Chapter: Kabanata 4Isang buwan na ang makalipas simula nang may mangyari kina Roxanne at Rain, hindi pa rin malimutan ni Roxanne ang mainit na gabing pinagsaluhan nila. Hindi niya lubos akalain na siya naangkin ng isang mayaman at guwapong lalaki. May parte sa kaniya na natutuwa ngunit may parte rin na hindi dahil parang lumalabas na siya ay babaeng madaling makuha."Isang cake nga. Ito ang gusto ko," wika ng isang customer.Agad na lumapit si Roxanne sa customer at saka inasikaso ang binili nitong cake. Medyo malakas din ang bakeshop na pinapasukan niya. Hindi kagaya sa iba dahil de-kalidad ang sarap ng cake nila. Maraming mga tao ang nagugustuhan ang cake nila. Itinuro ng kaniyang amo kung paano mag-bake ng cake kaya naman si Roxanne na ang halos gumagawa ng lahat. Wala naman siyang reklamo dahil mataas naman ang pasuweldo sa kaniya. "Hays…" mahinang usal ni Roxanne nang makaramdam siya ng pagkahilo.Noong nakaraang linggo niya pa ito nararamdaman. Bigla na lamang siyang nahihilo, sa umaga ay nasusuk
Huling Na-update: 2023-01-17
Chapter: Kabanata 3"Honey, stop it please. Hindi ka puwedeng magalit dahil birthday mo ngayon. Magpakasaya na lang muna tayo ngayon. Hayaan mo muna ang anak natin na makapag-isip." Hinawakan ni Diana si Robert sa kamay at saka hinila palayo kay Rain. Nilingon niya pa ang kaniyang anak na salubong pa rin ang kilay. Humingang malalim si Rain at saka naglakad patungo sa kaniyang mga kaibigan. Kumuha siya ng baso at pagkatapos ay nagsalin ng alak. Kaagad niya itong ininom habang nakasalubong pa rin ang kilay. Naiinis siya sa kaniyang Ama dahil pinipilit siya nito sa ayaw niyang gawin."What's your problem my friend?" Nakangising tanong sa kaniya ng kaibigan niyang si Kenneth.Nagsalin itong muli sa kaniyang baso ng alak. Ininom niya kaagad iyon. Pakiramdam niya nasira na naman ang isang araw niya dahil sa kaniyang Ama na walang ibang sinabi sa kaniya kun'di ang magkaroon ng apo. Talagang tinakot pa siya nito. Inaamin niya na hindi niya kayang mabuhay nang wala siyang pera. Sa pera umiikot ang buhay niya. I
Huling Na-update: 2023-01-17
Chapter: Kabanata 2"Sino 'yon?" Kunot-noong tanong ni Roxanne kay Maribel. "Si Ms. Antonio 'yon. Siya ang mayordoma rito, 'yong nag-uutos sa mga kasambahay kung ano ang gagawin nila. Siya rin ang katiwala ng mag-asawang Montenegro. Mabait 'yan si Ms. Antonio, may pagka-istrikta nga lang pagdating sa trabaho dahil syempre gusto niya maging maayos lahat. Wala siyang anak. Tumanda na siyang dalaga sa pamilya ng Montenegro. Dito na niya nilaan ang halos buong buhay niya dahil bata pa lang siya nang makatuntong siya rito. Kinupkop kasi siya ng mag-asawa. At bilang pasasalamat sa pagkupkop sa kaniya ay ibinigay niya ang kaniyang serbisyo at nangakong pagsisilbihan ang mga ito habang siya ay nabubuhay," paliwanag sa kaniya ni Maribel.Napatango na lamang si Roxanne. "Kaya siguro hindi na niya naisipan pang magmahal gano'n? Kumbaga, nawala na sa isip niya ang magkaroon ng sariling pamilya?"Tumaas ang kilay ni Maribel. "Oo siguro gano'n na nga. Binuhos na niya ang buong atensyon niya sa pamilya Montenegro.""B
Huling Na-update: 2023-01-17
Chapter: Kabanata 1Tahimik na pinagmamasdan ni Roxanne ang kaniyang sarili sa mumunti nilang salamin. Binigyan kasi siya ng kaniyang kaibigan na si Maribel ng isang bestida na kaniyang isusuot ngayong gabi dahil may handaan silang pupuntahan dalawa. Kaarawan kasi ni Mr. Robert Montenegro na amo ng ina ni Maribel. Namamasukan kasi bilang kasambahay ang kaniyang ina at minsan ay nagagawi siya sa malaking bahay nito para bisitahin ang kaniyang ina at tumulong na rin. Mabait ang amo ang mag-asawang Montenegro at ayon pa rito ay galante rin ito sa kaniyang mga kasambahay. Kung gaano kabait ang amo ng ina ni Maribel ay kasalungat nito ang ugali ng kanilang anak na lalaki. Mayroong anak na lalaki ang mag-asawang Montenegro at nag-iisa lang ito. Nais pa sanang masundan ito ngunit hindi na kayang magbuntis pa ng asawa ni Robert na si Dianna dahil sa matanda na rin ito. Parehas negosyante ang mag-asawa kaya naman napakayaman ng kanilang pamilya. "Bagay na bagay sa iyo Roxanne! Ang ganda mo. Ang ganda rin ang hu
Huling Na-update: 2023-01-17
Chapter: Chapter 32Ava's P.O.V.Isang linggo matapos mailibing si Mommy, tila naging tahimik ang buhay ko. Naging malungkot at tila ba walang buhay. Ang anak ko na lang na si Evo ang nagpapasaya sa akin. Laking pasasalamat ko dahil nandiyan siya upang pasayahin ako."Ava...hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Bakit hindi mo ako mabigyan ng isang pagkakataon para mapatunayan ko na totoo ang nararamdaman ko para sa iyo? Huwag mo ng isipin pa si Elijah. Nalalapit na ang araw ng kasal nila ng bago niya. Bakit ba hindi mo na lang siya kalimutan?" sabi sa akin ni Bryan.Kasalukuyang dinalaw ako ni Bryan ngayon. Pero wala naman akong pakialam sa kaniya. Hindi ko naman siya kailangan. Si Elijah ang kailangan ko ngayon. Pero mukhang busy ito sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Amelia."Hindi natuturuan ang puso, Bryan. At kahit pang mangyari, hindi kita magagawang mahalin dahil si Elijah lang ang hanap ng puso ko. Siya lang ang mahal ko at wala ng iba pa. Kaya kung maaari sana, t
Huling Na-update: 2023-05-08
Chapter: Chapter 31Ava's P.O.V.Malungkot akong nakatanaw sa kalangitan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa sa paghihintay ng pagbabalik ni Elijah. Sobrang nasasabik na akong sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin."Evo...anak ko...wait lang natin si Daddy mo, ha? Alam kong babalikan niya tayo..." Hindi ko napansing tumutulo na pala ang mga luha ko. Kaagad ko iyong pinunasan. Hindi ko lang kasi talaga maiwasang hindi masaktan. Sabik na sabik na akong mayakap at makasama si Elijah. Walang araw o oras na hindi ko siya inisip. At walang araw na hindi ako nagdasal na sana ay nasa mabuting kalagayan lang siya. Kinabukasan, nagulantang ako sa balitang natanggap ko. Nandito na raw si Elijah. Sobrang kabog ng puso kaya naman nagpunta kaagad ako sa kompanya ng kaniyang ama."Hello po, Tito...nasaan po si Elijah?" Kinakabahan kong tanong nang makita ko si Mr. Leonardo.Malungkot siyang tumingin sa akin. At pagkatapos hinawakan niya ako sa magkabilang balikat."Ava...hindi ko alam kung
Huling Na-update: 2023-05-08
Chapter: Chapter 30Elijah's P.O.V.Kahit nahihilo na ako, hindi pa rin ako tumitigil sa kaiinom ng alak. Gusto kong magpakalunod sa alak. Gusto ko ring maglaho na lang bigla. Hindi ko in-expect na magagawa iyon sa akin ni Ava. "Elijah...lasing na lasing ka na. Tama na 'yan," sabi sa akin ni Jack.Bumaling ako sa kaniya. "Ano bang nagawa kong mali para ipagpalit kaagad ako ni Ava? Hindi ba siya naniwala sa akin na babalikan ko siya? Na kinailangan ko lang ng kaunting panahon para maabot ko kung ano na ako ngayon?"Bumuntong hininga si Jack. "Sa totoo lang, ayokong magsalita eh. Kasi hindi ko naman alam ang side ni Ava. Baka may kinalaman na naman ang Mommy niya kaya siya nagkaroon agad ng iba.""Pero kahit na. Kung mahal niya talaga ako, hindi niya magagawang magpabuntis sa iba. Na makakaya niya akong ipaglaban. At alam mo na ang sama niya dahil tunay na anak pala niya ang batang 'yon pero sinabi niya lang na ampon? Hindi ko akalain na ganoon pala siyang klaseng babae. Hindi niya inisip ang anak niya. K
Huling Na-update: 2023-05-01
Chapter: Chapter 29"Ano bang pag-uusapan nating dalawa?" tanong ko kay Amelia nang pumayag akong makipagkita sa kaniya.Malawak siyang ngumiti. "Mas lalo kang gumuwapo ngayon, Elijah. Masaya ako dahil unti-unti mo nang natutupad ang mga pangarap mo. May sarili ka ng kompanya at kilala ka na rin. Hindi magtatagal ay magiging kagaya ka na rin ng Daddy mo."Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?""Sa akin na lang 'yon. Kailan ko lang ito nalaman. Nagulat nga ako eh. Syempre, sa pagkawala mo, talagang nangulila rin ako dahil mahal pa rin kita. Nag-imbestiga ako tungkol sa iyo at nalaman kong anak ka pala sa labas ng isang kilalang tao. Masaya nga ako dahil maayos na ang buhay mo ngayon. At may maipagmamalaki ka na sa taong umapi sa iyo kagaya ng Mommy ni Ava."Napatango na lang ako. Sabagay, mayaman si Amelia. Marami siyang koneksyon kaya talagang may malalaman siya tungkol sa akin."Okay. Pero ano ba ang dahilan mo para makipagkita sa akin? Ano bang sasabihin mo?" Ngumiti siya. "Hindi naman sa pangingial
Huling Na-update: 2023-02-13
Chapter: Chapter 28Elijah's P.O.V.Dalawang buwan simula nang matungo kami dito sa probinsya, wala akong ibang inisip kun'di si Ava. Labis akong nangungulila sa kaniya. Deactivated ang lahat ng social media accounts ko. Pati ang simcard ko ay sinira ko na rin para wala na siyang contact sa akin. Alam kong mali ang ginagawa kong 'to dahil wala man lang akong pasabi sa kaniya na aalis ako pero ito lang ang paraan ko para hindi na rin siya madamay. Ayokong magkaroon pa siya ng koneksyon sa akin na maaari niyang ikapahamak."Ayos ka lang ba, anak?" tanong sa akin ni Mama na kararating lang galing sa palengke."Ayos lang po ako, Mama. Huwag niyo po akong alalahanin," sagot sabay ngiti. Bumuntong hininga si Mama. "Nakikita ko sa iyong mga mata ang labis na pangungulila mo kay Ava. Pero kailangan muna nating magtago sa ngayon para na rin sa kapakanan ninyong dalawa."Huminga ako ng malalim sabay tango. "Opo, Mama. Naiintindihan ko po 'yon. At isa pa, gusto ko na pagbalik ko, may masasabi na ako. Hindi naman m
Huling Na-update: 2023-02-03
Chapter: Chapter 27Elijah's P.O.V.Habang abala ako sa pagluluto, nagulat na lang ako nang may malakas na katok mula sa gate. Pagkatingin ko, nandoon si Papa. Agad ko siyang pinagbuksan ng gate. Nagmamadali naman siyang pumasok sa loob ng bahay."Umalis na muna kayo, Elijah. Magpakalayo-layo kayo ng Mama mo," mabilis na sabi ni Papa habang nanginginig ang kamay."Ha? Bakit Leonardo? Anong mayroon?" takang tanong naman ni Mama na pababa ng hagdan."Bethrice, nalaman na ni Moira ang tungkol sa anak natin. Alam na niya na anak natin si Elijah. Galit na galit siya sa akin. Ibig sabihin, siya pala ang nag-utos sa tauhan niya na sundan si Elijah para alamin kung sino ba siya. At alam kong may gagawin siyang masama sa inyo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa inyo. Umalis na kayo hangga't maaga pa. Para hindi na niya kayo maabutan pa," bakas sa tono ni Papa ang takot."Pero Papa, paano ka naman? Baka may gawing masama sa iyo ang babaeng 'yon!" Ngumiti si Papa. "Huwag mo akong ala
Huling Na-update: 2023-02-02