IKAUNANG KABANATA: Malupit na Tadhana KASALUKUYAN ako ngayong nagdidikdik ng halamang coalesco para sa ginagawa naming gayumang panglunas ni Ina. Napatigil naman ako sa aking ginagawa nang tawagin niya ako. Tila nangungusap ang kaniyang mga mapupungay na matang tumingin sa akin. “Dea, anak, maaari bang ikuha mo pa ako ng tanim nating halamang gamot sa likod ng ating bahay? Ako na muna ang magtutuloy sa ginagawa mo,” malambing niyang hayag sa akin.Tumugon ako sa kaniya sa pamamagitan ng isang pagtango. Ngunit, sandali akong napatigil nang mahinang napaubo si Ina habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Mabilis kong nabitiwan ang hawak kong maliit na pambayo at agad siyang inalalayan para umupo sa silya. Maging si Helena, ang aking nakatatandang kapatid, ay halos liparin na rin ng takbo patungo sa aming kinaroroonan. Tinitigan niya muna ako nang masama bago bumalik sa paghagod ng likod ng aming ina. Hindi ko alam pero parang matagal nang may tinatagon
Last Updated : 2021-06-11 Read more