Pag-uwi ni Fiero sa kanilang apartment ay agad siyang sinalubong ng tanong ni Inggo," Oh, kamusta ang lakad mo, nakahanap ka ba ng part time job?" Kasalukyang nasa kusina ito at si Franco, nagtutulong ang dalawa sa pagluluto ng kanilang hapunan."Oo, natanggap akong dishwasher sa Claudia's Kitchen," masayang pagbabalita niya.Napaangat ang ulo ni Franco at bumaling ng tingin kay Fiero."Wow, talaga? Ang swerte mo naman, alam mo bang sikat na restaurant ang napasukan mo?" anito.Umiling si Fiero. "Hindi, nakita ko lang na hiring sila kaya nagbakasakali ako. Napansin naman ako nang may-ari at siya mismo ang nag-interview sa akin," pagkukwento niya."May-ari? Nakilala mo mismo ang may-ari ng restaurant?" pagkaklaro ni Franco sa sinabi niya.Naguguluhang tumango siya. "Oo, nakita kasi niya akong nakatayo sa labas kaya tinanong niya ako kung ano ang kailangan ko, kaya sinabi ko.""Naku naman, ang swerte mo talaga, Tol. Alam mo bang ang asawa ng presidente ng bansa natin ang may-ari ng rest
Lumabas ng kusina si Fiero, inutusan siyang pumunta sa stock room para kunin ang sako ng repolyo. Pasan niya sa kaniyang kaliwang balikat ang sako. Habang naglalakad ay hindi niya inaasahan na bigla na lamang may babangga sa kaniya, laking gulat niya ng mapagsino ang bumangga sa kaniya. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magku-krus pang muli ang landas nila ng babaeng sa unang kita pa lamang ay hinangaan na niya. Ang babaeng iyon ay walang iba kung hindi ang volunteer na namimigay ng relief goods na dumalaw sa kanilang bayan sa San Marcelino. Napangko siya sa pagkakatayo, nakatitig lamang siya sa mukha ng magandang babae. Kita niya ang labis na pagkabigla sa mukha nito. Hindi niya alam kung natatandaan pa siya nito ngunit base sa reaksiyon ng mukha nito ay parang naaalala nga siya nito. "Ma'am, a-ayos ka lang ba?" tanong niya, gusto niya sanang siguraduhin na hindi ito nasaktan sa pagkakabangga sa kaniya ngunit hindi niya maibaba ang pasan na sako, hindi rin niya nagawang makalapi
Habang nasa kaniyang opisina ay tahimik na nag-iisip si Blaine. Kahit ano ang gawin niya ay hindi na niya mababago pa ang katotohanan na baog siya at walang kakayahan na mabigyan ng anak ang kaniyang asawa. Araw-araw ay iyon ang bumabagabag sa kaniyang isipan. Gusto na niyang sabihin kay Mikaela ang totoo, ngunit may isang bahagi sa puso niya ang pumipigil sa kaniya na gawin iyon. Napabuntong hininga siya nang malalim.Ang ginawi niyang iyon ang eksena na nadatnan ni Dave, si Dave ang senador na asawa ng kaniyang kapatid na si Emily at matalik niyang kaibigan simula pa noong nasa elementarya sila."You look so serious, is there any problem?" tanong ni Dave. Sanay na siya na kapag pumapasyal sa opisina ni Blaine ay dire-diretso lang at hindi na ginagawa pang kumatok.Agad naman napabaling ang tingin ng kongresista sa hindi niya inaasahan na bisita, sumilay ang ngiti sa kaniyang labi ng makita ang kaniyang kaibigan. Matagal-tagal na rin simula ng huli silang magkita. Kahit maraming okas
"Sir, I'm sorry to inform you that one of your bodyguard cannot be able to report for work today, may emergency po sa bahay nila at baka hindi po siya makapasok ng ilang araw."Napaangat ang ulo ni Blaine, nilingon niya ang kaniyang assistant. Nakapasok ito sa kaniyang opisina ng hindi niya namamalayan. "Why, what happened, Maureen? Sino ba sa mga bodyguard ko ang tinutukoy mo?""Si Kuya Lito po, Sir. Na-ospital po ang asawa niya at kinailangang operahan, walang ibang pwedeng magbabantay kasi mga bata pa ang mga anak niya.""Ah, ganu'n ba, okay sige, magpadala ka ng tulong kay Kuya Lito, tanungin mo na rin kung ano ang mga kailangan niya baka kaya nating ibigay, padalhan mo na rin ng mga prutas at pagkain ang asawa niya pagdalaw ninyo sa ospital. Sabihin mo pasensiya na at hindi ako personal na makakapunta para dumalaw, may mga trabaho pa kasi akong kailangan na tapusin," mahabang bilin niya sa kausap."Okay po, Sir, makakarating po ang lahat nang sinabi ninyo kay Kuya Lito."Tumango
Humahangos si Mikaela, nagmamadali siyang lumakad papasok sa ospital. Nabalitaan niya ang nangyari sa kaniyang asawa, kaya naman iniwan niya ang lahat ng kaniyang trabaho para daluhan ito. Nanginginig ang mga tuhod niya sa labis na takot Ayon sa balita, bumagsak ang mga debris sa ginagawang Montreal Corporation building at nagkataon na naroon si Blaine nang mga oras na iyon. Kahit sinabi ng bodyguard nito na ayos lang ang kaniyang asawa ay hindi pa rin niya maiwasan na mag-alala.Pagdating sa nurse station ay agad niyang tinanong kung nasaan si Blaine."Ma'am, si Congressman Montreal po ay nasa emergency room," sabi ng nurse na tinanungan niya."Huh! Nasaan ang emergency room ninyo rito?" may pagmamadaling tanong niya. "Dito po sa kaliwa, Ma'am, diretsuhin niyo lang at makikita niyo na po, nasa pinakadulo po ang ER."Tumango siya. "Okay thank you!" aniya. Lakad takbo ang ginawa niya. Gusto na niyang makita ang kaniyang asawa.Nadatnan niya ang dalawang bodyguard ni Blaine na nasa l
"Fiero, aalis muna ako, uuwi muna ako sa bahay at may aasikasuhin kaming raket ni Franco, alam mo naman dahil sa nangyaring aksidente kahapon ay pansamantalang itinigil ang operasyon ng construction sa site. Hindi puwedeng wala akong gawin, kailangan kong kumita ng pera para may maipadala kay Imang sa probinsiya, kung hindi ay lagot ako. Alam mo naman na mas mabagsik pa sa tigre ang asawa ko. Babalik na lang ako rito mamaya. Alas kuwatro ng hapon pwede ka na raw i-discharge. Bago mag alas kuwatro nandito na ako," mahabang pahayag ni Inggo kay Fiero."Ibibilin na lang kita sa nurse na naka-assign sa'yo, kung may kailangan ka tawagin mo lang siya," dagdag na sabi pa nito habang isinusukbit sa balikat ang kaniyang backpack."Oo, sige ako na ang bahala sa sarili ko, huwag ka nang mag-alala," tugon naman ni Fiero.Bago umalis si Inggo ay tinapik pa muna nito sa balikat ang kaibigan.Konting pananakit ng tagiliran na lang ang nararamdaman ni Fiero, kahapon pa nga niya gustong umuwi kaya lan
Abala si Blaine sa kaniyang ginagawa, napaangat ang ulo niya nang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina, nakita niya na pumasok sa loob ang kaniyang assistant na si Maureen, may bitbit itong mga papeles lumakad ito papalapit sa kaniya at ipinatong ang dala sa ibabaw ng kaniyang lamesa. "Sir, it's already 5 o'clock, hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong nito.Umiling siya. "I will stay for another hour, may trabaho pa akong kailangang tapusin," tugon niya."Ganun po ba? May ipag-uutos pa po ba kayo, Sir, kung wala na po, pwede na po ba akong umuwi? May importanteng lakad po kasi akong pupuntahan ngayon.""Wala na, sige pwede ka nang umuwi.""Thank you po, Sir. Sige po mauuna na ako," paalam nito.Tumalikod na si Maureen at inumpisahan nang lumakad, natigilan ito ng marating ang pinto at akmang pipihitin ang doorknob."Maureen!" tawag ni Blaine, agad naman itong napalingon."Sir!" anito."Kamusta na nga pala ang iniutos ko sa'yo? Nagpunta ka ba sa ospital kahapon? Tinanggap ba niya ang pin
Nasa loob ngayon ng opisina nang kongresista si Fiero, nag-report na siya para sa kaniyang bagong trabaho. Ngayong araw rin ay makikilala niya ng personal ang kaniyang magiging amo na si Congressman Blaine Montreal."Maupo ka muna Fiero, parating na si Sir, may kinausap lang na mga bisita. Iiwan muna kita rito at may kukunin lang ako sa table ko," paalam ni Maureen, ito ang nag-assist sa binata, hinayaan muna niyang makaupo ito sa mahabang sofa na nagsisilbing tanggapan ng mga bisita ni Blaine sa loob din mismo ng opisina nito."Si-sige," sagot naman ni Fiero, na alanganin ang naging pag-ngiti. Naiilang kasi siya na maiwan na mag-isa sa marangyang opisina ng kaniyang magiging amo.Nang makaalis si Maureen ay inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng opisina ng congressman, maganda iyon, malinis, mabango at nasa ayos ang lahat ng bagay sa paligid. Nagre-reflect sa opisina nito ang ugali ng kongresista, masinop ito, malinis at organized.Halos sampung minuto na siyang nakaupo at naghihint