Payapang namumuhay si Dea kasama ang kaniyang pamilya sa isang kagubatang malayo sa sentro ng Malefica-ang kaharian ng mga mangkukulam. Ilang taon na silang naninirahan dito upang makaiwas sa namumuong sigalot sa pagitan ng mga kauri niyang mangkukulam at bampira. Ngunit isang madaling araw, isang halimaw ang umatake sa kanilang tirahan at walang awang pinaslang nito ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid na babae. Hindi pa nakuntento ang halimaw at ginawaran ng isang sumpa ang kaniyang bunsong kapatid. Naging isang mabangis na halimaw ang kaniyang kapatid at halos hindi na makilala pa dahil sa pagbabagong anyo nito. Sa araw ding iyon, nagtagpo ang landas ni Dea at ang reyna ng mga mangkukulam. Sinabi nito sa kaniyang isang bampira ang halimaw na lumusob sa kanilang tahanan at ang may kagagawan sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa buong Malefica. Ang pangalan ng bampirang ito ay Trevor Hemlock. Namuo ang matinding galit sa puso ni Dea at nangakong ipaghihiganti ang sinapit ng kaniyang pamilya.
View MoreIKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Pagtatapos at ang Bagong Simula“MINSAN, hindi alam ng mga tao kung ano ang mga bagay na dapat ipaglaban at kung ano ang hindi. Kung ano ang dapat isuko o ipagpatuloy. Hinahayaan nilang kontrolin sila ng kanilang sariling emosyon. Iyon ang dahilan kung bakit kayong mga tao ay mahihina.”Napailing ang diyablo matapos sabihin ang mga salitang iyon. “Sa sandaling nagawa mong kontrolin ang sarili mong emosyon, magkakaroon ka ng kapangyarihang hindi mo aakalain,” makahulugang wika pa nito.Napaawang ang aking bibig dahil sa aking mga narinig. Hindi ako makapaniwalang isang diyablo ang kaharap namin ngayon. Hindi ba’t punong-puno ng kasamaan ang puso ng mga diyablo, bakit parang kapayapaan at may bahid ng kabutihan ang nakikita ko sa mga mata nito?May punto nga siya. Hindi nga lahat ng bagay ay maaari mong ipaglaban. Hindi lahat ng gusto mo ay puwede mong ipagpilitan. Minsan, kailangan nat
IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase MoonfoxNAPAHAWAK ako sa aking ulo dahil sa pagkahilong nararamdaman ko. Anong nangyari?“Dea, ang hitsura mo... T-teka, totoo ba itong nakikita ko? Ang guardian form ng isang Lunar Deity— ang 8-phase moonfox,” manghang sambit sa akin ni Reese nang mabawi niya ang kaniyang lakas at tumingin sa akin.“Huh?!? Anong sinasabi mo, Reese?” takang tanong ko sa kaniya at saka napatayo.Nagulat ako nang mapansin ang walong buntot na kumakawag sa aking puwetan. Napatingin din ako sa aking mga kamay dahil sa biglaang paghaba ng aking mga kuko. Kinapa ko ang aking ulo at may dalawang nakausling malalambot na bagay ang nakadikit dito. Parang pares ito ng mga tainga ng isang mabalahibong hayop.“Paanong nagagawa mong lampasan palagi ang iyong limitasyon? Dahil ba ito sa determinasyon mong lumaban para protektahan ang mga taong
IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang RebelasyonNAPABUGA ako ng hangin nang hindi ko namamalayan. Mapakla akong napangiti habang inaalala ang mga masasayang araw namin ni Reese nang magkasama. Kahit sandali pa lamang kaming magkakilala, napamahal na ako sa kaniya. Siya ang ang nagturo sa akin kung paano maging malakas. Pero hindi ko naman alam na darating pala ang araw na ito.Bigla akong napaiktad at napatigil sa pag-iisip nang muling magsalita si Trevor. Kanina pa kasi hindi kumikilos si Reese sa kaniyang kinaroroonan para sundin ang ipinag-uutos ng kaniyang ama kahit pa ginamitan na siya ni Trevor ng Mind Compulsion.“Hindi mo na ako makokontrol pa, Ama. Sa nakalipas na isang linggo, nagawa kong malampasan ang antas ng iyong kapangyarihan. Pagod na akong maging sunod-sunuran pa sa inyo ni Ina,” matigas na hayag ni Reese sa kaniyang ama.Mabilis naman akong kinunutan ng aking noo. Pati rin pala si
IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa LahiBIGLA kaming napatigil sa paglipad nang salubungin kami ng isang hukbo ng mga kapwa naming mangkukulam na mukhang nagawa nang kontrolin ng mga bampira ang kanilang mga isipan.Ngunit kung titingnan silang mabuti, parang naging mga bampira na rin sila dahil sa mga matutulis nilang mga pangil at mapupulang mga mata.Ginawa silang bampira ng mga kalaban. Marahil ganoon nga ang nangyari.At habang patagal nang patagal ay nadadagdagan ang kanilang bilang. Napakarami nila.Humarap ako sa aking mga kasama at kita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Marahil ay may mga kaibigan, kapatid o kapamilya sila sa mga kalabang kinakaharap namin ngayon. Sinong mag-aakalang gagamitin ng mga bampira ang mga kalahi namin laban sa amin? Hindi ko ito nakita sa aking pangitain ngunit tama nga si Lola Diana, may mga bagay pa ring hindi inaasahang mangyayari.“
IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar DeityNAIMULAT ko ang aking mga mata nang may tumawag sa aking pangalan. Malamyos na tinig ito ng isang babae. Kumunot ang aking noo at iginala ang aking paningin sa buong paligid.Teka, hindi ito ang kanlungang pinagtataguan namin. Nasa’n ako? Alam kong natutulog lang ako kanina katabi ang aking kapatid at ang iba pa naming kasama ngunit paggising ko ay nasa ibang lugar na ako.Nagitla ako sa malalim na pag-iisip nang may musikang namayani sa buong paligid. Napakaganda nito sa pandinig. Idagdag mo pa ang tanawing nakikita ko ngayon.Isang malawak na lawa ang nasa aking harapan habang malinaw na nakikita ko rito ang nakabibighaning repleksiyon ng buwan. Napakakalmado ng buong lugar. Ang marahang paghampas ng hangin sa aking mukha ay sinasaliwan ng banayad na tugtugin. Hinanap ko kung saan nagmumula ang musikang kanina pa nagbibigay ng saya sa akin.Sa ilalim ng is
IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng NadaramaNAPATULALA ako nang napagtanto ko kung ano ang sumunod na ginawa ni Reese. Matapos niyang pakawalan ang kaniyang napakalakas na spell patungo sa aming direksyon ni Finis, sinalubong niya ito nang walang pag-aalinlangan at sinubukang ilihis ang direksyon.“Reese, hindi! Huwag mong gawin iyan!” sigaw ko sa kaniya ngunit tila hindi niya ako naririnig.“Pagkakataon ko na ito para tumakas,” sambit ng kalaban at saka ako binitiwan.Lumipad siya palayo sa akin ngunit hindi ko hinayaan ang kaniyang binabalak na pagtakas.“Absolute Prison!” sigaw ko at ikinumpas ang aking kamay sa kaniyang direksyon.Halit sa lalamunang nagsisigaw ito at pilit na kumakawala sa aking spell.Lumipad ako para tulungan si Reese na salagin ang spell niya ngunit bigla na lamang akong nakulong sa isang makapal na harang.&l
IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni DemitoNAPAKAGAT ako ng aking ibabang labi habang iniinda ang napakaraming sugat na nakuha ko mula sa mga atake ng aking kalaban. Hindi ko masundan ang bawat galaw nito at mabilis na nagpapalipat-lipat ng direksyon. Hindi ako makasabay.Nagpokus ako at tinipon ang lahat ng mahika sa aking katawan. Kailangan kong kumalma. Hindi ako maaaring mataranta. Huminga ako ng malalim ngunit napatigil ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang kumirot na naman ang aking puso. Parang unti-unti itong dinudurog. Sumpain ka, Finis!Kailangan ko ring mag-isip ng paraan kung paano tanggalin ang mga sinulid nitong unti-unting pumupulupot sa aking puso. Hindi ako puwedeng matalo.Bigla na lamang akong napaluhod sabay tukod ng aking espada sa lupa. Pinagpapawisan ako nang malapot. Habang patagal nang patagal ay nahihirapan akong huminga.Nanghihina rin ako na naging dahilan para manlabo ang
IKA-WALONG KABANATA: Lunar MagicIPINASA ko ang batang buhat-buhat ko sa ina nitong kanina pa naghahanap sa kaniya. Iniligtas ko ito mula sa bahay nilang tinutupok ng apoy. Mabuti na lamang at narinig ko ang malakas nitong pag-iyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.Ang nakakalungkot lamang ay namatay ang ama nito habang pinoprotektahan siya mula sa mga nagsisilaglagang nasusunog na bahagi ng bahay. Isa iyong napakasalimuot na karanasan para sa isang batang katulad niya.“Maraming salamat sa panliligtas ng aking anak, Binibini. Habambuhay ko itong tatanawin na utang loob sa inyo,” mangiyak-ngiyak na sambit ng ina ng bata sa akin at mukhang batid na sa kaniyang kaalaman ang sinapit ng kaniyang asawa.Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman po. Huwag niyo pong alalahanin iyon. Lumikas na po kayo sa ligtas na lugar,” hayag ko sa kaniya. Tumango nama
IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa MaleficaHINDI ko maalis-alis ang aking tingin sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Ngayon lamang ako nagsuot ng ganito kagandang kasuotan sa tanang ng buhay ko. Isa itong pulang corset gown na may bulaklak na disenyo.Mahigpit ang pagkakasuot nito sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo kaya naman kitang-kita ko ngayon ang hubog ng aking katawan.Gaya nga ng sinabi ni Reese kaninang hapon, kaarawan ngayon ni Selena. At may magaganap na isang handaan kaya pinag-aayos niya kami.“Napakaganda niyo po talaga, Binibining Dea,” komento ng ginang na nag-ayos sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang papuri. Parang kiniliti ako ng kaniyang mga salita.“Maraming salamat po,” magiliw na wika ko sa kaniya.Bigla namang may kumatok sa pinto ng silid. Pagkatapos ng ikatlong pagkatok, pumih
IKAUNANG KABANATA: Malupit na Tadhana KASALUKUYAN ako ngayong nagdidikdik ng halamang coalesco para sa ginagawa naming gayumang panglunas ni Ina. Napatigil naman ako sa aking ginagawa nang tawagin niya ako. Tila nangungusap ang kaniyang mga mapupungay na matang tumingin sa akin. “Dea, anak, maaari bang ikuha mo pa ako ng tanim nating halamang gamot sa likod ng ating bahay? Ako na muna ang magtutuloy sa ginagawa mo,” malambing niyang hayag sa akin.Tumugon ako sa kaniya sa pamamagitan ng isang pagtango. Ngunit, sandali akong napatigil nang mahinang napaubo si Ina habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Mabilis kong nabitiwan ang hawak kong maliit na pambayo at agad siyang inalalayan para umupo sa silya. Maging si Helena, ang aking nakatatandang kapatid, ay halos liparin na rin ng takbo patungo sa aming kinaroroonan. Tinitigan niya muna ako nang masama bago bumalik sa paghagod ng likod ng aming ina. Hindi ko alam pero parang matagal nang may tinatagon...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments