Pagdating ng magkaibigang Fiero at Inggo sa court ay hindi nila inaasahan na dadagsain ng tao ang lugar. Nag-dalawang isip tuloy sila kung itutuloy pa ba o hindi na lang ang pagpila dahil sa haba nito, ngunit sa huli ay mas pinili ni Inggo na magtiyagang pumila. Hindi puwedeng umuwi siya nang walang dala dahil paniguradong yari siya sa kaniyang asawa.Sa sobrang haba ng pila ay halos hindi na nila matanaw ang mga volunteer na namimigay."Ayos lang makakarating din tayo sa unahan, mabilis lang naman ang abutan," sabi ni Inggo na pinakakalma ang sarili para hindi makaramdam ng pagka-bagot."Dapat pala alas sais pa lang ng umaga ay nakapila na tayo," ani Fiero. Mabilis naman ang usad ng pila ngunit sa tingin niya ay aabutin pa rin ng kulang dalawang oras bago sila makarating sa pinaka unahan."Oo nga, ito naman kasing si Imang ang sabi sa akin ay siya ang pupunta, tapos ang siste ay ako pa rin pala ang uutusan. Dinadala lang kasi ako sa tapang ng babaeng 'yon, eh. Napakagaling manakot,"
"I regret to inform you, Congressman Montreal, that even after trying different treatments, the tests we did show no improvement. It's still unlikely for you and your wife to have a baby. I know you might not like other ways of having a child, but right now, it's the only option I can suggest. I think you should think about them because it's uncertain if you'll be able to have a baby with your current situation."Iyon ang mga salitang hindi mawala-wala sa isip ni Blaine nang mag-usap sila kanina lang ni Dra.Garces. Simula nang malaman niya ang tunay niyang kalagayan ay ginawa niya ang lahat, nakipag-cooperate siya sa mga doctor para sa ikakabuti ng kaniyang sitwayon. Ang mga kailangang test at gamutan ay palihim lamang niyang ginagawa. Nakuha pa nga niyang pumunta ng ibang bansa para sa ilang mga treatment ng hindi nalalaman ni Mikaela ang totoong dahilan ng pag-alis niya. Mahigpit na itinago niya ang lahat ng iyon sa kaniyang asawa.Nasa kanilang family rest house siya ngayon, hindi
Mabilisan lang ang pagbibihis na ginawa ni Mikaela, hindi na siya nag-ayos ng todo. Nagpahid lang siya nang liptint sa labi para hindi magmukhang maputla at naglagay ng konting pulbo sa mukha. Na-maximize niya ang kaniyang oras at nagawa niyang makahabol sa inauguration ng hindi nale-late.Agad niyang hinanap ang kaniyang biyenan, hindi pupwedeng hindi nito makita ang presensiya niya. Natagpuan niya ito sa pinaka unang upuan malapit sa stage. Agad siyang lumapit dito. "I'm sorry for being late, Mama." Tumabi siya ng upo sa ginang.Nalukot naman ang mukha ni Claudia nang makita siya. "Kung hindi mo kayang magising nang maaga ay huwag ka nang mangako na sasama. Ang ayoko sa lahat ay iyong pinaghihintay ako. Maiksi lang ang pasensiya ko at hindi ka espesyal na tao para hintayin ko. Kung alam mo ang ibig sabihin ng salitang 'commitment' ay maaga pa lang nakahanda ka na. Hindi pasado sa akin ang ugali mong 'yan, Mikaela. Kahit kailan talaga ay palpak ka, wala ka nang ginawang tama," sermo
Balik sa palengke si Fiero. Hindi pa sapat ang ipon niya para makapagpagawa ng kariton na gagamitin niya sa pagtitinda ng mga street foods kaya patuloy pa rin siyang natitiyagang magtrabaho bilang kargador."O ano kaya mo pa ba?" Nanghahamon ang tono ng boses ni Inggo habang pasan-pasan sa balikat ang isang sako ng bigas na dadalhin nito sa bigasan ni Mang Nanding. "Bakit?" kunot noong tanong ni Fiero. Magkaiba sila ng binubuhat ngayon dahil magkaiba rin ang kliyente nila, kung si Inggo ay sako-sakong bigas ang pasan, ang sa kaniya naman ay sako ng mga gulay . Alas tres pa lang ng umaga ay nasa palengke na sila para maghakot ng mga bubuhatin. Alas siyete na ng umaga ng matapos sila. "Gusto mo bang sumama sa akin, ha Fiero?" tanong Inggo. Sabay silang kumakain ng almusal sa suki nilang karenderiya.Itinigil ni Fiero ang pagkain at bumaling kay Inggo. "Bakit ano ang gagawin mo sa Maynila?" takang tanong niya sa kaibigan."Gusto ko nang mas malaking suweldo at magandang trabaho. Hindi
Gabi na ng makarating sina Fiero sa bahay ng pinsan ni Inggo na si Franco. Inaasahan na nito ang pagdating nila kaya naman nakapagluto na ito ng pagkain para sa kanila."Ginabi na kayo," sabi ni Franco nang pagbuksan sila nito ng pinto."Nagkaroon ng konting problema ang barkong sinasakyan namin. Dapat sana mga alas kuwatro pa lang nang hapon ay narito na kami," paliwanag ni Inggo kung bakit sila ginabi nang dating."Ah, ganun ba? Ayos na rin, mabuti naman at hindi malaki ang naging problema sa barkong sinsakyan ninyo, kung hindi ay baka mas lalo pang tumagal ang biyahe ninyo.""Kaya nga eh. Siya nga pala, kasama ko si Fiero, siya ang kaibigan na sinasabi ko sa'yo. Fiero ito nga pala si Franco ang pinsan ko," pagpapakilala nito sa dalawa."Maraming salamat sa pagtanggap mo sa amin dito," ani Fiero, inalok niya ang kamay kay Franco para makipag-shake hands na agad naman nitong tinugon."Naku, walang anuman, isang sabi lang sa akin ni Inggo, hangga't kaya kong makatulong ay tutulong ako
Sa ilang araw na pagtatrabaho ni Fiero sa construction bilang labor ay unti-unti na niyang nagagamay ang kaniyang trabaho. Unti-unti na rin siyang nakakasabay sa buhay sa siyudad. Kahit wala silang ginawa kung hindi ang magtrabaho, para sa kaniya ay mas maayos ang buhay niya ngayon. Bukod sa marami silang nakakasalamuhang tao ay marami rin siyang natutunan sa mga kasama niya. Nagpapasalamat siya at mababait ang mga ito at kapag may hindi siya alam na mga gawain ay willing naman ang mga ito na turuan siya.Si Franco at Inggo naman ay malaki na rin ang naitutulong sa kaniya. Sa pagpapatira pa lamang ng mga ito sa kaniya at pagtulong na makapasok sa trabaho ay malaking utang na loob na niya para sa mga ito.Lingguhan ang kanilang suweldo at tatlong beses na siyang nakakatanggap ng sahod sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Masaya siya at malaki-laki na ang naitatabi niya, iniipon niya ang ibang kita niya para sa pag-aaral ng kapatid na si Isabel."O, ano, uuwi ka na ba?" tanong ni Inggo
Pag-uwi ni Fiero sa kanilang apartment ay agad siyang sinalubong ng tanong ni Inggo," Oh, kamusta ang lakad mo, nakahanap ka ba ng part time job?" Kasalukyang nasa kusina ito at si Franco, nagtutulong ang dalawa sa pagluluto ng kanilang hapunan."Oo, natanggap akong dishwasher sa Claudia's Kitchen," masayang pagbabalita niya.Napaangat ang ulo ni Franco at bumaling ng tingin kay Fiero."Wow, talaga? Ang swerte mo naman, alam mo bang sikat na restaurant ang napasukan mo?" anito.Umiling si Fiero. "Hindi, nakita ko lang na hiring sila kaya nagbakasakali ako. Napansin naman ako nang may-ari at siya mismo ang nag-interview sa akin," pagkukwento niya."May-ari? Nakilala mo mismo ang may-ari ng restaurant?" pagkaklaro ni Franco sa sinabi niya.Naguguluhang tumango siya. "Oo, nakita kasi niya akong nakatayo sa labas kaya tinanong niya ako kung ano ang kailangan ko, kaya sinabi ko.""Naku naman, ang swerte mo talaga, Tol. Alam mo bang ang asawa ng presidente ng bansa natin ang may-ari ng rest
Lumabas ng kusina si Fiero, inutusan siyang pumunta sa stock room para kunin ang sako ng repolyo. Pasan niya sa kaniyang kaliwang balikat ang sako. Habang naglalakad ay hindi niya inaasahan na bigla na lamang may babangga sa kaniya, laking gulat niya ng mapagsino ang bumangga sa kaniya. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magku-krus pang muli ang landas nila ng babaeng sa unang kita pa lamang ay hinangaan na niya. Ang babaeng iyon ay walang iba kung hindi ang volunteer na namimigay ng relief goods na dumalaw sa kanilang bayan sa San Marcelino. Napangko siya sa pagkakatayo, nakatitig lamang siya sa mukha ng magandang babae. Kita niya ang labis na pagkabigla sa mukha nito. Hindi niya alam kung natatandaan pa siya nito ngunit base sa reaksiyon ng mukha nito ay parang naaalala nga siya nito. "Ma'am, a-ayos ka lang ba?" tanong niya, gusto niya sanang siguraduhin na hindi ito nasaktan sa pagkakabangga sa kaniya ngunit hindi niya maibaba ang pasan na sako, hindi rin niya nagawang makalapi