Ika-anim pa lamang ng umaga ay naka-online na agad si Becky sa F******k at I*******m. Madalas ay iyon ang pinagkakaabalahan niya pagkatapos mamalengke tuwing madaling-araw, isasabay niya iyon habang nagpapahinga. Nagsisimula naman siyang mag-ayos ng mga gagamitin at magluto kapag malapit na ang tanghalian.
Madalas ay pulos Hollywood celebrity news lamang naman ang binabasa niya. It had always been her dream to travel to or live in the USA. Gustong-gusto niya ang ideya ng winter at makapagselfie sa Statue of Liberty pati na rin sa Times Square. Pakiramdam niya ay iyon ang kanyang tadhana at ito ang totoong makakapagpasaya sa kanya, ang makarating sa lugar na gusto niya at malibot ito. Kaya siguro 'di siya makatagpo ng love life sa Pilipinas sa edad na treinta ay dahil nasa Amerika ang kanyang destiny. Ang problema lang ay wala siyang sapat na pera para makapagtravel abroad. Ang kinikita niya naman sa karinderya ay sumasapat lamang sa gastusin niya sa sarili at sa bahay. Bumukod na din kasi ang Kuya Gian niya, kaya siya na lamang ang may sagot maging sa bayad sa kuryente, tubig at Internet. Idagdag pa ang mga taxes ng lupang tinitirhan at iba pang bills at gastusin ng kanyang karinderya. Ang bunso naman niyang kapatid ay may sarili na ring bahay at wala na din atang balak na umuwi sa bahay nila.
Dati, ay mayroong sinalihang website si Becky na nakalaan para sa mga single Pinays na naghahanap ng foreigner boyfriend o chatmate. Naengganyo siya sa mga success love stories ng mga Filipina na nakatagpo ng foreigners through chat. Marami na ang happily married at may mga bonus pang babies na ubod nang ku-cute. She wanted that too. Gustong-gusto na niyang magkapamilya lalo na at 'di na rin siya bumabata sa edad niya ngayon.
"Becky!"
Napaigtad siya nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran. "Heidi! Ano'ng ginagawa mo rito?" Napangiti siya nang makitang nasa tabi ng kanyang kaibigan ang two-year old na anak na si Reese. "Hello, Reese! Kamusta ang inaanak kong napaka-cute?" Tanong niya at agad namang kinarga ang bata.
"Ano'ng ginagawa mo bru? Busy ka ba?" Maya-maya ay tanong ni Heidi. 'Bru' ang tawagan nila, short for bruha.
"Heto..." aniya, sabay buntong hininga bago pinupog ng halik ang batang kanina pa hagikhik ng hagikhik habang buhat niya.
"Wala pa rin ba kayong progress ng Justin keme mo?"
"Wala pa rin, eh. Hindi yata interesado sa akin ang Kano na 'yon." Bakas sa boses niya ang munting pagkadismaya.
Tumawa naman si Heidi. "Padalhan mo kasi ng sexy pictures. Yung makikita yung dibdib mo."
Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan bago ito tinawanan.
"Bruha! Seryoso ako. Mabilis maakit ang mga Kano kapag pinadalhan mo ng almost nude na litrato. Nako, siguradong maya't maya ay magme-message 'yon sa 'yo, bru!"
"Bru, tingnan mo nga ako. Saang anggulo ba ako sexy? Iyong totoo? Saka nude?! Hindi pa ako nasisiraan ng ulo ano."
"Wait..." saglit itong nag-isip. "Ano ka ba? Hindi mo pa ba nae-encounter ang Adobe Photoshop?"
"Siyempre alam ko 'yon. Ano'ng palagay mo sa akin?"
"Marunong ka bang gumamit?"
"Hindi masyado."
Pinaikot ng kaibigan ang mga mata nito saka maarteng hinawi ang buhok sa balikat. "Piece of cake, ako na muna diyan at maglaro na muna kayo ni Reese."
"Anong plano mo?" tanong niya bago alanganing tumayo mula sa kinauupuan.
"Basta. Just trust me. Pakainin mo na muna ang inaanak mo at hindi pa kumakain 'yang batang yan."
"Sige,sige. Basta 'wag mong idikit ang mukha ko sa pornstars, ha?" Biro niya, saka tumawa ng malutong.
Pagkatapos ng ilang minuto ay tinawag na siya ni Heidi.
"Look at my masterpiece," tila proud na proud na sabi nito bago ipinakita sa kanya ang monitor ng kanyang laptop.
"Oh, my..." Hindi makapaniwalang sabi niya. "Sino 'yan?"
Natawa ang kaibigan niya. "Ikaw!"
"Hindi ako 'yan!"
"It's you, Becky. A slimmer you, that is." Anito bago kinuha ang anak mula sa kanya.
"Sabihin na lang natin na atleast, may idea kana kung ano ang magiging itsura mo kapag pumayat ka."
Wala sa sariling napaupo si Becky sa tapat ng laptop at pinakatitigan ang picture niya.
"Paano mo ginawa 'to? It's..."
"Kumuha ako ng picture sa internet at saka ko idinikit doon ang mukha mo. Maganda ka na Becky, kaya halos di ko na kailangang galawin ang mukha mo. Pinapayat ko lang nang konte ang cheeks mo pero maliban doon, wala na."
"Saka 'yong katawan na pinili ko, hindi naman super payat. Attainable naman kung seseryosohin mo ang pagda-diet at pagwo-work out."
"Wow..." Bulong ni Becky. She really was beautiful in the picture. Marami na ang nagsasabi na maganda raw siya. Marami na rin ang nanghihinayang dahil sayang daw at chubby siya. Tuwing may nagsasabi ng ganoon ay naiinis siya. Bakit palaging sinasabi ng mga tao na sayang siya? Being fat did not make her any less of a person. In fact, she was more lovable than the other slim conceited girls she knew. Kung mabuti naman siyang tao at wala siyang tinatapakang kapwa, hindi ba siya pwedeng maging lovable?
"So, what do you think?"
"Saan?" Nakatitig pa rin siya sa ginawa ng kaibigan.
"Tungkol diyan sa picture na ginawa ko."
"Maganda siya."
"Bru, maganda ka! Ikaw iyan!"
Umiling si Becky bago isara ang laptop. "Hindi ako 'yan. Hindi ko kailangang humiram ng katawan ng unknown na babae sa Internet para lang gumanda sa paningin ng iba. This is the real me, tanggap ko naman ang waistline ko pati ang katawan na meron ako. At naniniwala akong darating ang panahon na may magmamahal pa rin at tatanggap sa akin kahit gaano pa ako kataba. Merong lalaki diyan na tatanggapin ako ng buong- buo. Fat and all."
Umangat ang isang sulok ng labi ni Heidi.
"In a way, Becky, bilib naman ako sa'yo. Pero gusto ko lang linawin na kaya kita ine-encourage magpapayat ay para din sa kalusugan mo. I want you to live a healthy lifestyle and I want you to be confident about yourself."
"Bru naman, hindi na tayo bumabata. We need to be fit to be ready in case we got sick."
Pinagmasdan niya ang kaibigan. Kahit may dalawa na itong anak ay sexy pa rin. Health conscious kasi si Heidi at athletic pa. Madalas noong nasa college pa sila ay palagi siyang nakokompara dito. Ang sabi nga ng mga classmates at schoolmates nila ay para daw silang number 10 tuwing magkasama. Noong una ay nao-offend pa siya, pero katagalan ay nasanay na rin. Lalo pa at kaibigan niya ng pinupuri kaya masaya na rin siya para dito.
"Pag-iisipan ko. Alam mo ba noong isang araw ay binuwisit na naman ako ni Brix? Luko-luko talaga ang lalaking 'yon. Nakakainis!"
"Akala mo naman ay pagka-guwapo at maraming nagkakandarapa sa madungis niyang mukha!"
Natawa ito. "Ano na naman ba ang sinabi niya sa'yo?"
Hindi na bago sa kaibigan niya na palagi siyang inaasar ni Brix. Ito ang palaging takbuhan niya noon tuwing napupuno siya sa binata.
"Inalok niya akong maging model o endorser ng gym niya. Bibigyan daw niya ako ng malaking discount basta pumayag akong maging guinea pig niya."
"Model? Guinea pig?"
"Papagawan niya daw ako ng before and after na tarpaulin at ibabandera sa labas ng gym niya para makahikayat pa siya ng mas maraming kliyente."
Lalo lamang lumalakas ng tawa ni Heidi sa narinig sa kaibigan.
"It's actually a good offer, bru. Bakit hindi mo i-consider?"
"No way! Ang gusto ko nga malugi ang negosyo niya para lumayas na siya ng Pilipinas. Sana bumalik na lang siya sa Saudi at makipag-bonding sa mga camel doon."
"Hate mo talaga si Brix, no?" Natatawang sabi ng kaibigan niya.
"Anong hate? Hate na hate kamo! Wala na siyang ibang ginawa kundi laitin ako. Akala mo kung sino siyang perpektong lalaki, mukha naman siyang bakulaw!"
Tuluyan ng natawa ng malakas ang kaibigan niya.
"Sobra ka naman Becky, gwapo naman si Brix. Nagpatubo lang naman ng bigote at balbas 'yon dahil nga nagtrabaho sa Middle East."
"Wag na siyang gagala-gala 'pag gabi at baka mapagkamalan siyang snatcher o akyat-bahay."
"Sabi nga nila 'the more you hate, the more you love', bru." Sinundot sundot pa ni Heidi ang tagiliran niya dahilan para mangiwi siya.
"Not this case!"
"Baka naman type ka ni Brix kaya palagi kang inaasar?"
"Sorry na lang siya, hindi niya ako matitikman kahit kailan. Nararamdaman ko na nasa Amerika ang destiny ko, bru. Promise, magiging American citizen ako at si Justin ang susi doon."
Nagkibit-balikat ang kanyang kaibigan.
"Ikaw ang bahala, Becky, pero kung tutuusin, pwede na si Brix para sa akin."
"Over my thirty-five-inch waistline and sexy body!"
"Boo, boo! Iyong totoo, bru?"
"Okay, sige na nga! Thirty eight inches na nga! Wala ka namang pakisama, eh."
Tumawa na lamang si Heidi sa kanyang sinabi.
"YEAH, it's pretty clear, I ain't no size two but I can shake it, shake it, like I'm supposed to do 'cause I got that boom boom that all the boys chase and all the rights junk in all the right places."Feel na feel ni Becky ang pagkanta ng "All About That Bass" habang paminsan-minsan pang napapakembot habang naghihiwa ng kung ano-anung gulay at sahog sa mga putahe."Bacause you know I'm all about that bass, 'bout that bass, no treble. I'm all about that bass, 'bout that bass, no treble." Nilapitan niya ang speaker at lalo pang nilakasan habang sinasabayan ng paggalaw ng ulo niya."Yeah, my momma she told me don't worry about your size, she says boys like a little more booty to hold at night, you know----" Isang makabasag eardrum na tili ang kumawala sa kanya nang makita ang pigura ng isang lalaki na tila aliw na aliw sa panonood sa kanya."Diyos ko!""Kumakanta ka pa
"Hello there, how are you?"Kinikilig at nakangiti si Becky o mas kilala sa tawag na "BekBek" habang ka-chat ang isang foreigner sa isang app. Nagpakilala itong si Justin Cray, thirty nine years old na daw ito at may dalawang anak bago nakipag divorce sa asawa. Nakailang browse na rin ang dalaga sa mga pictures nito. Dito niya nalaman na mayaman ito at may napakalaking bahay sa Chicago at pati na rin sa Los Angeles. Laman din ng ibang litrato nito na nakasakay sa magagarang sasakyan nito at sa bakasyon nito habang lulan ng kanyang private yacht. Kung sa itsura naman ay gwapo rin naman si Justin kahit medyo mataas na ang hairline nito dahil na rin sa edad."Hi Justin! I'm okay. I'm sorry it took me a while to go online again because I've been busy with work at my own restaurant." Sabi niya dito habang nagta-type sa kanyang laptop. Ingat na ingat siya sa paggamit ng kanyang second-hand laptop na nabili niya online. Ang laptop na iyon kase ang susi ng kanyang tagump
"Adobo ba 'to?""Dinuguan 'yan." Nakahalukipkip na sagot niya. Tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng kaharap ay naiinis siya. Ewan niya kung matatawag ngang mukha iyon dahil para iyong bigote at balbas na tinubuan ng mukha. Gigil na gigil siyang ahitan ang mukha ng binata."Sige, isang order nito, saka dalawang order ng kanin. Bigyan mo na rin ako ng mainit na sabaw, 'yong kakakulo lang sana kung meron. Salamat."Akmang ilalagay niya ang mga iyon sa plastic ng magsalita ulit si Brix."Wag mo na palang ibalot. Dito na ako kakain." Anito bago naupo sa tapat ng mesa."Magsasara na ako! Sa bahay mo kana lang kumain.""Alas-siyete palang ah, ang aga-aga pa para magsara." Anang binata bago sinulyapan ang wall clock sa karinderya."May mga gagawin pa 'ko.""Makikipag-chat ka na naman ba sa mga foreigner sa facebook?" Agad na nag-init ang mukha ni Becky sa sinabi ni Brix."P-paano mo nalaman?""I saw you at the com