“ISA nalang lalakad na, o hayan na pala. Dito kana sa likod,” ang traysikel driver kay Fritz.
Mula sa pagkaka-angkas sa likuran ng driver ay wala sa loob niyang sinilip ang loob ng traysikel nang mapuna ang paldang pambabae ng unibersidad na pinapasukan niya. Noon lumukso ang puso niya saka awtomatikong napangiti nang makita si Julia. Malayo ang tingin nito at mukhang malalim ang iniisip. At kahit sabihin pang side view lang ng dalaga ang nakikita niya, hindi parin maikakailang napakaganda nito.
“Huwag mong masyadong titigan at baka malusaw,” bulong ng driver na kanyang ikinagulat.
Siniko niya ito. “Ikaw talaga Manong Ed mamaya marinig ka nakakahiya,” aniyang natatawa.
Tumawa ang driver. “Ligawan mo na kasi. Balita ko may inirereto raw sa kanya ang tiyahin niya na anak ng isang mayamang negosyante sa Amerika. Baka maunahan ka,” paalala ni Ed sa mas mahinang tinig.
Nagbuntong hininga siya. “Mayaman, anak ng negosyante? Doon pa lang wala na tayong panalo Manong.”
“Tsk, pinanghinaan ka naman agad ng loob. Wala sa yaman iyon, nasa linis ng hangarin,” totoo naman iyon, pero dahil naapektuhan siya sa narinig ay minabuti niyang huwag ng sumagot para hindi na humaba pa ang usapan.
“Ako na,” aniya kay Julia nang ipara ni Manong Ed ang traysikel sa tapat ng malaking gate ng university.
Umiling ng magkakasunod ang dalaga saka ipinilit ang hawak na pera sa driver. Tinanggap iyon ng lalaki kaya nanunukso siyang sinulyapan nito.
“Mahina ka talaga, sige na sundan mo na!” anito nang mabilis na maglakad papasok ng gate si Julia.
“Nahihiya ako eh, sa susunod nalang. Baka makulitan sa’kin,” aniyang may panghihinayang sa tinig.
Tumawa ng mahina ang lalaki. “O siya sige, mauna na ako,” anitong pinatakbo pagkatapos ang traysikel.
Suplada ka talagang babae ka, kundi ka lang dalaga na tatawagin ulit kita sipon. Naisip pa niya habang sinusundan ng tingin ang papalayong bulto ng babaeng bumuo ng araw niya.
Kinagabihan, napapangiti siyang hindi mawari tuwing naaalala niya ang nangyari kanina sa pagitan nila ni Julia. Kahit pakiramdam niya napakalayo parin nito sa kanya, siguro dahil iyon sa katorpehan na mayroon siya ay hindi parin niya mapigilan ang kiligin ng lihim. Noon niya niyuko ang ilalim ng mesang de-tiklop kung saan siya kasalukuyang nag-aaral ng kanyang leksyon. Gamit ang technical pen, isinulat niya doon ang pangalan ni Julia na nilagyan pa niya ng hugis puso sa dulo.
Kahit parang ang layo mo, bakit nararamdaman kong someday makakasama rin kita?
*****
“AY! Wala pa si Julia, naku baka hindi um-attend iyon, pakisundo nga,” boses ni Chelle ang pumuno sa kabahayan. Bahay iyon nina Chelle kung saan nila ginanap ang kanilang class reunion. “dali na, alam naman ninyo ang babaaeng iyon parang takot sa tao, hindi lumalabas ng bahay,” ulit ni Chelle habang abala sa paggagayak ng hapag.
Noon tinapik ni Liam ang braso niya, sa pagkakaalam niya second cousin nito si Julia. “Samahan mo ‘ko?” hindi niya alam kung dahil iyon sa ilang shots ng alak na nainom na niya kaya walang pagdadalawang isip siyang tumango sabay tayo. Sa dulo kasi ng kalye nila ang bahay nina Julia.
Nasa gitna ito ng palayan at malayo pa sa kabahayan kaya malamang na hindi pumunta ang dalaga kapag hindi ito sinundo. Gabi narin kasi at sa pagkakakilala niya rito, taong-bahay lang talaga si Julia.
“Sige,” aniya pang nagpatiuna sa paglabas ng pinto.
*****
Present Day…
“PASENSYA kana naistorbo ka pa sa pag-aayos mo ng bahay, hayaan mo tutulungan kita bukas” nahihiya niyang sabi kay Fritz nang samahan siya ng binata sa magiging kwarto niya.
Nginitian siya ng binata. “Okay lang, masaya nga ako kasi nandito ka,” nag-init ang pisngi niya sa sinabing iyon ni Fritz.
Nakita niyang nanatiling nakatitig sa mukha niya ang binata ng nakangiti. Nasa mga mata nito ang kakaibang mga kislap kaya umiwas siya ng tingin.
“The last time na may nakita akong babaeng nagba-blush dahil sa sinabi ko eh, college days pa. Hulaan mo kung sino?” pabiro nanamang banat ng binata.
Umikot ang mga mata niya saka naupo sa gilid ng kama. “Hindi ka parin nagbabago,” nailing niyang turan.
Noon nagseryoso ang mukha ng binata. Kasabay niyon ang tila mabilis na pagbabago ng hangin sa loob ng silid.
“Tama ka, ako parin ito. Iyong Fritz na nakilala mo noon, kung ano ako noong huli tayong nagkita, nung huli kitang nayakap. Walang nagbago sa akin, if you know what I mean.”
“I-I’m sorry F-Fritz, masama pa kasi ang pakiramdam ko,” inisip niyang idahilan para lang makaiwas sa mga susunod pang gustong sabihin ng binata.
Nakakaunawang ngumiti ito sa kanya. “Sorry, na-miss lang kasi kita. Sige magpahinga kana, and by the way,” nang nasa may pintuan na ito. “make yourself at home” pagkatapos ay lumabas na ito ng silid.
Nang mapag-isa ay inayos ni Julia ang pagkakahiga saka sinulyapan ang suot na relo. Malalim na pala ang gabi. Kung ano ang naghihintay sa kinabukasan, ayaw na muna niyang alalahanin. Literal na pagod siya at masakit parin ang sugat sa kanyang noo. Pinigil niya ang mapaluha nang maalala ang sinapit na kalupitan sa asawa, na naging tulay naman kaya siya narito ngayon.
Napangiti siya nang maisip si Fritz, ang naging reaksyon nito kanina nang makita siya ay nagpapataba ng puso niya. Pakiramdam niya nakapulupot parin sa kanya ang malalaking braso ng binata. Noon niya walang anuman na niyakap ang isa pang malambot na unan. Ang nararamdaman niya ngayon ay parang naramdaman na niya noon.
Three Years Before; College Days:
SUMILIP si Julia sa labas ng bintana nang makarinig ng ugong ng traysikel na huminto sa tapat ng bahay nila. Dahil sa liwanag ng buwan ay nakilala niya ang nakaupo sa harapan ng manibela, ang pinsan niyang si Liam. Malamang sinusundo na siya nito. Iyon ang gabi ng kanilang Batch Reunion noong elementary. Nagpapasalamat siya’t sinundo siya ni Liam dahil kung hindi baka hindi siya makapunta sa pagtitipon.
“Tita mauuna na po ako,” paalam niya nang malabasan ang tiyahin na kasalukuyang nanonood ng TV sa sala.
“Sinong kasama mo?”
Sasagot sana siya pero noon naman niya narinig ang magkakasunod na katok sa pinto. “Liam!” bungad niyang bati sa pinsan saka nilakihan ang bukas ng pinto.
“Ahhh si Liam naman pala, siya sige mag-iingat kayo at huwag magpapagabi ng husto,” pagtataboy nito sa kanya pagkuwan.
Tumango lang siya saka na sila lumabas. Impit siyang napatili dahil sa pagkabigla nang makita ang nakaupong bulto sa loob ng traysikel.
“Susmaryosep! Bakit naman hindi mo sinabi sa’kin na nandito pala sa loob si Fritz!” sermon niya sa pinsan niyang tawa naman ng tawa.
Kaklase rin niya noong elementary si Fritz. Malapit itong kaibigan ni Liam na second cousin naman niya. Pero gayun pa man, hindi sila close ng dating kaklase. May pagka-maharot kasi ito noon kaya hindi niya gusto ang ugali at hindi niya kinakausap. Anyway, ganoon rin naman si Fritz sa kanya, hindi siya iniimik. Kaklase niya sa Logic ang kapatid nitong si Sean na kabaligtaran naman nito dahil palakwento iyon habang si Fritz ay tahimik.
“Nakatulog na sa kalasingan, teka gigisingin ko,” si Liam nang huminto sa pagtawa. “Fritz, pare gising!” saka niyugyog ang balikat ng tulog na binata.
“Huwag na! Hayaan mo na siya,” saway niya pagkuwan saka na sumakay ng traysikel at naupo sa tabi ni Fritz. “kawawa naman, idaan na natin sa kanila,” suhestiyon niya.
“Walang tao sa kanila, kanino mo iiwan?” si Liam na binuhay ang traysikel.
Matagal bago siya nakasagot. “Eh, di, ikaw! Dalawa tayo! Samahan natin siya!”
Pumalatak si Liam. “Hindi pwede, naiwan doon si Kaye, magagalit iyon sa'kin,” ang tinutukoy ng binata ay ang nobya nitong kaklase rin nila noon elementary.
Napasimangot siya saka napaigtad nang maramdaman ang biglaang payupyop sa balikat niya ng ulo ni Fritz. Halatang marami nga itong nainom, kawawa naman kung iiwan niya kaya wala siyang choice kundi samahan ito.
“O-O s-sige na nga, sasamahan ko siya, pero babalikan mo ako ah?” paniniyak niya.
Tumango si Liam. “Oo, ako ang maghahatid sayo pauwi,” anito.
“Anong gagawin ko?” tanong niya nang maihiga na nila si Fritz sa mahabang sofa.
“Sandali lang,” ani Liam na tinungo ang kusina. Nagbalik ito dala ang isang planggana at bimpo. “punasan mo siya para guminhawa ang pakiramdam niya,” anito.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. “Ano? Ayoko nga! Lalaki iyan!” tanggi niya.
“Shhh! Magigising ang lakas ng boses mo!” pabulong na suway ng pinsan niya sa kanya. “Dali na, wala namang tao. Sandali lang naman, tapos uupo ka nalang. Hintayin mo ako, itetext ko na agad iyong kapatid niya para nandito na pagbalik ko,” bilin ni Liam bago siya iniwan.
Nagbuntong hininga siya saka ito pinagmasdan. Napasimangot siya nang maalala ang isinulat nito noon sa desk niya saka napangiti nang sa kalaunan ay magbalik sa kanyang gunita ang tungkol sa pagiging magka-Valentino nila noong grade five sila.
In fairness ang laki ng itinaas mo, ako na ang bansot ngayon. At ang gwapo mo pa, as in maputi, maganda ang buhok, perfect combination ang mga mata, lashes at brows.Matangos ang ilong at mapula ang labi.
Sa huling naisip ay ipinilig niyang agad ang kanyang ulo saka na nagmamadaling kumilos. Tumalungko siya sa harapan ng binata saka sinimulang punasan ang mukha nito. Pagkatapos ang mga braso. Itinaas niya ang kulay puting shirt nito at isinunod naman niya ang katawan nito. Nagbigla pa siyang nabitiwan ang hawak na bimpo nang biglang gumalaw ang binata.
“Lia,” anitong sa kanya saka ikinawit ang isang kamay sa kanyang leeg.
Napamulagat si Julia saka hindi makakilos. Nanlaki ang kanyang mga mata sa sumunod na nangyari. Hindi niya napaghanda ang pananalakay na iyon kaya parang naparalisa ang katawan niya nang angkining bigla ni Fritz ang kanyang mga labi.
Iyon ang kanyang first kiss, gustuhin man niyang magalit pero may bahagi ng puso niya ang tumatanggi dahil ang totoo nagustuhan niya ang halik na iyon. Kahit pa nalasahan niya ang alak sa mga labi ng binata ay kusa parin niyang ipinikit ang kanyang mga mata saka hinayaan ang binata sa masuyong paghalik sa kanya na nagtagal ng ilang sandali.
“I love you,” anito nang pakawalan ang mga labi niya at muli ay nagbalik sa mahimbing na pagkakatulog.
Parang wala sa sarili niyang pinakatitigan ang mukha ng dating kaklase. Parang hindi siya makapaniwalang ito ang lalaking unang nakahalik sa kanya. Paano naman kasi wala siyang natatandaang pagkakataong kinausap siya nito.Tapos ngayon bigla ganito? May bonus pang three magic words?
Lasing siya Julia, iyon ang isipin mo para hindi ka maguluhan. Sermon niya sa sarili.
Minabuti niyang maupo nalang sa katapat na single sofa ng okupado ni Fritz. Ilang sandali pa narinig na niya ang pagtigil ng traysikel sa tapat. Kapatid ni Fritz, si Sean.
“I’m sorry, na-miss mo ang fun sa reunion ninyo,” paumanhin nito sa kanya.
“Okay lang, patapos narin naman na iyon. O sige, heto na pala si Liam, ikaw na ang bahala sa kuya mo,” nagmamadali niyang paalam saka na lumabas ng bahay. Ang tanging dalangin niya, sana nga hindi tanda ni Fritz ang lahat ng nangyari dahil kapag nagkataon, wala siyang mukhang maihaharap rito.
“OMG!!! Seriously?” ang hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Bessy kinabukasan ng hapon nang puntahan siya nito sa kanila.Pinandilatan niya ng mata ang kaibigang bahagyang nagtaas ng tinig. “Huwag kang maingay!”Nanunuksong dinampot ni Bessy ang baso nito ng juice. Nasa likod-bahay sila noon sa ilalim ng punong mangga. “Tapos sinabihan ka pa ng I love you? Baka naman matagal na siyang may gusto sa’yo?”Pinigil niya ang mapangiti at nagtagumpay naman siya. “Ows?” taas-kilay niyang tanong.Tumango-tango si Bessy. “Anyway, curious lang ako, anong naramdaman mo? Masarap ba ang first kiss?” ang kinikilig na pag-iiba ni Bessy ng usapan.Hindi niya napigilan ang pamulahan sa tanong ng kaibigan lalo nang maalala kung ano ba talaga ang naramdaman niya kagabi nang halikan siya si Fritz.&rdqu
“BAKIT ang aga mo yatang nagising ngayon?” nang datnan siya ng tiyahin niyang nagkakape na umaga ng Sabado sa kusina.“Aalis kasi ako mamaya Tita, tuturuan akong mag-gitara ni Fritz,” walang-gatol niyang sagot saka tumayo para ipagtimpla ng kape si Melissa.“Iyon bang anak ni Amado Lerios?”Tumango siya saka inilapag sa harapan ng tiyahin ang tasa ng kape. “Opo tita, kaklase ko nung elementary. Huwag kang mag-alala tita, mabait si Fritz,” aniya nang mabanaag ang pag-aalala sa mukha ng tiyahin.“May sasabihin ako sa’yo pero sana atin nalang ito,” si Melissa na tumingin ng tuwid sa kanyang mga mata.Nagsalubong ang mga kilay niya. “A-Ano ho iyon?”Huminga muna ng malalim si Melissa bago nagsalita. “Iyong tiyuhin ni Fritz, si Gardo, pinagtanggakan niyang gahasain noon ang nanay mo.”
“LAMBUTAN mo kasi ang mga daliri mo,” ang tumatawang saad ni Fritz. Araw iyon ng Sabado, nagdahilan siya kay Melissa na maglilibot sa mall. Mahigit isang linggo narin silang nagpupunta sa memorial park ng binata. Gaya ng napagkasunduan, naging lihim ang kanilang pagkakaibigan. At kahit hindi niya aminin, totoong mas sweet nga ang friendship nila dahil patago.Napasimangot siya. Kahit sabihing hindi pa ganoon katagal ang pagkakaibigan nilang dalawa, hindi siya nahihiyang ipakita ang totoong nararamdaman sa binata. Gaya nalang ng pagkainis na nararamdaman niya ngayon.“Ayoko na nga!” bugnot niyang sagot saka ibinaba sa Bermuda grass ang gitara, tumayo saka sumakay sa sidecar ng traysikel na dala ni Fritz.Amuse siyang pinagmasdan ng kasama. “Hindi ka matututo kung ganyan ka,” sa kalaunan ay natawa narin ang binata.Umikot ang mga mata ni Julia saka
GAYA ng inaasahan sumapit ang araw ng pagdating nina Hilda at ng anak nitong si Jason. Sa isang hotel sa bayan nagtuloy ang mga ito na kinatagpo naman nilang magtiya sa isang mamahaling restaurant sa bayan rin mismo.“Sigurado akong magkakasundo kayo, hindi naman nagkakalayo ang agwat ng mga edad ninyong five years,” si Hilda na panay ang sulyap sa kanya ng may paghanga.Nahihiya siyang ngumiti saka muling niyuko ang plato. Mayamaya makalipas ang ilang sandali nang mapuna marahil ni Jason na tapos sa siyang kumain ay niyaya siya nitong sumayaw. Ang totoo wala siya sa mood nang mga sandaling iyon, pero dahil ayaw nga naman niyang ipahiya ang tiyahin ay nagpaunlak siya.“Napaka-tahimik mo,” si Jason nang nasa dance floor na sila.Ngumiti siya sa kasayaw. Nakakapagtakang kahit sabihin pang hawak nito ang isa niyang kamay at hapit ang kanyang baywang ay walang kahit anong kuryent
“ANONG plano mo ngayon?” nang mailipat nila sa ward ng ospital si Melissa ay niyaya siyang magkape ni Fritz sa fastfood restaurant na nasa tapat ng ospital.Nanatili siyang nakayuko para itago sa binata ang pamumuo ng kanyang mga luha. “M-Magpapakasal ako kay J-Jason,” aniyang tuluyan na ngang nabasag ang tinig.Narinig niya ang marahas na hiningang pinakawalan ng binata. “L-Lia, gagawa ako ng paraan. Tutulungan ka namin, makikiusap ako kay tatay. Ayoko lang na isakripisyo mo ang kinabukasan mo sa lalaking hindi mo naman mahal,” sa pagtatama ng mga mata nila, nakita niya ang matinding lungkot sa mga mata ni Fritz. At iyon ang lalong nagpaluha sa kanya.“W-Wala akong ibang option Fritz, at saka malay mo naman, in the end matutunan ko rin siyang mahalin?” kahit alam niyang mahirap, iyon parin ang gusto niyang paniwalaan.Noon ginagap ng binata ang kamay
HULING gabi bago ang pagluwas niya ng Maynila. Dinig niya ang pagtigil sa tapat ng bahay nila ang isang traysikel. Dahil pamilyar sa kanya ang ugong niyon ay mabilis na dinamba ng kaba ang kanyang dibdib saka sumilip sa bintana. Gaya ng inaasahan, si Fritz, napuno ng matinding pananabik ang puso niya pagkakita palang sa binata.Hindi na niya hinintay ang pagkatok ng bagong dating dahil pinagbuksan na niya ito.”F-Fritz?” nasamyo niya agad ang amoy ng alak sa hininga ng binata. “huwag ka na ulit magda-drive nang nakainom ka ha?” sermon pa niya saka ito pinatuloy.Namumungay ang mga mata nitong ngumiti sa kanya si Fritz. “Sounds like a real wife,” ang binatang tumawa ng mahina. “hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na puntahan ka ngayon kundi ako iinom kahit konti lang,” anitong biglang sinaklit ang kanyang baywang kaya siya napayakap rito.
Present Day…NAMASA ang mga pisngi ni Julia sa daloy ng mga alaala. Masasabi niyang hindi niya lubusang nakalimutan si Fritz. At sa mga pagkakataong mag-isa siya, lalo na kapag nagkakaroon sila ng problema ni Jason, itinatanong niya sa sarili kung ano kaya ang posibleng buhay niya ngayon sakaling si Fritz ang pinili niya noon.Isang taon matapos ang treatment ni Melissa ay pumanaw rin ang tiyahin niya hindi dahil sa sakit nito kundi sa isang vehicular accident kasama ang biyenan niyang si Hilda. Nang mga panahong iyon kasi ay mag-iisang taon narin silang kasal ni Jason.Maayos pa naman ang pakikitungo sa kanya noon ng asawa. Mabait ito at malambing, kaya masasabi niyang natutunan niya itong mahalin sa paraang alam niya. Nagsimula lang namang magbago si Jason sa kanya nang mapag-alaman nila ang pagiging baog nito.Naging sobrang seloso ito. Sa loob ng mahabang panahon ay tiniis niya ang kalbaryong buhay sa piling ni
GABI nang matapos sila sa pamimili. Nakauwi silang pareho ng pagod, mabuti nalang ipinilit ni Fritz na kumain nalang sila sa labas. Tinawagan kasi ito ni Manang Ruping kanina para magpaalam. Uuwi raw muna ng Maynila ang matanda dahil nagkaroon ng emergency ang pamangkin nitong nanganak na. “Hi,” aniya nang mapagbuksan ang binatang kumatok sa kanyang kwarto. Nakalatag noon sa kama niya ang maraming damit na pinamili ni Fritz para sa kanya. Nakangiting tumuloy ang binata sa kanyang silid, hawak nito ang isang kopita ng alak. “Pampatulog lang,” anito nang makita marahil ang pagsulyap niya doon. “Of course,” aniyang tumawa ng mahina saka kinuha ang isang kulay pulang dress saka iyong ini-hanger. “naririnig ko rin iya kay Jason. Pero madalas iba ang nangyayari kapag naka-inom siya,” mapait niya turan. “Gusto mo bang pag-usapan?” concerned na tanong ng binata. Umiling siya. “Hindi na, gusto kong kalimutan muna ang lahat ng iyon pans
NAGISING si Sara kinabukasan na kulong ng malalaking bisig ni Benjamin. Napangiti siya saka pinakatitigan ang pinakagwapong mukhang nasilayan niya. At nang mapadako sa mapupulang labi ng binata ang kanyang paningin ay mabilis siyang pinamulahan. Kagabi, nagawang punuan ng mga halik at haplos sa kanya ni Benjamin ang mahabang panahong pagkakawalay nila sa isa’t-isa. Isa iyon sa maraming dahilan kung bakit hindi niya pinagsisisihang ipinagkaloob niya rito ang sarili niya. At kung sakali man halimbawang maibabalik ang virginity niya alam niyang walang pagdadalawang isip niyang ibibigay muli iyon sa binata.“Good morning” nagulat pa si Sara nang marinig ang sinabing iyon ng katabi.Lutang ka kasi kaya hindi mo napansing kanina ka pa niya pinanonood na nakatanga sa kanya. Ang kabilang bahagi ng isip niya.“Good morning” ang napapahiya niyang sabi saka pasimpleng pinakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakayakap parin sa kanya ng bi
“TUMAHAN ka na, baka makita ka ng Papa mo, magtataka iyon” alo sa kanya ni Roxanne nang araw na dalawin siya nito sa mansyon. Nasa kwarto niya sila nang mga sandaling iyon kaya hindi niya nakontrol ang sariling emosyon.Ang totoo malaki ang pasalamat niya at dinalaw siya ng kaibigan niya. Tatlong araw narin kasi ang nakalilipas mula nang mangyari ang pagtatalo nilang iyon ng kanyang ama. Kinuha ni Roberto ang kanyang cellphone. Grounded siya dahil sa ginawa niyang pakikipagtalo rito. Kaya hindi na niya nakausap o naitext si Benjamin at maging si Roxanne.“Ayokong umalis dito Roxanne, paano na kami ni Benjie?” aniyang pinahid ang luhaang pisngi.Noon hinawakan ng kaibigan niya ang kanyang kamay saka iyon pinisil. “Mag-usap kayo, iyon ang mas magandang gawin” suhestiyon ni Roxanne.“Paano? Grounded nga ako ng one week di ba?” hopeless niyang sagot.“Teka, iyon bang cellphone mo naka-off?” na
“I’M happy for you. Mabuting tao si Benjamin kaya siguradong hindi ka niya sasaktan” masayang wika ni Roxanne nang araw ng Lunes.“Alam ko, saka nararamdaman ko namang mahal na mahal niya ako” sang-ayon niya.“Sana ganoon ka rin sa kanya. At kung sakali sana ipaglaban mo siya Sara” nakita niyang rumehistro sa mga mata ni Roxanne ang pag-aalala para sa kanyang nobyo.Noon siya nagbaba ng tingin. “Nagkasundo kasi kaming ilihim muna ang relasyon namin” aniyang nag-angat ng ulo pagkatapos.“Nandoon na tayo at iyon naman talaga ang inaasahan ko Sara. Pero alam mong wala namang lihim na hindi nabubunyag di ba? Paano kapag aksidenteng nahuli kayo ng Lolo mo? Alam mo ba kung ano ang pwedeng maging kapalit ng lahat ng ito?”Sa sinabing iyon ng kaibigan niya ay mabilis na nilamon ng pangamba ang kanyang dibdib. “Hindi naman siguro ganoon kasama ang Lolo kasi di ba kaibigan naman niya ang
TEN YEARS AGO…“NAGUSTUHAN mo?” kahit halata kay Sara na tuwang-tuwa ito sa regalo niyang bisikleta ay naisipan paring itanong ni Benjamin. Nasa likuran sila noon ng mansyon.“T-This is too much!” nabasag ang tinig ni Sara doon.“Hey! Ano ka ba, binigay ko ito sayo kasi gusto kitang mapasaya” aniyang natatawang hinawakan ang braso ng dalaga saka ito hinila palapit sa kanya. Noon na nga kumawala ang pinipigilan nitong mga luha.“I-Iyon na nga eh, ang saya-saya ko Benjie. Sobra” anito habang nakangiting binubukalan ng luha ang mga mata.Noon, sa pinakabanayad na paraan niya hinaplos ang luhaang mukha ng dalaga. “Kung alam mo lang, mas higit pa diyan ang gusto kong ibigay sa’yo” ang makahulugan niyang sabi. Gusto kong ibigay sa’yo ang puso ko, hindi ko lang tiyak kung tatanggapin mo.SA narinig ay tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Sara saka mahigpit na yumakap
“HI Lolo” ang masiglang bati ni Sara sa Lolo niya kinagabihan nang araw ring iyon. Oras na ng hapunan at gaya ng dati nasa komedor na ito at naghihintay sa kanyang pagbaba.Nakangiting siyang pinagmasdan ng matanda. “Kumusta ang pamamasyal ninyo ni Benjamin kanina?”Taka niyang nilingon ang kanyang Lolo. “S-Sorry hindi po ako nakapagsabi sa inyo” totoo iyon sa loob niya. “nahihiya naman kasi akong istorbohin kayo kasi alam kong busy kayo. Pero nagsabi po ako kay Aling Norma” paliwanag niya.Maaliwalas ang bukas ng mukhang tumango ang kanyang Lolo. “Siya nga ang nagsabi sa akin, pero bago iyon ipinagpaalam ka na sa akin kagabi pa ni Benjamin” ang matandang sinimulan na ang pagkain.Nabitin sa ere ang kutsara ng pagkain na hawak ni Sara. “He did?”“Oh, bakit parang nasorpresa ka? Hindi ba niya binanggit sayo ang tungkol doon?”Umiling siya. “Wala po siyan
PARANG ipinako sa kinatatayuan niya si Sara nang malabasan kinabukasan si Benjamin sa garahe ng mansyon. Kinikilig siyang napangiti at nang maramdaman marahil ng binata ang presensya niya ay agad itong nagtaas ng ulo mula sa binabasang libro saka siya nginitian.Magagaan ang mga paa siya lumapit sa binata. Hindi niya maintindihan kung bakit para siyang nakalutang nang mga sandaling iyon? Siguro dahil iyon sa magagandang kislap ng mga mata nito na lalong pinatingkad ng angkin at natural nitong kagwapuhan.“Good morning Ma’am” biro nito sa kanya.“Shut up Benjie” aniyang napabungisngis. “I’m happy to see you here.”Pinagbuksan siya nito ng backseat. “Same here, halika na?” anito.“anong oras ang labas mo? Ang instruction kasi sa akin ni Don Antonio eh lagi raw tayong magsabay sa pagpasok at pag-uwi” tumatakbo na noon ang kotse at mula sa rear view mirror ay nakita niyang sumulyap sa kany
KINABUKASAN sa university minabuti niyang sadyain si Benjamin sa college building nito. Sakto namang nasa labas corridor ang binata nang marating niya ang second floor ng gusali. Malayo palang ay nakangiti na ito nang makita siya, at lihim siyang kinilig dahil doon.“May kailangan ka?” ang mabait nitong tanong nang makalapit siya.“Kukumustahin lang kita” aniyang sinipat ang pasa sa kaliwa nitong pisngi.“Okay lang ako” anito saka siya tinitigan ng matagal.“M-May pasok ka ba mamaya sa panciteria?” hindi niya naiwasan ang panginigan ng tinig epekto ng titig sa kanya ni Benjamin.Noon biglang nalungkot ang mga mata ng binata saka tumingin sa malayo at nagsalita. “Natanggal ako eh” anito saka siya sinulyapan.“Ano? Ikaw na nga itong sinaktan ikaw pa ang tinanggal?”“Hayaan mo na iyon, makakahanap naman ako sigurado ng bagong trabaho” si Benjamin na pinat
“MISS?” nang magising si Sara ay babaeng nurse ang nagisnan niya.Nakangiti itong humarap sa kanya. Nakita niyang nagbuka ito ng bibig para magsalita pero napigil iyon nang mula sa partisyong kurtina ng Emergency ng ospital ay sumilip si Benjamin. “Okay na miss” pagtataboy pa nito sa nurse.Parang hihimatayin siyang muli nang maiwan siyang mag-isa kasama ito. Mabilis siyang umiwas ng tingin pero napilitan rin siyang harapin ito nang magsalita ang binata. “Ano nang nararamdaman mo?” concerned nitong tanong.“O-Okay lang ako, salamat” aniyang ngumiti habang hindi alintana ang malalagkit na titig ni Benjamin sa kanya.“Good, ang sabi ng doctor pagod daw, at stress normal lang din na himatayin pagkatapos ng matagal na panahon” makahulugan nitong sabi saka amuse na ngumiti sabay kibit ng balikat.Nanlaki ang mga mata ni Sara sa narinig. “S-Sinabi mo iyon?”Lumapad ang pagkaka
MAGANDA ang sikat ng araw kinabukasan. Iyon ang araw ng alis ni Benjamin pauwi ng San Fernando. Bukas na ang graduation day kaya naman minabuti niyang ngayon na bumiyahe at magpalipas nalang ng gabi doon.Sinunod niya ang payo ng dalawang matanda na mag-break muna ng sa kanyang trabaho at magbakasyon. Matagal na panahon narin naman kasi ang nakalipas mula nang mag-leave siya. Kaya naman nag-file siya ng indefinite leave.After graduation ay tutuloy siya ng Don Arcadio, ang kalapit na bayan ng San Fernando para doon ituloy ang kanya pagbabakasyon. Kilala ito sa magaganda nitong beaches and resorts. Isa sa mga dahilan kung bakit dinarayo ito ng mga turista at mga taga-lungsod.“Tutuloy na ho ako” aniyang niyakap ang kanyang Lola at ang Lolo naman niya pagkatapos. Seventy five na si Benito habang seventy naman si Nena. Pero sa awa ng Diyos, malalakas pang pareho ang mga ito na labis niyang ipinagpapasalamat.“Mag-iingat ka, at kung may pagk