BLURB: Five years ago, Althea ran away from her marriage. No goodbyes, no explanations—just a desperate escape from a life she never wanted. Now, fate plays a cruel joke on her when she unknowingly applies for a job at Montevista Group of Companies, only to come face-to-face with the man she abandoned… Xander Montevista He’s no longer the reckless man she once knew. He’s powerful. Dangerous. And merciless. At sa unang araw pa lang ng trabaho niya, isang nakakakilabot na tanong ang sumalubong sa kanya— "Are you still a virgin, my wife?" And just like that, her nightmare begins. Xander is furious. He wants answers. He wants revenge. But above all—he wants her back. And this time… Althea can never escape him again.
Lihat lebih banyakBabala Para sa Readers:
⚠ WARNING! ⚠ Ang kwentong ito ay puno ng matinding tensyon, masakit na alaala, at isang lalaking puno ng galit at pagnanasa. Kung mahina ang puso mo sa possessive, arrogant, and dangerously seductive men, baka hindi mo kayanin si Xander Montevista. Pero kung handa kang sumabak sa isang kwentong puno ng pain, passion, at isang pag-aasawang puno ng lihim, then welcome to the chaos. Are you ready to face Xander’s wrath, Althea? ******* "Makati ka talaga, Althea… at sa matanda ka pa nagpapakamot?" "You left me five years ago, tapos babalik ka nang ganyan? Puro kahihiyan ang dala mo." "Tell me, wife… do you spread your legs that easily? O mahilig ka lang talaga sa may edad?" "Tsk. You disgust me. But don’t worry... I’ll make sure na ako lang ang huling lalaking babayaran mo ng atensyon mo." -XANDER MONTEVISTA THIRD PERSON POV. Masayang tinahak ni Althea ang marbled na hallway ng Montevista Group Company, dala ang excitement sa kanyang unang araw ng trabaho. Suot ang isang puting blouse at itim na slacks, nakangiti siyang lumapit sa reception desk. “Good morning, Miss. Pwede pong magtanong?” aniya sa receptionist na abala sa pag-aayos ng ilang papeles. Bumaling sa kanya ang babae at magiliw na ngumiti. “Good morning, Ma’am! Ano pong maitutulong ko?” “Pwede pong magtanong kung nasaan ang main office ng CEO?” tanong niya, hindi maitago ang sigla sa kanyang boses. “Ay, opo! Diretso lang po sa hallway na ‘yan tapos pangatlong pinto sa kanan. Doon po ‘yung office niya.” “Maraming salamat!” Nakangiting naglakad si Althea patungo sa tinurong direksyon. Wala siyang ideya na sa ilang segundo lang, ang kanyang mundo ay babaliktad. Sa harap ng malaking kahoy na pinto na may nakaukit na ‘CEO Office,’ huminga siya nang malalim bago marahang itinulak ang pinto. Pagbukas niya— Napatigil siya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa eksenang bumungad sa kanya. Sa harapan niya, isang lalaki at isang babae ang nasa gitna ng silid—magkalapit, magkahinang ang labi sa isang matinding halik. Biglang kumabog ang kanyang dibdib. Hindi niya alam kung dapat ba siyang umurong o magkunwaring hindi niya nakita ang lahat. Hindi niya naman kilala ang mga tao sa loob—pero bakit may kung anong kirot sa kanyang dibdib? Maya-maya, naputol ang halikan ng dalawa. Bumaling sa kanya ang lalaki, kita sa mukha nito ang matinding inis. “Who the hell are you?” malamig at matigas ang boses nito. Napasinghap siya sa lalim ng tono ng lalaki—parang may kung anong pamilyar sa tunog nito. Nagsimula siyang umurong, pero bago pa siya makalabas, muli siyang tinawag ng lalaki, mas matigas ang boses. “Tumigil ka.” Muling bumalik ang kaba sa dibdib niya. Althea, lumabas ka na! sigaw ng isip niya, pero parang may pumipigil sa kanya. Dahan-dahan siyang humarap muli. At doon, nang tuluyan niyang makita ang lalaki— Halos lumubog ang kanyang puso. Nanlaki ang kanyang mga mata. Malamig ang titig na nakatutok sa kanya, puno ng galit at pagkalito. Ang lalaking kahalikan ng estrangherang babae— Ang CEO ng Montevista Group Company— Ay walang iba kundi si Xander Montevista. Ang lalaking tinakbuhan niya limang taon na ang nakalipas. Ang kanyang asawa. Bago pa man makapagsalita si Althea, biglang lumamig ang buong silid sa sigaw ng lalaking nasa harapan niya. “Get out.” Nagulat ang babaeng kahalikan nito kanina, ngunit imbes na magreklamo, mabilis itong nag-ayos ng sarili at lumabas ng opisina, takot sa matalim na titig ng lalaki. Nang sumara ang pinto, muling bumaling ang mga nag-aapoy na mata ni Xander kay Althea. Nanginig ang kanyang mga kamay. Kahit ilang taon na ang lumipas, hindi niya pa rin malilimutan ang presensya ng lalaking ito—lalo na ang klase ng galit na kayang nitong ipakita. “W-Wait,” nauutal niyang sabi, pilit nilalabanan ang kaba. “Bakit… bakit ikaw ang CEO? Hindi ka Montevista.” Matalim na tumawa si Xander, ngunit walang kahit anong saya sa kanyang tinig. Umikot siya sa kanyang swivel chair, umupo rito at sumandal, pinag-aaralan si Althea na tila ba isang estrangherong hindi niya dapat kaharap ngayon. “Nice to see you too, my wife,” aniya, may bahid ng panunuya ang boses. “Five years kang nawala at ngayon, haharap ka sa akin nang may ganyang tanong?” Mas lalong lumalim ang pagkalito ni Althea. “Paano—” “Paano ako naging CEO?” putol niya sa sasabihin nito. “Hindi ba dapat Dela Fuente ka pa rin? Bakit ka nandito sa kumpanya ko, ha? Para ano? Para manggulo ulit?” Napalunok siya. “Hindi—hindi kita hinanap. Hindi kita ginulo. Hindi ko alam na ikaw—” “Ako ang CEO?” Tumayo si Xander at dahan-dahang lumapit sa kanya. “Ikaw lang naman ang mahilig tumakbo, Althea. Ako? Ako ang mahilig habulin ang dapat ay sa akin.” Nagpatuloy siya sa paglapit hanggang sa halos ilang pulgada na lang ang pagitan nila. “Pero may isang bagay akong gustong malaman.” Pumikit si Xander saglit, tila ninanamnam ang presensya niya bago dahan-dahang ngumiti—isang ngiting hindi niya maintindihan kung may halong sakit o galit. Dumilat ito at sumingkit ang mga mata. “Are you still a virgin, my wife?” Natahimik si Althea. Hindi makapaniwala sa bastos na tanong nito. Napalunok siya at umatras. “Anong klaseng tanong ‘yan?” Itinukod ni Xander ang kamay sa pader, inipit siya sa pagitan ng kanyang katawan at ng malamig na kahoy ng pinto. “Simple lang ang tanong ko, Althea. O gusto mong ulitin ko?” Nanginginig ang kanyang mga kamay, ngunit hindi niya hinayaang makita ni Xander ang takot niya. Itinaas niya ang kanyang mukha, pilit pinapalakas ang sarili. “Wala kang karapatang tanungin ako ng ganyan.” Bahagyang tumawa si Xander, ngunit may halong panunuya ang bawat hagikgik nito. “Oh, but I do. Ako ang asawa mo, ‘di ba? Kahit tumakbo ka, kahit limang taon na ang lumipas… ako pa rin ang may-ari sa’yo.” “Hindi mo ako pag-aari,” mariin niyang sabi, pilit inilalabas ang lakas ng loob niya. “At hindi mo ako maaaring bastusin ng ganyan.” Tumingin ito ng diretso sa kanyang mga mata, at sa unang pagkakataon, parang may kung anong lumambot sa ekspresyon ni Xander. Ngunit agad iyong napalitan ng mapait na ngiti. “Kung gano’n… bakit ka nandito, Althea?” Hindi siya nakasagot. Dahil kahit siya mismo, hindi niya alam kung bakit siya dinala ng tadhana sa mismong lugar kung saan naroon ang lalaking tinakbuhan niya noon. Naputol ang titigan nila ni Xander nang bumuntong-hininga si Althea at tuluyang umiwas ng tingin. Ang puso niya ay bumibilis ang tibok, pero hindi dahil sa takot—kung hindi dahil sa matinding inis at frustration. Alam niyang hindi na siya puwedeng tumakbo pa. Ang trabaho ang pinunta niya rito. Ang trabaho ang kailangan niya. Hindi si Xander. Hindi ang lalaking minsan niyang minahal… at tinakbuhan. Kahit gaano pa ito kaguwapo sa paningin niya, kahit anong pilit niyang itanggi na apektado siya sa presensya nito—wala siyang pagpipilian kundi tiisin ito. Dahil nasa ospital ang kanyang ama. At hindi niya maaaring mawalan ng trabaho. Huminga siya nang malalim at muling itinaas ang kanyang mukha, siniguradong hindi niya ipapakita kay Xander na kaya siyang guluhin nito. “Trabaho lang ang habol ko rito,” matigas niyang sabi. “Hindi ikaw.” Saglit na katahimikan ang bumalot sa silid bago dahan-dahang ngumiti si Xander—isang ngiting puno ng panunuya. “Trabaho lang pala ang gusto mo?” Hindi siya natinag. “Oo.” Lumapit pa si Xander, halos ilang pulgada na lang ang pagitan ng kanilang mukha. “Sigurado kang kakayanin mong makita ako araw-araw?” Hinaplos nito ang labi gamit ang hinlalaki, tila ba inaasar siya. “Baka sa isang linggo pa lang, hindi mo na kayanin ang presensya ko.” Napakuyom ang mga palad ni Althea pero pinigilan niyang bumigay sa pang-aasar nito. “Kahit pa araw-araw tayong magkita, Xander, wala akong pakialam.” Tumaas ang kilay nito. “Talaga?” Ngumiti siya nang matamis, pilit tinatago ang inis. “Oo. Kasi ikaw ang CEO at ako ay isa lang sa mga empleyado mo. Hindi kita asawa rito—boss lang kita.” Muling natahimik si Xander. Pero sa paraan ng pagtingin nito sa kanya, alam niyang hindi nito nagustuhan ang sagot niya. Maya-maya, tumalikod ito at bumalik sa upuan nito. “Kung gano’n, magsimula ka na sa trabaho mo.” Pinanood niya itong umupo, nag-aabang kung may sasabihin pa ito. Pero nang hindi na ito nagsalita, alam niyang pinalalabas na siya nito. Hindi na siya naghintay pa. Kahit nanginginig pa rin ang mga kamay niya sa tensyon, lumingon siya at marahang binuksan ang pinto. Ngunit bago siya tuluyang makalabas, muling nagsalita si Xander. “At Althea,” malamig at mapanuksong boses nito, dahilan para mapatigil siya. “Siguraduhin mong handa ka sa trabahong pinasok mo. Dahil simula ngayon…” Tumigil ito saglit, at nang bumaling siya rito, nanunuksong nakangiti ito. “…hindi na ako papayag na tumakbo ka ulit.” Napakagat-labi siya. Hindi niya alam kung anong pinasok niya, pero isa lang ang sigurado niya—wala na siyang kawala pa. Pagkalabas ni Althea sa opisina ni Xander, ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Nanginginig pa rin siya—hindi sa takot, kundi sa matinding galit. Agad siyang naghanap ng restroom at pumasok sa isang cubicle. Pagkasara ng pinto, mariin siyang napapikit at saka pinakawalan ang gigil na kanina pa niya pinipigilan. “Hayop ka, Xander! Ang kapal ng mukha mo!” madiin niyang bulong habang mariing kinuyom ang kanyang mga kamao. Pakiramdam niya, gusto niyang bumalik sa opisina nito at sampalin ito sa pangbabastos na ginawa sa kanya. Ang tanong pa lang nito kanina ay nakakainsulto na, tapos muntik pa siyang mahalikan? Napahawak siya sa labi niya. "Tangina! Akala mo naman kung sinong hindi nang-iwan noon! Tapos ngayon, kung umasta, parang ako pa ‘yung may kasalanan?” Napasandal siya sa pader ng cubicle, pilit pinapakalma ang sarili. Hindi siya pwedeng magpadala sa emosyon. Hindi siya pwedeng patalo kay Xander. Kailangan niya ng trabahong ito. Para sa papa niya. "Trabaho lang, Althea," bulong niya sa sarili. "Hindi mo siya papansinin. Hindi mo siya pakikinggan. Hindi mo siya papayagang guluhin ka ulit." Huminga siya nang malalim at dahan-dahang lumabas ng cubicle. Pagharap niya sa salamin, nakita niya ang sarili niyang namumula pa rin sa galit. Muli siyang napahawak sa labi niya. "Tch. Bwisit ka talaga, Xander. Hindi mo na ako mauuto ulit." Ngumiti siya nang pilit sa repleksyon niya—isang ngiti ng babaeng hindi magpapatalo. At sa oras na iyon, isinumpa niya sa sarili na hindi na siya muling paiikutin ng lalaking iyon. Pagpasok ni Althea sa departamento niya, agad niyang narinig ang malakas na boses ng head manager. “Sino ang umupo sa desk na ‘yan?! Kanina pa ako nagtatanong pero walang sumasagot!” Napatingin si Althea sa direksyon ng bakanteng desk—ang desk na nakatalaga para sa kanya. Nakita niya ang ilang empleyado na pabulong-bulong habang nakangisi, tila ba naaaliw sa nangyayari. Huminga siya nang malalim bago lumapit. “Pasensya na po, Ma’am. Ako po ang nakatalaga diyan.” Biglang napatingin sa kanya ang head manager—si Miss Liza, isang mataray at istriktong babae na halatang hindi mahilig sa mga palusot. “Ikaw? Ikaw ang bagong empleyado?” anito, kita sa mukha ang iritasyon. Tumango si Althea. “Opo. Pasensya na po kung nahuli ako—” “Pasensya?! ‘Yan na lang ba ang alam mong sabihin? First day mo pa lang, late ka na agad?!” singhal ni Miss Liza. “Ano’ng akala mo rito? Playground?!” Naramdaman ni Althea ang pagkapahiya, lalo na nang marinig niyang may tumawa sa paligid. Hindi niya kailanman inisip na ganito magsisimula ang unang araw niya rito. “Paano mo nagawang magpahuli sa unang araw mo?” patuloy na sermon ng head manager. “Hindi ka ba marunong sa oras? O sadyang wala kang pakialam sa trabaho mo?” Nagsimula nang magbulungan ang mga empleyado, at ang ilan ay hindi na nagpipigil sa pagtawa. “Wala pang isang araw, pero sablay na agad.” “Tsk. Siguradong tatagal ‘yan ng isang linggo tapos resign.” “Sayang, maganda pa naman siya.” Napakuyom ng kamao si Althea. Kung hindi lang dahil kay Xander… kung hindi lang dahil sa eksenang nangyari kanina, hindi sana siya nahuli! Pero hindi niya maaaring sabihin iyon. “Huwag kang nakatayo lang diyan! Simulan mo na ang trabaho mo at siguraduhin mong hindi ka magiging pabigat sa team namin!” madiing utos ni Miss Liza bago tumalikod. Muli siyang napahawak sa dibdib niya, pilit pinipigilan ang inis at hiya. Sa halip na sumagot, tumango na lang siya at dahan-dahang umupo sa desk niya. Hindi niya alam kung paano niya pakikisamahan ang mga taong ito. Pero isa lang ang sigurado niya: wala silang alam tungkol sa kanya. Wala silang alam kung sino siya. At mas mabuti na sigurong gano’n. Pagod na pagod si Althea nang matapos ang trabaho. Buong maghapon, ramdam niya ang mga matang nakatuon sa kanya, ang mga bulungan sa paligid na kahit hindi niya marinig nang buo ay alam niyang tungkol sa kanya. Walang gustong kumausap sa kanya. Walang gustong maging palakaibigan. At sa unang araw pa lang niya, parang itinuring na siyang outsider. Napabuntong-hininga siya habang nililigpit ang gamit. Hindi niya na lang ininda ang masasakit na titig ng mga kasamahan niya. Basta matapos lang ang trabaho niya, sapat na. Sakto namang natanggap niya ang isang mensahe mula sa kanyang Uncle William—ang nakatatandang kapatid ng kanyang namayapang ina. Uncle William: "Nandito na ako sa labas ng building. Sunduin na kita." Napangiti si Althea kahit paano. Isa lang ang taong palagi niyang maaasahan sa buhay, at ito ay ang kanyang tiyuhin. Paglabas niya ng gusali, agad niyang nakita si Uncle William, nakatayo sa tabi ng isang itim na sasakyan. Matikas pa rin ito sa kabila ng edad, pero kita sa mukha nito ang pagiging disente at mabuting tao. Lumapit siya rito at magalang na bumati. “Uncle!” Ngunit sa hindi kalayuan, napansin niyang may ilang babaeng empleyado na nagmamasid sa kanila. “Sino ‘yon? Tatay niya?” “Hindi kaya… sugar daddy niya?” “Oh my God! Kaya pala nakapasok kahit late sa first day! May connection pala!” “Hayst, sayang. Ang ganda pa naman, pero mukhang mayaman lang ang hanap.” Narinig ni Althea ang mga bulungan, at agad niyang naramdaman ang pag-init ng kanyang pisngi. Napalingon siya sa grupo ng mga nagtsitsismis, pero imbes na matakot o mainis, napailing na lang siya. "Ano'ng iniisip ng mga ‘to? Ang bilis gumawa ng kwento!" Hindi niya na lang pinansin ang mga tsismis at ngumiti sa kanyang tiyuhin. “Tara na po, Uncle. Gutom na ako.” Ngumiti naman si Uncle William at tinapik siya sa ulo. “Halika na, hija. Kumain tayo.” Sumakay siya sa sasakyan nito, hindi alintana ang bumaha pang tsismis habang umaalis sila. Kung may isang bagay siyang natutunan ngayong araw… Mas mabuti na sigurong hindi nila alam kung sino siya talaga. ***** "Makati ka talaga, Althea… at sa matanda ka pa nagpapakamot." Mariing isinara ni Xander ang pinto ng opisina niya, nagngangalit ang panga habang ang mga kamao ay mahigpit na nakasara. Hindi niya inakala na sa loob lamang ng isang araw mula nang makita niyang muli si Althea, ganito na ang maririnig niyang tsismis tungkol dito. "Sugar daddy?" ulit niya sa sarili, punong-puno ng inis. "Ano? Kulang pa sa isang lalaki kaya pati matanda, pinapatulan?" Mula sa salamin ng opisina niya, tanaw niya ang ilang empleyado sa ibaba, abala sa kani-kanilang trabaho, ngunit ang iilan ay patuloy sa maruming paninira sa pangalan ng asawa niya. "Nakakahiya talaga. Ang babae ko, ginagawang kabit ng matanda!" Parang may sumabog sa loob ng dibdib niya. Wala siyang pakialam kung limang taon siyang hindi nagpakita kay Althea. Wala siyang pakialam kung umalis ito noon na hindi nagpaalam. Pero hindi niya matatanggap na pagkalipas ng limang taon, ganito ang maririnig niyang tsismis tungkol sa kanya. "Putangina, Althea. Hindi pa man tayo nag-uusap nang maayos, pero pinapainit mo na agad ang ulo ko!" Hindi na niya kinaya. Kinuha niya ang telepono at may tinawagan. "Hanapin mo kung sino ang lalaking sumundo kay Althea Montenegro kanina." "Yes, Sir. Susundan ba namin—" "Hindi na kailangan. Isama mo na rin ang buong background ng babaeng ‘yon. Gusto kong malaman kung anong klaseng buhay ang pinili niyang tahakin matapos niya akong takbuhan noon." Pinutol niya ang tawag at napaupo, mariing pinisil ang sentido niya. Hindi niya maintindihan kung anong klaseng laro ang ginagawa ni Althea. Hindi niya maintindihan kung bakit sa unang araw pa lang ng pagbabalik nito sa buhay niya, heto na agad ang pinoproblema niya. Pero isang bagay ang alam niya— Hindi matatapos ang araw na ito na hindi niya ito napapaharap sa kanya.EPILOGUE – LIMANG TAON MAKALIPAS Third Person POV Maliwanag ang sikat ng araw. Sa isang hardin na pinalibutan ng puting bulaklak at hanging sariwa, isang masayang kasalan ang nagaganap. Simple lang—pero ramdam ang pagmamahalan sa bawat ngiti, sa bawat sulyap, at sa bawat hakbang. Nakahawak si Althea sa braso ni Zsazsa, ngayon ay siyam na taong gulang, habang naglalakad sa aisle. Si Zsazsa ang nagsilbing flower girl at bridesmaid—proud na proud, may konting arte pa sa lakad, pero may kinikilig sa mata. Sa unahan, nakatayo si Xander. Hindi na siya ‘yung lalaking laging may bigat sa puso. Ngayon, isa na siyang ganap na asawa, ama, at lalaking natutong lumaban para sa pamilya niya. Habang naglalakad si Althea, dahan-dahan siyang tumingin kay Xander. Nandoon pa rin ang kilig, ang lungkot, ang kasaysayan ng nakaraan—pero sa lahat ng iyon, ang nangingibabaw ay pagmamahal. Sa tabi ni Xander, nakaupo si baby Liam—ngayon ay apat na taong gulang, nakasuot ng maliit na coat, at abala sa pag
THIRD POV Lumipas ang mga araw sa pagitan ng lungkot at pag-asang bumabalot sa tahanan ni Althea. Unti-unti nang lumalaki ang kanyang tiyan, at bawat araw na dumadaan ay parang tinutulak siya ng panahon pabalik sa mga alaala nila ni Xander. Samantalang sa malayong lugar, isang lalaking punong-puno ng pag-aalala at pangungulila ang nakaupo sa labas ng isang lumang ospital. Si Xander. Namumugto ang kanyang mga mata, at tila ba nahulog ang buong mundo sa balikat niya. May tungkulin siyang kailangang tapusin—isang pangako sa nakaraan na matagal na niyang pinasan. At iyon ay si Lilia. Hindi niya kayang sabihin kay Althea ang katotohanan. Alam niyang masasaktan ito. Alam niyang mahirap itong ipaliwanag sa pamilya ni Althea, lalo na sa anak nitong si Zsazsa. Kaya pinili niyang manahimik, magsakripisyo, at muling itago ang sariling sakit. --- XANDER POV “Patawad, Althea…” bulong ko habang nakatanaw sa malamig na burol ng babaeng minsan kong inalagaan.* Lilia is gone. Tinup
Sa di kalayuan, sa likod ng matataas na punong kahoy at kakahuyan na bahagyang natatakpan ng anino, nakatayo si Xander. Tahimik, walang imik, ngunit tila may lindol sa loob ng kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga taong mahal niya. Hawak niya ang kanyang jacket sa isang kamay, habang ang kabilang kamay ay nakakuyom sa gilid ng kanyang katawan. Sa harap ng puntod, nakita niya si Althea na nakayakap kay Zsazsa. Kasama rin si Jace at si Inay Edna, tila isang kumpletong pamilyang nagluluksa ngunit sabay-sabay ding bumibitaw sa nakaraan. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming bumabalot sa kanya. May kirot, may galit, may lungkot… pero higit sa lahat, may panibugho. Hindi sa pag-ibig ni Althea, kundi sa pagkukulang niyang maging sapat—kay Althea, at higit sa lahat, kay Zsazsa. Tila mabagal ang pag-inog ng mundo sa paningin niya habang pinagmamasdan kung paano niyakap ni Althea si Zsazsa nang mahigpit, kung paano ngumiti ang bata sa gitna ng lungkot, at kung paano n
Third POV Lumipas ang ilang araw, ngunit walang balita kay Xander. Para siyang nawala na parang bula, iniwan si Althea sa gitna ng napakaraming tanong at sakit. Sa bawat paggising niya sa umaga, umaasa siyang makakatanggap ng tawag o kahit mensahe mula kay Xander, pero wala. Tila baga hindi lang siya basta iniwan—parang hindi na ito muling babalik. Ang kanilang bagong tahanan na dapat ay puno ng saya bilang bagong kasal ay naging malamig at tahimik. Sa tuwing bababa siya sa hapag-kainan, parang gusto niyang umiyak. Napansin niyang kakaiba ang kilos ng kanyang mga magulang. Si Julio at Cecilia ay laging nag-uusap nang pabulong. Sa tuwing papasok siya sa silid nila, bigla silang titigil at magpapanggap na wala lang. Si Jace naman, palaging naroon, nakabantay sa kanya. Minsan, parang may gusto itong sabihin, pero hindi nito magawa. Isang gabi, habang palabas siya ng bahay upang magpahangin sa garden, narinig niya ang usapan ng kanyang mga magulang sa sala. "Hindi na dapat b
Third POV Malapit na ang kanilang kasal, pero sa halip na excitement, kaba ang bumalot kay Althea. Ilang oras na siyang naghihintay, pero ni anino ni Xander ay hindi pa niya nakikita. Nagsimula siyang maglakad-lakad sa paligid ng bahay, sinusubukang hanapin ito. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nito, pero hindi sumasagot. Sinubukan niya ring tanungin ang mga tauhan na abala sa paghahanda ng kasal, pero walang makapagsabi kung nasaan si Xander. Habang lumilipas ang mga oras, unti-unti na siyang kinabahan. “Nasaan na ba ang lalaking ‘yon?” bulong niya sa sarili, napapatingin sa orasan. Maya-maya, lumapit sa kanya si Zsazsa na may bitbit na stuffed toy. “Mama Althea, bakit po parang nag-aalala kayo?” inosenteng tanong ng bata. Napabuntong-hininga siya at pilit na ngumiti. “Hinahanap ko lang si Daddy Xander mo, baby.” Biglang kumunot ang noo ni Zsazsa. “Baka po hindi na siya bumalik,” sagot nito nang walang emosyon. “Okay lang naman po. Mas gusto ko naman si Daddy Jace.
Third POV Abala ang buong pamilya sa paghahanda ng kasal nina Xander at Althea. Masaya ang lahat, maliban kay Althea na nakaupo sa gilid, nakasimangot habang hinahaplos ang kanyang umbok na tiyan. "Hindi ba pwedeng pagkatapos ko na lang manganak?" reklamo niya kay Xander habang nakasandal ito sa balikat ng lalaki. Agad siyang hinila ni Xander palapit. "No way, love. Gusto kitang pakasalan ngayon na. Mas okay na may kasiguraduhan akong hindi mo na ako matatakasan!" malakas niyang sabi, sabay halik sa tuktok ng ulo ni Althea. Napairap si Althea at kinurot ang tagiliran ni Xander. "Ganyan ka na naman! Para bang takot na takot kang iwan kita." "Gano’n na nga," sagot ni Xander, hindi man lang tinatago ang katotohanan. "Baka kung kelan hindi kita binantayan, bigla kang tumakbo na parang si Cinderella!" Napahalakhak si Althea. "Eh paano naman ako tatakbo, ha? May bitbit akong baby sa tiyan! Hindi mo ba nakikita kung gaano na ako kabigat?" Tumango-tango si Xander na kunwaring na
Sa Ilalim ng mga Bituin Sa malawak na bakuran na malapit sa ilog, nag-uumapaw ang kasiyahan. Ang mga ilaw mula sa mga nakasabit na bombilya sa puno ay nagbibigay ng mainit at kaaya-ayang liwanag sa buong paligid. Amoy na amoy ang inihaw na isda at baboy, samahan pa ng halakhakan ng mga tao. Habang abala ang lahat sa paghahanda ng pagkain at paglalaro ng mga bata, si Althea naman ay nakaupo sa may gilid, pasilip-silip sa nagaganap na kasiyahan. Nakaunan siya sa kanyang palad, may kaunting lungkot sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang paligid. Kung iisipin, ilang araw lang ang lumipas pero pakiramdam niya ay parang isang siglo na niyang hindi nakikita si Xander. Inakala niyang hindi na ito babalik. Pinilit niyang maging matatag, pero sa bawat paglipas ng araw, mas lalo niyang naramdaman ang sakit ng pangungulila. Napabuntong-hininga siya at nilaro ang dahon ng damo sa kanyang kamay. Maya-maya pa, bigla niyang naramdaman ang isang mainit na bagay na lumapat sa kanyang bali
Tahimik ang buong bahay. Para bang lahat ng tao ay nawala, o kaya nama’y sinadyang iwan siyang mag-isa. Hindi niya maintindihan, pero ramdam niyang may bumabagabag sa kanya. Mahigpit ang pagkakabalot niya sa kumot, nakasiksik siya sa gilid ng kama, at kahit anong pilit niyang pigilan ang sarili, patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang luha. Paulit-ulit sa isip niya ang larawang nakita niya—si Xander, inaalagaan si Lilia, samantalang siya, na kanyang asawa at dinadala ang kanilang anak, ay hindi man lang nito napupuntahan. Maya-maya, isang katok ang gumambala sa kanyang pag-iiyak. Mahina lang ito noong una, pero hindi ito tumigil. Isa, dalawa, tatlong beses—at nang hindi siya sumagot, nanatiling tahimik ang kabilang panig ng pinto. Wala pa ring tunog. Parang nakikiramdam kung gising siya o hindi. Ngunit kahit pa sirain ang pintuan, hindi niya ito babangon. Mas gusto niyang manatiling nakabalot sa lungkot at pagdaramdam. Pero hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari. Isan
Samantalang si Althea ay abala sa pagkain ng hinog na mangga sa likod-bahay. Sarap na sarap siya sa bawat kagat habang iniisip kung bakit parang ang bigat pa rin ng pakiramdam niya. Ilang araw na siyang malungkot at hindi niya na rin makontak si Xander. Napabuntong-hininga siya at tumingin sa langit. "Kailan kaya matatapos ang ganitong pakiramdam?" tanong niya sa sarili. Nang maalala niya ang kanyang cellphone, agad siyang napatayo at bumalik sa kanyang silid. Kinuha niya ang telepono sa tabi ng unan at nanlaki ang mata nang makita ang napakaraming missed calls mula kay Jace. Kinabahan siya. "Baka may nangyari sa mga bata!" mabilis niyang inisip. Agad niyang tinawagan si Jace habang lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Althea. Napalingon siya at nakita niyang si Jace ang pumasok. Kumunot ang noo niya, bakas sa mukha niya ang pagtataka. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya, kita sa mukha ang bahagyang pag-aalala. Hindi agad nagsali
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen