TUMINGIN muna sa akin si Adrina bago muling nagsalita. "Bakit nais mong malaman? Sino ka ba, Ginoo?" aniya.
Gusto ko siyang pagalitan dahil sa kaniyang asal ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kung siguro ay ibang kawal ang kausap niya ay kanina pa siya dinala at pinarusahan.
"Hangal. Hindi mo dapat kinakausap ng ganyan ang--"
"Favier," pigil ni Sevasti sa pagsasalita ng kaniyang kasamang ginoo. Nang magtama ang paningin nila ay agad silang nagkaintindihan, yumuko ng bahagya si Favier bilang paumanhin sa kaniyang pagsagot.
"Adrina," agaw ko sa atensyon niya. "Igalang mo siya, isa siyang kawal ng Farianio," wika ko. Hindi nagbago ang bugnot niyang ekspresyon ngunit marahan siyang tumango sa akin, napipilitan.
"Isa kang kawal, Ginoo?" wika ng binibini na siyang nakaagaw ng atensyon ko. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ni Sevasti na siya ko ring ginawa ng hindi ko namamalayan. Hindi iyon marangya katulad ng mga nauna niyang suot ngunit hindi rin naman simple, tama lamang na sabihing may kaya siya sa buhay. Bakit nga ba hindi siya nakasuot ng kasuotan ng mga kawal ngayon? Noong unang araw ko siyang makilala niya lamang isinuot iyon ngunit matapos niyon ay hindi na. "Hindi kapani-paniwala. Ngayon lamang ako nakakita ng isang napakakisig na kawal," puno ng paghanga niyang dugtong.
Kumunot ang noo ko sa inis noong tila kumislap ang kaniyang mga mata at muling umawang ng husto ang labi niya. Gusto kong suntukin iyon upang hindi na makabuka pa ng ganoon ngunit hindi maaari. Nakita ko ang puno ng malisya niyang paghawak sa braso ni Sevasti kaya agad na tumalim ang tingin ko sa binibini na agad namang napansin ni Favier. Mahina niyang dinunggol sa balikat si Sevasti.
Nang lumingon sa kaniya si Sevasti ay pasimple ako nitong itinuro, agad nakuha ng ginoo ang ibig nitong sabihin dahilan upang tila maestatwa ang ito at dahan-dahan akong nilingon. Kung kanina ay ako ang takot na salubungin ang kaniyang tingin, ngayon ay baliktad na. Nakita ko ang paglunok niya nang makita ang matalim kong tingin.
Agad niyang inalis ang kamay na nakahawak sa kaniya at bahagyang lumayo sa binibini.
"Paumanhin, Binibini, ngunit nais ko lamang alamin ang naganap dito dahil naaabala ang ibang mamimili," aniya. Saglit na lumingon sa akin bago muling humarap sa kausap, kunwaring umubo.
"Kalimutan na natin iyon, wala na sa akin ang naganap kanina," malaki ang ngiting wika nito. Hindi na kami nagawa pang lingunin dahil nasa ginoo na ang buong atensyon. "Ang nais ko na lamang malaman ay ang iyong pangalan." Muli niyang hinawakan si Sevasti.
Ang bilis namang makalimot ng binibining ito, nakakita lamang ng makisig na ginoo. At hindi ko rin gusto ang paraan niya ng pakikipag-usap dito, masyadong malambing ang kaniyang tinig.
Tumiim ang bagang ko, walang magawa. Nais kong putulin ang kamay niya, nakakainis ang kaniyang kalandian.
"Ako si Elana," wika niyang muli kahit na walang nagtatanong. "Ngayon ay ikaw naman ang magpakilala, makisig na ginoo."
"Makisig na ginoo. Makisig na ginoo," wika ni Vivi, ginagaya ang binibini.
"Huwag kang makisali, Vivi," mahina kong banta sa kaniya dahil alam kong inaasar niya lamang ako.
"Paumanhin ngunit hindi ko maaaring sabihin ang aking ngalan," wika ni Sevasti. Muling inalis ang kamay ng babae at lumingon sa akin. "Dahil kanina pa matalim ang tingin ng aking napakagandang binibini," aniya. Sumilay ang kaunting ngiti sa labi nang makita ang pagkagulat sa mukha ko.
Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon, dito mismo sa harap ng mga nilalang na ito. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko rin alam kung ano nga ba ang naging reaksyon ko at halos hindi ko na marinig ang malakas na tibok ng puso ko.
"Ano? Tila humina yata ang aking pandinig," hindi makapaniwalang wika ni Elana, napalitan ng pagtataka ang kanina'y masayang ngiti. "Tama ba ang aking narinig, Ginoo? Iyong magandang binibini?"
"Tama ang iyong narinig, Binibini."
"Kung gayon ay ikaw ang ama ng paslit na ito?" turo niya kay Adrina.
"Hindi," sabay na sagot ni Sevasti at Adrina na parehong kunot na kunot ang noo, hindi nagustuhan ang tanong ng binibini.
"Hindi niya anak ang batang iyan," wika ni Sevasti. Muling ibinaling ang atensyon sa akin, hinihintay na sang-ayunan ko ang kaniyang sinabi ngunit inunahan ako ng bata.
"Anak niya ako, Ginoo," aniya, ngayon ay seryoso na.
"Hindi, hindi ka niya anak," seryoso ring sagot nito. "Sigurado akong hindi ka niya anak."
"Anak niya ako."
"Hindi."
"Anak niya ako," mariin nitong wika, nagsisimula na na namang mabugnot.
"Kung gayon ay sino ang iyong ama? Nasaan siya ngayon?" nakangising wika ni Sevasti. "Kapag naipakita mo siya sa akin ay maniniwala ako."
Tumalim ang tingin ni Adrina sa kaniya at lumingon sa akin.
"Nasaan nga ba ang aking ama, Ina?" Kunwari ay inosente niyang tanong dahilan upang agad na mag-init ang pisngi ko, agad na dinapuan ng kahihiyan.
Ang batang ito talaga, ayaw magpatalo kay Sevasti. Gusto ko siyang batukan ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Halos iyuko ko ang ulo ko huwag lamang nilang makita ang aking kahihiyan.
"Nasaan nga ba ang kaniyang ama? Bakit hindi mo sabihin sa kaniya," sagot ni Elana, nakangisi. Gustong-gusto ang narinig mula sa bata.
"Halika na, Adrina," wika ko na lamang. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila paalis doon, hindi na nagawa pang tingnan ang dalawang ginoo na naghihintay ng aking sagot.
"Uuwi na tayo. Uuwi na tayo," wika ni Vivi.
Pinahupa ko muna ang kahihiyang nararamdaman bago nagsalita.
"Oo, uuwi na tayo," inis kong wika. "Bakit ka pa kasi nakisali sa usapan, Adrina? Sana ay hindi ka na lamang nagsalita." Masama ang tingin ko sa kaniya ngunit nilabanan niya iyon ng parehong tingin.
Ano bang problema ng batang ito? Naiintindihan ko naman na naiinis siya dahil sa bintang ng binibining iyon ngunit tila sa akin niya binubuntong ang init ng kaniyang ulo.
"Ikaw ang may sabi na anak mo ako, pinanindigan ko lamang."
"Bakit kasi pinanindigan mo pa? Alam mo namang nagbibiro lamang ako."
Umismid siya, kinalas ang pagkakahawak ko sa kaniya. "Bakit? Dahil ayaw mong narinig iyon ng ginoong iyon? Kilala mo ba siya? Paano mong nalaman na isa siyang kawal gayong hindi naman siya mukhang kawal?"
Umiwas ako ng tingin, bahagyang naglikot ang aking mata. Hindi alam kung anong isasagot dahil sa tuwing maaalala ko kung paano kong nakilala si Sevasti ay ang paghalik ko lamang sa kaniya ang aking nakikita.
"Bakit nga pala pinagbintangan kang magnanakaw ng binibining iyon? Ano bang ginawa mo?" Pag-iiba ko ng usapan, masama siyang tumingin sa akin ngunit sinagot din naman ang aking katanungan.
"Nahulog ang supot niya ng salapi kaya kinuha ko upang ibalik sa kaniya ngunit nang makita niya na hawak ko iyon ay inisip niya agad na isa akong magnanakaw," wika niya na siyang nagpakunot ng noo ko, muling bumalik ang inis ko sa babaeng iyon.
"Hangal naman pala ang binibining iyon," inis kong wika. Nais ko siyang balikan ngunit magsasayang lamang ako ng lakas kaya huwag na lamang. Sisiguraduhin kong sa susunod naming pagkikita ay mananagot siya sa akin. Isa siyang hangal.
"Ngayon ay ako naman ang sagutin mo. Kasintahan mo ba ang ginoong iyon? Tinawag ka pa niyang aking magandang binibini," nakasimangot niyang wika. Tila hindi mapapakali kung hindi niya maitatanong iyon.
"Kasintahan?" Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang aking pagngiti. Bigla ay dinala ako ng aking isip sa isiping kasintahan ko ang pinakamakisig na ginoong nakilala ko, si Sevasti.
Kung kasintahan ko siya ay akin lamang siya at hindi ko hahayaang mahawakan siya ng iba lalo na ang Elana na iyon. Paniguradong puputulin ko talaga ang galamay niya.
Nang muli kong tingnan si Adrina ay lalong nalukot ang mukha niya, tila hindi nagugustuhan ang nakikitang reaksyon ko kaya napailing-iling na lang ako upang mawaglit sa aking isipan ang mga hindi nararapat. Huwag kang hibang, Aliara!
"Hindi ko siya kasintahan." Agad kong inayos ang aking ekspresyon. Nauna na ako sa paglalakad patungo sa aming kabayo.
"Ngunit kilala mo siya?" habol niya.
"Oo." Luminga-linga ako sa paligid, baka mamaya ay nandito lamang siya at sinusundan ako. "Bilisan mo, Adrina."
Ayoko muna siyang harapin. Masyado akong dinapuan ng kahihiyan dahil sa pag-uusap nila ni Adrina tungkol sa kunwaring paghahanap niya sa kaniyang ama. Sana lamang ay pumunta siyang muli sa talon mamaya dahil sisiguraduhin kong pupunta ako upang ibigay ang paliwanag na kaniyang nais.
"Ngunit paano ang mga kasuotan na iyong binibili kanina?" tanong niya.
"Ang mga kasuotan. Ang mga kasuotan," wika ni Vivi.
Napatingin ako sa kanilang dalawa. "Sige, babalikan ko na lamang," wika ko nang makita na ang aming kabayo. "Dito ka lang muna, Adrina. Huwag kang aalis dito kung ayaw mong mangyari ulit ang naganap kanina. Ayokong isa na namang maharlika ang hahamak sa atin. Vivi, bantayan mo siya."
Lumipad siya patungo sa nakaabang na braso ni Adrina.
"Huwag kang babalik na kasama ang ginoong iyon," seryoso niyang bilin, tila nagbabanta kaya natawa lamang ako.
Ginamit ko ang aking bilis upang agad na makarating sa tindahan ng damit ngunit nagulat ako ng may biglang humatak sa aking braso. Hindi ko na namalayan ang marahan nitong pagsandal sa akin sa isang haligi ng pamilihan, sa gilid kung saan walang makakapansin.
Hindi na ako nagulat nang makita ang mukha ni Sevasti dahil siya lang naman ang tanging nilalang na kayang gawin ito. Bakas ang maliit na ngisi sa kaniyang labi, marahil ay sa pagkakahuli sa akin.
"Mabuti ay ginamit mo ang iyong bilis nang sa gayon ay marinig kita," aniya. Bigla akong ginawaran ng isang mabilis na halik sa labi kaya nanlaki ang mata ko. "Hindi ako naniniwalang anak mo ang paslit na iyon." At muli akong hinalikan, mas matagal at mapaghanap.
Muli ay tila nabaliw na naman ako, mariing naipikit ang aking mga mata at dinamang maigi ang matamis niyang halik. Halos habulin ko pa ang kaniyang labi nang bumitaw siya.
Nang idilat ko ang aking mata ay nakita ko ang mas malaki niyang ngisi dahil sa huli kong ginawa. Agad na nag-init ang pisngi ko.
"Bitin?" pilyo niyang wika.
Sinamaan ko siya ng tingin at hinapit ang kaniyang batok gamit ang dalawa kong kamay. Hindi na ako nag-atubili pang gawaran din siya ng halik, mabagal at mapanuya. Siya naman ngayon ang naghahabol sa aking labi sa tuwing sinusubukan ko itong ilayo ngunit hindi ko naman tinutuloy.
Nang maubusan siya ng pasensya ay hinawakan niya nang mahigpit ang baywang ko, ang isang kamay ay nasa batok ko upang idiin ang labi ko sa kaniya. Inulit ang paraan niya ng paghalik kanina ngunit mas matagal sa pagkakataong ito.
SIYA na rin ang kusang humiwalay sa halik na iyon. Pareho kaming naghahabol ng hininga habang magkadikit ang aming noo. Matunog akong tumawa, kagat ang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang kaniyang labi. "Muntik na akong maniwala nang hanapin niya ang kaniyang ama." "Muntik ko na ring saktan ang babaeng iyon nang muli ka niyang hawakan." Humiwalay siya sa akin, hawak pa rin ang baywang ko, nakataas ang dalawang kilay at may maliit na ngisi sa labi. "Selosa," nanunudyong aniya. Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "May dapat ba akong pagselosan, Ginoo?" "Wala," mabilis niyang sagot, lalong lumaki ang pagkakangiti. "Akin ka na nga talaga, Binibini." "Paano mong nasabi?" nakataas ang kilay kong wika. Inalis ang dalawang kamay sa batok niya. Agad na kumunot ang noo niya at mas hinigpitan ang hawak sa akin na tila anumang oras ay tatakasan ko siyang muli. "Hindi ba?" "Hmm," tila nag-iisip, nakangisi lang ako sa kan
"ANONG ginagawa ninyo dito, mga verdantes?" tanong ko. Patungo ako sa talon kung saan naroon ang mga Sirena upang maligo ngunit namataan ko sila dito sa gitna ng kagubatan ng Kozania. Tatlo lamang sila at hindi kabilang ang kanilang pinuno na si Dardo. Mayabang na humarap sa akin ang nasa gitna kaya tinaasan ko siya ng kilay at dinala ang aking kamay sa espada ko, handa silang kalabanin kung gagawa sila ng maling kilos. "Namamasyal lamang kami, Binibini," aniya. Bahagya siyang umatras nang makitang hinawakan ko ang aking espada. "Namamasyal?" sarkastiko akong ngumiti. "At saan naman kayo papasyal dito sa Kozania, Verdantes? Kabisado ba ninyo ang lugar na ito?" at masamang tumingin sa kanila. "Paumanhin, Binibini. Aalis na kami," wika nang isa sa kanila, isinenyas ang kamay sa mga kasama upang yayain paalis. "Tama, umalis na kayo kung ayaw ninyong putulin ko ang inyong mga sungay," tiim bagang kong wika. Agad silang nag-atrasan nang uma
PINAGMASDAN ko ang munting bahay sa aking harapan, maliit at gawa sa bato, halatang abandonado na. Ilang araw din ang inabot bago namin natagpuan ang lugar na ito. "Ito ang tinuluyan nila bago sila paslangin," wika ni Matias sa aking tabi. "Paslangin. Paslangin," wika ni Vivi na nakadapo sa balikat ko. Binuksan ni Matias ang pinto at pinauna akong pumasok sa loob, agad kaming nagkaintindihan nang magtama ang aming mga mata, tumango ako at pumasok na. Tumambad sa amin ang magulong kagamitan sa paligid, mayroong isang silid ang bahay at agad na pumasok si Matias doon. Hinintay ko lamang siyang lumabas habang nagmamasid sa paligid. Halata ang pagmamadali ng mga nilalang na nanggaling dito, tila may hinahanap. Ilang sandali lamang ay lumabas si Matias hawak ang isang kulay rosas na tela. Tinitigan ko ito nang inabot niya sa akin, hindi na ako nagulat nang makita ang nakaburdang pangalan dito. "Siya nga," wika ko, sigurado. "Ngayon
"NINAKAWAN mo rin ba siya ng halik kaya ngayon ay sinisingil ka niya?" muli niyang wika na agad nagpakunot ng noo ko. "Hindi ko siya ninakawan ng halik. Siya nga ang gustong magnakaw sa akin ng halik!" giit ko. Akala niya ba ay kung sino-sinong ginoo ang ninanakawan ko ng halik? Hangal. Siya lang naman ang nag-iisang nilalang na ninakawan ko ng halik, ngunit hinding-hindi ko sasabihin sa kaniya iyon. Nanlaki ang mata ko nang salubungin niya agad ng halik ang labi ko. Napahawak ako sa matipuno niyang dibdib upang itulak sana siya palayo ngunit sadyang taksil ang katawan ko dahil gusto nito ang halik na iginagawad sa akin ng ginoong ito. Matagal, sabik at magpahanap ang kaniyang halik, halos habulin ko pa ang kaniyang labi nang bumitaw siya. Nanatiling magkadikit ang aming noo, ilang beses akong suminghap ng hangin habang nakatingin sa nang-aakit niyang labi. Parang noong nakaraang araw lang ay nag-aalinlangan kang tanggapin ang pag-ibig niya dahil isa
"SINO iyon?" Hinihingal na tanong ni Matias nang makalapit sa akin. "Anong nangyari?" "Isa na namang bisita ngayong gabi," tiim bagang kong wika. "Bisita?" Sa kaniya ko ibinaling ang matalim kong tingin. "Simula ngayon ay may magbabantay na tuwing gabi sa ating kuta. Siguraduhin mong hindi na mauulit ang biglaang pagdating ng ating mga bisita," wika ko bago siya talikuran. Kung kanina pa sana siya nagising ay nahuli namin ang nilalang na iyon. Kung kailan'g hindi na siya kailangan ay ngayon pa siya dumating. "Hindi lang ba ang nilalang na iyon ang nakalaban mo? Sino ang nagpadala sa kanila?" tanong niya habang nakasunod sa akin. Inis ko siyang nilingon. "Sino nga ba ang pakay nila, Matias? Hindi naman ito nangyayari noon dahil takot ang mga nilalang na pumunta sa ating kuta. Sino ang maglalakas loob na magpadala ng tauhan dito?" sarkastiko kong tanong. Napahinto naman siya at agad napagtanto ang mga pangyayari. "Ang mag
NAPAHINTO ako sa pagsalok ng tubig sa batis at napatingin sa mapunong parte ng lugar nang maramdaman ko na may nakatingin sa akin. Ibinaba ko ang hawak na tapayan at naglakad patungo roon. Nangunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na kabayo. Isang hakbang pa ang ginawa ko bago tuluyang makita ang nilalang na hindi ko inaasahang darating, hawak pa niya ang tali ng kabayo. Nakataas ang isang sulok ng labi niya habang ako ay gulat na nakatingin sa kaniya. Sinipat ko ang kabuuan niya upang makasiguradong siya nga ang kaharap ko. Hindi ko maiwasang humanga sa angkin niyang kaguwapuhan sa pwesto at tindig niya. Agad akong lumapit sa kaniya nang makabawi at bahagyang hinampas ang dibdib niya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Kabado kong inilibot ang paningin ko at agad na nakahinga ng maluwag nang wala akong nakitang ibang nilalang. "Gusto lamang kitang makita. Hindi ka sumipot sa ating tagpuan kahapon," wika niya. Hinawakan niya ang lik
HUMINTO ako sa labas ng palasyo nang makita ko siyang palabas sa matayog na tarangkahan nito. Agad na dumapo ang paningin niya sa akin kaya matamis na ngiti ang ibinati ko sa kaniya. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ako, marahil ay dahil iba ang ayos ko ngayon, mas maganda sa normal kong ayos. Umikot ako upang ipakita ang kabuuan ko. Wala akong suot na balabal at inayos ko rin ang aking buhok, may maliliit na bulaklak ang nakaipit sa likod nito. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, mabilis niyang idinampi ang kaniyang labi sa akin. Tila nag-init ang aking pisngi sa ginawa niya sa harap ng mga nilalang na dumadaan sa paligid. "Napakaganda mo, paumanhin dahil hindi ko mapigilan ang aking sariling halikan ka." Nilapit niya ang mukha sa akin kaya bahagya akong napaatras. "Sevasti!" suway ko sa kaniya. Ngunit hindi siya tumigil sa paglapit kaya pinanliitan ko siya ng mata bilang pagbabanta. "Nais ko lamang ipa
HINDI maalis ang ngiti sa aking labi hanggang sa makabalik ako sa aming kuta. Hindi nagsasawa ang mga mata ko sa panay na pagtingin sa singsing na ibinigay ni Sevasti, napakagandang tingnan niyon sa aking daliri. "Matias," gulat kong wika nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Sinundan niya ng tingin ang kamay ko kaya pasimple ko iyong itinago sa likuran ko, madilim na rin ang paligid kaya sigurado akong hindi niya nakita ang bagay na hindi maalis sa mata ko. "Anong kailangan mo?" tipid ang ngiti kong tanong. Matagal siyang tumitig sa akin bago nagsalita. "Bakit nagbago ang iyong plano tungkol sa mga armas?" seryoso niyang tanong. Nabaling ang tingin ko kay Vivi na nakadapo sa malapit na puno, bago ako makipagkita kay Sevasti kanina ay nagbigay ako ng mensahe kay Vivi para sa kaniya tungkol doon. "Naisip ko lamang na baka hindi tayo bigyan ni Dardo ng mga armas kapag nalaman niyang ako ang nais bumili ng mga iyon. Alam mong kalaban natin si
Sevasti's Point of ViewPINAGMAMASDAN ko siya mula rito sa gitna ng kagubatan ng Kozania. Nakaupo siya sa harap ng malinaw na tubig ng sapa, ang sapang nasa pagitan namin. May kalayuan ako sa kaniya kaya hindi niya ako napapansin. Tila malalim din ang kaniyang iniisip upang mapansin pa ang presensya ko.Kanina pa siya rito at ngayon ay malapit nang sumapit ang dilim ngunit hindi nagbago ang pwesto niya.Pinagsawa ko ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniyang kagandahan, sa buhok niyang umaalon tuwing iihip ang hangin. Mas maganda ang kasuotan niya ngayon kumpara noon dahil siya na ang reyna ngayon ng Kozania. Nakamit na niya ang pangarap niyang maitayong muli ang kaniyang kaharian, at masaya ako para sa kaniya. Kahit ang naging kapalit man nito ay ang pagkamatay ng aking ama at pagkawala sa amin ng trono ng Farianio. Una pa lang ay hindi naman talaga ito sa akin kaya tama lamang na maibalik ito sa totoong nagmamay-ari nito.Ito lang ang malaya kong oras na titigan siya, dahil sa oras na m
"MAHAL na mahal kita, Aliara! At oo, mali ka kung iyan ang iniisip mo tungkol sa akin. Ikaw lamang ang nag-iisang babaeng minahal ko sa buong buhay ko, ang babaeng patuloy kong minamahal at mamahalin pa hanggang sa huling hininga ako," aniya, tila pilit ipinapaintindi sa akin ang sinasabi. Mas tumindi ang pagbigat ng hininga niya. Tumingin siya sa ibaba at nang muling magsalita ay mahinahon na, "Patawad at wala ako sa lahat ng paghihirap mo, wala ako kapag kailangan mo ako, wala ako kapag hinahanap mo ako. Pero, Aliara, gustong-gusto kitang puntahan sa mga oras na hinihiling mong nandoon ako. Gusto kitang iligtas at protektahan ngunit palagi akong hinahadlangan ng aking ama. Ginagawa niya ang lahat para lamang hindi kita makita." Tumiim ang bagang niya at muling tumingin sa akin, puno ng galit, pangungulila at kalungkutan ang kaniyang mga mata. "Totoong mahal kita, Aliara. Hindi iyon magbabago kailanman. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng pagkukulang ko. At pakiusap, huwag mong alisi
SA MULI naming pagkikita ni Adrina ay binigyan niya akong muli ng pag-asa upang ituloy ang sinimulan ko, ang paghihiganti kay Henicio. Ilang beses niya akong kinausap tungkol doon ngunit kapag tinatanong ko siya kung bakit niya ako hinihikayat ay hindi siya sumasagot at iniiba ang usapan. Ngayon ay nakatayo ako sa gitna ng kagubatan habang nakatingin sa buwan. Napagtanto ko kung bakit nais niyang patayin ko si Henicio. Dahil kay Matias, nais niya itong ipaghiganti. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na iniibig niya ang ginoo at hindi ko man nakita ang paghihinagpis niya sa pagkamatay nito ay alam ko kung gaano niyang dinamdam iyon. Marahil ay hindi pa siya nakakalimot. Hindi pa nawawala ang galit niya para sa mga nilalang na naging ugat ng pagkamatay nito. Lalo na kay Henicio. Siya ang pinakautak ng lahat kaya siya ang dapat paghihigantihan. Napalingon ako kay Zalina na nasa gilid ko, siya ang ina ni Adrina ngunit tila kaunti lamang ang tanda niya sa akin kung
MALIWANAG na ang paligid nang makarating kami sa sentro ng Farianio. Kusang humahawi ang mga nilalang upang bigyan kami ng daan, bakas sa mga mata nila ang kuryosidad habang nakatingin sa amin. Nasa unahan at gilid namin ang mga kawal, mahigpit kaming binabantayan na tila ba makakatakas pa kami sa ganitong kundisyon. Bukod sa nakakadena ang aming mga kamay ay pagod at nanghihina na kami mula sa mahabang paglalakbay, halos lahat pa kami ay sugatan.Hindi ko na maayos pa ang palalakad ko dahil sa nanginginig kong binti, ang kumikirot na sugat ko sa hita ay tila kumakalat sa buong katawan ko. Tagaktak na rin ang pawis ko, nanunuyot na ang lalamunan at siguradong namumutla na rin ako dahil sa dugong nawala sa akin.Ang mga hangal na kawal na ito ay hindi man lang kami binibigyan kahit patak ng tubig."Aliara," tawag sa akin ni Casias na katabi ko lamang. Nakagapos din ang mga kamay at walang magawa kung hindi magpatianod sa mga kawal na ito. Ilang beses na niya akon
"ISA kang prinsesa, Aliara?" muling wika ni Rowan ngunit hindi ko pinansin.At dahil hindi rin ikinagulat ni Casias iyon ay katunayan lamang ito na totoo ang sinasabi ni Favier, na may kaugnayan siya sa palasyo.Matunog akong ngumisi kalaunan, sarkastiko. Maraming tanong sa isip ko ngunit unti-unti ko nang naiintindihan ang nangyayari ngayon. Matagal na silang magkakilala, bago pa man ako dumating dito sa Ohayas. Malinaw na malinaw na tinraydor ako ni Casias, nagpanggap siyang walang alam tungkol sa akin, na hindi niya ako kilala. Marahil ay pinababantayan ako ng hangal na si Henicio. At ito na ang tamang pagkakataon upang mapaslang ako.Mabilis ba akong magtiwala kaya lagi akong tinatraydor ng mga nilalang sa paligid ko?Gusto kong tawanan ang sarili ko sa tanong na iyon.Ngunit kahit na tinraydor niya ako ngayon ay hindi ko siya balak kwestyunin. Wala na rin namang halaga kung tatanungin ko siya kung bakit niya ito ginawa sa akin. Lahat naman sil
MABILIS akong lumapit sa kaniya at hinampas ang dibdib niya, hindi mahina ngunit hindi rin naman malakas. Paulit-ulit kong ginawa iyon ngunit hindi siya gumawa ng anumang kilos, nanatili siyang nakatayo at hinahayaan lamang ako ilabas ang galit ko. Hindi nagbago ang reaksyon niya, lalo nga lamang yata iyong lumambot habang mas tumatagal ang pagtitig niya sa akin.Nang manghina ang kamay ko ay roon niya lamang ako pinigilan, marahang hinawakan ang mga braso ko. Tuluyan akong nawalan ng lakas dahil doon, tila bulang nawala ang galit na binubuo ko.Pumatak ang luha sa mga mata ko dahil sa maraming dahilan at emosyong nararamdaman. Ayaw ko mang maging masaya sa sandaling ito ngunit kusa iyong nararamdaman ng puso ko. Masaya ako na nandito siya, sa presensya niya, sa hitsura niya at sa buong pagkatao niya.Tila tuluyang napanatag ang damdamin ko dahil sa kaniya. Nawala ang lahat ng gumugulo sa isipan ko."Bakit ngayon ka lang?" mahina kong tanong. Nakatitig ak
NILAMPASAN ko si Casias nang magkasalubong kami sa pamilihan, inirapan ko pa siya upang ipakitang naiirita ako sa presensya niya."Magandang umaga, Aliara!" nakangiti niyang bati ngunit hindi ko na pinansin. Palagi namang walang maganda sa umaga kapag siya ang nakikita ko.Itinabi ko ang tinutulak na karitela nang makarating sa tindahan ni Rowan. Abala ito sa maraming mamimili sa umagang ito kaya kahit ang pagbati ay hindi niya nagawa sa akin."Tulungan na kita!" muling wika ni Casias na nasa harapan ko na. Hindi ko napansin ang pagsunod niya sa akin. Nasa likod niya rin ang dalawang kasama."Huwag na, ipagpatuloy mo na lamang ang ginagawa mo." Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin, binuhat ko ang isang sako na nasa karitela.Alam kong naniningil siya ngayon sa mga manininda rito sa pamilihan kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako ang ginugulo niya ngayon."Wala na akong ginagawa kaya tutulungan na lamang kita!" masigla niyang wika. Binuhat
HUMINTO ako sa paglalakad habang hinihintay ang sagot niya. Matagal bago siya nagsalita."Palagi rin akong nagtutungo roon kapag nais kong magpahangin at makapag-isip," aniya, nakatingin sa kawalan. "Noong unang beses kitang nakita roon ay noong araw rin nang makilala kita. Simula noon ay hindi na nawala sa isip ko ang malungkot mong mga mata." Bumuntong hininga siya. "Palagi kong ipinagtataka kung bakit ganoon na lamang ang kalungkutan sa iyong mga mata noong gabing iyon. At maraming tanong ang pumapasok sa isipan ko. Ano ang sanhi ng kaniyang kalungkutan? Anong nangyari? Ngunit bakit sa tuwing nakikita ko naman siya sa pamilihan ay walang bahid ng lungkot doon, walang kahit na anong emosyon."Marahan siyang bumaling sa akin matapos sabihin ang mga iyon. Ako naman ngayon ang umiwas, hindi makahanap ng salitang isasagot sa kaniya. O kailangan ko nga ba siyang sagutin?Nakakahiya lamang na nakita niya ako sa ganoong ayos. Sa lahat ng nilalang ay siya pa talaga an
NAPAIRAP ako nang makita ko na naman si Casias sa malayong banda ng pamilihan, maangas na naglalakad kasama ang dalawa niyang alagad. Mukhang maniningil na naman ng upa sa mga manininda rito sa pamilihan.Kasalukuyan kong inaayos ang mga prutas sa harapan ko, ako ang nagbebenta nito ngayon dahil wala si Rowan. Namamasyal kasama ang kaniyang kasintahan. Oo, mayroon na siyang kasintahan ngayon na isa ring manininda rito sa pamilihan. Matagal na iyong may gusto sa kaniya ngunit hindi niya napapansin noon dahil biglang nabaling ang atensyon niya sa akin nang makilala niya ako.Naalala ko pa noong una kaming magkita, natulala siya sa angkin kong kagandahan at halos tumulo pa ang laway. Ngunit ngayon ay patay na patay na siya kay Mila. Ang binibining ito ay hayagang ipinapakita ang pagkagusto niya sa ginoo ngunit hindi siya nito pinapansin.At noong mapagtanto ni Rowan na hindi niya talaga makukuha ang puso ko ay sinimulan niyang ibaling ang atensyon sa binibini hangg