Amora's POV Akalain mo nga naman kung paano maglaro ang tadhana. Ang lalaking nakatalik ko sa bar na siyang nakakuha sa aking pagkababae at ang lalaking bagong misyon ko ay iisa lang pala. Naiinis ako sa lalaking iyon dahil hindi ko makalimutan ang ginawa niya pero sa kabilang banda, hindi ko maiwasang mapahanga sa kaniya. “Wala kang ibang pagpipilian, kung hindi ang tanggapin ang misyon, Amora,” ani ko. Malakas na buntonghininga ang aking pinakawalan saka nagpatuloy sa aking ginagawa. Pakiramdam ko ay naririnig ko ang boses ni Mr. Hemsworth at parang gustong kumawala ng kaluluwa ko sa katawan sa tuwing maaalala ko ang nangyari sa aming dalawa na hanggang ngayon ay nagpapainit pa rin sa aking katawan . Sobrang apektado ako at hindi dapat ako maapektuhan sa kaniya lalo na kapag sinimulan ko na ang aking misyon. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko na pag-aaral tungkol kay Mr. Hemsworth. Wala akong masyadong alam sa pribadong buhay niya dahil wala akong mahanap kahit isa na puwedeng mabasa
최신 업데이트 : 2022-12-26 더 보기