IKA-ANIM NA KABANATA: Unang Bugso ng Damdamin
SUBUKAN mong muli. Huwag mo kasing hayaang mawala ka sa pokus. Isang linggo na tayong nagsasanay pero hindi mo pa nagagawang tawirin ang lubid na ito nang nakapikit. Inuulit ko, huwag mong hayaang mawala ka sa pokus. Ipayapa mo ang iyong isipan at isiping naglalakad ka lamang sa isang kalmadong dagat,” malakas na hayag sa akin ng aking guro.
Napakaistrikto niya talaga. Tama nga siya. Isang linggo na kami sa pagsasanay na ito ngunit ni minsan ay hindi ko pa napagtatagumpayan ang pinapagawa niya. Ngunit, hindi ako susuko. Kailangan kong malampasan ang pagsubok na ito.Naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin noong nakaraan. “Kung hindi mo kayang tawirin ang lubid na ito nang nakapikit, huwag ka nang umasang magiging malakas ka sa mental na aspeto.”Naniniwala ako sa kaniya. Alam kong parte ang pagsubok na ito sa aming pagsasanay. Wala naman akong karapatang magreklamo dahil gusto ko talagang maging malakas, sa pisikal o mental na aspeto man ng aking sarili. Biglang sumenyas si Master Reese sa akin kaya naman wala akong nagawa kundi sumampa sa tuntungan at saka unang inihakbang ang aking kanang paa sa lubid. Pumikit ako at itaas ang aking mga kamay nang pahalang. Kaya mo ito, Dea.Dahan-dahan akong gumawa ng hakbang sa lubid. Pinagana ko ang lahat ng aking pandama at hindi nagpatinag sa takot kong baka mabigo na naman ako at mahulog. Kahit nakapikit, nakikita ko ang buong paligid. Naririnig ko rin ang huni ng mga maliliit na insektong nagtatago sa damuhan. Ang halimuyak ng mga bulaklak sa hindi kalayuan ay nanunuot sa aking ilong. Kahit papaano ay nagagawa kong ipayapa ang aking isipan. At nagagawa ko ring magkaroon ng kamalayan sa paligid ko kahit pa sarado ang aking mga mata.“Malapit ka na, Dea. Diretso lang,” wika sa akin ni Master Reese ngunit hindi ko siya pinansin. Alam kong sinasadya niyang mag-ingay para mawala ako sa pokus. Hindi ngayon gayong malapit na akong matapos at magtagumpay sa gawaing ito. Nagpatuloy lang ako sa paghakbang. Dahan-dahan ngunit sigurado. “Tatlong hakbang na lamang, Dea. Kaya mo ’yan,” pagpapalakas ko ng aking loob. “Sige, Dea. Malapit na. Kaunti na lang. Galingan mo kundi sa akin ang bagsak mo,” magiliw na sambit ni Master Reese sa akin at medyo natawa pa sa huli niyang sinabi. “... Galingan mo kundi sa akin ang bagsak mo.” Ilang beses na nagpaulit-ulit ang mga kataga niyang ito sa akin bago rumehistro sa aking isipan. Nagitla ako sa paghakbang at bigla na lamang nawala ang aking balanse. Nataranta ako at nadulas ang aking kaliwang paa nang apakan ko na ang lubid. Bakit ako kinakabahan ngayon? Anong mayroon sa mga salita niyang iyon at bakit ganoon na lamang ang epekto nito sa akin?Alam kong mahuhulog na naman ako ngunit hindi sa lupa ako bumagsak. Naramdaman ko na lamang nasa mga bisig ako ni Master Reese. Napatingin ako sa kaniya at hindi ko inaasahang magtatagpo ang aming mga mata. Tila ako hinihipnotismo ng mga ito. Ilang beses akong napakurap sa kaniya habang nakaawang ang aking bibig. Parang biglang bumagal ang takbo ng oras. Hindi ko rin maipaliwanag ang nakakakiliting sensasyong dumadaloy sa aking mga ugat ngayon at ang tila ba napakaraming lumilipad na bagay sa aking tiyan. Bigla naman akong bumalik sa aking huwisyo nang tumikhim siya at marahan akong ibinaba mula sa kaniyang pagkakabuhat sa akin.“Sabi ko na nga ba’t babagsak ka na naman. Hinayaan mo naman kasi akong guluhin ang iyong isipan,” naiiling niyang pahayag sa akin. “P-pasensya na, Master Reese. Susubukan ko pong muli,” paghingi ko ng paumanhin at mabilis na tumuntong sa lubid. Ngunit bago ako humakbang dito, tinawag niya ang aking pangalan.“Dea.”
Hindi ko alam ngunit biglang nawala ang pagiging istrikto sa kaniyang boses nang tawagin niya ako. Napalingon ako sa kaniya ngunit nakaramdam ako ng hiya kaya bahagya akong yumuko.
“A-ano po ’yon, Master Reese?” pautal-utal kong tanong sa kaniya. Bakit ba nagkakaganito ang dila ko? At bakit ako biglang tinamaan ng hiya? Saan pumunta lahat ng inis ko sa kaniya?Napaangat ako ng aking ulo nang muli siyang tumikhim. Mukhang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya masabi-sabi. Napansin ko rin ang pamumula ng kaniyang mga tainga. Bakit kaya?Napaiktad ako at muntik na namang mahulog nang bigla siyang tumingin nang diretso sa akin. Mabuti na lamang at mabilis niyang nahawakan ang aking kamay para ako’y alalayan at tinulungang balansehin ang aking sarili. Sa paghawak niya ng aking kamay, muli na namang kumabog nang malakas ang aking dibdib. Mabilis akong napabitiw ako sa kaniya.
“Ano po ang sasabihin niyo, Master—”“Maaari bang mula ngayon ay tawagin mo na lamang ako sa aking pangalan?” putol niya sa aking katanungan. Napatulala ako sa kaniyang sinabi. Ilang beses ko na namang naikurap ang aking mga mata sa kaniya at tila ba wala akong maisip na isasagot sa kaniyang tanong. “Mali pala. Hindi dapat patanong iyon. Bilang iyong master, nais kong tawagin mo ako sa aking pangalan magmula ngayon. Maliwanag ba?” hayag niya sa akin at ibinalik ang pagkaistrikto sa kaniyang boses. Hindi ako makapaniwala sa mga salitang namumutawi sa kaniyang bibig ngayon. Anong nakain niya ngayong araw at—“Dea Southheil, kinakausap kita! Narinig mo ba ang aking ipinag-uutos?” maawtoridad niyang pag-usisa sa akin. “O-opo,” tanging tugon ko. Tinawag niya na naman ako sa aking buong pangalan. “Mabuti naman. Bumalik ka na sa iyong pagsasanay. Sana naman ngayon ay magtagumpay ka na nang makakain na tayo,” malakas niyang sambit sa akin.Maingay pa rin siya kahit kailan.
Tumalima na lamang ako sa kaniyang sinasabi. Sisiguraduhin kong mapagtatagumpayan ko na ang pagsubok na ito sa pagkakataong ito. Hindi na ako magpapaapekto pa sa kahit anong sasabihin ng Reese na iyan. Teka, tinawag ko ba siya sa kaniyang pangalan? Nakakapanibago lang kasi. Hindi bale na nga.Nagsimula na ako sa pagtahak ng lubid. Ikinalma ko ang aking puso’t isipan. Mabuti na lamang at hindi na ako kinakabahan ngayon. “Diretso lang, Dea. Malapit ka na,” wika ko sa aking sarili. Inaasahan kong mag-iingay si Reese para abalahin ako sa pagpopokus ngunit himala yatang tumahimik siya.Tatlong hakbang.
Dalawang hakbang.At isang hakbang. Nagawa ko! Nagtagumpay ako.“Binabati kita. Sinabi ko naman sa’yong—” Bigla naman siyang napatigil sa pagsasalita nang bigla ko siyang yakapin dahil sa labis na kasiyahan. Ngunit agad din lang akong napahiwalay sa kaniya at napatalikod na lang bigla nang mapagtanto ko kung ano ang aking ginawa. Nag-iinit ang aking mukha dahil sa sobrang hiya. “P-paumanhin, Reese. Hindi ko sinasadyang yakapin ka,” nahihiyang saad ko sa kaniya. Narinig ko ang kaniyang marahang pagtawa mula sa aking likuran. Anong nakakatawa sa sinabi ko?“Masaya akong masaya ka at nagtagumpay sa ipinapagawa ko. Ito ang tandaan mo, kapag nahaharap sa mga seryoso at alanganing sitwasyon, huwag mong hahayaang mawala ka sa iyong pokus. Magtiwala ka rin sa iyong sarili,” paalala niya kahit ilang beses niya na itong sinabi sa akin. Ipinihit ko ang mga paa ko paharap sa kaniya ngunit nanatiling nakayuko ang aking ulo. Hindi ko kayang tumingin sa kaniya nang diretso. Nahihiya ako. “Salamat sa paalala, R-Reese. Hindi ko iyon kalilimutan.”
Mas lalong nadagdagan ang aking hiya dahil nautal ako sa pagkakasabi ng kaniyang pangalan. Ipinapanalangin ko na sana kainin na lamang ako ng lupa ngayon. Nakakahiya talaga.
Muli kong narinig ang kaniyang banayad na paghalakhak. “Walang anuman. Isang linggo pa lamang tayo sa iyong pagsasanay. Marami ka pang aaraling paraan para mapalabas mo ang iyong tunay na kapangyarihan. Sa ngayon, bumalik na muna tayo sa palasyo at kumain. Magpahinga ka na rin at sa isang araw na natin ipagpapatuloy ang iyong pagsasanay,” mahabang litaniya niya sa akin. Dahan-dahan lamang akong tumango sa kaniya ngunit hindi ko pa rin magawang tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata. Nagulat ako nang bigla niyang tapik-tapikin ang aking ulo. Kumunot ang aking noo at hindi ko namamalayang napapairap na pala ako sa ere dahil sa kaniyang ginagawa. Anong tingin niya sa akin? Bata?Akmang susuwayin ko sana siya ngunit napako ako sa aking kinaroroonan nang makita ang matamis niyang ngiti sa kaniyang mukha. Wala akong makitang bahid ng pang-iinis sa ngiti niyang ito. Puro lamang at natural. Tumalikod na lamang ako sa kaniya nang walang anumang ginagawang ingay. Nagsimula na akong maglakad at iniwan siya doon nang mag-isa. Pero kahit medyo malayo na ang inilakad ko mula sa kaniya, nahihiya pa rin ako. Hindi ko pa rin maawat ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Ano ito? At bakit ako nakakaramdam ng ganito? Wala naman akong sakit, sa tingin ko.*****
MABILIS na lumipas ang oras. Ang mga araw ay naging linggo at ang linggo ay naging buwan. Marami akong natutunan kay Reese sa loob ng dalawang buwan. Tinuruan niya rin ako kung paano ang tamang paghawak at paggamit ng espada.
Nagawa kong linangin ang aking mga pisikal na kakayahan at mental na kamalayan sa tulong at gabay niya kahit araw-araw niya akong inaasar. Habang patagal nang patagal kami sa aming pagsasanay, unti-unti kong nailalabas ang kapangyarihan ng Luna.Masayang-masaya ako sa tuwing may ipinapagawa si Reese tapos napagtatagumpayan ko ito. Istrikto nga siya pagdating sa aming pagsasanay ngunit masasabi kong magaling siyang tagapagturo.
“Ito na ang huling araw ng iyong pagsasanay. Pagkatapos nito ay babalik na ako sa Lamia para manmanan ang mga kalaban,” biglang sambit ni Reese habang nakatingin sa papalubog na araw. Napalingon ako sa kaniya kasabay ng banayad na paghampas ng hangin sa aking mukha.“Sasama ako sa iyo. Gusto kong kumalap ng mga impormasyon tungkol sa mga bampira at sa kanilang hari,” mahinahong hayag ko sa kaniya. “Sigurado ka ba? Kapag tumuntong ka sa kaharian ng mga bampira, para mo na ring ibinaon sa hukay ang iyong isang paa.”“Ayos lang. Nakahanda ako. At saka hindi na ako tulad ng dati na mahina.” Marahan akong napangiti sa kaniya. Ngumiti naman siya pabalik sa akin.“Sige. Kakausapin ko si Ina tungkol dito. Sa ngayon...”Tumayo siya at itinigil saglit ang pagsasalita.
“umuwi na muna tayo at maghanda para sa isang piging na gaganapin mamayang gabi,” wika niya sa akin.“Piging? Para saan?” takang tanong ko naman.“Ngayon ang ika-450 na kaarawan ng aking ina,” tugon niya sa akin ngunit may halong kalungkutan. Dahil ba ito sa sumpa?“Natatakot ako para sa aking ina. Habang patagal nang patagal ay bumabata siya— bagay na hindi ko ikinatutuwa. Ayaw ko siyang mamatay kaya naman iginugol ko ang aking panahon at oras para alamin ang kahinaan ng bampirang sumumpa sa kaniya at kung paano mababasag ang sumpa. Ginawa ko ang lahat pero kulang pa rin. Kulang pa rin ang aking lakas para talunin si Trevor,” dagdag pa niya. Malalim siyang napabuntonghininga at saka napayuko na lamang. Tumayo ako para hindi na ako tumingala sa kaniya habang nagsasalita. Nahagit naman ng aking mga mata ang pagbagsak ng kaniyang luha sa lupa. Kitang-kita ko rin ang panggigigil sa kaniyang panga at mga kamay.Bigla kong hinawakan ko ang kaniyang mukha at ipinaharap sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa pero parang may nagtulak sa akin para gawin ito. Napatulala siya sa aking ginawa at tumigil sa pag-iyak.
“Talunin natin si Trevor at tapusin ang kaniyang kasamaan. Iyon lang ang tanging paraan para maprotektahan natin ang mga mahal natin sa buhay. Kung kulang ang iyong lakas, papahiraman kita. At gano’n ka rin sa akin. Magtulungan tayo para sa mga taong pinapahalagahan natin,” seryoso kong hayag sa kaniya at saka ngumiti. Pinawi niya ang mga luha sa kaniyang pisngi at sumilay muli ang ngiti sa kaniyang mga labi. “Sang-ayon ako sa sinabi mo. Kung hindi kaya ng isa, makakaya ng dalawa,” sambit niya na may ngiti pa rin sa kaniyang mukha. Tinapik-tapik niya ang aking ulo gaya ng kaniyang nakaugalian. Ilang beses ko na siyang sinuway na huwag na niya itong uulitin pero napakakulit niya. Nasanay na ako kaya hindi ko na lamang pinansin iyon. Ilang sandali lamang ay napagdesisyunan na naming bumalik sa palasyo. Paniguradong hinihintay na naman nina John at Reyna Selena ang aming pag-uwi.IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa MaleficaHINDI ko maalis-alis ang aking tingin sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Ngayon lamang ako nagsuot ng ganito kagandang kasuotan sa tanang ng buhay ko. Isa itong pulang corset gown na may bulaklak na disenyo.Mahigpit ang pagkakasuot nito sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo kaya naman kitang-kita ko ngayon ang hubog ng aking katawan.Gaya nga ng sinabi ni Reese kaninang hapon, kaarawan ngayon ni Selena. At may magaganap na isang handaan kaya pinag-aayos niya kami.“Napakaganda niyo po talaga, Binibining Dea,” komento ng ginang na nag-ayos sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang papuri. Parang kiniliti ako ng kaniyang mga salita.“Maraming salamat po,” magiliw na wika ko sa kaniya.Bigla namang may kumatok sa pinto ng silid. Pagkatapos ng ikatlong pagkatok, pumih
IKA-WALONG KABANATA: Lunar MagicIPINASA ko ang batang buhat-buhat ko sa ina nitong kanina pa naghahanap sa kaniya. Iniligtas ko ito mula sa bahay nilang tinutupok ng apoy. Mabuti na lamang at narinig ko ang malakas nitong pag-iyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.Ang nakakalungkot lamang ay namatay ang ama nito habang pinoprotektahan siya mula sa mga nagsisilaglagang nasusunog na bahagi ng bahay. Isa iyong napakasalimuot na karanasan para sa isang batang katulad niya.“Maraming salamat sa panliligtas ng aking anak, Binibini. Habambuhay ko itong tatanawin na utang loob sa inyo,” mangiyak-ngiyak na sambit ng ina ng bata sa akin at mukhang batid na sa kaniyang kaalaman ang sinapit ng kaniyang asawa.Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman po. Huwag niyo pong alalahanin iyon. Lumikas na po kayo sa ligtas na lugar,” hayag ko sa kaniya. Tumango nama
IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni DemitoNAPAKAGAT ako ng aking ibabang labi habang iniinda ang napakaraming sugat na nakuha ko mula sa mga atake ng aking kalaban. Hindi ko masundan ang bawat galaw nito at mabilis na nagpapalipat-lipat ng direksyon. Hindi ako makasabay.Nagpokus ako at tinipon ang lahat ng mahika sa aking katawan. Kailangan kong kumalma. Hindi ako maaaring mataranta. Huminga ako ng malalim ngunit napatigil ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang kumirot na naman ang aking puso. Parang unti-unti itong dinudurog. Sumpain ka, Finis!Kailangan ko ring mag-isip ng paraan kung paano tanggalin ang mga sinulid nitong unti-unting pumupulupot sa aking puso. Hindi ako puwedeng matalo.Bigla na lamang akong napaluhod sabay tukod ng aking espada sa lupa. Pinagpapawisan ako nang malapot. Habang patagal nang patagal ay nahihirapan akong huminga.Nanghihina rin ako na naging dahilan para manlabo ang
IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng NadaramaNAPATULALA ako nang napagtanto ko kung ano ang sumunod na ginawa ni Reese. Matapos niyang pakawalan ang kaniyang napakalakas na spell patungo sa aming direksyon ni Finis, sinalubong niya ito nang walang pag-aalinlangan at sinubukang ilihis ang direksyon.“Reese, hindi! Huwag mong gawin iyan!” sigaw ko sa kaniya ngunit tila hindi niya ako naririnig.“Pagkakataon ko na ito para tumakas,” sambit ng kalaban at saka ako binitiwan.Lumipad siya palayo sa akin ngunit hindi ko hinayaan ang kaniyang binabalak na pagtakas.“Absolute Prison!” sigaw ko at ikinumpas ang aking kamay sa kaniyang direksyon.Halit sa lalamunang nagsisigaw ito at pilit na kumakawala sa aking spell.Lumipad ako para tulungan si Reese na salagin ang spell niya ngunit bigla na lamang akong nakulong sa isang makapal na harang.&l
IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar DeityNAIMULAT ko ang aking mga mata nang may tumawag sa aking pangalan. Malamyos na tinig ito ng isang babae. Kumunot ang aking noo at iginala ang aking paningin sa buong paligid.Teka, hindi ito ang kanlungang pinagtataguan namin. Nasa’n ako? Alam kong natutulog lang ako kanina katabi ang aking kapatid at ang iba pa naming kasama ngunit paggising ko ay nasa ibang lugar na ako.Nagitla ako sa malalim na pag-iisip nang may musikang namayani sa buong paligid. Napakaganda nito sa pandinig. Idagdag mo pa ang tanawing nakikita ko ngayon.Isang malawak na lawa ang nasa aking harapan habang malinaw na nakikita ko rito ang nakabibighaning repleksiyon ng buwan. Napakakalmado ng buong lugar. Ang marahang paghampas ng hangin sa aking mukha ay sinasaliwan ng banayad na tugtugin. Hinanap ko kung saan nagmumula ang musikang kanina pa nagbibigay ng saya sa akin.Sa ilalim ng is
IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa LahiBIGLA kaming napatigil sa paglipad nang salubungin kami ng isang hukbo ng mga kapwa naming mangkukulam na mukhang nagawa nang kontrolin ng mga bampira ang kanilang mga isipan.Ngunit kung titingnan silang mabuti, parang naging mga bampira na rin sila dahil sa mga matutulis nilang mga pangil at mapupulang mga mata.Ginawa silang bampira ng mga kalaban. Marahil ganoon nga ang nangyari.At habang patagal nang patagal ay nadadagdagan ang kanilang bilang. Napakarami nila.Humarap ako sa aking mga kasama at kita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Marahil ay may mga kaibigan, kapatid o kapamilya sila sa mga kalabang kinakaharap namin ngayon. Sinong mag-aakalang gagamitin ng mga bampira ang mga kalahi namin laban sa amin? Hindi ko ito nakita sa aking pangitain ngunit tama nga si Lola Diana, may mga bagay pa ring hindi inaasahang mangyayari.“
IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang RebelasyonNAPABUGA ako ng hangin nang hindi ko namamalayan. Mapakla akong napangiti habang inaalala ang mga masasayang araw namin ni Reese nang magkasama. Kahit sandali pa lamang kaming magkakilala, napamahal na ako sa kaniya. Siya ang ang nagturo sa akin kung paano maging malakas. Pero hindi ko naman alam na darating pala ang araw na ito.Bigla akong napaiktad at napatigil sa pag-iisip nang muling magsalita si Trevor. Kanina pa kasi hindi kumikilos si Reese sa kaniyang kinaroroonan para sundin ang ipinag-uutos ng kaniyang ama kahit pa ginamitan na siya ni Trevor ng Mind Compulsion.“Hindi mo na ako makokontrol pa, Ama. Sa nakalipas na isang linggo, nagawa kong malampasan ang antas ng iyong kapangyarihan. Pagod na akong maging sunod-sunuran pa sa inyo ni Ina,” matigas na hayag ni Reese sa kaniyang ama.Mabilis naman akong kinunutan ng aking noo. Pati rin pala si
IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase MoonfoxNAPAHAWAK ako sa aking ulo dahil sa pagkahilong nararamdaman ko. Anong nangyari?“Dea, ang hitsura mo... T-teka, totoo ba itong nakikita ko? Ang guardian form ng isang Lunar Deity— ang 8-phase moonfox,” manghang sambit sa akin ni Reese nang mabawi niya ang kaniyang lakas at tumingin sa akin.“Huh?!? Anong sinasabi mo, Reese?” takang tanong ko sa kaniya at saka napatayo.Nagulat ako nang mapansin ang walong buntot na kumakawag sa aking puwetan. Napatingin din ako sa aking mga kamay dahil sa biglaang paghaba ng aking mga kuko. Kinapa ko ang aking ulo at may dalawang nakausling malalambot na bagay ang nakadikit dito. Parang pares ito ng mga tainga ng isang mabalahibong hayop.“Paanong nagagawa mong lampasan palagi ang iyong limitasyon? Dahil ba ito sa determinasyon mong lumaban para protektahan ang mga taong
IKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Pagtatapos at ang Bagong Simula“MINSAN, hindi alam ng mga tao kung ano ang mga bagay na dapat ipaglaban at kung ano ang hindi. Kung ano ang dapat isuko o ipagpatuloy. Hinahayaan nilang kontrolin sila ng kanilang sariling emosyon. Iyon ang dahilan kung bakit kayong mga tao ay mahihina.”Napailing ang diyablo matapos sabihin ang mga salitang iyon. “Sa sandaling nagawa mong kontrolin ang sarili mong emosyon, magkakaroon ka ng kapangyarihang hindi mo aakalain,” makahulugang wika pa nito.Napaawang ang aking bibig dahil sa aking mga narinig. Hindi ako makapaniwalang isang diyablo ang kaharap namin ngayon. Hindi ba’t punong-puno ng kasamaan ang puso ng mga diyablo, bakit parang kapayapaan at may bahid ng kabutihan ang nakikita ko sa mga mata nito?May punto nga siya. Hindi nga lahat ng bagay ay maaari mong ipaglaban. Hindi lahat ng gusto mo ay puwede mong ipagpilitan. Minsan, kailangan nat
IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase MoonfoxNAPAHAWAK ako sa aking ulo dahil sa pagkahilong nararamdaman ko. Anong nangyari?“Dea, ang hitsura mo... T-teka, totoo ba itong nakikita ko? Ang guardian form ng isang Lunar Deity— ang 8-phase moonfox,” manghang sambit sa akin ni Reese nang mabawi niya ang kaniyang lakas at tumingin sa akin.“Huh?!? Anong sinasabi mo, Reese?” takang tanong ko sa kaniya at saka napatayo.Nagulat ako nang mapansin ang walong buntot na kumakawag sa aking puwetan. Napatingin din ako sa aking mga kamay dahil sa biglaang paghaba ng aking mga kuko. Kinapa ko ang aking ulo at may dalawang nakausling malalambot na bagay ang nakadikit dito. Parang pares ito ng mga tainga ng isang mabalahibong hayop.“Paanong nagagawa mong lampasan palagi ang iyong limitasyon? Dahil ba ito sa determinasyon mong lumaban para protektahan ang mga taong
IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang RebelasyonNAPABUGA ako ng hangin nang hindi ko namamalayan. Mapakla akong napangiti habang inaalala ang mga masasayang araw namin ni Reese nang magkasama. Kahit sandali pa lamang kaming magkakilala, napamahal na ako sa kaniya. Siya ang ang nagturo sa akin kung paano maging malakas. Pero hindi ko naman alam na darating pala ang araw na ito.Bigla akong napaiktad at napatigil sa pag-iisip nang muling magsalita si Trevor. Kanina pa kasi hindi kumikilos si Reese sa kaniyang kinaroroonan para sundin ang ipinag-uutos ng kaniyang ama kahit pa ginamitan na siya ni Trevor ng Mind Compulsion.“Hindi mo na ako makokontrol pa, Ama. Sa nakalipas na isang linggo, nagawa kong malampasan ang antas ng iyong kapangyarihan. Pagod na akong maging sunod-sunuran pa sa inyo ni Ina,” matigas na hayag ni Reese sa kaniyang ama.Mabilis naman akong kinunutan ng aking noo. Pati rin pala si
IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa LahiBIGLA kaming napatigil sa paglipad nang salubungin kami ng isang hukbo ng mga kapwa naming mangkukulam na mukhang nagawa nang kontrolin ng mga bampira ang kanilang mga isipan.Ngunit kung titingnan silang mabuti, parang naging mga bampira na rin sila dahil sa mga matutulis nilang mga pangil at mapupulang mga mata.Ginawa silang bampira ng mga kalaban. Marahil ganoon nga ang nangyari.At habang patagal nang patagal ay nadadagdagan ang kanilang bilang. Napakarami nila.Humarap ako sa aking mga kasama at kita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Marahil ay may mga kaibigan, kapatid o kapamilya sila sa mga kalabang kinakaharap namin ngayon. Sinong mag-aakalang gagamitin ng mga bampira ang mga kalahi namin laban sa amin? Hindi ko ito nakita sa aking pangitain ngunit tama nga si Lola Diana, may mga bagay pa ring hindi inaasahang mangyayari.“
IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar DeityNAIMULAT ko ang aking mga mata nang may tumawag sa aking pangalan. Malamyos na tinig ito ng isang babae. Kumunot ang aking noo at iginala ang aking paningin sa buong paligid.Teka, hindi ito ang kanlungang pinagtataguan namin. Nasa’n ako? Alam kong natutulog lang ako kanina katabi ang aking kapatid at ang iba pa naming kasama ngunit paggising ko ay nasa ibang lugar na ako.Nagitla ako sa malalim na pag-iisip nang may musikang namayani sa buong paligid. Napakaganda nito sa pandinig. Idagdag mo pa ang tanawing nakikita ko ngayon.Isang malawak na lawa ang nasa aking harapan habang malinaw na nakikita ko rito ang nakabibighaning repleksiyon ng buwan. Napakakalmado ng buong lugar. Ang marahang paghampas ng hangin sa aking mukha ay sinasaliwan ng banayad na tugtugin. Hinanap ko kung saan nagmumula ang musikang kanina pa nagbibigay ng saya sa akin.Sa ilalim ng is
IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng NadaramaNAPATULALA ako nang napagtanto ko kung ano ang sumunod na ginawa ni Reese. Matapos niyang pakawalan ang kaniyang napakalakas na spell patungo sa aming direksyon ni Finis, sinalubong niya ito nang walang pag-aalinlangan at sinubukang ilihis ang direksyon.“Reese, hindi! Huwag mong gawin iyan!” sigaw ko sa kaniya ngunit tila hindi niya ako naririnig.“Pagkakataon ko na ito para tumakas,” sambit ng kalaban at saka ako binitiwan.Lumipad siya palayo sa akin ngunit hindi ko hinayaan ang kaniyang binabalak na pagtakas.“Absolute Prison!” sigaw ko at ikinumpas ang aking kamay sa kaniyang direksyon.Halit sa lalamunang nagsisigaw ito at pilit na kumakawala sa aking spell.Lumipad ako para tulungan si Reese na salagin ang spell niya ngunit bigla na lamang akong nakulong sa isang makapal na harang.&l
IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni DemitoNAPAKAGAT ako ng aking ibabang labi habang iniinda ang napakaraming sugat na nakuha ko mula sa mga atake ng aking kalaban. Hindi ko masundan ang bawat galaw nito at mabilis na nagpapalipat-lipat ng direksyon. Hindi ako makasabay.Nagpokus ako at tinipon ang lahat ng mahika sa aking katawan. Kailangan kong kumalma. Hindi ako maaaring mataranta. Huminga ako ng malalim ngunit napatigil ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang kumirot na naman ang aking puso. Parang unti-unti itong dinudurog. Sumpain ka, Finis!Kailangan ko ring mag-isip ng paraan kung paano tanggalin ang mga sinulid nitong unti-unting pumupulupot sa aking puso. Hindi ako puwedeng matalo.Bigla na lamang akong napaluhod sabay tukod ng aking espada sa lupa. Pinagpapawisan ako nang malapot. Habang patagal nang patagal ay nahihirapan akong huminga.Nanghihina rin ako na naging dahilan para manlabo ang
IKA-WALONG KABANATA: Lunar MagicIPINASA ko ang batang buhat-buhat ko sa ina nitong kanina pa naghahanap sa kaniya. Iniligtas ko ito mula sa bahay nilang tinutupok ng apoy. Mabuti na lamang at narinig ko ang malakas nitong pag-iyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.Ang nakakalungkot lamang ay namatay ang ama nito habang pinoprotektahan siya mula sa mga nagsisilaglagang nasusunog na bahagi ng bahay. Isa iyong napakasalimuot na karanasan para sa isang batang katulad niya.“Maraming salamat sa panliligtas ng aking anak, Binibini. Habambuhay ko itong tatanawin na utang loob sa inyo,” mangiyak-ngiyak na sambit ng ina ng bata sa akin at mukhang batid na sa kaniyang kaalaman ang sinapit ng kaniyang asawa.Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman po. Huwag niyo pong alalahanin iyon. Lumikas na po kayo sa ligtas na lugar,” hayag ko sa kaniya. Tumango nama
IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa MaleficaHINDI ko maalis-alis ang aking tingin sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Ngayon lamang ako nagsuot ng ganito kagandang kasuotan sa tanang ng buhay ko. Isa itong pulang corset gown na may bulaklak na disenyo.Mahigpit ang pagkakasuot nito sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo kaya naman kitang-kita ko ngayon ang hubog ng aking katawan.Gaya nga ng sinabi ni Reese kaninang hapon, kaarawan ngayon ni Selena. At may magaganap na isang handaan kaya pinag-aayos niya kami.“Napakaganda niyo po talaga, Binibining Dea,” komento ng ginang na nag-ayos sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang papuri. Parang kiniliti ako ng kaniyang mga salita.“Maraming salamat po,” magiliw na wika ko sa kaniya.Bigla namang may kumatok sa pinto ng silid. Pagkatapos ng ikatlong pagkatok, pumih