Kenzo Juaquin pov.“Inuman ulit sa sabado.”Naibaba ko ang files na hawak ko ng marinig ang sinabi ni J.A. Inom na naman, okay pa ba ang atay nito? Sumandal ako sa aking upuan at mariin na tumingin sa kanya na prenteng naka upo sa umupuan dito sa harap ng table ko. Nakatukod ang isang siko sa ibabaw ng lamesa at naka di-kwarto ang paa.“May balak ka bang sunogin mga atay namin?” nang uuyam na tanong ko sa kanya.“ ‘Wag ka ng umangal, pabor 'to sayo. Sa apartment ni ate tayo iinom. Pasalamat ka, boto ako sayo.”Napatikhim ako at umayos ng upo sa binitawan niyang salita. Ramdam ko ang pag init ng magkabilang tainga ko kaya nag busy-busy-han ako sa aking papel na hawak ng hindi niya mapansin ang pagbago ng ekspresyon ko.Binato niya ako ng nilukot niyang papel at kaagad itong tumayo. ”Kadiri ka. Na in love rin naman ako at kinilig pero hindi ako namumula. Lol. Bistado ka masyado na patay na patay ka sa ate ko.”“Gago ‘to. Manahimik ka nga,” pabulong na singhal ko at luminga sa paligid bak
Elies Abegail pov.Pakiramdam ko kasing kulay na ng kamatis ang mukha ko sa subrang pula nito. Sino ba ang hindi pamulahan ng mukha sa ma bulaklakin na salita ng binatang pulis na ito? Tuluyan ko nang iniwas ang mukha ko sa kanya at dumistansiya baka marinig pa niya ang malakas na kabog ng puso ko na siya ang dahilan.Base on my peripheral version nakatingin parin ito sa akin. Tumaas ang sulok ng labi ko, akala ko ba kaya siya lumapit sa akin dahil tutulungan niya ako sa pag ihaw, bakit nakatayo lang siya at…….nakatitig sakin?“Ehem,” basag ko ng katahimikan.” Bumalik ka na doon, kaysa dito ka tapos aasarin mo lang ako.”Napakamot ito sa kanyang ilong at inagaw sa akin ang pamaymay.” Ako na rito, tapos ikaw ang bumalik doon. Makihalubilo ka sa ibang tao para hindi ka tatandang dalaga.”Biglang kumulo ang dugo ko at umusok ang ilong ko sa subrang inis sa sinabi niya. Talaga namang nakakapikon siya, hindi nakakatuwa. Inagaw ko sa kanya ang pamaypay at pinagpapalo siya sa subrang inis.“A
Kenzo Juaquin pov.Na istatwa ako sa aking kinatayuan ng marinig ang malamyos na boses ni Elies habang kumakanta. Para akong dinuduyan sa ganda ng boses niya. Ngunit gaya ng kagawian ko iniinis ko siya pagkatapos para matakpan ang saya at kilig na naramdaman ko.Malaki ang ngiti ko ng padabog na pumasok si Elies sa loob ng bahay pagkatapos ko siyang asarin. I’m sorry babylabs, ito lang ang paraan ko para mapalapit sayo. Ito lang ang paraan ko para makausap kita ng matagal.“Paano ka sasagotin niyan kung palagi mong ginagalit at inaasar?” wika ni J.A nang makaupo ako sa tabi niya.May ngiti parin sa labi na tiningnan ko ang pintuan ng silid ni Elies. “Ewan, tol. Pero mas gusto ko na ganito muna kami. Baka kasi layuan niya ako kapag nagtapat ako sa kanya. Baka hindi niya ako tanggapin.”Tinapik niya ako sa balikat.” Ikaw ang bahala, tol. So, ano ngayon ang gagawin mo?”“E, te-text ko siya. Magpanggap akong stranger at kapag malaman ko na pwede na siyang magpaligaw doon ko na sasabihin sa
Kenzo Juaquin pov.“Anong nangyari kay Marasigan? Isang linggo na 'yan na parang pasan ang buong mundo ah.”Rinig kong wika ni Cedrick kay Jerom, hindi ko sila pinansin at nag bingi-bingihan lang. Wala naman silang alam tungkol sa naramdaman ko para kay Elies. Mabuti na rin iyon dahil ayaw ko marinig ang mga panunukso nila.“May pinupormahan ba ‘yan?” tanong ni Aljon. ”Ganyang kinikilos niya alam ko ng problema sa chiks ‘yan e.”“Wala naman akong napapansin na may pinupormahan ‘yan,” si Jerom.“Buenavedez,” tawag ni Aljon.” Anong nangyari dito sa bestfriend mo? Na kulangan ba ‘to ng alak sa katawan?”“Kulang lang sa action ‘yan. Matagal na kasi iyan hindi sumabak sa bakbakan,” kaswal na sagot ni J.A habang busy ang kamay sa pagtipa sa computer. Nag bulong-bulungan naman ang tatlo hinuhulaan kung bakit ako nagka ganito.Nang ma reject ako ni Elies parang nawala ang kalahati ng pagkatao ko. Wala na iyong excitement sa tuwing gigising ako sa umaga, gumigising lang yata ako dahil sa trabah
KENZO JUAQUIN pov.Ang pagkagusto ko sa kanya ay mas lumalim pa. Na kontento na ako sa trato niyang parang isa akong salot sa buhay niya sa tuwing magkaharap kaming dalawa at least kahit sa text mabait siya, kaunti. Nakagawian ko na rin na padalhan siya ng pagkain at bulaklak tuwing umaga since we owned a restaurant naman, gusto ko lang masiguro na may laman ang sikmura niya bago pumasok sa trabaho.Elies: Habang tumatagal naging sweet ka, ah. Anong nakain mo at may pa good morning qoutes ka pang nalalaman? Hahaha.Napangiti ako ng mag text siya. Me: Wala man lang good morning handsome? Buksan mo ang pinto mo, may ibinigay ako sayo.Reply ko. Maya-maya bumukas ang pinto ng kanyang bahay at kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat at pagtataka. Palinga-linga ito sa paligid nagbabakasakali na makita niya ang hinahanap niya. Hindi ko napigilan ang mapatawa ng lumukot ang mukha niya sa pagkabigo.Elies:Sayo galing ‘to?Me: Yes.Elies: So, your name is Kj?Me: That’s my nickname. Pu
ELIES ABEGAIL pov.Hindi parin ako makapaniwala na si Kenzo at Kj na lagi kong kausap sa text ay iisa. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na si Kenzo iyon dahil magka iba ang trato niya sa akin sa text at kapag magkaharap kami. Pero hiniling ko na sana ay iisang tao lang sila dahil ang totoo, mahal ko si Kenzo. Kaya ganoon nalang ang sayang naramdaman ko kanina nang sabihin niya sa akin ang katotohanan na siya at si Kj ay iisa.Naintindihan ko kung bakit siya naglihim sa akin. Kung bakit niya pinatagal ng dalawang taon dahil gaya ko hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko noon. Hindi pa ako totally healed noon sa panloloko sa akin ni Patrick and thanks god Kenzo or Kj help me. Sa ibang paraan natulungan niya akong mahilom ang sugat sa puso ko at maibalik ang kumpiyansa sa sarili ko.Nang sabihin niya sa akin kanina na mahal niya ako hindi ako nagdalawang-isip na sagotin iyon dahil mahal ko rin siya. Gusto ko rin na maging official boyfriend/girlfriend na kami, kung pwede nga kasal na
ELIES ABEGAIL pov.SINIRA MO ANG IYONG PANGAKO.Post ko sa aking f* account. Anim na buwan na ang nakalipas pero wala parin siyang paramdam sa akin. Pati sa mga kaibigan niya at sa kapatd ko, wala rin. Gumawa ako ng f******k account at hinanap doon ang pangalan niya pero matinik ang tadhana, kahit kapangalan niya lang wala rin.Wala na akong pagasa na mag text o tawagan niya ako kaya lahat ng sama ng loob ko at hinanakit sa social media ko inilalabas. Miss na miss ko na siya. Ang pangungulit niya, at ang pagpapatawa niya sa akin. Lahat nang sa kanya na miss ko na. Siya kaya, na miss na rin kaya niya ako?Kahit may galit akong naramdaman para sa kanya, hindi parin ako tumitigil na pumunta sa roof top upang hintayin siya. Hindi parin ako tumitigil at nagbabakasakali na isang araw pumunta siya roon at tuparin ag pangako na binitawan niya. Upang ma ibsan ang pangungulila ko sa kanya, itinuon ko ang aking sarili sa trabaho at sa pag-bo-boxing. Ito ang naging takbuhan ko kapag na miss ko si
ELIES ABEGAIL pov.Umuwi muna ako ng bahay pagkatapos naming mag-usap ni Dina. Nag taxi ako dahil wala akong dala na sasakyan. Ang weird lang kasi parang sinusundan kami ng sasakyan na nasa likuran namin. Simula nang maka alis ako sa bahay nila bunso nakasunod siya, kinabahan ako kasi baka masamang tao. Sabihan ko sana si Manong drayber na bilisan ang pagpatakbo ngunit nang makaliko na kami papasok sa village nawala ang kotseng sumusunod sa amin kanina pa.Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay may masamang balak. Na baka tambangan kami sa unahan at tutukan ng baril tapos kukunin ang lahat ng mga gamit at pera namin ni manong drayber. Mahina akong napabuntong-hininga at tumingin sa labas ng bintana. Handa na ba talaga ako na makaharap siyang muli? Parang hindi ko pa kaya na kausapin siya. Pero miss na miss ko na siya.“Salamat, manong.” wika ko nang makarating sa tapat ng bahay at bumaba na pagkatapos kong magbayad.Naligo na ako kaagad. Maong pants at t-shirt lang ang sinuot ko baka m
KENZO JOAQUIN pov.Nakatanggap ako ng hampas, batok at kurot sa kapatid ko nang maka alis si Elies. Paano ba naman kasi, naka tulala lang ako sa harap niya pagkatapos niya akong alokin ng kasal. Naiiyak ako sa subrang saya. Parang naumid ang dila ko at hindi ako makapagsalita. “Nasaktan si Ate Elies sa ginawa mo!” galit na singhal sa akin ng kapatid ko. “Ano bang pumasok sa kukute mo at tulala ka!” himapas niya ulit ako sa balikat.“ Buti nga na manage ko pa ang sarili ko na hindi mahimatay. Syempre, dala ng gulat, pagkabigla at saya na naramdaman ko matulala talaga ako. Nag proposed sa akin ang mahal ko,” sagot ko dito. Ngunit ang pakiramdam na iyon ay kaagad na nabura nang maalala ang sitwasyon ko. “Pero ayaw ko siyang paasahin, Princess. Kapag tinanggap ko ang alok niya, paano naman ang pangako ko sa mga magulang natin?”“I’m here pa, kuya. Pwedeng ako ang maging sagot sa problema natin–,”“No,” matigas na sambit ko. “Hindi ka madadawit dito, naintindihan mo? Ako ang kuya, ako ang
ELIES ABEGAIL pov. Hindi ako sabik sa sex. Ginawa ko iyon dahil takot ako na iwan niya ako kung sakaling hindi ko siya pagbibigyan. Baka ganoon rin ang gawin niya sa ginawa ni Patrick sa akin. Hindi ko kaya. Dahil subrang mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat manatili lang siya sa akin at hindi mawala ang pagmamahal niya.. kahit sex ang kapalit... Kahit iyong iniingatan na bagay ko pa ang kapalit. Pero mali ako. Dahil hindi sa sex nasusukat ang pagmamahal sa akin ni Kenzo. Hindi ko man siya pinagbigyan sa gusto niya, hindi nabawasan ang pagmamahal niya sa akin. Higit pa niya akong minahal ngayon.Sigurado na ako sa kanya. Siya ang gusto kong pakasalan at wala ng iba pa. Pero hindi pa ito ang tamang panahon para mag settle down. I want to be a full time mom and a wife, soon. At hindi pa ako handa para bitawan ang trabaho ko. Siguro sa ngayon, sulitin muna namin ang panahon na kami lang dalawa. Wala pang meet and great sa both parents ang naganap. Hinihintay ko muna na ipa
KENZO JUAQUIN pov.Hindi ko alam kung paano sulosyonan ang problema ng pamilya namin. I badly wanted to tell Elies about this pero natatakot ako na baka layuan niya ako. At ayaw kong manyari na ang sitwasyon ng pamilya namin ang maging ugat para mag-isip si Elies na pera lang nila ang habol ko kaya ko siya natiis ng ilang taon.Hindi niya sinabi sa akin ang pagkakilanlan nilang magkapatid. Kung ano ang alam ko at nakikita ko sa kanila iyon na ‘yon wala ng iba. Siguro ayaw nilang makilala sila ng publiko dahil bukod sa mayaman sila baka maging magulo ang buhay na kinasanayan nila. Kahit isang beses hindi nailabas o naipakita sa news ang family picture ng mga Buenavedez. Sa mga interview naman laging ang mag-asawa lang palagi ang humaharap dahil busy raw ang mga anak nila sa kani-kanilang buhay.Napa ubo ako ng peke nang maramdaman ang palad ni Elies na sumakop sa ari ko. Inosente siyang tumingala sa akin ng mahina kong paluin ang braso niya. I kissed her forehead, nanatili roon ang la
KENZO JUAQUIN Pov.WARNING: Slight SPG.Linggo ngayon at rest day ko, bonding time sana namin ngayon ni Elies pero heto ako nakahiga at nagmumukmok sa apartment ko. Dalawang linggo ko na siya iniiwasan at nagpalipat pa ako ng night shift para wala akong choice kundi panindigan ang plano ko. Ayaw ko itong gawin dahil sarili ko lang ang pinapahirapan ko, pero kailangan. Ayaw ko na masanay si Elies na nariyan ako lagi sa tabi niya, na lagi akong kasama dahil baka mahirapan siya kapag tuluyan na akong mawala sa buhay niya.Kinausap ako ng parents ko, nagmakaawa sila sa akin na pumayag sa gusto nila na magpakasal kay Cathyrn alang-alang sa mga negosyo namin na pinaghirapan nil. Dahil kung hindi, ang kapatid ko ang hanapan nila ng mapapangasawa. Binaba ko ang pride ko at inintindi sila, pumayag ako sa kagustuhan nila pero ako ang mag desisyon kung kailan ang kasal.Kaya ako umiwas kay ELies. Pero hindi ko na kaya na hindi siya makita. Kaya bandang alas singko ng hapon pumunta ako sa aprtment
ELIES ABEGAIL pov.Panay ang sulyap ko sa kanya habang kumakain kami. Hindi ko naman nakitaan ng galit ang kanyang mukha dahil sa pagtutol ko na may mangyaring love making sa amin kanina lang. I felt guilty. Hindi naman sa ayaw ko na may mangyari sa amin, pinoprotektahan ko lang ang mahalagang bagay ko dahil ayaw kong magsisi sa huli kapag sinuko ko ang sarili ko sa kanya.Wala kaming imikan habang kumakain. Bukod sa wala akong masabi, nahihiya rin ako dahil sa nangyari. Nahawakan at nakita niya ang dibdib ko pati ang ibaba ko nakita at nahawakan niya, sa ibabaw lang ‘yon pero nahawakan niya parin ‘yon. Hanggang sa matapos kaming kumain ay wala paring nagsalita sa amin.Hindi na ako nakipagtalo nang siya na ang naghugas ng plato. Nakaupo parin ako dito at pinagmamasdan ang likod niya. Gusto kong magsalita at kausapin siya pero wala akong masagap na salita. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa, nagpaalam na siyang umuwi dahil mamayang alas otso ng gabi ang duty niya.“Aalis na ako. May
ELIES ABEGAIL pov.“John Alezander Buenavedez!!” Sigaw ko sa pangalan niya nang makapasok ako sa kanilang bahay. Nakapamewang na tiningala ko siya sa ikalawang palapag ng bahay nang makita ko siyang lumabasa sa kanilang kuwarto. Pumupungas ito at humihikab pa mukhang bagong gising. Humawak siya sa barandilya at dumungaw sa akin.Dinuro ko siya. “Bumaba ka, mag-usap tayo!” ma awtoridad na utos ko.Kinusot niya ang kanyang mata. “Tungkol saan, ate?”“Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?”“Sinabi ang alin?” maang-maangan na sagot niya.“Alam mo kung ano ang tinutukoy ko!” nanggalaiti sa inis na bulyaw ko. “Kailangan ko pa bang sabihin iyon sayo? Kailan mo pa nalaman?”“Kung ano ‘yong sinabi niya iyon na ‘yon,” pabalang na sagot niya, nababagot.“Alam mo....” nagtitimpi sa inis na dinuro ko siya ulit. “Kahit kailan talaga! Ikaw! Paano kung namatay ako sa plano niyong pagkidnap sa akin, aber?”“E, buhay ka naman. At saka tinulungan ko lang ang kaibigan ko.”“At iyon talaga ang paraan ng t
KENZO JUAQUIN pov.~present time~ Sinabi ko sa kanya kung ano ang nangyari sa akin noong araw na pinuntahan ko ang aking ama sa hospital. Maliban sa pinag-usapan namin ng magulang ko..sa problema ng pamilya at tungkol sa pagpapakasal ko dahil nalulugi na ang aming negosyo.Ayoko sabihin sa kanya baka isipin niya ginagamit ko lang siya kaya ako muling nagpakita sa kanya. Sa ilang taon na nakilala ko silang magkapatid, kaunting impormasyon lang ang alam ko tungkol sa buhay nila. Ngayon, alam ko na ang buong pagkatao nila, nalaman ko iyon noong mga panahon na sinusundan ko Elies dahil hindi ko kaya na hindi siya makita.Nalaman ko na anak pala sila ni Mr. and Mrs. Buenavedez na nagmamay-ari ng malaking Construction Supply sa New Baveda at dito sa Dalisay kung saan nagtatrabaho si Elies bilang sales clerk noon. Sila rin ang nagmamay-ari ng JAZ Corporation at base sa balita na nasagap ko nasa list sila ng RICHES FAMILY IN THE PHILIPPINES.Nang malaman ko ang tunay na istado nila sa buhay b
KENZO JUAQUIN pov.Papunta sana ako sa bahay nila J.A ng muntik na ako makabangga ng tao dahil sa pangungulit ng kapatid ko sa kabilang linya habang nag-uusap kaming dalawa tungkol kay Elies. And, unluckily si Elies ang taong iyon. Bakit sa ganitong paraan ko pa siya nakita? At muntikan ko pa siya ma bundol. Pero, bakit nagpanggap siyang hindi niya ako kilala at galit ang nakita ko sa mga mata niya? Kungsabagay, sino ba ang hindi magalit sa ginawa kong paghintay at paasa sa kanya. Siguro, paraan rin niya iyong pagpanggap na hindi ako kilala at pag deny niyang siya si Elies.“Kahit ilang taon pa kitang hindi makita, makilala parin kita at matandaan dahil nakaukit na sa isipan ko ang maganda mong mukha na kahit mabulag ako matandaan parin kita.”Palihim ko siyang sinundan hanggang sa makarating siya sa kanyang pupuntahan. Nang makarating siya sa bahay ng kanyang kapatid, matyaga akong naghintay dito sa loob ng sasakyan ko hanggang sa maka uwi siya sa apartment niya. I texted J.A na magk
ELIES ABEGAIL pov.Kinabukasan, tinadtad ako ng text galing sa mga pinsan ko. Kaya ang ending, gumawa ako ng group chat at doon nalang nag reply sa messenger. Hindi unlimited ang pang text ko at isa pa hindi importante ang text nila para mag aksaya ako ng pera pang load para lang replayan sila isa-isa. Ni replayan ko ang kapatid ko na okay lang ako at inignora ang mensahe ni mama. Maki tsismis lang ‘yon. Naikuwento siguro ni Dina ang nangyari.I did my morning routine. Nang matapos gumayak na ako papuntang trabaho. Nagulat pa ako nang makita si Kenzo sa labas ng bahay ko, naka pulis uniform ito at mukhang papasok na sa trabaho. Nakasandal ito sa kanyang sasakyan, nakayuko ang ulo kaya’t hindi niya nakita ang paglabas ko ng bahay.Tatawagin ko na sana siya ngunit naalala ko ang sinabi ni Dina sa akin kagabi. Hmm, it’s payback time. Tingnan natin kung hanggang saan ang paghahabol mo sa akin. Pumasok ako sa aking sasakyan, nanatili paring nasa lupa ang kanyang tingin, doon lang siya uma