Aliara: Ang Kaharian

Aliara: Ang Kaharian

last updateLast Updated : 2022-02-17
By:   crayeo  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
7 ratings. 7 reviews
83Chapters
13.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Ang babaeng ipaglalaban ang kaniyang karapatan sa mundong tila nilimot na ang kanilang katauhan. Ano ang pipiliin niya? Ang hangaring maitayong muli ang bumagsak nilang kaharian o ang lalaking minamahal niya na nagmula sa dugo ng kaniyang kaaway?

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 1

MARAHAN akong naglalakad habang nagmamasid sa mga nilalang na dumadaan sa aking harapan, nandito ako ngayon sa pinakamalaking pamilihan ng Farianio. Iba't-ibang uri ng nilalang ang aking nakikita sa paligid dahil talagang dinadayo ito, kilala ang kahariang ito sa pakikipagkalakalan kaya hindi na ako nagtataka pa. Mula sa labindalawang kaharian ay isa ang Farianio sa pinakamalaking kaharian dito sa Exo Losairos kaya maunlad ang pamumuhay dito, na siya namang binabalikan ko sa lugar na ito. Kapag maunlad, ibig sabihin ay maraming mayayaman at maraming kayamanan. Ibinaba ko ang talukbong ng aking balabal at marahang inayos ang buhok ko dahil sa ginoong nakatingin sa akin, mukhang mayaman dahil sa marangya niyang kasuotan, nabibilang sa maharlikang antas. Binigyan ko siya nang tipid na ngiti na siyang nagpakislap sa mga mata niya. Pasalubong ang aming landas kaya sinadya kong marahan siyang banggain. "Paumanhin, Ginoo," kunwari akong nagulat at agad na ngumiti bilang paumanhin. "Hindi...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Juanmarcuz Padilla
Nice. i love fantasy
2024-02-26 17:19:25
1
user avatar
icecreamcake
100/10 ang deserve na rate nito! The best story!!
2023-11-19 02:34:59
3
user avatar
Rajani
nice story!
2021-11-09 07:35:37
2
user avatar
Eustas
Salute!! Wahhh nakakasabik bawat kabanata!! Like "Code Series 1" ang husay!!
2021-10-27 18:14:58
1
user avatar
UntreattableWound
I LOVE YOUR STORYYYY HAKDOG DAGDAGAN MO PA STORY MOOOOOOO
2021-08-05 19:30:54
1
default avatar
mintchoco23
keep going! i am wondering, do you have any social media to discuss your story further?
2021-07-27 12:49:40
1
user avatar
icecreamcake
Thumbs up!
2021-06-20 00:20:22
1
83 Chapters
Kabanata 1
MARAHAN akong naglalakad habang nagmamasid sa mga nilalang na dumadaan sa aking harapan, nandito ako ngayon sa pinakamalaking pamilihan ng Farianio. Iba't-ibang uri ng nilalang ang aking nakikita sa paligid dahil talagang dinadayo ito, kilala ang kahariang ito sa pakikipagkalakalan kaya hindi na ako nagtataka pa. Mula sa labindalawang kaharian ay isa ang Farianio sa pinakamalaking kaharian dito sa Exo Losairos kaya maunlad ang pamumuhay dito, na siya namang binabalikan ko sa lugar na ito. Kapag maunlad, ibig sabihin ay maraming mayayaman at maraming kayamanan. Ibinaba ko ang talukbong ng aking balabal at marahang inayos ang buhok ko dahil sa ginoong nakatingin sa akin, mukhang mayaman dahil sa marangya niyang kasuotan, nabibilang sa maharlikang antas. Binigyan ko siya nang tipid na ngiti na siyang nagpakislap sa mga mata niya. Pasalubong ang aming landas kaya sinadya kong marahan siyang banggain. "Paumanhin, Ginoo," kunwari akong nagulat at agad na ngumiti bilang paumanhin. "Hindi
last updateLast Updated : 2021-05-14
Read more
Kabanata 2
"HINDI mo gagawin ang ginawa ko kanina." Tukoy ko sa pagnanakaw na ginawa ko, tumango-tango ito, tutok ang paningin sa akin.Napangiti na lang ako, tinapon ko ang natirang buto ng mansanas."Ano ang iyong ngalan, Bata?""Ako si Adrina, at ito ang kapatid kong si Kera," pakilala nito sa sarili at sa maliit na kapatid. Nginitian ko ang kapatid niya ngunit lalo lamang itong nagtago sa likod niya."Hayon siya! Sigurado akong siya ang nagnakaw sa akin!"Napatingin ako sa kabilang gilid nang marinig ko ang sigaw nang isang lalaki. Nakaturo ito sa akin habang sa gilid niya ay ang dalawang kawal, hindi iyon ang ginoong huli kong nakabangga."Kamalasan!" bulong ko. Agad akong tumungo at sinuot ang talukbong ng aking balabal dahil marami ang napalingon sa akin. "Magtago kayo, babalikan ko kayo dito," wika ko sa mga bata."Takasan ang mga kawal, takasan ang mga kawal," wika ni Vivi at agad na lumipad paalis sa aking balikat.Gamit ang kakaiba kon
last updateLast Updated : 2021-05-14
Read more
Kabanata 3
"HUMAYO na kayo, sa aking hudyat ay susugod tayo," wika ko bilang pagtatapos sa aming plano ngayong gabi. Tahimik na nagtanguan ang aking mga kasama at umalis para pumunta sa mga nakaatas na lugar para sa kanila.Gamit ang aking bilis ay agad akong nakarating sa mataas na bahagi ng lugar, isang talampas kung saan tanaw ko ang buong kagubatan. Mula sa kadiliman ng gabi ay natatanaw ko sa malayo ang ilaw ng mga sulu'ng papalapit sa pwesto kung saan namin gagawin ang pagsalakay.Tinatahak nila ang daan patungo sa Subastahan ngunit hindi namin hahayaan na mangyari iyon. Tumalim ang aking tingin ng tuluyan kong masilayan ang mga nilalang na iyon mula dito sa aking kinatatayuan. Ang mga Verdantes, mga kalalakihang malalaki ang katawan, may dalawang kayumanggi na sungay na paibaba ang tusok at may taglay din silang kakaibang lakas katulad ko, ngunit hindi ko sila kauri, nakatira sila sa timog na bahagi ng Farianio.Hawak nila ang mga sulu upang magbigay liwanag sa madilim
last updateLast Updated : 2021-05-14
Read more
Kabanata 4
"SA susunod na malaman kong muli kang dumakip ng Kozanian ay puputulin ko ang iyong sungay," may diin kong banta sa kaniya. Alam kong isang insulto at kahihiyan sa kanilang lahi ang maputulan ng sungay at hindi ako mag-aatubiling gawin iyon sa susunod sa galitin niya ako.Tumayo ako at naglakad pabalik sa aking mga kasama ngunit napahinto ako nang magsalita siya."Sa tingin mo ay susundin ko ang iyong gusto? Dadakpin ko kung sino ang gusto kong dakpin dahil mahihina sila at walang pinunong magtatangol sa kanila, sa mga katulad mo."Agad na kumunot ang noo ko. Muli akong lumapit sa kaniya, nakatayo na siya ngayon ngunit hirap dahil sa iniinda niyang sakit mula sa pagkakabugbog ko."Ako, ako ang magtataggol sa bawat Kozaniang magdurusa sa kamay ng mga tulad mo." Tiim bagang kong wika at malakas na sinuntok ang kaniyang mukha dahilan upang mawalan siya ng malay at matumba sa lupa.Huminga ako nang malalim upang maibsan ang umuusbong na galit sa akin dahil
last updateLast Updated : 2021-05-14
Read more
Kabanata 5
NAKANGITI kong kinuha sa kanila isa-isa ang mga bulaklak. "Salamat, mga bata, nag-abala pa kayo." Marahan kong hinimas ang mga ulo nila.Tumango ako kay Hurisa nang hawakan niya ang balikat ko upang magpaalam."Maliit na bagay lamang iyan kumpara sa pag-aalaga mo amin, Binibini. Kung hindi dahil sayo ay baka patuloy pa rin kaming naghihirap para lamang makakain," wika ng pinakamatanda sa kanila sa edad na walo. Bahagya akong nagtaka dahil hindi naman siya ganoong magsalita dati. "Ang bata mo pa para sa mga isiping iyan, ang dapat ninyong gawin sa edad ninyo ay maglaro at huwag isipin ang mga komplikadong bagay," nakangiti kong wika sa kanila. Tumango naman sila na tila ba naintindihan ang aking sinabi."Mabuti na rin iyon upang maging mulat sila habang bata pa, Aliara," wika ni Adrina na biglang sumulpot sa tabi ko. Gusto ko siyang batukan dahil sa kaniyang sinabi ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin. Ang batang ito talaga, dalawang araw pa lamang ang
last updateLast Updated : 2021-05-14
Read more
Kabanata 6
SA halip na ituloy ang laban ay itinuon ko na lamang sa kaniya ang aking atensyon. "At bakit mo naman kami pinagmamasdan? Hindi ba sinabi ko sa iyo na makipaglaro ka na lamang sa mga batang katulad mo?" wika ko habang isinisilid ang espada sa kaha nito. Tiningnan niya ang mga batang naglalaro sa malayong banda at paismid na ibinalik sa akin ang paningin. "Hindi ba ay sinabi ko rin sa iyo na hindi na ako bata para maglaro?" sarkastiko niyang wika. Agad na kumunot ang noo ko, pinipigilang mainis sa paslit na kausap. "Sino ba ang mas may gulang sa atin? Dapat ay makinig ka sa mas may gulang sa iyo." "Gulang lamang ang lamang mo sa akin, Aliara," seryosong aniya, hindi handang magpatalo. Lalong nangunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?" "Nais ko ring mag-ensayo. Nais kong matutong makipaglaban katulad mo," seryoso niyang wika na nakapagpagulat sa akin. "Bakit mo naman nanaisin na matutong makipaglaban? Masyado ka pang bata par
last updateLast Updated : 2021-05-19
Read more
Kabanata 7
INILIPAT ko ang paningin sa talon. "Oo." Naglakad na ako ngunit napahinto nang hawakan niya ang braso ko. "Ikaw talaga ang pakay ko sa lugar na ito, nakita ko ang alaga mong ibon at itinuro niya kung nasaan ka," aniya. Seryoso na ngayong nakatingin sa akin. Gusto kong pabulaanan ang sinabi niya dahil itinanggi iyon ni Vivi kanina ngunit nangunot lamang ang noo ko sa pagtataka. "Bakit mo naman ako hahanapin, Ginoo?" Napahinto ako nang mapagtanto ang kaniyang pakay. "Nais mo pa rin akong hulihin dahil sa pagnanakaw ko sa maharlikang iyon?" namamangha kong tanong. Lalong sumeryoso ang mukha niya, inalis ang pagkakahawak sa braso ko. "Hindi kita hinahanap dahil sa kasalanan mo sa ginoong iyon kundi dahil sa kasalanan mo sa akin, Binibini," mariing aniya. Naningkit ang mata ko. "Wala akong maalalang may kasalanan ako sa iyo, Ginoo." Agad siyang napangisi
last updateLast Updated : 2021-05-19
Read more
Kabanata 8
"ANONG sinasabi mo? Mahal na ginoo? Mas mahal mo na siya ngayon kaysa sa akin, Vivi?" masama ang loob kong tanong. Kaya pala tila ayaw na niyang umalis sa braso ng ginoong iyon. "Mas mahal kita. Mas mahal kita." Lumingon-lingon siya sa paligid, tila hindi alam ang gagawin, kung aalis ba siya sa balikat ko o kung mananatili. "Pero bakit mahal kong ginoo ang tawag mo sa kaniya?" muli kong tanong, lalong sumimangot noong hindi siya sumagot. "Bahala ka, kung mas mahal mo siya kaysa sa akin ay sa kaniya ka na lamang sumama. Sa hangal mong ginoo!" Hinawi ko siya sa aking balikat dahilan upang mabilis siyang lumipad paalis, umirap ako ng tuluyan siyang mawala sa paningin ko. Hindi man lang umangal sa aking sinabi. "Kapag sumama ka nga sa kaniya ay pagbubuhulin ko kayong dalawa," inis kong wika. Isinarado na ang supot at naglakad patungo sa aking tahanan. "Ang tagal mong nawala. Akala ko ay maliligo ka lamang ngunit saan ka nagtungo?" wika ni Adrina n
last updateLast Updated : 2021-05-19
Read more
Kabanata 9
"ADRINA," pag-agaw ko sa kaniyang pansin, agad naman siyang tumalima. "Magpahinga muna kayo, Hamil," wika ko, tumango siya at pumunta sa ibang nagsasanay. Inabot ko kay Adrina ang hawak. "Salamat, Binibini," aniya. Pinagmasdan ko lang siyang ubusin ang tubig na ibinigay ko. "Bukas na lamang tayo pumunta sa pamilihan, alam kong pagod ka na mula sa iyong pagsasanay." "Sige, mabuti na rin iyon dahil hapon na, maya-maya lamang ay lulubog na ang araw," tumatangong aniya. Tumango lang din ako at kinuha ang kawayang tasa sa kaniya. "Huwag mong masyadong pilitin ang iyong sarili sa pagsasanay, mahabang panahon pa ang kailangan mo bago tuluyang matuto," wika ko na agad nagpakunot ng noo niya. "Ngunit labing walong araw na lamang mula ngayon bago ang pagsalakay," aniya. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. "Hindi ko sinabing sasama ka sa pagsalakay na iyon, Adrina. Mapapahamak ka lamang," seryoso kong wika. Hindi agad siya nakas
last updateLast Updated : 2021-05-20
Read more
Kabanata 10
MAYA-MAYA pa ay nagkatinginan sila at agad na nagtawanan, tila alam na ang sagot sa kanilang mga tanong, lumapit na rin ang dalawa sa aking harap. "Ano kaya iyon na lubos na nakapagpula ng pisngi ng binibini?" wika ng isa. Kinakausap ang mga kasama ngunit alam kong para sa akin ang tanong, nanunudyo. "Oo nga, siguro ay maganda ang naganap sa pagitan nila?" gatong pa ng isa. "Hindi kaya ay naglapat na ang kanilang mga labi?" "O higit pa." Agad na kumunot ang noo ko, hindi nagustuhan ang huling narinig. "Hindi! Halik lamang, mga sirena," wika ko ngunit agad na tinakpan ang sariling bibig dahil sa aking kadaldalan. Muli silang nagkatinginan at nagtawanan. Sumimangot ako, nakakainis ang mga sirenang ito. Kung pagbawalan ko rin kaya sila sa talon na ito. "Sabi ko na nga ba, hindi mamumula ng husto ang iyong pisngi kung hindi mo pa natitikman ang kaniyang labi," humahagikhik na wika ng may kulay rosas na palamuti. "Ngayon ay
last updateLast Updated : 2021-05-20
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status