IKA-LIMANG KABANATA: Unang Hidwaan
KINABUKASAN, maagang nagsimula ang aming araw. Walang mapagsidlan ang labis kong kasiyahan dahil sa wakas ay nakalalakad na ang aking kapatid. Buong buhay kong tatanawin na utang na loob ang pagpapagaling ni Selena kay John.
“Tapos na ang pahinga, bumalik na tayo sa iyong pagsasanay,” istriktong sambit naman sa akin ng aking guro ngayong araw. Akala ko’y si Selena ang magsasanay sa akin ngunit mukhang nawili na siyang makipaglaro kay John. Ipinasa niya ang pagsasanay sa akin sa isang masungit na salamangkero na ipinakilala ng reyna bilang kaniyang anak. Bata pa ang hitsura nito at kung titingnan ay magkasing-edad lang yata kami.“Dea Southheil, nakikinig ka ba sa akin?” sigaw nito sa akin. Kailangan talagang banggitin ang buo kong pangalan?“P-paumanhin po, Master Reese. Hindi na po mauulit,” pautal-utal kong tugon sa kaniya at saka pumuwesto na sa posisyon ko kanina. Pumikit ako at ipinayapa ang aking isipan. “Dea, wala sa lakas ng katawan para magawang kontrolin ng isang mangkukulam ang kaniyang natatanging kapangyarihan. Nasa kapayapaan ito ng isipan at kung paano niya isasagawa ang kaniyang spell nang kalmado at mahinahon. Tunay ngang malaki ang naitutulong ng lakas ng katawan sa isang labanan, ngunit, wala itong silbi kung magulo ang isipan habang nakikipaglaban.” Ito ang mga sinabi sa akin ni Reyna Selena bago kami magsimula ng pagsasanay ni Master Reese kanina.Napatigil naman ako sa pagme-meditate nang biglang magsalita ang aking guro. “Bakit pa kasi sa akin ibinigay ni Ina ang trabahong ’to? Nasa kalagitnaan ako ng pag-e-espiya sa kaharian ng Lamia tapos pauuwiin ako para lang dito. Habang patagal nang patagal ay nagiging isip-bata siya. Pasalamat siya’t may guwapo siyang anak,” dinig kong sunod-sunod na reklamo ng aking master at saka pinuri pa ang sarili sa huli niyang sinabi. Hindi ko naman alam kung anong koneksiyon ng kaniyang hitsura sa kaniyang mga tinuran. May pagkamahangin din pala ang isang ’to. Pero hindi naman maikakailang may hitsura nga siya.Gayon pa man, masungit naman siya, arogante at mukhang labag pa sa kalooban niyang sanayin ako ngayong araw, bagay na ikinainis ko.“Hmmm... Master Ree—”“Sinong nagbigay sa iyo ng pahintulot na magsalita sa kalagitnaan ng pagsasanay?” putol niya sa aking sasabihin. “Nais ko lamang pong humingi—”“Hihingi ng ano? Hihingi ng oras para magpahinga na naman?” muling sabat niya kahit pa nagsasalita ako.Bakit ba hindi muna ako patapusin nito sa aking sasabihin? Nanggigigil tuloy ako sa kaniya. “Dea, kumalma ka. Kailangan mo ng kapayapaan ng isipan,” paalala ko sa aking sarili.Banayad akong napangiti sa kaniya kahit sa loob-loob ko ay pinapakulo niya ang aking dugo.“Hindi po. Nais ko lamang pong humingi ng paumanhin sa abalang idinulot ko sa inyo,” buong pagpapakumbabang hayag ko sa kaniya. Kailangan kong maging mahinahon.Hingang malalim, Dea. Huwag kang magpapadala sa iyong emosyon. Espiritu ng kapayapaan,, lumapit ka sa akin at bigyan mo ako ng sandamakmak na pasensya. “Bumalik ka na sa iyong pagsasanay. Ipakita mo sa aking karapat-dapat ka sa aking oras,” mariin niyang sambit sa akin.Pinilit ko ang sarili kong ngumiti sa kaniya. Hindi ko na lamang pinansin ang pagkainis ko sa kaniya at saka bumalik sa pag-eensayo ng aking mental na abilidad. Lumipas lamang ang ilang minuto, muling nagsalita si Master Reese.“Tapos na ang ating pagsasanay. Hindi ko kayang tagalan pa ang nakakabagot na pagsasanay na ito. Bumalik ka na lamang bukas dito at ipagpatuloy ito,” iritadong hayag niya na tila ba nawawalan na ng pasensya sa katawan.“Teka, Master Reese, wala pang tatlong oras tayong—”“Huwag mong hayaang ulitin ko sa iyo ang aking sinabi kanina. May kailangan pa akong gawin. Sabi ko nga sa iyo, ipakita mo sa aking karapat-dapat ka sa aking oras ngunit wala ka namang ginawa kundi umupo lang diyan at pumikit. Gawain lamang ’yan ng mga mahihina. Ewan ko ba sa aking ina kung anong pumasok sa isip niya at bakit gusto niyang sanayin ang isang mahinang mangkukulam na tulad mo,” mahabang litaniya niya sa akin na may bahid ng pang-iinsulto. Mariin akong napakuyom ng aking mga kamao. Tanggap ko namang mahina lang ako pero ang tapakan ang aking pagkatao, mukhang hindi ko yata kaya iyongg tanggapin. Mas lalo lamang nadagdagan ang pagkainis ko sa kaniya. Nagpapantig ang tainga ko sa mga salitang sinabi niya sa akin kanina.“Kaya nga nagsasanay para lumakas. Kung hindi pala bukal sa kalooban mong sanayin ako, bakit hindi ka tumanggi kanina. Kaya ko naman siguro ito ng mag-isa,” sabat ko. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa kaniyang mukha dahil sa aking mga tinuran. “Sinong nagbigay sa iyo ng karapatang sagutin—” Naputol ang kaniyang sasabihin nang bigla ko siyang pinaulanan ng mga bolang apoy. Inuubos niya talaga ang aking pasensya. Wala akong pakialam kung siya pa ang anak ng reyna. Inilagan niya ang aking mga spell at mabilis na binunot ang kaniyang espada para kontrahin ang aking mga atake. “Isa kang hangal para mag-cast ng spell sa akin. Hindi mo ba alam na binubunot ko lamang ang aking espada mula sa lagayan nito kapag kinakailangan? Pero dahil sa ginawa mo, napilitan akong gawin ito,” mapagmataas na hayag niya sa akin. Napailing siya at kitang-kita ang pagkainis sa kaniyang mukha. Hindi ako nakinig sa kaniya at patuloy siyang pinaulan ng aking mga bolang apoy. Hinati niya ang mga ito at agad din lang niyang napawi. Ipinalikod niya ang kaniyang isang paa at sa isang iglap lamang ay nasa harapan ko na siya. “Praesidium!” bulalas ko at isang kalasag ang lumitaw sa harapan ko para salagin ang atake ni Master Reese gamit ang kaniyang espada.“Quaeso,” sambit ko at isang espada naman ang nabuo sa aking kanang kamay.“Marunong ka pala sa conjuration. Kung sana sinabi mo kanina pa na may maibubuga ka rin pala, hindi na sana tayo nag-aksaya ng oras kanina at nakipagbuno na lang sa isa’t isa,” ginaganahang hayag niya sa akin. Kung alam mo lang kung gaanong pagpipigil ang ginawa ko kanina. Nakakainis talaga siya. Sinugod ko siya gamit ang aking espada ngunit nagawa niya itong tapatan gamit din ang kaniyang sandata. Hindi kami tumigil sa pag-atake sa isa’t isa. Dahil sa aming hindi inaasahang labanan, naputol ang ilang mga puno sa paligid. Mabuti na lamang at nasa isang kapatagan kami, malayo sa mga gusali at tao. Tawang-tawa pa siya sa nangyayari at mukhang nasisiyahan sa aming sagupaan.“Ganiyan nga. Libangin mo ako. Ipakita mo sa akin ang iyong natatagong lakas. Ito ang tunay na pagsasanay para sa akin,” sambit niya habang nagpapalitan kami ng atake. Sugod lamang ako nang sugod sa kaniya habang siya naman ay sinasangga lamang ang aking espada. Habang patagal nang patagal, mas lalong pinapakulo ng kaniyang nakakairitang boses ang aking dugo.
“Gravis Crepitus!” pag-cast ko ng spell at itinutok ang aking espada sa kaniyang direksyon. Isang malaking bola ng apoy ang nagsimulang mabuo sa dulo ng aking sandata. Mas malaki ito ng limang beses kumpara sa mga bola ng apoy na pinakawalan ko kanina. “Wala ng mas sasaya pa rito. Ibigay mo na ang lahat ng makakaya mo. Hindi mo kailangang magpigil dahil kahit gaano pa kalakas ang iyong atake, kayang-kaya ko itong—”Napatigil siya sa pag-iingay nang tuluyan kong pakawalan ang aking spell. Napakaingay niya para sa isang lalaki. Ang dami niyang dada.Mabilis na tinahak ng aking atake ang kaniyang direksyon. Malakas siyang napatalon at nagpasirko-sirko pa siya sa ere. Napaawang na lamang ang aking bibig dahil sa kaniyang ipinakitang kahusayan. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kaniya. Gamit ang kaniyang espada, hinati niya sa dalawa ang aking bolang apoy at saka maangas siyang lumapag sa lupa. Ngumisi siya sa akin at tila ba nagmamayabang. Napairap na lamang ako sa ere. Papawiin ko ang ngising ’yan sa iyong mukha. “Recreo!” matigas kong sambit at saka ipinaharap ang aking nakakuyom na kamao. Muling nabuo ang aking bolang apoy ngunit sa kalangitan ito lumitaw. Dalawang beses naman ngayon na mas malaki ito kumpara sa pinakawalan ko kani-kanina lang. “Akala ko’y panalo na ako ngunit may ibubuga ka pa pala. Mukhang mali na minaliit kita kanina. Gayon pa man, ako pa rin ang magtatagumpay sa labanan nating ito,” mayabang niyang saad sa akin. Napailing na lamang ako dahil sa taas ng tingin niya sa kaniyang sarili. “Subukan mong pawiin ang spell kong ito, Master Reese,” sambit ko sa kaniya at may diin sa pagkakasabi ko ng ‘Master Reese.’“Huwag mo akong mamaliitin. Isang pagkakamali kapag ginawa mo iyon,” wika nito. Talagang hindi siya nauubusan ng kayabangan sa katawan. “Fortifico,” mahina kong saad at pinagtibay ang aking spell. Dinagdagan ko nang limang beses ang pinsalang idudulot nito. Siya na rin ang nagsabing huwag akong magpipigil at ibigay ang lahat ng makakaya ko. Napatigil ako nang makita ang pagseseryoso sa mukha ni Master Reese. Itinaas niya ang kaniyang espada at may mga maliliit na pulang ilaw ang naipon dito. Gagamit na rin siya ng kaniyang sariling spell. Mukhang seryoso na talaga siya sa labanan naming ito. “Ite procul per gladio!” sigaw niya at binalot ng liwanag ang buong lugar. Malakas na pumagaspas ang hangin at nagsilaparan ang mga sanga ng punong natumba.
Awtomatiko akong napapikit matapos kong bakuran ang aking sarili ng harang. Tumagal ang ilang minuto ngunit pakiramdam ko ay walang nangyari. Inaasahan ko ang isang malakas na pagsabog ngunit walang naganap.
Kumabog nang malakas ang aking dibdib at bigla na lamang akong pinagpawisan nang malamig dahil sa napakalakas na kapangyarihang biglang bumalot sa buong lugar. Ang presensiyang ito. “Reese, Dea, anong ginagawa niyo? Hindi ba’t sinabihan kita, Reese, na bantayan si Dea sa kaniyang pagsasanay para matamo ang kapayapaan ng isipan? Ngunit bakit ka nakikipaglaban sa kaniya?” mahinahon ngunit maawtoridad na pahayag ni Reyna Selena sa kaniyang anak. “Ate Dea, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa akin ng aking bunsong kapatid at saka tumakbo papunta sa akin. Pati rin pala siya ay nandito. Niyakap niya ako sa aking binti. Lahat ng pagod at pagkainis ko kay Master Reese ay napawi dahil kay John. Binuhat ko siya at nginitian para alisin ang pag-aalala sa kaniya.“Ina, paumanhin po ngunit si Dea ang nagsimula ng gulo. Hindi po ako,” depensa ng nakakairitang lalaki sa kaniyang sarili at saka alanganin siyang ngumiti sa akin.Masama ko siyang tinitigan pero umiwas lamang siya ng tingin sa akin. Siya kaya ang nagsimula ng lahat ng ito. Kung hindi niya ininsulto ang aking pagkatao, hindi ko maiisipang atakehin siya.“Kahit na. At ikaw naman, Dea, hindi ba’t sinabi ko sa iyong huwag mong hahayaang kontrolin ka ng iyong emosyon? Ikalma mo ang iyong sarili sa tuwing nahaharap sa mga hindi inaasahang pangyayari,” paalala ni Reyna Selena sa akin.“O-opo. Patawad po,” buong pagpapakumbabang hayag ko.“At dahil sa pangyayaring ito, Reese, ituro mo lahat kay Dea ang iyong nalalaman. Napagpasiyahan kong ikaw na lang ang magsanay sa kaniya.
Sanayin mo si Dea sa loob ng dalawang buwan at tulungan siyang makamit ang kapayapaang sinasabi ko hanggang sa mapalabas niya na ang kaniyang tunay na kapangyarihan. Iyan ang iyong kaparusahan,” mahabang litaniya ni Reyna Selena sa kaniyang anak ngunit pati ako ay nagulat sa kaniyang sinabi.
“Ano?” hindi makapaniwalang sigaw ng kaniyang anak. “Reese, huwag mong hayaang maubos ang aking pasensya. Akala mo ay hindi ko alam ang mga pinaggagawa mo habang wala ka sa palasyo? Sumunod ka na lamang sa ipinag-uutos ko,” mapagbantang sambit ng reyna kay Reese.Napansin ko namang napalunok ang lalaki ng kaniyang sariling laway at mukhang natakot sa sinabi ng kaniyang ina. “M-masusunod po, Ina,” pautal-utal na wika ni Master Reese at kitang-kita ang hitsura ng pagkatalo sa kaniyang mukha. Napabuntonghininga na lamang ako. “Isang araw pa nga lang, hindi namin matagalan ang isa’t isa, dalawang buwan pa kaya?”“Dea, may sinasabi ka ba?” mahinahon ngunit nakakakilabot na hayag sa akin ng reyna. Napalunok din ako ng aking laway dahil sa takot. Nakakasakal ang kaniyang nag-uumapaw na presensiya. “W-wala po, Reyna Selena,” wika ko.Ngumiti siya sa aming dalawa ni Reese at saka tumalikod. Tumingin ako kay Master Reese at hindi ko inaasahang magtama ang aming mga paningin. Inirapan ko siya at umiwas na lamang ng tingin sa kaniya.IKA-ANIM NA KABANATA: Unang Bugso ng DamdaminSUBUKAN mong muli. Huwag mo kasing hayaang mawala ka sa pokus. Isang linggo na tayong nagsasanay pero hindi mo pa nagagawang tawirin ang lubid na ito nang nakapikit. Inuulit ko, huwag mong hayaang mawala ka sa pokus. Ipayapa mo ang iyong isipan at isiping naglalakad ka lamang sa isang kalmadong dagat,” malakas na hayag sa akin ng aking guro.Napakaistrikto niya talaga. Tama nga siya. Isang linggo na kami sa pagsasanay na ito ngunit ni minsan ay hindi ko pa napagtatagumpayan ang pinapagawa niya. Ngunit, hindi ako susuko. Kailangan kong malampasan ang pagsubok na ito.Naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin noong nakaraan. “Kung hindi mo kayang tawirin ang lubid na ito nang nakapikit, huwag ka nang umasang magiging malakas ka sa mental na aspeto.”Naniniwala ako sa kaniya. Alam kong parte ang pagsubok na ito sa aming pagsasanay. Wala naman akong karapatang magr
IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa MaleficaHINDI ko maalis-alis ang aking tingin sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Ngayon lamang ako nagsuot ng ganito kagandang kasuotan sa tanang ng buhay ko. Isa itong pulang corset gown na may bulaklak na disenyo.Mahigpit ang pagkakasuot nito sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo kaya naman kitang-kita ko ngayon ang hubog ng aking katawan.Gaya nga ng sinabi ni Reese kaninang hapon, kaarawan ngayon ni Selena. At may magaganap na isang handaan kaya pinag-aayos niya kami.“Napakaganda niyo po talaga, Binibining Dea,” komento ng ginang na nag-ayos sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang papuri. Parang kiniliti ako ng kaniyang mga salita.“Maraming salamat po,” magiliw na wika ko sa kaniya.Bigla namang may kumatok sa pinto ng silid. Pagkatapos ng ikatlong pagkatok, pumih
IKA-WALONG KABANATA: Lunar MagicIPINASA ko ang batang buhat-buhat ko sa ina nitong kanina pa naghahanap sa kaniya. Iniligtas ko ito mula sa bahay nilang tinutupok ng apoy. Mabuti na lamang at narinig ko ang malakas nitong pag-iyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.Ang nakakalungkot lamang ay namatay ang ama nito habang pinoprotektahan siya mula sa mga nagsisilaglagang nasusunog na bahagi ng bahay. Isa iyong napakasalimuot na karanasan para sa isang batang katulad niya.“Maraming salamat sa panliligtas ng aking anak, Binibini. Habambuhay ko itong tatanawin na utang loob sa inyo,” mangiyak-ngiyak na sambit ng ina ng bata sa akin at mukhang batid na sa kaniyang kaalaman ang sinapit ng kaniyang asawa.Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman po. Huwag niyo pong alalahanin iyon. Lumikas na po kayo sa ligtas na lugar,” hayag ko sa kaniya. Tumango nama
IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni DemitoNAPAKAGAT ako ng aking ibabang labi habang iniinda ang napakaraming sugat na nakuha ko mula sa mga atake ng aking kalaban. Hindi ko masundan ang bawat galaw nito at mabilis na nagpapalipat-lipat ng direksyon. Hindi ako makasabay.Nagpokus ako at tinipon ang lahat ng mahika sa aking katawan. Kailangan kong kumalma. Hindi ako maaaring mataranta. Huminga ako ng malalim ngunit napatigil ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang kumirot na naman ang aking puso. Parang unti-unti itong dinudurog. Sumpain ka, Finis!Kailangan ko ring mag-isip ng paraan kung paano tanggalin ang mga sinulid nitong unti-unting pumupulupot sa aking puso. Hindi ako puwedeng matalo.Bigla na lamang akong napaluhod sabay tukod ng aking espada sa lupa. Pinagpapawisan ako nang malapot. Habang patagal nang patagal ay nahihirapan akong huminga.Nanghihina rin ako na naging dahilan para manlabo ang
IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng NadaramaNAPATULALA ako nang napagtanto ko kung ano ang sumunod na ginawa ni Reese. Matapos niyang pakawalan ang kaniyang napakalakas na spell patungo sa aming direksyon ni Finis, sinalubong niya ito nang walang pag-aalinlangan at sinubukang ilihis ang direksyon.“Reese, hindi! Huwag mong gawin iyan!” sigaw ko sa kaniya ngunit tila hindi niya ako naririnig.“Pagkakataon ko na ito para tumakas,” sambit ng kalaban at saka ako binitiwan.Lumipad siya palayo sa akin ngunit hindi ko hinayaan ang kaniyang binabalak na pagtakas.“Absolute Prison!” sigaw ko at ikinumpas ang aking kamay sa kaniyang direksyon.Halit sa lalamunang nagsisigaw ito at pilit na kumakawala sa aking spell.Lumipad ako para tulungan si Reese na salagin ang spell niya ngunit bigla na lamang akong nakulong sa isang makapal na harang.&l
IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar DeityNAIMULAT ko ang aking mga mata nang may tumawag sa aking pangalan. Malamyos na tinig ito ng isang babae. Kumunot ang aking noo at iginala ang aking paningin sa buong paligid.Teka, hindi ito ang kanlungang pinagtataguan namin. Nasa’n ako? Alam kong natutulog lang ako kanina katabi ang aking kapatid at ang iba pa naming kasama ngunit paggising ko ay nasa ibang lugar na ako.Nagitla ako sa malalim na pag-iisip nang may musikang namayani sa buong paligid. Napakaganda nito sa pandinig. Idagdag mo pa ang tanawing nakikita ko ngayon.Isang malawak na lawa ang nasa aking harapan habang malinaw na nakikita ko rito ang nakabibighaning repleksiyon ng buwan. Napakakalmado ng buong lugar. Ang marahang paghampas ng hangin sa aking mukha ay sinasaliwan ng banayad na tugtugin. Hinanap ko kung saan nagmumula ang musikang kanina pa nagbibigay ng saya sa akin.Sa ilalim ng is
IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa LahiBIGLA kaming napatigil sa paglipad nang salubungin kami ng isang hukbo ng mga kapwa naming mangkukulam na mukhang nagawa nang kontrolin ng mga bampira ang kanilang mga isipan.Ngunit kung titingnan silang mabuti, parang naging mga bampira na rin sila dahil sa mga matutulis nilang mga pangil at mapupulang mga mata.Ginawa silang bampira ng mga kalaban. Marahil ganoon nga ang nangyari.At habang patagal nang patagal ay nadadagdagan ang kanilang bilang. Napakarami nila.Humarap ako sa aking mga kasama at kita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Marahil ay may mga kaibigan, kapatid o kapamilya sila sa mga kalabang kinakaharap namin ngayon. Sinong mag-aakalang gagamitin ng mga bampira ang mga kalahi namin laban sa amin? Hindi ko ito nakita sa aking pangitain ngunit tama nga si Lola Diana, may mga bagay pa ring hindi inaasahang mangyayari.“
IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang RebelasyonNAPABUGA ako ng hangin nang hindi ko namamalayan. Mapakla akong napangiti habang inaalala ang mga masasayang araw namin ni Reese nang magkasama. Kahit sandali pa lamang kaming magkakilala, napamahal na ako sa kaniya. Siya ang ang nagturo sa akin kung paano maging malakas. Pero hindi ko naman alam na darating pala ang araw na ito.Bigla akong napaiktad at napatigil sa pag-iisip nang muling magsalita si Trevor. Kanina pa kasi hindi kumikilos si Reese sa kaniyang kinaroroonan para sundin ang ipinag-uutos ng kaniyang ama kahit pa ginamitan na siya ni Trevor ng Mind Compulsion.“Hindi mo na ako makokontrol pa, Ama. Sa nakalipas na isang linggo, nagawa kong malampasan ang antas ng iyong kapangyarihan. Pagod na akong maging sunod-sunuran pa sa inyo ni Ina,” matigas na hayag ni Reese sa kaniyang ama.Mabilis naman akong kinunutan ng aking noo. Pati rin pala si
IKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Pagtatapos at ang Bagong Simula“MINSAN, hindi alam ng mga tao kung ano ang mga bagay na dapat ipaglaban at kung ano ang hindi. Kung ano ang dapat isuko o ipagpatuloy. Hinahayaan nilang kontrolin sila ng kanilang sariling emosyon. Iyon ang dahilan kung bakit kayong mga tao ay mahihina.”Napailing ang diyablo matapos sabihin ang mga salitang iyon. “Sa sandaling nagawa mong kontrolin ang sarili mong emosyon, magkakaroon ka ng kapangyarihang hindi mo aakalain,” makahulugang wika pa nito.Napaawang ang aking bibig dahil sa aking mga narinig. Hindi ako makapaniwalang isang diyablo ang kaharap namin ngayon. Hindi ba’t punong-puno ng kasamaan ang puso ng mga diyablo, bakit parang kapayapaan at may bahid ng kabutihan ang nakikita ko sa mga mata nito?May punto nga siya. Hindi nga lahat ng bagay ay maaari mong ipaglaban. Hindi lahat ng gusto mo ay puwede mong ipagpilitan. Minsan, kailangan nat
IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase MoonfoxNAPAHAWAK ako sa aking ulo dahil sa pagkahilong nararamdaman ko. Anong nangyari?“Dea, ang hitsura mo... T-teka, totoo ba itong nakikita ko? Ang guardian form ng isang Lunar Deity— ang 8-phase moonfox,” manghang sambit sa akin ni Reese nang mabawi niya ang kaniyang lakas at tumingin sa akin.“Huh?!? Anong sinasabi mo, Reese?” takang tanong ko sa kaniya at saka napatayo.Nagulat ako nang mapansin ang walong buntot na kumakawag sa aking puwetan. Napatingin din ako sa aking mga kamay dahil sa biglaang paghaba ng aking mga kuko. Kinapa ko ang aking ulo at may dalawang nakausling malalambot na bagay ang nakadikit dito. Parang pares ito ng mga tainga ng isang mabalahibong hayop.“Paanong nagagawa mong lampasan palagi ang iyong limitasyon? Dahil ba ito sa determinasyon mong lumaban para protektahan ang mga taong