IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa Malefica
HINDI ko maalis-alis ang aking tingin sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Ngayon lamang ako nagsuot ng ganito kagandang kasuotan sa tanang ng buhay ko. Isa itong pulang corset gown na may bulaklak na disenyo.
Mahigpit ang pagkakasuot nito sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo kaya naman kitang-kita ko ngayon ang hubog ng aking katawan.
Gaya nga ng sinabi ni Reese kaninang hapon, kaarawan ngayon ni Selena. At may magaganap na isang handaan kaya pinag-aayos niya kami. “Napakaganda niyo po talaga, Binibining Dea,” komento ng ginang na nag-ayos sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang papuri. Parang kiniliti ako ng kaniyang mga salita.“Maraming salamat po,” magiliw na wika ko sa kaniya. Bigla namang may kumatok sa pinto ng silid. Pagkatapos ng ikatlong pagkatok, pumihit ang busol ng pinto at bumukas ito. Pumasok ang isang lalaking napakapormal ang kasuotan. Napakaayos ang pagkakasuklay ng mahabang itim na buhok nitong umaabot sa kaniyang balikat. “Binibining Dea, nandito na pala ang inyong sundo. Sa tingin ko po ay tapos na ang trabaho ko po sa inyo. Lalabas na po ako ng silid,” paalam sa akin ng tagapagsilbi at saka yumuko sa akin. Humarap siya kay Reese at yinukuan din bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Napatuon naman ang aking atensyon sa lalaking kasama kong naiwan sa loob ng kuwarto. Ngumiti siya.Hindi ko alam ngunit biglang lumakas ang pagtibok ng aking puso dahil sa ngiti niyang iyon. Napakakisig niyang pagmasdan sa kaniyang ayos ngayon. Napakatipuno ng kaniyang porma at tindig . At ang kaniyang mga ngiti ay lubos na nakakaakit. Mahina siyang napaubo at saka tumikhim na naging dahilan para bumalik ako sa aking diwa. “Tapos ka na bang ilarawan ang hitsura ko ngayon, Binibini? Kulang na lamang kasi ay matunaw ako sa iyong mga titig. Ganoon ba ako kakisig sa iyong paningin kaya hindi mo magawang ilihis ang iyong tingin sa akin?” mayabang niyang mga tanong sa akin saka sumilay ang isang pilyong ngiti sa kaniyang mga labi. Dali-dali akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ’to. Ang sarap niyang sapakin sa totoo lang. Pero hindi ko maiwasang hindi mahiya nang mapagtanto ko kung gaano ako katagal na tumitig sa kaniya kanina. Nababasa niya kaya ang aking isipan? Hindi naman siguro.Dalawang buwan kaming magkasama sa pagsasanay pero ni minsan ay hindi niya nabanggit sa aking nakababasa siya ng isipan.
“Umasa ka. Nagulat lang ako dahil kahit papaano ay nagmukha kang tao sa paningin ko ngayong gabi,” asik ko sa kaniya. Tumawa naman siya dahil sa aking sinabi. “Huwag mo nang ipagkaila pa. Alam ko namang naaakit ka sa hitsura ko ngayon. Hindi kita masisisi—”“Nagpunta ka ba rito para inisin ako? Kung oo, makalalayas ka na. Kaya kong pumunta sa bulwagan nang walang kasama,” pagtataray ko sa kaniya. Muli siyang napahalakhak. Anong nakakatawa sa sinabi ko? “Napakasungit mo naman. Hindi ka na lang mabiro. Tara na nga lang. Hinihintay na tayo ni Ina sa bulwagan,” sambit niya at saka hinigit ang aking kamay. Napatayo naman ako sa kaniyang ginawa. Iginaya niya ang aking kamay papasok sa kanang braso niyang nakaarko habang nakalagay sa kaniyang likod ang kaniyang kamay. Napatigil ako sa kaniyang ginawa. Malakas at mabilis ang pagtibok ng aking puso. Parang gusto nitong kumawala sa aking dibdib. Nag-iinit din ang aking mga pisngi at nakakaramdam ako ng hiya kay Reese. Ano ba ang mga pakiramdam na ito? Palagi ko na lamang nararamdaman ang mga ito sa tuwing kasama ko siya. Hindi ko maipaliwanag. “Ayos ka lang ba? Parang wala ka sa sarili mo ngayon,” usisa niya sa akin. Napatango na lamang ako sa kaniyang bilang pagtugon dahil takot akong baka mautal kapag nagsalita pa ako.“Pero bakit pakiramdam ko sobrang kinakabahan ka ngayon? Masama ba ang pakiramdam mo? Kailangan mo ba—”“A-ayos lang ako, Reese. Wala kang dapat ipag-alala,” hayag ko sa kaniya para pakalmahin siya. Maging ako rin ay kailangang kumalma.Huminga ako ng malalim at ipinayapa ang aking kalooban. Mabuti na lamang at agad ko naman itong nagawa. Ito ang resulta ng aming pagsasanay. Nahasa ko na ang ilan sa aking mga kakayahan.
“Kung gayon, humayo na tayo,” nakangiting aya niya sa akin at wala ng bahid ng pag-aalala sa kaniyang mukha.
Nag-aalala na rin ako sa nangyayari sa akin. Ano bang tawag sa mga nararamdaman ko nitong nakaraan? Normal pa ba ang mga ito?
Ipinagsawalang bahala ko na lamang muna ang mga katanungang bumabagabag sa akin ngayon.
Pagkalabas namin ng silid, nasa bulwagan na agad kami. Kagagawan ito ni Reese. Isa sa kaniyang mga kakayahan ay ang kontrolin ang espasyo sa pagitan ng mga bagay-bagay. Mabilis naman naming nahanap si Reyna Selena kasama ang aking kapatid. Halos bawat oras ay magkasama ang dalawang ito. Tanging pagtulog na nga lang yata ang nakapagpapahiwalay sa kanila. Araw-araw silang naglalaro sa hardin ng palasyo habang kami naman ni Reese ay nasa pagsasanay sa nakalipas na dalawang buwan. Masaya naman ako dahil nakahanap ng totoong kaibigan si John. “Mahal na Reyna,” sabay naming sambit ni Reese at saka napayuko sa kaniya bilang pagbibigay galang. “Reese, Dea, masaya akong makitang magkasama kayong dalawa nang may kapayapaan sa inyong kalooban. Bihira lamang yata ang pagkakataong hindi kayo nag-aaway,” hayag ng reyna sa amin na tila may bahid ng panunukso sa amin. Walang nakapagsalita sa amin ni Reese. Alanganin lamang na napatawa ang lalaki habang napapakamot sa kaniyang batok. “Kumain muna kayo at mag-aliw. Mayamaya lang ay magsisimula na ang sayawan at masayang tugtugan. Kausapin ko lamang ang ilan sa ating mga bisita,” paalam ni Reyna Selena sa amin at saka lumipat sa ibang mesa. Kahit bata ang kaniyang hitsura at isip-bata talaga minsan kung mag-isip, makikita mo talaga ngayong gabing isa nga siyang tunay na reyna. Ang kaniyang mga kilos ngayon ay akmang-akma para sa ina ng buong kaharian. Magiliw at malugod niyang tinatanggap ang bawat panauhin na nakikipag-usap sa kaniya. Pinili namang magpaiwan ni John at sinamahan kami ni Reese na dumulog sa hapag-kainan. Walang pagkain ang hindi namin pinalampas hanggang sa mapuno ang aming mga tiyan. Masaya kaming nagtatawanan at nagkukulitang tatlo. Ngunit napatigil ako nang biglang nahagit ng aking mga mata ang isang napakapulang mansanas na nakahain sa gitna ng mesa.May mga imaheng biglang pumasok sa aking isipan.Madilim na kalangitan. Puting buwan na natalsikan ng pulang likido. Mga aninong lumilipad sa himpapawid. Isang sanggol. Ilan lamang ito sa mga imaheng nakikita ko. Hindi ko rin maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko ngayon. Naninindigan ang mga buhok ko sa katawan. Bigla akong napainom ng isang baso ng tubig para maibsan ang kabang aking nararamdaman.
“Dea, ayos ka lang ba talaga? Anong nangyayari sa’yo? Bakit parang takot na takot ka?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Reese. Napasinghap ako ng hangin bago ako tumugon sa kaniya. “Isang pangitain. Nararamdaman kong may masamang mangyayari ngayong gabi, Reese,” sagot ko sa kaniya. Biglang sumeryoso ang kaniyang ekspresiyon sa mukha. Napahawak si John sa aking braso. “Nararamdaman ko rin, Ate. May panganib na ipinaparating sa akin ang hangin,” biglang pagsingit ng aking kapatid sa usapan.“Kailangan nating makausap ang reyna. Mahalagang malaman niya ang aking mga nakitang pangitain,” hayag ko sa kanilang dalawa. Tumango naman si Reese sa akin at nilisan namin ang mesa. Hinanap namin ang reyna sa bulwagan ngunit hindi namin siya mahagilap. Nagsimula na rin ang tugtugan at sayawan kaya mas lalong umingay ang buong paligid. Nakipagsiksikan kami sa mga taong naririto para lamang hanapin si Reyna Selena ngunit bigo kami. Umalis kami sa bulwagan at nagtanong-tanong sa mga tagapagsilbi at kawal kung nakita ba nila ang reyna. “Nakita ko po siyang pumasok sa silid na iyan kanina, Prinsipe Reese. Hindi ko alam ngunit mukhang nanghihina po siya kanina. Sinubukan ko siyang lapitan at alalayan ngunit pinagbawalan niya po ako,” ulat sa amin ng isa sa mga tagapagsilbi habang nakaturo ang kaniyang daliri sa silid kung saan pumasok ang reyna.“Sige. Maraming salamat. Huwag mong sasabihin sa iba ang iyong nakita,” nagmamadaling sambit ni Reese at tanging tango lamang ang tugon sa kaniya ng tagapagsilbi. Hindi na namin hinintay pa ito na magsalita. Dali-daling binuksan ni Reese ang silid at bumungad sa amin ang isang sanggol na nakaupo sa sahig. Nasa sahig din ang kasuotan kanina ng reyna. Isa lamang ang ibig sabihin nito— ang reyna at ang sanggol ay iisa. “Ina!” alalang sigaw ni Reese at saka binuhat ang sanggol. Inosenteng tumawa ito at pilit na inaabot-abot ang mukha ng lalaki. “Hindi maaari. Isa na lamang siyang ordinaryong tao ngayon. Tuluyan na siyang nilisan ng kaniyang kapangyarihan. At paniguradong pumunta ang lahat ng ito kay Trevor. Napakasama niya talaga,” nanggigigil na saad ni Reese. Kitang-kita ko kung paano umigting ang kaniyang panga. “Mahal na Reyna, Prinsipe Reese!” sigaw naman ni Demito, ang pinuno ng mga cornixus, habang humahangos patungo sa amin. Mukhang may importante itong sasabihin.Bahagya siyang nagulat nang makita ang sanggol na hawak-hawak ni Reese. Ngunit pinili niyang iulat ang kaniyang natuklasan kaysa ang magtanong kung ano ang nangyari sa reyna. “Ano iyon, Heneral Demito?” usisa ni Reese sa cornixus. “Umatake ang mga bampira sa Hilagang bahagi ng kaharian. Nagawa nilang sirain ang harang na pumoprotekta sa buong kaharian. Sinunog nila ang mga bahay at maraming mga mamamayan ang nasawi. Patawad po kung hindi namin ito napigilang mangyari. Sinubukan naming depensahan ang kaharian ngunit wala pang sampung minuto ay kalahati na sa amin ang nawala. Bumalik lamang ako sa palasyo para iulat ang mga pangyayari,” mahabang litaniya nito habang naghahabol ng hininga. Umigting naman ang mga panga naman ni Reese dahil sa narinig.“Kailangan nating depensahan ang kaharian kahit gaano pa kalakas ang mga kalaban,” matigas na sambit ni Reese.“Sa tingin ko po ay hindi ang kanilang hari ang pinuno ng hukbo ng mga bampirang umatake sa atin. Isa po itong babaeng bampirang nagtataglay ng kapangyarihang katulad ng kapangyarihan ni Reyna Selena. Habang nasa kalagitnaan din po kami ng pakikipaglaban, biglang humina ang kapangyarihan naming ipinagkaloob sa amin ng reyna kaya kami natalo kahit laban sa mga mahihinang bampira lamang,” dagdag pa nito. “Heneral, ang sanggol na ito ay ang reyna. Ang sumpa ang dahilan kung bakit humina ang inyong kapangyarihan. At sa tingin ko, napunta ang kapangyarihan at mahika ng aking ina sa babaeng bampirang tinutukoy mo,” saad ni Reese sa cornixus. “Hindi na ako nagtaka pa, Prinsipe Reese. Ngayon ang kaarawan ng reyna kaya paniguradong gagana na naman sa kaniya ang sumpa ng demonyong bampirang iyon. Ano nang gagawin natin ngayon, Mahal na Prinsipe?”Mahihimigan ang magkahalong kalungkutan at galit sa tinig ni Demito.
Hindi muna sinagot ni Reese ang tanong ng heneral. Ibinigay niya ang sanggol sa mga tagapagsilbi at sinabing alagaan nila ito. “Dea, kasama ba kita sa labang ito?” “Hindi na kailangang tanungin mo pa ako niyan, Reese,” tugon ko sa kaniya. Tumango siya sa akin. “Iligtas muna natin ang mga mamamayan ng Malefica na nasa Hilagang bahagi ng kaharian. Kumapit kayo sa akin,” utos niya sa amin.“Prinsipe Reese, nais kong sumama sa inyo ngunit magpapaiwan ako rito para protektahan ang reyna. Sa nakalipas na dalawang buwan, hindi lamang nakipaglaro sa akin si Reyna Selena. Sinanay niya rin ako para linangin ang mahikang taglay ko. Kaya sana’y magtiwala po kayo sa akin,” biglang pagsingit ni John sa eksena. Napatitig lamang kami sa kaniya. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang determinasyon. Alam kong naging mahalagang bahagi na rin ng kaniyang buhay ang reyna.“Sige, John. Maraming salamat,” tugon naman sa kaniya ni Reese. Ngumiti ako sa aking kapatid para palakasin ang kaniyang loob. Ipinatong ko ang aking kamay sa balikat ni Reese. “Ate Dea, Prinsipe Reese, mag-iingat po kayo. Hihintayin po namin ang inyong pagbabalik,” huling wika sa amin ni John bago kami maglaho sa palasyo at mailipat sa isang nasusunog na bayan.Nagkalat ang mga bangkay ng mga nasawing cornixus sa paligid. Nakaririndi ang mga sigawan ng mga tao habang umiiyak. Napakuyom ako ng aking mga kamao. Hindi ito makatarungan. Kasuklam-suklam. Hindi ko sila mapapatawad.IKA-WALONG KABANATA: Lunar MagicIPINASA ko ang batang buhat-buhat ko sa ina nitong kanina pa naghahanap sa kaniya. Iniligtas ko ito mula sa bahay nilang tinutupok ng apoy. Mabuti na lamang at narinig ko ang malakas nitong pag-iyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.Ang nakakalungkot lamang ay namatay ang ama nito habang pinoprotektahan siya mula sa mga nagsisilaglagang nasusunog na bahagi ng bahay. Isa iyong napakasalimuot na karanasan para sa isang batang katulad niya.“Maraming salamat sa panliligtas ng aking anak, Binibini. Habambuhay ko itong tatanawin na utang loob sa inyo,” mangiyak-ngiyak na sambit ng ina ng bata sa akin at mukhang batid na sa kaniyang kaalaman ang sinapit ng kaniyang asawa.Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman po. Huwag niyo pong alalahanin iyon. Lumikas na po kayo sa ligtas na lugar,” hayag ko sa kaniya. Tumango nama
IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni DemitoNAPAKAGAT ako ng aking ibabang labi habang iniinda ang napakaraming sugat na nakuha ko mula sa mga atake ng aking kalaban. Hindi ko masundan ang bawat galaw nito at mabilis na nagpapalipat-lipat ng direksyon. Hindi ako makasabay.Nagpokus ako at tinipon ang lahat ng mahika sa aking katawan. Kailangan kong kumalma. Hindi ako maaaring mataranta. Huminga ako ng malalim ngunit napatigil ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang kumirot na naman ang aking puso. Parang unti-unti itong dinudurog. Sumpain ka, Finis!Kailangan ko ring mag-isip ng paraan kung paano tanggalin ang mga sinulid nitong unti-unting pumupulupot sa aking puso. Hindi ako puwedeng matalo.Bigla na lamang akong napaluhod sabay tukod ng aking espada sa lupa. Pinagpapawisan ako nang malapot. Habang patagal nang patagal ay nahihirapan akong huminga.Nanghihina rin ako na naging dahilan para manlabo ang
IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng NadaramaNAPATULALA ako nang napagtanto ko kung ano ang sumunod na ginawa ni Reese. Matapos niyang pakawalan ang kaniyang napakalakas na spell patungo sa aming direksyon ni Finis, sinalubong niya ito nang walang pag-aalinlangan at sinubukang ilihis ang direksyon.“Reese, hindi! Huwag mong gawin iyan!” sigaw ko sa kaniya ngunit tila hindi niya ako naririnig.“Pagkakataon ko na ito para tumakas,” sambit ng kalaban at saka ako binitiwan.Lumipad siya palayo sa akin ngunit hindi ko hinayaan ang kaniyang binabalak na pagtakas.“Absolute Prison!” sigaw ko at ikinumpas ang aking kamay sa kaniyang direksyon.Halit sa lalamunang nagsisigaw ito at pilit na kumakawala sa aking spell.Lumipad ako para tulungan si Reese na salagin ang spell niya ngunit bigla na lamang akong nakulong sa isang makapal na harang.&l
IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar DeityNAIMULAT ko ang aking mga mata nang may tumawag sa aking pangalan. Malamyos na tinig ito ng isang babae. Kumunot ang aking noo at iginala ang aking paningin sa buong paligid.Teka, hindi ito ang kanlungang pinagtataguan namin. Nasa’n ako? Alam kong natutulog lang ako kanina katabi ang aking kapatid at ang iba pa naming kasama ngunit paggising ko ay nasa ibang lugar na ako.Nagitla ako sa malalim na pag-iisip nang may musikang namayani sa buong paligid. Napakaganda nito sa pandinig. Idagdag mo pa ang tanawing nakikita ko ngayon.Isang malawak na lawa ang nasa aking harapan habang malinaw na nakikita ko rito ang nakabibighaning repleksiyon ng buwan. Napakakalmado ng buong lugar. Ang marahang paghampas ng hangin sa aking mukha ay sinasaliwan ng banayad na tugtugin. Hinanap ko kung saan nagmumula ang musikang kanina pa nagbibigay ng saya sa akin.Sa ilalim ng is
IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa LahiBIGLA kaming napatigil sa paglipad nang salubungin kami ng isang hukbo ng mga kapwa naming mangkukulam na mukhang nagawa nang kontrolin ng mga bampira ang kanilang mga isipan.Ngunit kung titingnan silang mabuti, parang naging mga bampira na rin sila dahil sa mga matutulis nilang mga pangil at mapupulang mga mata.Ginawa silang bampira ng mga kalaban. Marahil ganoon nga ang nangyari.At habang patagal nang patagal ay nadadagdagan ang kanilang bilang. Napakarami nila.Humarap ako sa aking mga kasama at kita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Marahil ay may mga kaibigan, kapatid o kapamilya sila sa mga kalabang kinakaharap namin ngayon. Sinong mag-aakalang gagamitin ng mga bampira ang mga kalahi namin laban sa amin? Hindi ko ito nakita sa aking pangitain ngunit tama nga si Lola Diana, may mga bagay pa ring hindi inaasahang mangyayari.“
IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang RebelasyonNAPABUGA ako ng hangin nang hindi ko namamalayan. Mapakla akong napangiti habang inaalala ang mga masasayang araw namin ni Reese nang magkasama. Kahit sandali pa lamang kaming magkakilala, napamahal na ako sa kaniya. Siya ang ang nagturo sa akin kung paano maging malakas. Pero hindi ko naman alam na darating pala ang araw na ito.Bigla akong napaiktad at napatigil sa pag-iisip nang muling magsalita si Trevor. Kanina pa kasi hindi kumikilos si Reese sa kaniyang kinaroroonan para sundin ang ipinag-uutos ng kaniyang ama kahit pa ginamitan na siya ni Trevor ng Mind Compulsion.“Hindi mo na ako makokontrol pa, Ama. Sa nakalipas na isang linggo, nagawa kong malampasan ang antas ng iyong kapangyarihan. Pagod na akong maging sunod-sunuran pa sa inyo ni Ina,” matigas na hayag ni Reese sa kaniyang ama.Mabilis naman akong kinunutan ng aking noo. Pati rin pala si
IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase MoonfoxNAPAHAWAK ako sa aking ulo dahil sa pagkahilong nararamdaman ko. Anong nangyari?“Dea, ang hitsura mo... T-teka, totoo ba itong nakikita ko? Ang guardian form ng isang Lunar Deity— ang 8-phase moonfox,” manghang sambit sa akin ni Reese nang mabawi niya ang kaniyang lakas at tumingin sa akin.“Huh?!? Anong sinasabi mo, Reese?” takang tanong ko sa kaniya at saka napatayo.Nagulat ako nang mapansin ang walong buntot na kumakawag sa aking puwetan. Napatingin din ako sa aking mga kamay dahil sa biglaang paghaba ng aking mga kuko. Kinapa ko ang aking ulo at may dalawang nakausling malalambot na bagay ang nakadikit dito. Parang pares ito ng mga tainga ng isang mabalahibong hayop.“Paanong nagagawa mong lampasan palagi ang iyong limitasyon? Dahil ba ito sa determinasyon mong lumaban para protektahan ang mga taong
IKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Pagtatapos at ang Bagong Simula“MINSAN, hindi alam ng mga tao kung ano ang mga bagay na dapat ipaglaban at kung ano ang hindi. Kung ano ang dapat isuko o ipagpatuloy. Hinahayaan nilang kontrolin sila ng kanilang sariling emosyon. Iyon ang dahilan kung bakit kayong mga tao ay mahihina.”Napailing ang diyablo matapos sabihin ang mga salitang iyon. “Sa sandaling nagawa mong kontrolin ang sarili mong emosyon, magkakaroon ka ng kapangyarihang hindi mo aakalain,” makahulugang wika pa nito.Napaawang ang aking bibig dahil sa aking mga narinig. Hindi ako makapaniwalang isang diyablo ang kaharap namin ngayon. Hindi ba’t punong-puno ng kasamaan ang puso ng mga diyablo, bakit parang kapayapaan at may bahid ng kabutihan ang nakikita ko sa mga mata nito?May punto nga siya. Hindi nga lahat ng bagay ay maaari mong ipaglaban. Hindi lahat ng gusto mo ay puwede mong ipagpilitan. Minsan, kailangan nat

IKA-WALONG KABANATA: Lunar MagicIPINASA ko ang batang buhat-buhat ko sa ina nitong kanina pa naghahanap sa kaniya. Iniligtas ko ito mula sa bahay nilang tinutupok ng apoy. Mabuti na lamang at narinig ko ang malakas nitong pag-iyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.Ang nakakalungkot lamang ay namatay ang ama nito habang pinoprotektahan siya mula sa mga nagsisilaglagang nasusunog na bahagi ng bahay. Isa iyong napakasalimuot na karanasan para sa isang batang katulad niya.“Maraming salamat sa panliligtas ng aking anak, Binibini. Habambuhay ko itong tatanawin na utang loob sa inyo,” mangiyak-ngiyak na sambit ng ina ng bata sa akin at mukhang batid na sa kaniyang kaalaman ang sinapit ng kaniyang asawa.Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman po. Huwag niyo pong alalahanin iyon. Lumikas na po kayo sa ligtas na lugar,” hayag ko sa kaniya. Tumango nama
IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa MaleficaHINDI ko maalis-alis ang aking tingin sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Ngayon lamang ako nagsuot ng ganito kagandang kasuotan sa tanang ng buhay ko. Isa itong pulang corset gown na may bulaklak na disenyo.Mahigpit ang pagkakasuot nito sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo kaya naman kitang-kita ko ngayon ang hubog ng aking katawan.Gaya nga ng sinabi ni Reese kaninang hapon, kaarawan ngayon ni Selena. At may magaganap na isang handaan kaya pinag-aayos niya kami.“Napakaganda niyo po talaga, Binibining Dea,” komento ng ginang na nag-ayos sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang papuri. Parang kiniliti ako ng kaniyang mga salita.“Maraming salamat po,” magiliw na wika ko sa kaniya.Bigla namang may kumatok sa pinto ng silid. Pagkatapos ng ikatlong pagkatok, pumih