Changing For You

Changing For You

last updateHuling Na-update : 2023-11-04
By:   Miss_Myth  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
18Mga Kabanata
867views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Si Elina ay ang anak ni Demeter at mag-isang naninirahan sa gubat ng Elusian. Sa loob ng mga taon ay hindi bumalik ang kaniyang ina sa hindi matukoy na kadahilanan. Sa kaniyang pag-iisa sa buhay ay lungkot ang naipon sa kaniyang buhay. Hanggang sa mayroon siyang nakilalang misteryosong binata. Isang binatang malamig ang puso. Hindi niya tinulungan ang dalaga na maka-alis sa malawak na gubat. Pagkatapos ng araw na iyon ay tumindi ang lungkot ng dalaga sa kaniyang buhay at siya'y nawawalan na ng pag-asang may makatagpo muli. Sa hindi inaasahan ay biglang may pangyayari na hindi maipaliwanag. Ang mga nagliliwanag na paru-paro ang nagtipon-tipon sa kalangitan at patungo sila sa hilagang parte ng gubat. Iyon ang gubat ng Nysa. Ang mapanganib na parte ng Elusian. Hindi nagdalawang isip si Elina sa sundan ang mga ito, hanggang sa nakita niya ang bukid ng mga iba't-ibang uri ng bulaklak. Gayundin ang nagliliwanag na pulang bulaklak. Ito'y mahiwaga. Nang bunutin ito ni Elina, ang kaniyang buhay ay biglang nagbago. Nakarating siya sa puder ng Mundong Ilalim, at nakilala ang diyos na namumuno dito, si Hades. Laking gulat ni Elina na ang diyos na nasa kaniyang harapan ay nakilala na niya noon. Nag-alok si Hades ng kundisyon sa kaniya, kapalit ng inutang na buhay. Ang maglingkod siya habang-buhay. Lumipas ang mga araw ay nakilala ni Elina ang totoong si Hades, at ang hindi inaasahan ay ang mahuhulog ang kaniyang loob sa kilalang malupit na diyos. Nagdaan pa ang mga araw na magkasama sila at ang mga pagbabago'y namumulaklak na tila mga rosas sa dilim. Ngunit, titibay ba ang kanilang pag-iibigan sa mga dadaang pagsubok sa kanila? Credits: Pinterest [ Book's Cover ]

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Chapter 1

[ Elina ]- Maganda ang panahon sa kalangitan..Mga ulap ay puti na tila mga buong bulak..Ang hangin ay may lamig dahil sa kapaligiran..Ang aking ngalan ay Elina.Anak ni Demeter, ang diyosa ng agrikultura at mga pananim. Anak sa isang mortal.Kapag nasambit ang isang mortal ay ibig sabihin ay isang ordinaryong tao. May limitasyon at kamatayan.Namatay na ang aking ama na si Hiergos.Gayundin ang aking kapatid.Si Arion, ang panganay na anak.Mabait si kuya..Magalang at maginoo.Ngunit namatay siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sinambit lamang sa akin ni mama noon na mayroon pumatay sa kaniya. Hindi niya binanggit kung sino.Napakabuting tao ni kuya.Anong dahilan para paslangin siya nang ganun lamang? °~°~°Nakarating na ako sa isang malawak na bukirin na tanging nariyan lamang ay mga mayamang damo.Dito nakahimlay sa kapayapaan ang aking ama't kuya.Kanilang puntod.Pinagdalhan ko sila ng mga bulaklak. Ito na ang pinaka-huling bulaklak na nakita ko rito." Papa, kuya.. p...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
18 Kabanata
Chapter 1
[ Elina ]- Maganda ang panahon sa kalangitan..Mga ulap ay puti na tila mga buong bulak..Ang hangin ay may lamig dahil sa kapaligiran..Ang aking ngalan ay Elina.Anak ni Demeter, ang diyosa ng agrikultura at mga pananim. Anak sa isang mortal.Kapag nasambit ang isang mortal ay ibig sabihin ay isang ordinaryong tao. May limitasyon at kamatayan.Namatay na ang aking ama na si Hiergos.Gayundin ang aking kapatid.Si Arion, ang panganay na anak.Mabait si kuya..Magalang at maginoo.Ngunit namatay siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sinambit lamang sa akin ni mama noon na mayroon pumatay sa kaniya. Hindi niya binanggit kung sino.Napakabuting tao ni kuya.Anong dahilan para paslangin siya nang ganun lamang? °~°~°Nakarating na ako sa isang malawak na bukirin na tanging nariyan lamang ay mga mayamang damo.Dito nakahimlay sa kapayapaan ang aking ama't kuya.Kanilang puntod.Pinagdalhan ko sila ng mga bulaklak. Ito na ang pinaka-huling bulaklak na nakita ko rito." Papa, kuya.. p
last updateHuling Na-update : 2023-09-07
Magbasa pa
Chapter 2
[ Elina ]- Sinusuklay ko ang aking buhok habang ako'y nakatingin sa salamin.Gamit ko ang pilak na suklay.Bigay ito sa akin ni mama.Kamusta na kaya siya?* Twit, twit, twit, twit!! *Sa palagay ko'y may bisita ako.Nakangiti akong nagtungo sa bintana.Nariyang ang maliit na ibon.Puti ang kaniyang kulay at ang tuka'y dilaw.Madalas ang pagbalik-balik niya dito.Bakit kaya?Masaya naman ako kahit papaano dahil may nakaka-alala sa akin." Kamusta na, munting ibon?! " masayang wika ko pagkatapos kong binuksan ang bintana*Twit-twit-twit-twit!! *Sa palagay ko'y masaya ang maliit na ibon na ito, marahil may nanyaring maganda sa kaniya.Umiikot-ikot ito na tila nagpapaliwanag sa akin." Mukhang maganda ang iyong araw ah!! Hahaha " masayang wika koOo nga pala.May bigla akong naalala.Ung ginoo kahapon.Babalik kaya siya ngayon?Makikita ko kaya siya ngayon?" Munting ibon, alam mo ba'y may nakilala ako kahapon. Isang lalaki na mandirigma! Kaso nga lang ay mailap siyang makipag-usap. San
last updateHuling Na-update : 2023-09-07
Magbasa pa
Chapter 3
[ Elina ]Bumalik ako sa pagdungaw sa bintana at naghihintay sa kung sino na lamang ang darating para sa akin..Umaasa sa wala..Kahit ito nalang ang aking nagagawa upang gumaan ang aking loob..Kung minsa'y naiisip ko..Kung kitilin ko na ang aking buhay?Gusto ko nang sumama sa aking ama't kapatid.. ~~~~Hindi ko na alam ang aking ginagawa..Basta na lamang akong dumampot ng matalim na bagay..Ang aking isipan ay lumubog sa kawalan..Marahil ito na ang solusyon..Wala na din namang hahanap pa sa akin.." Basta gawin mo na! "Dahan-dahan kong inilalagay ang patalim sa aking pulso upang putulin na ang mga ugat na bumubuhay sa akin..Kaya ko ito.. NgunitHindi ko magawa..Wala akong lakas ng loob upang gawin ito sa akin..Binitawan ko ang patalim at lumuha muli ang aking mga mata..Masyado na akong nalulungkot..Hindi ko man lang naisip ang mga nagmamahal sa akin..Hindi rin nais ng aking ama't kapatid na gawin ko ito..Patawad..
last updateHuling Na-update : 2023-09-07
Magbasa pa
Chapter 4
[ Elina ]" Elina! Elina! "May tumatawag sa akin..Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nasupresa sa nakita.Si mama!Agad ko siyang niyakap ng mahigpit..Agad ding lumabas ang mga luha ko dahil sa ligaya..Totoo ba ito?" Mama! Ang tagal kitang hinintay!! Pakiusap, huwag niyo na akong iwan! " pakikiusap koBumitaw ako sa aming yakapan at tinignan ang kaniyang mga berdeng mata.Ngumiti lamang siya sa akin..Anong ibig sabihin nito? [ END OF DREAM ] °~°~°Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata at ibinangon ang aking katawan." Napaginipan ko si mama.. " wika ko habang kinukusot ang aking mga mata.Napansin ko ang aking kapaligiran na tila kakaiba't madilim..ANO ITO??!!!Laking gulat ko'y nakasakay na ako sa isang may gintuang bangka..Nasa isang ilog ang bangkang ito at hindi ko alam saang direksyon ito tutungo.PAANO?! SINONG NAGDALA SA AKIN DITO?!!Nariyan ang nagsasagwan sa dulo ng bangka.. siguro'y alam niya kung sino at ano ang lugar na ito.Nilalapitan ko ang
last updateHuling Na-update : 2023-09-07
Magbasa pa
Chapter 5
[ Elina ]Pumayag na ako sa gusto ni Hades.. Ang maging alipin niya sa kaniyang kaharian..Ngayon, narito ako sa kaniyang bulwagan, sa harapan ng trono.Siya'y nakaupo habang ang mga mata'y nakatingin sa akin." Sumunod ka sa akin at ipapakita ko ang mga parte ng kaharian. " wika ni Hades at tumayo sa kaniyang tronoSinusundan ko siya..Napatingin ako sa aking kapaligiran at tila nilamon na ng dilim at takot ang kahariang ito.Sa mga naglalakihang rebulto ng mga mababangis na nilalang..Sa mga disenyo ng bawat sulok ay hindi mona nais na manatili pa rito..May mga kaluluwa din bang gumagala rito? °~°~°Tumigil kami sa silid hapagkainan at dito ko nakita ang lungkot nito..Malawak ang espasyo..Mahaba ang mesa at mayroon itong walong upuan sa bawat gilid, tila maaaring makaupo ang labing-anim na panauhin.Ngunit naiisip ko pa lamang..Siya lamang ba ang kumakain sa mahabang mesang ito? O kasama niya si Aeacus? O mga kaluluwa ba ang nakakasama niya? °~°~°Nakarating naman namin ang si
last updateHuling Na-update : 2023-09-15
Magbasa pa
Chapter 6
[ Elina ]-Nailinis ko na ang silid ng pagluluto, gamit ang isang pirasong basahan.Maayos na ito ngunit ang mga kubyertos at mga pinggan na basag ay inilagay ko sa isang paso.Ang problema nga lamang ay wala na itong masyadong kagamitan tulad ng mga kagamitang pangluto at mga karagdagang mga kandelaria.Hindi sapat ang limang kandila sa malawak na silid na ito..Buti na lamang ay nailinis ko ito kahit papaano.. °~°~°Nagtungo ako sa pangunahing bulwagan upang kausapin si Hades..Nais kong sabihin sa kaniya ang mga kakulangan sa silid ng pagluluto.Hindi ako makakapaghanda ng matinong pagkain kung wala ang mga kailangan.“ Siguradong naroon si Hades sa bulwagan. “Ngunit..Sa pagkakataong ito ay mayroon siyang kasama.Hindi si Aeacus, kundi isang lalake na tila galing sa kaharian ng Olympus.Isang lalaki na tila nasa edad ko..Puti ang kaniyang suot at may gintong baluti..Kayumanggi ang kaniyang buhok..Ang kaniyang tangkad ay nasa tama lamang
last updateHuling Na-update : 2023-09-20
Magbasa pa
Chapter 7
[ Elina ] - May pinag-uutos si Hades.. Ang pakainin ang kaniyang alagang Cerberus.. Ang tagapagbantay ng mga tarangkahan ng Mundong Ilalim. Ibinigay niya ang susi sa kulungan nito.. Ang kulungan ay nasa ilalim ng kaharian, at mayroong lagusan dito. Sa kanlurang bahagi ay naroon ang mga hagdan pababa. Dala ko ang mga karneng kakainin nila.. Tatlong buong manok at mga karne ng baka.. Sasapat kaya ang mga ito? Hindi ba’t malaking nilalang ang Cerberus? °~°~° Ang aking mga hakbang ay dahan-dahan pababa patungo sa lungga ng nilalang. Kahit pa’y hawak ko ang isang sulo ay hindi sumasapat ang liwanag nito. Dagdag pa ang lamig ng hangin rito ay nagbibigay sa akin ng kaba at takot. Paano kung hindi sumapat ang mga karneng ito at ako ang kanilang ginawang hapunan? “ Panginoong Zeus.. tulungan niyo po ako. “ panalangin ko Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa kulungan.. Laking gulat ng aking mga mata sa laki at lawak nito. Mistulang hindi ito kulungan. Kundi isang koluseyo..
last updateHuling Na-update : 2023-09-22
Magbasa pa
Authors Note
Hello po sa lahat ng readers!! ❤️Salamat po sa mga nagbasa ng aking story! dahil po sa inyo ay sumisipag pa po akong magsulat at ipagpatuloy ang istoryang ito. Sana po abangan po natin ang mabubuong pag-iibigan nila Hades at Elina! ❤️🥲Inspired po ito sa BEAUTY AND THE BEAST with greek twist.Inspired din po ito kay Wang so at Hae soo from Scarlet Heart: Ryeo. Isinusulat ko na po ito since high school hanggang ngayon. tinry po pa po itong gawing Graphic novel. ( still in progress. ) 🙂🌼Pero sa ngayon ay dito na muna sa Good Novel ❤️ Alam kong may mababasa kayong mga wrong grammar dito at mispelled. Please bear with me.. but i will edit soon. 🥲🙏 Hindi pa po ako ganun kabihasa sa pagsusulat, hooby ko lng po ito. Pede niyo po ako imessage at sabihin sa akin. 🙂Huwag po kayong mahiya. 🥲🙏Salamat po muli, mga readers!! 🙂❤️Truly yours,Miss_Myth ❤️
last updateHuling Na-update : 2023-09-23
Magbasa pa
Chapter 8
[ ELINA ]-Tapos na ang aking paglilinis sa dalawang kwarto sa ika-unang palapag. Ngayon naman ay tutungo ako sa silangang parte ng kaharian, kung saan naroon ang silid-aklatan at silid ng mga armas at sandata. Ipinapa-utos ito ni Hades sa akin.Umalis siya kanina.Hindi ko alam nasaan siya ngayon. °~°~° Dumaan ako ng pangunahing bulwagan, patungo sa silangang parte. Sa bulwagan ay nakita ko roon si Aeacus.Marahil hinahanap niya si Hades.“ Panginoong Aeacus! “ masayang pagbati ko“ Ah, binibini! Nariyan ba si Panginoong Hades? “ tanong ni Aeacus “ Hindi ko po alam nasaan siya sa kahariang ito. Baka nariyan lamang siya sa kung saan po. “ tugon ko“ Hmm, teka. Naalala ko na! Nagtungo siya sa kaharian ng Olympus ngayon. Mayroong pagtitipon ang lahat ng mga diyos. Hay, bakit nakalimutan ko. “ tugon ni Aeacus “ Kung gayon, kailan naman po siya babalik? “ tanong ko“ Hindi ko rin alam, wala siyang sinasabi parati. Kung minsa’y babalik
last updateHuling Na-update : 2023-09-30
Magbasa pa
Chapter 9
[ ELINA ] - Nasa silid-aklatan ako ngayon at abalang kinukuskos ang mga libro.Nalinis ko na din ang mga matatangkad na istante't mga mesa." Hay, kakapagod naman. Tatapusin ko na lamang ito at saka magpapahinga pagkatapos. "Sa gitna ng aking pagkuskos sa mga libro ay mayroon akong nakita sa isa sa mga ito.Isang tuyong rosas na naka-ipit sa mga libro. Paano nagkaroon ng rosas dito?Mayroon bang hardin ang kahariang ito?Marahil dinadala lamang ni Hermes ang mga bulaklak rito.Ngunit ang isang ito ay kakaiba.Kahit tuyo na ang mga talulot nito ay mayroon parin amoy.Napakabango.Kanino kaya galing ito? °~°~° Babalik na ako sa aking silid upang magpahinga.Pagkatapos ang lahat ng mga pagkuskos sa isang bundok ng mga libro ay isang parusa.Maliligo din sana ako.Madaming dumi ang aking damit.Ihahanda ko ang aking panligo nito at matutulog pagkatapos.Maghahanda din ako ng aking hapunan.Hindi ko na kailangan pang ipaghanda si Hades.Hindi niya tipo ang mga totoong pagkain." Ano ka
last updateHuling Na-update : 2023-10-06
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status