Share

Mapanakit Mong Pag-ibig
Mapanakit Mong Pag-ibig
Author: BlackPinky

Kabanata 1

Author: BlackPinky
last update Huling Na-update: 2023-01-17 08:33:03

Tahimik na pinagmamasdan ni Roxanne ang kaniyang sarili sa mumunti nilang salamin. Binigyan kasi siya ng kaniyang kaibigan na si Maribel ng isang bestida na kaniyang isusuot ngayong gabi dahil may handaan silang pupuntahan dalawa. Kaarawan kasi ni Mr. Robert Montenegro na amo ng ina ni Maribel. Namamasukan kasi bilang kasambahay ang kaniyang ina at minsan ay nagagawi siya sa malaking bahay nito para bisitahin ang kaniyang ina at tumulong na rin. 

Mabait ang amo ang mag-asawang Montenegro at ayon pa rito ay galante rin ito sa kaniyang mga kasambahay. Kung gaano kabait ang amo ng ina ni Maribel ay kasalungat nito ang ugali ng kanilang anak na lalaki. Mayroong anak na lalaki ang mag-asawang Montenegro at nag-iisa lang ito. Nais pa sanang masundan ito ngunit hindi na kayang magbuntis pa ng asawa ni Robert na si Dianna dahil sa matanda na rin ito. Parehas negosyante ang mag-asawa kaya naman napakayaman ng kanilang pamilya. 

"Bagay na bagay sa iyo Roxanne! Ang ganda mo. Ang ganda rin ang hubog ng iyong katawan. Bagay na bagay sa iyo ang bestidang 'yan. Siguro kahit ano pang suotin mo ay talaga namang babagay sa iyo," saad ni Marible na kapapasok lang ng kuwarto ni Roxanne.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Roxanne. "Talaga? Salamat sa iyo Maribel. Maganda kasi ang bestidang ibinigay mo." Sinuklay niya ang kaniyang buhok at saka muling tumingin sa salamin.

Bumaling ang tingin ni Roxxane sa kaniyang kaibigan. "Hindi ba nakahihiya na magpunta ako roon? Wala naman kasi akong koneksyon sa kanila. Kaibigan mo lang ako. Baka mamaya ay hindi nila ako papasukin. Nakahihiya naman," saad ni Roxanne sa malungkot na tinig.

Nilapitan siya ng kaniyang kaibigan at psaka hinawakan sa balikat. "Huwag kang mahiya dahil si Mr. Montenegro mismo ang nagsabi na puwedeng mag-imbita ng kaibigan. At saka maraming pagkain doon tapos kakaunti lang ang bisita. Masasayang lang ang pagkain kung hindi makakain. At isa pa, napakabait ng mag-asawang 'yon kaya wala kang dapat ikahiya riyan. Hindi naman kita aayain na pumunta kasama ko kung mapapahiya lang doon." Tinapik niya sa balikat si Roxanne bago lumakad siya palabas ng pinto habang hinihintay si Roxanne.

"Halika na Roxanne. Hinihintay na kasi tayo ni mama. Sasabay na tayo sa kaniya."

Bigla namang nataranta si Roxanne kaya naman mabilisan niyang sinuklay muli ang kaniyang buhok. Tinitigan niyang maigi ang kaniyang mukha sa salamin. Ngumiti siya habang sinusuklay ang kaniyang buhok.

"Sige halika na," aniya at saka sumunod na sa kaniyang kaibigan.

Halos lumuwa ang mata ni Roxanne nang makita niya ang bahay na tinitirahan ng pamilya Montenegro. Para sa kaniya ay hindi lang ito basta bahay kun'di isa na itong mansyon. Napakalawak ng hardin nito. Napakaganda rin ng mga disenyo sa paligid. Nakaaaliw sa mata pagmasdan ang naggagandahan at malalagong bulaklak na iba't-iba ang kulay. Kitang-kita ang kagandahan ng mga ito dahil sa lakas ng liwanag mula sa malalaking ilaw sa paligid. Tila nagniningning ang mga mata niya habang pinapalibot ang kan'yang paningin.

"Napakaganda naman dito Maribel! Mabuti ka pa lagi kang napupunta rito!" saad ni Roxanne sa masiglang tono.

"Oo kasi tumutulong ako minsan kay mama kaya napadadalaw ako rito," saad ng kaniyang kaibigan habang patuloy sila sa paglalakad.

Sumalubong sa kanila ang mga taong may magagandang kasuotan. Ito na marahil ang mayayamang bisita. Tila nanliit ang tingin ni Roxanne sa kaniyang sarili. Halatado kasi para sa kaniya na mahirap lamang sila. May isang babae na gumabay sa kanila patungo sa isang lamesa. 

"Dito ang puwesto ng mga kasambahay at mga trabahador ni Mr. Montenegro." Hinawakan siya ni Maribel at saka naupo sa upuan. 

Tahimik niyang pinalibot ang kaniyang paningin sa paligid. May isang lamesa na napakaraming pagkain. May limang letchong baboy ang naroroon. Iba't-ibang putahe ang nakahain sa lamesa. Maraming prutas din ang nakahanda. Ang mga bisita ay may kaniya-kaniyang hawak na goblet kung saan may laman itong wine. 

"Salamat sa inyong pagdalo sa aking kaarawan. I'm very greatful because most of my friends are here regardless of their hectic schedule. Please enjoy your meal and after that let's party!" wika ng isang lalaki na nakasuot ng tuxedo sabay taas ng hawak nitong goblet na may lamang wine.

Kahit matanda na ito ay makikita sa kaniyang mukha ang taglay niyang kaguwapuhan no'ng kabataan niya pa. Malawak ang ngiti nito habang nakikipagkamay sa kaniyang mga bisita.

"'Yan si Mr. Robert Montenegro. Matanda na siya pero guwapo pa rin 'no?" parang dalagang kinikilig na sabi ni Maribel.

"Hoy huwag ka ngang maingay diyan dahil baka may makarinig sa atin. Nakahihiya kaya. Isipin nila maharot tayong dalawa," suway niya rito.

"Kasi naman! Ang guwapo niya talaga. Lalo na ang nag-iisa nilang anak na si Rain Tyler. Napakaguwapo!" Tumitirik-tirik ang mga mata ni Maribel habang may pagkisay-kisay pa.

Nalukot ang mukha ni Roxanne. "Para kang siraulo diyan. Tumigil ka na nga."

"Ito naman! Sinasabi ko lang sa iyo na guwapo talaga ang kanilang anak. Kaya nga lang ay may hindi ito kaaya-ayang pag-uugali. Hindi siya katulad ng mga magulang niya na mababait," dagdag pa ni Maribel.

Ngumuso lamang si Roxanne at saka muling binaling ang paningin sa unahan.

"Kayo ba ang mga anak ni Mrs. Angeles?" tanong ng isang babae na kararating lang. Sa tingin niya ay nasa edad singkwenta na ito. 

"Ako lang po ang anak ni mama at siya naman po ay kaibigan ko," sagot ni Maribel.

Tumango-tango ang babae at saka pinagmasdan ang mukha ni Roxanne. Hindi niya maiwasang mailang dahil sa paraan nang pagkakatingin nito sa kaniya. Napaiwas siya nang tingin sabay baling kay Maribel. Pasimple siyang hinawakan nito sa kamay at saka bahagyang pinisil. 

"Maganda kang babae. Ilang taon ka na at ano ang pangalan mo?" diretsang tanong nito sa kaniya. 

Atubili siyang ngumiti bago nagsalita. "Ako po si Roxanne Madrigal. Twenty three years old na po ako."

Tumango-tango ang babae. "Gano'n ba. Bata ka pa pala. Matagal na ba kayong magkaibigan ni Maribel?" Taas-kilay nitong tanong. 

Tumango siya. "Opo. Simula po bata pa lang kami ay magkaibigan na po kaming dalawa."

"Anong trabaho mo? Nakapagtapos ka ba ng pag-aaral?"

Umiling siya. "High school graduate lang po ako. Hindi ko na rin po kasi ninais na mag-aral pa simula nang mamatay ang mga magulang ko. Sa ngayon po ay nagtatrabaho ako sa isang bakeshop na malapit sa amin. Dalawa na lang po kami ng kuya ko ang magkasama sa buhay dahil wala na po kaming mga magulang."

"Okay sige salamat sa pagsagot sa mga katanungan ko. Naghahanap pa kasi kami ng magiging kasambahay rito. Hindi naman kasi puwede si Maribel dahil may trabaho siya kaya kapag may oras lang siya nagpupunta rito. Kung sakali sana, kung gusto mo lang naman ay puwede kang pumasok rito. Wala kang poproblemahin dahil libre naman lahat rito. Maaari ka ring dito mag-stay in dahil may mga kuwarto naman para sa mga kasambahay. Napakabait pa na amo nila Mr. at Mrs. Montenegro. Ang anak lang naman nila na si Rain Tyler ang pasaway pero hindi ito madalas nagpupunta rito dahil may sarili itong condo na inuuwian. Kung may mga katanungan ka, magtanong ka kay Maribel at kung sakaling papasok ka ay sabihan mo kaagad siya." 

Tipid na ngumiti ang babae at saka naglakad na palayo. Sinundan ito nang tingin ni Roxanne at saka binalingan ang kaniyang kaibigan.

Kaugnay na kabanata

  • Mapanakit Mong Pag-ibig   Kabanata 2

    "Sino 'yon?" Kunot-noong tanong ni Roxanne kay Maribel. "Si Ms. Antonio 'yon. Siya ang mayordoma rito, 'yong nag-uutos sa mga kasambahay kung ano ang gagawin nila. Siya rin ang katiwala ng mag-asawang Montenegro. Mabait 'yan si Ms. Antonio, may pagka-istrikta nga lang pagdating sa trabaho dahil syempre gusto niya maging maayos lahat. Wala siyang anak. Tumanda na siyang dalaga sa pamilya ng Montenegro. Dito na niya nilaan ang halos buong buhay niya dahil bata pa lang siya nang makatuntong siya rito. Kinupkop kasi siya ng mag-asawa. At bilang pasasalamat sa pagkupkop sa kaniya ay ibinigay niya ang kaniyang serbisyo at nangakong pagsisilbihan ang mga ito habang siya ay nabubuhay," paliwanag sa kaniya ni Maribel.Napatango na lamang si Roxanne. "Kaya siguro hindi na niya naisipan pang magmahal gano'n? Kumbaga, nawala na sa isip niya ang magkaroon ng sariling pamilya?"Tumaas ang kilay ni Maribel. "Oo siguro gano'n na nga. Binuhos na niya ang buong atensyon niya sa pamilya Montenegro.""B

    Huling Na-update : 2023-01-17
  • Mapanakit Mong Pag-ibig   Kabanata 3

    "Honey, stop it please. Hindi ka puwedeng magalit dahil birthday mo ngayon. Magpakasaya na lang muna tayo ngayon. Hayaan mo muna ang anak natin na makapag-isip." Hinawakan ni Diana si Robert sa kamay at saka hinila palayo kay Rain. Nilingon niya pa ang kaniyang anak na salubong pa rin ang kilay. Humingang malalim si Rain at saka naglakad patungo sa kaniyang mga kaibigan. Kumuha siya ng baso at pagkatapos ay nagsalin ng alak. Kaagad niya itong ininom habang nakasalubong pa rin ang kilay. Naiinis siya sa kaniyang Ama dahil pinipilit siya nito sa ayaw niyang gawin."What's your problem my friend?" Nakangising tanong sa kaniya ng kaibigan niyang si Kenneth.Nagsalin itong muli sa kaniyang baso ng alak. Ininom niya kaagad iyon. Pakiramdam niya nasira na naman ang isang araw niya dahil sa kaniyang Ama na walang ibang sinabi sa kaniya kun'di ang magkaroon ng apo. Talagang tinakot pa siya nito. Inaamin niya na hindi niya kayang mabuhay nang wala siyang pera. Sa pera umiikot ang buhay niya. I

    Huling Na-update : 2023-01-17
  • Mapanakit Mong Pag-ibig   Kabanata 4

    Isang buwan na ang makalipas simula nang may mangyari kina Roxanne at Rain, hindi pa rin malimutan ni Roxanne ang mainit na gabing pinagsaluhan nila. Hindi niya lubos akalain na siya naangkin ng isang mayaman at guwapong lalaki. May parte sa kaniya na natutuwa ngunit may parte rin na hindi dahil parang lumalabas na siya ay babaeng madaling makuha."Isang cake nga. Ito ang gusto ko," wika ng isang customer.Agad na lumapit si Roxanne sa customer at saka inasikaso ang binili nitong cake. Medyo malakas din ang bakeshop na pinapasukan niya. Hindi kagaya sa iba dahil de-kalidad ang sarap ng cake nila. Maraming mga tao ang nagugustuhan ang cake nila. Itinuro ng kaniyang amo kung paano mag-bake ng cake kaya naman si Roxanne na ang halos gumagawa ng lahat. Wala naman siyang reklamo dahil mataas naman ang pasuweldo sa kaniya. "Hays…" mahinang usal ni Roxanne nang makaramdam siya ng pagkahilo.Noong nakaraang linggo niya pa ito nararamdaman. Bigla na lamang siyang nahihilo, sa umaga ay nasusuk

    Huling Na-update : 2023-01-17

Pinakabagong kabanata

  • Mapanakit Mong Pag-ibig   Kabanata 1

    Tahimik na pinagmamasdan ni Roxanne ang kaniyang sarili sa mumunti nilang salamin. Binigyan kasi siya ng kaniyang kaibigan na si Maribel ng isang bestida na kaniyang isusuot ngayong gabi dahil may handaan silang pupuntahan dalawa. Kaarawan kasi ni Mr. Robert Montenegro na amo ng ina ni Maribel. Namamasukan kasi bilang kasambahay ang kaniyang ina at minsan ay nagagawi siya sa malaking bahay nito para bisitahin ang kaniyang ina at tumulong na rin. Mabait ang amo ang mag-asawang Montenegro at ayon pa rito ay galante rin ito sa kaniyang mga kasambahay. Kung gaano kabait ang amo ng ina ni Maribel ay kasalungat nito ang ugali ng kanilang anak na lalaki. Mayroong anak na lalaki ang mag-asawang Montenegro at nag-iisa lang ito. Nais pa sanang masundan ito ngunit hindi na kayang magbuntis pa ng asawa ni Robert na si Dianna dahil sa matanda na rin ito. Parehas negosyante ang mag-asawa kaya naman napakayaman ng kanilang pamilya. "Bagay na bagay sa iyo Roxanne! Ang ganda mo. Ang ganda rin ang hu

DMCA.com Protection Status