Share

Kabanata 2

Author: BlackPinky
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Sino 'yon?" Kunot-noong tanong ni Roxanne kay Maribel.

"Si Ms. Antonio 'yon. Siya ang mayordoma rito, 'yong nag-uutos sa mga kasambahay kung ano ang gagawin nila. Siya rin ang katiwala ng mag-asawang Montenegro. Mabait 'yan si Ms. Antonio, may pagka-istrikta nga lang pagdating sa trabaho dahil syempre gusto niya maging maayos lahat. Wala siyang anak. Tumanda na siyang dalaga sa pamilya ng Montenegro. Dito na niya nilaan ang halos buong buhay niya dahil bata pa lang siya nang makatuntong siya rito. Kinupkop kasi siya ng mag-asawa. At bilang pasasalamat sa pagkupkop sa kaniya ay ibinigay niya ang kaniyang serbisyo at nangakong pagsisilbihan ang mga ito habang siya ay nabubuhay," paliwanag sa kaniya ni Maribel.

Napatango na lamang si Roxanne. "Kaya siguro hindi na niya naisipan pang magmahal gano'n? Kumbaga, nawala na sa isip niya ang magkaroon ng sariling pamilya?"

Tumaas ang kilay ni Maribel. "Oo siguro gano'n na nga. Binuhos na niya ang buong atensyon niya sa pamilya Montenegro."

"Bakit hindi pa kayo kumain dalawa riyan? Kumain na kayo! Mga pasaway! Magsandok na kayo ng pagkain niyo. 'Yong kaya niyo lang ubusin." Napalingon silang dalawa. Inabot ni Aling Maria ang mga plato sa kanilang dalawa.

"Kumain na po ba Mama?" tanong ni Maribel habang kumukuha ng kutsara't tinidor.

"Oo kanina pa ako kain nang kain. Kayo riyan puro kuwentuhan lang kanina ko pa kayo pinagmamasdan. Kumain na kayo roon. Magpakabusog kayong dalawa dahil magpapahinga muna dahil sobrang busog ako. Kinain ko kasi lahat ang nagustuhan ko sa lamesa. Kumain lang kayo diyan dahil pagkain ang pinunta natin dito. Sa susunod wala nang ganito karaming pagkain." Hinawakan ni Aling Maria ang kaniyang sikmura na medyo sumasakit na dahil sa dami ng kaniyang nakain.

"Ang laki na ng tiyan mo Mama. Mukhang marami ka nga talagang nakain. Hindi ka na sexy!" biro ni Maribel sa ina sabay hagikhik.

"Pasaway kang bata ka!" Pinanlakihan siya nito ng mata.

"Tara na Roxanne kumuha na tayo ng pagkain natin. Gutom na rin kasi ako," yaya niya sa kaibigan. Naglakad silang dalawa patungo sa mesa at saka nagsandok na ng mga pagkaing nais nilang kainin.

Matapos nilang magsandok ay nagkatingin silang dalawa sa mga hawak nilang plato. Biglang natawa si Maribel. Nagtaka naman si Roxanne kung bakit tumawa ito. Umupo sila sa bakanteng lamesa at upuan. Nagsimula na silang kumain dalawa.

"Sigurado kang kaya mong ubusin 'yang sinandok mo? Bawal magsayang ng pagkain dito. Nakahihiya naman kung gagawin natin 'yon."

Nilantakan ni Maribel ang pagkain niya sa kaniyang plato dahil gutom na talaga siya.

"Oo kayang-kaya ko itong ubusin. Parang kulang pa nga ito sa akin," saad ni Roxanne habang binabalatan ang malaking hipon.

Natawa ng mahina ang kaniyang kaibigan. Hindi kasi ito makapaniwala na marami pala kung kumain si Roxanne gayong hindi ito mataba. Wala rin itong bilbil. Maganda ang hubog ng katawan ng kaniyang kaibigan kaya hindi akalain na matakaw pala ito.

"Saan mo nilalagay 'yong ganiyang karaming pagkain? Kung ganiyan ka talaga kumain, bakit ang sexy mo pa rin? Hindi ka tumataba. Sana lahat ng katawan ganiyan. Ako kasi kailangan ko matutong magbalanse ng pagkain ko dahil mabilis akong tumaba. Nakakainis nga! Kasi kapag gusto ko kumain ng marami ay hindi ko magawa. Kailangan tama lang para iwas baboy ang katawan."

Tinawanan niya na lang ang kaniyang kaibigan. Pinagpatuloy niya ang kaniyang pagkain. Sarap na sarap si Roxanne sa pagkaing kinakain niya. Susulitin niya ang pagkain niya ngayong gabi dahil minsan lang siya makatikim ng masasarap na pagkain. Bahala na kung sumakit ang kaniyang tiyan basta't nakain niya lahat ng gusto niyang kaininin.

"Ladies and gentlemen, please allow me to introduce to all of you my handsome son na mana sa akin. Rain Tyler Montenegro!"

Napatigil siya sa pagkain at saka napatingin sa lalaking nasa kanilang harapan. Napakaguwapo nang seryoso nitong mukha. Kamukhang-kamukha ito ito ni Mr. Montenegro. Kulay kayumanggi ang buhok nito, perpekto ang kaniyang kilay, mahahaba at makapal na pilik-mata na pumares sa maganda nitong kulay asul na mata. Kitang-kita rin ang linya ng panga nito. Malaki ang kaniyang braso at matipuno ang dibdib. Seryoso ang mukha nitong nagpalipat-lipat nang tingin sa mga taong nasa kaniyang harapan. Lumapit ang isang may edad na babae sabay halik sa kaniyang pisngi. Kahawig na rin ito kaya marahil ito ang kaniyang ina.

Hindi maalis ang tingin ni Roxanne kay Rain. Ni hindi niya magawang kumurap habang nakatingin sa lalaki.

"ANONG WISH MO para sa akin anak ko?" Nakangiting sabi ni Mr. Robert Montenegro.

Tumikhim si Rain. "Wish you all the best Dad. Good health of course. Nandito lang ako kahit na pasaway ako sa inyo ni Mom. I love you Dad."

Matapos niyang sabihin 'yon ay niyakap niya ang kaniyang ama. Yumakap na rin ang kaniyang ina sa kanilang dalawa.

"Salamat anak. But all I want is magkaroon na ako ng apo before I die. Please son. Bigyan mo na kami ng apo. Sabik na sabik na kami ng Mama mo na magkaroon ng apo."

Yumuko si Rain sabay kamot sa ulo. Wala pa kasi sa plano niya ang magkaroon ng anak. Ayaw niya pa. Mas gusto niya ang buhay niya ngayon na puro barkada at pambabae lang. Walang seryosohang nagaganap. Gagalawin niya lang ang babaeng magugustuhan niya at pagkatapos ay iiwan na niya ito.

"But Dad, you know na ayoko pa magkaroon ng anak. Just let me enjoy my life as a single. Wala pa sa plano ko 'yan" wika niya sabay kamot ng ulo.

Sumeryoso ang mukha ng kaniyang ama saka lumapit sa kaniya. "Matanda na kami ng Mama mo. At ikaw ay nasa tamang edad na rin Rain. You're already twenty seven years old! Hindi ko alam kung gaano pa kahaba ang itatagal ng buhay ko. Hindi namin hawak ang oras at panahon. Alam mong matagal na naming gustong magkaroon ng apo bago kami mawala sa mundong ito. You're our only son. Ikaw ang magpapakalat ng pamilya natin. Kaya sa lalong madaling panahon ay maghanap ka na ng babaeng mapapangasawa mo."

Lumapit na rin ang kaniyang ina na si Diana. Tinapik siya nito sa balikat. Binalingan niya ang kaniyang Ina na malamlam ang mga matang nakatingin sa kaniya.

"Anak ko, pagbigyan mo na sana ang nais namin ng Dad mo. Please anak ko. Gusto ko na ulit mag-alaga ng baby. Kaya sana magsimula ka ng hanapin ang babaeng nararapat sa iyo. 'Yong babaeng kahit hindi mayaman basta matino at mahal ka. Hindi namin kailangan ng babaeng mula sa mayamang pamilya. Basta kagalang-galang at may respeto ay ayos na sa amin."

Bumuntong-hininga siya. "Mom, I can't. I still don't want. Ayokong matapos ang buhay binata ko. Nagsasaya pa ako mom. Gusto ko ganito muna ako. Hindi pa naman kayo mawawala ni dad. Wala naman kayong sakit. Healthy kayo. Just give me some time pa. Masyado pang maaga para riyan."

"Hindi mo masasabi anak kung kailan kami mawawala. Oo nga't wala kaming nararamdamang sakit ng dad mo pero paano kung maaksidente kaming dalawa at 'yon ang maging dahilan ng pagkawala naming dalawa? Huli na para mabigyan mo pa kami ng apo dahil wala na kami."

Napakamot siya ng ulo. "Mom! Bakit parang gusto niyo ng mamatay kayo ni Dad?"

"Hindi 'yon ang punto namin. Ang gusto lang namin ay makapiling muna namin ang magiging apo namin bago kami mawala."

"But Mom! Ayoko pa talaga. Please lang huwag niyo na akong pilitin pa!" Kunot-noong sabi niya sa inis na tono.

Nilapitan siya ng kaniyang Ama sabay bulong sa kaniyang tainga. "Remember this Rain Tyler, you will never received any money and property from me hangga't hindi mo naibibigay ang gusto namin ng mom mo. Kung sakaling mamatay man ako ay alam na ng abogado ko kung saan mapupunta ang pera ko na dapat ay ipapamana namin sa iyo kung hindi mo kami mabibigyan ng apo. Kaya kung gusto mong makuha ang nararapat sa iyo, sundin mo ang gusto ko," mariin na sabi ng kaniyang ama habang seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kaniya.

Kumuyom ang kaniyang kamao habang nagtangis ang kaniyang bagang sa inis na nararamdaman niya. Bakit ba siya pinipilit ng mga ito na magkaroon agad ng anak ngayong bata pa siya? Hindi pa naman siya ganoon katanda.

Wala pa sa isip niya ang matali. Gusto niya pang magpakasaya. Gusto niya pa ng maraming babae. Gusto niya na sarili lang ang iniintindi niya.

"F*ck," mahinang sambit sabay kuyom ng kamao.

Kaugnay na kabanata

  • Mapanakit Mong Pag-ibig   Kabanata 3

    "Honey, stop it please. Hindi ka puwedeng magalit dahil birthday mo ngayon. Magpakasaya na lang muna tayo ngayon. Hayaan mo muna ang anak natin na makapag-isip." Hinawakan ni Diana si Robert sa kamay at saka hinila palayo kay Rain. Nilingon niya pa ang kaniyang anak na salubong pa rin ang kilay. Humingang malalim si Rain at saka naglakad patungo sa kaniyang mga kaibigan. Kumuha siya ng baso at pagkatapos ay nagsalin ng alak. Kaagad niya itong ininom habang nakasalubong pa rin ang kilay. Naiinis siya sa kaniyang Ama dahil pinipilit siya nito sa ayaw niyang gawin."What's your problem my friend?" Nakangising tanong sa kaniya ng kaibigan niyang si Kenneth.Nagsalin itong muli sa kaniyang baso ng alak. Ininom niya kaagad iyon. Pakiramdam niya nasira na naman ang isang araw niya dahil sa kaniyang Ama na walang ibang sinabi sa kaniya kun'di ang magkaroon ng apo. Talagang tinakot pa siya nito. Inaamin niya na hindi niya kayang mabuhay nang wala siyang pera. Sa pera umiikot ang buhay niya. I

  • Mapanakit Mong Pag-ibig   Kabanata 4

    Isang buwan na ang makalipas simula nang may mangyari kina Roxanne at Rain, hindi pa rin malimutan ni Roxanne ang mainit na gabing pinagsaluhan nila. Hindi niya lubos akalain na siya naangkin ng isang mayaman at guwapong lalaki. May parte sa kaniya na natutuwa ngunit may parte rin na hindi dahil parang lumalabas na siya ay babaeng madaling makuha."Isang cake nga. Ito ang gusto ko," wika ng isang customer.Agad na lumapit si Roxanne sa customer at saka inasikaso ang binili nitong cake. Medyo malakas din ang bakeshop na pinapasukan niya. Hindi kagaya sa iba dahil de-kalidad ang sarap ng cake nila. Maraming mga tao ang nagugustuhan ang cake nila. Itinuro ng kaniyang amo kung paano mag-bake ng cake kaya naman si Roxanne na ang halos gumagawa ng lahat. Wala naman siyang reklamo dahil mataas naman ang pasuweldo sa kaniya. "Hays…" mahinang usal ni Roxanne nang makaramdam siya ng pagkahilo.Noong nakaraang linggo niya pa ito nararamdaman. Bigla na lamang siyang nahihilo, sa umaga ay nasusuk

  • Mapanakit Mong Pag-ibig   Kabanata 1

    Tahimik na pinagmamasdan ni Roxanne ang kaniyang sarili sa mumunti nilang salamin. Binigyan kasi siya ng kaniyang kaibigan na si Maribel ng isang bestida na kaniyang isusuot ngayong gabi dahil may handaan silang pupuntahan dalawa. Kaarawan kasi ni Mr. Robert Montenegro na amo ng ina ni Maribel. Namamasukan kasi bilang kasambahay ang kaniyang ina at minsan ay nagagawi siya sa malaking bahay nito para bisitahin ang kaniyang ina at tumulong na rin. Mabait ang amo ang mag-asawang Montenegro at ayon pa rito ay galante rin ito sa kaniyang mga kasambahay. Kung gaano kabait ang amo ng ina ni Maribel ay kasalungat nito ang ugali ng kanilang anak na lalaki. Mayroong anak na lalaki ang mag-asawang Montenegro at nag-iisa lang ito. Nais pa sanang masundan ito ngunit hindi na kayang magbuntis pa ng asawa ni Robert na si Dianna dahil sa matanda na rin ito. Parehas negosyante ang mag-asawa kaya naman napakayaman ng kanilang pamilya. "Bagay na bagay sa iyo Roxanne! Ang ganda mo. Ang ganda rin ang hu

Pinakabagong kabanata

  • Mapanakit Mong Pag-ibig   Kabanata 2

    "Sino 'yon?" Kunot-noong tanong ni Roxanne kay Maribel. "Si Ms. Antonio 'yon. Siya ang mayordoma rito, 'yong nag-uutos sa mga kasambahay kung ano ang gagawin nila. Siya rin ang katiwala ng mag-asawang Montenegro. Mabait 'yan si Ms. Antonio, may pagka-istrikta nga lang pagdating sa trabaho dahil syempre gusto niya maging maayos lahat. Wala siyang anak. Tumanda na siyang dalaga sa pamilya ng Montenegro. Dito na niya nilaan ang halos buong buhay niya dahil bata pa lang siya nang makatuntong siya rito. Kinupkop kasi siya ng mag-asawa. At bilang pasasalamat sa pagkupkop sa kaniya ay ibinigay niya ang kaniyang serbisyo at nangakong pagsisilbihan ang mga ito habang siya ay nabubuhay," paliwanag sa kaniya ni Maribel.Napatango na lamang si Roxanne. "Kaya siguro hindi na niya naisipan pang magmahal gano'n? Kumbaga, nawala na sa isip niya ang magkaroon ng sariling pamilya?"Tumaas ang kilay ni Maribel. "Oo siguro gano'n na nga. Binuhos na niya ang buong atensyon niya sa pamilya Montenegro.""B

  • Mapanakit Mong Pag-ibig   Kabanata 1

    Tahimik na pinagmamasdan ni Roxanne ang kaniyang sarili sa mumunti nilang salamin. Binigyan kasi siya ng kaniyang kaibigan na si Maribel ng isang bestida na kaniyang isusuot ngayong gabi dahil may handaan silang pupuntahan dalawa. Kaarawan kasi ni Mr. Robert Montenegro na amo ng ina ni Maribel. Namamasukan kasi bilang kasambahay ang kaniyang ina at minsan ay nagagawi siya sa malaking bahay nito para bisitahin ang kaniyang ina at tumulong na rin. Mabait ang amo ang mag-asawang Montenegro at ayon pa rito ay galante rin ito sa kaniyang mga kasambahay. Kung gaano kabait ang amo ng ina ni Maribel ay kasalungat nito ang ugali ng kanilang anak na lalaki. Mayroong anak na lalaki ang mag-asawang Montenegro at nag-iisa lang ito. Nais pa sanang masundan ito ngunit hindi na kayang magbuntis pa ng asawa ni Robert na si Dianna dahil sa matanda na rin ito. Parehas negosyante ang mag-asawa kaya naman napakayaman ng kanilang pamilya. "Bagay na bagay sa iyo Roxanne! Ang ganda mo. Ang ganda rin ang hu

DMCA.com Protection Status