My Husband's Shadow

My Husband's Shadow

last updateHuling Na-update : 2024-04-28
By:   Rainisms  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
45Mga Kabanata
1.0Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

Lumaking ulila si Mikaela Castro, noon pa man ay pinangarap na niyang magkaroon ng isang malaki at masayang pamilya. Ang pangarap niya ay unti-unti nang matutupad ng maikasal siya sa batang congressman na galing sa angkan ng mga politiko na si Blaine Montreal. Si Blaine ang kaniyang first boyfriend ang kaniyang una sa lahat. Mahal na mahal niya ito at mataas ang respeto niya rito. Mahal na mahal din siya ni Blaine at gagawin nito ang lahat para maibigay lamang ang makapagpapaligaya sa kaniya. Ngunit, hindi niya inaasahan na ang labis na pagmamahal pala nito sa kaniya ay magdudulot ng isang malaking kasinungalingan. Lingid kay Mikaela si Blaine ay walang kakayahang magka-anak. Ngunit, paanong nabuntis siya ng kaniyang asawa kung isa pala itong baog?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Chapter 1

Mikaela's POV"Hindi ka pwedeng lumayo sa paningin namin, Ma'am Mikaela, 'yan ang kabilin-bilinan sa amin ni Congressman Montreal."Hindi ko mapigilan ang mapabuntung hininga nang malalim habang nakatingin sa mga bodyguard na nakabantay sa akin. "Sa comfort room ako pupunta, hindi naman pwedeng hanggang sa banyo ay isama ko kayo 'di ba? Mas magagalit naman sa inyo ang asawa ko n'yan," may halong biro na sabi ko.Isang taon na rin simula ng mapangasawa ko ang pinakabatang congressman ng bansa na si Blaine Montreal, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasanay sa buhay na napili kong tahakin."Ah-okay po, Ma'am! Sige po, dito na lang kami sa labas ng pinto maghihintay." Kakamot-kamot ulong binigyan ako ng daan ni Peter, ang head ng mga bodyguards ko.Seryosong tingin lang ang ipinukol ko rito sabay tango. Mula pa sa kanilang mga ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon ay namamayagpag ang apelyidong Montreal sa loob at labas ng bansa. Sila ay matatawag na pamilya ng mga politiko, d...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Ms_roxxixxi
please... update author...
2024-05-22 09:10:00
0
45 Kabanata
Chapter 1
Mikaela's POV"Hindi ka pwedeng lumayo sa paningin namin, Ma'am Mikaela, 'yan ang kabilin-bilinan sa amin ni Congressman Montreal."Hindi ko mapigilan ang mapabuntung hininga nang malalim habang nakatingin sa mga bodyguard na nakabantay sa akin. "Sa comfort room ako pupunta, hindi naman pwedeng hanggang sa banyo ay isama ko kayo 'di ba? Mas magagalit naman sa inyo ang asawa ko n'yan," may halong biro na sabi ko.Isang taon na rin simula ng mapangasawa ko ang pinakabatang congressman ng bansa na si Blaine Montreal, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasanay sa buhay na napili kong tahakin."Ah-okay po, Ma'am! Sige po, dito na lang kami sa labas ng pinto maghihintay." Kakamot-kamot ulong binigyan ako ng daan ni Peter, ang head ng mga bodyguards ko.Seryosong tingin lang ang ipinukol ko rito sabay tango. Mula pa sa kanilang mga ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon ay namamayagpag ang apelyidong Montreal sa loob at labas ng bansa. Sila ay matatawag na pamilya ng mga politiko, d
last updateHuling Na-update : 2024-01-04
Magbasa pa
Chapter 2
Blaine's POV"Congressman! Phone call from the president." Inabot sa akin ng aking secretary na si Lanie ang hawak nitong cellphone, maagap ko naman iyong tinanggap at agad sinagot ang tawag ng aking ama. Bihirang-bihira na mangyari ito, so it must be important. "President, good morning! Napatawag po kayo," bungad bati ko sa aking ama."Yeah! I just want to invite you for a cup of coffee here at the palace. Are you free today at around ten?" tanong nito. Agad kong sinipat ang aking relo. 8:45 am nakasaad dito. Mayroon pa akong mahigit isang oras para i-review ang mga papeles na nasa ibabaw ng working table ko. Marami akong commitments ngayon ngunit wala ng mas mahalaga pa sa makasama ko ang aking ama kahit na ilang sandali lang. "Okay Papa, I'll be there," maagap kong sagot."Alright, I'll wait for you then," tugon naman niya."Yes, Papa."Tinapos na ni Papa ang tawag at binalingan ko naman ang aking sekretarya. "Lanie, cancel all my appointments for today," utos ko sa kaniya.
last updateHuling Na-update : 2024-01-04
Magbasa pa
Chapter 3
Mikaela's POVGabi na ng kami ay makauwi ni Blaine sa mansion. Sinulit namin ang mga sandali na kami ay magkasama dahil bihirang-bihira na mangyari iyon. Sa dami ng responsibilidad ni Blaine at sa sobrang busy niya sa maraming bagay ay natutuwa ako dahil gumagawa pa rin siya ng paraan para magkaroon ng oras sa akin. Hindi nga lang madalas ngunit nakikita ko naman na nag-e-effort talaga siya.Matapos naming makababa ng sasakyan ay lumakad na kami papasok ng bahay. Tama namang pagpasok namin ay natanawan namin si Mama Claudia na pababa ng hagdan."Shhh!" sabi ni Blaine, sabay lapat ng hintuturo niya sa aking labi. Hindi niya inaalis ang tingin sa aking biyenan na ngayon ay ilang hakbang na lang at nasa paanan na ng hagdan. Kinuha ni Blaine ang isang kamay ko, hinatak niya ako. Hindi naman ako tumutol, sumunod lang ako sa kaniya at nagtago pa sa likuran niya. May pag-iingat na naglakad kami patungo sa malaking estante at doon kami nagtago. Hinintay naming makababa ng hagdan si Mama Clau
last updateHuling Na-update : 2024-01-04
Magbasa pa
Chapter 4
"Mukhang nangangalawang ka na, Fiero. Ang tagal mong nawala tapos gusto mo bakbakan agad. Bakit kasi hindi ka muna nag-practice?"Marahas na pinahid ni Fiero ang tumutulong dugo sa kaniyang ilong na tinamaan ng kamao ng kaniyang kalaban. Nasa isang ring siya ngayon at katatapos lang lumaban sa isang underground fight."Malas lang ako ngayon at suwerte si Maky Boy," balewalang sabi niya.Ang totoo ay mahigit isang taon na siyang tumigil sa pagsali sa mga underground fighting, bukod kasi sa ilegal ay umiiwas na siya sa huli. Sawa na siyang humimas ng rehas. Ginawa lang niyang bumalik dahil kailangan niya ng mabilisang pera. Hindi na rin masama kahit natalo siya sa laban, malaki rin naman kasi ang consolation price na kaniyang natanggap."Huling laban ko na 'to, Kulot, hindi na ako uulit, kailangan ko lang talaga ng pera ngayon," sabi niya. Si Kulot ay kaibigan niya at kasamahang underground fighter din dati na ngayon ay isa ng trainor ng mga nagsisimula pa lamang na mga fighter."Sigu
last updateHuling Na-update : 2024-01-04
Magbasa pa
Chapter 5
Mikaela's POVKaarawan ni Mama Claudia ngayon kaya abala ang mga tao sa mansion. Halos lahat nang miyembro ng pamilya Leviste-Montreal ay naroon.Kay Blaine naka-assign ang pagtanggap ng mga bisita. Gusto ng aking biyenan na tumulong ako sa mga gawain sa kusina pero mariing tinutulan iyon ni Blaine, isinama niya ako sa pagharap sa mga bisita ni Mama. Naiipit ako sa dalawang batong nag-uumpugan. Hindi ko alam kung sino ang susundin, ang aking biyenan ba o ang aking asawa? Ayaw ni Mama Claudia na nakikita akong pakalat-kalat sa paligid. Kahit alam na naman at tanggap ng maraming tao na asawa ako ng kaniyang anak ay ikinahihiya pa rin niya ako. Hindi siya komportable na naroon ako dahil ang pakiramdam niya ay nasisira ko ang pangalan at reputasyon ng kanilang pamilya. Gusto ko sanang sundin ang kagustuhan ni Mama Claudia, tutal naman ay kaarawan niya, kaya lang ay mapilit si Blaine."Huwag mong intindihin si Mama, masyado na siyang abala para pakialaman pa tayo," wika ni Blaine nang m
last updateHuling Na-update : 2024-01-05
Magbasa pa
Chapter 6
Mikaela's POVMagkahawak kamay kaming naglalakad ni Blaine papasok sa loob ng ospital. Narito kami ngayon para sa aming monthly check up. Si Dra. Garces ay ang gynecologist na tumitingin sa amin ni Blaine. Isa siyang fertility specialist at siya ang nagmo-monitor ng fertility status naming mag-asawa. Dumaan na kami sa maraming test. Nakaka-pressure na rin sa part namin ni Blaine, minamadali kasi kaming magka-anak ng mga taong nakapaligid sa amin. Gustong-gusto kong magka-anak, kaya lang ay hindi ko naman ipinipilit na dumating kaagad. Kapag hinihintay mo kasi ay lalo namang hindi dumarating. Para sa akin ay may tamang panahon para sa lahat ng bagay.Siyam na test ang dapat sana ay isasagawa sa amin, ngunit inuna muna ang tatlo at iyon ang hihintayin namin na resulta. Pinababalik kami ng aming doktor after two days."Paano po, doc, aalis na kami," paalam ni Blaine kay Dra. Garces, nakipagkamay pa siya rito."Okay. Baka makalimutan ninyo ang schedule ng pagbalik ninyo rito kaya ire-re
last updateHuling Na-update : 2024-01-06
Magbasa pa
Chapter 7
"Hon, paano ba 'yan hindi ko pwedeng basta na lang iwan ang mga kasama ko rito sa foundation at kahit na umalis ako ngayon ay hindi na rin natin aabutan si Dra.Garces," namomroblemang sabi ni Mikaela, habang kausap ang asawa sa cellphone.Tinawagan niya si Blaine, para ipaalam dito na hindi siya makakauwi sa takdang oras na kanilang napag-usapan. Pagkatapos kasi ng kanilang seminar para sa mga kababaihan ay naaya siya sa isang medical mission kasama ang buong staff ng Montreal Foundation."Don't worry, I'll handle going to the hospital today to speak with Dra. Garces. I believe she's fine with me representing you. I'll make sure to keep you informed about our conversation regarding our test results.""Huh! Sigurado ka bang okay lang sa'yo? Gusto mo ba na tawagan ko si Dra. Garces at ipa-reschedule na lang ang pagbisita natin sa kaniya?""It's okay, babe, huwag ka ng masyadong mag-alala. Aalis na ako sa office ngayon, tapos na rin naman ang trabaho ko rito."Nakaramdam ng kapanatagan n
last updateHuling Na-update : 2024-02-01
Magbasa pa
Chapter 8
Gabi na ng makauwi sa mansion si Mikaela. Nang pumasok siya sa kanilang silid ay napangiti siya ng makita ang kaniyang asawa na mahimbing na natutulog. Marahan ang mga hakbang na lumapit siya sa kama para pagmasdan ang maamong mukha nito. Hindi na niya ginawang gisingin ang asawa dahil mukhang malalim na ang tulog nito. Gusto man niyang halikan ang mapupulang labi nito ay pinigilan niya ang sarili na gawin iyon. Ayaw niyang maistorbo ang pagtulog nito. Minsan lang kung ito ay matulog ng maaga kaya hindi niya ipagkakait ang tulog na kailangan ng katawan nito.Kumuha siya ng damit pantulog sa closet at tinungo ang banyo para maglinis ng katawan. Dahil masyado nang gabi at wala na siyang oras pa na mag-blower ng buhok kaya nag-half bath na lamang siya. Ang totoo ay antok na rin siya, sa dami ng ginawa niya kanina ay pagod na ang katawan niya at gusto nang magpahinga.Paglabas niya ng banyo ay presko na ang pakiramdam niya. Sasampa na sana siya sa kama para tumabi ng higa sa kaniyang asaw
last updateHuling Na-update : 2024-02-02
Magbasa pa
Chapter 9
Pagod na sa kabubuhat ng banye-banyerang isda si Fiero. Nangangapal na ang balikat niya sa kalyo. Gusto na niyang tumigil, nakakaramdam na kasi siya nang panghihina dahil sa gutom, kaya lang ay hindi pa niya maaring gawin iyon. Hindi sila pwedeng tumigil hangga't hindi nila natatapos na isakay sa truck ang apat na banyera pang isda na natitira. Nagmamadali ang truck dahil may oras itong sinusunod."Hah! Kung alam ko lang na mapapasubo tayo ng ganito dinamihan ko na sana ang kain ng almusal kanina. Ang mali ko ay isang order na tapsilog lang ang binili ko, dapat pala ay nagpadagdag pa ako ng isang order pa na kanin," sabi ni Inggo, ang kasamahang kargador ni Fiero. Tatlong truck kasi ang nakapila kanina, natapos na nilang hakutan ang dalawa at ang panghuling truck na ngayon ang pinupuno nila."Tsh! Buti ka pa nga nalamnan ang sikmura, ako kape lang ang ininom ko kanina," reklamo ni Fiero."Di bale, apat na banyera na lang, tig-dalawa tayo, tapos puwede na tayong kumain," pakunswelong
last updateHuling Na-update : 2024-02-03
Magbasa pa
Chapter 10
Nakailang balik na sa ospital si Blaine para sa panibagong test na isasagawa ni Dra. Garces sa kaniya. Ang lahat ng bagay na may kinalaman sa pagpapagamot niya ay inilhim niyang lahat kay Mikaela. Kahit kanino ay wala siyang pinagsabihan tungkol dito. Siya at si Dra. Garces lang ang bukod tanging nakakaalam. Sa bawat araw na lumilipas, sa bawat test at gamutan ay walang nakikitang magandang pagbabago sa kalagayan niya. Gusto nang mawalan ng pag-asa ni Blaine, ngunit sa tuwing nakikita niya ang masayahing mukha ng kaniyang asawa ay nabubuhayan siya ng loob para magpatuloy. Ayaw niyang makitang malungkot si Mikaela.Nagulat siya ng biglang sumulpot sa kaniyang opisina ang kaniyang asawa. Nakangiti ito ng pumasok sa loob, may dala itong pagkain na pinamili sa isang sikat na fast food chain."Oh, what a surprise?!" bulalas niya, talagang nagulat siya sa walang pasabing pagbisita ni Mikaela sa kaniya. Agad siyang tumayo sa kaniyang swivel chair at sinalubong ng yakap ang asawa."May pinun
last updateHuling Na-update : 2024-02-04
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status