Home / Fantasy / Luna Rossa / IKAUNANG KABANATA: Malupit na Tadhana

Share

Luna Rossa
Luna Rossa
Author: Tan Jiro Alvez

IKAUNANG KABANATA: Malupit na Tadhana

last update Huling Na-update: 2021-06-11 17:07:03

IKAUNANG KABANATA: Malupit na Tadhana

KASALUKUYAN ako ngayong nagdidikdik ng halamang coalesco para sa ginagawa naming gayumang panglunas ni Ina. Napatigil naman ako sa aking ginagawa nang tawagin niya ako. Tila nangungusap ang kaniyang mga mapupungay na matang tumingin sa akin.

“Dea, anak, maaari bang ikuha mo pa ako ng tanim nating halamang gamot sa likod ng ating bahay? Ako na muna ang magtutuloy sa ginagawa mo,” malambing niyang hayag sa akin.

Tumugon ako sa kaniya sa pamamagitan ng isang pagtango. Ngunit, sandali akong napatigil nang mahinang napaubo si Ina habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Mabilis kong nabitiwan ang hawak kong maliit na pambayo at agad siyang inalalayan para umupo sa silya. Maging si Helena, ang aking nakatatandang kapatid, ay halos liparin na rin ng takbo patungo sa aming kinaroroonan. 

Tinitigan niya muna ako nang masama bago bumalik sa paghagod ng likod ng aming ina. Hindi ko alam pero parang matagal nang may tinatagong galit sa akin ang aking kapatid.

“Ina, hindi ba’t sinabi ko na sa inyong hayaan niyo na ang paggawa ng lunas na iyan? Ilang taon niyo na ’yang ginagawa pero hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin nahahanap ang tamang sangkap para makumpleto ito,” sermon ni Helena kay Ina.

“Hindi puwede, Helena. Hindi ko puwedeng pabayaan ang inyong bunsong kapatid. Naturingan akong pinakamagaling na mangkukulam sa larangan ng panggagamot ngunit ang sarili kong anak ay hindi ko kayang pagalingin,” halos mangiyak-ngiyak niyang sabat sa aking kapatid. Nadudurog ang aking puso sa tuwing nakikita kong nagkakaganito ang aming ina.

“Opo, naiintindihan namin pero sana naman ay magpahinga kayo. Napapabayaan niyo na ang kalusugan niyo dahil—”

“Ina ako, Helena! At gagawin ko ang lahat para sa aking mga anak, para sa inyong magkakapatid. Wala akong pakialam sa sarili ko basta’t ang mahalaga ay nasa mabuti kayong kalagayan,” pagputol ni Ina sa sinasabi ng aking kapatid. 

Napabuntonghininga na lamang si Helena. Wala naman siyang magagawa dahil sadyang mapilit si Ina at para rin naman sa aming bunsong kapatid ang kaniyang mga ginagawang sakripisyo. 

Bata pa lamang ang aming kapatid na si John, pansin na naming may mali sa kaniya. Noong una ay nakalalakad pa naman siya ngunit hindi nagtagal ay unti-unti siyang nalumpo.  Iginugol naming tatlo ang aming oras sa loob ng pitong taon para mahanap ang lunas sa karamdaman ng aming bunsong kapatid. Ngunit, paulit-ulit kaming nabigo. 

Pitong taon na ring ulila kami sa ama. Ayon kay Ina, namatay siya dahil sa pagsasagawa ng isang makapangyarihang pinagbabawal na ritwal. Hindi na ako nagtanong pa sa kaniya noon kung bakit ginawa iyon ni Ama dahil pakiramdam ko ay hindi rin lang niya ako sasagutin.

“Dea, sige na anak, tumalima ka na sa pinapagawa ko. Dalhin mo itong isang gasera,” turan ni Ina sa akin sabay abot ng isang maliwanag na lampara.

Madaling araw pa lamang kasi. Kailangan ko ring magsuot ng makapal na damit dahil malamig ang simoy ng hangin. 

Lumabas ako ng bahay at diretso lamang ang aking lakad na tinungo ang aming taniman ng mga halamang gamot. Nasa likuran ito ng aming bahay kung saan ako patagong nag-aaral ng mahika. Dito ako nagsasanay palagi ng aking mga spell ngunit hindi alam ng aking pamilya. 

Mariin akong pinagbabawalan ni Ina na gumamit ng mahika kapag wala ang kaniyang gabay. Nakakagamit lamang ako ng mga spell kapag gumagawa kami ng lunas. Ngunit sa tuwing may kung anong mahika sa loob ko na gustong kumawala, nagsasanay ako nang mag-isa. 

Hindi ko maintindihan ang aking sarili pero pakiramdam ko ay hindi lamang para sa mga paggawa ng lunas ang aking kapangyarihan. Pakiramdam ko ay ipinanganak ako para magsilbing proteksyon sa mga taong mahal ko. Gusto kong maging malakas para hindi na kami nagtatago sa kagubatang ito na ayon kay Ina ay malayo sa panganib. Hindi ko alam kung anong uri ng panganib ang tinutukoy niya. 

Nakatira kami sa isang masukal na kagubatan ng Hilagang Malefica na nasa pinakatagong bahagi ng kaharian ng mga mangkukulam. Sa tulong ng mga aklat ni Ina, marami akong nalalaman tungkol sa aming kaharian at sa iba pang mga lugar. Palihim ko ring kinukuha sa kaniyang kuwarto ang aklat niyang naglalaman ng mga spells at inaaral ang mga ito nang hindi niya nalalaman.

Bumalik naman ako sa reyalidad nang bigla akong kinutuban nang masama. Nasa kalagitnaan ako ng pamimitas ng dahon nang may isang sumasagitsit na tunog ang pumukaw sa aking atensiyon. Tila galing ito sa isang hayop na gumagapang sa mga tuyong dahon ng mga puno. 

Binilisan ko ang pagkuha ng mga halamang gamot ngunit bigla akong nabato sa aking kinaroroonan ng isang mahaba at malapad na bagay ang mabilis na lumingkis sa aking katawan. Nabitiwan ko ang gasera at ang mga dahong hawak ko.  

Hindi agad ako nakagawa ng anumang pagkilos. Kahit medyo madilim pa, alam ko na kung anong bagay ang nakapulupot sa akin ngayon. Habang patagal nang patagal ay pahigpit nang pahigpit ang pagkakapilipit nito sa akin. Paisa-isang pumapatak ang malalagkit at mainit na likido sa aking mukha. Mahapdi at tila asidong nilalapnos ng mga likidong ito ang aking balat. Napapikit na lamang ako dahil sa nanunuot na sakit. 

“Isang basilisk,” mahinang bulong ko sa aking sarili. 

Tinatawag na “king of serpents” ang basilisk. Isa itong dambuhalang ahas na parang gawa sa matigas na bakal ang mga kaliskis sa katawan. May mahahaba itong mga pangil at nagbubuga ng nakalalasong usok at likido.

Bakit ngayon pa? Ramdam ko ang pagdampi ng mahaba nitong dila sa aking mukha at patuloy pa rin ito sa pagsitsit. Hindi ako nagmulat ng mga mata dahil magiging bato ako kapag nagkataong matitigan ko ito sa mata.

“A-ack!” daing ko nang mas lalong hinigpitan ng basilisk ang pagkakapulupot sa akin. 

Isang matinis na tinig ang kumawala sa basilisk at alam kong nakahanda na itong sakmalin ako. Malakas akong napadaing dahil tila dinudurog ng higanteng ahas ang aking mga buto’t kalamnan. Sobrang higpit ng pagkakapulupot nito sa akin. 

Ano nang gagawin ko ngayon? Hindi ko maigalaw ang aking mga kamay para gumawa ng isang spell o maibuka nang maayos ang aking bibig para umusal ng isang engkantasyon dahil nasasakal ako.

Kahit sobrang nahihirapan, sinubukan kong magpakawala ng mahika. Hindi ko hahayaan ang halimaw na ito na sayangin lamang ang ilang taon kong pagsasanay. Lalaban ako. Kahit mahirap, lalaban ako. Kahit mahina lang ako, lalaban pa rin ako. 

Bigla ko na lamang naramdaman ang pagsikdo ng isang kakaibang sensasyon sa aking mga ugat. Impit akong napasigaw at habang ginagawa ko iyon ay unti-unting kumalas ang basilisk mula sa pagkakapulupot nito sa akin. 

Napamulat ako at natapat ang mga mata ko sa mga berdeng mata ng halimaw na nasa harapan ko at ilang pulgada lamang ang layo nito sa akin. Tila nag-aapoy ang aking paningin. Ngunit kahit natitigan ko ang mga mata ng basilisk, hindi ako naging bato. 

Anong nangyari? Walang epekto sa akin ang mga titig nitong nakakabato. Mas lalong naging agresibo ang basilisk nang makitang nakagagalaw pa rin ako. Malaki nitong ibinuka ang bunganga at tila ipinagmamayabang sa akin ang mahaba nitong dila at nakapangingilabot na mga pangil.

Mabilis ako nitong sinakmal ngunit bago pa man ako makain, nagawa kong ibuka ang bunganga nito gamit ang aking buong lakas.

Muli ko na namang naramdaman ang sensasyong nagpasirko-sirko sa aking mga ugat. Saan nagmumula ang ibayo kong lakas ngayon?

Nakalabas ako mula sa nakasusulasok na bunganga ng halimaw at dumistansiya mula rito. Pumalahaw ito nang pagkalakas-lakas pero hindi ako natinag. Pagkakataon ko na ito. Mabilis itong sumugod sa akin kaya binilisan ko rin ang pagkilos ng aking mga kamay. 

“Gravis Crepitus!” 

Isang malaking bola ng apoy ang lumipad at sinalubong nito ang halimaw ngunit… bigla na lamang nawala sa direksiyon ang aking spell at bigo akong patamaan ang basilisk. Sumabog ito sa isang puno at naduwal ito. Palpak na spell na naman. 

Mabilis akong napabalikwas nang muling sumugod sa akin ang halimaw. Nagawa ko itong ilagan ngunit napatilapon ako sa ere matapos akong hampasin nito gamit ang malabakal nitong buntot. Sakto namang tumama ang aking likod sa isang malaking puno. Napaupo na lamang ako habang hinahayaan ang pagdurugo ng aking ulo. 

Nandidilim na ang aking paningin. Habang patagal nang patagal ay nagiging malabo ang buong paligid para sa akin. 

Hindi maaari. Kailangan kong lumaban. Hindi ako puwedeng sumuko. Ilang beses man akong mabigo, kailangan ko pa ring sumubok nang sumubok. 

Proprotektahan ko pa ang aking pamilya at magsisilbi akong pananggalang nila sa kahit anumang panganib. Iyon ang aking misyon at sinumpaang tungkulin— ang dahilan kung bakit gusto kong maging malakas at mabuhay nang matagal kasama sila.

Napatigil ako nang biglang umilaw ang aking dibdib at gumapang ang isang nakakikiliting pakiramdam paakyat sa aking leeg kasabay ng pulang ilaw. 

Nang napawi na ang nakasisilaw na liwanag, isang kuwintas na may pulang bilog na pendant ang nakasuot na sa aking leeg. Ano ito? 

Isang napakalakas na kapangyarihan ang nararamdaman kong namumutawi sa kuwintas na ito. Kumabog nang malakas ang aking dibdib at awtomatikong napapikit ang aking mga mata. Isang imahe ng pulang buwan ang aking nakita sa aking isipan. 

Nagitla ako sa pag-iisip at napaiktad sa aking kinaroroonan nang muli akong hampasin ng basilisk gamit ang buntot nito. Mabuti na lamang at mabilis akong nakaiwas mula rito. Hindi ko alam pero biglang nanumbalik ang mga nawala kong lakas at enerhiya. 

Isang matinis na tili ang kumawala mula sa basilisk. Inihanda ko ang aking sarili para sa isang pag-atake.

“Gravis…” Naramdaman ko na naman ang kakaibang sensasyong nanalaytay sa aking mga ugat. Parang sinusunog ang aking buong katawan dahil sa init na aking nararamdaman. 

Nagulat na lamang ako nang mapagtanto kung gaano kalaki ang bola ng apoy na nasa harapan ko ngayon. Ako ba ang may gawa nito? Ngunit paano?

Habang patagal nang patagal ay lumalaki pa ito. Kung titingnan, halos sampung beses na nga itong mas malaki kaysa sa bola ng apoy na pinakawalan ko kanina. Hindi ko na kaya pa itong hawakan. 

“crepitus!” malakas kong sigaw. Sakto namang malaking ibinuka ng halimaw ang bunganga nito at diretsong pumasok dito ang aking spell. 

Nakaririnding ingay ang nagmumula sa basilisk at tila ba nagwawala ito dahil sa matinding sakit. Unti-unting nasusunog ang katawan nito hanggang sa maging abo.

Totoo ba ’to? Nagawa ko. Wala sa sariling napangiti ako kahit pa punong-puno ng galos at pasa ang buo kong katawan. Mahina akong napatawa. 

Sinubukan kong tumayo ngunit napaupo ulit ako dahil sa sobrang panghihina. Napansin ko ang paglitaw ng mga ugat sa aking braso’t kamay at ang paghaba ng aking mga kuko. Ngunit ilang saglit lamang ay bumalik din ang mga ito sa normal. 

Ilang sandali pa ay unti-unting naghilom ang aking mga sugat at nawala ang sakit sa buo kong katawan. 

Paanong nangyari ang mga bagay na ito sa akin? Ano ang kakaibang sensasyong bumabalot sa akin kanina? At ano ang kuwintas na ito? Pinilit ko itong hubarin sa aking leeg dahil nakapangingilabot ang nararamdaman kong kapangyarihang nagmumula rito ngunit bigo ako. Ayaw nitong matanggal.

Ilang sandali lamang ay sumuko rin akong hubarin ito mula sa akin. Kahit anong pag-iisip ang gawin ko ay wala akong nakuhang kasagutan sa aking mga katanungan. Napabuntonghininga na lamang ako dahil sa kaguluhang bumabagabag sa aking isipan. 

Napasandal ako sa puno ngunit agad na napabalikwas sa pagkakaupo nang biglang may malakas na tili ang nagmula sa aming tahanan. Kumabog ang aking dibdib at nilamon ako ng matinding takot. Isang nakakatakot na presensya ang nararamdaman kong nagmumula sa loob ng aming bahay. 

Nagmadali ako at hindi na inabala pa ang sariling damputin ang mga halamang gamot at gaserang nahulog sa lupa kanina.

Malalakas na pagsabog ang kanina pang namamayani sa aking pandinig at ilang beses na niyanig din ang lupa. Anong nangyayari? 

Napatigil ako matapos buksan ang pinto ng bahay. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa tumambad sa akin. 

Nagkalat ang lahat ng gamit sa loob ng bahay at sirang-sira ang bangang pinaglulutuan ni Ina ng lunas. Natapon ang laman nito sa sahig at nahaluan ng pulang likido. 

Natuyo naman ang aking lalamunan nang mapadako ang tingin ko sa kinaroroonan ni Ina. Nanlalambot ang aking mga tuhod habang nakatakip sa aking bibig ang aking mga nanginginig na kamay. Panaka-naka hanggang sa hindi na mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha. 

“I-Inaaa!” sigaw ko at saka tarantang tinungo ang kaniyang gawi. 

Kalunos-lunos ang naabutan kong kondisyon ng aming ina. Nakasandal siya sa dingding ng aming bahay. Napakaraming sugat ang kaniyang mukha at halos hindi na makilala pa. May malaking gilit siya sa kaniyang leeg at kulang na lamang ay humiwalay ang kaniyang ulo sa kaniyang katawan. Tuloy-tuloy ang pagdanak ng kaniyang sariwang dugo patungo sa sahig. 

“Hindi... hindi!” 

Napasigaw na lamang ako at malakas na napahagulhol.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ebhor Aznetac
hope more update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Luna Rossa   IKALAWANG KABANATA: Pighati

    IKALAWANG KABANATA: PighatiTULOY-TULOY pa rin ang pagbuhos ng aking mga luha habang nakahawak sa magkabilaang balikat ng aking ina. Kahit anong gawin ko ay alam kong wala na siya at hindi na babalik pa.Sandali naman akong napatigil sa pag-iyak nang naagaw ng aking pansin si Ate Helena na sumalpok sa dingding ng aming bahay at dumiretso sa labas. Nagiba ang aming bubong at naidamay ang kalahating bahagi ng aming tahanan. Gumawa ako ng isang spell para protektahan ang katawan ni Ina. Minadali kong tunguhin ang kinaroroonan ni Ate Helena.“Dea, kunin mo si John at tumakas na kayo rito,” matigas na utos sa akin ni Ate Helena at saka marahang ibinaba ang natutulog naming bunsong kapatid sa lupa.“Si Ina, wala na siya, Ate. At bakit si John? Anong nangyari sa kaniya? Bakit kami tatakas?” mangiyak-ngiyak na hayag ko sa kaniya.“Oo, alam ko, patay na si Ina. At si

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKATLONG KABANATA: Sinumpaang Tungkulin

    IKATLONG KABANATA: Sinumpaang TungkulinSINUNOG KO ang aming tahanan kasama na ang mga katawan nina Ate Helena at Ina dito. Tanging ang mga mahahalagang gamit lamang ang itinira ko at kinuha. Isang hilam na luha ang tumulo mula sa aking kaliwang mata at mabilis nitong binagtas ang aking mukha. Sinusubukan kong patatagin ang aking loob pero sobrang sakit talaga.Dalawang mahal ko sa buhay ang nawala sa loob lamang ng ilang oras. At ngayon, ang aking bunsong kapatid naman ay hindi ko na makilala pa dahil habang patagal nang patagal ay nag-iiba ang kaniyang anyo. Unti-unti siyang nagiging halimaw. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Kahit patay na si Ate Helena, hindi pa rin nawawala ang bisa ng spell nito sa kaniya.Mariin kong naikuyom ang aking mga kamao habang nagngingitngitan ang aking mga ngipin. Gusto kong magwala pero hindi ko alam kung kanino ko ibabaling lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon.Huminga ako nang malalim para ikalma

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-APAT NA KABANATA: Selena, Ang Reyna ng mga Mangkukulam

    IKA-APAT NA KABANATA: Selena, Ang Reyna ng mga Mangkukulam“MAHAL na Reyna Selena, bakit kayo nagpapasok ng tagalabas sa palasyo? Isang maitim na kapangyarihan ang nagmumula sa sanggol na dala-dala niya. Baka magdulot ito ng panganib sa mga mamamayan ng kaharian,” pagtutol ng pinuno ng mga cornixus na nakalaban ko kanina sa desisyon ng reyna na papasukin ako sa palasyo.“Ayos lamang, Demito. Nakita ko ang kanilang pagdating sa kaharian sa pamamagitan ng aking bolang kristal. Alam ko rin kung bakit siya naparito. Nais niya lamang mapagaling ang kaniyang kapatid mula sa isang sumpa,” kalmadong sambit ng batang reyna sa kaniyang alagad.Napakahinahon niya kung magsalita. Hindi rin ako makapaniwala noong una na siya ang reyna ng mga mangkukulam. Ang reynang 333 taon nang nakaupo sa trono. Hindi ko aakalaing isa pala itong bata. O baka naman hindi lamang siya tumatanda kahit lumipas man ang mahabang panahon kaya napan

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-LIMANG KABANATA: Unang Hidwaan

    IKA-LIMANG KABANATA: Unang HidwaanKINABUKASAN, maagang nagsimula ang aming araw. Walang mapagsidlan ang labis kong kasiyahan dahil sa wakas ay nakalalakad na ang aking kapatid. Buong buhay kong tatanawin na utang na loob ang pagpapagaling ni Selena kay John.“Tapos na ang pahinga, bumalik na tayo sa iyong pagsasanay,” istriktong sambit naman sa akin ng aking guro ngayong araw.Akala ko’y si Selena ang magsasanay sa akin ngunit mukhang nawili na siyang makipaglaro kay John. Ipinasa niya ang pagsasanay sa akin sa isang masungit na salamangkero na ipinakilala ng reyna bilang kaniyang anak. Bata pa ang hitsura nito at kung titingnan ay magkasing-edad lang yata kami.“Dea Southheil, nakikinig ka ba sa akin?” sigaw nito sa akin. Kailangan talagang banggitin ang buo kong pangalan?“P-paumanhin po, Master Reese. Hindi na po mauulit,” pautal-utal kong tugon sa kaniya at saka pumuwesto na

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-ANIM NA KABANATA: Unang Bugso ng Damdamin

    IKA-ANIM NA KABANATA: Unang Bugso ng DamdaminSUBUKAN mong muli. Huwag mo kasing hayaang mawala ka sa pokus. Isang linggo na tayong nagsasanay pero hindi mo pa nagagawang tawirin ang lubid na ito nang nakapikit. Inuulit ko, huwag mong hayaang mawala ka sa pokus. Ipayapa mo ang iyong isipan at isiping naglalakad ka lamang sa isang kalmadong dagat,” malakas na hayag sa akin ng aking guro.Napakaistrikto niya talaga. Tama nga siya. Isang linggo na kami sa pagsasanay na ito ngunit ni minsan ay hindi ko pa napagtatagumpayan ang pinapagawa niya. Ngunit, hindi ako susuko. Kailangan kong malampasan ang pagsubok na ito.Naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin noong nakaraan. “Kung hindi mo kayang tawirin ang lubid na ito nang nakapikit, huwag ka nang umasang magiging malakas ka sa mental na aspeto.”Naniniwala ako sa kaniya. Alam kong parte ang pagsubok na ito sa aming pagsasanay. Wala naman akong karapatang magr

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa Malefica

    IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa MaleficaHINDI ko maalis-alis ang aking tingin sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Ngayon lamang ako nagsuot ng ganito kagandang kasuotan sa tanang ng buhay ko. Isa itong pulang corset gown na may bulaklak na disenyo.Mahigpit ang pagkakasuot nito sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo kaya naman kitang-kita ko ngayon ang hubog ng aking katawan.Gaya nga ng sinabi ni Reese kaninang hapon, kaarawan ngayon ni Selena. At may magaganap na isang handaan kaya pinag-aayos niya kami.“Napakaganda niyo po talaga, Binibining Dea,” komento ng ginang na nag-ayos sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang papuri. Parang kiniliti ako ng kaniyang mga salita.“Maraming salamat po,” magiliw na wika ko sa kaniya.Bigla namang may kumatok sa pinto ng silid. Pagkatapos ng ikatlong pagkatok, pumih

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-WALONG KABANATA: Lunar Magic

    IKA-WALONG KABANATA: Lunar MagicIPINASA ko ang batang buhat-buhat ko sa ina nitong kanina pa naghahanap sa kaniya. Iniligtas ko ito mula sa bahay nilang tinutupok ng apoy. Mabuti na lamang at narinig ko ang malakas nitong pag-iyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.Ang nakakalungkot lamang ay namatay ang ama nito habang pinoprotektahan siya mula sa mga nagsisilaglagang nasusunog na bahagi ng bahay. Isa iyong napakasalimuot na karanasan para sa isang batang katulad niya.“Maraming salamat sa panliligtas ng aking anak, Binibini. Habambuhay ko itong tatanawin na utang loob sa inyo,” mangiyak-ngiyak na sambit ng ina ng bata sa akin at mukhang batid na sa kaniyang kaalaman ang sinapit ng kaniyang asawa.Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman po. Huwag niyo pong alalahanin iyon. Lumikas na po kayo sa ligtas na lugar,” hayag ko sa kaniya. Tumango nama

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Luna Rossa   IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni Demito

    IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni DemitoNAPAKAGAT ako ng aking ibabang labi habang iniinda ang napakaraming sugat na nakuha ko mula sa mga atake ng aking kalaban. Hindi ko masundan ang bawat galaw nito at mabilis na nagpapalipat-lipat ng direksyon. Hindi ako makasabay.Nagpokus ako at tinipon ang lahat ng mahika sa aking katawan. Kailangan kong kumalma. Hindi ako maaaring mataranta. Huminga ako ng malalim ngunit napatigil ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang kumirot na naman ang aking puso. Parang unti-unti itong dinudurog. Sumpain ka, Finis!Kailangan ko ring mag-isip ng paraan kung paano tanggalin ang mga sinulid nitong unti-unting pumupulupot sa aking puso. Hindi ako puwedeng matalo.Bigla na lamang akong napaluhod sabay tukod ng aking espada sa lupa. Pinagpapawisan ako nang malapot. Habang patagal nang patagal ay nahihirapan akong huminga.Nanghihina rin ako na naging dahilan para manlabo ang

    Huling Na-update : 2021-06-11

Pinakabagong kabanata

  • Luna Rossa   IKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Katapusan at ang Bagong Simula

    IKA-LABINLIMANG KABANATA: Ang Pagtatapos at ang Bagong Simula“MINSAN, hindi alam ng mga tao kung ano ang mga bagay na dapat ipaglaban at kung ano ang hindi. Kung ano ang dapat isuko o ipagpatuloy. Hinahayaan nilang kontrolin sila ng kanilang sariling emosyon. Iyon ang dahilan kung bakit kayong mga tao ay mahihina.”Napailing ang diyablo matapos sabihin ang mga salitang iyon. “Sa sandaling nagawa mong kontrolin ang sarili mong emosyon, magkakaroon ka ng kapangyarihang hindi mo aakalain,” makahulugang wika pa nito.Napaawang ang aking bibig dahil sa aking mga narinig. Hindi ako makapaniwalang isang diyablo ang kaharap namin ngayon. Hindi ba’t punong-puno ng kasamaan ang puso ng mga diyablo, bakit parang kapayapaan at may bahid ng kabutihan ang nakikita ko sa mga mata nito?May punto nga siya. Hindi nga lahat ng bagay ay maaari mong ipaglaban. Hindi lahat ng gusto mo ay puwede mong ipagpilitan. Minsan, kailangan nat

  • Luna Rossa   IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase Moonfox

    IKA-LABING-APAT NA KABANATA: Ang Eight-phase MoonfoxNAPAHAWAK ako sa aking ulo dahil sa pagkahilong nararamdaman ko. Anong nangyari?“Dea, ang hitsura mo... T-teka, totoo ba itong nakikita ko? Ang guardian form ng isang Lunar Deity— ang 8-phase moonfox,” manghang sambit sa akin ni Reese nang mabawi niya ang kaniyang lakas at tumingin sa akin.“Huh?!? Anong sinasabi mo, Reese?” takang tanong ko sa kaniya at saka napatayo.Nagulat ako nang mapansin ang walong buntot na kumakawag sa aking puwetan. Napatingin din ako sa aking mga kamay dahil sa biglaang paghaba ng aking mga kuko. Kinapa ko ang aking ulo at may dalawang nakausling malalambot na bagay ang nakadikit dito. Parang pares ito ng mga tainga ng isang mabalahibong hayop.“Paanong nagagawa mong lampasan palagi ang iyong limitasyon? Dahil ba ito sa determinasyon mong lumaban para protektahan ang mga taong

  • Luna Rossa   IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang Rebelasyon

    IKA-LABINTATLONG KABANATA: Ang RebelasyonNAPABUGA ako ng hangin nang hindi ko namamalayan. Mapakla akong napangiti habang inaalala ang mga masasayang araw namin ni Reese nang magkasama. Kahit sandali pa lamang kaming magkakilala, napamahal na ako sa kaniya. Siya ang ang nagturo sa akin kung paano maging malakas. Pero hindi ko naman alam na darating pala ang araw na ito.Bigla akong napaiktad at napatigil sa pag-iisip nang muling magsalita si Trevor. Kanina pa kasi hindi kumikilos si Reese sa kaniyang kinaroroonan para sundin ang ipinag-uutos ng kaniyang ama kahit pa ginamitan na siya ni Trevor ng Mind Compulsion.“Hindi mo na ako makokontrol pa, Ama. Sa nakalipas na isang linggo, nagawa kong malampasan ang antas ng iyong kapangyarihan. Pagod na akong maging sunod-sunuran pa sa inyo ni Ina,” matigas na hayag ni Reese sa kaniyang ama.Mabilis naman akong kinunutan ng aking noo. Pati rin pala si

  • Luna Rossa   IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa Lahi

    IKA-LABINDALAWANG KABANATA: Lahi Laban sa LahiBIGLA kaming napatigil sa paglipad nang salubungin kami ng isang hukbo ng mga kapwa naming mangkukulam na mukhang nagawa nang kontrolin ng mga bampira ang kanilang mga isipan.Ngunit kung titingnan silang mabuti, parang naging mga bampira na rin sila dahil sa mga matutulis nilang mga pangil at mapupulang mga mata.Ginawa silang bampira ng mga kalaban. Marahil ganoon nga ang nangyari.At habang patagal nang patagal ay nadadagdagan ang kanilang bilang. Napakarami nila.Humarap ako sa aking mga kasama at kita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Marahil ay may mga kaibigan, kapatid o kapamilya sila sa mga kalabang kinakaharap namin ngayon. Sinong mag-aakalang gagamitin ng mga bampira ang mga kalahi namin laban sa amin? Hindi ko ito nakita sa aking pangitain ngunit tama nga si Lola Diana, may mga bagay pa ring hindi inaasahang mangyayari.“

  • Luna Rossa   IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar Deity

    IKA-LABING-ISANG KABANATA: Diana, ang Lunar DeityNAIMULAT ko ang aking mga mata nang may tumawag sa aking pangalan. Malamyos na tinig ito ng isang babae. Kumunot ang aking noo at iginala ang aking paningin sa buong paligid.Teka, hindi ito ang kanlungang pinagtataguan namin. Nasa’n ako? Alam kong natutulog lang ako kanina katabi ang aking kapatid at ang iba pa naming kasama ngunit paggising ko ay nasa ibang lugar na ako.Nagitla ako sa malalim na pag-iisip nang may musikang namayani sa buong paligid. Napakaganda nito sa pandinig. Idagdag mo pa ang tanawing nakikita ko ngayon.Isang malawak na lawa ang nasa aking harapan habang malinaw na nakikita ko rito ang nakabibighaning repleksiyon ng buwan. Napakakalmado ng buong lugar. Ang marahang paghampas ng hangin sa aking mukha ay sinasaliwan ng banayad na tugtugin. Hinanap ko kung saan nagmumula ang musikang kanina pa nagbibigay ng saya sa akin.Sa ilalim ng is

  • Luna Rossa   IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng Nadarama

    IKA-SAMPUNG KABANATA: Pag-amin ng NadaramaNAPATULALA ako nang napagtanto ko kung ano ang sumunod na ginawa ni Reese. Matapos niyang pakawalan ang kaniyang napakalakas na spell patungo sa aming direksyon ni Finis, sinalubong niya ito nang walang pag-aalinlangan at sinubukang ilihis ang direksyon.“Reese, hindi! Huwag mong gawin iyan!” sigaw ko sa kaniya ngunit tila hindi niya ako naririnig.“Pagkakataon ko na ito para tumakas,” sambit ng kalaban at saka ako binitiwan.Lumipad siya palayo sa akin ngunit hindi ko hinayaan ang kaniyang binabalak na pagtakas.“Absolute Prison!” sigaw ko at ikinumpas ang aking kamay sa kaniyang direksyon.Halit sa lalamunang nagsisigaw ito at pilit na kumakawala sa aking spell.Lumipad ako para tulungan si Reese na salagin ang spell niya ngunit bigla na lamang akong nakulong sa isang makapal na harang.&l

  • Luna Rossa   IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni Demito

    IKA-SIYAM NA KABANATA: Ang Sakripisyo ni DemitoNAPAKAGAT ako ng aking ibabang labi habang iniinda ang napakaraming sugat na nakuha ko mula sa mga atake ng aking kalaban. Hindi ko masundan ang bawat galaw nito at mabilis na nagpapalipat-lipat ng direksyon. Hindi ako makasabay.Nagpokus ako at tinipon ang lahat ng mahika sa aking katawan. Kailangan kong kumalma. Hindi ako maaaring mataranta. Huminga ako ng malalim ngunit napatigil ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang kumirot na naman ang aking puso. Parang unti-unti itong dinudurog. Sumpain ka, Finis!Kailangan ko ring mag-isip ng paraan kung paano tanggalin ang mga sinulid nitong unti-unting pumupulupot sa aking puso. Hindi ako puwedeng matalo.Bigla na lamang akong napaluhod sabay tukod ng aking espada sa lupa. Pinagpapawisan ako nang malapot. Habang patagal nang patagal ay nahihirapan akong huminga.Nanghihina rin ako na naging dahilan para manlabo ang

  • Luna Rossa   IKA-WALONG KABANATA: Lunar Magic

    IKA-WALONG KABANATA: Lunar MagicIPINASA ko ang batang buhat-buhat ko sa ina nitong kanina pa naghahanap sa kaniya. Iniligtas ko ito mula sa bahay nilang tinutupok ng apoy. Mabuti na lamang at narinig ko ang malakas nitong pag-iyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.Ang nakakalungkot lamang ay namatay ang ama nito habang pinoprotektahan siya mula sa mga nagsisilaglagang nasusunog na bahagi ng bahay. Isa iyong napakasalimuot na karanasan para sa isang batang katulad niya.“Maraming salamat sa panliligtas ng aking anak, Binibini. Habambuhay ko itong tatanawin na utang loob sa inyo,” mangiyak-ngiyak na sambit ng ina ng bata sa akin at mukhang batid na sa kaniyang kaalaman ang sinapit ng kaniyang asawa.Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman po. Huwag niyo pong alalahanin iyon. Lumikas na po kayo sa ligtas na lugar,” hayag ko sa kaniya. Tumango nama

  • Luna Rossa   IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa Malefica

    IKA-PITONG KABANATA: Ang Pagsiklab ng Kaguluhan sa MaleficaHINDI ko maalis-alis ang aking tingin sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Ngayon lamang ako nagsuot ng ganito kagandang kasuotan sa tanang ng buhay ko. Isa itong pulang corset gown na may bulaklak na disenyo.Mahigpit ang pagkakasuot nito sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo kaya naman kitang-kita ko ngayon ang hubog ng aking katawan.Gaya nga ng sinabi ni Reese kaninang hapon, kaarawan ngayon ni Selena. At may magaganap na isang handaan kaya pinag-aayos niya kami.“Napakaganda niyo po talaga, Binibining Dea,” komento ng ginang na nag-ayos sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang papuri. Parang kiniliti ako ng kaniyang mga salita.“Maraming salamat po,” magiliw na wika ko sa kaniya.Bigla namang may kumatok sa pinto ng silid. Pagkatapos ng ikatlong pagkatok, pumih

DMCA.com Protection Status