Share

Chapter 5

Mikaela's POV

Kaarawan ni Mama Claudia ngayon kaya abala ang mga tao sa mansion. Halos lahat nang miyembro ng pamilya Leviste-Montreal ay naroon.

Kay Blaine naka-assign ang pagtanggap ng mga bisita.

Gusto ng aking biyenan na tumulong ako sa mga gawain sa kusina pero mariing tinutulan iyon ni Blaine, isinama niya ako sa pagharap sa mga bisita ni Mama.

Naiipit ako sa dalawang batong nag-uumpugan. Hindi ko alam kung sino ang susundin, ang aking biyenan ba o ang aking asawa? Ayaw ni Mama Claudia na nakikita akong pakalat-kalat sa paligid. Kahit alam na naman at tanggap ng maraming tao na asawa ako ng kaniyang anak ay ikinahihiya pa rin niya ako. Hindi siya komportable na naroon ako dahil ang pakiramdam niya ay nasisira ko ang pangalan at reputasyon ng kanilang pamilya. Gusto ko sanang sundin ang kagustuhan ni Mama Claudia, tutal naman ay kaarawan niya, kaya lang ay mapilit si Blaine.

"Huwag mong intindihin si Mama, masyado na siyang abala para pakialaman pa tayo," wika ni Blaine nang mapansin niya ang pagkabalisa ko.

"Pero— kasi, birthday ni Mama ngayon, ayoko namang painitin ang ulo niya," alanganing sabi ko.

"Bakit ba hindi ka na nasanay kay Mama? Halika nga, dito ka sa tabi ko."

Napaawang ang bibig ko sa ginawa ni Blaine, bigla na lang kasi niyang hinatak ang kamay ko at kinabig ako dahilan para masubsob ako sa dibdib niya at saka ako ikinulong sa mga bisig niya.

Palihim kong kinurot sa tagiliran si Blaine. Ayokong maagaw namin ang atensiyon ng mga tao. Nagulat na lang ako ng may magkislapang mga ilaw sa paligid. Nakuhanan pala ng pictures ng mga reporter na naroon ang pangyayari. Talagang inaabangan nila ang ganuong eksena sa pagitan naming mag-asawa.

Normal lang naman kay Blaine ang mga ganuong bagay, sadyang malambing siya at pilyo.

"Don't ever do that again. Please not here, not in Mama's birthday party," pabulong na sabi ko kay Blaine, ayokong maulit na naman ang ginawa niya kanina.

"Bakit, ano ba ang masama sa ginawa ko? It's a normal thing na ginagaw ng mag-asawa," balewalang sabi niya.

Pilit akong ngumiti, ayokong makipagtalo sa aking asawa dahil bawat kilos namin ay may mga matang nakaabang sa lahat ng aming gagawin. Naghahanap ang mga tao sa paligid namin ng butas para masira kami sa publiko. Marami sa mga kamag- anak ni Blaine ay inggit sa kaniya, dahil bukod sa kaniyang ama ay siya ang sumunod na tinitingala ng mga tao sa kanilang pamilya.

"Ikaw na nga muna ang bahala rito at pupunta muna ako sa cr."

"Bilisan mo lang, I need you here," pabulong na sabi niya sa akin.

Matapos kong kumawala sa pagkakayakap niya ay agad na rin akong umalis.

Wala naman sa akin kahit na magyakapan kami buong maghapon, gustong-gusto ko nga iyon. Kaya lang ay huwag sa party ni Mama Claudia dahil baka pag-isipan na naman niya ako ng masama.

Sasabihing flirt ako at attention seeker, na hindi naman totoo. Inilulugar ko ang sarili ko kung saan lang ako nararapat. Nirerespeto ko ang pamilya nila at hindi ako nakiki-agaw ng eksena sa mga kasiyahan nila.

Habang naglalakad ako papasok sa mansion ay nakita ko si Lola Amelia. Hindi na ganu'n kalakas ang Lola ni Blaine, nakaupo ito sa wheelchair at walang nag-aasikaso sa kaniya. Hindi ko alam kung nasaan na ang private nurse nito na siyang dapat nagbabantay rito.

"Lola, ayos lang po ba kayo?" Lumapit ako kay Lola Amelia. "Saan po ang punta ninyo? Bakit nandito kayo sa ibaba?"dagdag na tanong ko.

Ang party ni Mama Claudia kasi ay kasalukuyang ginaganap sa malawak na bakuran ng mga Montreal.

"Dalhin mo ako sa party, gusto kong makita ang mga kamag-anak ko. It's been a long time that I haven't seen them, sa mga ganitong okasyon lang kami nagkikita-kita. Ito naman kasing si Elen kung kailan palabas na kami ay saka pa humilab ang tiyan," may himig paninisi na pahayag ni Lola.

"Ganun po ba? Naku, baka hanapin kayo ni Nurse Elen kapag isinama ko kayo." Nag-alangan tuloy ako na ilabas ng mansion si Lola, tiyak mag-aalala ang nurse nito kapag nakitang wala na ang alaga niya sa pwesto nito.

"Huu... hayaan mo siyang maghanap," pagbabalewala ni Lola Amelia, winasiwas pa nito ang mga kamay sa hangin.

"Halika na habang hindi pa gaanong malalim ang gabi, I might doze off again later."

Napilitan na lang akong sundin ang utos ni Lola Amelia, kahit ang gusto ko sana ay hintayin muna namin ang private nurse nito para hindi mag-alala at mag-isip na nawawala si Lola.

Itinulak ko ang wheelchair palabas ng mansion. Nang makarating kami sa maliwanag na garden ay agad ng sinalubong si Lola Amelia ng mga kamag-anak niya. Tuwang-tuwa namang nakipagkuwentuhan si Lola Amelia sa mga ito. Tahimik lang akong pinanunuod sila, naghihintay ako kung kailan ako kakailanganin ni Lola Amelia.

Ilang minuto pa ay humahangos na dumating ang nurse na si Elen.

"Senyora, pinakaba ninyo ako. Hindi ko alam kung saan kayo hahanapin. Bakit niyo po ako iniwan? Sabi ko naman sandali lang ako."

Nakita ko ang labis na pag-aalala sa mukha ni Elen.

"Now that you're here, iiwan ko na sa'yo si Lola Amelia, baka kasi hinahanap na ako ni Blaine, babalikan ko muna siya," pagpapaalam ko kay Elen, ibinilin ko na rin si Lola Amelia sa kaniya.

"Naku, Ma'am Mikaela, pasensiya na sa istorbo. Sige po, ako na pong bahala kay Senyora."

Ngumiti na lamang ako at tinanguan si Elen. Hindi pa man ako gaanong nakakalakad pabalik sa aking asawa ay nakasalubong ko naman ang nakatatandang kapatid ni Blaine na si Ate Emily. Tinapunan ako ng mga mapanuri nitong tingin mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay tumaas ang isang kilay nito. Hindi ko alam kung hindi ba niya nagustuhan ang suot ko o baka naman na-disappoint siya na hindi niya ako magagawang pintasan kagaya ng madalas niyang gawin sa akin dahil maganda ang outfit ko ngayon at natalbugan ko ang suot niya? Ang totoo ay hindi naman ako nakikipagpaligsahan sa kaniya, isinusuot ko lang kung ano ang ibinibigay sa aking damit ng stylist ni Blaine.

"Good evening, Ate Emily," nakangiting bati ko sa aking hipag. Kailangan ko siyang batiin kahit nag-aalangan ako.

"Why are you here? Di ba dapat nasa kitchen ka kasama ang mga maids? Hindi porke't napangasawa mo ang kapatid ko ay aasta ka nang kauri namin," mataray na sabi niya sa akin.

Ano pa nga ba ang aasahan ko? Si Emily ay nagmana sa katarayan ng kaniyang ina. Kung hindi ako gusto ni Mama Claudia ay mas higit ang pagka-disgusto sa akin ni Emily.

"Marami naman sila sa kusina, Ate. Isa pa, si Blaine ang nag-request na tulungan ko siya sa pag-e-estima sa mga bisita kaya narito ako sa labas," pangangatwiran ko na lalo lang ikinataas ng kilay nito.

"Huh! Marunong ka ng sumagot at mangatwiran ngayon. Sino ba ang ipinagmamalaki mo, si Blaine?"

Umiling ako. "Hindi naman, Ate, wala akong ipinagmamalaki, nagpapaliwanag lang naman ako," mahinahong sagot ko.

"Tsh! If I know, ikaw ang pumilit kay Blaine na sumama sa kaniya sa pag-estima sa mga guest ni Mama, dahil gusto mo lang pumorma at magpapansin. Kung nasa kusina ka nga naman kasi kahit duster lang ang isuot mo ay okay na. Kaya lang ambisyosa ka. Isa kang social climber nanagpipilit na sumabit sa pamilya namin. Pinakasalan ka nga ng kapatid ko pero hindi pa rin pamilya ang turing namin sa'yo tandaan mo 'yan."

Matapos sabihin ni Emily ang masasakit na salita na iyon sa akin ay tinalikuran na lang ako nito basta.

Pinigilan ko ang maiyak, kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na ayos lang ko at huwag ko na lang pansinin ang mga sinabi ni Emily ay nasasaktan pa rin ako. Kapag kasi ang hipag ko na ang nagsalita ay masakit pakinggan. Tagos sa puso ang pang-iinsulto niya sa akin.

Nangilid ang luha sa mga mata ko kaya tumingala ako, sabay buga ng hangin. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Nang maging maayos na ang pakiramdam ko ay huminga muna ako nang malalim at pagkatapos ay ngumiti. Kailangan kong isuot ang aking maskara kapag kaharap ko ang maraming tao. Ang maskara na kunwari ay masaya pero ang kaibuturan ng puso ko ay malungkot. Ayokong makita ni Blaine na nasasaktan ako, dahil ayaw kong ako ang maging dahilan para masira ang pamilya nila. Kilala ko si Blaine, hindi siya papayag na inaapi ako nang kahit na sino, kahit pa kapamilya niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status