I am just an ordinary woman who are used to not be valued because I am not suited to be with a rich man. It is unfair and I am hurt. There's no status in life when it comes to love but it's different now because the poor are just for the poor and the rich are for their fellow rich. When my ex-boyfriend and I broke up hindi na ako muling pumasok sa isang relasyon, na trauma na ako. Akala ko pwede ang isang tulad kong mahirap para sa kanya na isang mayaman pero akala ko lang pala iyon dahil ang mahirap na isang tulad ko ay malabo na mapunta sa isang mayaman na katulad niya. One thing that I want in life is to be loved by the person I love and see my worth even though I am a simple woman and I have a simple life. Unexpectedly, Kenzo Juaquin Marasigan came into my life. A freaking hot police man, a rich and heir of M&K Citi Hardware na may lihim na pagmamahal sa'kin matagal na panahon na. But what if he knows my true identity he will still love me as I am or he will only love me because of my true status in life?
Lihat lebih banyakMaingay at nakakasilaw na patay-sindi ng ilaw ngunit tulala lang ako na naka upo sa isang tabi hawak ang isang bote ng beer dito sa loob ng bar.
Dalawang buwan na ang lumipas pero masakit parin sa akin ang paghiwalay namin ni Patrick. Akala ko kaya niyang mahalin ng totoo ang isang katulad ko na mababa lang ang antas sa buhay pero... tangina iba lang pala ang habol niya sa akin. Tinungga ko ang alak na hawak ko nang maalala ko ang nangyari tatlong buwan ang nakaraan. ~flashback~ "Makipag-hiwalay ka sa akin?Bakit?" emosyonal, hindi makapaniwala na tanong ko kay Patrick. Ang saya ko nang tumawag siya para magkita kaming dalawa dahil ang akala ko ay na miss niya ako at gusto niya akong makita, iyon pala makipag-hiwalay siya. "Huwag mo nang itanong kung bakit. Masaktan ka lang, Elise." Natawa ako ng mapakla. "Bakit? Sa tingin mo hindi pa ako nasaktan sa biglaan mong pakipaghiwalay sa akin?" Anong ini-expect niya tatawa ako?Maglulundag ako sa tuwa dahil makipag-hiwalay siya? Kung sapakin ko kaya siya nang magising siya. Baka tulog pa ang kumag na 'to at nananaginip. "Makipag-hiwalay ka sa akin nang wala man lang senyales. Ang sweet mo pa sa akin noong isang araw. Ang saya pa natin tapos ngayon bigla mo nalang sabihin na maghiwalay na tayo? Ano sa tingin mo hindi ako masasaktan?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Baka na bingi na siya at hindi ako marinig. "I don't want to hurt you, Elies." aniya. "Nasaktan mo na nga ako, e!" hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. "Sagarin mo na, Patrick para isang bagsakan lang ang sakit. Hindi iyong sasakit pa ang ulo ko sa kakaisip kong ano ang dahilan kong bakit gusto mong makipag-hiwalay sa akin!" Napa-hawak siya sa kanyang batok at bumuntong-hininga. Pinag-iisipan kong sasabihin ba niya sa akin ang rason niya o hindi. Ano pa ang silbi ng alibi niya na ayaw akong masaktan e nasaktan na ako. Hindi ko alam kong bobo ba to o sadyang tanga lang. O, baka pinag-iisipan niya kung paano niya babawiin iyong sinabi niya. Sayang din ang isang taon na relasyon namin. Iyong mga effort niya, iyong mga ginastos niya sa date namin. Iyong mga binili niyang regalo. Sayang din iyon. "Mahal kita, Elies alam mo 'yon. Pero-" he pause. Nagdadalawang-isip kung sasabihin ba niya o hindi. I give him a sabihin mo na look. He sighed. "I cheated on you. Dalawang buwan na," lumamlam ang kanyang mata. "I'm sorry." "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Bakit pinatagal mo pa?" marahang tanong ko sa kanya. "Bakit mo iyon ginawa? Dahil ba mas maganda siya? Sexy? Mabait?Mayaman? Ano Patrick?" nag-uunahan nang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan ang mapahikbi. Dahil ba hindi ako kagandahan? Hindi ako sexy? Hindi mayaman ay ipagpalit na niya ako?Kung ganon sana umpisa pa lang hindi na niya pinasok ang buhay ko. "Hindi sa ganun, Elies." "Kung hindi ano, Patrick?" "Dahil binigay niya ang pangangailangan ko bilang isang lalaki na hindi mo kayang ibigay sa akin, Elies." "Putang-ina!" sa buong buhay ko ngayon lang ako nagmura dahil sa lalaking 'to. "Kung mahal mo ako hindi ka maghahanap ng iba dahil lang sa bagay na iyon, Patrick. Kung mahal mo ako handa kang maghintay, rerespetohin mo ako bilang isang babae. Pero hindi ko akalain na dahil lang hindi kita pinagbigyan ay maghahanap ka ng babae na handang punan ang pangangailangan mo bilang lalaki! "Ang sakit. Akala ko iyon lang ang dahilan niya kaya siya nakipaghiwalay may ibang rason pa pala. Dahil lang hindi ko siya pinagbigyan sa hiling niya na magpaubaya sa kanya ay naghanap siya ng iba. Naghanap siya ng babae na kayang punan ang pangangailangan niya. Bakit kailangan pa niya maghanap pwede naman siya mag sarili. "I'm really sorry, Elies." "Hindi mabubura ng sorry mo ang sakit na nararamdaman ko, Patrick," lumuluhang sambit ko. Ang sarap niyang sampalin. Ang sarap niyang bugbugin. Pero kahit gawin ko iyon hindi parin mababawasan ang sakit dito sa puso ko. "Kung iyon pala ang nais mo ,sana una palang sinabi mo na agad sa akin," humihikbi na sambit ko. "Sana hindi mo pinatagal ng isang taon. Sana hindi sa ganitong subrang mahal na kita." pinahid ko ang mga luha sa pisngi. "Sana hindi mo nalang pinasok ang buhay ko. Sana hindi mo nalang ako ginulo. Edi, sana hindi ako nasaktan ng ganito." Sex ba ang pundasyon sa isang matibay na relasyon? Sex ba ang basehan matawag mo lang na mahal niyo ang isa't isa? Sex ba ang rason upang isa sa inyo ay hindi maghanap ng iba? Kasi kung ganon hindi na pagmamahal ang tawag doon. Kung mahal mo siya hindi mo na dapat kailangan na hilingin ang bagay na iyon. Kung mahal mo siya, handa kang maghintay sa tamang panahon. Kung mahal mo siya hindi mo gawing rason iyon upang iwan at ipagpalit siya sa iba. Dahil ang tunay na nagmamahal handang maghintay. Marunong makontento, tapat at totoo. "Mahal mo ba siya?" Lakas-loob na tanong ko. "Elies..." "Mahal mo ba siya?" ulit na tanong ko sa kanya. Kuta na ako sa sakit. At ito lang ang gusto kong marinig.He sighed bago tumango. "Oo, mahal ko siya". Tumango ako. Hindi naman siya makipaghiwalay sa akin kong hindi niya iyon mahal. Gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya, pero anong laban ko kung ang panangga ng babaeng iyon ay ang pagmamahal ni Patrick sa kanya. Mabuti pa ay sumuko nalang. Ayoko nang sumugal pa dahil alam kong sa huli ay talo ako. "Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. And thank you for hurting me," I said and walking away from him."I'm sorry, Elies...."~end of flashback ~ Pinunasan ko ang pisngi kong nasaba ng luha galing sa mga mata ko.Sorry. Wala na bang ibang sasabihin bukod sa sorry kapag nasaktan mo ang isang tao? Kasi hindi sapat ang sorry lang para ma bura ang sakit na dinulot mo dito. Sana yong sakit na dinulot niya ay pwedeng mabura agad at walang peklat na maiiwan. Napatingin ako sa aking gilid ng may umupo doon. "Patrick!?" gulat na sambit ko nang makita ko ang mukha niya. Anong ginagawa niya rito? Sino ba ang kasama nito? "Anong ginagawa ko rito?" Tanong ko. Umupo siya ng paharap sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "I missed you. Come back to me, please." Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Tulala lang akong nakatingin sa kanyang mukha. Natinag ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at akmang hahalikan. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo! ?" singhal ko at tinulak siya. "I love you. Come back to me." Sinisinok na saad niya. Lasing pala ang gago. Baka napagkamalan niyang ako ang girlfriend niya. Pero teka.. anong sabi niya, come back to me? Kung ganoon hiwalay na sila nang girlfriend niya?"Hindi mo ako mahal. At wala ka nang babalikan!!" Mariin sa saad ko sa kanya at tumayo para iwan siya. Ngunit pinigilan niya ako at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. " Ano ba! Bitawan mo nga ako !" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses. Gago siya! Gusto ko siyang sapakin sa subrang inis at galit ko sa kanya. "No! Hindi ka aalis. Mag-usap tayo." Matigas na sambit niya at hinila ako pa upo. Sa lakas ng paghila niya at sumalampak ang puwit ko sa upuan. Shit! Ang sakit ng puwit ko. Binaklas ko ang kamay ko at tumayong muli ngunit hinuli niyang muli ang kamay ko at sa puntong ito subrang higpit na nang pagkahawak niya. "Bitawan mo ako, Patrick. Nasasaktan na ako." "No! Hanggat hindi tayo mag-usap ng maayos. " " Ano ba! Bitawan mo nga ako! Wala na tayong dapat na pag-usapan. Matagal na tayong wala. Ano ba! " pagpupumiglas ko. Tangina! Ang sakit na ng kamay ko. "Get off your fucking hands away from my girlfriend if you don't want to break your hands. " Someone said. At walang ka hirap-hirap na binaklas ang kamay ko na hawak ni Patrick.KENZO JOAQUIN pov.Nakatanggap ako ng hampas, batok at kurot sa kapatid ko nang maka alis si Elies. Paano ba naman kasi, naka tulala lang ako sa harap niya pagkatapos niya akong alokin ng kasal. Naiiyak ako sa subrang saya. Parang naumid ang dila ko at hindi ako makapagsalita. “Nasaktan si Ate Elies sa ginawa mo!” galit na singhal sa akin ng kapatid ko. “Ano bang pumasok sa kukute mo at tulala ka!” himapas niya ulit ako sa balikat.“ Buti nga na manage ko pa ang sarili ko na hindi mahimatay. Syempre, dala ng gulat, pagkabigla at saya na naramdaman ko matulala talaga ako. Nag proposed sa akin ang mahal ko,” sagot ko dito. Ngunit ang pakiramdam na iyon ay kaagad na nabura nang maalala ang sitwasyon ko. “Pero ayaw ko siyang paasahin, Princess. Kapag tinanggap ko ang alok niya, paano naman ang pangako ko sa mga magulang natin?”“I’m here pa, kuya. Pwedeng ako ang maging sagot sa problema natin–,”“No,” matigas na sambit ko. “Hindi ka madadawit dito, naintindihan mo? Ako ang kuya, ako ang
ELIES ABEGAIL pov. Hindi ako sabik sa sex. Ginawa ko iyon dahil takot ako na iwan niya ako kung sakaling hindi ko siya pagbibigyan. Baka ganoon rin ang gawin niya sa ginawa ni Patrick sa akin. Hindi ko kaya. Dahil subrang mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat manatili lang siya sa akin at hindi mawala ang pagmamahal niya.. kahit sex ang kapalit... Kahit iyong iniingatan na bagay ko pa ang kapalit. Pero mali ako. Dahil hindi sa sex nasusukat ang pagmamahal sa akin ni Kenzo. Hindi ko man siya pinagbigyan sa gusto niya, hindi nabawasan ang pagmamahal niya sa akin. Higit pa niya akong minahal ngayon.Sigurado na ako sa kanya. Siya ang gusto kong pakasalan at wala ng iba pa. Pero hindi pa ito ang tamang panahon para mag settle down. I want to be a full time mom and a wife, soon. At hindi pa ako handa para bitawan ang trabaho ko. Siguro sa ngayon, sulitin muna namin ang panahon na kami lang dalawa. Wala pang meet and great sa both parents ang naganap. Hinihintay ko muna na ipa
KENZO JUAQUIN pov.Hindi ko alam kung paano sulosyonan ang problema ng pamilya namin. I badly wanted to tell Elies about this pero natatakot ako na baka layuan niya ako. At ayaw kong manyari na ang sitwasyon ng pamilya namin ang maging ugat para mag-isip si Elies na pera lang nila ang habol ko kaya ko siya natiis ng ilang taon.Hindi niya sinabi sa akin ang pagkakilanlan nilang magkapatid. Kung ano ang alam ko at nakikita ko sa kanila iyon na ‘yon wala ng iba. Siguro ayaw nilang makilala sila ng publiko dahil bukod sa mayaman sila baka maging magulo ang buhay na kinasanayan nila. Kahit isang beses hindi nailabas o naipakita sa news ang family picture ng mga Buenavedez. Sa mga interview naman laging ang mag-asawa lang palagi ang humaharap dahil busy raw ang mga anak nila sa kani-kanilang buhay.Napa ubo ako ng peke nang maramdaman ang palad ni Elies na sumakop sa ari ko. Inosente siyang tumingala sa akin ng mahina kong paluin ang braso niya. I kissed her forehead, nanatili roon ang la
KENZO JUAQUIN Pov.WARNING: Slight SPG.Linggo ngayon at rest day ko, bonding time sana namin ngayon ni Elies pero heto ako nakahiga at nagmumukmok sa apartment ko. Dalawang linggo ko na siya iniiwasan at nagpalipat pa ako ng night shift para wala akong choice kundi panindigan ang plano ko. Ayaw ko itong gawin dahil sarili ko lang ang pinapahirapan ko, pero kailangan. Ayaw ko na masanay si Elies na nariyan ako lagi sa tabi niya, na lagi akong kasama dahil baka mahirapan siya kapag tuluyan na akong mawala sa buhay niya.Kinausap ako ng parents ko, nagmakaawa sila sa akin na pumayag sa gusto nila na magpakasal kay Cathyrn alang-alang sa mga negosyo namin na pinaghirapan nil. Dahil kung hindi, ang kapatid ko ang hanapan nila ng mapapangasawa. Binaba ko ang pride ko at inintindi sila, pumayag ako sa kagustuhan nila pero ako ang mag desisyon kung kailan ang kasal.Kaya ako umiwas kay ELies. Pero hindi ko na kaya na hindi siya makita. Kaya bandang alas singko ng hapon pumunta ako sa aprtment
ELIES ABEGAIL pov.Panay ang sulyap ko sa kanya habang kumakain kami. Hindi ko naman nakitaan ng galit ang kanyang mukha dahil sa pagtutol ko na may mangyaring love making sa amin kanina lang. I felt guilty. Hindi naman sa ayaw ko na may mangyari sa amin, pinoprotektahan ko lang ang mahalagang bagay ko dahil ayaw kong magsisi sa huli kapag sinuko ko ang sarili ko sa kanya.Wala kaming imikan habang kumakain. Bukod sa wala akong masabi, nahihiya rin ako dahil sa nangyari. Nahawakan at nakita niya ang dibdib ko pati ang ibaba ko nakita at nahawakan niya, sa ibabaw lang ‘yon pero nahawakan niya parin ‘yon. Hanggang sa matapos kaming kumain ay wala paring nagsalita sa amin.Hindi na ako nakipagtalo nang siya na ang naghugas ng plato. Nakaupo parin ako dito at pinagmamasdan ang likod niya. Gusto kong magsalita at kausapin siya pero wala akong masagap na salita. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa, nagpaalam na siyang umuwi dahil mamayang alas otso ng gabi ang duty niya.“Aalis na ako. May
ELIES ABEGAIL pov.“John Alezander Buenavedez!!” Sigaw ko sa pangalan niya nang makapasok ako sa kanilang bahay. Nakapamewang na tiningala ko siya sa ikalawang palapag ng bahay nang makita ko siyang lumabasa sa kanilang kuwarto. Pumupungas ito at humihikab pa mukhang bagong gising. Humawak siya sa barandilya at dumungaw sa akin.Dinuro ko siya. “Bumaba ka, mag-usap tayo!” ma awtoridad na utos ko.Kinusot niya ang kanyang mata. “Tungkol saan, ate?”“Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?”“Sinabi ang alin?” maang-maangan na sagot niya.“Alam mo kung ano ang tinutukoy ko!” nanggalaiti sa inis na bulyaw ko. “Kailangan ko pa bang sabihin iyon sayo? Kailan mo pa nalaman?”“Kung ano ‘yong sinabi niya iyon na ‘yon,” pabalang na sagot niya, nababagot.“Alam mo....” nagtitimpi sa inis na dinuro ko siya ulit. “Kahit kailan talaga! Ikaw! Paano kung namatay ako sa plano niyong pagkidnap sa akin, aber?”“E, buhay ka naman. At saka tinulungan ko lang ang kaibigan ko.”“At iyon talaga ang paraan ng t
KENZO JUAQUIN pov.~present time~ Sinabi ko sa kanya kung ano ang nangyari sa akin noong araw na pinuntahan ko ang aking ama sa hospital. Maliban sa pinag-usapan namin ng magulang ko..sa problema ng pamilya at tungkol sa pagpapakasal ko dahil nalulugi na ang aming negosyo.Ayoko sabihin sa kanya baka isipin niya ginagamit ko lang siya kaya ako muling nagpakita sa kanya. Sa ilang taon na nakilala ko silang magkapatid, kaunting impormasyon lang ang alam ko tungkol sa buhay nila. Ngayon, alam ko na ang buong pagkatao nila, nalaman ko iyon noong mga panahon na sinusundan ko Elies dahil hindi ko kaya na hindi siya makita.Nalaman ko na anak pala sila ni Mr. and Mrs. Buenavedez na nagmamay-ari ng malaking Construction Supply sa New Baveda at dito sa Dalisay kung saan nagtatrabaho si Elies bilang sales clerk noon. Sila rin ang nagmamay-ari ng JAZ Corporation at base sa balita na nasagap ko nasa list sila ng RICHES FAMILY IN THE PHILIPPINES.Nang malaman ko ang tunay na istado nila sa buhay b
KENZO JUAQUIN pov.Papunta sana ako sa bahay nila J.A ng muntik na ako makabangga ng tao dahil sa pangungulit ng kapatid ko sa kabilang linya habang nag-uusap kaming dalawa tungkol kay Elies. And, unluckily si Elies ang taong iyon. Bakit sa ganitong paraan ko pa siya nakita? At muntikan ko pa siya ma bundol. Pero, bakit nagpanggap siyang hindi niya ako kilala at galit ang nakita ko sa mga mata niya? Kungsabagay, sino ba ang hindi magalit sa ginawa kong paghintay at paasa sa kanya. Siguro, paraan rin niya iyong pagpanggap na hindi ako kilala at pag deny niyang siya si Elies.“Kahit ilang taon pa kitang hindi makita, makilala parin kita at matandaan dahil nakaukit na sa isipan ko ang maganda mong mukha na kahit mabulag ako matandaan parin kita.”Palihim ko siyang sinundan hanggang sa makarating siya sa kanyang pupuntahan. Nang makarating siya sa bahay ng kanyang kapatid, matyaga akong naghintay dito sa loob ng sasakyan ko hanggang sa maka uwi siya sa apartment niya. I texted J.A na magk
ELIES ABEGAIL pov.Kinabukasan, tinadtad ako ng text galing sa mga pinsan ko. Kaya ang ending, gumawa ako ng group chat at doon nalang nag reply sa messenger. Hindi unlimited ang pang text ko at isa pa hindi importante ang text nila para mag aksaya ako ng pera pang load para lang replayan sila isa-isa. Ni replayan ko ang kapatid ko na okay lang ako at inignora ang mensahe ni mama. Maki tsismis lang ‘yon. Naikuwento siguro ni Dina ang nangyari.I did my morning routine. Nang matapos gumayak na ako papuntang trabaho. Nagulat pa ako nang makita si Kenzo sa labas ng bahay ko, naka pulis uniform ito at mukhang papasok na sa trabaho. Nakasandal ito sa kanyang sasakyan, nakayuko ang ulo kaya’t hindi niya nakita ang paglabas ko ng bahay.Tatawagin ko na sana siya ngunit naalala ko ang sinabi ni Dina sa akin kagabi. Hmm, it’s payback time. Tingnan natin kung hanggang saan ang paghahabol mo sa akin. Pumasok ako sa aking sasakyan, nanatili paring nasa lupa ang kanyang tingin, doon lang siya uma
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen