Home / Lahat / Luna Rossa / IKATLONG KABANATA: Sinumpaang Tungkulin

Share

IKATLONG KABANATA: Sinumpaang Tungkulin

last update Huling Na-update: 2021-06-11 17:22:41

IKATLONG KABANATA: Sinumpaang Tungkulin

SINUNOG KO ang aming tahanan kasama na ang mga katawan nina Ate Helena at Ina dito. Tanging ang mga mahahalagang gamit lamang ang itinira ko at kinuha. Isang hilam na luha ang tumulo mula sa aking kaliwang mata at mabilis nitong binagtas ang aking mukha. Sinusubukan kong patatagin ang aking loob pero sobrang sakit talaga. 

Dalawang mahal ko sa buhay ang nawala sa loob lamang ng ilang oras. At ngayon, ang aking bunsong kapatid naman ay hindi ko na makilala pa dahil habang patagal nang patagal ay nag-iiba ang kaniyang anyo. Unti-unti siyang nagiging halimaw. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Kahit patay na si Ate Helena, hindi pa rin nawawala ang bisa ng spell nito sa kaniya.

Mariin kong naikuyom ang aking mga kamao habang nagngingitngitan ang aking mga ngipin. Gusto kong magwala pero hindi ko alam kung kanino ko ibabaling lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon. 

Huminga ako nang malalim para ikalma ang aking sarili. Kailangang malinaw palagi ang aking isipan. Maaaring may nagbabadyang panganib sa amin o may nagmamasid sa aking mga galaw kaya dapat maging alerto ako palagi. Muli akong tumingin sa aking natutulog na kapatid. Ipinapangako kong ibibigay ko lahat ng aking makakaya upang protektahan siya. Walang sinuman ang maaaring makapanakit sa kaniya hangga’t nabubuhay ako. Isinusumpa ko.

“Matulog ka lang nang mahimbing, John. Saka ka na gumising kapag naibalik na kita sa dati mong anyo,” pagkausap ko sa kaniya at saka pinatungan pa ng isang pampatulog na spell ang spell sa kaniya ni Ate. Mariin kong naikuyom ang aking kamao.

Ikinubli ko ang anyo ni John at pinagmukhang isang batang sanggol lamang. Sa ganitong anyo, mas madali para sa akin na buhatin siya habang naglalakbay patungo sa sentro ng Malefica. 

Naalala ko naman ang pangalan na binanggit ng aming nakalaban kaninang umaga. 

“Trevor, hahanapin kita. Ikaw ang puno’t dulo ng lahat na ito. Hindi sana namatay ang aking ina at kapatid kung hindi mo inutusan ang iyong alagad na kunin mula sa aming pangangalaga ang Luna,” hayag ko sa aking sarili habang nagngingitngitan ang aking mga ngipin dahil sa galit. 

Isinuksok ko sa loob ng aking damit ang aking kwintas at saka nagtalukbong ng aking ulo. Kinuha ko ang mapa ng buong Malefica sa lalagyan nito at sinuri ang daan patungo sa sentro ng aming kaharian. 

Gamit ang aking lumilipad na walis tingting, makararating siguro kami doon bago magdilim ngayong araw. Kailangan ko lamang bilisan ang pagpapalipad. Wala na akong oras pang sasayangin. 

Sumakay na ako sa aking mahiwagang walis. Inilagay ko si John sa aking likuran gamit ang isang mahabang kumot na nakatali sa aking katawan. Nilingon ko ang aming naaabong tirahan sa huling pagkakataon. Isang hilam na luha ang bumagtas sa aking mukha. 

“Hindi ko sasayangin ang inyong mga sakripisyo para kami’y protektahan, Ama, Ina at Ate Helena. Mahal na mahal ko kayong lahat. Paalam.” Ito ang mga salitang nasambit ko bago tuluyang lisanin ang lugar. 

Sa aking paglipad, maraming nayon sa ibaba ang aking nalalampasan. Maraming magagandang tanawin din akong nasaksihan ngunit wala akong panahon para pagmasdan ang mga ito. Noon, pangarap kong lumabas ng kagubatan upang makita ang mundong malayo sa kinagisnan namin. Gusto kong maging malaya. Naiinis ako noon kay Ina dahil pinagbabawalan niya kaming lumabas ng kagubatan, ngunit napagtanto kong ginagawa niya lamang iyon para kami’y protektahan. 

Ngayon, gusto kong lumabas ng kagubatan hindi para maghanap ng kalayaan, kundi para magtamo ng hustisya para sa pagkamatay nina Ina at Ate Helena. 

Kailangan ko lang magtiwala sa sarili ko. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang mga tunay kong kalaban ngunit kahit ano pa mang mangyari, lalaban ako hanggang sa aking huling hininga. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nahahanap at napapatay ang Trevor na tinutukoy ng taong iyon. 

Napatigil ako sa pagpapalipad ng aking walis tingting nang bigla akong kinabahan. Sandali akong napapikit at isang imahe ng pulang buwan na naman ang aking nasilayan sa aking isipan. 

“Clandestinus,” mahinang pag-cast ko ng aking spell sa aking dibdib para itago ang nag-uumapaw na kapangyarihan ng Moon Amulet. Hindi ko pa alam kung saan ang abot ng kapangyarihan nito. Kung hindi ko ito itatago, malaki ang posibilidad na malagay kami ulit sa panganib ni John. 

Tiningnan kong muli ang mapa at sa gitna nito ay may guhit ng isang palasyo. Kung gayon ay malapit na ako. Natatanaw ko na ang palasyo ng Malefica at ang buong kaharian nito na napapalibutan ng matatayog na pader. 

Nagpatuloy ako ngunit napatigil akong muli nang harangin ako ng mga kalahating tao at kalahating uwak sa himpapawid. Ang ulo ng mga ito ay katulad sa uwak habang ang katawan naman ay katulad sa mga tao. May mga itim na pakpak ang mga ito. Nakabaluti at may kaniya-kaniyang hawak na sandata. Ang mga nilalang na ito ay tinatawag na Homo Cuccurio o mas kilala sa tawag na “cornixus.” 

Ayon sa aklat ni Ina, ang mga cornixus ay ang mga kawal ng reyna ng Malefica na nilikha niya mula sa kaniyang dugo’t laman. Ang mga ito ang tagapangalaga ng kaayusan at kapayapaan sa buong kaharian ng mga mangkukulam. 

“Magpakilala ka! Sabihin mo ang ngalan mo at kung anong kailangan mo dito?” sambit ng isa sa kanila na tila pinuno ng hukbo. 

“Dea. Dea Southheil. May hinahanap akong tao kaya ako pumunta dito,” tugon ko. 

May ibinigay na isang makapal na libro ang isa sa mga cornixus sa kanilang pinuno. Sinuri niya ito at para bang may hinahanap. Matapos niyang suriin ang loob ng aklat, ibinalik niya ito sa kaniyang tauhan. Nag-angat ito ng ulo sa akin.

“Paumanhin ngunit hindi nakarehistro ang iyong pangalan sa aming listahan. Wala ring sinuman ang nasa Malefica na Southheil ang apelyido. Mariing ipinagbabawal ng reyna na magpapasok sa kaharian ng mga tagalabas,” hayag nito sa akin. 

Napabuntonghininga ako. Hindi ba nila nakikita? Isa akong mangkukulam at isang mamamayan din ng Malefica... dati. Kailangan kong madala ang aking kapatid sa isang magaling na manggagamot. Kung alam ko lang sana ang kondisyon ng aking kapatid, kahit ako na ang gumawa ng lunas para sa kaniya. Ngunit wala akong kaide-ideya kung anong nangyayari kay John ngayon. Baka sakaling may alam ang manggagamot na sinabi sa akin ni Ate Helena. 

“Kailangan kong makita ang pinakamagaling na manggagamot sa kaharian. May malubhang karamdaman ang aking kapatid na sanggol,” pakikiusap ko sa mga ito at saka ipinakita ang aking kapatid na nasa aking likuran.

 

“Nagmamakaawa po ako. Hayaan niyo akong makapasok sa kaharian.”

Sumenyas ang pinuno ng mga ito at inutusan ang isa sa kaniyang tauhan na suriin ang dinadala ko. Hinayaan ko lamang itong tingnan si John. Hindi naman siguro nito mahahalatang nilagyan ko ng spell—

“Hindi maaari! Isang halimaw! Isang halimaw ang sanggol na buhat-buhat niya. May sumpa ang bata,” bulalas nito sa kaniyang mga kasamahan. 

Paanong nalaman nito ang kalagayan ng aking kapatid? T-teka, nakalimutan ko. Ayon ulit sa aklat ni Ina, ang mga cornixus ay nagtataglay ng kapangyarihan ng reyna ng mga mangkukulam dahil laman at dugo niya ang mga ito. Bawat isa sa kanila ay bahagi ng reyna. 

“Isa lamang ang ibig sabihin nito. Ang sanggol na iyan ay maaaring magdala ng panganib sa mga Malefican. Ngayon, ito ang aking husga sa ngalan ni Reyna Selena. Patayin ang batang nasa kaniyang pangangalaga. Kung aangal ang babae, kamatayan din ang naghihintay sa kaniya,” matigas na saad ng kanilang pinuno. 

Napaiktad ako at labis ang pagkagulat. Pumosisyon ang mga ito at pinalibutan ako. Nagsimulang gumapang ang pangamba sa aking dibdib ngunit napatigil ako nang naalala ko ang pangako ko sa aking ate. Proprotektahan ko si John kahit anuman ang mangyari. Nakahanda akong magbuwis ng buhay maging ligtas lang siya sa anumang panganib. 

“Hindi puwede. Kailangan niyo munang dumaan sa akin bago niyo magawa ang inyong hangarin,” buong tapang kong sambit. 

Napatawa ang kanilang pinuno sa aking tinuran. Parang nanunudyo ang tawa nito.

 

“Anong magagawa ng isang babaeng tulad mo sa mga kawal ng reyna? Taglay namin ang ilan sa kaniyang kapangyarihan. Hindi mo kami kayang talunin,” mapang-uyam nitong sambit sa akin. 

Sumikdo ang inis sa aking puso. “Oo, babae ako pero hindi ako babae lamang.”

“Tama na ang daldal. Kahit ano pang sabihin mo, hindi kami magpapakita ng awa sa sinasabi mong kapatid mo. Para sa kabutihan ng nakararami ang gagawin namin kaya isuko mo na siya sa amin nang mapayapa para hindi na dumanak pa ang dugo dito,” pagbabanta nito sa akin ngunit hindi ako nagpatinag. 

Si John na lang ang natitirang mahalaga sa akin. Hindi ako makapapayag na pati siya ay mawala rin. Handa akong dungisan ang aking mga kamay para sa kaniya. Nakahanda akong makipaglaban nang patayan para sa aking kapatid. 

“Aperio!” wika ko para mapawalang bisa ang Clandestinus na spell ko kanina. Kailangan ko ang kapangyarihan ng Luna. Hindi ako makapapayag na matalo ako sa labanang ito. 

“Sugod!” sigaw ng pinuno ng hukbo at sabay-sabay ang mga itong sumugod sa akin. 

Ramdam ko na naman ang mainit na sensasyong nagpapaikot-ikot sa loob ng aking katawan. Ipinaharap ko ang aking kanang kamay para gumawa ng isang harang. 

Ikinuyom ko ang aking kamao at kasabay nito ang kalansing ng mga espadang naputol sa dalawa. Hindi ko alam pero sampung beses na lumalakas ang bisa ng aking spell kapag iniisip ko ang kapakanan ng mga taong pinapahalagahan ko. 

“Imposible! Ang ating mga espada ay gawa sa kapangyarihan ni Reyna Selena ngunit nagawa niyang sirain ang lahat ng ito gamit lamang ang isang spell,” gulat na hayag ng pinuno ng mga cornixus. 

“Huwag ninyong ibababa ang inyong depensa,” bilin pa nito.

“Masusunod!” sabay-sabay namang saad ng buong hukbo. 

Lumipad sila paitaas at gumawa ng bilog na pormasyon. Malaki nilang ibinuka ang kanilang mga pakpak. Nagsilagasan ang mga balahibo nila rito at naging mga matutulis at matatalim na punyal ang mga itong nakatutok lahat sa aking direksyon.

Umikot-ikot ang mga cornixus sa ere hanggang sa makalikha ang mga ito ng isang malaking itim na magic circle. Isang buhawi ang nabuo mula rito at pinalibutan nito ang mga punyal na gawa sa mga balahibo ng mga cornixus. 

“Purifico!”  sabay-sabay na usal ng mga ito. 

Isang itim na liwanag ang dumiretso sa aking kinaroroonan. Halos mabaliw na ako kasisigaw dahil sa nanunuot na sakit na dulot ng kanilang spell. Parang pinagpipiraso ang aking mga kalamnan. Sumunod na napalibutan ako ng malaking buhawi at nagsiliparan ang mga patalim mula sa iba’t-ibang direksyon. 

Ipinaharap ko ang aking kapatid. Tinipon ko ang lahat ng aking kapangyarihan at dinadagdagan ang depensa ng harang na nakaprotekta pa rin kay John hanggang ngayon. Mas mabuti nang ako ang masaktan, huwag lang siya.

 

Kailangan kong lumaban kahit gaano kahirap. Kung mamamatay ako ngayon, sino na lang ang proprotekta kay John kapag wala na ako? Tutuparin ko ang pangako ko kay Ate Helena. 

Mariin akong napakagat sa aking labi dahil sa sunod-sunod na patalim na humiwa sa iba’t ibang parte ng aking katawan. Napapikit ako at sa sandaling iyon ay parang may isang tinig na bumulong sa akin. Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sa aking isipan na sabihin ang mga salitang ito.

“Sanguis Tempestas!” halit sa lalamunang sigaw ko at malaking napamulat ang mga mata kong parang sinisilaban ng apoy. 

Nagulat na lamang ako nang mapansin ang napakaraming pulang buhawing binabayo ang buong paligid. Nilamon ng mga ito ang lahat ng cornixus habang sumisigaw na iligtas sila ni Reyna Selena. 

Ipinaharap ko ang aking kamay at ikinuyom ang aking kamao para pawiin ang aking spell. Isa-isang nahulog ang mga cornixus sa lupa nang wala ng malay. Kahit gusto nila kaming patayin ni John, wala akong balak na bawian sila ng buhay. Mga kawal sila ng reyna kaya kapag pinatay ko sila, mas malakas na kalaban ang makakaharap ko.

 

Napatigil ako nang mapagtanto ang spell na pinakawalan ko kanina. Manghang-mangha ako sa kapangyarihan ng Moon Amulet. Alam kong ito ang may kagagawan sa paglakas ng mga spell ko. 

“Napakagaling naman. Natalo mo ang lahat ng aking mga kawal sa isang spell lamang.” Isang malamyos na tinig ang biglang sumingit sa eksena. 

Ngunit kahit napakalambing ng tinig na ito, hindi ko maiwasang hindi pagpawisan nang malamig. Napaangat ako ng ulo at bumungad sa akin ang isang nakangiting batang babae.

Nakakasakal ang kaniyang presenya. Napakabigat ng hangin at parang ang hirap tuloy huminga. Sino ang batang ito?

“Nagagalak akong makilala ka, Binibini. Ako si Reyna Selena. At alam ko ang solusyon sa problema mo. Halika’t sa palasyo natin ito pag-usapang dalawa,” mahinahong hayag niya sa akin. 

Hindi agad ako nakakilos. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Para bang umatras ang aking dila dahil sa nag-uumapaw niyang awrang sumasakop sa buong lugar. 

Sa isang iglap lamang ay nasa loob na kami ng isang silid na napakagarbo ang disenyo. Sa hitsura pa lamang ng buong lugar, alam kong nasa palasyo na kami ng reyna. 

Kaugnay na kabanata

  • Luna Rossa   IKA-APAT NA KABANATA: Selena, Ang Reyna ng mga Mangkukulam

    IKA-APAT NA KABANATA: Selena, Ang Reyna ng mga Mangkukulam“MAHAL na Reyna Selena, bakit kayo nagpapasok ng tagalabas sa palasyo? Isang maitim na kapangyarihan ang nagmumula sa sanggol na dala-dala niya. Baka magdulot ito ng panganib sa mga mamamayan ng kaharian,” pagtutol ng pinuno ng mga cornixus na nakalaban ko kanina sa desisyon ng reyna na papasukin ako sa palasyo.“Ayos lamang, Demito. Nakita ko ang kanilang pagdating sa kaharian sa pamamagitan ng aking bolang kristal. Alam ko rin kung bakit siya naparito. Nais niya lamang mapagaling ang kaniyang kapatid mula sa isang sumpa,” kalmadong sambit ng batang reyna sa kaniyang alagad.Napakahinahon niya kung magsalita. Hindi rin ako makapaniwala noong una na siya ang reyna ng mga mangkukulam. Ang reynang 333 taon nang nakaupo sa trono. Hindi ko aakalaing isa pala itong bata. O baka naman hindi lamang siya tumatanda kahit lumipas man ang mahabang panahon kaya napan

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-LIMANG KABANATA: Unang Hidwaan

    IKA-LIMANG KABANATA: Unang HidwaanKINABUKASAN, maagang nagsimula ang aming araw. Walang mapagsidlan ang labis kong kasiyahan dahil sa wakas ay nakalalakad na ang aking kapatid. Buong buhay kong tatanawin na utang na loob ang pagpapagaling ni Selena kay John.“Tapos na ang pahinga, bumalik na tayo sa iyong pagsasanay,” istriktong sambit naman sa akin ng aking guro ngayong araw.Akala ko’y si Selena ang magsasanay sa akin ngunit mukhang nawili na siyang makipaglaro kay John. Ipinasa niya ang pagsasanay sa akin sa isang masungit na salamangkero na ipinakilala ng reyna bilang kaniyang anak. Bata pa ang hitsura nito at kung titingnan ay magkasing-edad lang yata kami.“Dea Southheil, nakikinig ka ba sa akin?” sigaw nito sa akin. Kailangan talagang banggitin ang buo kong pangalan?“P-paumanhin po, Master Reese. Hindi na po mauulit,” pautal-utal kong tugon sa kaniya at saka pumuwesto na

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-ANIM NA KABANATA: Unang Bugso ng Damdamin

    IKA-ANIM NA KABANATA: Unang Bugso ng DamdaminSUBUKAN mong muli. Huwag mo kasing hayaang mawala ka sa pokus. Isang linggo na tayong nagsasanay pero hindi mo pa nagagawang tawirin ang lubid na ito nang nakapikit. Inuulit ko, huwag mong hayaang mawala ka sa pokus. Ipayapa mo ang iyong isipan at isiping naglalakad ka lamang sa isang kalmadong dagat,” malakas na hayag sa akin ng aking guro.Napakaistrikto niya talaga. Tama nga siya. Isang linggo na kami sa pagsasanay na ito ngunit ni minsan ay hindi ko pa napagtatagumpayan ang pinapagawa niya. Ngunit, hindi ako susuko. Kailangan kong malampasan ang pagsubok na ito.Naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin noong nakaraan. “Kung hindi mo kayang tawirin ang lubid na ito nang nakapikit, huwag ka nang umasang magiging malakas ka sa mental na aspeto.”Naniniwala ako sa kaniya. Alam kong parte ang pagsubok na ito sa aming pagsasanay. Wala naman akong karapatang magr

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa Malefica

    IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa MaleficaHINDI ko maalis-alis ang aking tingin sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Ngayon lamang ako nagsuot ng ganito kagandang kasuotan sa tanang ng buhay ko. Isa itong pulang corset gown na may bulaklak na disenyo.Mahigpit ang pagkakasuot nito sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo kaya naman kitang-kita ko ngayon ang hubog ng aking katawan.Gaya nga ng sinabi ni Reese kaninang hapon, kaarawan ngayon ni Selena. At may magaganap na isang handaan kaya pinag-aayos niya kami.“Napakaganda niyo po talaga, Binibining Dea,” komento ng ginang na nag-ayos sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang papuri. Parang kiniliti ako ng kaniyang mga salita.“Maraming salamat po,” magiliw na wika ko sa kaniya.Bigla namang may kumatok sa pinto ng silid. Pagkatapos ng ikatlong pagkatok, pumih

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-WALONG KABANATA: Lunar Magic

    IKA-WALONG KABANATA: Lunar MagicIPINASA ko ang batang buhat-buhat ko sa ina nitong kanina pa naghahanap sa kaniya. Iniligtas ko ito mula sa bahay nilang tinutupok ng apoy. Mabuti na lamang at narinig ko ang malakas nitong pag-iyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.Ang nakakalungkot lamang ay namatay ang ama nito habang pinoprotektahan siya mula sa mga nagsisilaglagang nasusunog na bahagi ng bahay. Isa iyong napakasalimuot na karanasan para sa isang batang katulad niya.“Maraming salamat sa panliligtas ng aking anak, Binibini. Habambuhay ko itong tatanawin na utang loob sa inyo,” mangiyak-ngiyak na sambit ng ina ng bata sa akin at mukhang batid na sa kaniyang kaalaman ang sinapit ng kaniyang asawa.Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman po. Huwag niyo pong alalahanin iyon. Lumikas na po kayo sa ligtas na lugar,” hayag ko sa kaniya. Tumango nama

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni Demito

    IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni DemitoNAPAKAGAT ako ng aking ibabang labi habang iniinda ang napakaraming sugat na nakuha ko mula sa mga atake ng aking kalaban. Hindi ko masundan ang bawat galaw nito at mabilis na nagpapalipat-lipat ng direksyon. Hindi ako makasabay.Nagpokus ako at tinipon ang lahat ng mahika sa aking katawan. Kailangan kong kumalma. Hindi ako maaaring mataranta. Huminga ako ng malalim ngunit napatigil ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang kumirot na naman ang aking puso. Parang unti-unti itong dinudurog. Sumpain ka, Finis!Kailangan ko ring mag-isip ng paraan kung paano tanggalin ang mga sinulid nitong unti-unting pumupulupot sa aking puso. Hindi ako puwedeng matalo.Bigla na lamang akong napaluhod sabay tukod ng aking espada sa lupa. Pinagpapawisan ako nang malapot. Habang patagal nang patagal ay nahihirapan akong huminga.Nanghihina rin ako na naging dahilan para manlabo ang

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng Nadarama

    IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng NadaramaNAPATULALA ako nang napagtanto ko kung ano ang sumunod na ginawa ni Reese. Matapos niyang pakawalan ang kaniyang napakalakas na spell patungo sa aming direksyon ni Finis, sinalubong niya ito nang walang pag-aalinlangan at sinubukang ilihis ang direksyon.“Reese, hindi! Huwag mong gawin iyan!” sigaw ko sa kaniya ngunit tila hindi niya ako naririnig.“Pagkakataon ko na ito para tumakas,” sambit ng kalaban at saka ako binitiwan.Lumipad siya palayo sa akin ngunit hindi ko hinayaan ang kaniyang binabalak na pagtakas.“Absolute Prison!” sigaw ko at ikinumpas ang aking kamay sa kaniyang direksyon.Halit sa lalamunang nagsisigaw ito at pilit na kumakawala sa aking spell.Lumipad ako para tulungan si Reese na salagin ang spell niya ngunit bigla na lamang akong nakulong sa isang makapal na harang.&l

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar Deity

    IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar DeityNAIMULAT ko ang aking mga mata nang may tumawag sa aking pangalan. Malamyos na tinig ito ng isang babae. Kumunot ang aking noo at iginala ang aking paningin sa buong paligid.Teka, hindi ito ang kanlungang pinagtataguan namin. Nasa’n ako? Alam kong natutulog lang ako kanina katabi ang aking kapatid at ang iba pa naming kasama ngunit paggising ko ay nasa ibang lugar na ako.Nagitla ako sa malalim na pag-iisip nang may musikang namayani sa buong paligid. Napakaganda nito sa pandinig. Idagdag mo pa ang tanawing nakikita ko ngayon.Isang malawak na lawa ang nasa aking harapan habang malinaw na nakikita ko rito ang nakabibighaning repleksiyon ng buwan. Napakakalmado ng buong lugar. Ang marahang paghampas ng hangin sa aking mukha ay sinasaliwan ng banayad na tugtugin. Hinanap ko kung saan nagmumula ang musikang kanina pa nagbibigay ng saya sa akin.Sa ilalim ng is

    Huling Na-update : 2021-06-11

Pinakabagong kabanata

  • Luna Rossa   IKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Katapusan at ang Bagong Simula

    IKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Pagtatapos at ang Bagong Simula“MINSAN, hindi alam ng mga tao kung ano ang mga bagay na dapat ipaglaban at kung ano ang hindi. Kung ano ang dapat isuko o ipagpatuloy. Hinahayaan nilang kontrolin sila ng kanilang sariling emosyon. Iyon ang dahilan kung bakit kayong mga tao ay mahihina.”Napailing ang diyablo matapos sabihin ang mga salitang iyon. “Sa sandaling nagawa mong kontrolin ang sarili mong emosyon, magkakaroon ka ng kapangyarihang hindi mo aakalain,” makahulugang wika pa nito.Napaawang ang aking bibig dahil sa aking mga narinig. Hindi ako makapaniwalang isang diyablo ang kaharap namin ngayon. Hindi ba’t punong-puno ng kasamaan ang puso ng mga diyablo, bakit parang kapayapaan at may bahid ng kabutihan ang nakikita ko sa mga mata nito?May punto nga siya. Hindi nga lahat ng bagay ay maaari mong ipaglaban. Hindi lahat ng gusto mo ay puwede mong ipagpilitan. Minsan, kailangan nat

  • Luna Rossa   IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase Moonfox

    IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase MoonfoxNAPAHAWAK ako sa aking ulo dahil sa pagkahilong nararamdaman ko. Anong nangyari?“Dea, ang hitsura mo... T-teka, totoo ba itong nakikita ko? Ang guardian form ng isang Lunar Deity— ang 8-phase moonfox,” manghang sambit sa akin ni Reese nang mabawi niya ang kaniyang lakas at tumingin sa akin.“Huh?!? Anong sinasabi mo, Reese?” takang tanong ko sa kaniya at saka napatayo.Nagulat ako nang mapansin ang walong buntot na kumakawag sa aking puwetan. Napatingin din ako sa aking mga kamay dahil sa biglaang paghaba ng aking mga kuko. Kinapa ko ang aking ulo at may dalawang nakausling malalambot na bagay ang nakadikit dito. Parang pares ito ng mga tainga ng isang mabalahibong hayop.“Paanong nagagawa mong lampasan palagi ang iyong limitasyon? Dahil ba ito sa determinasyon mong lumaban para protektahan ang mga taong

  • Luna Rossa   IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang Rebelasyon

    IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang RebelasyonNAPABUGA ako ng hangin nang hindi ko namamalayan. Mapakla akong napangiti habang inaalala ang mga masasayang araw namin ni Reese nang magkasama. Kahit sandali pa lamang kaming magkakilala, napamahal na ako sa kaniya. Siya ang ang nagturo sa akin kung paano maging malakas. Pero hindi ko naman alam na darating pala ang araw na ito.Bigla akong napaiktad at napatigil sa pag-iisip nang muling magsalita si Trevor. Kanina pa kasi hindi kumikilos si Reese sa kaniyang kinaroroonan para sundin ang ipinag-uutos ng kaniyang ama kahit pa ginamitan na siya ni Trevor ng Mind Compulsion.“Hindi mo na ako makokontrol pa, Ama. Sa nakalipas na isang linggo, nagawa kong malampasan ang antas ng iyong kapangyarihan. Pagod na akong maging sunod-sunuran pa sa inyo ni Ina,” matigas na hayag ni Reese sa kaniyang ama.Mabilis naman akong kinunutan ng aking noo. Pati rin pala si

  • Luna Rossa   IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa Lahi

    IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa LahiBIGLA kaming napatigil sa paglipad nang salubungin kami ng isang hukbo ng mga kapwa naming mangkukulam na mukhang nagawa nang kontrolin ng mga bampira ang kanilang mga isipan.Ngunit kung titingnan silang mabuti, parang naging mga bampira na rin sila dahil sa mga matutulis nilang mga pangil at mapupulang mga mata.Ginawa silang bampira ng mga kalaban. Marahil ganoon nga ang nangyari.At habang patagal nang patagal ay nadadagdagan ang kanilang bilang. Napakarami nila.Humarap ako sa aking mga kasama at kita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Marahil ay may mga kaibigan, kapatid o kapamilya sila sa mga kalabang kinakaharap namin ngayon. Sinong mag-aakalang gagamitin ng mga bampira ang mga kalahi namin laban sa amin? Hindi ko ito nakita sa aking pangitain ngunit tama nga si Lola Diana, may mga bagay pa ring hindi inaasahang mangyayari.“

  • Luna Rossa   IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar Deity

    IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar DeityNAIMULAT ko ang aking mga mata nang may tumawag sa aking pangalan. Malamyos na tinig ito ng isang babae. Kumunot ang aking noo at iginala ang aking paningin sa buong paligid.Teka, hindi ito ang kanlungang pinagtataguan namin. Nasa’n ako? Alam kong natutulog lang ako kanina katabi ang aking kapatid at ang iba pa naming kasama ngunit paggising ko ay nasa ibang lugar na ako.Nagitla ako sa malalim na pag-iisip nang may musikang namayani sa buong paligid. Napakaganda nito sa pandinig. Idagdag mo pa ang tanawing nakikita ko ngayon.Isang malawak na lawa ang nasa aking harapan habang malinaw na nakikita ko rito ang nakabibighaning repleksiyon ng buwan. Napakakalmado ng buong lugar. Ang marahang paghampas ng hangin sa aking mukha ay sinasaliwan ng banayad na tugtugin. Hinanap ko kung saan nagmumula ang musikang kanina pa nagbibigay ng saya sa akin.Sa ilalim ng is

  • Luna Rossa   IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng Nadarama

    IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng NadaramaNAPATULALA ako nang napagtanto ko kung ano ang sumunod na ginawa ni Reese. Matapos niyang pakawalan ang kaniyang napakalakas na spell patungo sa aming direksyon ni Finis, sinalubong niya ito nang walang pag-aalinlangan at sinubukang ilihis ang direksyon.“Reese, hindi! Huwag mong gawin iyan!” sigaw ko sa kaniya ngunit tila hindi niya ako naririnig.“Pagkakataon ko na ito para tumakas,” sambit ng kalaban at saka ako binitiwan.Lumipad siya palayo sa akin ngunit hindi ko hinayaan ang kaniyang binabalak na pagtakas.“Absolute Prison!” sigaw ko at ikinumpas ang aking kamay sa kaniyang direksyon.Halit sa lalamunang nagsisigaw ito at pilit na kumakawala sa aking spell.Lumipad ako para tulungan si Reese na salagin ang spell niya ngunit bigla na lamang akong nakulong sa isang makapal na harang.&l

  • Luna Rossa   IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni Demito

    IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni DemitoNAPAKAGAT ako ng aking ibabang labi habang iniinda ang napakaraming sugat na nakuha ko mula sa mga atake ng aking kalaban. Hindi ko masundan ang bawat galaw nito at mabilis na nagpapalipat-lipat ng direksyon. Hindi ako makasabay.Nagpokus ako at tinipon ang lahat ng mahika sa aking katawan. Kailangan kong kumalma. Hindi ako maaaring mataranta. Huminga ako ng malalim ngunit napatigil ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang kumirot na naman ang aking puso. Parang unti-unti itong dinudurog. Sumpain ka, Finis!Kailangan ko ring mag-isip ng paraan kung paano tanggalin ang mga sinulid nitong unti-unting pumupulupot sa aking puso. Hindi ako puwedeng matalo.Bigla na lamang akong napaluhod sabay tukod ng aking espada sa lupa. Pinagpapawisan ako nang malapot. Habang patagal nang patagal ay nahihirapan akong huminga.Nanghihina rin ako na naging dahilan para manlabo ang

  • Luna Rossa   IKA-WALONG KABANATA: Lunar Magic

    IKA-WALONG KABANATA: Lunar MagicIPINASA ko ang batang buhat-buhat ko sa ina nitong kanina pa naghahanap sa kaniya. Iniligtas ko ito mula sa bahay nilang tinutupok ng apoy. Mabuti na lamang at narinig ko ang malakas nitong pag-iyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.Ang nakakalungkot lamang ay namatay ang ama nito habang pinoprotektahan siya mula sa mga nagsisilaglagang nasusunog na bahagi ng bahay. Isa iyong napakasalimuot na karanasan para sa isang batang katulad niya.“Maraming salamat sa panliligtas ng aking anak, Binibini. Habambuhay ko itong tatanawin na utang loob sa inyo,” mangiyak-ngiyak na sambit ng ina ng bata sa akin at mukhang batid na sa kaniyang kaalaman ang sinapit ng kaniyang asawa.Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman po. Huwag niyo pong alalahanin iyon. Lumikas na po kayo sa ligtas na lugar,” hayag ko sa kaniya. Tumango nama

  • Luna Rossa   IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa Malefica

    IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa MaleficaHINDI ko maalis-alis ang aking tingin sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Ngayon lamang ako nagsuot ng ganito kagandang kasuotan sa tanang ng buhay ko. Isa itong pulang corset gown na may bulaklak na disenyo.Mahigpit ang pagkakasuot nito sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo kaya naman kitang-kita ko ngayon ang hubog ng aking katawan.Gaya nga ng sinabi ni Reese kaninang hapon, kaarawan ngayon ni Selena. At may magaganap na isang handaan kaya pinag-aayos niya kami.“Napakaganda niyo po talaga, Binibining Dea,” komento ng ginang na nag-ayos sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang papuri. Parang kiniliti ako ng kaniyang mga salita.“Maraming salamat po,” magiliw na wika ko sa kaniya.Bigla namang may kumatok sa pinto ng silid. Pagkatapos ng ikatlong pagkatok, pumih

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status