The Remarried Perfect Housewife: A Mafia Boss Proposal

The Remarried Perfect Housewife: A Mafia Boss Proposal

last updateHuling Na-update : 2024-06-27
By:  P.P. Jing  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
37 Mga Ratings. 37 Rebyu
95Mga Kabanata
78.6Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Nasira ang relasyon ni Celeste sa kanyang asawa na si Darson nang malamang siya ay baog. Isang araw ay nagdala na ng mistress si Darson sa kanilang tahanan na noon ay apat na buwan nang buntis. Her husband soon divorced her and abandoned her in a dangerous place mercilessly after the dirty thing that mistress did to her. Pero hindi niya aakalain na sa delikadong lugar na iyon ay aksidente niyang maliligtas ang buhay ng isang mafia boss na si Primo Semion Lombardi, at mag-alok ito ng marriage proposal!

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Kabanata 1

Sinabi minsan ng yumaong ina ni Celeste na huwag niyang dibdibin kung sakaling magloko ang kanyang asawa balang araw.Dahil nasa kalikasan na ng mga lalaki ang hindi makuntento sa iisang babae lamang. Samantalang ang mga babae ay dapat laging tapat sa kanilang mga asawa, hindi puwedeng magpabihag sa tukso.Matagal na panahong dinala ni Celeste ang paniniwalang iyon sa isipan niya, hanggang sa halos limang taon nilang pagsasama ni Darson bilang mag-asawa.Naging masunurin siya rito, marespeto, lahat ng tungkulin niya ay ginampanan niya ng mabuti. Maging ang pagiging selosa ay hindi niya ginagawa para hindi bigyan ng rason si Darson na masakal sa kaniya at humanap ng ibang babae.Pero ang pagiging perpekto niyang asawa, mukha namang wala lamang saysay para kay Darson.“D-Darson? Sino siya?”Pagkabukas pa lamang ng pintuan ni Celeste ay tumambad na sa kanyang harapan ang asawa. Ngunit hindi lamang ito nag-iisa, kundi sa tabi nito ay nakatayo ang isang babae na may nakaumbok na tiyan, at

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Selene O. Maralit
hinde na po ba talaga ito mag uupdate
2024-10-24 22:12:31
0
user avatar
Lea Sasota Rellores
Update po please
2024-09-27 10:39:54
0
user avatar
Che Mai Mai
update agad po
2024-09-04 09:15:17
0
user avatar
Wellma Ancuna
tagal m nmn mag exam ah umabot 4months
2024-09-02 11:11:56
0
user avatar
Wellma Ancuna
di Kapa taps Sa tagalog story my story kbang english
2024-08-27 13:08:56
0
default avatar
ChongChong
thank sa update more power ms a
2024-06-01 05:50:06
1
user avatar
Thats BM
nung nangyari 1 month na walang update
2024-05-30 15:41:55
1
user avatar
Mer Tan
update na pleaseeee
2024-05-25 19:23:29
1
user avatar
Thats BM
wala nbang update?
2024-05-10 17:08:07
1
user avatar
Anika Aguila Olart
update po please
2024-05-09 18:21:01
1
user avatar
babylyn
more ypdates ganda nf kwento
2024-05-06 15:16:47
1
user avatar
Melody C. Rivera
good 1111111111111111111
2024-04-29 21:32:45
1
user avatar
M.D.
ang ganda kac dko mabitawan ung kwento
2024-04-26 03:31:35
1
user avatar
M.D.
more more updates miss A
2024-04-26 03:30:40
2
user avatar
Persefasa Libera
Still Waiting Miss A Ka Nice sa kwento ba kung tuloytuoy update sana mahalin na ni Celeste si Semion pati magkaaanak cla para ipamuka jan ke Darson pati ke Chiarra
2024-04-25 16:11:42
1
  • 1
  • 2
  • 3
95 Kabanata

Kabanata 1

Sinabi minsan ng yumaong ina ni Celeste na huwag niyang dibdibin kung sakaling magloko ang kanyang asawa balang araw.Dahil nasa kalikasan na ng mga lalaki ang hindi makuntento sa iisang babae lamang. Samantalang ang mga babae ay dapat laging tapat sa kanilang mga asawa, hindi puwedeng magpabihag sa tukso.Matagal na panahong dinala ni Celeste ang paniniwalang iyon sa isipan niya, hanggang sa halos limang taon nilang pagsasama ni Darson bilang mag-asawa.Naging masunurin siya rito, marespeto, lahat ng tungkulin niya ay ginampanan niya ng mabuti. Maging ang pagiging selosa ay hindi niya ginagawa para hindi bigyan ng rason si Darson na masakal sa kaniya at humanap ng ibang babae.Pero ang pagiging perpekto niyang asawa, mukha namang wala lamang saysay para kay Darson.“D-Darson? Sino siya?”Pagkabukas pa lamang ng pintuan ni Celeste ay tumambad na sa kanyang harapan ang asawa. Ngunit hindi lamang ito nag-iisa, kundi sa tabi nito ay nakatayo ang isang babae na may nakaumbok na tiyan, at
Magbasa pa

Kabanata 2

“Madam, huwag na po kayong umiyak. Wala pa kayong kain simula kahapon. Magkakasakit kayo niyan, eh.”Sa loob ng kuwarto ay walang ibang maririnig kundi ang mga hindi mapigil na hikbi ni Celeste. Saan pa mang bahagi ng unan ay napupuno na iyon ng mga luha at sipon niya. Hindi na niya rin magawang imulat ang mga mata sa labis na pamamaga ng mga ito.“Madam, kahit sabaw lang po, basta ba'y magkaroon lamang ng laman ang sikmura niyo.”Kahit ano pang panunuyo ni Anna, ang tapat na personal na katulong ni Celeste, ay hindi parin bumabangon sa kama ang amo niya. “S-Sinabi nang ayoko!” galit na sigaw ni Celeste habang baon-baon ang mukha sa unan. “Bakit mo ba ako hindi sinusunod, Anna? Lumabas ka na, pakiusap lang!”Sa sitwasyon ngayon ni Celeste ay nadudurog din ang puso ni Anna. Ilang beses na siyang pinagtulakan ng amo, pero nananatili parin siya sa loob ng silid nito, pinapanood itong umiiyak at kinukumbinsi na kumain.“Madam,” kinagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng mga luha. “Hu
Magbasa pa

Kabanata 3

“Ang ganda at bait ng babaeng dinala ni Sir Darson dito sa mansyon. Nakakarelate ako sa kanya. Si Madam Celeste kasi, kahit limang taon na rito sa mansyon, ang hirap paring i-approach. Kailangan gusto niya lagi binabati siya at binibigyang respeto. Pero si Madam Chiarra, close na kami agad!”“Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, Tami. Baka isipin nila na kumakampi ka sa kabit. Kahit pa mabait si Madam Chiarra, hindi dapat tayo pumanig sa mali.”“Hmp! Bakit naman? Feeling ko nga hihiwalayan na ni Sir Darson ‘yang si Madam Celeste. Hindi na siya masaya kay Madam. Pero kung titingnan mo siya ngayon, nanunumbalik ang saya niya kay Madam Chiarra! Ganiyan naman kasi talaga. ‘Pag may pagkukulang ang isang babae sa asawa niya, hahanap at hahanap ang lalaki ng ibang babaeng pupunan ang pagkukulang na ‘yon.”“Para sa akin ay wala namang pagkukulang si Madam Celeste. Sadyang hindi lang talaga niya mabigyan ng anak si Sir Darson. Sino ba namang asawa ang ipagkakait na magsilang ng sanggol, ‘di ba? Sa
Magbasa pa

Kabanata 4

“Napakasarap, daddy!” tuwang-tuwang sigaw ni Chiarra, puri nang puri sa pagkaing sinusubo ni Darson sa kanya.Magkatabi ang mga ito sa lamesa, habang si Celeste ay nasa harapan nila, kung kaya't kitang-kita niya ang bawat galaw ng dalawa.Kung mailalarawan iyon ni Celeste, ay tila isang sea lion si Chiarra ngayon. Ang ingay-ingay ng tawa at panay palakpak habang ito'y binibigyan ng pagkain ng isang trainer na si Darson.Hindi maiwasang husgahan ni Celeste ang babae dahil sa pagiging ignorante nito. Hindi ito marunong kumain ng maayos. Hindi nito alam kung anong gagamiting kagamitan sa pagkain ng lobster. Kalat-kalat at napakadungis.Wala itong proper etiquette sa harap ng hapagkainan. Sino bang magdadaldal nang may laman ang bibig? Nakakadiri din ang mga sauce na nagkalat sa gilid ng labi at pisngi nito.Kung ito pa'y nasa harapan ng mommy niya, paniguradong nasampal na ito ngayon. Dahil ganoon din siya pinalaki. Tamang pag-uugali sa harapan ng pagkain, lalo na kung may mga kasabay ka
Magbasa pa

Kabanata 5

Sa nakalipas na ilang linggo ay tumuon si Celeste sa pag-aayos ng lahat ng mga pangangailangan ni Chiarra sa mansyon.Hindi niya nilimitahan ang pagbibigay dito ng mga bagong mamahaling damit, accessories, at lahat ng pangangailangan ng isang buntis. Naglaan na rin siya ng budget para sa kabit, na mas mataas pa ang halaga kaysa sa kanya.Siya rin ang nanguna sa pagrerenovate ng kuwartong pinili ni Chiarra batay sa naisin nito. Habang si Darson naman ay naging abala na pagtatrabaho, na isa hanggang tatlong beses lang umuuwi sa isang linggo.Sa tuwing mangyayari iyon ay dederetso ito kaagad sa kabit kung kaya't wala na silang naging pag-uusap pa.“Madam, bakit hindi pa kayo natutulog? Malapit nang maghating-gabi. Hindi maganda ang pagpupuyat lalo na't bugbog sarado na ang mga mata niyo sa kaiiyak.”Si Anna na lang palagi ang nakakausap niya rito sa loob ng mansyon at nagpapagaan ng kanyang loob.Malungkot siyang ngumiti habang dumudungaw sa labas ng bintana ng kanyang silid. “Hinihintay
Magbasa pa

Kabanata 6

"Huwag mo akong iwan, Darson!" Walang kapaguran ang paghagulgol at pagmamakaawa ni Celeste sa kanyang asawa.Tila'y pinipiga ang puso niya ng paulit-ulit sa sakit, habang hindi siya hinahayaang makasakay sa loob ng sasakyan nito.Literal na iiwan ni Darson si Celeste ngayon sa isang napakadilim na kalsada. Walang katao-tao, walang ibang sasakyan ang napapadaan, walang kahit anong liwanag bukod sa sinag ng buwan, pagkikislapan ng mga bituin sa kalangitan, at ang ilaw na nagmumula sa sasakyan ni Darson."P-Pakiusap, mahal ko!" Niyakap ni Celeste ang matigas na baywang ni Darson at pilit na binabaon ang kanyang mukha sa dibdib nito. "Maniwala ka, hindi ko tinulak si Chiarra! H-Hindi ko siya sinaktan! Siya ang may kagagawan no'n, m-maniwala ka sa ‘kin, please, Darson!""Shut the fuck up, Celeste!" Bulalas ni Darson at pinagtulakan siya."D-Darson!" Pinilit niyang dumikit sa katawan nito, animo linta na makapit sa katawan ng asawa, ayaw magpakuha. Subalit sa lakas ng lalaki ay wala siyang
Magbasa pa

Kabanata 7

Nabalot ng kadiliman ang lugar. Napaupo si Celeste sa sahig, yakap-yakap ang sarili sa sobrang takot. Nagtatanong siya sa sarili, kung paano siya nagawang iwanan ng taong mahal niya sa ganitong klase ng kadiliman. “D-Darson… Darson.” Patuloy siyang humahagulgol, pikit na pikit ang mga mata, takot na takot na harapan ang kasalukuyang lugar na kanyang kinalalagyan. Sinubsob niya ang sariling mukha sa kanyang tuhod, doon niya tiniis ang takot, sakit, at pangungulila sa asawa. Sinabi ng mga yumaong magulang ni Celeste, na si Darson na lang ang magiging pamilya niya. Kung lahat ay gagawin niya para sa lalaki, tiyak na hindi siya nito pababayaan.She did everything, kaya alam niyang hindi siya nito hahayaang mag-isa sa dilim ng ganito katagal at pababayaan.‘Babalik siya… babalik siya… babalikan siya ni Darson.’Sa oras na dumilat ang mga mata niya, tiyak na makikita niya muli ang sasakyan ng asawa. Maririnig niya muli ang malamig na boses nito na hahayaan na siyang umuwi. Umaasa siya na
Magbasa pa

Kabanata 8

Napatingala si Celeste sa harap ng isang napakalaking mansyon. Napakaliwanag, kumikinang ang mga ilaw at disenyo ng lugar na balot ng ginto. Bagamat galing siya sa marangyang pamilya at bilyonaryo ang napangasawa, hindi kasinglaki ng mansyon na ito ang kanilang tahanan. Ito ay animo binuhos ang lahat ng yaman ng pamilya para lang sa mansyon. Hindi siya makapaniwala na rito nakatira ang lalaking kanina'y nasa kritikal na kalagayan. Hindi niya tuloy maiwasang magkaroon ng kuryosidad kung bakit naroon naghihingalo ang lalaking iyon sa lugar kung saan siya iniwan ni Darson.Kuryoso rin siya kung bakit tila'y isang batalyon ng mga gwardiya ang nakikita niyang nagkakagulo ngayon sa paligid."Pasensya na sa magulong pangyayari, Miss," saad ng isang lalaki sa kanya nang makalapit sa kinatatayuan niya ngayon sa sulok ng pintuan."Ikaw ba si Diego?" tanong niya na puno ng kuryosidad.Tumango ang lalaki. Seryoso ang mukha nito na nakatingin kay Celeste nang may matatalas na mga mata, animo'y in
Magbasa pa

Kabanata 9

“Teka lang, bakit bawal akong lumabas?” takang tanong ni Celeste nang isang linggo na siyang nakakulong sa mansyon ng estrangherong lalaking kanyang niligtas.“Iyon ang ibinilin ni Diego bago siya umalis, kaya pasensya na at hindi ka namin maaaring pahintulutan na lumabas ng mansyon hanggat hindi siya bumabalik. Kung may kinakailangan kayo, pwede niyo ‘yong ipag-alam at ipag-utos sa amin.”May paggalang man siyang kinausap ng lalaking guwardiya sa gate ng malaking mansyon ay puno ang boses niyon ng determinasyon na hindi siya papayagang makalabas.“Hindi ko maintindihan.” nagsalubong ang mga kilay ni Celeste. “At least, bigyan niyo naman ako ng matinong rason kung bakit hindi ako puwedeng lumabas?”Ang matipunong lalaki ay tumango. “Iyon ay dahil hindi pa gumigising si Boss. Hanggat hindi pa nakukumpleto ang imbestigasyon namin sa nangyari, hindi ka namin pwedeng pakawalan.”“Sir, nasabi ko na lahat ng nangyari, kaya bakit sangkot parin ako?”“Pasensya na talaga. May dahilan ba kung b
Magbasa pa

Kabanata 10

Palaging naririnig ni Celeste ang mga usapan patungkol sa isang Primo Semion Lombardi noon tuwing dumadalo siya sa mga okasyon.Ang lalaking iyon ang palaging bukang-bibig noon ng mga babae niyang kaibigan, na hindi naman niya masabayan dahil siya ay nakatali na kay Darson.Bukod sa nanggaling sa napakarangyang pamilya ng lalaki na si Semion, ay tinataglay nito ang alindog na sinumang kababaihan ang mahahalina.Kung kaya't batid ng lahat na iba't-ibang mga babae ang nakakasama nito sa kama gabi-gabi, ngunit wala pang ni isa ang nakitang kasa-kasama nito sa totoong buhay. Lumalabas na ito ay playboy at ginagawang plaything ang mga kababaihan na animo'y mga walang kuwentang laruan.Nang marinig niya iyon sa isa niyang kaibigan na si Loren, na noo'y may karanasan na kay Semion, ay nawalan na kaagad siya ng gana na makinig. Dahil para sa kanya, ang mga lalaki ay dapat na magbigay ng respeto sa mga babae.Mayroon na rin siya minsan na interaksyon sa lalaki kagaya ng simpleng pagbati at kas
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status