TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

last updateHuling Na-update : 2021-06-30
By:   Jessica Adams  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
43Mga Kabanata
8.0Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

BOOK 1: TIMELESS ONES Ipinangako ni Fritz sa sarili niyang walang ibang babae siyang iaakyat sa dream house niya maliban kay Julia. Ang nag-iisang babaeng minahal at minamahal niya mula pagkabata. Pero nasira ang pangakong iyon nang hingin ng isang malapit na kaibigan na patuluyin niya doon ang isang nangangailangan na sa kalaunan ay napag-alaman niyang si Julia pala. Time is forever for those who love truly. Pero paano mangyayari iyon kung nariyan ang asawa ni Julia na siyang mas may higit na karapatan sa babaeng pinakamamahal niya? BOOK 2: JOURNEY TO FOREVER Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba. BOOK 3: UNBROKEN VOW Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusi'y posible ring masira?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

BOOK 1: TIMELESS ONES (PROLOGUE)

“WALA yatang partner itong puso ko eh,” si Julia saka sinulyapan ang hawak na kartolinang pula na ang hugis ay kalahating puso.“Meron iyan, imposibleng wala,” sagot ni Bessy na seatmate at kaibigan niya.Nagkibit-balikat si Julia saka nangalumbaba. Segundo lang ang pagitan nang mula sa kanyang likuran ay naramdamang nakatayo ang kung sino. Lumingon siya, si Fritz na nahihiyang ngumiti sa kanya. Hawak nito ang kulay pula ring kahating puso, iniaabot sa kanya, tinanggap niya iyon. Hindi siya nag-e-expect na mabubuo ang isang puso pero nangyari nga. Noon siya sinimulang tuksuhin ni Bessy na hindi naman niya pinansin.“I-Ikaw ang ka-Valentine ko?” parang hindi makapaniwala niyang bulalas saka tiningala ang kaklaseng nakatayo parin sa kanyang tabi. Sa edad niyang onse, noon lang niya naranasan ang pamulahan. Hindi nagsasalitang tumango si Fritz. Lumapad ang nahihiya parin nitong ngit...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
43 Kabanata
BOOK 1: TIMELESS ONES (PROLOGUE)
“WALA yatang partner itong puso ko eh,” si Julia saka sinulyapan ang hawak na kartolinang pula na ang hugis ay kalahating puso.“Meron iyan, imposibleng wala,” sagot ni Bessy na seatmate at kaibigan niya.Nagkibit-balikat si Julia saka nangalumbaba. Segundo lang ang pagitan nang mula sa kanyang likuran ay naramdamang nakatayo ang kung sino. Lumingon siya, si Fritz na nahihiyang ngumiti sa kanya. Hawak nito ang kulay pula ring kahating puso, iniaabot sa kanya, tinanggap niya iyon. Hindi siya nag-e-expect na mabubuo ang isang puso pero nangyari nga. Noon siya sinimulang tuksuhin ni Bessy na hindi naman niya pinansin.“I-Ikaw ang ka-Valentine ko?” parang hindi makapaniwala niyang bulalas saka tiningala ang kaklaseng nakatayo parin sa kanyang tabi. Sa edad niyang onse, noon lang niya naranasan ang pamulahan. Hindi nagsasalitang tumango si Fritz. Lumapad ang nahihiya parin nitong ngit
last updateHuling Na-update : 2021-03-25
Magbasa pa
KABANATA 1
PRESENT DAY“HULI na po ito sir,” anang boy kay Fritz na ang tinutukoy ay malaking kahon na ang laman ay mga sapatos.“Sige,” aniyang tinanguan lang ito saka na nagdayal sa hawak niyang telepono.Habang pinakikinggan ang pagtunog ng linya, napangiti siya nang mapagmasdan ang two-storey house na ipinatayo niya kung saan overlooking ang Taal Lake. Dalawang linggo narin ang nakalipas mula nang matapos iyon at dahil abala sa trabaho ay hindi niya masyadong naasikaso ang paglilipat.Sa edad na twenty five, siya ang kasalukuyan at pinakabatang Vice President ng malaking construction company na pinapasukan. Isang taon narin ang nakalipas mula nang tanggapin niya ang posisyong iyon. Nanggaling siya sa isang kilalang kompanya rin sa Maynila. At dahil nga sa mabilis siyang nakagawa ng pangalan sa larangang kanyang pinili ay hindi iilang kompanya narin ang nag-alok sa kanya ng malaking sahod kapalit ang kanya
last updateHuling Na-update : 2021-03-25
Magbasa pa
KABANATA 2
“ANO ba ang laman ng kahong ito?” tanong sa kanya ni Manang Ruping dala ang isang kahon na ang laki ay katulad ng shoe box. Nang maalala kung ano ang laman niyon ay nagmamadali niyang kinuha iyon sa matanda.“Mga personal na bagay ho Manang,” aniyang tumawa ng mahina pagkuwan.Nangingiti siyang pinagmasdan ng matanda. “Maghapunan kana,” paalala nito sa kanya.Tumango siya. “Matulog na ho kayo,” aniya sa matanda.Mahigit tatlong taon narin niyang kasama sa bahay si Manang Ruping. Wala rin naman kasing kasama sa buhay ang matanda maliban sa pamangkin nitong babae na nakabukod dahil may sarili nang pamilya.“Hello, Mang Kanor?” bungad niya sa matanda nang tumunog ang kanyang cellphone.“Hijo may gusto sana akong ipakiusap sayo,” ang nasa kabilang linya.Hindi niya maintindihan kung bakit bigla ang naging pagdamba ng kanyang dibdib dahil sa narinig. D
last updateHuling Na-update : 2021-03-25
Magbasa pa
KABANATA 3
“ISA nalang lalakad na, o hayan na pala. Dito kana sa likod,” ang traysikel driver kay Fritz.Mula sa pagkaka-angkas sa likuran ng driver ay wala sa loob niyang sinilip ang loob ng traysikel nang mapuna ang paldang pambabae ng unibersidad na pinapasukan niya. Noon lumukso ang puso niya saka awtomatikong napangiti nang makita si Julia. Malayo ang tingin nito at mukhang malalim ang iniisip. At kahit sabihin pang side view lang ng dalaga ang nakikita niya, hindi parin maikakailang napakaganda nito.“Huwag mong masyadong titigan at baka malusaw,” bulong ng driver na kanyang ikinagulat.Siniko niya ito. “Ikaw talaga Manong Ed mamaya marinig ka nakakahiya,” aniyang natatawa.Tumawa ang driver. “Ligawan mo na kasi. Balita ko may inirereto raw sa kanya ang tiyahin niya na anak ng isang mayamang negosyante sa Amerika. Baka maunahan ka,” paalala ni Ed sa mas mah
last updateHuling Na-update : 2021-03-25
Magbasa pa
KABANATA 4
“OMG!!! Seriously?” ang hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Bessy kinabukasan ng hapon nang puntahan siya nito sa kanila.Pinandilatan niya ng mata ang kaibigang bahagyang nagtaas ng tinig. “Huwag kang maingay!”Nanunuksong dinampot ni Bessy ang baso nito ng juice. Nasa likod-bahay sila noon sa ilalim ng punong mangga. “Tapos sinabihan ka pa ng I love you? Baka naman matagal na siyang may gusto sa’yo?”Pinigil niya ang mapangiti at nagtagumpay naman siya. “Ows?” taas-kilay niyang tanong.Tumango-tango si Bessy. “Anyway, curious lang ako, anong naramdaman mo? Masarap ba ang first kiss?” ang kinikilig na pag-iiba ni Bessy ng usapan.Hindi niya napigilan ang pamulahan sa tanong ng kaibigan lalo nang maalala kung ano ba talaga ang naramdaman niya kagabi nang halikan siya si Fritz.&rdqu
last updateHuling Na-update : 2021-03-25
Magbasa pa
KABANATA 5
“BAKIT ang aga mo yatang nagising ngayon?” nang datnan siya ng tiyahin niyang nagkakape na umaga ng Sabado sa kusina.“Aalis kasi ako mamaya Tita, tuturuan akong mag-gitara ni Fritz,” walang-gatol niyang sagot saka tumayo para ipagtimpla ng kape si Melissa.“Iyon bang anak ni Amado Lerios?”Tumango siya saka inilapag sa harapan ng tiyahin ang tasa ng kape. “Opo tita, kaklase ko nung elementary. Huwag kang mag-alala tita, mabait si Fritz,” aniya nang mabanaag ang pag-aalala sa mukha ng tiyahin.“May sasabihin ako sa’yo pero sana atin nalang ito,” si Melissa na tumingin ng tuwid sa kanyang mga mata.Nagsalubong ang mga kilay niya. “A-Ano ho iyon?”Huminga muna ng malalim si Melissa bago nagsalita. “Iyong tiyuhin ni Fritz, si Gardo, pinagtanggakan niyang gahasain noon ang nanay mo.”
last updateHuling Na-update : 2021-03-25
Magbasa pa
KABANATA 6
“LAMBUTAN mo kasi ang mga daliri mo,” ang tumatawang saad ni Fritz. Araw iyon ng Sabado, nagdahilan siya kay Melissa na maglilibot sa mall. Mahigit isang linggo narin silang nagpupunta sa memorial park ng binata. Gaya ng napagkasunduan, naging lihim ang kanilang pagkakaibigan. At kahit hindi niya aminin, totoong mas sweet nga ang friendship nila dahil patago.Napasimangot siya. Kahit sabihing hindi pa ganoon katagal ang pagkakaibigan nilang dalawa, hindi siya nahihiyang ipakita ang totoong nararamdaman sa binata. Gaya nalang ng pagkainis na nararamdaman niya ngayon.“Ayoko na nga!” bugnot niyang sagot saka ibinaba sa Bermuda grass ang gitara, tumayo saka sumakay sa sidecar ng traysikel na dala ni Fritz.Amuse siyang pinagmasdan ng kasama. “Hindi ka matututo kung ganyan ka,” sa kalaunan ay natawa narin ang binata.Umikot ang mga mata ni Julia saka
last updateHuling Na-update : 2021-03-25
Magbasa pa
KABANATA 7
GAYA ng inaasahan sumapit ang araw ng pagdating nina Hilda at ng anak nitong si Jason. Sa isang hotel sa bayan nagtuloy ang mga ito na kinatagpo naman nilang magtiya sa isang mamahaling restaurant sa bayan rin mismo.“Sigurado akong magkakasundo kayo, hindi naman nagkakalayo ang agwat ng mga edad ninyong five years,” si Hilda na panay ang sulyap sa kanya ng may paghanga.Nahihiya siyang ngumiti saka muling niyuko ang plato. Mayamaya makalipas ang ilang sandali nang mapuna marahil ni Jason na tapos sa siyang kumain ay niyaya siya nitong sumayaw. Ang totoo wala siya sa mood nang mga sandaling iyon, pero dahil ayaw nga naman niyang ipahiya ang tiyahin ay nagpaunlak siya.“Napaka-tahimik mo,” si Jason nang nasa dance floor na sila.Ngumiti siya sa kasayaw. Nakakapagtakang kahit sabihin pang hawak nito ang isa niyang kamay at hapit ang kanyang baywang ay walang kahit anong kuryent
last updateHuling Na-update : 2021-03-25
Magbasa pa
KABANATA 8
“ANONG plano mo ngayon?” nang mailipat nila sa ward ng ospital si Melissa ay niyaya siyang magkape ni Fritz sa fastfood restaurant na nasa tapat ng ospital.Nanatili siyang nakayuko para itago sa binata ang pamumuo ng kanyang mga luha. “M-Magpapakasal ako kay J-Jason,” aniyang tuluyan na ngang nabasag ang tinig.Narinig niya ang marahas na hiningang pinakawalan ng binata. “L-Lia, gagawa ako ng paraan. Tutulungan ka namin, makikiusap ako kay tatay. Ayoko lang na isakripisyo mo ang kinabukasan mo sa lalaking hindi mo naman mahal,” sa pagtatama ng mga mata nila, nakita niya ang matinding lungkot sa mga mata ni Fritz. At iyon ang lalong nagpaluha sa kanya.“W-Wala akong ibang option Fritz, at saka malay mo naman, in the end matutunan ko rin siyang mahalin?” kahit alam niyang mahirap, iyon parin ang gusto niyang paniwalaan.Noon ginagap ng binata ang kamay
last updateHuling Na-update : 2021-03-25
Magbasa pa
KABANATA 9
HULING gabi bago ang pagluwas niya ng Maynila. Dinig niya ang pagtigil sa tapat ng bahay nila ang isang traysikel. Dahil pamilyar sa kanya ang ugong niyon ay mabilis na dinamba ng kaba ang kanyang dibdib saka sumilip sa bintana. Gaya ng inaasahan, si Fritz, napuno ng matinding pananabik ang puso niya pagkakita palang sa binata.Hindi na niya hinintay ang pagkatok ng bagong dating dahil pinagbuksan na niya ito.”F-Fritz?” nasamyo niya agad ang amoy ng alak sa hininga ng binata. “huwag ka na ulit magda-drive nang nakainom ka ha?” sermon pa niya saka ito pinatuloy.Namumungay ang mga mata nitong ngumiti sa kanya si Fritz. “Sounds like a real wife,” ang binatang tumawa ng mahina. “hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na puntahan ka ngayon kundi ako iinom kahit konti lang,” anitong biglang sinaklit ang kanyang baywang kaya siya napayakap rito.
last updateHuling Na-update : 2021-03-25
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status