Mikaela's POV
Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Blaine papasok sa loob ng ospital. Narito kami ngayon para sa aming monthly check up. Si Dra. Garces ay ang gynecologist na tumitingin sa amin ni Blaine. Isa siyang fertility specialist at siya ang nagmo-monitor ng fertility status naming mag-asawa.Dumaan na kami sa maraming test. Nakaka-pressure na rin sa part namin ni Blaine, minamadali kasi kaming magka-anak ng mga taong nakapaligid sa amin. Gustong-gusto kong magka-anak, kaya lang ay hindi ko naman ipinipilit na dumating kaagad. Kapag hinihintay mo kasi ay lalo namang hindi dumarating. Para sa akin ay may tamang panahon para sa lahat ng bagay.Siyam na test ang dapat sana ay isasagawa sa amin, ngunit inuna muna ang tatlo at iyon ang hihintayin namin na resulta. Pinababalik kami ng aming doktor after two days."Paano po, doc, aalis na kami," paalam ni Blaine kay Dra. Garces, nakipagkamay pa siya rito."Okay. Baka makalimutan ninyo ang schedule ng pagbalik ninyo rito kaya ire-remind ko na lang kayo thru email. Importante kasing kaharap ko kayo mismo habang binabasa ang magiging resulta ng mga test sa inyo nang sa ganu'n ay maipaliwanag ko rin ng maayos.""Sige po, doc asahan ninyong darating kami." Ako na ang sumagot para sa aming mag-asawa."Thank you, doc."Tumango si Dra. Garces sabay ngiti at lumabas na kami nang silid nito.Kampante naman ako na walang magiging problema sa mga test na isinagawa sa amin ni Blaine, kaya hindi ko na masyadong inisip iyon.Matapos ang check-up namin ay kumain muna kami sa restaurant bago maghiwalay. May importanteng bagay pa kasing aasikasuhin si Blaine sa munisipyo, ako naman ay may seminar na pupuntahan, na naka-schedule ngayong 2pm. Ang seminar na iyon ay para sa mga kababaihan. Ako ang isa sa mga napili na magsalita at magbigay ng inspirational at encouraging speech para sa kanila."Take good care of yourself okay? Sandali lang naman ang lalakarin ko, magkita na lang tayo sa mansion before dinner," bilin sa akin ni Blaine."Okay. Ikaw rin, mag-iingat ka," sabi ko naman.Tumango siya at kinabig ako para yakapin. Hinalikan niya ako sa noo at pagkatapos ay sa aking mga labi naman."I'll miss you dearly. I wish I could have more time to spend with you." May panghihinayang sa mukha ni Blaine. Kung wala lang kaming parehong lakad ngayong araw ay gusto sana naming umuwi muna sa resthouse ng mga Montreal, para makapagpahinga ng magkasama kahit dalawang araw lang, kaya lang ay napakahirap isingit sa schedule ni Blaine ang magbakasyon."Ayos lang, sige na, umalis ka na baka mahuli ka pa sa lakad mo." Tumango si Blaine, pinisil pa muna niya ang palad ko bago tuluyang bumaba at lumipat ng sasakyan. Nakabuntot ang mga bodyguard niya sa kaniya at pinagbuksan pa siya ng pinto. Pagkapasok niya ay ibinaba agad niya ang bintana ng sasakyan at kumaway sa akin, kaya naman ginaya ko ang ginawa niya, may pinindot akong buton at kusa ng bumaba ang salamin bintana ng kotse na gamit ko. Gumanti ako ng kaway sa kaniya. Bago maghiwalay ng tatahaking daan ang mga sasakyan namin ay nagsabi pa siya sa akin ng 'I love you'. Hindi ko narinig ngunit naintindihan ko naman sa pamamagitan ng pagbuka ng kaniyang bibig. Kaya nginitian ko siya at saka tumango._Pagdating ko sa venue ng seminar ay binati agad ako ng mga tao na naroon at gumanti naman ako ng pagbati sa kanila.Nakasanayan ko na ang tumayo at magsalita sa harapan ng maraming tao, kaya naman simpleng bagay na lang sa akin ang ganitong klase ng okasyon. Sa dami na ng napuntahan kong seminar ay natutuwa ako dahil ang mga taong nakakasalamuha ko ay laging masaya at masarap kausap.Nang mag-umpisa na akong magsalita ang lahat ng atensiyon ng mga tao ay nasa akin, nakakatuwang isipin na nakikinig sila sa akin at interesado sila sa mga sinasabi ko.Ang pinaghandaan kong speech mula pa kagabi ay nai-deliver ko naman ng maayos. Matapos ang speech ko ay nagpaalam na ako sa mga taong in-charge sa seminar na iyon at nagmamadaling umalis. Nagpahatid ako diresto sa mansion.Nagbihis lang ako sandali at nagtungo na sa kusina para tumulong sa paghahanda ng hapunan. Nadatnan ko si Mama Claudia na punong abala sa pagluluto. Uuwi si Papa Gustavo ngayon para sumalo sa amin sa hapunan, kaya naman sinigurado ng biyenan kong babae na siya mismo ang magluluto ng mga pagkain na kakainin ng kaniyang asawa."Ano'ng tinutunganga mo diyan? Kunin mo ang sandok at haluin mo 'to baka masunog," utos sa akin ni Mama nang makita niya akong nakatingin lang sa kaniya. Namamangha kasi ako sa tuwing nakikita ko siya sa kusina. Maliksi ang mga kilos niya at ang mga kamay niya ay napakabilis lalo na sa paghihiwa ng mga gulay.Nagmamadaling sinunod ko ang utos ni Mama. Ang totoo ay hindi ako magaling magluto na kagaya niya, mga simpleng pagkain lang ang kaya kong lutuin. Si Mama Claudia ay isang sikat na international chef bago pa siya nakilala ni Papa Gustavo, kaya hindi puwede sa kaniya ang aanga-anga sa kusina.Huminga muna ako ng malalim bago kinuha ang sandok, alam kong masisigawan na naman ako kaya hinanda ko na ang aking sarili."Hindi gan'yan ang tamang paghalo! Paghawak pa lang ng sandok ay mali na!"Nagulat ako at halos mapalundag nang malakas ng tapikin ni Mama Claudia ang kamay ko. Mabuti na lang at mabilis ako, nagawa kong maiiwas ang kamay ko upang hindi ito dumikit sa gilid ng kawali dahil siguradong malalapnos ang balat ko sa paso."Sorry po, Mama!" paumanhin ko."Ang lakas-lakas ng loob mo na mag-asawa, hindi ka naman marunong magluto! Ano ang ipapakain mo sa anak ko? Kaya hindi ko magawang payagan na bumukod kayo dahil alam na alam ko na ang mangyayari. Kawawa lang ang anak ko sa'yo. Hindi ko inalagaan at pinalaki ng maayos ang anak ko para gutumin mo lang." Nag-umpisa na siyang magsermon sa akin.Sa dami nang masasakit na salita na nasabi sa akin si Mama Claudia simula pa noong magnobyo pa lang kami ni Blaine ay parang na-immune na ako. Masakit pa rin naman kung iisipin kaya lang ay hindi ko na masyadong dini-dibdib.Wala talagang araw na hindi ako sinisermunan ni Mama. Kapag nasa mansion ako ay ang liit-liit nang tingin ko sa sarili ko. Hindi ko nga alam kung ano ang iniisip sa akin ng mga kasambahay namin na nakakarinig at nakakasaksi kung paano ako tratuhin ni Mama?Sinikap kong pagbutihin ang lahat nang ginagawa ko ngunit wala naman nakikitang tama sa akin si Mama. Ni minsan ay hindi niya ako nagawang purihin sa mga achievements ko. Tanggap ko na, hanggang dito na lang talaga ang relasyon namin, kahit ano'ng gawin ko para maging mabuting tao sa harapan niya, at kahit ano'ng gawin ko para i-please siya ay inilalayo naman niya ang loob sa akin. Wala nang patutunguhan kung ipipilit ko pa ang sarili ko.Naghahanap ako ng kalinga ng isang ina pero hindi ko makita iyon kay Mama Claudia. Sinukuan ko na ang pangarap ko na isang araw ay magugustuhan niya rin ako. Isang himala na lang siguro ang makakagawa ng ganu'n.Basta ang importante sa akin ay ang relasyon namin ni Blaine, nagkakaintindihan kami at nagmamahalan. At the end of the day, kami lang naman ang magkakampi hanggang sa huli."Hon, paano ba 'yan hindi ko pwedeng basta na lang iwan ang mga kasama ko rito sa foundation at kahit na umalis ako ngayon ay hindi na rin natin aabutan si Dra.Garces," namomroblemang sabi ni Mikaela, habang kausap ang asawa sa cellphone.Tinawagan niya si Blaine, para ipaalam dito na hindi siya makakauwi sa takdang oras na kanilang napag-usapan. Pagkatapos kasi ng kanilang seminar para sa mga kababaihan ay naaya siya sa isang medical mission kasama ang buong staff ng Montreal Foundation."Don't worry, I'll handle going to the hospital today to speak with Dra. Garces. I believe she's fine with me representing you. I'll make sure to keep you informed about our conversation regarding our test results.""Huh! Sigurado ka bang okay lang sa'yo? Gusto mo ba na tawagan ko si Dra. Garces at ipa-reschedule na lang ang pagbisita natin sa kaniya?""It's okay, babe, huwag ka ng masyadong mag-alala. Aalis na ako sa office ngayon, tapos na rin naman ang trabaho ko rito."Nakaramdam ng kapanatagan n
Gabi na ng makauwi sa mansion si Mikaela. Nang pumasok siya sa kanilang silid ay napangiti siya ng makita ang kaniyang asawa na mahimbing na natutulog. Marahan ang mga hakbang na lumapit siya sa kama para pagmasdan ang maamong mukha nito. Hindi na niya ginawang gisingin ang asawa dahil mukhang malalim na ang tulog nito. Gusto man niyang halikan ang mapupulang labi nito ay pinigilan niya ang sarili na gawin iyon. Ayaw niyang maistorbo ang pagtulog nito. Minsan lang kung ito ay matulog ng maaga kaya hindi niya ipagkakait ang tulog na kailangan ng katawan nito.Kumuha siya ng damit pantulog sa closet at tinungo ang banyo para maglinis ng katawan. Dahil masyado nang gabi at wala na siyang oras pa na mag-blower ng buhok kaya nag-half bath na lamang siya. Ang totoo ay antok na rin siya, sa dami ng ginawa niya kanina ay pagod na ang katawan niya at gusto nang magpahinga.Paglabas niya ng banyo ay presko na ang pakiramdam niya. Sasampa na sana siya sa kama para tumabi ng higa sa kaniyang asaw
Pagod na sa kabubuhat ng banye-banyerang isda si Fiero. Nangangapal na ang balikat niya sa kalyo. Gusto na niyang tumigil, nakakaramdam na kasi siya nang panghihina dahil sa gutom, kaya lang ay hindi pa niya maaring gawin iyon. Hindi sila pwedeng tumigil hangga't hindi nila natatapos na isakay sa truck ang apat na banyera pang isda na natitira. Nagmamadali ang truck dahil may oras itong sinusunod."Hah! Kung alam ko lang na mapapasubo tayo ng ganito dinamihan ko na sana ang kain ng almusal kanina. Ang mali ko ay isang order na tapsilog lang ang binili ko, dapat pala ay nagpadagdag pa ako ng isang order pa na kanin," sabi ni Inggo, ang kasamahang kargador ni Fiero. Tatlong truck kasi ang nakapila kanina, natapos na nilang hakutan ang dalawa at ang panghuling truck na ngayon ang pinupuno nila."Tsh! Buti ka pa nga nalamnan ang sikmura, ako kape lang ang ininom ko kanina," reklamo ni Fiero."Di bale, apat na banyera na lang, tig-dalawa tayo, tapos puwede na tayong kumain," pakunswelong
Nakailang balik na sa ospital si Blaine para sa panibagong test na isasagawa ni Dra. Garces sa kaniya. Ang lahat ng bagay na may kinalaman sa pagpapagamot niya ay inilhim niyang lahat kay Mikaela. Kahit kanino ay wala siyang pinagsabihan tungkol dito. Siya at si Dra. Garces lang ang bukod tanging nakakaalam. Sa bawat araw na lumilipas, sa bawat test at gamutan ay walang nakikitang magandang pagbabago sa kalagayan niya. Gusto nang mawalan ng pag-asa ni Blaine, ngunit sa tuwing nakikita niya ang masayahing mukha ng kaniyang asawa ay nabubuhayan siya ng loob para magpatuloy. Ayaw niyang makitang malungkot si Mikaela.Nagulat siya ng biglang sumulpot sa kaniyang opisina ang kaniyang asawa. Nakangiti ito ng pumasok sa loob, may dala itong pagkain na pinamili sa isang sikat na fast food chain."Oh, what a surprise?!" bulalas niya, talagang nagulat siya sa walang pasabing pagbisita ni Mikaela sa kaniya. Agad siyang tumayo sa kaniyang swivel chair at sinalubong ng yakap ang asawa."May pinun
"Hindi mo nai-kuwento sa akin na may kakambal ka pala, ngayon ko lang nalaman ang tungkol doon," bungad na sabi ni Mikaela kay Blaine.Nang matapos silang kumain ng hapunan ay naglakad-lakad muna sila sa bakuran, hanggang sa makarating sila sa gazebo. Umupo siya sa upuang gawa sa narra na naroon at tumabi naman sa kaniya si Blaine."Yeah, sabi nga nila may kakambal daw ako, kaya lang ilang araw pa lang after kaming ipanganak ay namatay siya because of complications. ""Ah ganu'n pala. I'm sorry about your brother."Ngumiti si Blaine at kinuha ang kanang kamay niya na nakapatong sa kaniyang kandungan. Pinagsalikop nito ang kanilang mga kamay. Napangiti na rin siya inilapit niya ang mukha niya kay Blaine at pinagdikit nila ang kanilang mga noo. Saglit lang iyon at naghiwalay rin agad."Sorry dahil wala na akong iba pang maikukuwento sa'yo tungkol sa kaniya, because I don't have any memory of him at ayaw na ring pag-usapan ni Mama ang tungkol doon dahil nalulungkot lang siya kapag inaala
Sa isang okasyon na pinuntahan ni Mikaela ay nagkataong naroon din at special guest ang asawa ni Emily na si Senator Dave Morales. Ang nasabing okasyon ay graduation day ng mga kababaihan nang Yakap at Kalinga Foundation. Isa itong non-governmental organization na pinapatakbo ng isang mayaman at mabait na philanthropist na si Dra. Anastacia Ramos.Karamihan sa mga kababaihan na naroon ay iyong mga wala ng mapuntahan, inabuso at inabandona ng kanilang mga asawa. Mga dalagang ina at mga kabataang babae na itinakwil ng kanilang pamilya at iba pang mga suliranin na nagdala sa mga ito para takasan ang buhay na kinagisnan nila. Iba-iba ang kuwento ng bawat isa sa kanila at bawat kuwento ay kumukurot sa puso ng bawat taong naroroon.Si Mikaela, sampu ng mga kasapi ng Montreal Foundation ay sumusuporta rin sa mga kababaihan ng Yakap at Kalinga Foundation. Bilang isa sa mga founder ng Montreal Foundation ay kasama rin si Dave sa mga taong inimbitahan ng philanthropist na si Dra. Anastacia Ram
"Kuya, ano kaya kung ahitin mo 'yang balabas at bigote mo? Pagupitan mo na rin sana 'yang buhok mo, ang haba-haba na kasi.""Alam mo Kuya, kung mag-aayos ka siguradong maraming magkakagustong babae sa'yo. Bakit kasi gan'yan ang pormahan mo? Gusto mo bang i-make over kita, para magkaroon ka na ng girlfriend?" tanong ni Isabel, habang nakapangalumbaba na nakatanghod sa kaniyang kuya.Iiling-iling na napangiti si Fiero. Kasalukuyan niyang inaayos ang bike ng kaniyang kapatid na naputulan ng kadena, habang ginagawa niya iyon ay pinanonood naman siya nito."Tsh! Hindi ko kailangan ng girlfriend, dagdag lang sa isipin ko 'yan. Tama nang nasa inyo lang ni Inay ang atensiyon ko. Isa pa ang mga nagi-girlfriend lang ay 'yung mga lalaki na may maganda at maayos na trabaho. Hindi ako magi-girlfriend hangga't hindi ako umaasenso sa buhay.""Huh! Paano kung hindi ka umasenso, Kuya, hindi ka na mag-aasawa ganu'n ba?"Itinulak ng hintuturo ni Fiero ang noo ng kapatid, dahilan para malagyan ito ng gra
Isang maaliwalas na Lunes ng umaga. Mula Maynila ay bumiyahe ang mga piling grupo mula sa Montreal Foundation, kasama si Mikaela, patungo ang mga ito sa malayong probinsya ng San Marcelino. Ang kanilang misyon na magbigay ng tulong sa lugar, kung saan inihanda ni Mikaela at ng kaniyang grupo ang mga ipamimigay na relief goods. Bukod doon ay may libreng check-up at gamot din silang ibibigay para sa mga taga San Marcelino. Kasama nila ang mga volunteer doctors na siyang masusing titingin sa kalusugan ng mga mamamayan doon. Bago pa man simulan ang pamimigay, ay inayos na ng grupo ni Mikaela ang mga grocery bags at bigas."Ready na po ba ang lahat? Puwede na po ba tayong magsimula?" tanong niya sa kaniyang mga kasamahan."Yes, Ma'am Mikaela, handa na kami!" sabay-sabay na sagot naman ng mga volunteer."Okay, simulan na po natin," nakangiti at excited na sabi niya.Nagkani-kaniyang puwesto na ang lahat at inihanda ang mga sarili sa pamimigay ng mga relief goods, sinamahan na rin nila ng g