Brix."Wag mo na palang ibalot. Dito na ako kakain." Anito bago naupo sa tapat ng mesa."Magsasara na ako! Sa bahay mo kana lang kumain.""Alas-siyete palang ah, ang aga-aga pa para magsara." Anang binata bago sinulyapan ang wall clock sa karinderya."May mga gagawin pa 'ko.""Makikipag-chat ka na naman ba sa mga foreigner sa facebook?" Agad na nag-init ang mukha ni Becky sa sinabi ni Brix."P-paano mo nalaman?""I saw you at the com
Ika-anim pa lamang ng umaga ay naka-online na agad si Becky sa Facebook at Instagram. Madalas ay iyon ang pinagkakaabalahan niya pagkatapos mamalengke tuwing madaling-araw, isasabay niya iyon habang nagpapahinga. Nagsisimula naman siyang mag-ayos ng mga gagamitin at magluto kapag malapit na ang tanghalian.Madalas ay pulos Hollywood celebrity news lamang naman ang binabasa niya. It had always been her dream to travel to or live in the USA. Gustong-gusto niya ang ideya ng winter at makapagselfie sa Statue of Liberty pati na rin sa Times Square. Pakiramdam niya ay iyon ang kanyang tadhana at ito ang totoong makakapagpasaya sa kanya, ang makarating sa lugar na gusto niya at malibot ito. Kaya siguro 'di siya makatagpo ng love life sa Pilipinas sa edad na treinta ay dahil nasa Amerika ang kanyang destiny. Ang problema lang ay wala siyang sapat na pera para makapagtravel abroad. Ang kinikita niya naman sa karinderya ay sumasapat lamang sa gastusin niya sa sarili at sa bahay. Bumuko
"YEAH, it's pretty clear, I ain't no size two but I can shake it, shake it, like I'm supposed to do 'cause I got that boom boom that all the boys chase and all the rights junk in all the right places."Feel na feel ni Becky ang pagkanta ng "All About That Bass" habang paminsan-minsan pang napapakembot habang naghihiwa ng kung ano-anung gulay at sahog sa mga putahe."Bacause you know I'm all about that bass, 'bout that bass, no treble. I'm all about that bass, 'bout that bass, no treble." Nilapitan niya ang speaker at lalo pang nilakasan habang sinasabayan ng paggalaw ng ulo niya."Yeah, my momma she told me don't worry about your size, she says boys like a little more booty to hold at night, you know----" Isang makabasag eardrum na tili ang kumawala sa kanya nang makita ang pigura ng isang lalaki na tila aliw na aliw sa panonood sa kanya."Diyos ko!""Kumakanta ka pa