"Adobo ba 'to?"
"Dinuguan 'yan." Nakahalukipkip na sagot niya. Tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng kaharap ay naiinis siya. Ewan niya kung matatawag ngang mukha iyon dahil para iyong bigote at balbas na tinubuan ng mukha. Gigil na gigil siyang ahitan ang mukha ng binata.
"Sige, isang order nito, saka dalawang order ng kanin. Bigyan mo na rin ako ng mainit na sabaw, 'yong kakakulo lang sana kung meron. Salamat."
Akmang ilalagay niya ang mga iyon sa plastic ng magsalita ulit si Brix.
"Wag mo na palang ibalot. Dito na ako kakain." Anito bago naupo sa tapat ng mesa.
"Magsasara na ako! Sa bahay mo kana lang kumain."
"Alas-siyete palang ah, ang aga-aga pa para magsara." Anang binata bago sinulyapan ang wall clock sa karinderya.
"May mga gagawin pa 'ko."
"Makikipag-chat ka na naman ba sa mga foreigner sa f******k?" Agad na nag-init ang mukha ni Becky sa sinabi ni Brix.
"P-paano mo nalaman?"
"I saw you at the computer shop the other day. Magkatabi pa nga tayo, hindi mo ba ako nakita talaga?" may patuyang sabi nito. "Kaso, sobrang kilig na kilig ka yata sa mga ka-chat mo kaya siguro nga ay hindi mo ako napansin sa tabi mo."
"Nakakainis ka talaga! Invasion of privacy 'yan ha! Napaka-tsismoso mo!" tila biglang kumulo na naman ang dugo niya sa binata. 'Wag mong sabihin na binabasa mo pa ang palitan namin ng message?" Tanong niya dito.
"Of course not!" Sagot agad ng binatang nakangiti.
"But I saw his pictures. He looks really old. I'm guessing he's in his late Fifties or sixties?"
"Late fifties or sixties?! Thirty nine lang si Justin!"
Itinaas ni Brix ang dalawang kamay. "Chill ka nga lang Becky! Namumula kana. Baka sumakit ang batok mo at atakihin ka sa puso niyan." Tila natatawa pang sabi nito.
Lalo lang nainis si Becky sa hirit ng binata. Kahit pasimple ay alam niyang ang timbang niya ang pinariringgan na naman nito. Alam niyang chubby siya pero masisisi ba siya? Cook siya at natural lamang na tikman niya ang mga niluluto niya. Kadalasan din ay inuubos niya ang mga natirang kanin at ulam dahil ayaw niyang masayang ang mga ito. Ang katwiran niya, mas mabuti ng kainin ang mga iyon kaysa mauwi sa mga basurahan at pagpiyestahan ng mga daga.
"Nakakabuwisit ka talagang lalaki ka, alam mo ba yon?"
Tumawa lang si Brix bilang sagot. "Mag-diet kana nga kasi, o kaya naman magwork-out ka na. Maganda 'yon sa katawan mo."
"Excuse me?" Nameywang siya habang kaharap ito. Pinipigilan niyang kunin ang sandok at ipukpok iyon sa mukha ng lalaki.
"Ang sabi ko,pumasyal ka minsan sa gym ko at bibigyan kita ng malaking discount. Basta pumayag kang maging endorser o new face ng gym ko. Pagagawan kita ng before and after na tarpaulin para makapanghikayat pa kami ng customers. Ano, payag ka?"
Bumukas sara ang bibig ni Becky sa tindi ng galit. Wala siyang mahanap na salitang ibabato sa binata pero nangangati ang kamay niyang batukan ito o ihampas dito ang takip ng kaldero niya.
"Heto na ang pagkain mo!" Gusto pa sana niyang idugtong ang 'Sumakit sana ang tiyan mong bakulaw ka!' pero 'di niya iyon masabi. Kaya naman padabog niyang ibinaba sa mesa ang in-order nitong pagkain.
"Hoy Becky! Hindi ako nagbibiro. Pag-isipan mo na kasi. Win-win situation naman ito sa ating dalawa. Ayaw mo bang maging seksi?" Seryoso na itong nakatingin sa kanya kahit alam niya naman na malapit na itong bumunghalit ng tawa."Papayat kana at hahabulin ka na ng mga macho sa kanto, kikita pa ako."
"Excuse me, kahit kailan hindi ako pupunta sa pipitsugin mong gym at baka ma-tetano pa 'ko sa mga nangangalawang mong gym equipment! Yuck! And excuse me, ha! Ayokong hinahabol ako ng kung sinong lalaki sa kanto dahil alam naman natin na kung hindi adik ay mga isnatser lang ang iba sa mga 'yan. Gusto ko pang mabuhay!" aniya, sabay halukipkip. Malapit na talaga siyang sumabog.
"Bakit gano'n? May mapapansin ako sa 'yo Bekbek..." Naglakad pa ito paikot sa kanya habang tila may tinitingnan. Sinuyod nito ang buong katawan niya lalo na ang bandang balikat niya.
"A-ano 'yon?" Nagtatakang tanong ng dalaga.
"Bakit kapag nagsasalita ka, umaalog ang buong katawan mo? Saka parang hinihingal ka, okay ka lang ba? 'Wag ka kasing ma-highblood masyado, iwasan mo na rin ang pagkain ng matataba para hindi ka hinihingal." Tanong nito bago tumawa ng malutong.
"Bakit ba ako na lamang ang lagi mong nakikitang lalaki ka?!" Singhal niya.
"Sa laki mong 'yan, paanong 'di kita makikita Bekbek?"
Bago pa makapagpigil ay nadampot ni Becky ang isang basong tubig. Kating-kati siyang ibuhos iyon kay Brix. Pero kapag ginawa naman niya iyon ay para na ring nagtagumpay ang binata na inisin siya dahil sa pikon niya. Sa halip ay inisang lagok niya iyon habang nagpipigil na ipukpok iyon sa lalaking kaharap.
"I-iwan mo na lang ang bayad mo sa mesa." Nanginginig ang boses na sabi niya. Tumaas-baba ang dibdib niya bago nagsalin ulit ng tubig at inisang lagok ang laman ng baso, saka nagmamadaling pumasok sa bahay ng walang lingon-likod.
Pagpasok sa bahay ay gigil na gigil siya. Hindi niya alam kung bakit mula ng makilala niya si Brix ay hobby na nito ang asarin slat galitin siya. Wala pa yatang pagkakataon na hindi siya nito nilait dahil sa timbang niya.
Nasa highschool pa lamang si Becky ay inaasar na siya ng binata. Kabarkada ito ng kuya niya sa barangay nila. Madalas rin kasing magkasama noon ang dalawa tuwing naglalaro ng basketball at tuwing natatapos ay dumideretso ang mga ito sa bahay nila.
Natatandaan pa niya ang unang pagkikita nila ng binata. Nasa third year high school siya noon at galing sa COCC traning. Pawisan at gutom na gutom siya kaya dumiretso siya sa ref para kumain at uminom ng tubig. Nang naroon pa ang natitirang chocolate cake noong nakaraang araw ay agad niya itong nilantakan. Sarap na sarap siya sa pagkain ng pumasok ang buong basketball team ng barangay nila sa kusina na pinangungunahan ng Kuya Gian niya at ni Brix. Dahil nagulat siya sa biglang pagpasok ng mga ito ay muntik na siyang mabulunan sa pagkabigla. Nang makabawi naman siya ay nasa harapan na agad niya si Brix.
"Ikaw ba si Becky?" Alanganing tumango siya bilang sagot dito.
"Simula ngayon ay Bekbek na ang itatawag ko sayo dahil napaka-cute mo!" Anang binata bago pisil pisilin nito ang magkabilang pisngi niya na sinundan naman ng malutong na tawanan ng mga kasama nito pati ng Kuya Gian niya.
Doon na nagsimula ang laging pang-aasar ng barkada ng kuya niya. Sa bawat pagkakataong dumadaan siya sa basketball court pauwi ay palagi na lang siyang inaasar ng mga ito. Noon pa kasi ay chubby na siya. Laking pasasalamat niya noong magtapos na ng kolehiyo ang mga barkada ng kuya niya ay nilubayan na siya ng mga ito.
Si Brix naman ay nagtrabaho noon sa Saudi bilang engineer. Kaya naman natahimik ang buhay niya ng sampung taon na ikinatuwa niya. Maayos na sana ang lahat ng bumalik naman ito ilang buwan pa lamang ang nakakaran at nagtayo ng gym malapit sa karinderya niya. Muli na namang nagulo ang tahimik niyang buhay.
Nagpalipas pa ng ilang minuto si Becky bago muling lumabas ng karinderya niya. Nakahinga naman siya nang maluwag ng makitang wala na ang anak ng diablo sa paligid. Nang magtungo siya sa mesang kinainan ng binata ay may nakalapag na limandaang puso at may kasama pang note. Lotto ticket iyon na sinulatan sa likod ng "Keep the change." At may nakaguhit na smiley pa na lalong ikina-inis niya.
Ika-anim pa lamang ng umaga ay naka-online na agad si Becky sa Facebook at Instagram. Madalas ay iyon ang pinagkakaabalahan niya pagkatapos mamalengke tuwing madaling-araw, isasabay niya iyon habang nagpapahinga. Nagsisimula naman siyang mag-ayos ng mga gagamitin at magluto kapag malapit na ang tanghalian.Madalas ay pulos Hollywood celebrity news lamang naman ang binabasa niya. It had always been her dream to travel to or live in the USA. Gustong-gusto niya ang ideya ng winter at makapagselfie sa Statue of Liberty pati na rin sa Times Square. Pakiramdam niya ay iyon ang kanyang tadhana at ito ang totoong makakapagpasaya sa kanya, ang makarating sa lugar na gusto niya at malibot ito. Kaya siguro 'di siya makatagpo ng love life sa Pilipinas sa edad na treinta ay dahil nasa Amerika ang kanyang destiny. Ang problema lang ay wala siyang sapat na pera para makapagtravel abroad. Ang kinikita niya naman sa karinderya ay sumasapat lamang sa gastusin niya sa sarili at sa bahay. Bumuko
"YEAH, it's pretty clear, I ain't no size two but I can shake it, shake it, like I'm supposed to do 'cause I got that boom boom that all the boys chase and all the rights junk in all the right places."Feel na feel ni Becky ang pagkanta ng "All About That Bass" habang paminsan-minsan pang napapakembot habang naghihiwa ng kung ano-anung gulay at sahog sa mga putahe."Bacause you know I'm all about that bass, 'bout that bass, no treble. I'm all about that bass, 'bout that bass, no treble." Nilapitan niya ang speaker at lalo pang nilakasan habang sinasabayan ng paggalaw ng ulo niya."Yeah, my momma she told me don't worry about your size, she says boys like a little more booty to hold at night, you know----" Isang makabasag eardrum na tili ang kumawala sa kanya nang makita ang pigura ng isang lalaki na tila aliw na aliw sa panonood sa kanya."Diyos ko!""Kumakanta ka pa
"Hello there, how are you?"Kinikilig at nakangiti si Becky o mas kilala sa tawag na "BekBek" habang ka-chat ang isang foreigner sa isang app. Nagpakilala itong si Justin Cray, thirty nine years old na daw ito at may dalawang anak bago nakipag divorce sa asawa. Nakailang browse na rin ang dalaga sa mga pictures nito. Dito niya nalaman na mayaman ito at may napakalaking bahay sa Chicago at pati na rin sa Los Angeles. Laman din ng ibang litrato nito na nakasakay sa magagarang sasakyan nito at sa bakasyon nito habang lulan ng kanyang private yacht. Kung sa itsura naman ay gwapo rin naman si Justin kahit medyo mataas na ang hairline nito dahil na rin sa edad."Hi Justin! I'm okay. I'm sorry it took me a while to go online again because I've been busy with work at my own restaurant." Sabi niya dito habang nagta-type sa kanyang laptop. Ingat na ingat siya sa paggamit ng kanyang second-hand laptop na nabili niya online. Ang laptop na iyon kase ang susi ng kanyang tagump