Share

Chapter 2

Author: BlackPinky
last update Last Updated: 2022-12-27 11:08:32

Elijah's P.O.V.

"Tao po!"  sigaw ko sa malaking bahay na madalas nagbibigay sa akin ng maraming kalakal.

Nakatira dito ang isang biyada na ang pangalan ay Amelia. Nasa edad fourty years old pa lang siya ay namatay na ang kaniyang asawa. Kasal siya rito at mayroon silang dalawang anak. Maaga kasi siyang ikinasal sa asawa niya at maaga ring nagkaroon ng anak kaya malalaki na ang mga anak nila. Madalas siya lang ang nandiyan sa bahay niya dahil may sariling mundo na ang kanyang mga anak. Simula nang nangalakal ako sa kanila at nang makita niya ako, palagi na siyang nagbibigay sa akin ng mga kalakal. Ang totoo nga niyan ay nagbibigay siya sa akin ng mga gamit sa bahay niya. Ang sabi niya ay luma na ang mga ito pero sa tingin ko ay hindi pa ito luma dahil ang gaganda pa nito. Maliit lang ang bahay namin pero kaunti na lang ay kumpleto na kami sa gamit at dahil iyon kay Amelia. Bumukas ang malaking gate at nakita ko ang masayang mukha ni Amelia.

"Ikaw pala, Elijah," malambing na boses na wika niya sa akin.

"Hello po Ma'am Amelia. May kalakal po ba kayo? Puwede ko po bang mahingi?"

"I'm sorry, Elijah wala eh. Pero may iuutos na lang ako sa iyo para mabigyan kita."

Tumaas ang kilay mo. "Ano po 'yon, Ma'am?"

Ngumisi siya. "Halika, Elijah. Pumasok ka  dito sa loob," sabi niya sa akin sabay senyas. 

Kaagad naman akong pumasok. Nakita ko ang malawak at malamansiyon niyang bahay. Tumingin ako sa kan'ya at napansin ko ang malagkit na titig niya sa akin. Hindi naman ako manhid at alam kong may gusto sa akin ang babaeng ito.

"Puwede bang tulungan mo na lang akong maglinis ng C.R.? Kasi wala 'yong mga katulong ko nag-day off.  Bibigyan na lang kita ng malaking halaga basta maglinis ka lang ng C.R. Doon sa kuwarto ko."

Mabilis naman akong tumango at sinundan siya patungo sa kuwarto niya. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda ng bahay niya at sigurado akong mamahalin ang mga gamit niya dito.  Bigla akong kinutuban. Marahil may balak sa akin ang babaeng 'to. Pero wala naman iyon sa akin basta't magkakapera ako.

"Ito pala ang C.R. ko. Medyo madumi na 'yomg inidoro at 'yong mga tiles sa sahig. Madali lang naman 'yan."

"Okay sige, Ma'am. Wala pong problema," sabi ko sa kaniya. 

At para hindi mabasa ang damit ko, hinubad ko ang t-shirt ko pagkatapos ay nagsimula na akong mag-linis ng inidoro. Sa tingin ko lang hindi naman madumi ang banyong ito. At sa tingin ko ay gumagawa lang ng paraan ang babaeng ito para masolo ako. Napansin ko ang mainit niyang tingin mula sa likuran ko. Kaya naman nilingon ko siya.

"Bakit po, Ma'am? May sasabihin ka po ba?"

Umiling siya. "Wala naman, Elijah. Gusto ko lang sabihin na ang ganda pala ng katawan mo. Siguro talagang batak ka sa trabaho." Nakatitig lang siya sa katawan ko na para bang nanggigigil.

Ngumisi ako. Sinasabi ko na nga ba't pinagnanasaan ako ng babaeng 'to. "O-Opo kasi ganoon talaga. Kailangan kong kumilos para may pera sa araw-araw."

"Amg galing mo naman. Hanga ako sa kasipagan mo. Bihira lang ang ganiyang mga lalaki. At isa pa, nagulat talaga ako nang sabihin mong doon ka nakatira sa ilalim ng tulay. Para kasing joke lang. Ang guwapo-guwapo mo at ang kisig mo pa. Tapos doon ka lang nakatira?"

Tinawanan ko na lang siya. Hindi konna pinasin ang sinabi niya dahil kahit sa ilalim kami ng tulay nakatira, masaya naman ako kasama ang Mama ko. Pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis ko.

"Gusto mo bang tulungan na kita?" 

"Ay hindi na po. Napakadali lang po nitong linisin."

Ilang minuto ang lumipas ay bigla na lang siyang pumasok sa loob ng C.R si Amelia. Nakasuot na lamang siya ng manipis na bestida. Sa edad na kuwarenta ay masasabi kong napakaganda pa rin ng kan'yang katawan. Parang dalaga lang. Malaki ang kan'yang dibdib at puwetan. Maliit lang ang kaniyang baywang at hindi rin malaki ang kaniyang puson. Hindi ko mapigilang mapalunok.

"I'm sorry, Elijah kung pumasok ako, ha? Naghugas lang kasi ako ng kamay kasi medyo nadumihan," wika niya sa mga mapang-akit na tono.

Ngumiti lang ako. Sigurado akong inaakit ako ng babaeng ito. Nang matapos akong maglinis ng banyo ay nagpahinga muna ako saglit. Medyo basa ang dibdib ko kaya hindi ko muna naisuot agad ang damit ko.

"Hala! Basa ka na. Teka lang kukuha ako ng pamunas."

Matapos niyang kumuha ng pamunas ay siya na ang nagpunas sa aking dibdib. Nakangiti siya habang ginagawa niya iyon. 

"Grabe...ang tigas ng dibdib mo. Ang sarap sigurong hawakan..." bulong niya pero narinig ko.

"Ano po, Ma'am?"

Inalis niya ang tingin sa dibdib ko. "Wala naman. Sige na, magbihis ka na. Baka lamigin ka."

Kinuha ko ang t-shirt ko at saka ito sinuot. Sa  totoo lang ay nilalamig naman talaga ako dahil ang lakas ng aircon dito. 

"Kumain ka kaya muna bago ka umalis."

Kumamot ako ng ulo. "Hindi po ba, Ma'am nakakahiya?"

"Hindi. Bakit naman nakakahiya? At saka ako lang naman ang tao dito. Wala kang dapat ikahiya."

Marami siyang pagkain na inihanda sa lamesa. At dahil siya naman ang nag-alok, hindi na ako nahiya pa. Kumain na lang ako. Sobrang sarap ng mga pagkaing inihain niya kaya hindi ko mapigilang lumamon nang lumamon. Nakatingin lamang siya sa akin habang kumakain ako.

"Mukhang gutom na gutom ka.:

Huminto  ako sa pagsubo ng pagkain at saka uminom ng tubig. "O-Opo. Hindi pa po kasi ako kumain. Mamaya pa sana pagkauwi ko. Salamat po dito sa pagkain ninyo. Napakasarap po nitong lahat."

"Walang problema. Kung maaari nga lang sana, minsan dalaw-dalawin mo ako dito. Kung okay lang sa iyo. Bonding lang tayo minsan. Gusto ko lang ng kausap dahil nakakalungkot mag-isa. Babayaran ko na lang ang bawat oras mo."

Napatingin ako sa kan'ya. "Sigurado po ba kayo diyan? Okay lang naman po sa akin pero kasi parang ang dali naman po ng gagawin ko. Ayos lang sa akin kung utusan niyo ako."

Umiling siya. "Hindi. Kausap lang talaga ang hanap ko. Para malibang ako kahit papaano. At isa pa gusto kong gawain ito para naman matulungan kita. Basta kapag may time ka, punta ka lang dito. Kumain ka nang kumain dito. At pagkatapos, ako na bahalang magbigay sa iyo. Dalhan mo na lang iyong Mama mo ng pagkain pag-uuwi ka na."

"Sige po, Ma'am. Marami pong salamat."

Hindi ko napansin na halos naubos ko na pala ang mga pagkain inihanda niya sa mesa. Nagulat ako nang iabot niya sa akin ang bayad. Binilang ko ito at umabot ito ng sampung libo.

"Ma'am, bakit po ang laki ng bayad ninyo? Sobra po ito. Napakadali lang ng pinagawa niyo sa akin. Isasaulo ko po ang iba."

Mahina siyang tumawa. "Tanggapin mo lahat 'yan, Elijah. Barya lang naman sa akin 'yan at isa pa, naging malinis talaga ang C.R. ko. Isipin mo na lang na tulong ko sa iyo 'yan. Basta iyong sinabi ko sa iyo, ha? Kapag may time ka, pumunta ka dito. Ako na ang bahala sa iyo."

Mabilis akong tumango dahil kailangan ko ng pera. Hindi na ako nag-inarte pa. "Opo, Ma'am. Maraming salamat po ulit. Aalis na po ako. Baka hinahanap na po kasi ako ng Mama ko."

"Okay sige. Ingat ka sa pag-uwi."

Inihatid niya ako hanggang sa gate. Nginitian ko na lang siya bago mabilis na pumadyak papalayo. Masayang-masaya ako ngayon dahil mayroon akong malaking pera. Salamat kay Amelia. Hindi naman siguro masama kung hayaan ko na lang siya na landiin ako. Sasakyan ko na lang ang panghaharot niya sa akin. Tutal wala namang magagalit dahil pareho naman kaming single. At isa pa, kung siya ang magiging dahilan ng pagyaman ko  ipagpapatuloy ko na lang ito at hahayaan siya sa mga gusto niya.

Mas binilisan ko pa ang pagpadyak  para makauwi na ako agad. Sana wala pa doon si Mama dahil gusto kong bumili ng damit para sa kaniya. Sira-sira na kasi ang mga damit niya. Nagulat na lang ako nang biglang may bumisina ng malakas sa likuran ko. At dahil doon ay napabilis ang padyak ko patungo sa malaking puno. Mabuti na lang talaga at hindi masyadong malakas ang pagkakabangga ko sa puno. Tumingin ako sasakyang nasa likuran ko at nakita kong magarang ito. Lumabas ang isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ako lang. Sa suot pa lamang niya ay masasabi kong mayaman na siya.

"Pasensya ka na. Nagmamadali kasi ako," sabi niya sa akin sa malumanay na tono.

"Ayos lang po, Sir. Wala pong problema."

Tumingin siya sa akin saglit at saka sinipat ang sidecar ko na bumangga sa puno. Hindi naman masyadong malakas ang pagkakabangga nito kaya hindi naman ganoon nasira ang sidecar bike ko. Kumuha siya ng halaga sa wallet niya at nakita kong lilibuhin iyon. nigay nito sa akin.

"Tanggapin mo na iyan. Pasensya na talaga."

"Naku, Sir napakadami po nito! Hindi naman po ganoon na nasira ang sidecar bike ko."

Nginitian niya ako. "Huwag mo nang alalahanin iyon dahil alam kong may paggagamitan ka niyan sa susunod nating pagkikita."

Kaagad na siyang tumalikod at sumakay sa sasakyan niya. Naiwan akong nakatulala dahil sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya tungkol sa susunod naming pagkikita? Bakit niya sinabi iyon?

Sino ang lalaking 'yon?

Related chapters

  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 3

    Elijah's P.O.V."Anak, bakit parang ang dami mo yatang pera? Saan mo ito kinukuha?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Mama."Basta, Ma. Basta sa isang taong may mabuting puso." Nginitian ko siya habang abala ako sa mga pinamili kong groceries."Mabuting puso? Sigurado ka ba diyan? Baka naman mamaya ay kung ano ang ginagawa mo. Baka naman may ginagawa kang illegal."Mahina akong natawa. "Ano po ba 'yang nasa isip mo, Ma? Iniisip mo ba na nagbebenta ako ng ipinagbabawal na gamot?"Nakatingin lang siya sa akin. "Hindi ko magagawa iyon, Ma. Basta, maniwala ka sa akin. May taong nagbibigay sa akin nito. Pero hindi naman basta lang niya ibinibigay dahil pinaghihirapan ko iyon. Sinusunod ko ang utos niya. Kagaya na lang ng paglilinis ng buong bahay niya."Bumuntong-hininga si Mama sabay yakap sa akin. "Oh sige na nga! Naniniwala na ako. Basta anak ko, ayokong gagawa ka ng masama para lang sa pera. Mas mabuti pang magtiis tayo sa hirap basta ligtas ka.""Opo, Mama. Hindi po ako gagawa ng kahi

    Last Updated : 2022-12-27
  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 4

    Elijah's P.O.V.Dahil kay Amelia ay nakatira na kami sa isang magandang bahay. Hindi na kami tumira sa isang apartment dahil siya na mismo ang bumili ng bahay para sa amin. Sinabi ko na lang na babayaran ko na lang siya kapag nakahanap na ako ng trabaho. Pero hindi siya pumayag dahil girlfriend ko naman daw siya at wala lang sa kaniya iyon. Oo, girlfriend ko na nga ang babaeng 'yon pero siya ang nanligaw sa akin. Puwede ko na rin siyang pagtiyagaan hanggang sa wala pa talaga ako. Pero kapag yumaman na ako, hihiwalayan ko na siya dahil ayoko talagang magkaroon ng partner na may anak na."Elijah!" tawag sa akin ni Robert habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ko."Bakit? May kailangan ka ba?""Wala. Baka gusto mong mag-apply bilang driver sa pinapasukan ng kapatid ko. Uuwi na kasing probinsya ang kapatid ko. Baka hindi na siya makabalik.""Ha? Paano 'yan limot ko na kung paano magmaneho. Hindi ko na kasi namamaneho ang sasakyan mo. At saka wala pa akong lisensya."Ngumiti siya. "Huwa

    Last Updated : 2022-12-27
  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 5

    Elijah's P.O.V.Habang kausap ko si Mr. Leonardo Montemayor, pakiramdam ko ay hindi malayo ang agwat ng estado namin sa buhay. Kung kausapin niya ako ay parang kaibigan lang o parang matagal na kaming magkakilala. Ang gaan ng loob ko sa kaniya. At tingin ko pa lang mabait siya. Nakakatuwa nga lang dahil parehas pa kami ng apelyido. Hindi na rin masama dahil kahit mahirap lang ako, may katulad naman akong apelyido ng isang bilyonaryong tao."Kumusta naman ang interview mo kay Ma'am Ava?" tanong sa akin ni Robert. Abala ako ngayon sa pamimili ng mga damit na isusuot ko kapag nag-start na akong magmaneho. Kailangan kasing naka-polo short at pants. "Ayos naman. Mukha naman siyang mabait pero hindi kami masyadong nag-usap. Ang sabi niya, sinabi mo na rin sa kaniya ang tungkol sa akin. Kaya hindi na siya masyadong nagtanong.""Oo sinabi ko na. Naisip ko kasi na baka kabahan ka kapag marami siyang tanong. At isa pa, mabait si Ma'am Ava, wala kang magiging problema sa kaniya basta sundin mo

    Last Updated : 2022-12-28
  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 6

    Elijah's P.O.V."Let's go, Elijah," wika ni Ma'am Ava ng makasakay siya sa kotse.Agad akong nagmaneho. Ewan ko ba pero sobrang excited ko ngayon. Sa wakas may trabaho na akong maayos. Hindi na pangangalakal ang ginagawa ko para magkapera. At isa pa, napakaganda at sexy ng amo ko. Nakakalib*g sa totoo lang. Kagabi nga ay napanaginipan ko siya. Katabi ko siya sa kama at kapwa kami walang saplot. Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganoon ang panaginip ko. Napangiti tuloy ako."Bakit ka nakangiti, Elijah?"Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Ah...wala po Ma'am. May naisip lang po akong nakakatawa," palusot ko sabay tawa ng alanganin. Tiningnan ko siya sa salamin. "Mabuti ka pa nakaisip ng nakakatawa. Eh ako hindi. Ang pangit ng araw ko talaga," maktol niya sabay irap."Bakit naman po, Ma'am?""Nakakainis talaga sila Mom at Dad. Palagi na lang sila nakikialam sa mga desisyon ko sa buhay.""Baka po gusto lang nila na mapabuti ka kaya nakikialam po sila sa iyo," sagot ko habang nagmamaneho

    Last Updated : 2022-12-29
  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 7

    Elijah's P.O.V.Iritable akong bumangon dahil nasa labas daw ng bahay si Amelia. Hindi pa ba titigil ang babaeng 'to? Sinabi ko na sa kaniya na tapos na kami pero ito na naman siya. Parang asong buntot nang buntot sa akin. Hindi pa rin niya ako nakakalimutan? Sabagay, ako lang naman ang bumira ng malupit sa kaniya. At isa pa, ako lang naman yata ang may malaking kargada na bumusog sa kaniya. Kaya naman talaga mahihirapan siyang kalimutan ako. Pero dahil wala naman akong naging pagmamahal sa kahit kaunti, wala lang siya sa akin. "Ano bang kailangan mo, ha? Ang aga-aga disturbo ka! Wala ka bang magawa sa buhay?" Inis na wika ko."Elijah...Honey, hindi naman ako manggugulo. Gusto ko lang sabihin sa iyo na ayos na sa akin na wala na talaga tayo. Basta ba maging mabuting magkaibigan pa rin tayo."Kumunot ang noo ko. Ano na naman ang pakulo ng babaeng ito? Mabuting kaibigan? Puwede ba iyon? Baka naman may binabalak sa akin ang babaeng ito. Pero hindi naman niya ako maiisahan at hindi niya

    Last Updated : 2022-12-30
  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 8

    Ava Monteverde's P.O.V.Excited na ako habang hinihintay ko si Elijah na ihatid ako sa kumpanya ngayong umaga. Sa totoo lang, sa halos dalawang linggo ko pa lang siyang driver, magaan na agad ang loob ko sa kaniya. Natatawa nga ako sa kaniya lalo na kapag minamanyak niya ako. Oo alam kong minamanyak niya ako. Pero hindi ko alam sa aking sarili kung bakit hinahayaan ko lang siyang gawin iyon. Hindi naman dahil sa porket guwapo siya kaya hinayaan ko siyang manyakin niya ako. Talagang parang okay lang sa akin na gawin niya iyon. Sinasakyan ko na lang siya. At isa pa, sa lahat ng driver ko siya lang ang nagpapaganda ng araw ko. Siya lang kasi ang hilig mang-asar sa akin at gumawa ng mga kalokohan. Dagdag pa doon, ang gaan talaga ng loob ko kay Elijah. Na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Sa totoo nga lang, wala sa mukha ni Elijah na mahirap lang pala sila. Pero ngayon ay nakakaangat na siya kahit papaano. Ang sabi niya ay mayroon naman daw silang bahay na tinitirahan kasama ang Mama niya

    Last Updated : 2022-12-30
  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 9

    Elijah's P.O.V.Pauwi na ako galing sa bahay ni Ma'am Ava matapos ko siyang ihatid sa kanila. Bigla kong naalala 'yong isang araw na kumain kami ni Mr. Montemayor. Habang kinakausap niya ako at nakikipagkuwentuhan siya sa akin, parang magka-level lang kami ng estado sa buhay. At ang sabi niya pa sa akin ay kausapin ko lamang siya ng kaswal. Huwag daw akong masyadong magiging pormal sa kaniya. Nagtataka ako kung bakit ganoon ang gustong maging pakikitungo ko sa kaniya. Dahil ang iba, kapag mayaman at kilalang tao dapat pormal ang pakikitungo na halatang malayo ang agwat ng estado ng buhay namin sa kanila. At hindi rin sila basta nakikisalamuha sa mababang uri ng taong kagaya ko. Pero si Mr. Montemayor ay niyaya pa akong kumain. Hinayaan niya akong mamili ng mga pagkain na gusto ko kahit na madami ito.At habang nakikipag-usap na siya sa akin, tuwang-tuwa siya. Ang higit sa nakakuha ng atensyon ko ay ang sinabi niya sa akin na gusto niya raw akong ituring na anak. Medyo hindi ko inaasaha

    Last Updated : 2022-12-30
  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 10

    Elijah's P.O.V.Nangiti na lang ako nang maalala kung nahalikan ko si Ma'am Ava. Nagulat nga ako no'n dahil hindi siya pumiglas. Sa halip ay gumanti siya ng halik sa akin. Pero ako na ang unang kumalas sa halikan naming dalawa dahil baka hindi na ako makapagpigil pa ng sarili ko. Baka mabira ko na siya ng wala sa oras. Syempre nirerespeto ko pa rin siya at ayoko namang na basta angkinin na lang siya."Bakit ka nakangiti diyan? Abnormal ka ba?" Nagulat ako nang bigla siyang pumasok sa kuwarto.Ngumisi ako. "Naalala ko lang kasi no'ng hinalikan kita, Ma'am. Ang lambot ng labi mo. Puwede bang pahalik pa ako isa?"Kinuha niya unan sa paahan ko at saka binato niya ito sa akin. Natawa na lang ako. Namumula na naman kasi ang mukha niya. Ewan ko ba kung nahihiya siya o kinikilig."Kahit kailan ka talaga! Sumusobra ka na, ha! Manahimik ka diyan, Elijah. Qouta ka na sa akin loko ka. Wala ka ngang pasabi sa akin eh. Ninakawan mo pa ako ng halik! Alam mo ba iyon ang first kiss ko?"Nanlaki ang ma

    Last Updated : 2022-12-31

Latest chapter

  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 32

    Ava's P.O.V.Isang linggo matapos mailibing si Mommy, tila naging tahimik ang buhay ko. Naging malungkot at tila ba walang buhay. Ang anak ko na lang na si Evo ang nagpapasaya sa akin. Laking pasasalamat ko dahil nandiyan siya upang pasayahin ako."Ava...hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Bakit hindi mo ako mabigyan ng isang pagkakataon para mapatunayan ko na totoo ang nararamdaman ko para sa iyo? Huwag mo ng isipin pa si Elijah. Nalalapit na ang araw ng kasal nila ng bago niya. Bakit ba hindi mo na lang siya kalimutan?" sabi sa akin ni Bryan.Kasalukuyang dinalaw ako ni Bryan ngayon. Pero wala naman akong pakialam sa kaniya. Hindi ko naman siya kailangan. Si Elijah ang kailangan ko ngayon. Pero mukhang busy ito sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Amelia."Hindi natuturuan ang puso, Bryan. At kahit pang mangyari, hindi kita magagawang mahalin dahil si Elijah lang ang hanap ng puso ko. Siya lang ang mahal ko at wala ng iba pa. Kaya kung maaari sana, t

  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 31

    Ava's P.O.V.Malungkot akong nakatanaw sa kalangitan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa sa paghihintay ng pagbabalik ni Elijah. Sobrang nasasabik na akong sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin."Evo...anak ko...wait lang natin si Daddy mo, ha? Alam kong babalikan niya tayo..." Hindi ko napansing tumutulo na pala ang mga luha ko. Kaagad ko iyong pinunasan. Hindi ko lang kasi talaga maiwasang hindi masaktan. Sabik na sabik na akong mayakap at makasama si Elijah. Walang araw o oras na hindi ko siya inisip. At walang araw na hindi ako nagdasal na sana ay nasa mabuting kalagayan lang siya. Kinabukasan, nagulantang ako sa balitang natanggap ko. Nandito na raw si Elijah. Sobrang kabog ng puso kaya naman nagpunta kaagad ako sa kompanya ng kaniyang ama."Hello po, Tito...nasaan po si Elijah?" Kinakabahan kong tanong nang makita ko si Mr. Leonardo.Malungkot siyang tumingin sa akin. At pagkatapos hinawakan niya ako sa magkabilang balikat."Ava...hindi ko alam kung

  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 30

    Elijah's P.O.V.Kahit nahihilo na ako, hindi pa rin ako tumitigil sa kaiinom ng alak. Gusto kong magpakalunod sa alak. Gusto ko ring maglaho na lang bigla. Hindi ko in-expect na magagawa iyon sa akin ni Ava. "Elijah...lasing na lasing ka na. Tama na 'yan," sabi sa akin ni Jack.Bumaling ako sa kaniya. "Ano bang nagawa kong mali para ipagpalit kaagad ako ni Ava? Hindi ba siya naniwala sa akin na babalikan ko siya? Na kinailangan ko lang ng kaunting panahon para maabot ko kung ano na ako ngayon?"Bumuntong hininga si Jack. "Sa totoo lang, ayokong magsalita eh. Kasi hindi ko naman alam ang side ni Ava. Baka may kinalaman na naman ang Mommy niya kaya siya nagkaroon agad ng iba.""Pero kahit na. Kung mahal niya talaga ako, hindi niya magagawang magpabuntis sa iba. Na makakaya niya akong ipaglaban. At alam mo na ang sama niya dahil tunay na anak pala niya ang batang 'yon pero sinabi niya lang na ampon? Hindi ko akalain na ganoon pala siyang klaseng babae. Hindi niya inisip ang anak niya. K

  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 29

    "Ano bang pag-uusapan nating dalawa?" tanong ko kay Amelia nang pumayag akong makipagkita sa kaniya.Malawak siyang ngumiti. "Mas lalo kang gumuwapo ngayon, Elijah. Masaya ako dahil unti-unti mo nang natutupad ang mga pangarap mo. May sarili ka ng kompanya at kilala ka na rin. Hindi magtatagal ay magiging kagaya ka na rin ng Daddy mo."Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?""Sa akin na lang 'yon. Kailan ko lang ito nalaman. Nagulat nga ako eh. Syempre, sa pagkawala mo, talagang nangulila rin ako dahil mahal pa rin kita. Nag-imbestiga ako tungkol sa iyo at nalaman kong anak ka pala sa labas ng isang kilalang tao. Masaya nga ako dahil maayos na ang buhay mo ngayon. At may maipagmamalaki ka na sa taong umapi sa iyo kagaya ng Mommy ni Ava."Napatango na lang ako. Sabagay, mayaman si Amelia. Marami siyang koneksyon kaya talagang may malalaman siya tungkol sa akin."Okay. Pero ano ba ang dahilan mo para makipagkita sa akin? Ano bang sasabihin mo?" Ngumiti siya. "Hindi naman sa pangingial

  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 28

    Elijah's P.O.V.Dalawang buwan simula nang matungo kami dito sa probinsya, wala akong ibang inisip kun'di si Ava. Labis akong nangungulila sa kaniya. Deactivated ang lahat ng social media accounts ko. Pati ang simcard ko ay sinira ko na rin para wala na siyang contact sa akin. Alam kong mali ang ginagawa kong 'to dahil wala man lang akong pasabi sa kaniya na aalis ako pero ito lang ang paraan ko para hindi na rin siya madamay. Ayokong magkaroon pa siya ng koneksyon sa akin na maaari niyang ikapahamak."Ayos ka lang ba, anak?" tanong sa akin ni Mama na kararating lang galing sa palengke."Ayos lang po ako, Mama. Huwag niyo po akong alalahanin," sagot sabay ngiti. Bumuntong hininga si Mama. "Nakikita ko sa iyong mga mata ang labis na pangungulila mo kay Ava. Pero kailangan muna nating magtago sa ngayon para na rin sa kapakanan ninyong dalawa."Huminga ako ng malalim sabay tango. "Opo, Mama. Naiintindihan ko po 'yon. At isa pa, gusto ko na pagbalik ko, may masasabi na ako. Hindi naman m

  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 27

    Elijah's P.O.V.Habang abala ako sa pagluluto, nagulat na lang ako nang may malakas na katok mula sa gate. Pagkatingin ko, nandoon si Papa. Agad ko siyang pinagbuksan ng gate. Nagmamadali naman siyang pumasok sa loob ng bahay."Umalis na muna kayo, Elijah. Magpakalayo-layo kayo ng Mama mo," mabilis na sabi ni Papa habang nanginginig ang kamay."Ha? Bakit Leonardo? Anong mayroon?" takang tanong naman ni Mama na pababa ng hagdan."Bethrice, nalaman na ni Moira ang tungkol sa anak natin. Alam na niya na anak natin si Elijah. Galit na galit siya sa akin. Ibig sabihin, siya pala ang nag-utos sa tauhan niya na sundan si Elijah para alamin kung sino ba siya. At alam kong may gagawin siyang masama sa inyo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa inyo. Umalis na kayo hangga't maaga pa. Para hindi na niya kayo maabutan pa," bakas sa tono ni Papa ang takot."Pero Papa, paano ka naman? Baka may gawing masama sa iyo ang babaeng 'yon!" Ngumiti si Papa. "Huwag mo akong ala

  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 26

    Elijah's P.O.V.Kinabukasan ay pinuntahan ko si Amelia sa kanilang bahay. Hindi naman kasi imposibleng tauhan niya ang sumusunod sa akin dahil minsan na niya akong pinasundan. Malakas na katok ang ginawa ko sa gate niya. "Hoy babae! Ano bang problema mo? Talagang hindi mo ako titigilan?" Galit na sigaw ko sa kaniya.Nagtataka naman siyang lumabas ng kaniyang bahay. "Ha? Anong pinagsasabi mo, Elijah?"Asar akong tumawa. "Huwag ka na ngang magmaang-maangan diyan! Bakit mo ako pinapasundan sa tauhan mo? Talaga bang baliw ka na?"Nagsalubong ang kilay niya. "Ano? Pinapasundan? Saan mo naman nakuha 'yan? Hindi kita pinapasunda sa tauhan ko! Maniwala ka. Hindi na nga kita pinakikialaman dahil alam ko naman na hindi ka na babalik pa sa akin. Maniwala ka, Elijah. Hindi ko tauhan ang sumusunod sa iyo."Matalim ko siyang tinitigan. Nagsasabi kaya ng totoo ang babaeng 'to? Pero kasi ang hirap maniwala. Minsan na kasi niyang ginawa sa akin 'yon. At isa pa, baliw na baliw siya sa akin kaya talaga

  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 25

    Elijah's P.O.V.Ngayong araw ay wala kaming ibang ginawa ni Papa kun'di ang gumala. Hindi sumama si Mama dahil ayaw daw niya ng gulo. Kaya nagpaiwan na lang si Mama sa bahay. Kung saan-saan kami nagpunta ni Papa. Binilhan niya rin ako ng mga mamahaling damit at sapatos."Nagustuhan mo ba anak ang lahat ng binili ko sa iyo?" tanong sa akin ni Papa. "Opo! Gustong-gusto ko. Maraming salamat po, Papa," masayang sabi ko sa kaniya."Walang ano man anak. Nga pala, saan mo pa pala gustong magpunta?""Puwede po ba pumunta tayo sa play house? Mag-basket ball tayo, Pa! Pataasan tayo ng score," sabi ko sabay tawa.Natawa rin siya sabay tango. "Sige ba. Walang problema."Agad naman kaming nagtungo sa play house. Maraming kabataan ang naglalaro sa baskellball-an kaya naghintay muna kami ni Papa. At pagkatapos ay agad na kaming naglaro.Masasabi kong magaling si Papa mag-shoot ng bola dahil halos wala siyang palya."Wow ang galing! Mataas ka lang sa akin ng two points, Pa!" sabi ko nang makita ko a

  • Elijah: The Bastard Billionaire    Chapter 24

    Elijah's P.O.V."Elijah…" Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nagulat ako nang makita ko kung sino."Uy ikaw! Ikaw 'yong nakabangga sa sidecar ko dati 'di ba?" sabi ko sa kaniya sabay lapit. Pinagbuksan ko siya ng gate."Sinadya ko 'yon." Nakangising sabi niya.Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit mo naman sinadya?"Tumawa siya. "Kailangan para magkita na tayo. Ako pala si Jack. Magpinsan tayo. At matagal na kitang minamatyagan dahil utos 'yon sa akin ng Daddy mo."Nanlaki ang mata ko. "Weh? 'Di nga? Kaya pala parehas tayong guwapo! Magpinsan pala tayo!" Napangiti sabay iling si Jack. "Loko ka. Kumusta ka pala? Kayo ng nobya mong si Ava?" Bumuntong hininga ako. "Ito…medyo nahihirapan dahil patago kaming nagmamahalan ni Ava. Patago kaming kikita at nagsasama tuwing gabi.""At dahil ba 'yon sa hindi ka tanggap ng Mommy niya?" Mabilis akong tumango. "Oo. Siya talaga ang kontrabida sa love story namin ni Ava. Ewan ko ba sa babaeng 'yon. Hindi na lang siya maging masaya para amin ng ana

DMCA.com Protection Status