Share

Kabanata 4

Author: crayeo
last update Last Updated: 2021-05-14 20:11:58

"SA susunod na malaman kong muli kang dumakip ng Kozanian ay puputulin ko ang iyong sungay," may diin kong banta sa kaniya. Alam kong isang insulto at kahihiyan sa kanilang lahi ang maputulan ng sungay at hindi ako mag-aatubiling gawin iyon sa susunod sa galitin niya ako.

Tumayo ako at naglakad pabalik sa aking mga kasama ngunit napahinto ako nang magsalita siya.

"Sa tingin mo ay susundin ko ang iyong gusto? Dadakpin ko kung sino ang gusto kong dakpin dahil mahihina sila at walang pinunong magtatangol sa kanila, sa mga katulad mo."

Agad na kumunot ang noo ko. Muli akong lumapit sa kaniya, nakatayo na siya ngayon ngunit hirap dahil sa iniinda niyang sakit mula sa pagkakabugbog ko.

"Ako, ako ang magtataggol sa bawat Kozaniang magdurusa sa kamay ng mga tulad mo." Tiim bagang kong wika at malakas na sinuntok ang kaniyang mukha dahilan upang mawalan siya ng malay at matumba sa lupa.

Huminga ako nang malalim upang maibsan ang umuusbong na galit sa akin dahil sa mga sinabi niya. Ayokong tanggapin ang mga katotohanang iyon.

Isa ang Kozania sa tatlong kahariang bumagsak dahil sa mga digmaan at agawan sa kapangyarihan ngunit hindi ibig sabihin nito ay wala na kaming karapatang mabuhay ng malaya sa kamay ng mga tulad niya, ng mga malulupit na Losairon. May karapatan din kami sa mundong ito at may kakayahang ipagtanggol ang aming sarili at ang mga kalahi namin.

"Kung hindi lang kita kakailanganin sa hinaharap ay matagal na kitang pinaslang," bulong ko habang masamang nakatingin sa nakahandusay niyang katawan.

Gamit ang aking bilis ay agad akong nakarating sa aking mga kasama, natalo na ang mga kalaban at isa-isa nang pinapakawalan ni Matias at Suri ang mga kababaihan mula sa mga kadenang nakakabit sa kanilang kamay.

"Ligtas na ang mga binibini, ligtas na ang mga binibini," wika ni Vivi habang dumadapo sa balikat ko.

"Lulusubin natin ang Subastahan," wala sa sarili kong wika. Agad na napatingin sa akin si Matias, tila hindi makapaniwala.

Imposible nga naman ang nais kong mangyari dahil mga makapangyarihang nilalang ang aming makakalaban at makakabangga kung gagawin namin iyon.

"Hindi natin kakayanin, Aliara. Maraming malalakas na nilalang ang nagbabantay doon, isama mo pa ang mga bisita nila."

"Kakayanin natin, Matias. Kung mayroon tayong tamang plano," giit ko.  "At isa pa ay malalakas tayo, alam kong kakayanin natin."

Umiling-iling siya, sapo ang kaniyang noo ay nagpaikot-ikot siya sa harap ko na tila nag-iisip ng malalim.

Pinanood ko siya hanggang sa muli siyang bumaling sa akin, ang mga kasama namin ay nakamasid lang sa aming dalawa.

"Kung ganoon ay kailangan natin nang mahabang panahon para sa nais mong iyan," aniya, tumango ako.

Hindi ko na ulit hahayaang may mga Kozanian pang mabibihag upang ipagbili sa mga maharlikang walang magawa sa kanilang kayamanan. Matagal na kaming nagdurusa sa kanilang mga kamay, sa mga katulad nila, panahon na nang pagbabago. Hindi ko na matitiis pa ang lahat ng ito. At sisimulan ko ito sa pagpapabagsak ng Subastahan at Bahay Aliwan na ipinagmamalaki ni Dardo.

"Sa susunod na kabilugan ng buwan natin gagawin ang pagsalakay," determinado kong wika. Tinanaw ang nagliliwanag na buwan sa kalangitan.

Nagkatinginan ang mga kasamahan namin ngunit tumango rin bilang pagsang-ayon.

"Kabilugan ng buwan, kabilugan ng buwan," wika ni Vivi. Lumipad siya at umikot ng ilang beses sa ulo ko habang sinasabi iyon. Itinaas ko ang kamay ko upang doon siya dumapo.

Tama, Vivi, susugod tayo sa kabilugan ng buwan, unti-unti nating pupuksain ang kalupitan sa kahariang ito.

UMAGA na nang makabalik kami sa aming kuta, malapit ito sa sentro ng Kozania. Sinalubong kami ng marami pang kasamahan. Agad na lumapit sa akin si Hurisa, ang pinakamatanda sa amin, siya na rin halos ang nagpalaki sa akin.

Kung titingnan ay halos magkaedad lamang kami ngunit mas matanda siya sa akin ng maraming taon. Sa pagtungtong naming mga naninirahan dito sa Exo Losairos sa edad na labing walo ay bumabagal na ang aming pagtanda, kahit umabot pa ang ilang daan taon ay hindi agad kukulubot ang aming mga balat.

"Kumusta ang inyong paglalakbay, Aliara?" Hinawakan niya ang aking kamay upang alalayan ako sa pagbaba sa kabayo, ang isa sa dalawang kabayong dinala namin, ang kabayo ng mga verdantes.

"Nailigtas namin ang mga kababaihan ngunit hindi nila nais sumama dito," wika ko. Bumuntong hininga ako at iginala ang paningin sa mga kasama ko sa paglalakbay na masayang sinalubong ng kanilang pamilya, halata ang pagod ngunit bakas ang ngiti sa labi. "Hindi ko na sila pinilit dahil wala rin naman silang mapapala sa pagsama dito. Pare-pareho lamang tayong magugutom kung wala tayong sapat na salapi."

Muli akong bumuntong hininga at bumaling sa kaniya.

"Huwag mong masyadong isipin ang problemang iyan, Aliara. Tiyak akong magiging maayos sila sa landas na kanilang pinili." Tumingin siya sa mga kasama namin. "Marami naman dito ang naghahanap-buhay upang buhayin ang kanilang pamilya."

"Ngunit hindi sapat, Hurisa. Halos patay na ang buong lupain ng Kozania."

Kung masagana lang ang lupain dito ay hindi na nila kailangan pang maghanap-buhay sa labas ng Kozania, mabubuhay na kami sa pagtatanim at pagsasaka ngunit hindi. Sa aming katayuan ngayon ay kailangan pa naming kumita ng salapi upang bumili ng pagkain sa mga malapit na kaharian.

Wala ring may kapangyarihan sa amin upang muling mapasigla ang aming lupain.

"Balang araw ay muling babangon ang ating kaharian," aniya. Malumanay siyang ngumiti sa akin at hinawakan ako sa braso.

"At sisiguraduhin kong mangyayari iyan, Hurisa," determinado kong wika. Inilibot ko ang paningin sa maliit naming nayon at muling ibinaling ang tingin kay Hurisa.

Kinuha ko ang supot ng salapi na nakuha ko kay Dardo, puro iyon baryang pilak at tanso ngunit malaki rin ang halaga. "Ito ang pambili ng mga pagkaing ipapamahagi sa ating mga kasamahan." at inabot sa kaniya.

Nakangiti siyang tumango. Ilang araw ding kakainin ng mga mamamayan dito ang mabibili ng isang supot na iyon.

"Binibini," nakangiting lumapit sa akin ang mga bata na kanina pa naglalaro sa paligid. Inabot nila sa akin ang mga bulaklak na siyang natitirang tumutubo sa lupaing ito. Patay man ang lupa sa Kozania ngunit panakha-nakhang pa ring tumutubo ang mga bulaklak sa paligid. Marami ring kagubatan dito ngunit wala nang kakayahang magbunga ng mga prutas.

Related chapters

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 5

    NAKANGITI kong kinuha sa kanila isa-isa ang mga bulaklak. "Salamat, mga bata, nag-abala pa kayo." Marahan kong hinimas ang mga ulo nila.Tumango ako kay Hurisa nang hawakan niya ang balikat ko upang magpaalam."Maliit na bagay lamang iyan kumpara sa pag-aalaga mo amin, Binibini. Kung hindi dahil sayo ay baka patuloy pa rin kaming naghihirap para lamang makakain," wika ng pinakamatanda sa kanila sa edad na walo. Bahagya akong nagtaka dahil hindi naman siya ganoong magsalita dati."Ang bata mo pa para sa mga isiping iyan, ang dapat ninyong gawin sa edad ninyo ay maglaro at huwag isipin ang mga komplikadong bagay," nakangiti kong wika sa kanila. Tumango naman sila na tila ba naintindihan ang aking sinabi."Mabuti na rin iyon upang maging mulat sila habang bata pa, Aliara," wika ni Adrina na biglang sumulpot sa tabi ko. Gusto ko siyang batukan dahil sa kaniyang sinabi ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin. Ang batang ito talaga, dalawang araw pa lamang ang

    Last Updated : 2021-05-14
  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 6

    SA halip na ituloy ang laban ay itinuon ko na lamang sa kaniya ang aking atensyon. "At bakit mo naman kami pinagmamasdan? Hindi ba sinabi ko sa iyo na makipaglaro ka na lamang sa mga batang katulad mo?" wika ko habang isinisilid ang espada sa kaha nito. Tiningnan niya ang mga batang naglalaro sa malayong banda at paismid na ibinalik sa akin ang paningin. "Hindi ba ay sinabi ko rin sa iyo na hindi na ako bata para maglaro?" sarkastiko niyang wika. Agad na kumunot ang noo ko, pinipigilang mainis sa paslit na kausap. "Sino ba ang mas may gulang sa atin? Dapat ay makinig ka sa mas may gulang sa iyo." "Gulang lamang ang lamang mo sa akin, Aliara," seryosong aniya, hindi handang magpatalo. Lalong nangunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?" "Nais ko ring mag-ensayo. Nais kong matutong makipaglaban katulad mo," seryoso niyang wika na nakapagpagulat sa akin. "Bakit mo naman nanaisin na matutong makipaglaban? Masyado ka pang bata par

    Last Updated : 2021-05-19
  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 7

    INILIPAT ko ang paningin sa talon. "Oo." Naglakad na ako ngunit napahinto nang hawakan niya ang braso ko. "Ikaw talaga ang pakay ko sa lugar na ito, nakita ko ang alaga mong ibon at itinuro niya kung nasaan ka," aniya. Seryoso na ngayong nakatingin sa akin. Gusto kong pabulaanan ang sinabi niya dahil itinanggi iyon ni Vivi kanina ngunit nangunot lamang ang noo ko sa pagtataka. "Bakit mo naman ako hahanapin, Ginoo?" Napahinto ako nang mapagtanto ang kaniyang pakay. "Nais mo pa rin akong hulihin dahil sa pagnanakaw ko sa maharlikang iyon?" namamangha kong tanong. Lalong sumeryoso ang mukha niya, inalis ang pagkakahawak sa braso ko. "Hindi kita hinahanap dahil sa kasalanan mo sa ginoong iyon kundi dahil sa kasalanan mo sa akin, Binibini," mariing aniya. Naningkit ang mata ko. "Wala akong maalalang may kasalanan ako sa iyo, Ginoo." Agad siyang napangisi

    Last Updated : 2021-05-19
  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 8

    "ANONG sinasabi mo? Mahal na ginoo? Mas mahal mo na siya ngayon kaysa sa akin, Vivi?" masama ang loob kong tanong. Kaya pala tila ayaw na niyang umalis sa braso ng ginoong iyon. "Mas mahal kita. Mas mahal kita." Lumingon-lingon siya sa paligid, tila hindi alam ang gagawin, kung aalis ba siya sa balikat ko o kung mananatili. "Pero bakit mahal kong ginoo ang tawag mo sa kaniya?" muli kong tanong, lalong sumimangot noong hindi siya sumagot. "Bahala ka, kung mas mahal mo siya kaysa sa akin ay sa kaniya ka na lamang sumama. Sa hangal mong ginoo!" Hinawi ko siya sa aking balikat dahilan upang mabilis siyang lumipad paalis, umirap ako ng tuluyan siyang mawala sa paningin ko. Hindi man lang umangal sa aking sinabi. "Kapag sumama ka nga sa kaniya ay pagbubuhulin ko kayong dalawa," inis kong wika. Isinarado na ang supot at naglakad patungo sa aking tahanan. "Ang tagal mong nawala. Akala ko ay maliligo ka lamang ngunit saan ka nagtungo?" wika ni Adrina n

    Last Updated : 2021-05-19
  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 9

    "ADRINA," pag-agaw ko sa kaniyang pansin, agad naman siyang tumalima. "Magpahinga muna kayo, Hamil," wika ko, tumango siya at pumunta sa ibang nagsasanay. Inabot ko kay Adrina ang hawak. "Salamat, Binibini," aniya. Pinagmasdan ko lang siyang ubusin ang tubig na ibinigay ko. "Bukas na lamang tayo pumunta sa pamilihan, alam kong pagod ka na mula sa iyong pagsasanay." "Sige, mabuti na rin iyon dahil hapon na, maya-maya lamang ay lulubog na ang araw," tumatangong aniya. Tumango lang din ako at kinuha ang kawayang tasa sa kaniya. "Huwag mong masyadong pilitin ang iyong sarili sa pagsasanay, mahabang panahon pa ang kailangan mo bago tuluyang matuto," wika ko na agad nagpakunot ng noo niya. "Ngunit labing walong araw na lamang mula ngayon bago ang pagsalakay," aniya. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. "Hindi ko sinabing sasama ka sa pagsalakay na iyon, Adrina. Mapapahamak ka lamang," seryoso kong wika. Hindi agad siya nakas

    Last Updated : 2021-05-20
  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 10

    MAYA-MAYA pa ay nagkatinginan sila at agad na nagtawanan, tila alam na ang sagot sa kanilang mga tanong, lumapit na rin ang dalawa sa aking harap. "Ano kaya iyon na lubos na nakapagpula ng pisngi ng binibini?" wika ng isa. Kinakausap ang mga kasama ngunit alam kong para sa akin ang tanong, nanunudyo. "Oo nga, siguro ay maganda ang naganap sa pagitan nila?" gatong pa ng isa. "Hindi kaya ay naglapat na ang kanilang mga labi?" "O higit pa." Agad na kumunot ang noo ko, hindi nagustuhan ang huling narinig. "Hindi! Halik lamang, mga sirena," wika ko ngunit agad na tinakpan ang sariling bibig dahil sa aking kadaldalan. Muli silang nagkatinginan at nagtawanan. Sumimangot ako, nakakainis ang mga sirenang ito. Kung pagbawalan ko rin kaya sila sa talon na ito. "Sabi ko na nga ba, hindi mamumula ng husto ang iyong pisngi kung hindi mo pa natitikman ang kaniyang labi," humahagikhik na wika ng may kulay rosas na palamuti. "Ngayon ay

    Last Updated : 2021-05-20
  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 11

    "BAKIT ang tahimik mo? Hindi ka naman ganyan noong una tayong nagkita. Kanina pa kita kinausap ngunit hindi ka sumasagot," aniyang muli. Luminga-linga siya sa paligid dahil nagsisimula nang maglabasan ang mga alitaptap. Nagtago ako sa puno upang hindi ako mahagip ng kaniyang paningin sa hindi ko malamang dahilan. "Kung nandito siya ay nakikita na sana niya ang ganda ng mga alitaptap na ito. Gustong-gusto kong makita ang maganda niyang ngiti, ang kumikislap niyang mga mata at ang mamula-mula niyang pisngi," may bakas ng katuwaan ang kaniyang tinig. Natulala ako dahil sa narinig, napahawak ako sa aking dibdib dahil tila nagustuhan iyon ng puso ko. Bakit ba ganito ang aking nararamdaman? Tama bang maramdaman ko ito? "Gustong-gusto ko talaga siya, Ibon. Siya lamang ang tanging binibini na hinangaan ko ng ganito, hindi na siya mawala pa sa aking isipan." Kinagat ko ang ibabang labi ko at dahan-dahang sumilip sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa kaw

    Last Updated : 2021-05-21
  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 12

    TUMINGIN muna sa akin si Adrina bago muling nagsalita. "Bakit nais mong malaman? Sino ka ba, Ginoo?" aniya. Gusto ko siyang pagalitan dahil sa kaniyang asal ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kung siguro ay ibang kawal ang kausap niya ay kanina pa siya dinala at pinarusahan. "Hangal. Hindi mo dapat kinakausap ng ganyan ang--" "Favier," pigil ni Sevasti sa pagsasalita ng kaniyang kasamang ginoo. Nang magtama ang paningin nila ay agad silang nagkaintindihan, yumuko ng bahagya si Favier bilang paumanhin sa kaniyang pagsagot. "Adrina," agaw ko sa atensyon niya. "Igalang mo siya, isa siyang kawal ng Farianio," wika ko. Hindi nagbago ang bugnot niyang ekspresyon ngunit marahan siyang tumango sa akin, napipilitan. "Isa kang kawal, Ginoo?" wika ng binibini na siyang nakaagaw ng atensyon ko. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ni Sevasti na siya ko ring ginawa ng hindi ko namamalayan. Hindi iyon marangya katulad ng mga nauna niyang suot ngunit hindi

    Last Updated : 2021-05-22

Latest chapter

  • Aliara: Ang Kaharian   Ang Huling Kabanata

    Sevasti's Point of ViewPINAGMAMASDAN ko siya mula rito sa gitna ng kagubatan ng Kozania. Nakaupo siya sa harap ng malinaw na tubig ng sapa, ang sapang nasa pagitan namin. May kalayuan ako sa kaniya kaya hindi niya ako napapansin. Tila malalim din ang kaniyang iniisip upang mapansin pa ang presensya ko.Kanina pa siya rito at ngayon ay malapit nang sumapit ang dilim ngunit hindi nagbago ang pwesto niya.Pinagsawa ko ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniyang kagandahan, sa buhok niyang umaalon tuwing iihip ang hangin. Mas maganda ang kasuotan niya ngayon kumpara noon dahil siya na ang reyna ngayon ng Kozania. Nakamit na niya ang pangarap niyang maitayong muli ang kaniyang kaharian, at masaya ako para sa kaniya. Kahit ang naging kapalit man nito ay ang pagkamatay ng aking ama at pagkawala sa amin ng trono ng Farianio. Una pa lang ay hindi naman talaga ito sa akin kaya tama lamang na maibalik ito sa totoong nagmamay-ari nito.Ito lang ang malaya kong oras na titigan siya, dahil sa oras na m

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 82

    "MAHAL na mahal kita, Aliara! At oo, mali ka kung iyan ang iniisip mo tungkol sa akin. Ikaw lamang ang nag-iisang babaeng minahal ko sa buong buhay ko, ang babaeng patuloy kong minamahal at mamahalin pa hanggang sa huling hininga ako," aniya, tila pilit ipinapaintindi sa akin ang sinasabi. Mas tumindi ang pagbigat ng hininga niya. Tumingin siya sa ibaba at nang muling magsalita ay mahinahon na, "Patawad at wala ako sa lahat ng paghihirap mo, wala ako kapag kailangan mo ako, wala ako kapag hinahanap mo ako. Pero, Aliara, gustong-gusto kitang puntahan sa mga oras na hinihiling mong nandoon ako. Gusto kitang iligtas at protektahan ngunit palagi akong hinahadlangan ng aking ama. Ginagawa niya ang lahat para lamang hindi kita makita." Tumiim ang bagang niya at muling tumingin sa akin, puno ng galit, pangungulila at kalungkutan ang kaniyang mga mata. "Totoong mahal kita, Aliara. Hindi iyon magbabago kailanman. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng pagkukulang ko. At pakiusap, huwag mong alisi

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 81

    SA MULI naming pagkikita ni Adrina ay binigyan niya akong muli ng pag-asa upang ituloy ang sinimulan ko, ang paghihiganti kay Henicio. Ilang beses niya akong kinausap tungkol doon ngunit kapag tinatanong ko siya kung bakit niya ako hinihikayat ay hindi siya sumasagot at iniiba ang usapan. Ngayon ay nakatayo ako sa gitna ng kagubatan habang nakatingin sa buwan. Napagtanto ko kung bakit nais niyang patayin ko si Henicio. Dahil kay Matias, nais niya itong ipaghiganti. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na iniibig niya ang ginoo at hindi ko man nakita ang paghihinagpis niya sa pagkamatay nito ay alam ko kung gaano niyang dinamdam iyon. Marahil ay hindi pa siya nakakalimot. Hindi pa nawawala ang galit niya para sa mga nilalang na naging ugat ng pagkamatay nito. Lalo na kay Henicio. Siya ang pinakautak ng lahat kaya siya ang dapat paghihigantihan. Napalingon ako kay Zalina na nasa gilid ko, siya ang ina ni Adrina ngunit tila kaunti lamang ang tanda niya sa akin kung

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 80

    MALIWANAG na ang paligid nang makarating kami sa sentro ng Farianio. Kusang humahawi ang mga nilalang upang bigyan kami ng daan, bakas sa mga mata nila ang kuryosidad habang nakatingin sa amin. Nasa unahan at gilid namin ang mga kawal, mahigpit kaming binabantayan na tila ba makakatakas pa kami sa ganitong kundisyon. Bukod sa nakakadena ang aming mga kamay ay pagod at nanghihina na kami mula sa mahabang paglalakbay, halos lahat pa kami ay sugatan.Hindi ko na maayos pa ang palalakad ko dahil sa nanginginig kong binti, ang kumikirot na sugat ko sa hita ay tila kumakalat sa buong katawan ko. Tagaktak na rin ang pawis ko, nanunuyot na ang lalamunan at siguradong namumutla na rin ako dahil sa dugong nawala sa akin.Ang mga hangal na kawal na ito ay hindi man lang kami binibigyan kahit patak ng tubig."Aliara," tawag sa akin ni Casias na katabi ko lamang. Nakagapos din ang mga kamay at walang magawa kung hindi magpatianod sa mga kawal na ito. Ilang beses na niya akon

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 79

    "ISA kang prinsesa, Aliara?" muling wika ni Rowan ngunit hindi ko pinansin.At dahil hindi rin ikinagulat ni Casias iyon ay katunayan lamang ito na totoo ang sinasabi ni Favier, na may kaugnayan siya sa palasyo.Matunog akong ngumisi kalaunan, sarkastiko. Maraming tanong sa isip ko ngunit unti-unti ko nang naiintindihan ang nangyayari ngayon. Matagal na silang magkakilala, bago pa man ako dumating dito sa Ohayas. Malinaw na malinaw na tinraydor ako ni Casias, nagpanggap siyang walang alam tungkol sa akin, na hindi niya ako kilala. Marahil ay pinababantayan ako ng hangal na si Henicio. At ito na ang tamang pagkakataon upang mapaslang ako.Mabilis ba akong magtiwala kaya lagi akong tinatraydor ng mga nilalang sa paligid ko?Gusto kong tawanan ang sarili ko sa tanong na iyon.Ngunit kahit na tinraydor niya ako ngayon ay hindi ko siya balak kwestyunin. Wala na rin namang halaga kung tatanungin ko siya kung bakit niya ito ginawa sa akin. Lahat naman sil

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 78

    MABILIS akong lumapit sa kaniya at hinampas ang dibdib niya, hindi mahina ngunit hindi rin naman malakas. Paulit-ulit kong ginawa iyon ngunit hindi siya gumawa ng anumang kilos, nanatili siyang nakatayo at hinahayaan lamang ako ilabas ang galit ko. Hindi nagbago ang reaksyon niya, lalo nga lamang yata iyong lumambot habang mas tumatagal ang pagtitig niya sa akin.Nang manghina ang kamay ko ay roon niya lamang ako pinigilan, marahang hinawakan ang mga braso ko. Tuluyan akong nawalan ng lakas dahil doon, tila bulang nawala ang galit na binubuo ko.Pumatak ang luha sa mga mata ko dahil sa maraming dahilan at emosyong nararamdaman. Ayaw ko mang maging masaya sa sandaling ito ngunit kusa iyong nararamdaman ng puso ko. Masaya ako na nandito siya, sa presensya niya, sa hitsura niya at sa buong pagkatao niya.Tila tuluyang napanatag ang damdamin ko dahil sa kaniya. Nawala ang lahat ng gumugulo sa isipan ko."Bakit ngayon ka lang?" mahina kong tanong. Nakatitig ak

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 77

    NILAMPASAN ko si Casias nang magkasalubong kami sa pamilihan, inirapan ko pa siya upang ipakitang naiirita ako sa presensya niya."Magandang umaga, Aliara!" nakangiti niyang bati ngunit hindi ko na pinansin. Palagi namang walang maganda sa umaga kapag siya ang nakikita ko.Itinabi ko ang tinutulak na karitela nang makarating sa tindahan ni Rowan. Abala ito sa maraming mamimili sa umagang ito kaya kahit ang pagbati ay hindi niya nagawa sa akin."Tulungan na kita!" muling wika ni Casias na nasa harapan ko na. Hindi ko napansin ang pagsunod niya sa akin. Nasa likod niya rin ang dalawang kasama."Huwag na, ipagpatuloy mo na lamang ang ginagawa mo." Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin, binuhat ko ang isang sako na nasa karitela.Alam kong naniningil siya ngayon sa mga manininda rito sa pamilihan kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako ang ginugulo niya ngayon."Wala na akong ginagawa kaya tutulungan na lamang kita!" masigla niyang wika. Binuhat

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 76

    HUMINTO ako sa paglalakad habang hinihintay ang sagot niya. Matagal bago siya nagsalita."Palagi rin akong nagtutungo roon kapag nais kong magpahangin at makapag-isip," aniya, nakatingin sa kawalan. "Noong unang beses kitang nakita roon ay noong araw rin nang makilala kita. Simula noon ay hindi na nawala sa isip ko ang malungkot mong mga mata." Bumuntong hininga siya. "Palagi kong ipinagtataka kung bakit ganoon na lamang ang kalungkutan sa iyong mga mata noong gabing iyon. At maraming tanong ang pumapasok sa isipan ko. Ano ang sanhi ng kaniyang kalungkutan? Anong nangyari? Ngunit bakit sa tuwing nakikita ko naman siya sa pamilihan ay walang bahid ng lungkot doon, walang kahit na anong emosyon."Marahan siyang bumaling sa akin matapos sabihin ang mga iyon. Ako naman ngayon ang umiwas, hindi makahanap ng salitang isasagot sa kaniya. O kailangan ko nga ba siyang sagutin?Nakakahiya lamang na nakita niya ako sa ganoong ayos. Sa lahat ng nilalang ay siya pa talaga an

  • Aliara: Ang Kaharian   Kabanata 75

    NAPAIRAP ako nang makita ko na naman si Casias sa malayong banda ng pamilihan, maangas na naglalakad kasama ang dalawa niyang alagad. Mukhang maniningil na naman ng upa sa mga manininda rito sa pamilihan.Kasalukuyan kong inaayos ang mga prutas sa harapan ko, ako ang nagbebenta nito ngayon dahil wala si Rowan. Namamasyal kasama ang kaniyang kasintahan. Oo, mayroon na siyang kasintahan ngayon na isa ring manininda rito sa pamilihan. Matagal na iyong may gusto sa kaniya ngunit hindi niya napapansin noon dahil biglang nabaling ang atensyon niya sa akin nang makilala niya ako.Naalala ko pa noong una kaming magkita, natulala siya sa angkin kong kagandahan at halos tumulo pa ang laway. Ngunit ngayon ay patay na patay na siya kay Mila. Ang binibining ito ay hayagang ipinapakita ang pagkagusto niya sa ginoo ngunit hindi siya nito pinapansin.At noong mapagtanto ni Rowan na hindi niya talaga makukuha ang puso ko ay sinimulan niyang ibaling ang atensyon sa binibini hangg

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status