INILIPAT ko ang paningin sa talon. "Oo."
Naglakad na ako ngunit napahinto nang hawakan niya ang braso ko.
"Ikaw talaga ang pakay ko sa lugar na ito, nakita ko ang alaga mong ibon at itinuro niya kung nasaan ka," aniya. Seryoso na ngayong nakatingin sa akin.
Gusto kong pabulaanan ang sinabi niya dahil itinanggi iyon ni Vivi kanina ngunit nangunot lamang ang noo ko sa pagtataka.
"Bakit mo naman ako hahanapin, Ginoo?" Napahinto ako nang mapagtanto ang kaniyang pakay. "Nais mo pa rin akong hulihin dahil sa pagnanakaw ko sa maharlikang iyon?" namamangha kong tanong.
Lalong sumeryoso ang mukha niya, inalis ang pagkakahawak sa braso ko. "Hindi kita hinahanap dahil sa kasalanan mo sa ginoong iyon kundi dahil sa kasalanan mo sa akin, Binibini," mariing aniya.
Naningkit ang mata ko. "Wala akong maalalang may kasalanan ako sa iyo, Ginoo."
Agad siyang napangisi, tila may naalala. "Hayaan mong ipaalala ko sa iyo ang pagnanakaw mo ng halik." Mabilis niya akong hinawakan sa magkabilang braso upang maiharap sa kaniya. Nanlaki ang mata ko at nabitawan ang hawak na balabal nang dumampi ang malambot niyang labi sa akin.
Sinasabi ng isip ko na itulak ko siya palayo ngunit ayaw sumang-ayon ng aking katawan. Napako lamang ako sa aking kinatatayuan, muli ay mabilis na kumalabog ang puso ko, at nasisiguro kong hindi ito dahil sa kaba.
Pumikit siya at marahang iginalaw ang kaniyang labi na halos magpabaliw sa akin, kakaiba. Naipikit ko rin ang mga mata ko at sinabayan ang galaw ng labi niya. Ngayon ay hindi ako naniniwalang ang pagnanakaw ko ng halik sa kaniya ang una niyang halik.
Naging matagal ang halik na iyon, tila mauubusan ako ng hininga. Idinilat ko lamang ang mata ko nang maramdaman kong humiwalay na siya sa akin. Hinihingal kong pinagmasdan ang labi niya, sadyang kay tamis.
"Anong ginawa mo?" mahina kong wika, tila ngayon lamang nakaramdam ng hiya. Bakit ako sumang-ayon sa halik na iyon? Gusto kong mainis sa aking sarili ngunit wala naman akong maramdaman na pagsisisi, tila gustong-gusto ko pa nga iyon.
"Tatlong gabi akong hindi pinatulog ng iyong halik, Binibini. Tatlong araw din kitang hinanap, sa wakas ay natagpuan din kita." seryosong aniya. "Simula ngayon ay pag-aari ko na iyong labi."
"Ano?" gulat kong wika. Tila hindi naintindihan ang mga sinabi niya, tatlong araw. Tatlong araw na mula nang una kaming magkita.
"Hindi ka na maaaring magnakaw ng halik sa iba dahil ako lang dapat ang ninanakawan mo. Handang-handa akong isuko ang aking labi sa iyo, aking magandang binibini." Ngumisi siya nang makita ang gulat ko sa mga sinasabi niya, inipit niya sa likod ng aking tainga ang nakakalat na hibla ng buhok ko.
Tinapik ko palayo sa akin ang kamay niya nang matauhan sa lahat ng ito. Hindi maaari. Hindi ka maaaring mahibang, Aliara!
"Nahihibang ka na ba?" hindi makapaniwala kong wika. "Hindi mo maaaring basta na lamang ariin ang labi ng iba. Ganyan ka ba sa mga binibining nakikilala mo?" Bahagyang umusbong ang galit ko.
Kumunot ang noo niya, tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Ikaw lamang ang binibining nakatikim ng aking halik."
Umawang ang labi ko. "Ano? Ibig mong sabihin ay ako ang iyong unang halik, Ginoo?" gulat kong tanong.
"Ganon na nga, kaya mapalad ka," nagmamalaking aniya, mababakasan na ngayon ng ngiti sa labi.
Umismid ako. "Hindi kapani-paniwala," nakangisi kong wika, ibinaling ang paningin sa talon.
Ano ba ang ginagawa mo, Aliara? Bakit tila nagpapalinlang ka sa matamis na salita ng ginoong iyan? Makisig lamang siya at matamis humalik kaya huwag kang maniniwala! Isa pa ay isa pa rin siyang estranghero!
"Hindi ako nagsisinungaling. Hindi ka ba nagtataka na natulala ako noong gawin mo iyon sa akin? Sinigurado mo talagang hindi na kita hahabulin kaya iyon ang ginawa mo," nanliliit ang mata niyang wika.
Tumaas ang kilay ko, muling inalala ang reaksyon niya sa paghalik ko sa kaniya. Sandali. Bakit ba parang sanay na sanay siyang pinag-uusapan ang halik? Para bang gawain niya iyon, ang manghalik nang kung sino.
"Hindi ko malilimutan ang halik na iyon mula sa isang napakagandang binibini," aniyang muli.
"Ano ang iyong ngalan?" tanong ko. Hindi kapani-paniwalang dalawang beses ko nang natikman ang labi niya ngunit hindi ko pa rin alam ang kaniyang pangalan.
"Sevasti."
Tumango-tango ako. "Sevasti, kay gandang pangalan," nakangiti kong wika. "Aliara naman ang aking ngalan."
Pinagmasdan niya ang aking mukha. "Aliara, ang aking magandang binibini," nakangiti niyang wika. Muli akong napatitig sa kaniya.
Napakaganda ng kaniyang ngiti, idagdag pa ang nakikita kong kislap sa mga mata niya. Sa lahat ng nilalang na nagsabi sa akin na isa akong magandang binibini ay sa kaniya ang pinakamasarap pakinggan.
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko ngayon, halos marinig ko na ang malakas na tibok ng puso ko.
Maaari ko bang maramdaman ito sa nilalang na dalawang beses ko pa lamang nakikita? Ang kakaibang pakiramdam na hindi ko dapat hinahayaang magtagal sa aking puso.
Kasasabi ko lamang na huwag kang magpapalinlang, Aliara. Ngunit ano itong ikinikilos mo sa harap ng ginoong ito? At talagang tinanong mo pa ang kaniyang pangalan?
Napatingin ako sa paligid ng unti-unti nang maglabasan ang mga alitaptap na may asul na ilaw, ito ang gustong-gusto ko sa lugar na ito, ang mga naggagandahang alitaptap.
Malapit nang lumubog ang araw kaya nandito na sila.
"Malapit ng sumapit ang dilim, hindi ka pa ba babalik sa inyong kaharian?" tanong ko. Nang ibaling ko sa kaniya ang paningin ko ay nasa akin ang kaniyang buong atensyon, tila kinakabisado ang bawat parte ng aking mukha. "Mahaba pa ang iyong lalakbayin pabalik."
"Kung babalik ba ako dito bukas ay muli kitang makikita, Aliara?"
Napatitig ako sa kaniya kaya matagal bago ako nakasagot. "Bukas ng hapon ay babalik ako dito," mabagal kong wika. Hindi sigurado kung tama bang sabihin ko iyon sa kaniya.
"At sa susunod pang bukas?"
Muli ay matagal akong napatitig sa kaniya ngunit seryoso lamang siyang nag-aabang sa aking sagot, puno ng pag-asa ang tinig.
"Araw-araw akong pumupunta dito," wika ko.
Bigla ay napangiti siya. "Kung gayon ay araw-araw na kitang makikita."
Ngumiti lamang ako bilang tugon.
NANG makabalik ako sa aming kuta ay agad kong inilabas ang supot ng salapi na nakuha ko mula sa ginoong iyon ng hindi niya namamalayan, si Sevasti.
"Hangal," nakangiti kong wika. "Minsan na kitang nalinlang sa halik ko ngunit hindi ka pa nadala."
Binuksan ko ang supot at agad na nagulat nang makita ang laman nito, puro iyon gintong barya. "Hindi ko alam na mayaman pala ang kawal na iyon," kunot-noo kong wika. "Ngayon ko lamang nalaman na mayroon din palang maharlikang kawal, nakapagtataka," dugtong ko pa, kinakausap ang aking sarili.
Napatingin ako sa balikat ko nang dumapo roon si Vivi.
"Hindi ko akalaing hangal din ang ginoong iyon, Vivi," nakangisi kong wika. "Masyado siyang nahumaling sa akin."
"Mahal kong ginoo, mahal kong ginoo," sagot niya na agad na nakapagpasimangot sa akin.
"ANONG sinasabi mo? Mahal na ginoo? Mas mahal mo na siya ngayon kaysa sa akin, Vivi?" masama ang loob kong tanong. Kaya pala tila ayaw na niyang umalis sa braso ng ginoong iyon. "Mas mahal kita. Mas mahal kita." Lumingon-lingon siya sa paligid, tila hindi alam ang gagawin, kung aalis ba siya sa balikat ko o kung mananatili. "Pero bakit mahal kong ginoo ang tawag mo sa kaniya?" muli kong tanong, lalong sumimangot noong hindi siya sumagot. "Bahala ka, kung mas mahal mo siya kaysa sa akin ay sa kaniya ka na lamang sumama. Sa hangal mong ginoo!" Hinawi ko siya sa aking balikat dahilan upang mabilis siyang lumipad paalis, umirap ako ng tuluyan siyang mawala sa paningin ko. Hindi man lang umangal sa aking sinabi. "Kapag sumama ka nga sa kaniya ay pagbubuhulin ko kayong dalawa," inis kong wika. Isinarado na ang supot at naglakad patungo sa aking tahanan. "Ang tagal mong nawala. Akala ko ay maliligo ka lamang ngunit saan ka nagtungo?" wika ni Adrina n
"ADRINA," pag-agaw ko sa kaniyang pansin, agad naman siyang tumalima. "Magpahinga muna kayo, Hamil," wika ko, tumango siya at pumunta sa ibang nagsasanay. Inabot ko kay Adrina ang hawak. "Salamat, Binibini," aniya. Pinagmasdan ko lang siyang ubusin ang tubig na ibinigay ko. "Bukas na lamang tayo pumunta sa pamilihan, alam kong pagod ka na mula sa iyong pagsasanay." "Sige, mabuti na rin iyon dahil hapon na, maya-maya lamang ay lulubog na ang araw," tumatangong aniya. Tumango lang din ako at kinuha ang kawayang tasa sa kaniya. "Huwag mong masyadong pilitin ang iyong sarili sa pagsasanay, mahabang panahon pa ang kailangan mo bago tuluyang matuto," wika ko na agad nagpakunot ng noo niya. "Ngunit labing walong araw na lamang mula ngayon bago ang pagsalakay," aniya. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. "Hindi ko sinabing sasama ka sa pagsalakay na iyon, Adrina. Mapapahamak ka lamang," seryoso kong wika. Hindi agad siya nakas
MAYA-MAYA pa ay nagkatinginan sila at agad na nagtawanan, tila alam na ang sagot sa kanilang mga tanong, lumapit na rin ang dalawa sa aking harap. "Ano kaya iyon na lubos na nakapagpula ng pisngi ng binibini?" wika ng isa. Kinakausap ang mga kasama ngunit alam kong para sa akin ang tanong, nanunudyo. "Oo nga, siguro ay maganda ang naganap sa pagitan nila?" gatong pa ng isa. "Hindi kaya ay naglapat na ang kanilang mga labi?" "O higit pa." Agad na kumunot ang noo ko, hindi nagustuhan ang huling narinig. "Hindi! Halik lamang, mga sirena," wika ko ngunit agad na tinakpan ang sariling bibig dahil sa aking kadaldalan. Muli silang nagkatinginan at nagtawanan. Sumimangot ako, nakakainis ang mga sirenang ito. Kung pagbawalan ko rin kaya sila sa talon na ito. "Sabi ko na nga ba, hindi mamumula ng husto ang iyong pisngi kung hindi mo pa natitikman ang kaniyang labi," humahagikhik na wika ng may kulay rosas na palamuti. "Ngayon ay
"BAKIT ang tahimik mo? Hindi ka naman ganyan noong una tayong nagkita. Kanina pa kita kinausap ngunit hindi ka sumasagot," aniyang muli. Luminga-linga siya sa paligid dahil nagsisimula nang maglabasan ang mga alitaptap. Nagtago ako sa puno upang hindi ako mahagip ng kaniyang paningin sa hindi ko malamang dahilan. "Kung nandito siya ay nakikita na sana niya ang ganda ng mga alitaptap na ito. Gustong-gusto kong makita ang maganda niyang ngiti, ang kumikislap niyang mga mata at ang mamula-mula niyang pisngi," may bakas ng katuwaan ang kaniyang tinig. Natulala ako dahil sa narinig, napahawak ako sa aking dibdib dahil tila nagustuhan iyon ng puso ko. Bakit ba ganito ang aking nararamdaman? Tama bang maramdaman ko ito? "Gustong-gusto ko talaga siya, Ibon. Siya lamang ang tanging binibini na hinangaan ko ng ganito, hindi na siya mawala pa sa aking isipan." Kinagat ko ang ibabang labi ko at dahan-dahang sumilip sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa kaw
TUMINGIN muna sa akin si Adrina bago muling nagsalita. "Bakit nais mong malaman? Sino ka ba, Ginoo?" aniya. Gusto ko siyang pagalitan dahil sa kaniyang asal ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kung siguro ay ibang kawal ang kausap niya ay kanina pa siya dinala at pinarusahan. "Hangal. Hindi mo dapat kinakausap ng ganyan ang--" "Favier," pigil ni Sevasti sa pagsasalita ng kaniyang kasamang ginoo. Nang magtama ang paningin nila ay agad silang nagkaintindihan, yumuko ng bahagya si Favier bilang paumanhin sa kaniyang pagsagot. "Adrina," agaw ko sa atensyon niya. "Igalang mo siya, isa siyang kawal ng Farianio," wika ko. Hindi nagbago ang bugnot niyang ekspresyon ngunit marahan siyang tumango sa akin, napipilitan. "Isa kang kawal, Ginoo?" wika ng binibini na siyang nakaagaw ng atensyon ko. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ni Sevasti na siya ko ring ginawa ng hindi ko namamalayan. Hindi iyon marangya katulad ng mga nauna niyang suot ngunit hindi
SIYA na rin ang kusang humiwalay sa halik na iyon. Pareho kaming naghahabol ng hininga habang magkadikit ang aming noo. Matunog akong tumawa, kagat ang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang kaniyang labi. "Muntik na akong maniwala nang hanapin niya ang kaniyang ama." "Muntik ko na ring saktan ang babaeng iyon nang muli ka niyang hawakan." Humiwalay siya sa akin, hawak pa rin ang baywang ko, nakataas ang dalawang kilay at may maliit na ngisi sa labi. "Selosa," nanunudyong aniya. Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "May dapat ba akong pagselosan, Ginoo?" "Wala," mabilis niyang sagot, lalong lumaki ang pagkakangiti. "Akin ka na nga talaga, Binibini." "Paano mong nasabi?" nakataas ang kilay kong wika. Inalis ang dalawang kamay sa batok niya. Agad na kumunot ang noo niya at mas hinigpitan ang hawak sa akin na tila anumang oras ay tatakasan ko siyang muli. "Hindi ba?" "Hmm," tila nag-iisip, nakangisi lang ako sa kan
"ANONG ginagawa ninyo dito, mga verdantes?" tanong ko. Patungo ako sa talon kung saan naroon ang mga Sirena upang maligo ngunit namataan ko sila dito sa gitna ng kagubatan ng Kozania. Tatlo lamang sila at hindi kabilang ang kanilang pinuno na si Dardo. Mayabang na humarap sa akin ang nasa gitna kaya tinaasan ko siya ng kilay at dinala ang aking kamay sa espada ko, handa silang kalabanin kung gagawa sila ng maling kilos. "Namamasyal lamang kami, Binibini," aniya. Bahagya siyang umatras nang makitang hinawakan ko ang aking espada. "Namamasyal?" sarkastiko akong ngumiti. "At saan naman kayo papasyal dito sa Kozania, Verdantes? Kabisado ba ninyo ang lugar na ito?" at masamang tumingin sa kanila. "Paumanhin, Binibini. Aalis na kami," wika nang isa sa kanila, isinenyas ang kamay sa mga kasama upang yayain paalis. "Tama, umalis na kayo kung ayaw ninyong putulin ko ang inyong mga sungay," tiim bagang kong wika. Agad silang nag-atrasan nang uma
PINAGMASDAN ko ang munting bahay sa aking harapan, maliit at gawa sa bato, halatang abandonado na. Ilang araw din ang inabot bago namin natagpuan ang lugar na ito. "Ito ang tinuluyan nila bago sila paslangin," wika ni Matias sa aking tabi. "Paslangin. Paslangin," wika ni Vivi na nakadapo sa balikat ko. Binuksan ni Matias ang pinto at pinauna akong pumasok sa loob, agad kaming nagkaintindihan nang magtama ang aming mga mata, tumango ako at pumasok na. Tumambad sa amin ang magulong kagamitan sa paligid, mayroong isang silid ang bahay at agad na pumasok si Matias doon. Hinintay ko lamang siyang lumabas habang nagmamasid sa paligid. Halata ang pagmamadali ng mga nilalang na nanggaling dito, tila may hinahanap. Ilang sandali lamang ay lumabas si Matias hawak ang isang kulay rosas na tela. Tinitigan ko ito nang inabot niya sa akin, hindi na ako nagulat nang makita ang nakaburdang pangalan dito. "Siya nga," wika ko, sigurado. "Ngayon
Sevasti's Point of ViewPINAGMAMASDAN ko siya mula rito sa gitna ng kagubatan ng Kozania. Nakaupo siya sa harap ng malinaw na tubig ng sapa, ang sapang nasa pagitan namin. May kalayuan ako sa kaniya kaya hindi niya ako napapansin. Tila malalim din ang kaniyang iniisip upang mapansin pa ang presensya ko.Kanina pa siya rito at ngayon ay malapit nang sumapit ang dilim ngunit hindi nagbago ang pwesto niya.Pinagsawa ko ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniyang kagandahan, sa buhok niyang umaalon tuwing iihip ang hangin. Mas maganda ang kasuotan niya ngayon kumpara noon dahil siya na ang reyna ngayon ng Kozania. Nakamit na niya ang pangarap niyang maitayong muli ang kaniyang kaharian, at masaya ako para sa kaniya. Kahit ang naging kapalit man nito ay ang pagkamatay ng aking ama at pagkawala sa amin ng trono ng Farianio. Una pa lang ay hindi naman talaga ito sa akin kaya tama lamang na maibalik ito sa totoong nagmamay-ari nito.Ito lang ang malaya kong oras na titigan siya, dahil sa oras na m
"MAHAL na mahal kita, Aliara! At oo, mali ka kung iyan ang iniisip mo tungkol sa akin. Ikaw lamang ang nag-iisang babaeng minahal ko sa buong buhay ko, ang babaeng patuloy kong minamahal at mamahalin pa hanggang sa huling hininga ako," aniya, tila pilit ipinapaintindi sa akin ang sinasabi. Mas tumindi ang pagbigat ng hininga niya. Tumingin siya sa ibaba at nang muling magsalita ay mahinahon na, "Patawad at wala ako sa lahat ng paghihirap mo, wala ako kapag kailangan mo ako, wala ako kapag hinahanap mo ako. Pero, Aliara, gustong-gusto kitang puntahan sa mga oras na hinihiling mong nandoon ako. Gusto kitang iligtas at protektahan ngunit palagi akong hinahadlangan ng aking ama. Ginagawa niya ang lahat para lamang hindi kita makita." Tumiim ang bagang niya at muling tumingin sa akin, puno ng galit, pangungulila at kalungkutan ang kaniyang mga mata. "Totoong mahal kita, Aliara. Hindi iyon magbabago kailanman. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng pagkukulang ko. At pakiusap, huwag mong alisi
SA MULI naming pagkikita ni Adrina ay binigyan niya akong muli ng pag-asa upang ituloy ang sinimulan ko, ang paghihiganti kay Henicio. Ilang beses niya akong kinausap tungkol doon ngunit kapag tinatanong ko siya kung bakit niya ako hinihikayat ay hindi siya sumasagot at iniiba ang usapan. Ngayon ay nakatayo ako sa gitna ng kagubatan habang nakatingin sa buwan. Napagtanto ko kung bakit nais niyang patayin ko si Henicio. Dahil kay Matias, nais niya itong ipaghiganti. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na iniibig niya ang ginoo at hindi ko man nakita ang paghihinagpis niya sa pagkamatay nito ay alam ko kung gaano niyang dinamdam iyon. Marahil ay hindi pa siya nakakalimot. Hindi pa nawawala ang galit niya para sa mga nilalang na naging ugat ng pagkamatay nito. Lalo na kay Henicio. Siya ang pinakautak ng lahat kaya siya ang dapat paghihigantihan. Napalingon ako kay Zalina na nasa gilid ko, siya ang ina ni Adrina ngunit tila kaunti lamang ang tanda niya sa akin kung
MALIWANAG na ang paligid nang makarating kami sa sentro ng Farianio. Kusang humahawi ang mga nilalang upang bigyan kami ng daan, bakas sa mga mata nila ang kuryosidad habang nakatingin sa amin. Nasa unahan at gilid namin ang mga kawal, mahigpit kaming binabantayan na tila ba makakatakas pa kami sa ganitong kundisyon. Bukod sa nakakadena ang aming mga kamay ay pagod at nanghihina na kami mula sa mahabang paglalakbay, halos lahat pa kami ay sugatan.Hindi ko na maayos pa ang palalakad ko dahil sa nanginginig kong binti, ang kumikirot na sugat ko sa hita ay tila kumakalat sa buong katawan ko. Tagaktak na rin ang pawis ko, nanunuyot na ang lalamunan at siguradong namumutla na rin ako dahil sa dugong nawala sa akin.Ang mga hangal na kawal na ito ay hindi man lang kami binibigyan kahit patak ng tubig."Aliara," tawag sa akin ni Casias na katabi ko lamang. Nakagapos din ang mga kamay at walang magawa kung hindi magpatianod sa mga kawal na ito. Ilang beses na niya akon
"ISA kang prinsesa, Aliara?" muling wika ni Rowan ngunit hindi ko pinansin.At dahil hindi rin ikinagulat ni Casias iyon ay katunayan lamang ito na totoo ang sinasabi ni Favier, na may kaugnayan siya sa palasyo.Matunog akong ngumisi kalaunan, sarkastiko. Maraming tanong sa isip ko ngunit unti-unti ko nang naiintindihan ang nangyayari ngayon. Matagal na silang magkakilala, bago pa man ako dumating dito sa Ohayas. Malinaw na malinaw na tinraydor ako ni Casias, nagpanggap siyang walang alam tungkol sa akin, na hindi niya ako kilala. Marahil ay pinababantayan ako ng hangal na si Henicio. At ito na ang tamang pagkakataon upang mapaslang ako.Mabilis ba akong magtiwala kaya lagi akong tinatraydor ng mga nilalang sa paligid ko?Gusto kong tawanan ang sarili ko sa tanong na iyon.Ngunit kahit na tinraydor niya ako ngayon ay hindi ko siya balak kwestyunin. Wala na rin namang halaga kung tatanungin ko siya kung bakit niya ito ginawa sa akin. Lahat naman sil
MABILIS akong lumapit sa kaniya at hinampas ang dibdib niya, hindi mahina ngunit hindi rin naman malakas. Paulit-ulit kong ginawa iyon ngunit hindi siya gumawa ng anumang kilos, nanatili siyang nakatayo at hinahayaan lamang ako ilabas ang galit ko. Hindi nagbago ang reaksyon niya, lalo nga lamang yata iyong lumambot habang mas tumatagal ang pagtitig niya sa akin.Nang manghina ang kamay ko ay roon niya lamang ako pinigilan, marahang hinawakan ang mga braso ko. Tuluyan akong nawalan ng lakas dahil doon, tila bulang nawala ang galit na binubuo ko.Pumatak ang luha sa mga mata ko dahil sa maraming dahilan at emosyong nararamdaman. Ayaw ko mang maging masaya sa sandaling ito ngunit kusa iyong nararamdaman ng puso ko. Masaya ako na nandito siya, sa presensya niya, sa hitsura niya at sa buong pagkatao niya.Tila tuluyang napanatag ang damdamin ko dahil sa kaniya. Nawala ang lahat ng gumugulo sa isipan ko."Bakit ngayon ka lang?" mahina kong tanong. Nakatitig ak
NILAMPASAN ko si Casias nang magkasalubong kami sa pamilihan, inirapan ko pa siya upang ipakitang naiirita ako sa presensya niya."Magandang umaga, Aliara!" nakangiti niyang bati ngunit hindi ko na pinansin. Palagi namang walang maganda sa umaga kapag siya ang nakikita ko.Itinabi ko ang tinutulak na karitela nang makarating sa tindahan ni Rowan. Abala ito sa maraming mamimili sa umagang ito kaya kahit ang pagbati ay hindi niya nagawa sa akin."Tulungan na kita!" muling wika ni Casias na nasa harapan ko na. Hindi ko napansin ang pagsunod niya sa akin. Nasa likod niya rin ang dalawang kasama."Huwag na, ipagpatuloy mo na lamang ang ginagawa mo." Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin, binuhat ko ang isang sako na nasa karitela.Alam kong naniningil siya ngayon sa mga manininda rito sa pamilihan kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako ang ginugulo niya ngayon."Wala na akong ginagawa kaya tutulungan na lamang kita!" masigla niyang wika. Binuhat
HUMINTO ako sa paglalakad habang hinihintay ang sagot niya. Matagal bago siya nagsalita."Palagi rin akong nagtutungo roon kapag nais kong magpahangin at makapag-isip," aniya, nakatingin sa kawalan. "Noong unang beses kitang nakita roon ay noong araw rin nang makilala kita. Simula noon ay hindi na nawala sa isip ko ang malungkot mong mga mata." Bumuntong hininga siya. "Palagi kong ipinagtataka kung bakit ganoon na lamang ang kalungkutan sa iyong mga mata noong gabing iyon. At maraming tanong ang pumapasok sa isipan ko. Ano ang sanhi ng kaniyang kalungkutan? Anong nangyari? Ngunit bakit sa tuwing nakikita ko naman siya sa pamilihan ay walang bahid ng lungkot doon, walang kahit na anong emosyon."Marahan siyang bumaling sa akin matapos sabihin ang mga iyon. Ako naman ngayon ang umiwas, hindi makahanap ng salitang isasagot sa kaniya. O kailangan ko nga ba siyang sagutin?Nakakahiya lamang na nakita niya ako sa ganoong ayos. Sa lahat ng nilalang ay siya pa talaga an
NAPAIRAP ako nang makita ko na naman si Casias sa malayong banda ng pamilihan, maangas na naglalakad kasama ang dalawa niyang alagad. Mukhang maniningil na naman ng upa sa mga manininda rito sa pamilihan.Kasalukuyan kong inaayos ang mga prutas sa harapan ko, ako ang nagbebenta nito ngayon dahil wala si Rowan. Namamasyal kasama ang kaniyang kasintahan. Oo, mayroon na siyang kasintahan ngayon na isa ring manininda rito sa pamilihan. Matagal na iyong may gusto sa kaniya ngunit hindi niya napapansin noon dahil biglang nabaling ang atensyon niya sa akin nang makilala niya ako.Naalala ko pa noong una kaming magkita, natulala siya sa angkin kong kagandahan at halos tumulo pa ang laway. Ngunit ngayon ay patay na patay na siya kay Mila. Ang binibining ito ay hayagang ipinapakita ang pagkagusto niya sa ginoo ngunit hindi siya nito pinapansin.At noong mapagtanto ni Rowan na hindi niya talaga makukuha ang puso ko ay sinimulan niyang ibaling ang atensyon sa binibini hangg