Humahangos si Mikaela, nagmamadali siyang lumakad papasok sa ospital. Nabalitaan niya ang nangyari sa kaniyang asawa, kaya naman iniwan niya ang lahat ng kaniyang trabaho para daluhan ito. Nanginginig ang mga tuhod niya sa labis na takot Ayon sa balita, bumagsak ang mga debris sa ginagawang Montreal Corporation building at nagkataon na naroon si Blaine nang mga oras na iyon. Kahit sinabi ng bodyguard nito na ayos lang ang kaniyang asawa ay hindi pa rin niya maiwasan na mag-alala.Pagdating sa nurse station ay agad niyang tinanong kung nasaan si Blaine."Ma'am, si Congressman Montreal po ay nasa emergency room," sabi ng nurse na tinanungan niya."Huh! Nasaan ang emergency room ninyo rito?" may pagmamadaling tanong niya. "Dito po sa kaliwa, Ma'am, diretsuhin niyo lang at makikita niyo na po, nasa pinakadulo po ang ER."Tumango siya. "Okay thank you!" aniya. Lakad takbo ang ginawa niya. Gusto na niyang makita ang kaniyang asawa.Nadatnan niya ang dalawang bodyguard ni Blaine na nasa l
"Fiero, aalis muna ako, uuwi muna ako sa bahay at may aasikasuhin kaming raket ni Franco, alam mo naman dahil sa nangyaring aksidente kahapon ay pansamantalang itinigil ang operasyon ng construction sa site. Hindi puwedeng wala akong gawin, kailangan kong kumita ng pera para may maipadala kay Imang sa probinsiya, kung hindi ay lagot ako. Alam mo naman na mas mabagsik pa sa tigre ang asawa ko. Babalik na lang ako rito mamaya. Alas kuwatro ng hapon pwede ka na raw i-discharge. Bago mag alas kuwatro nandito na ako," mahabang pahayag ni Inggo kay Fiero."Ibibilin na lang kita sa nurse na naka-assign sa'yo, kung may kailangan ka tawagin mo lang siya," dagdag na sabi pa nito habang isinusukbit sa balikat ang kaniyang backpack."Oo, sige ako na ang bahala sa sarili ko, huwag ka nang mag-alala," tugon naman ni Fiero.Bago umalis si Inggo ay tinapik pa muna nito sa balikat ang kaibigan.Konting pananakit ng tagiliran na lang ang nararamdaman ni Fiero, kahapon pa nga niya gustong umuwi kaya lan
Abala si Blaine sa kaniyang ginagawa, napaangat ang ulo niya nang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina, nakita niya na pumasok sa loob ang kaniyang assistant na si Maureen, may bitbit itong mga papeles lumakad ito papalapit sa kaniya at ipinatong ang dala sa ibabaw ng kaniyang lamesa. "Sir, it's already 5 o'clock, hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong nito.Umiling siya. "I will stay for another hour, may trabaho pa akong kailangang tapusin," tugon niya."Ganun po ba? May ipag-uutos pa po ba kayo, Sir, kung wala na po, pwede na po ba akong umuwi? May importanteng lakad po kasi akong pupuntahan ngayon.""Wala na, sige pwede ka nang umuwi.""Thank you po, Sir. Sige po mauuna na ako," paalam nito.Tumalikod na si Maureen at inumpisahan nang lumakad, natigilan ito ng marating ang pinto at akmang pipihitin ang doorknob."Maureen!" tawag ni Blaine, agad naman itong napalingon."Sir!" anito."Kamusta na nga pala ang iniutos ko sa'yo? Nagpunta ka ba sa ospital kahapon? Tinanggap ba niya ang pin
Nasa loob ngayon ng opisina nang kongresista si Fiero, nag-report na siya para sa kaniyang bagong trabaho. Ngayong araw rin ay makikilala niya ng personal ang kaniyang magiging amo na si Congressman Blaine Montreal."Maupo ka muna Fiero, parating na si Sir, may kinausap lang na mga bisita. Iiwan muna kita rito at may kukunin lang ako sa table ko," paalam ni Maureen, ito ang nag-assist sa binata, hinayaan muna niyang makaupo ito sa mahabang sofa na nagsisilbing tanggapan ng mga bisita ni Blaine sa loob din mismo ng opisina nito."Si-sige," sagot naman ni Fiero, na alanganin ang naging pag-ngiti. Naiilang kasi siya na maiwan na mag-isa sa marangyang opisina ng kaniyang magiging amo.Nang makaalis si Maureen ay inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng opisina ng congressman, maganda iyon, malinis, mabango at nasa ayos ang lahat ng bagay sa paligid. Nagre-reflect sa opisina nito ang ugali ng kongresista, masinop ito, malinis at organized.Halos sampung minuto na siyang nakaupo at naghihint
Sa mga araw na lumipas ay naging magaan at masaya para kay Mikaela, 17 days na siyang delayed at naniniwala siyang totoo ang hinala niya na buntis siya. Naging maingat siya sa kaniyang sarili at hangga't maaari ay hindi siya nagpapakapagod, kaya nitong mga nakaraang araw ay sa opisina lang siya at hindi muna sumasama sa mga medical mission at pamimigay ng mga relief goods. Hindi naman niya sinasabi ang kondisyon niya sa mga kasamahan dahil gusto muna niyang makasigurado bago ipamalita sa iba ang kaniyang pagbubuntis. Ngayong araw ay sasamahan siya ni Blaine sa ospital para magpa-check up, hinihintay lang niya ang kaniyang asawa na paparating na.Nang lumabas siya sa kaniyang opisina ay nakita niya ang kaniyang mga kasamahan na nagkakasiyahan. Nagkukulitan ang mga ito. Napangiti siya at lumapit sa mga ito para makisali sa kasiyahan nila."Anong pinag-uusapan ninyo at bakit ang saya-saya ninyo, ha?' tanong niya."Ma'am Mika, ito kasing si Danica, nakatisod nang foreigner kahapon. Mukhan
Nakatulog si Mikaela na umiiyak, natuyo na lang ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya maipaliwanag ang labis na kalungkutan na nadarama dahil sa labis na frustration. Pinagmasmasdan lang ni Blaine ang natutulog na asawa. Nagi-gulity siya, kung alam lang nito ang tungkol sa kalagayan niya ay hindi na sana ito aasa pa na magkakaroon sila ng anak. Sa ginagawa niyang panloloko sa kaniyang asawa ay alam niya na mas lalo pa niya itong sinasaktan. Bumangon siya, hindi niya kayang matulog ng payapa samantalang ang asawa niya ay nagdadalamhati at mabigat ang kalooban.Nagpalit siya ng damit, kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan at tahimik na lumabas ng silid. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa, wala man siyang eksaktong patutunguhan, ang gusto lang niya ay kahit papaano ay mabawasan ang bigat sa dibdib na nadarama niya.Huminto ang kaniyang sasakyan sa tapat ng gate ng kanilang resthouse. Walang nakatira roon, ang kanilang caretaker ay may sariling tirahan sa lik
Alas sais pa lang ng umaga ay gising na si Fiero. Lumabas siya para mag-jogging. Sa dalawang araw na pamamalagi nila sa Hacienda de Montreal ay laging ganun ang routine niya, gigising ng maaga para mag-jogging, pagkatapos ay maglalakad-lakad at iikutin ang buong hacienda at makikipagkwentuhan sa mga trabahador na madadaanan niya. Makalipas ang isang oras ay bumalik na siya sa villa para mag-kape at mag-almusal. Maaga pa lang ay naroon na si Aling Daling at nagluluto na ng kanilang pagkain. "O, Fiero, andyan ka na pala, tamang-tama at nakapagluto na ako. Halika at tikman mo ang lomi namin dito. Teka at ipagsasandok kita," sabi ni Aling Daling, nasa 65 na ang edad nito ngunit maliksi pa rin kung kumilos."Naku, salamat po Aling Daling. Ako na po ang magsasandok ng para sa akin, huwag niyo na po akong asikasuhin." Nahihiya kasi siya sa matanda, hindi naman siya amo o kamag-anak man lang ng mga Montreal ngunit kung pagsilbihan siya nito akala mo ay kabilang siya sa pamilya. Kung tutuusi
Sabay na napalingon ang dalawa, may narinig silang mga nag-uusap, papalapit nang papalapit ang boses ng mga ito, tila ba papasok nang villa. Naalarma si Blaine, sa isip niya ay hindi maaaring may makakita sa kanila. "Fiero, pumasok ka muna sa kuwarto mo, huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinsabi, mamaya na natin pag-usapan ang bagay na ito. Hindi ka pwedeng makita ng mga tao rito dahil siguradong magtatanong sila."Tumango naman si Fiero, sumang-ayon siya sa sinabing iyon ni Blaine."Si-sige po, Sir," tugon niya, mabibilis ang mga hakbang na lumakad para tunguhin ang kaniyang silid. Ang mga paparating ay siguradong sa kusina ang tungo kaya bago pa man makapasok ang mga ito ay nakapagtago na siya sa kaniyang silid.Nakahinga naman ng maluwag si Blaine, ilang saglit lang ay dumating na ang grupo ni Aling Daling, kasama nito ang apong si Tonyo na may bitbit na planggana na may lamang mga tilapya at ang anak naman nitong si Jasmin na may dalang basket ng sari-saring mga gulay na pinit