No one knows about her work. Amora Salvatore, a full-package type of woman lost her virginity to a man who was soon to be her next target. She was tasked to become the assistant of the ruthless, cold-hearted, and the man of few words, Aiden Hemsworth also called Mr. Hemsworth. He was also the same man who took her virginity at the bar when she was drunk. Amora wants to back out, but there is no way for her to escape from the aunt of the Billionaire Mr. Hemsworth. She was tasked seducing Mr. Hemsworth, the man she hated most. Would Amora succeed with her plans of seducing Mr. Hemsworth? What if she fell in love with him at the wrong time? Will Mr. Hemsworth love her back when he found out about Amora's plans? Will she choose her mission over Mr. Hemsworth who made her feel crazy in love and who unwraps her wildness in bed?
View MoreAmora's POVMabilis lang lumipas ang panahon at halos dalawang buwan na pala ang nakalipas nang magkabalikan kami ni Aiden. Dinala niya ako pabalik sa mansyon niya. Nagsama na kami at isang buwan na lang ay ikakasal na rin kami. Hindi na ako makapaghintay na mangyari iyon sa dami ng mga nangyari sa buhay namin.Sa mga oras na ito ay wala si Aiden sa bahay dahil may mahalaga siyang pinuntahan. Gusto ko pa sana sumama sa kaniya subalit nahilo ako kanina at ang sama ng pakiramdam ko. Narito rin sina Sheila at ang tita ko kaya hindi ko sila puwedeng maiwan.Kahit masama ang aking pakiramdam ay pinilit ko pa rin bumangon pero mali yata ang ginawa ko dahil nahilo na naman ako at kasabay no'n ay tumakbo ako sa loob ng banyo saka doon nagsuka. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kahapon ko pa napansin ito.“Ano ba ang nangyayari?”Hindi ko maiwasang itanong sa sarili iyon habang tinititigan ang repleksyon sa salamin. Isang malakas na buntonghininga ang aking pinakawalan at nagdesisyon na l
Amora's POVTumakbo na ako para makarating nang mabilis sa munting kubo ng tiyahin ko para doon magtago. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Aiden ngayon at hindi dahil galit ako sa kaniya kung hindi dahil sa takot at kaba. I swear I tried to move on and start my new life without him but I couldn't make it. Hinahanap ko pa rin talaga ang mga halik niya at ang mga yakap niya. Alam ng diyos kung paano ko siya hanapin bawat araw at gabi sa loob ng isang buwan na wala siya sa tabi ko.Gustong-gusto ko siyang yakapin kanina subalit mas nangibabaw sa akin ang takot at pag-aalangan na baka ayaw niya sa akin.“Mahal pa rin kita, Aiden subalit hindi ko alam kung paano kita haharapin ngayon.”Kaagad akong pumasok sa kuwarto ko saka nagbihis. Nagbago na rin kasi ang isip ko at sana maintindihan ni Sheila kung bakit hindi na ako tutuloy. Ipaliwanag ko na lang sa kaniya kinabukasan at nawa'y kausapin ako ng babaeng iyon. Kaagad naman akong nagbihis at nahiga sa kama ko habang nakatitig sa kis
Amora's POVHalos isang buwan na rin pala ang lumipas nang tuluyan na akong umalis sa puder ni Aiden Hemsworth. Inaamin ko na hanggang ngayon ay siya pa rin ang hinahanap ng puso ko at wala na akong narinig pa tungkol sa kaniya. Hindi na ako nabalitaan ng mga malalapit niyang kaibigan at nag-aalala na ako sa kaniya.Nagising na lang ako sa malalim na pag-iisip nang biglang may magsalita sa aking likuran.“Bakit ka pa narito, Amora? Dapat ka na kumilos at magbihis dahil mamaya ay darating na ang mga bisita ng mga Lorenzo.” Napalingon ako sa biglang pagsalita ni Sheila kaya napangiti ako. Halos makalimutan ko na may magaganap pala na malaking handaan mamaya sa mansyon at sobrang abala ang lahat sa paghahanda na ito.Ang tita ko naman ay kaninang umaga ko pa hindi nakakausap dahil sa sobrang abala nito sa paghahanda. Siya rin kasi ang naatasan sa mga ihahanda sa mansyon at kanina tinulungan ko siya subalit nagpaalam din ako sa kaniya na lumabas muna para magpahangin.Naalala ko kasi si
Amora's POVNakayakap si Aiden sa akin subalit hindi ako gumalaw. Hindi ko tinangkang yakapin siya pabalik dahil ayokong isipin niya na pinapatawad ko na siya at naramdaman naman niya ang hindi ko pagyakap pabalik sa kaniya kaya bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Akmang magsasalita pa sana si Aiden nang may biglang pumasok sa loob at ang tita niya ito na may hawak na baril upang tumayo si Aiden para harapin ito.“Hayop ka, Aiden! Bakit hindi ka namamatay!”Galit na boses ni Agatha ang bumungad sa amin ngayon. Nagdesisyon na rin ako na tumayo para harapin ang tita niya na ngayon ay nanginginig pa habang nakatutok ang baril sa aming dalawa.“Why are you doing this, Tita? Bakit kailangan pa natin umabot sa ganitong punto? I trusted you because you are my aunt. You are my father's sister, but why?”Ngumiti si Agatha sa tanong ni Aiden sa kaniya.“Tinatanong mo ako kung bakit ko ginagawa ito? Gusto kong makuha lahat ng kayamanan na meron ang kapatid ko. Ako dapat ang namamahala ng mga i
Amora's POVAng buong katawan ko ay punong-puno na ng mga pasa mula sa walang tigil nilang pagpapahirap sa akin. Tatlong araw na ang lumipas at malapit na bumigay ang katawan ko sa sobrang pagod. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin nila akong pakawalan dahil gusto nila akong patayin kasama si Aiden at habang lumilipas ang mga araw, mas lalo akong kinakabahan sa kung ano ang posibleng naghihintay sa akin. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kung hindi para kay Aiden.Hindi ko alam anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kaniya at wala na akong pakialam kung ano ang mangyari sa akin ngayon. Mas mainam kung patayin na nila ako dahil pagod na pagod na ang katawan ko.“I have good news, Amora.”Ito kaagad ang sinabi ni Cassandra pagkapasok pa lang nito sa kuwarto na kinaroroonan ko kaya napailing ako.“Gusto mo na ba akong patayin, Cassandra? Iyan ba ang dala mong balita sa akin?”Lumapit siya sa akin at nag-iwan ng ilang dangkal na layo sa pagitan naming dalawa saka ito ngumiti.“Ang
Amora's POVSobrang sakit sa pakiramdam na ang taong hahatak sa akin palabas ay walang iba kung hindi ang lalaking minamahal ko. Wala na nga itong pakialam kahit pa na masaktan ako mailabas lang ako sa bahay niya.“Mahal kita, Aiden kaya please . . . . maniwala ka sa akin. Hindi ko ginusto na saktan ka at kailangan mong malaman na 'yong tita mo ang may kagagawan. May masamang balak siya sa 'yo kaya mag-iingat ka, Aiden.”Umiiyak pa rin ako dahil sa kaniyang ginagawa sa akin ngayon. “You are out of your mind, Amora. Hindi ko alam kung bakit ka ganiyan magsalita tungkol sa tita ko pero ito lang ang tatandaan mo . . . . I don't need you in my life anymore, so please leave me alone and don't come back. Kakalimutan kong naging parte ka ng buhay ko. Sana ay tuluyan ka na mawala sa buhay ko, Amora.”Binitawan na ako ni Aiden at naglakad na pabalik sa loob habang ako ay nakadapa sa sahig dahil sa paghila niya sa akin kanina.“Mahal na mahal kita, Aiden at tandaan mo 'yan. Sana balang araw ay
Amora's POVIsang linggo na rin pala ang dumaan simula no'ng huling magpakita sa akin ang tita ni Aiden at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasabi sa kaniya ang buong katotohanan dahil sa takot. Natatakot ako na puwedeng mawala ang pagmamahal niya sa akin kapag nangyari iyon pero nauubos na ang oras ko. Isang linggo lang ang binigay sa akin ni Agatha at ngayon ay wala na dapat si Aiden pero hindi ko magawa.Palakad-lakad lang ako sa sala, sa bagong bahay namin ni Aiden at kanina pa ako naghihintay sa kaniya na umuwi. May pagpupulong siyang pinuntahan at nakapag-desisyon na ako na sabihin sa kaniya ang totoo lalo na ang mga balak ng tita niya.Pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kinakabahan ako na tila ba ay may hindi magandang mangyayari. Subalit nang tumunog ang doorbell ay napatingin ako sa pintuan at mas lalo lamang nadagdagan ang kaba sa puso ko. Alam ko at ramdam ko na si Aiden na ito kaya dali-dali akong naglakad sa pinto pero laking gulat ko na
Amora's POVPagkatapos ng tagpo na iyon kanina ay dinala ako ni Aiden sa labas para umuwi. Hindi na kami nagtagal pa sa pagdaraos dahil nawalan na ito nang gana at gusto na lamang manatili sa bahay kasama ako. Ayoko pa sana umuwi kasi iniisip ko siya, pero ayaw niya magpaawat kaya wala akong magagawa.Pagkarating sa mansyon niya ay kaagad niya naman inutusan sina Sebastian, Craige at Calix para ihanda kami ng makakain. Hindi naman nagreklamo ang tatlo at habang kaming dalawa ni Aiden ay pumasok na sa kuwarto. Hindi pa rin talaga mawala sa isipan ko ang usapan namin kanina ng tita niya at habang nag-iisip ay hindi ko namalayan na tinanggal na pala ni Aiden ang suot kong gown.“What are you thinking, Amora?”Nagbuntonghininga na lamang ako saka tinulungan siya para tanggalin ang suot ko.“Huwag mo na ako pansinin dahil may iniisip lang talaga ako, Aiden.”Naupo siya sa sofa sa harapan ko mismo saka ako tinitigan. Namula naman ang pisngi ko nang mapansin kung saan dumako ang kaniyang dal
Amora's POVSobrang pagod ang katawan ko dahil sa ginawa namin ni Aiden at tuluyan na nga akong nakatulog. Pagbuklat ko naman ng mga mata ay bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Mr. Hemsworth. Isang matamis na ngiti ang aking pinakawalan at binigyan niya naman ako ng isang magaang halik sa aking labi bago ito magsalita.“How's your sleep, Amora?”Ngumiti ako sa kaniya at gusto ko pa sana ipikit ang mga mata ko nang bigla ko naman maalala kung saan kami naroroon kaya bumangon ako.“Kailangan na natin bumalik sa pagdaraos, Aiden.”Mahina naman itong natawa nang makita ang pag-aalala sa mukha ko. Tumayo siya sa kama saka sinuot ang kaniyang damit at gano'n rin ang aking ginawa.“Huwag kang mag-alala kasi hindi pa naman tapos ang pagdaraos at isa pa, ipagpapatuloy na lang natin ang ating ginawa kanina pag-uwi sa bahay.”Namula ang aking magkabilang pisngi dahil sa naging sagot niya. Hindi ko na lamang siya pinansin at naglakad palabas ng kuwarto ngunit laking gulat ko naman nang malaman
Amora's POV Dis-oras na ng gabi ngunit wala pa akong balak na umuwi sa condo ko. Heto ako at nagpapakalasing dahil sa nangyari sa amin ni Andrew. We broke up because he cheated on me. The nerve of that man to cheat on me? Ano ba ang wala sa akin at nagawa niya ang bagay na iyon? Dahil ba sa hindi ko maibigay ang pagkababae ko sa kaniya? Iyan ba ang habol niya sa akin? “Another bottle please!” sigaw ko sa bartender na nasa counter. Nararamdaman ko na rin na nagsimula ng umikot ang paningin ko dala ng alak. Pero walang may pakialam. No one cared if I wanted to drown myself with alcohol because this is the only way for me to forget my asshole boyfriend. “Ma'am, lasing na po kayo.” Tumingin ako sa gawi ng isang lalaki at nalamang ang bartender pala 'yon. “Do you have a problem with that?” Napayuko ito dahil sa aking sinabi at ramdam ko na nanginginig na ito sa takot. “C-Concern lang po a-ako sa inyo kasi maraming bastos s-sa labas po.” Napailing na lang ako dahil sa kaniya lalo...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments