Si Roxanne Madrigal ay simpleng babae at mayroong simpleng pamumuhay kasama ang kaniyang kuya sa kanilang maliit na bahay na iniwan ng kanilang mga magulang bago ito tuluyang mamayapa. Magku-krus ang landas nilang dalawa ni Rain Tyler Montenegro. Anak ng mag-asawang negosyante kung saan puro pasarap lang sa buhay ang nais gawin. Wala rin itong sineseryosong relasyon dahil mas nais nitong magkaroon lamang ng iba't-ibang babae na kaniyang maikakama at kapag nagsawa na siya rito ay hihiwalayan na niya ang mga ito. Sa isang okasyon magtatagpo ang landas nilang dalawa at sa hindi inaasahan ay may mangyayari sa kanilang dalawa na magiging dahilan upang mabuntis si Roxanne. Tuwang-tuwa ang magulang ni Rain dahil matagal na nilang gustong magkaapo ngunit isa itong bangungot para kay Rain. Kaagad silang pinakasal kahit na hindi sila sang-ayong dalawa. Dahil sa wala pa sa plano ni Rain ang mag-asawa ay wala siyang pakialam kay Roxanne at patuloy pa rin ang kaniyang pambabae. Magiging masalimuot ang buhay nito sa kaniya ngunit lahat nang karangyaan ay mararanasan ni Roxanne. Makakayanan nga ba ni Roxanne ang ganitong klase ng pamumuhay kung saan malalasap niya ang karangyaan ngunit hindi siya itinuturing na asawa ng taong kaniyang pinakasalan o babalik siya kung saan siya nagmula? Sisibol nga ang pag-ibig sa pagitan nilang dalawa o hahayaan niya ang kaniyang puso na mahulog kay Brian Montenegro na siyang laging nandiyan para sa kaniya? Sino kaya sa dalawa ang pipiliin niya?
view moreIsang buwan na ang makalipas simula nang may mangyari kina Roxanne at Rain, hindi pa rin malimutan ni Roxanne ang mainit na gabing pinagsaluhan nila. Hindi niya lubos akalain na siya naangkin ng isang mayaman at guwapong lalaki. May parte sa kaniya na natutuwa ngunit may parte rin na hindi dahil parang lumalabas na siya ay babaeng madaling makuha."Isang cake nga. Ito ang gusto ko," wika ng isang customer.Agad na lumapit si Roxanne sa customer at saka inasikaso ang binili nitong cake. Medyo malakas din ang bakeshop na pinapasukan niya. Hindi kagaya sa iba dahil de-kalidad ang sarap ng cake nila. Maraming mga tao ang nagugustuhan ang cake nila. Itinuro ng kaniyang amo kung paano mag-bake ng cake kaya naman si Roxanne na ang halos gumagawa ng lahat. Wala naman siyang reklamo dahil mataas naman ang pasuweldo sa kaniya. "Hays…" mahinang usal ni Roxanne nang makaramdam siya ng pagkahilo.Noong nakaraang linggo niya pa ito nararamdaman. Bigla na lamang siyang nahihilo, sa umaga ay nasusuk
"Honey, stop it please. Hindi ka puwedeng magalit dahil birthday mo ngayon. Magpakasaya na lang muna tayo ngayon. Hayaan mo muna ang anak natin na makapag-isip." Hinawakan ni Diana si Robert sa kamay at saka hinila palayo kay Rain. Nilingon niya pa ang kaniyang anak na salubong pa rin ang kilay. Humingang malalim si Rain at saka naglakad patungo sa kaniyang mga kaibigan. Kumuha siya ng baso at pagkatapos ay nagsalin ng alak. Kaagad niya itong ininom habang nakasalubong pa rin ang kilay. Naiinis siya sa kaniyang Ama dahil pinipilit siya nito sa ayaw niyang gawin."What's your problem my friend?" Nakangising tanong sa kaniya ng kaibigan niyang si Kenneth.Nagsalin itong muli sa kaniyang baso ng alak. Ininom niya kaagad iyon. Pakiramdam niya nasira na naman ang isang araw niya dahil sa kaniyang Ama na walang ibang sinabi sa kaniya kun'di ang magkaroon ng apo. Talagang tinakot pa siya nito. Inaamin niya na hindi niya kayang mabuhay nang wala siyang pera. Sa pera umiikot ang buhay niya. I
"Sino 'yon?" Kunot-noong tanong ni Roxanne kay Maribel. "Si Ms. Antonio 'yon. Siya ang mayordoma rito, 'yong nag-uutos sa mga kasambahay kung ano ang gagawin nila. Siya rin ang katiwala ng mag-asawang Montenegro. Mabait 'yan si Ms. Antonio, may pagka-istrikta nga lang pagdating sa trabaho dahil syempre gusto niya maging maayos lahat. Wala siyang anak. Tumanda na siyang dalaga sa pamilya ng Montenegro. Dito na niya nilaan ang halos buong buhay niya dahil bata pa lang siya nang makatuntong siya rito. Kinupkop kasi siya ng mag-asawa. At bilang pasasalamat sa pagkupkop sa kaniya ay ibinigay niya ang kaniyang serbisyo at nangakong pagsisilbihan ang mga ito habang siya ay nabubuhay," paliwanag sa kaniya ni Maribel.Napatango na lamang si Roxanne. "Kaya siguro hindi na niya naisipan pang magmahal gano'n? Kumbaga, nawala na sa isip niya ang magkaroon ng sariling pamilya?"Tumaas ang kilay ni Maribel. "Oo siguro gano'n na nga. Binuhos na niya ang buong atensyon niya sa pamilya Montenegro.""B
Tahimik na pinagmamasdan ni Roxanne ang kaniyang sarili sa mumunti nilang salamin. Binigyan kasi siya ng kaniyang kaibigan na si Maribel ng isang bestida na kaniyang isusuot ngayong gabi dahil may handaan silang pupuntahan dalawa. Kaarawan kasi ni Mr. Robert Montenegro na amo ng ina ni Maribel. Namamasukan kasi bilang kasambahay ang kaniyang ina at minsan ay nagagawi siya sa malaking bahay nito para bisitahin ang kaniyang ina at tumulong na rin. Mabait ang amo ang mag-asawang Montenegro at ayon pa rito ay galante rin ito sa kaniyang mga kasambahay. Kung gaano kabait ang amo ng ina ni Maribel ay kasalungat nito ang ugali ng kanilang anak na lalaki. Mayroong anak na lalaki ang mag-asawang Montenegro at nag-iisa lang ito. Nais pa sanang masundan ito ngunit hindi na kayang magbuntis pa ng asawa ni Robert na si Dianna dahil sa matanda na rin ito. Parehas negosyante ang mag-asawa kaya naman napakayaman ng kanilang pamilya. "Bagay na bagay sa iyo Roxanne! Ang ganda mo. Ang ganda rin ang hu
Tahimik na pinagmamasdan ni Roxanne ang kaniyang sarili sa mumunti nilang salamin. Binigyan kasi siya ng kaniyang kaibigan na si Maribel ng isang bestida na kaniyang isusuot ngayong gabi dahil may handaan silang pupuntahan dalawa. Kaarawan kasi ni Mr. Robert Montenegro na amo ng ina ni Maribel. Namamasukan kasi bilang kasambahay ang kaniyang ina at minsan ay nagagawi siya sa malaking bahay nito para bisitahin ang kaniyang ina at tumulong na rin. Mabait ang amo ang mag-asawang Montenegro at ayon pa rito ay galante rin ito sa kaniyang mga kasambahay. Kung gaano kabait ang amo ng ina ni Maribel ay kasalungat nito ang ugali ng kanilang anak na lalaki. Mayroong anak na lalaki ang mag-asawang Montenegro at nag-iisa lang ito. Nais pa sanang masundan ito ngunit hindi na kayang magbuntis pa ng asawa ni Robert na si Dianna dahil sa matanda na rin ito. Parehas negosyante ang mag-asawa kaya naman napakayaman ng kanilang pamilya. "Bagay na bagay sa iyo Roxanne! Ang ganda mo. Ang ganda rin ang hu
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments