Home / Lahat / Luna Rossa / IKA-APAT NA KABANATA: Selena, Ang Reyna ng mga Mangkukulam

Share

IKA-APAT NA KABANATA: Selena, Ang Reyna ng mga Mangkukulam

last update Huling Na-update: 2021-06-11 17:28:16

IKA-APAT NA KABANATA: Selena, Ang Reyna ng mga Mangkukulam

“MAHAL na Reyna Selena, bakit kayo nagpapasok ng tagalabas sa palasyo? Isang maitim na kapangyarihan ang nagmumula sa sanggol na dala-dala niya. Baka magdulot ito ng panganib sa mga mamamayan ng kaharian,” pagtutol ng pinuno ng mga cornixus na nakalaban ko kanina sa desisyon ng reyna na papasukin ako sa palasyo.

“Ayos lamang, Demito. Nakita ko ang kanilang pagdating sa kaharian sa pamamagitan ng aking bolang kristal. Alam ko rin kung bakit siya naparito. Nais niya lamang mapagaling ang kaniyang kapatid mula sa isang sumpa,” kalmadong sambit ng batang reyna sa kaniyang alagad.

Napakahinahon niya kung magsalita. Hindi rin ako makapaniwala noong una na siya ang reyna ng mga mangkukulam. Ang reynang 333 taon nang nakaupo sa trono. Hindi ko aakalaing isa pala itong bata. O baka naman hindi lamang siya tumatanda kahit lumipas man ang mahabang panahon kaya napanatili niya ang kaniyang kabataan?

“Ngunit mahal na—”

“Wala ka bang tiwala sa akin, Demito?” tanong ng reyna sa cornixus na si Demito ngunit walang anumang bahid ng pagkainis sa kaniyang tinig. Kalmado at banayad ang kaniyang pagkakatanong.

“H-hindi naman po sa gano’n, Mahal na Reyna. Kung iyan po ang inyong desisyon, nandito lamang po ako para kayo’y suportahan,” hayag ni Demito at medyo nautal pa kanina. 

“Mabuti naman. Iwan mo muna kami, Demito.” 

Agad namang tumalima ang kawal. Yumuko siya sa reyna habang nakalagay ang kanang kamay nito sa dibdib.

“Dea, hindi ba?” 

“O-opo, Reyna Selena. Dea Southheil po ang buo kong pangalan,” pagpapakilala ko sa kaniya. 

“Ikaw ang anak nina Trux at Alexandria Southheil at galing ka sa angkan kung saan ipinagkaloob ang Luna— ang isa sa dalawang pinakamalakas na sandatang pinag-aagawan ng mga angkan ng mangkukulam noon pa mang sinaunang panahon. At alam kong nasa iyo ang agimat na ito,” bunyag sa akin ng reyna. Tiningnan niya ako na para bang tumatagos ang kaniyang paningin sa aking kasuotan. 

Napahawak ako sa aking kuwintas. “Isa ka rin ba sa gustong—”

“Hindi. Nagkakamali ka,” putol niya sa aking sasabihin na naging dahilan para ikalma ko ang aking sarili.

“Wala akong balak na kunin ito mula sa’yo. Mayroon din akong sariling sandata. Gaya nga ng sabi ko, ang Luna ay isa sa dalawang pinakamalakas na sandata ng ating lahi. Ang isa ay nasa aking pangangalaga dati.  Ito ay ang Blood Dagger o kilala sa tawag na Rossa.”

“Dati? Ibig po bang sabihin ay nawala ito sa inyong pangangalaga?” 

Lumungkot ang ekspresiyon sa kaniyang mukha at saka malalim na napabuntonghininga. 

“Oo. Ninakaw ito sa akin ng isang mapagpanggap na kaibigan. Isinumpa niya akong bumalik sa pagkabata at habang bumabata ang aking hitsura at katawan, nababawasan ang antas ng aking kapangyarihan. At kapag naubos ang aking mana at mahika, ako’y habambuhay nang mahihimlay.

Gustuhin ko mang bawiin ang aking sandata ngunit hindi ko magagawa. Kapag gumawa ako ng aksiyon laban sa taong iyon, ang buong kaharian ay malalagay sa panganib. Mas importante ang buhay ng mga mamamayan kaysa ang aking Rossa,” mahabang salaysay ng reyna sa akin.

Hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil sa kaniyang sinabi. Kung gayon ay isang sumpa ang kaniyang pagiging bata. Akala ko’y isa itong bagay na dapat kainggitan ngunit hindi pala. Teka, kung nababawasan ang antas ng kaniyang kapangyarihan sa bawat araw na lumilipas, ibig sabihin ay sadyang napakalakas niya kung wala ang sumpang iginawad sa kaniya?

Batang-bata siya sa kaniyang hitsura ngayon ngunit napakalakas pa rin ng kapangyarihang nararamdaman ko mula sa kaniya, paano pa kaya kapag nabawi niya na ang buo niyang kapangyarihan at ang kaniyang sandata?

Napatigil ako pag-iisip at bumalik sa reyalidad nang muling magsalita ang reyna.

“Kailangan ko ang tulong mo, Dea,” sambit niya sa akin. 

Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi at hindi agad nakapagsalita. Bakit parang ang bilis para sa kaniyang pagkatiwalaan ako? Bakit ako? Isa lamang akong ordinaryong mangkukulam.

Sabihin na nating galing ako sa isang angkan na may malalakas na kapangyarihan ngunit mukhang hindi ko yata namana ang kapangyarihan ng aking mga ninuno. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na akong pumalya sa mga pagsasanay ko noon. 

Muling nagsalita ang reyna kaya naman itinuon ko sa kaniya ang aking atensyon.

“Alam kong gusto mong maipaghiganti ang iyong pamilya. Alam kong gusto mo ring proteksyonan si John mula sa panganib. Maniniwala ka ba sa akin kapag sinabi ko sa iyong iisa lamang ang kaaway nating dalawa? Ang kaibigang nagtaksil sa akin at ang taong nag-utos sa kaniyang tauhan na nakawin mula sa’yo ang Moon Amulet na naging dahilan ng pagkamatay ng iyong ina at kapatid ay iisa. Siya ang dahilan ng lahat ng kaguluhan sa Malefica. Si Trevor. Trevor Hemlock— ang hari ng mga  bampira,” rebelasyon niya sa akin. 

Pinanlakihan ako ng mga mata.

Nagpantig ang aking mga tainga nang marinig ko ang pangalang iyon. Lahat ng sakit at poot dulot ng pagkamatay nina Ina at Ate Helena ay nanumbalik sa akin. 

“Sabihin niyo po, paano ko matatalo ang Trevor na iyon. At saan ko siya mahahanap?” usisa ko sa reyna habang nagtatagisan ang aking mga ngipin. Hindi ko magawang ikalma ang aking sarili. 

“Huminahon ka, Dea. Hindi kailangang magmadali at magpadalos-dalos. Sa antas ng kapangyarihan mo ngayon, kahit pa nasa iyo ang Luna, hindi mo siya matatalo. Kailangan mong magsanay para magamit mo ang tunay nitong kapangyarihan,” tugon niya sa akin.

Hindi ko namamalayang napapabuntonghininga na lamang ako dahil sa kaniyang tinuran. Tama nga siya. Mahina lang ako. Hindi ako puwedeng magpadalos-dalos sa mga desisyon ko at basta-basta na lamang susugod sa kuta ng mga kalaban gayong wala akong sapat na nalalaman tungkol sa kanila. 

Kailangan kong magpalakas. Kahit anong mangyari, tatalunin ko ang Trevor na iyon. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng mga mahal ko sa buhay. Napaigting ang aking panga at mariing naikuyom ang aking mga kamay. 

“Kitang-kita ko ang determinasyon sa iyong mga mata ngunit may halo itong galit at kalungkutan. Huwag mong hayaan kang lamunin ng iyong emosyon, Dea. Hindi sa lahat ng oras ay galit ang pinapairal. Mas maiging harapin mo ang anumang pagsubok o kalaban nang may kapayapaan sa iyong puso at isipan,” paaalala niya sa akin.

Muli akong napabuntonghininga at sinubukang huminahon. 

“Mahal na reyna, maaari niyo po ba akong sanayin upang maging malakas at magawang kontrolin ang buong kapangyarihan ng Luna? Nakikiusap po ako,” pagsusumamo ko sa kaniya at saka yumuko. 

“Iangat mo ang iyong ulo, Dea. Hindi mo kailangang makiusap sa akin dahil gusto talaga kitang sanayin. May nakikita akong pag-asa sa iyo. May mga bagay na ikaw lang ang makagagawa, Dea. May tiwala ako sa iyo kaya magtiwala ka sana sa iyong sariling lakas at kapangyarihan,” mahinahong sambit sa akin ng reyna. 

Bahagya akong nagulat dahil sa mga salitang binitiwan niya. 

“... May mga bagay na ikaw lang ang makagagawa, Dea...” Ilang beses ang mga katagang ito na nagpaulit-ulit sa aking isipan. Sinabi rin ito ni Ate Helena sa akin. 

“Maraming salamat po, Reyna Selena. Pagbubutihin ko po ang aking pagsasanay sa tulong ng inyong gabay!” masayang naibulalas ko. 

“Walang anuman. Sumama ka sa akin at gagamutin natin ang iyong kapatid,” wika niya sa akin.

“Talaga ho?!?” Napatikhim ako saglit bago nagpatuloy sa aking sasabihin. Ibinaba ko ang tono ng aking boses.

“Talaga ho? Paumanhin po sa pagtaas ng aking boses. Hindi ko mapigilan ang aking tuwa dahil sa inyong sinabi. Maraming salamat po kung gano’n. Pagsisilbihan ko rin po kayo at susunod sa anumang iuutos niyo sa akin kapalit ng inyong tulong sa aming magkapatid.”

“Walang anuman. Tatanggalin ko ang sumpang iginawad sa kaniya at papagalingin mula sa kaniyang karamdaman. Huwag mo nang abalahin pa ang sarili mong maging isa sa aking mga tagapagsilbi. Magpokus ka na lamang sa iyong pagsasanay. Alam kong malaking bagay ang hinihingi ko sa’yo at buhay mo ang nakataya rito pero pumayag ka pa rin na tulungan akong wakasan ang kasamaan ni Trevor,” nakangiti niyang tugon sa akin. 

“Maraming salamat po talaga!” Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at nayakap ang reyna nang hindi ko namamalayan. 

Mabilis din lang akong napakalas ng yakap sa kaniya nang mapagtanto kung ano ang aking nagawa. 

“Pasensya na po. Nadala lang po ako,” paghingi ko ng paumanhin. Mahina naman siyang napatawa at saka ako nginitian.

“Ayos lang. Wala kang dapat ipag-alala,” wika niya sa akin. Napakabait niya. Ngumiti rin ako sa kaniya bilang ganti. 

“Sumunod ka sa akin,” utos niya. Mabilis naman akong napatango at tahimik na sumunod lamang sa kaniya. 

Ilang sandali lamang ay nasa harapan na kami ng isang pinto. Bigla itong bumukas kahit walang nagtulak dito. Pagkapasok namin sa kuwarto ay bumukas ang ilaw at bumungad sa akin ang dalawang malalaki at malalambot na higaan. Walang gaanong dekorasyon sa loob ng kuwarto. 

May malaking aparador sa isang sulok at sa tabi nito ay may mesa at upuan. May ilang libro namang nakapatong sa mesa. 

“Ito ang kuwarto niyong magkapatid. May mga kasuotan na kayong nakahanda sa loob ng aparador na iyan,” hayag ni Reyna Selena sa akin sabay turo ang aparador. 

“Maraming salamat po talaga. Wala na po akong ibang mahihiling pa. Sobra-sobra na po ang tulong na ibinibigay niyo sa aming magkapatid, Mahal na Reyna—”

“Selena na lang. Huwag mo nang alalahanin pa iyon. Ang totoo niyan...”

Napatigil siya bigla sa pagsasalita at napansin ko ang pamumula ng kaniyang mga pisngi. Umiwas siya ng tingin sa akin at napayuko na lamang ang kaniyang ulo. Napakunot naman ang aking noo dahil sa biglang pagbabago ng kaniyang inaasta. Nahihiya ba siya? Para saan naman?

“Ano po iyon, Mahal este S-Selena pala?” Medyo nautal pa ako sa pagkakasabi ng kaniyang pangalan. 

“Puwede bang makipagkaibigan sa inyong magkapatid? Pagkatapos kong pagalingin ang iyong kapatid, maaari ko ba siyang maging kalaro? Alam kong sobrang na ang hinihingi kong pabor sa inyo pero sana pumayag ka,” dire-diretso niyang hayag sa akin habang nilalaro ng kaniyang daliri ang ilang hibla ng kaniyang mahabang pulang buhok. Tumingin siya sa akin nang may pagsusumamo sa kaniyang mga mata.

“Huh?!?” tanging nasambit ko dahil sa pagkagulat.

“Hindi ba ang ibig sabihin niyan? Kung oo, ayos lang. Naiintindihan ko,” malungkot niyang sambit.

“T-teka... hindi, Selena. Nagulat lang ako sa sinabi mo. Hindi ko kasi inaasahang ang isang reyna ay gustong makipagkaibigan sa amin. Pero oo. Ikinagagalak kong maging kaibigan ka namin ng aking kapatid,” paglilinaw ko sa kaniya. 

Bigla namang lumiwanag ang kaniyang mukha at saka nagniningning ang kaniyang mga matang tumingin sa akin. Tumalon siya sa tuwa at saka ako niyakap. Nabigla ako sa kaniyang ginawa pero hinayaan ko lamang siya.

“Kung gayon, simulan na nating alisin ang sumpa sa iyong kapatid. Ihiga mo siya sa kama at isasagawa ko ngayon din ang ritwal,” puno ng siglang saad niya sa akin. 

Tumalima naman ako sa kaniya at inilapag ang aking kapatid sa higaan. Inalis ko ang bisa ng spell na inilagay ko kay John para itago ang tunay niyang hitsura. 

Hindi naman makikitaan ng anumang takot o pagkagulat sa mukha ni Selena. Sinimulan niya agad ang pagbigkas ng isang engkantasyon.

“Audi me, brethrens meam ore exíbit gládius acútus vocatio 

Solve fasciculos ad pollicendum et sana languorem suum,

Ne ipsi a fine in ruinam 

Per meum sanguinem, 

et sanguine tuo sanguine nostro 

Mothe ita fieri.”

Ni isa ay wala akong naintindihan sa mga binanggit niyang salita ngunit panatag naman ang aking loob. Bigla namang lumutang sa ere ang katawan ni John. Mula sa mga kamay ni Selena, lumabas ang pulang likido. Sa tingin ko, dugo niya ang likidong ito. 

Lumipat kay John ang lahat ng dugong nagmula sa kaniya at binalutan ng mga ito ang buong katawan ng aking kapatid. Muling binigkas ni Selena ang engkantasyon. At nang matapos na niya ito, pumasok ang lahat ng dugo sa dibdib ni John. Umilaw ang kaniyang buong katawan at unti-unting nanumbalik sa dati ang kaniyang hitsura. 

Marahan siyang lumapag mula sa pagkakalutang. Ilang sandali lamang ay nagmulat ang aking kapatid ng kaniyang mga mata.  

“A-ate Dea—” 

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at niyakap si John nang mahigpit. Naiyak na rin ako dahil sa sobrang tuwa. 

Kaugnay na kabanata

  • Luna Rossa   IKA-LIMANG KABANATA: Unang Hidwaan

    IKA-LIMANG KABANATA: Unang HidwaanKINABUKASAN, maagang nagsimula ang aming araw. Walang mapagsidlan ang labis kong kasiyahan dahil sa wakas ay nakalalakad na ang aking kapatid. Buong buhay kong tatanawin na utang na loob ang pagpapagaling ni Selena kay John.“Tapos na ang pahinga, bumalik na tayo sa iyong pagsasanay,” istriktong sambit naman sa akin ng aking guro ngayong araw.Akala ko’y si Selena ang magsasanay sa akin ngunit mukhang nawili na siyang makipaglaro kay John. Ipinasa niya ang pagsasanay sa akin sa isang masungit na salamangkero na ipinakilala ng reyna bilang kaniyang anak. Bata pa ang hitsura nito at kung titingnan ay magkasing-edad lang yata kami.“Dea Southheil, nakikinig ka ba sa akin?” sigaw nito sa akin. Kailangan talagang banggitin ang buo kong pangalan?“P-paumanhin po, Master Reese. Hindi na po mauulit,” pautal-utal kong tugon sa kaniya at saka pumuwesto na

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-ANIM NA KABANATA: Unang Bugso ng Damdamin

    IKA-ANIM NA KABANATA: Unang Bugso ng DamdaminSUBUKAN mong muli. Huwag mo kasing hayaang mawala ka sa pokus. Isang linggo na tayong nagsasanay pero hindi mo pa nagagawang tawirin ang lubid na ito nang nakapikit. Inuulit ko, huwag mong hayaang mawala ka sa pokus. Ipayapa mo ang iyong isipan at isiping naglalakad ka lamang sa isang kalmadong dagat,” malakas na hayag sa akin ng aking guro.Napakaistrikto niya talaga. Tama nga siya. Isang linggo na kami sa pagsasanay na ito ngunit ni minsan ay hindi ko pa napagtatagumpayan ang pinapagawa niya. Ngunit, hindi ako susuko. Kailangan kong malampasan ang pagsubok na ito.Naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin noong nakaraan. “Kung hindi mo kayang tawirin ang lubid na ito nang nakapikit, huwag ka nang umasang magiging malakas ka sa mental na aspeto.”Naniniwala ako sa kaniya. Alam kong parte ang pagsubok na ito sa aming pagsasanay. Wala naman akong karapatang magr

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa Malefica

    IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa MaleficaHINDI ko maalis-alis ang aking tingin sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Ngayon lamang ako nagsuot ng ganito kagandang kasuotan sa tanang ng buhay ko. Isa itong pulang corset gown na may bulaklak na disenyo.Mahigpit ang pagkakasuot nito sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo kaya naman kitang-kita ko ngayon ang hubog ng aking katawan.Gaya nga ng sinabi ni Reese kaninang hapon, kaarawan ngayon ni Selena. At may magaganap na isang handaan kaya pinag-aayos niya kami.“Napakaganda niyo po talaga, Binibining Dea,” komento ng ginang na nag-ayos sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang papuri. Parang kiniliti ako ng kaniyang mga salita.“Maraming salamat po,” magiliw na wika ko sa kaniya.Bigla namang may kumatok sa pinto ng silid. Pagkatapos ng ikatlong pagkatok, pumih

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-WALONG KABANATA: Lunar Magic

    IKA-WALONG KABANATA: Lunar MagicIPINASA ko ang batang buhat-buhat ko sa ina nitong kanina pa naghahanap sa kaniya. Iniligtas ko ito mula sa bahay nilang tinutupok ng apoy. Mabuti na lamang at narinig ko ang malakas nitong pag-iyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.Ang nakakalungkot lamang ay namatay ang ama nito habang pinoprotektahan siya mula sa mga nagsisilaglagang nasusunog na bahagi ng bahay. Isa iyong napakasalimuot na karanasan para sa isang batang katulad niya.“Maraming salamat sa panliligtas ng aking anak, Binibini. Habambuhay ko itong tatanawin na utang loob sa inyo,” mangiyak-ngiyak na sambit ng ina ng bata sa akin at mukhang batid na sa kaniyang kaalaman ang sinapit ng kaniyang asawa.Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman po. Huwag niyo pong alalahanin iyon. Lumikas na po kayo sa ligtas na lugar,” hayag ko sa kaniya. Tumango nama

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni Demito

    IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni DemitoNAPAKAGAT ako ng aking ibabang labi habang iniinda ang napakaraming sugat na nakuha ko mula sa mga atake ng aking kalaban. Hindi ko masundan ang bawat galaw nito at mabilis na nagpapalipat-lipat ng direksyon. Hindi ako makasabay.Nagpokus ako at tinipon ang lahat ng mahika sa aking katawan. Kailangan kong kumalma. Hindi ako maaaring mataranta. Huminga ako ng malalim ngunit napatigil ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang kumirot na naman ang aking puso. Parang unti-unti itong dinudurog. Sumpain ka, Finis!Kailangan ko ring mag-isip ng paraan kung paano tanggalin ang mga sinulid nitong unti-unting pumupulupot sa aking puso. Hindi ako puwedeng matalo.Bigla na lamang akong napaluhod sabay tukod ng aking espada sa lupa. Pinagpapawisan ako nang malapot. Habang patagal nang patagal ay nahihirapan akong huminga.Nanghihina rin ako na naging dahilan para manlabo ang

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng Nadarama

    IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng NadaramaNAPATULALA ako nang napagtanto ko kung ano ang sumunod na ginawa ni Reese. Matapos niyang pakawalan ang kaniyang napakalakas na spell patungo sa aming direksyon ni Finis, sinalubong niya ito nang walang pag-aalinlangan at sinubukang ilihis ang direksyon.“Reese, hindi! Huwag mong gawin iyan!” sigaw ko sa kaniya ngunit tila hindi niya ako naririnig.“Pagkakataon ko na ito para tumakas,” sambit ng kalaban at saka ako binitiwan.Lumipad siya palayo sa akin ngunit hindi ko hinayaan ang kaniyang binabalak na pagtakas.“Absolute Prison!” sigaw ko at ikinumpas ang aking kamay sa kaniyang direksyon.Halit sa lalamunang nagsisigaw ito at pilit na kumakawala sa aking spell.Lumipad ako para tulungan si Reese na salagin ang spell niya ngunit bigla na lamang akong nakulong sa isang makapal na harang.&l

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar Deity

    IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar DeityNAIMULAT ko ang aking mga mata nang may tumawag sa aking pangalan. Malamyos na tinig ito ng isang babae. Kumunot ang aking noo at iginala ang aking paningin sa buong paligid.Teka, hindi ito ang kanlungang pinagtataguan namin. Nasa’n ako? Alam kong natutulog lang ako kanina katabi ang aking kapatid at ang iba pa naming kasama ngunit paggising ko ay nasa ibang lugar na ako.Nagitla ako sa malalim na pag-iisip nang may musikang namayani sa buong paligid. Napakaganda nito sa pandinig. Idagdag mo pa ang tanawing nakikita ko ngayon.Isang malawak na lawa ang nasa aking harapan habang malinaw na nakikita ko rito ang nakabibighaning repleksiyon ng buwan. Napakakalmado ng buong lugar. Ang marahang paghampas ng hangin sa aking mukha ay sinasaliwan ng banayad na tugtugin. Hinanap ko kung saan nagmumula ang musikang kanina pa nagbibigay ng saya sa akin.Sa ilalim ng is

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa Lahi

    IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa LahiBIGLA kaming napatigil sa paglipad nang salubungin kami ng isang hukbo ng mga kapwa naming mangkukulam na mukhang nagawa nang kontrolin ng mga bampira ang kanilang mga isipan.Ngunit kung titingnan silang mabuti, parang naging mga bampira na rin sila dahil sa mga matutulis nilang mga pangil at mapupulang mga mata.Ginawa silang bampira ng mga kalaban. Marahil ganoon nga ang nangyari.At habang patagal nang patagal ay nadadagdagan ang kanilang bilang. Napakarami nila.Humarap ako sa aking mga kasama at kita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Marahil ay may mga kaibigan, kapatid o kapamilya sila sa mga kalabang kinakaharap namin ngayon. Sinong mag-aakalang gagamitin ng mga bampira ang mga kalahi namin laban sa amin? Hindi ko ito nakita sa aking pangitain ngunit tama nga si Lola Diana, may mga bagay pa ring hindi inaasahang mangyayari.“

    Huling Na-update : 2021-06-11

Pinakabagong kabanata

  • Luna Rossa   IKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Katapusan at ang Bagong Simula

    IKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Pagtatapos at ang Bagong Simula“MINSAN, hindi alam ng mga tao kung ano ang mga bagay na dapat ipaglaban at kung ano ang hindi. Kung ano ang dapat isuko o ipagpatuloy. Hinahayaan nilang kontrolin sila ng kanilang sariling emosyon. Iyon ang dahilan kung bakit kayong mga tao ay mahihina.”Napailing ang diyablo matapos sabihin ang mga salitang iyon. “Sa sandaling nagawa mong kontrolin ang sarili mong emosyon, magkakaroon ka ng kapangyarihang hindi mo aakalain,” makahulugang wika pa nito.Napaawang ang aking bibig dahil sa aking mga narinig. Hindi ako makapaniwalang isang diyablo ang kaharap namin ngayon. Hindi ba’t punong-puno ng kasamaan ang puso ng mga diyablo, bakit parang kapayapaan at may bahid ng kabutihan ang nakikita ko sa mga mata nito?May punto nga siya. Hindi nga lahat ng bagay ay maaari mong ipaglaban. Hindi lahat ng gusto mo ay puwede mong ipagpilitan. Minsan, kailangan nat

  • Luna Rossa   IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase Moonfox

    IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase MoonfoxNAPAHAWAK ako sa aking ulo dahil sa pagkahilong nararamdaman ko. Anong nangyari?“Dea, ang hitsura mo... T-teka, totoo ba itong nakikita ko? Ang guardian form ng isang Lunar Deity— ang 8-phase moonfox,” manghang sambit sa akin ni Reese nang mabawi niya ang kaniyang lakas at tumingin sa akin.“Huh?!? Anong sinasabi mo, Reese?” takang tanong ko sa kaniya at saka napatayo.Nagulat ako nang mapansin ang walong buntot na kumakawag sa aking puwetan. Napatingin din ako sa aking mga kamay dahil sa biglaang paghaba ng aking mga kuko. Kinapa ko ang aking ulo at may dalawang nakausling malalambot na bagay ang nakadikit dito. Parang pares ito ng mga tainga ng isang mabalahibong hayop.“Paanong nagagawa mong lampasan palagi ang iyong limitasyon? Dahil ba ito sa determinasyon mong lumaban para protektahan ang mga taong

  • Luna Rossa   IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang Rebelasyon

    IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang RebelasyonNAPABUGA ako ng hangin nang hindi ko namamalayan. Mapakla akong napangiti habang inaalala ang mga masasayang araw namin ni Reese nang magkasama. Kahit sandali pa lamang kaming magkakilala, napamahal na ako sa kaniya. Siya ang ang nagturo sa akin kung paano maging malakas. Pero hindi ko naman alam na darating pala ang araw na ito.Bigla akong napaiktad at napatigil sa pag-iisip nang muling magsalita si Trevor. Kanina pa kasi hindi kumikilos si Reese sa kaniyang kinaroroonan para sundin ang ipinag-uutos ng kaniyang ama kahit pa ginamitan na siya ni Trevor ng Mind Compulsion.“Hindi mo na ako makokontrol pa, Ama. Sa nakalipas na isang linggo, nagawa kong malampasan ang antas ng iyong kapangyarihan. Pagod na akong maging sunod-sunuran pa sa inyo ni Ina,” matigas na hayag ni Reese sa kaniyang ama.Mabilis naman akong kinunutan ng aking noo. Pati rin pala si

  • Luna Rossa   IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa Lahi

    IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa LahiBIGLA kaming napatigil sa paglipad nang salubungin kami ng isang hukbo ng mga kapwa naming mangkukulam na mukhang nagawa nang kontrolin ng mga bampira ang kanilang mga isipan.Ngunit kung titingnan silang mabuti, parang naging mga bampira na rin sila dahil sa mga matutulis nilang mga pangil at mapupulang mga mata.Ginawa silang bampira ng mga kalaban. Marahil ganoon nga ang nangyari.At habang patagal nang patagal ay nadadagdagan ang kanilang bilang. Napakarami nila.Humarap ako sa aking mga kasama at kita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Marahil ay may mga kaibigan, kapatid o kapamilya sila sa mga kalabang kinakaharap namin ngayon. Sinong mag-aakalang gagamitin ng mga bampira ang mga kalahi namin laban sa amin? Hindi ko ito nakita sa aking pangitain ngunit tama nga si Lola Diana, may mga bagay pa ring hindi inaasahang mangyayari.“

  • Luna Rossa   IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar Deity

    IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar DeityNAIMULAT ko ang aking mga mata nang may tumawag sa aking pangalan. Malamyos na tinig ito ng isang babae. Kumunot ang aking noo at iginala ang aking paningin sa buong paligid.Teka, hindi ito ang kanlungang pinagtataguan namin. Nasa’n ako? Alam kong natutulog lang ako kanina katabi ang aking kapatid at ang iba pa naming kasama ngunit paggising ko ay nasa ibang lugar na ako.Nagitla ako sa malalim na pag-iisip nang may musikang namayani sa buong paligid. Napakaganda nito sa pandinig. Idagdag mo pa ang tanawing nakikita ko ngayon.Isang malawak na lawa ang nasa aking harapan habang malinaw na nakikita ko rito ang nakabibighaning repleksiyon ng buwan. Napakakalmado ng buong lugar. Ang marahang paghampas ng hangin sa aking mukha ay sinasaliwan ng banayad na tugtugin. Hinanap ko kung saan nagmumula ang musikang kanina pa nagbibigay ng saya sa akin.Sa ilalim ng is

  • Luna Rossa   IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng Nadarama

    IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng NadaramaNAPATULALA ako nang napagtanto ko kung ano ang sumunod na ginawa ni Reese. Matapos niyang pakawalan ang kaniyang napakalakas na spell patungo sa aming direksyon ni Finis, sinalubong niya ito nang walang pag-aalinlangan at sinubukang ilihis ang direksyon.“Reese, hindi! Huwag mong gawin iyan!” sigaw ko sa kaniya ngunit tila hindi niya ako naririnig.“Pagkakataon ko na ito para tumakas,” sambit ng kalaban at saka ako binitiwan.Lumipad siya palayo sa akin ngunit hindi ko hinayaan ang kaniyang binabalak na pagtakas.“Absolute Prison!” sigaw ko at ikinumpas ang aking kamay sa kaniyang direksyon.Halit sa lalamunang nagsisigaw ito at pilit na kumakawala sa aking spell.Lumipad ako para tulungan si Reese na salagin ang spell niya ngunit bigla na lamang akong nakulong sa isang makapal na harang.&l

  • Luna Rossa   IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni Demito

    IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni DemitoNAPAKAGAT ako ng aking ibabang labi habang iniinda ang napakaraming sugat na nakuha ko mula sa mga atake ng aking kalaban. Hindi ko masundan ang bawat galaw nito at mabilis na nagpapalipat-lipat ng direksyon. Hindi ako makasabay.Nagpokus ako at tinipon ang lahat ng mahika sa aking katawan. Kailangan kong kumalma. Hindi ako maaaring mataranta. Huminga ako ng malalim ngunit napatigil ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang kumirot na naman ang aking puso. Parang unti-unti itong dinudurog. Sumpain ka, Finis!Kailangan ko ring mag-isip ng paraan kung paano tanggalin ang mga sinulid nitong unti-unting pumupulupot sa aking puso. Hindi ako puwedeng matalo.Bigla na lamang akong napaluhod sabay tukod ng aking espada sa lupa. Pinagpapawisan ako nang malapot. Habang patagal nang patagal ay nahihirapan akong huminga.Nanghihina rin ako na naging dahilan para manlabo ang

  • Luna Rossa   IKA-WALONG KABANATA: Lunar Magic

    IKA-WALONG KABANATA: Lunar MagicIPINASA ko ang batang buhat-buhat ko sa ina nitong kanina pa naghahanap sa kaniya. Iniligtas ko ito mula sa bahay nilang tinutupok ng apoy. Mabuti na lamang at narinig ko ang malakas nitong pag-iyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.Ang nakakalungkot lamang ay namatay ang ama nito habang pinoprotektahan siya mula sa mga nagsisilaglagang nasusunog na bahagi ng bahay. Isa iyong napakasalimuot na karanasan para sa isang batang katulad niya.“Maraming salamat sa panliligtas ng aking anak, Binibini. Habambuhay ko itong tatanawin na utang loob sa inyo,” mangiyak-ngiyak na sambit ng ina ng bata sa akin at mukhang batid na sa kaniyang kaalaman ang sinapit ng kaniyang asawa.Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman po. Huwag niyo pong alalahanin iyon. Lumikas na po kayo sa ligtas na lugar,” hayag ko sa kaniya. Tumango nama

  • Luna Rossa   IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa Malefica

    IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa MaleficaHINDI ko maalis-alis ang aking tingin sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Ngayon lamang ako nagsuot ng ganito kagandang kasuotan sa tanang ng buhay ko. Isa itong pulang corset gown na may bulaklak na disenyo.Mahigpit ang pagkakasuot nito sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo kaya naman kitang-kita ko ngayon ang hubog ng aking katawan.Gaya nga ng sinabi ni Reese kaninang hapon, kaarawan ngayon ni Selena. At may magaganap na isang handaan kaya pinag-aayos niya kami.“Napakaganda niyo po talaga, Binibining Dea,” komento ng ginang na nag-ayos sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang papuri. Parang kiniliti ako ng kaniyang mga salita.“Maraming salamat po,” magiliw na wika ko sa kaniya.Bigla namang may kumatok sa pinto ng silid. Pagkatapos ng ikatlong pagkatok, pumih

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status