Home / Fantasy / Luna Rossa / IKALAWANG KABANATA: Pighati

Share

IKALAWANG KABANATA: Pighati

last update Huling Na-update: 2021-06-11 17:12:51

IKALAWANG KABANATA: Pighati

TULOY-TULOY pa rin ang pagbuhos ng aking mga luha habang nakahawak sa magkabilaang balikat ng aking ina. Kahit anong gawin ko ay alam kong wala na siya at hindi na babalik pa. 

Sandali naman akong napatigil sa pag-iyak nang naagaw ng aking pansin si Ate Helena na sumalpok sa dingding ng aming bahay at dumiretso sa labas. Nagiba ang aming bubong at naidamay ang kalahating bahagi ng aming tahanan.  

Gumawa ako ng isang spell para protektahan ang katawan ni Ina. Minadali kong tunguhin ang kinaroroonan ni Ate Helena. 

“Dea, kunin mo si John at tumakas na kayo rito,” matigas na utos sa akin ni Ate Helena at saka marahang ibinaba ang natutulog naming bunsong kapatid sa lupa. 

“Si Ina, wala na siya, Ate. At bakit si John? Anong nangyari sa kaniya? Bakit kami tatakas?” mangiyak-ngiyak na hayag ko sa kaniya.

“Oo, alam ko, patay na si Ina. At si John ay naging isang mabangis na halimaw kaya wala akong nagawa kundi patulugin siya. Mapanganib para sa inyo ang magtagal pa rito. Isang malakas na kalaban ang lumusob dito at siya ang pumatay kay Ina,” nagmamadaling paliwanag sa akin ng aking kapatid na nagpatigil sa buo kong sistema nang ilang segundo.

 

Bumalik ako sa aking huwisyo nang sigawan ako ni Ate Helena. “Dea, saluhin mo!” bulalas niya at saka ibinato sa akin si John. Mabuti na lamang at nasalo ko ang aming bunsong kapatid.

Nabigla ako nang masilayan ang pagbabago ng hitsura niya. Napakaputla ng kaniyang balat at kitang-kita ang mga ugat niya sa kamay at mukha. May dalawang papatubong sungay din sa kaniyang noo at may marka ng mga ngipin sa kaniyang leeg. Ano ang mga ito? Kagat ng isang halimaw? Teka… isa bang bampira ang kalabang sinasabi ni Ate?

Napaiktad ako sa aking kinaroroonan at napatigil sa pagsuri sa kondisyon ng aking kapatid nang makarinig ng parang mga nagtatagisang bakal. Napalingon ako sa gawi ni Ate Helena. 

“Gladius Tempestas!” pag-cast niya ng spell at saka umulan ng napakaraming patalim mula sa kalangitan. Tumama ang lahat ng ito sa iisang direksyon ngunit nagtaka ako dahil wala naman akong nakikitang kalaban niya.

Lahat ng patalim na nilikha ng kaniyang spell ay lumihis ang direksyon at tumama sa kung saan-saan. Hindi ko agad napansin ang dalawang patalim na patungo sa aming kinaroroonan kaya hindi ako nakagawa ng spell para proteksyonan ang aking sarili at si John. 

Huli na para mailagan ko ang mga ito. Awtomatikong napapikit na lamang ako at niyakap si John para ipangsalag ang aking sarili sa papalapit na mga patalim. Ngunit lumipas ang ilang sandali, walang anumang patalim ang tumama sa akin. 

Napamulat ako at doon ko napagtantong gumawa si Ate Helena ng harang para maprotektahan kaming dalawa ng aming bunsong kapatid. Napakahusay talaga ng aking nakatatandang kapatid. Napangiti ako sa kaniya ngunit mabilis din lang napawi ang mga ngiti sa aking labi. 

Bigla na lamang siyang napaluhod at saka napahawak sa kaniyang dumudugong tiyan. Anong nangyari? Paanong nagkaroon siya ng malaking sugat sa kaniyang tiyan gayong wala naman akong nakitang patalim na sumugod sa kaniyang direksyon?

Napamulagat ako ng mga mata nang makita ang isang lumilipad na sibat at ilang sandali lamang ay bigla na lamang itong naglaho sa aking paningin. May mga bakas ng dugo ang matulis na bahagi nito. 

“Hindi ako papayag na pati ang mga kapatid ko ay idadamay mo. Kung hindi kita matatalo ngayon, hindi ko matutupad ang pangako ko sa aming ama na protektahan sila sa anumang uri ng panganib,” mariing hayag ni Ate Helena at saka pinilit na tumayo.

 

“Ate Helena...” tanging nasambit ko dahil isa-isa nang nag-uunahan ang mga luha ko sa pagpatak. Napalingon siya sa akin at saka tipid na ngumiti. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita kong ngumiti ang aking ate. 

Hindi ko alam pero bata pa lamang kami, malayo na ang loob niya sa akin. Napakalamig ng kaniyang pakikitungo sa akin sa tuwing magkausap kami. 

“Dea,” tawag niya sa akin.

“Alam kong nangako ako kay Ama na proprotektahan ko kayong dalawa ni John sa abot ng aking makakaya ngunit sa sitwasyon natin ngayon, hindi ko ito magagawa nang wala ka.”

“Paano mo nasabi, Ate? Mahina lamang ako—”

“Nagkakamali ka. Alam kong malakas ka. Magtiwala ka lang sa iyong sarili. Magtulungan tayo. Ipahiram mo sa akin ang iyong lakas at kapangyarihan,” pagpapalakas niya ng aking loob.

Saglit akong napatigil sa pagdududa sa sarili kong kakayahan at inisip ang mga sinabi ng aking kapatid. Tama siya. Kailangan ko lang magtiwala sa aking sarili. Kahit gaano kaimposibleng gawin para sa akin, kailangan ko pa ring subukan. At saka isa pa, ngayon lang humingi ng tulong ko ang aking kapatid. Hindi ko siya puwedeng biguin. Lalaban ako nang kasama siya. 

Iniangat ko ang aking ulo at saka tumango sa kaniya. Tumango rin siya sa akin bilang pagtugon. Ikinumpas niya ang kaniyang kamay at bigla na lamang nawala si John mula sa aking pangangalaga.

Lumutang siya sa ere at nabalutan ng isang makapal na harang.

Humakbang ako patungo kay Ate Helena. Hinawakan niya ang aking kamay at sa sandaling iyon ay nakita ko ang kabuuan ng paligid, maging ang mga bagay na hindi nakikita ng mga mata. Ito ang spell na Absolute Awareness. Itinuro ito dati sa amin ng aming ina ngunit hindi ko ito magawa-gawa.

Napaiktad ako nang mapansin ang isang itim na nilalang na nakatayo sa aming harapan, ilang metro ang layo nito mula sa amin. Hindi ko mahagilap ang hitsura nito dahil nababalutan ang buong katawan nito ng itim na kasuotan. At nag-uumapaw ang itim na awrang nakapalibot dito. Marami na rin itong natamong pinsala sa katawan. 

Mas lalo tuloy nadagdagan ang aking paghanga sa aking kapatid dahil kahit wala siyang gaanong karanasan sa pakikipaglaban, nagawa niya pa ring masugatan ang malakas na kalaban. 

Nilingon ko siya at mabilis na naagaw ng aking atensyon ang sugat niya sa kaniyang tiyan. Nataranta ako at labis na nag-aalala sa kaniyang kondisyon ngayon. Hindi pa rin tumitigil sa pagdurugo ang kaniyang sugat.

Napatigil naman ako at napalunok ng sariling laway nang biglang magsalita ang aming kalaban. Nakakatakot ang boses nito. Kakaibang lamig ang gumapang sa aking batok pababa ng aking likod habang nagsasalita ito.

 

“Ang Moon Amulet! Tama nga ang hinala ng aking panginoon, nasa inyong pangangalaga ang Luna,” pagsisiwalat nito sa amin. 

“Anong Luna?” matapang kong sabat dito.

“Ang kuwintas mo, Dea. Iyan ang Moon Amulet na tinatawag na Luna. Ikaw ang pinili nito. Bata pa lamang tayo, nasa iyo na ang kuwintas na iyan. Iyan ang dahilan kung bakit nagtatago tayo sa kagubatang ito dahil maraming may gustong kumuha nito mula sa’yo. Para mailayo tayo sa kapahamakan, nagsagawa si Ama ng isang pinagbabawal na ritwal para lubos na maselyuhan ang kapangyarihan nito.

Ngunit...” 

Napatigil siya saglit kasabay ng paglungkot ng kaniyang mukha. Parang alam ko na kung ano ang susunod niyang sasabihin. Ito ba ang dahilan kung bakit namatay si Ama— ang kuwintas na ’to? At ito rin ba ang dahilan kung bakit kami nasa ganitong sitwasyon ngayon?

“… namatay si Ama matapos matagumpay na naisagawa ang ritwal. Nawala rin ang ilan sa iyong mga alaala. Naglaho ang kuwintas ngunit alam naming hindi nito nilisan ang iyong katawan. Sinunog ni Ina ang dati nating tirahan at lumipat sa kagubatang ito, malayo sa mga taong nag-aasam na makuha ito mula sa’yo,” salaysay ng aking kapatid.

 

Napakuyom ang aking mga kamao. Ako pala ang dahilan ng lahat ng aming paghihirap. Nang dahil sa kuwintas na ito, nagkandagulo-gulo ang aming buhay.  

“Kung gayon, naparito ka para sa kuwintas na ’to, hindi ba?” usisa ko sa aming kalaban kasabay ng pag-angat ng aking ulo. 

“Nakuha mo, Binibini. Isuko mo sa akin ang kuwintas na iyan at—”

“Heto! Kunin mo na. Basta ipangako mong hindi mo na kami guguluhin pa,” pagputol ko sa sinasabi nito.

“Hindi puwede, Dea! Iyan ang simbolo ng ating angkan mula pa noong unang panahon. Ipinapasa ito sa bawat henerasyon at ikaw ang pinili nitong maging tagapagmana. Kapag isinuko mo ito, parang binalewala mo na rin ang sakripisyo ni Ama at Ina para protektahan ka,” mahabang litaniya sa akin ni Ate Helena.

 

“Pero Ate, ito ang dahilan ng lahat ng paghihirap natin,” sabat ko sa kaniya.

“Hindi, Dea. May dahilan kung bakit nangyayari ito sa atin. Alam ko at ni Ina na mangyayari ang araw na ito. Ito ang tadhana, Dea.

Balang araw maiintindihan mo rin. Kaya kahit anong mangyari, hindi mo ibibigay ang Luna sa kahit sino,” mariing hayag niya sa akin.

“Tapos na ba kayong mag-usap? Kanina pa ako naiinip dito. Kung hindi niyo rin lang ibibigay ang kuwintas, wala na akong magagawa kundi paslangin kayong lahat at sapilitan itong kunin sa inyo,” mapagbantang sambit ng aming kalaban sa amin. Umaalingawngaw ang kaniyang nakakikilabot na tinig sa buong paligid.

“Ngayon na, Dea. Gawin na natin,” wika ni Ate Helena sa akin.

Tumango ako sa kaniya bilang pagtugon. Tama nga si Ate. Kapag isinuko ko ito nang gano’n-gano’n na lang, parang binalewala ko na rin ang lahat ng sakripisyo nina Ama at Ina. Kung gayon, kailangan ko rin itong protektahan alang-alang sa kanila.

Naghawakan kami ng kamay ni Ate Helena. Sa oras na iyon, parang magkakonekta ang aming isipan. Pumikit kaming dalawa at aming puso at kaluluwa ay naging iisa. 

Ito ang Harmonia— isang spell na itinuro sa amin ni Ina. Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo sa bawat ugat ng aming katawan at alam kong ganoon din si Ate Helena. Maging ang pagtibok ng aming mga puso ay magkasabay. Hindi ko aakalaing isasagawa ko ang spell na ito kasama ang aking nakatatandang kapatid.

“Hindi niyo ako madadaan sa ganiyan. Blood Magic: Bloodshed Tragedy!” sigaw ng aming kalaban ngunit hindi namin siya pinansin.

Ilang minuto pa ay nagmulat na kami ng mga mata at sabay kaming umusal ng mga salita ni Ate Helena. Itinaas namin ang aming mga kamay at hindi nagpatinag sa napakalakas na spell ng kalaban. 

May mga nabuong pulang ulap sa aming itaas. Ilang sandali pa ay napalibutan na kami ng mga pulang pader. Matatalim na pulang kidlat ang kumawala sa mga ulap at unti-unti ay may mga umusling matutulis na bagay sa mga pader na nakapalibot sa amin. Para itong malalaki at mahahabang pako. Tumawa nang malakas ang aming kalaban at tila ba idinedeklara na ang kaniyang tagumpay. Ikinulong niya kami para wala kaming matakbuhan at hindi namin mailagan ang kaniyang mga atake. 

Daan-daang blood spikes ang sumugod patungo sa aming kinaroroonan ni Ate Helena mula sa iba’t ibang direksyon. Nagtinginan kami at tumango sa isa’t isa.

“Wiccan Magic: Sanguis Harmonia!” sabay naming sigaw. 

Isang makapal na harang ang prumotekta sa aming dalawa at ang banggaan ng mga spell namin ng kalaban ay lumikha ng malalakas na pagsabog. Itinaas namin ni Ate Helena ang aming mga kamay at isang napakalaking pulang espada ang lumitaw sa aming itaas. 

“Hindi! Hindi maaari! Hindi ako puwedeng matalo. Hindi ko puwedeng biguin ang aking master. Kailangan kong makuha ang Moon Amulet,” bunghalit ng aming kalaban sa amin.

“Blood Magic—”

“Katapusan mo na!” tili namin pareho ng aking kapatid at pinakawalan ang nalikha naming espada patungo sa kalaban bago pa ito makapag-cast ng panibagong spell. 

“Hindi!” hindi makapaniwalang sigaw nito bago matamaan ng aming atake. Nahati sa dalawa ang katawan nito at malayang sumirit ang kaniyang dugo mula rito.

 

“M-master T-Trevor... p-patawarin niyo ako,” pautal-utal nitong sambit bago tuluyang natumba sa lupa. Ilang sandali lamang ay naging abo na ito at humalo sa hangin. 

“Nagawa natin, Ate!” masaya kong hayag sa aking kapatid at saka napayakap sa kaniya nang hindi ko namamalayan. 

“Oo. Nagawa natin, mahal kong... kapatid,” mahinang wika sa akin ni Ate Helena.

Gusto kong magdiwang dahil sa itinawag niya sa akin ngunit hindi ko magawa. Nararamdaman ko ang papahinang pagtibok ng kaniyang puso. Unti-unting nililisan ng mana at mahika ang kaniyang katawan.

“Ate, ayos ka lang ba?” tanong ko at saka kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. 

Bumaba kami sa pagkakalutang. Ipinatong ko ang kaniyang ulo sa aking mga hita. Napaubo siya ng dugo na naging dahilan para maalarma ako. 

“D-Dea, hindi na ako magtatagal pa. Ipangako mo sa aking aalagaan at proprotektahan mo si John—”

“Hindi, Ate. Mabubuhay ka pa.

Magkakasama pa tayo nang matagal,” putol ko sa kaniyang sinasabi habang hindi magkamayaw sa pagpatak ang aking mga luha. 

“Dea, makinig ka. Huwag na huwag mong ibibigay ang Luna sa kahit sino. Ipangako mo.”

“Pero, Ate—”

“Ipangako mo, Dea.”

“Pangako.”

“Ngayon, makapagpapahinga na ako kasama sina Ama at Ina. Sunugin mo ang bahay natin mamaya kasama na ang mga katawan namin ni Ina. Pumunta ka sentro ng Malefica. Itago mo si John sa isang spell para hindi siya makita ng mga kauri natin. May isa pang magaling na manggagamot doon na maaaring malunasan ang kondisyon ng ating kapatid. Mabuhay ka, Dea. Kasama si John,” mahabang bilin sa akin ni Ate Helena. 

Tinanggal niya ang harang na nakaprotekta sa aming bunsong kapatid at marahan itong inilapag sa tabi ko. Ilang beses kong inalog ang aking ulo habang patuloy sa pag-iyak dahil ayaw kong tanggapin na mamamatay na siya.

“Patawarin mo ako sa mga ipinakita kong hindi maganda sa iyo. Tandaan mo, mahal na mahal kita. Paalam, mahal kong... k-kapatid.”

“Oo, Ate. Pinapatawad na kita. Hindi naman ako galit sa’yo. Mas galit ako sa sarili ko. Kasi kung sana naging mas malakas lang ako, nagawa ko sana kayong protektahan at hindi na kayo nagsakripisyo pa para sa akin.”

“Malakas ka, D-Dea. May mga bagay na ikaw lang ang... makagagawa,” hinang-hinang paalala sa akin ng aking kapatid at saka pinilit na pawiin ang mga luha sa aking mukha.

Sa pagbagsak ng kaniyang kamay sa lupa, nalagutan na siya ng hininga. Niyakap ko nang mahigpit ang wala ng buhay na katawan ni Ate Helena at walang nagawa kundi humagulhol na lamang. 

Kaugnay na kabanata

  • Luna Rossa   IKATLONG KABANATA: Sinumpaang Tungkulin

    IKATLONG KABANATA: Sinumpaang TungkulinSINUNOG KO ang aming tahanan kasama na ang mga katawan nina Ate Helena at Ina dito. Tanging ang mga mahahalagang gamit lamang ang itinira ko at kinuha. Isang hilam na luha ang tumulo mula sa aking kaliwang mata at mabilis nitong binagtas ang aking mukha. Sinusubukan kong patatagin ang aking loob pero sobrang sakit talaga.Dalawang mahal ko sa buhay ang nawala sa loob lamang ng ilang oras. At ngayon, ang aking bunsong kapatid naman ay hindi ko na makilala pa dahil habang patagal nang patagal ay nag-iiba ang kaniyang anyo. Unti-unti siyang nagiging halimaw. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Kahit patay na si Ate Helena, hindi pa rin nawawala ang bisa ng spell nito sa kaniya.Mariin kong naikuyom ang aking mga kamao habang nagngingitngitan ang aking mga ngipin. Gusto kong magwala pero hindi ko alam kung kanino ko ibabaling lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon.Huminga ako nang malalim para ikalma

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-APAT NA KABANATA: Selena, Ang Reyna ng mga Mangkukulam

    IKA-APAT NA KABANATA: Selena, Ang Reyna ng mga Mangkukulam“MAHAL na Reyna Selena, bakit kayo nagpapasok ng tagalabas sa palasyo? Isang maitim na kapangyarihan ang nagmumula sa sanggol na dala-dala niya. Baka magdulot ito ng panganib sa mga mamamayan ng kaharian,” pagtutol ng pinuno ng mga cornixus na nakalaban ko kanina sa desisyon ng reyna na papasukin ako sa palasyo.“Ayos lamang, Demito. Nakita ko ang kanilang pagdating sa kaharian sa pamamagitan ng aking bolang kristal. Alam ko rin kung bakit siya naparito. Nais niya lamang mapagaling ang kaniyang kapatid mula sa isang sumpa,” kalmadong sambit ng batang reyna sa kaniyang alagad.Napakahinahon niya kung magsalita. Hindi rin ako makapaniwala noong una na siya ang reyna ng mga mangkukulam. Ang reynang 333 taon nang nakaupo sa trono. Hindi ko aakalaing isa pala itong bata. O baka naman hindi lamang siya tumatanda kahit lumipas man ang mahabang panahon kaya napan

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-LIMANG KABANATA: Unang Hidwaan

    IKA-LIMANG KABANATA: Unang HidwaanKINABUKASAN, maagang nagsimula ang aming araw. Walang mapagsidlan ang labis kong kasiyahan dahil sa wakas ay nakalalakad na ang aking kapatid. Buong buhay kong tatanawin na utang na loob ang pagpapagaling ni Selena kay John.“Tapos na ang pahinga, bumalik na tayo sa iyong pagsasanay,” istriktong sambit naman sa akin ng aking guro ngayong araw.Akala ko’y si Selena ang magsasanay sa akin ngunit mukhang nawili na siyang makipaglaro kay John. Ipinasa niya ang pagsasanay sa akin sa isang masungit na salamangkero na ipinakilala ng reyna bilang kaniyang anak. Bata pa ang hitsura nito at kung titingnan ay magkasing-edad lang yata kami.“Dea Southheil, nakikinig ka ba sa akin?” sigaw nito sa akin. Kailangan talagang banggitin ang buo kong pangalan?“P-paumanhin po, Master Reese. Hindi na po mauulit,” pautal-utal kong tugon sa kaniya at saka pumuwesto na

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-ANIM NA KABANATA: Unang Bugso ng Damdamin

    IKA-ANIM NA KABANATA: Unang Bugso ng DamdaminSUBUKAN mong muli. Huwag mo kasing hayaang mawala ka sa pokus. Isang linggo na tayong nagsasanay pero hindi mo pa nagagawang tawirin ang lubid na ito nang nakapikit. Inuulit ko, huwag mong hayaang mawala ka sa pokus. Ipayapa mo ang iyong isipan at isiping naglalakad ka lamang sa isang kalmadong dagat,” malakas na hayag sa akin ng aking guro.Napakaistrikto niya talaga. Tama nga siya. Isang linggo na kami sa pagsasanay na ito ngunit ni minsan ay hindi ko pa napagtatagumpayan ang pinapagawa niya. Ngunit, hindi ako susuko. Kailangan kong malampasan ang pagsubok na ito.Naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin noong nakaraan. “Kung hindi mo kayang tawirin ang lubid na ito nang nakapikit, huwag ka nang umasang magiging malakas ka sa mental na aspeto.”Naniniwala ako sa kaniya. Alam kong parte ang pagsubok na ito sa aming pagsasanay. Wala naman akong karapatang magr

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa Malefica

    IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa MaleficaHINDI ko maalis-alis ang aking tingin sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Ngayon lamang ako nagsuot ng ganito kagandang kasuotan sa tanang ng buhay ko. Isa itong pulang corset gown na may bulaklak na disenyo.Mahigpit ang pagkakasuot nito sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo kaya naman kitang-kita ko ngayon ang hubog ng aking katawan.Gaya nga ng sinabi ni Reese kaninang hapon, kaarawan ngayon ni Selena. At may magaganap na isang handaan kaya pinag-aayos niya kami.“Napakaganda niyo po talaga, Binibining Dea,” komento ng ginang na nag-ayos sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang papuri. Parang kiniliti ako ng kaniyang mga salita.“Maraming salamat po,” magiliw na wika ko sa kaniya.Bigla namang may kumatok sa pinto ng silid. Pagkatapos ng ikatlong pagkatok, pumih

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-WALONG KABANATA: Lunar Magic

    IKA-WALONG KABANATA: Lunar MagicIPINASA ko ang batang buhat-buhat ko sa ina nitong kanina pa naghahanap sa kaniya. Iniligtas ko ito mula sa bahay nilang tinutupok ng apoy. Mabuti na lamang at narinig ko ang malakas nitong pag-iyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.Ang nakakalungkot lamang ay namatay ang ama nito habang pinoprotektahan siya mula sa mga nagsisilaglagang nasusunog na bahagi ng bahay. Isa iyong napakasalimuot na karanasan para sa isang batang katulad niya.“Maraming salamat sa panliligtas ng aking anak, Binibini. Habambuhay ko itong tatanawin na utang loob sa inyo,” mangiyak-ngiyak na sambit ng ina ng bata sa akin at mukhang batid na sa kaniyang kaalaman ang sinapit ng kaniyang asawa.Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman po. Huwag niyo pong alalahanin iyon. Lumikas na po kayo sa ligtas na lugar,” hayag ko sa kaniya. Tumango nama

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni Demito

    IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni DemitoNAPAKAGAT ako ng aking ibabang labi habang iniinda ang napakaraming sugat na nakuha ko mula sa mga atake ng aking kalaban. Hindi ko masundan ang bawat galaw nito at mabilis na nagpapalipat-lipat ng direksyon. Hindi ako makasabay.Nagpokus ako at tinipon ang lahat ng mahika sa aking katawan. Kailangan kong kumalma. Hindi ako maaaring mataranta. Huminga ako ng malalim ngunit napatigil ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang kumirot na naman ang aking puso. Parang unti-unti itong dinudurog. Sumpain ka, Finis!Kailangan ko ring mag-isip ng paraan kung paano tanggalin ang mga sinulid nitong unti-unting pumupulupot sa aking puso. Hindi ako puwedeng matalo.Bigla na lamang akong napaluhod sabay tukod ng aking espada sa lupa. Pinagpapawisan ako nang malapot. Habang patagal nang patagal ay nahihirapan akong huminga.Nanghihina rin ako na naging dahilan para manlabo ang

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng Nadarama

    IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng NadaramaNAPATULALA ako nang napagtanto ko kung ano ang sumunod na ginawa ni Reese. Matapos niyang pakawalan ang kaniyang napakalakas na spell patungo sa aming direksyon ni Finis, sinalubong niya ito nang walang pag-aalinlangan at sinubukang ilihis ang direksyon.“Reese, hindi! Huwag mong gawin iyan!” sigaw ko sa kaniya ngunit tila hindi niya ako naririnig.“Pagkakataon ko na ito para tumakas,” sambit ng kalaban at saka ako binitiwan.Lumipad siya palayo sa akin ngunit hindi ko hinayaan ang kaniyang binabalak na pagtakas.“Absolute Prison!” sigaw ko at ikinumpas ang aking kamay sa kaniyang direksyon.Halit sa lalamunang nagsisigaw ito at pilit na kumakawala sa aking spell.Lumipad ako para tulungan si Reese na salagin ang spell niya ngunit bigla na lamang akong nakulong sa isang makapal na harang.&l

    Huling Na-update : 2021-06-11

Pinakabagong kabanata

  • Luna Rossa   IKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Katapusan at ang Bagong Simula

    IKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Pagtatapos at ang Bagong Simula“MINSAN, hindi alam ng mga tao kung ano ang mga bagay na dapat ipaglaban at kung ano ang hindi. Kung ano ang dapat isuko o ipagpatuloy. Hinahayaan nilang kontrolin sila ng kanilang sariling emosyon. Iyon ang dahilan kung bakit kayong mga tao ay mahihina.”Napailing ang diyablo matapos sabihin ang mga salitang iyon. “Sa sandaling nagawa mong kontrolin ang sarili mong emosyon, magkakaroon ka ng kapangyarihang hindi mo aakalain,” makahulugang wika pa nito.Napaawang ang aking bibig dahil sa aking mga narinig. Hindi ako makapaniwalang isang diyablo ang kaharap namin ngayon. Hindi ba’t punong-puno ng kasamaan ang puso ng mga diyablo, bakit parang kapayapaan at may bahid ng kabutihan ang nakikita ko sa mga mata nito?May punto nga siya. Hindi nga lahat ng bagay ay maaari mong ipaglaban. Hindi lahat ng gusto mo ay puwede mong ipagpilitan. Minsan, kailangan nat

  • Luna Rossa   IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase Moonfox

    IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase MoonfoxNAPAHAWAK ako sa aking ulo dahil sa pagkahilong nararamdaman ko. Anong nangyari?“Dea, ang hitsura mo... T-teka, totoo ba itong nakikita ko? Ang guardian form ng isang Lunar Deity— ang 8-phase moonfox,” manghang sambit sa akin ni Reese nang mabawi niya ang kaniyang lakas at tumingin sa akin.“Huh?!? Anong sinasabi mo, Reese?” takang tanong ko sa kaniya at saka napatayo.Nagulat ako nang mapansin ang walong buntot na kumakawag sa aking puwetan. Napatingin din ako sa aking mga kamay dahil sa biglaang paghaba ng aking mga kuko. Kinapa ko ang aking ulo at may dalawang nakausling malalambot na bagay ang nakadikit dito. Parang pares ito ng mga tainga ng isang mabalahibong hayop.“Paanong nagagawa mong lampasan palagi ang iyong limitasyon? Dahil ba ito sa determinasyon mong lumaban para protektahan ang mga taong

  • Luna Rossa   IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang Rebelasyon

    IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang RebelasyonNAPABUGA ako ng hangin nang hindi ko namamalayan. Mapakla akong napangiti habang inaalala ang mga masasayang araw namin ni Reese nang magkasama. Kahit sandali pa lamang kaming magkakilala, napamahal na ako sa kaniya. Siya ang ang nagturo sa akin kung paano maging malakas. Pero hindi ko naman alam na darating pala ang araw na ito.Bigla akong napaiktad at napatigil sa pag-iisip nang muling magsalita si Trevor. Kanina pa kasi hindi kumikilos si Reese sa kaniyang kinaroroonan para sundin ang ipinag-uutos ng kaniyang ama kahit pa ginamitan na siya ni Trevor ng Mind Compulsion.“Hindi mo na ako makokontrol pa, Ama. Sa nakalipas na isang linggo, nagawa kong malampasan ang antas ng iyong kapangyarihan. Pagod na akong maging sunod-sunuran pa sa inyo ni Ina,” matigas na hayag ni Reese sa kaniyang ama.Mabilis naman akong kinunutan ng aking noo. Pati rin pala si

  • Luna Rossa   IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa Lahi

    IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa LahiBIGLA kaming napatigil sa paglipad nang salubungin kami ng isang hukbo ng mga kapwa naming mangkukulam na mukhang nagawa nang kontrolin ng mga bampira ang kanilang mga isipan.Ngunit kung titingnan silang mabuti, parang naging mga bampira na rin sila dahil sa mga matutulis nilang mga pangil at mapupulang mga mata.Ginawa silang bampira ng mga kalaban. Marahil ganoon nga ang nangyari.At habang patagal nang patagal ay nadadagdagan ang kanilang bilang. Napakarami nila.Humarap ako sa aking mga kasama at kita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Marahil ay may mga kaibigan, kapatid o kapamilya sila sa mga kalabang kinakaharap namin ngayon. Sinong mag-aakalang gagamitin ng mga bampira ang mga kalahi namin laban sa amin? Hindi ko ito nakita sa aking pangitain ngunit tama nga si Lola Diana, may mga bagay pa ring hindi inaasahang mangyayari.“

  • Luna Rossa   IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar Deity

    IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar DeityNAIMULAT ko ang aking mga mata nang may tumawag sa aking pangalan. Malamyos na tinig ito ng isang babae. Kumunot ang aking noo at iginala ang aking paningin sa buong paligid.Teka, hindi ito ang kanlungang pinagtataguan namin. Nasa’n ako? Alam kong natutulog lang ako kanina katabi ang aking kapatid at ang iba pa naming kasama ngunit paggising ko ay nasa ibang lugar na ako.Nagitla ako sa malalim na pag-iisip nang may musikang namayani sa buong paligid. Napakaganda nito sa pandinig. Idagdag mo pa ang tanawing nakikita ko ngayon.Isang malawak na lawa ang nasa aking harapan habang malinaw na nakikita ko rito ang nakabibighaning repleksiyon ng buwan. Napakakalmado ng buong lugar. Ang marahang paghampas ng hangin sa aking mukha ay sinasaliwan ng banayad na tugtugin. Hinanap ko kung saan nagmumula ang musikang kanina pa nagbibigay ng saya sa akin.Sa ilalim ng is

  • Luna Rossa   IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng Nadarama

    IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng NadaramaNAPATULALA ako nang napagtanto ko kung ano ang sumunod na ginawa ni Reese. Matapos niyang pakawalan ang kaniyang napakalakas na spell patungo sa aming direksyon ni Finis, sinalubong niya ito nang walang pag-aalinlangan at sinubukang ilihis ang direksyon.“Reese, hindi! Huwag mong gawin iyan!” sigaw ko sa kaniya ngunit tila hindi niya ako naririnig.“Pagkakataon ko na ito para tumakas,” sambit ng kalaban at saka ako binitiwan.Lumipad siya palayo sa akin ngunit hindi ko hinayaan ang kaniyang binabalak na pagtakas.“Absolute Prison!” sigaw ko at ikinumpas ang aking kamay sa kaniyang direksyon.Halit sa lalamunang nagsisigaw ito at pilit na kumakawala sa aking spell.Lumipad ako para tulungan si Reese na salagin ang spell niya ngunit bigla na lamang akong nakulong sa isang makapal na harang.&l

  • Luna Rossa   IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni Demito

    IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni DemitoNAPAKAGAT ako ng aking ibabang labi habang iniinda ang napakaraming sugat na nakuha ko mula sa mga atake ng aking kalaban. Hindi ko masundan ang bawat galaw nito at mabilis na nagpapalipat-lipat ng direksyon. Hindi ako makasabay.Nagpokus ako at tinipon ang lahat ng mahika sa aking katawan. Kailangan kong kumalma. Hindi ako maaaring mataranta. Huminga ako ng malalim ngunit napatigil ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang kumirot na naman ang aking puso. Parang unti-unti itong dinudurog. Sumpain ka, Finis!Kailangan ko ring mag-isip ng paraan kung paano tanggalin ang mga sinulid nitong unti-unting pumupulupot sa aking puso. Hindi ako puwedeng matalo.Bigla na lamang akong napaluhod sabay tukod ng aking espada sa lupa. Pinagpapawisan ako nang malapot. Habang patagal nang patagal ay nahihirapan akong huminga.Nanghihina rin ako na naging dahilan para manlabo ang

  • Luna Rossa   IKA-WALONG KABANATA: Lunar Magic

    IKA-WALONG KABANATA: Lunar MagicIPINASA ko ang batang buhat-buhat ko sa ina nitong kanina pa naghahanap sa kaniya. Iniligtas ko ito mula sa bahay nilang tinutupok ng apoy. Mabuti na lamang at narinig ko ang malakas nitong pag-iyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.Ang nakakalungkot lamang ay namatay ang ama nito habang pinoprotektahan siya mula sa mga nagsisilaglagang nasusunog na bahagi ng bahay. Isa iyong napakasalimuot na karanasan para sa isang batang katulad niya.“Maraming salamat sa panliligtas ng aking anak, Binibini. Habambuhay ko itong tatanawin na utang loob sa inyo,” mangiyak-ngiyak na sambit ng ina ng bata sa akin at mukhang batid na sa kaniyang kaalaman ang sinapit ng kaniyang asawa.Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman po. Huwag niyo pong alalahanin iyon. Lumikas na po kayo sa ligtas na lugar,” hayag ko sa kaniya. Tumango nama

  • Luna Rossa   IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa Malefica

    IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa MaleficaHINDI ko maalis-alis ang aking tingin sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Ngayon lamang ako nagsuot ng ganito kagandang kasuotan sa tanang ng buhay ko. Isa itong pulang corset gown na may bulaklak na disenyo.Mahigpit ang pagkakasuot nito sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo kaya naman kitang-kita ko ngayon ang hubog ng aking katawan.Gaya nga ng sinabi ni Reese kaninang hapon, kaarawan ngayon ni Selena. At may magaganap na isang handaan kaya pinag-aayos niya kami.“Napakaganda niyo po talaga, Binibining Dea,” komento ng ginang na nag-ayos sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang papuri. Parang kiniliti ako ng kaniyang mga salita.“Maraming salamat po,” magiliw na wika ko sa kaniya.Bigla namang may kumatok sa pinto ng silid. Pagkatapos ng ikatlong pagkatok, pumih

DMCA.com Protection Status