Bunga ng pagtataksil si Elijah Montemayor at hindi kailanman binanggit ng kaniyang ina kung sino ang kaniyang ama. At dahil mula sa mahirap na pamilya si Elijah, mababa ang tingin sa kaniya ng mga magulang ni Ava Velasquez. Tutol sila sa pag-iibigan ng dalawa at sinabing kahit kailan ay hindi nila matatanggap si Elijah. Ang hindi nila alam, si Elijah ay anak ng kanilang matalik na kaibigan na si Leonardo - ang pinakamakapangyarihan at pinakamayamang tao sa kanilang lugar. Walang nagawa sina Elijah at Ava kun'di ang maghiwalay. Ipinangako ni Elijah na babalikan niya si Ava kukunin niya ito at papakakasalan. Ngunit paano na lang kung sa pagbabalik ni Elijah ay malalaman niyang may anak na pala ang babaeng kaniyang minamahal? Mananaig pa kaya ang pag-ibig niya para dito? O babalutin siya ng galit at maghihiganti?
View MoreAva's P.O.V.Isang linggo matapos mailibing si Mommy, tila naging tahimik ang buhay ko. Naging malungkot at tila ba walang buhay. Ang anak ko na lang na si Evo ang nagpapasaya sa akin. Laking pasasalamat ko dahil nandiyan siya upang pasayahin ako."Ava...hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Bakit hindi mo ako mabigyan ng isang pagkakataon para mapatunayan ko na totoo ang nararamdaman ko para sa iyo? Huwag mo ng isipin pa si Elijah. Nalalapit na ang araw ng kasal nila ng bago niya. Bakit ba hindi mo na lang siya kalimutan?" sabi sa akin ni Bryan.Kasalukuyang dinalaw ako ni Bryan ngayon. Pero wala naman akong pakialam sa kaniya. Hindi ko naman siya kailangan. Si Elijah ang kailangan ko ngayon. Pero mukhang busy ito sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Amelia."Hindi natuturuan ang puso, Bryan. At kahit pang mangyari, hindi kita magagawang mahalin dahil si Elijah lang ang hanap ng puso ko. Siya lang ang mahal ko at wala ng iba pa. Kaya kung maaari sana, t
Ava's P.O.V.Malungkot akong nakatanaw sa kalangitan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa sa paghihintay ng pagbabalik ni Elijah. Sobrang nasasabik na akong sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin."Evo...anak ko...wait lang natin si Daddy mo, ha? Alam kong babalikan niya tayo..." Hindi ko napansing tumutulo na pala ang mga luha ko. Kaagad ko iyong pinunasan. Hindi ko lang kasi talaga maiwasang hindi masaktan. Sabik na sabik na akong mayakap at makasama si Elijah. Walang araw o oras na hindi ko siya inisip. At walang araw na hindi ako nagdasal na sana ay nasa mabuting kalagayan lang siya. Kinabukasan, nagulantang ako sa balitang natanggap ko. Nandito na raw si Elijah. Sobrang kabog ng puso kaya naman nagpunta kaagad ako sa kompanya ng kaniyang ama."Hello po, Tito...nasaan po si Elijah?" Kinakabahan kong tanong nang makita ko si Mr. Leonardo.Malungkot siyang tumingin sa akin. At pagkatapos hinawakan niya ako sa magkabilang balikat."Ava...hindi ko alam kung
Elijah's P.O.V.Kahit nahihilo na ako, hindi pa rin ako tumitigil sa kaiinom ng alak. Gusto kong magpakalunod sa alak. Gusto ko ring maglaho na lang bigla. Hindi ko in-expect na magagawa iyon sa akin ni Ava. "Elijah...lasing na lasing ka na. Tama na 'yan," sabi sa akin ni Jack.Bumaling ako sa kaniya. "Ano bang nagawa kong mali para ipagpalit kaagad ako ni Ava? Hindi ba siya naniwala sa akin na babalikan ko siya? Na kinailangan ko lang ng kaunting panahon para maabot ko kung ano na ako ngayon?"Bumuntong hininga si Jack. "Sa totoo lang, ayokong magsalita eh. Kasi hindi ko naman alam ang side ni Ava. Baka may kinalaman na naman ang Mommy niya kaya siya nagkaroon agad ng iba.""Pero kahit na. Kung mahal niya talaga ako, hindi niya magagawang magpabuntis sa iba. Na makakaya niya akong ipaglaban. At alam mo na ang sama niya dahil tunay na anak pala niya ang batang 'yon pero sinabi niya lang na ampon? Hindi ko akalain na ganoon pala siyang klaseng babae. Hindi niya inisip ang anak niya. K
"Ano bang pag-uusapan nating dalawa?" tanong ko kay Amelia nang pumayag akong makipagkita sa kaniya.Malawak siyang ngumiti. "Mas lalo kang gumuwapo ngayon, Elijah. Masaya ako dahil unti-unti mo nang natutupad ang mga pangarap mo. May sarili ka ng kompanya at kilala ka na rin. Hindi magtatagal ay magiging kagaya ka na rin ng Daddy mo."Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?""Sa akin na lang 'yon. Kailan ko lang ito nalaman. Nagulat nga ako eh. Syempre, sa pagkawala mo, talagang nangulila rin ako dahil mahal pa rin kita. Nag-imbestiga ako tungkol sa iyo at nalaman kong anak ka pala sa labas ng isang kilalang tao. Masaya nga ako dahil maayos na ang buhay mo ngayon. At may maipagmamalaki ka na sa taong umapi sa iyo kagaya ng Mommy ni Ava."Napatango na lang ako. Sabagay, mayaman si Amelia. Marami siyang koneksyon kaya talagang may malalaman siya tungkol sa akin."Okay. Pero ano ba ang dahilan mo para makipagkita sa akin? Ano bang sasabihin mo?" Ngumiti siya. "Hindi naman sa pangingial
Elijah's P.O.V.Dalawang buwan simula nang matungo kami dito sa probinsya, wala akong ibang inisip kun'di si Ava. Labis akong nangungulila sa kaniya. Deactivated ang lahat ng social media accounts ko. Pati ang simcard ko ay sinira ko na rin para wala na siyang contact sa akin. Alam kong mali ang ginagawa kong 'to dahil wala man lang akong pasabi sa kaniya na aalis ako pero ito lang ang paraan ko para hindi na rin siya madamay. Ayokong magkaroon pa siya ng koneksyon sa akin na maaari niyang ikapahamak."Ayos ka lang ba, anak?" tanong sa akin ni Mama na kararating lang galing sa palengke."Ayos lang po ako, Mama. Huwag niyo po akong alalahanin," sagot sabay ngiti. Bumuntong hininga si Mama. "Nakikita ko sa iyong mga mata ang labis na pangungulila mo kay Ava. Pero kailangan muna nating magtago sa ngayon para na rin sa kapakanan ninyong dalawa."Huminga ako ng malalim sabay tango. "Opo, Mama. Naiintindihan ko po 'yon. At isa pa, gusto ko na pagbalik ko, may masasabi na ako. Hindi naman m
Elijah's P.O.V.Habang abala ako sa pagluluto, nagulat na lang ako nang may malakas na katok mula sa gate. Pagkatingin ko, nandoon si Papa. Agad ko siyang pinagbuksan ng gate. Nagmamadali naman siyang pumasok sa loob ng bahay."Umalis na muna kayo, Elijah. Magpakalayo-layo kayo ng Mama mo," mabilis na sabi ni Papa habang nanginginig ang kamay."Ha? Bakit Leonardo? Anong mayroon?" takang tanong naman ni Mama na pababa ng hagdan."Bethrice, nalaman na ni Moira ang tungkol sa anak natin. Alam na niya na anak natin si Elijah. Galit na galit siya sa akin. Ibig sabihin, siya pala ang nag-utos sa tauhan niya na sundan si Elijah para alamin kung sino ba siya. At alam kong may gagawin siyang masama sa inyo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa inyo. Umalis na kayo hangga't maaga pa. Para hindi na niya kayo maabutan pa," bakas sa tono ni Papa ang takot."Pero Papa, paano ka naman? Baka may gawing masama sa iyo ang babaeng 'yon!" Ngumiti si Papa. "Huwag mo akong ala
Elijah's P.O.V.Kinabukasan ay pinuntahan ko si Amelia sa kanilang bahay. Hindi naman kasi imposibleng tauhan niya ang sumusunod sa akin dahil minsan na niya akong pinasundan. Malakas na katok ang ginawa ko sa gate niya. "Hoy babae! Ano bang problema mo? Talagang hindi mo ako titigilan?" Galit na sigaw ko sa kaniya.Nagtataka naman siyang lumabas ng kaniyang bahay. "Ha? Anong pinagsasabi mo, Elijah?"Asar akong tumawa. "Huwag ka na ngang magmaang-maangan diyan! Bakit mo ako pinapasundan sa tauhan mo? Talaga bang baliw ka na?"Nagsalubong ang kilay niya. "Ano? Pinapasundan? Saan mo naman nakuha 'yan? Hindi kita pinapasunda sa tauhan ko! Maniwala ka. Hindi na nga kita pinakikialaman dahil alam ko naman na hindi ka na babalik pa sa akin. Maniwala ka, Elijah. Hindi ko tauhan ang sumusunod sa iyo."Matalim ko siyang tinitigan. Nagsasabi kaya ng totoo ang babaeng 'to? Pero kasi ang hirap maniwala. Minsan na kasi niyang ginawa sa akin 'yon. At isa pa, baliw na baliw siya sa akin kaya talaga
Elijah's P.O.V.Ngayong araw ay wala kaming ibang ginawa ni Papa kun'di ang gumala. Hindi sumama si Mama dahil ayaw daw niya ng gulo. Kaya nagpaiwan na lang si Mama sa bahay. Kung saan-saan kami nagpunta ni Papa. Binilhan niya rin ako ng mga mamahaling damit at sapatos."Nagustuhan mo ba anak ang lahat ng binili ko sa iyo?" tanong sa akin ni Papa. "Opo! Gustong-gusto ko. Maraming salamat po, Papa," masayang sabi ko sa kaniya."Walang ano man anak. Nga pala, saan mo pa pala gustong magpunta?""Puwede po ba pumunta tayo sa play house? Mag-basket ball tayo, Pa! Pataasan tayo ng score," sabi ko sabay tawa.Natawa rin siya sabay tango. "Sige ba. Walang problema."Agad naman kaming nagtungo sa play house. Maraming kabataan ang naglalaro sa baskellball-an kaya naghintay muna kami ni Papa. At pagkatapos ay agad na kaming naglaro.Masasabi kong magaling si Papa mag-shoot ng bola dahil halos wala siyang palya."Wow ang galing! Mataas ka lang sa akin ng two points, Pa!" sabi ko nang makita ko a
Elijah's P.O.V."Elijah…" Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nagulat ako nang makita ko kung sino."Uy ikaw! Ikaw 'yong nakabangga sa sidecar ko dati 'di ba?" sabi ko sa kaniya sabay lapit. Pinagbuksan ko siya ng gate."Sinadya ko 'yon." Nakangising sabi niya.Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit mo naman sinadya?"Tumawa siya. "Kailangan para magkita na tayo. Ako pala si Jack. Magpinsan tayo. At matagal na kitang minamatyagan dahil utos 'yon sa akin ng Daddy mo."Nanlaki ang mata ko. "Weh? 'Di nga? Kaya pala parehas tayong guwapo! Magpinsan pala tayo!" Napangiti sabay iling si Jack. "Loko ka. Kumusta ka pala? Kayo ng nobya mong si Ava?" Bumuntong hininga ako. "Ito…medyo nahihirapan dahil patago kaming nagmamahalan ni Ava. Patago kaming kikita at nagsasama tuwing gabi.""At dahil ba 'yon sa hindi ka tanggap ng Mommy niya?" Mabilis akong tumango. "Oo. Siya talaga ang kontrabida sa love story namin ni Ava. Ewan ko ba sa babaeng 'yon. Hindi na lang siya maging masaya para amin ng ana
Elijah Montemayor's P.O.V.Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit at lungkot habang nakatingin sa masaya at buong pamilya. Kahit na sabihin na nating mahal na mahal ako ni Mama at siya ang nagpalaki sa akin kahit mag-isa lang siya, hindi ko pa rin maiwasang hanapin ang aking ama. Totoo nga kayang iniwan niya si Mama nang malaman niyang buntis ito? Totoo nga kayang inabandona niya kami? Kung totoo man, napakasama nanan niya kung ganoon. Bakit niya pa nagawang buntisin si Mama kung ayaw naman niyang magkaroon ng anak?"Ayos ka lang ba, Elijah?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Robert.Nilingon ko siya sabay ngiti. "Oo naman. Bakit?"Tinapik niya ako sa balikat. "Alam kong hindi ka okay dahil nakita mo naman ang isang buong pamilya. Nami-miss mo ba ang tatay mo?"Nagkibit-balikat ako. Nami-miss ko nga ba siya? Pero sa totoo lang, hinahanap ko ang pakiramdam na mayroong isang ama. Siguro masarap sa pakiramdam na may kausap kang isang ama na puwede mong makainuman. Na puwede mong maka-...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments