Share

Chapter 4

[ Elina ]

" Elina! Elina! "

May tumatawag sa akin..

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nasupresa sa nakita.

Si mama!

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit..

Agad ding lumabas ang mga luha ko dahil sa ligaya..

Totoo ba ito?

" Mama! Ang tagal kitang hinintay!! Pakiusap, huwag niyo na akong iwan! " pakikiusap ko

Bumitaw ako sa aming yakapan at tinignan ang kaniyang mga berdeng mata.

Ngumiti lamang siya sa akin..

Anong ibig sabihin nito?

[ END OF DREAM ]

°~°~°

Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata at ibinangon ang aking katawan.

" Napaginipan ko si mama.. " wika ko habang kinukusot ang aking mga mata.

Napansin ko ang aking kapaligiran na tila kakaiba't madilim..

ANO ITO??!!!

Laking gulat ko'y nakasakay na ako sa isang may gintuang bangka..

Nasa isang ilog ang bangkang ito at hindi ko alam saang direksyon ito tutungo.

PAANO?! SINONG NAGDALA SA AKIN DITO?!!

Nariyan ang nagsasagwan sa dulo ng bangka.. siguro'y alam niya kung sino at ano ang lugar na ito.

Nilalapitan ko ang nagsasagwan sa bangka..

Pero bigla akong napatigil..

Nakaramdam ako ng lamig sa katawan nang ako'y nasa likuran na niya upang kausapin..

May kakaiba sa kaniya..

May kakaiba sa lugar na ito..

" Ginoo, anong lugar ito at saan ito tutung-- "

Lumingon siya sa akin..

Sa kaniyang itsura ay kinilabutan ako sa takot..

Sa likod ng kaniyang talukbong ay isang kalansay na buhay ang humahawak sa sagwan.

Dali akong umatras at napahawak sa gilid ng bangka.

" Ahhhh!!!! " aking sigaw sa takot

" Ako ang tagapaghatid ng mga kaluluwa sa kanilang hantungan, ang ngalan ko ay Charon. "

Charon?!!

Ang tagapaghatid ng mga kaluluwa..

Ibig sabihin ay ito na ang Mundong Ilalim?!!

PATAY NA BA AKO?!!

" Hindi pwede.. patay naba ako?! "

" Hindi kapa patay.. ngunit si Panginoong Hades ang magdedesisyon sa iyong buhay. " tugon ni Charon

Hades..

Sa tuwing babanggitin ang ngalang iyon ay nagbibigay ito ng kilabot sa mga mortal.

Kilala siyang malupit na diyos..

Sa kaniyang pagpaparusa at pagbibigay ng sumpa ay siguradong ang kung sino ay magdudusa.

Haharapin ko siya...

Kinakabahan ako...

Nasa puder niya ako..

Siguradong hindi niya ako palalagpasin..

°~°~°

Tumigil ang bangka sa isang dalampasigan..

Sa pagtigil nito ay napatingala ako sa itaas..

Mga hagdan patungo sa kadiliman..

Iyon ba ang daan patungo kay Hades? Nasa itaas ba siya?

Naghihintay sa akin?

" Bumaba kana sa bangka at umakyat sa mga hagdan na ito. " wika ni Charon

" Hindi ba't sinabi mo na hindi pa ako patay? Bakit narito ako? " tugon ko

" Iyan ang hindi ko masasagot, si Panginoong Hades ang makakasagot sa iyong katanungan. "

" Ano naman kaya ang gagawin niya? " tugon ko

" Bumaba kana diyan at umakyat sa mga hagdan na ito upang makita ang iyong tadhana. " naiinis na tugon ni Charon

Bumaba ako sa bangka habang nanginginig ang mga binti.

Natatakot ako..

Paano kung parusahan ako?

Wala naman akong ginawang kasalanan, hindi ba?

°~°~°

Sa aking pag-akyat sa mga hagdang walang hangganan ay palamig ng palamig ang hangin patungo sa tuktok nito.

Naroon kaya ang trono ni Hades?

Napatingin ako sa baba ng aking kaitaasan..

Mistulang nasa isang tore ako at nakikita ang lahat ng mga kadilimang istruktura, gayundin ang buong lawak ng ilog.

Ito siguro ang ilog ng Styx..

" Panginoong Zeus.. iligtas ninyo ako. Natatakot ako.. "

Pinagpatuloy ko ang aking pag-akyat sa mga hagdan hanggang sa mayroon akong natatanaw.

Hindi trono..

Hindi nagtagal ay nasa tuktok na ako at nakita ang isang pinaka-malaking salamin na nakatayo sa gitna ng malawak na lapag.

" Isang salamin? "

Bakit salamin? Anong mayroon dito?

Nilapitan ko ito ng malapitan at nakita ko lamang ang aking sarili.

Walang kakaiba dito..

" Anong gagawin ko? "

Aksidente ko itong nahawakan at laking gulat na ito'y parang tubig..

Tubig sa hangin..

Siguro'y sa likod nito ay isang lagusan..

Papasukin ko ba ito o dito na lamang mananatili?

Ayaw kong mamatay sa ikalawang pagkakataon..

Siguradong sa mga kamay ni Hades ay iyon ang mangyayari..

Hindi rin pwedeng manatili ako rito sapagkat isa iyong pagtanggap sa mundong kawalan..

" Kung maaari lamang pakiusapan ang Panginoong narito.. "

Ang tanging magagawa ko na lamang ay lakasan ang loob sa kung ano ang magiging desisyon ng tadhana sa akin.

Lumusong ako sa mahiwagang salamin at sa likuran nito ay nakakamanghang may halong takot..

Isang mahaba at malawak na tulay sa gitna ng madilim na bangin, at sa katapusan ng tulay ay isang malaking kastilyo.

Ang kaharian ni Hades..

°~°~°

Sa paglalakad ko patungo sa kaharian ay iba-iba ang aking mga naririnig.

Mga hiyaw o kaya'y mga boses ng pagpapahirap sa gitna ng dilm ng bangin.

Mga halimaw..

Dali kong binilisan ang mga hakbang dahil sa takot na baka kung ano ang aking madatnan o makasalubong sa tulay na ito.

Sa aking pagtakbo ay may mga nagsiliparan sa himpapawid upang umatake sa akin..

Mga ibong kalahati'y mga tao..

May mga pakpak at paa ng ibon ngunit ang katawa'y tao..

Dinagdagan kopa ang aking bilis sa pagtakbo dahil sa labis na takot.

Ang aking buhay ay nasa bingit ng kamatayang walang kapahingaan sa pagdurusa.

Ganito pala ang nilalaman ng Mundong Ilalim..

°~°~°

Minadali kong buksan ang mga tarangkahan ng kaharian at pumasok sa loob.

Sa palagay ko'y ligtas na akong maging hapunan ng mga nilalang na iyon.

Sa aking pagod ay napasandal ako sa mga pangunahing pintuan ng kaharian.

Ang aking isipan ay gayunding nablangko dahil sa aking nakikita ngayon..

Sa loob ng kaharian ni Hades ay dama ko ang kilabot dahil sa mga disenyo at arkitektura..

Sa bawat sulok ay mga istruktura ng mga nilalang at ang dilim ay nariyan..

Sa gitna ng malawak na espasyo ay mayroong mga malalawak na hagdan patungong ikalawang palapag, at sa gitna nito ay pigura ng isang dragon.

Malawak at matahimik, umaalingawngaw ang aking mga yapak sa makinang na lapag ng kaharian.

" Saan ako tutungo nito? "

Daling lumipat ang aking tingin ng makarinig ng pagbukas ng mga pintuan.

Pintuang nasa itaas ng mga malalaking hagdan..

Bumababa ang isang matanda na tila isang salamangkero dahil sa haba ng balbas nito.

Mayroon siyang hawak na iskrolyo at ang mayroong suot na krona sa noo..

Marahil ito na si Hades..

" Sumama ka sa akin.. " wika niya

" Saan mo ako dadalhin?! Hindi pa ako patay!! Hindi dapat ako narito!! Panginoong Hades! Pakiusap po! " takot na tugon ko

" Ako si Aeacus, isa sa mga hukom ni Panginoong Hades. Hindi kita pwedeng hatulan dahil ikaw ay buhay pa. Dadalhin kita sa kaniya upang siya ang magdedesisyon sa sitwasyong ito. " tugon ni Aeacus

Hindi siya si Hades..

Ano kaya ang itsura niya?

May mga sungay ba siya?

May mga pangil ba siya?

Siguradong nakakatakot ang itsura niya..

Kinatatakutan siya..

" Ano kaya ang gagawin niya? Ayaw ko pang mamatay.. pagkakamali lamang na narito ako. " wika ko

" Hindi mo malalaman kung nariyan ka lamang. Sumama ka sa akin. " tugon ni Aeacus

" Sige. "

Kinakabahan ako..

Sinundan ko ang matandang ito..

Umakyat kami sa mga hagdan patungong ikalawang palapag at binuksan niya ang mga mabibigat na pintuan.

Isang malawak na bulwagan ang nasa likod ng mga pintuang ito..

Papalapit kami patungo sa isang trono, at sa tronong iyon ay mayroong nakaupo.

Hindi nagtagal ay nasa harapan kami ng trono, at sa pagkakataong ito ay laking gulat ng aking mga mata sa diyos na nakaupo rito.

Ang diyos na nakaupo rito ay ang lalaking nakita ko noon..

Ang lalaking natutulog noon sa ilalim ng puno..

" Teka!! Kilala kita!! Ikaw yung nakausap ko noon!! " wikang pagkagulat ko

" Nagkita na kayo ni Panginoong Hades? " tanong ni Aeacus

" Oo, nakausap ko siya noon! " wika ko

" Hindi kita kilala.. " tugon ni Hades

" Pero--! "

" Ibibigay ko ngayon sa iyo ang nararapat sa iyo.. kamatayan. " tugon ni Hades

" Huwag! Maawa ka sa akin! Mali itong ginagawa mo!! " takot na wika ko

" Ikaw ay nasa aking puder, ang mundo ng mga patay. Tama lamang kunin ko sa iyo ang kaluluwa mo. Patay kana dapat. " tugon ni Hades

" Hindi pwede.. hindi pwede! " pagpipigil ko

" Aeacus, ibigay mo sa akin ang espada. " wika ni Hades

" Panginoong Hades, pag-isipan ninyo itong mabuti. Huwag kang padalos-dalo-- " tugon ni Aeacus

" Huwag kang makialam, Aeacus. Ako ang diyos dito kaya magagawa ko ang gusto ko. " wika ni Hades

" Sandali! Sandali! Baka naman pwede nating pag-usapan ito! " tugon ko

" Tama siya, Panginoon! Tama siya! " tarantang wika ni Aeacus

" Manahimik ka jan.. " tugon ni Hades

" Sandali lang!! Baka-- " wikang pagpipigil ko

Hindi ako makapag-isip sa aking pagkabalisa at kung saan saan naghahanap ang aking mga mata para makapag-isip ng paraan.

Hanggang sa nakita ko ang mga kandelaria at mga palamuti, gayundin ang kaniyang trono.

Ang buong kaharian..

Kinakailangan itong linisin..

" Kaya--kaya kong maging tagapaglinis! Tagapangalaga ng kaharian!! Iyon!! Pakiusap, basta huwag ninyo akong paslangin!! " alok ko

" Hindi ko kailangan ng sinuman dito.. "

" Panginoong Hades, sa palagay ko'y tama siya. Hindi ba't kailangan mo ng mangangalaga? Baka siya na ang hahalili sa mga diwatang umali--- " wika ni Aeacus

" Manahimik ka, Aeacus. "

" Panginoon.. " pag-aalalang wika ni Aeacus

Tumingin sa akin si Hades at tila nag-iisip siya ng malalim. Sa kaniyang mga mata'y nakikita ang inis at kaniyang paghinga'y malakas.

" Panginoong Hades, sana'y pumayag kayo.. " wika ko

" Panginoon, huwag ninyo itong gawin.. " wika ni Aeacus

Lumapit siya sa akin at tumindig sa aking harapan, nakatingin ang mga mata pa-ibaba.

" Sige, bibigyan kita ng pagkakataon.. bigyan mo naman din ako ng dahilan para pagbigyan ka. " tugon ni Hades

Pinagmasdan ko ang kaniyang paglisan, dala parin ang kaba dahil sa pagtangka niya sa aking buhay..

Lumakad siya papalayo at pumasok sa isa sa mga pintuan ng bulwagan..

Kaming dalawa na lamang ng nagngangalang Aeacus ang narito sa harapan ng kaniyang trono..

" Muntikan na ako roon.. "

" Pagbutihin mo, binibini sa iyong binitawang salita sa kaniya. " wika ni Aeacus

" Opo, maraming salamat po sa inyo. "

" Huwag ka munang magpasalamat, Binibini. Baka hindi mo makukuhang umalis dito ng buhay. Marami nang namatay sa kaniyang mga kamay, lalo na ang mga diwata. " tugon ni Aeacus

" Ano pong nangyari? " tanong ko

" Mga diwatang tumanggi dahil sa matinding takot. " tugon muli ni Aeacus

Mga diwata?! Hindi kaya sila Cassiopeia't Delilia?

Hindi siguro..

Alam kong nasa maayos na silang kalagayan..

Sana..

Biglaan akong nag-alala sa kanila ng marinig ko ito..

°~°~°

Ibinigay ni Aeacus ang isang pirasong tela at isang mangkok ng tubig.

Hindi nagtagal ay nagsimula na akong maglinis sa mga kandelariang luma't madumi.

Gayundin kong nilinis ang trono..

Mukhang gawa ito sa marmol at ginto..

Hindi basta tubig lamang ang makakapaglinis dito..

" Hay.. anong dapat kong gawin para kumintab ito? "

Tumingin-tingin ang aking mga mata sa paligid kung anong paraan ang aking makikita.

Hanggang sa nakita ko ang mga bulaklak na natuyo, nasa isang maliit na paso ito. Nakalagay sa isang mesa katabi pa ang iba pang mga palamuti.

Dali akong lumakad upang tignan kung anong klaseng bulaklak ito. Maaari ko itong gawing panglinis.

Turo sa akin iyon ni mama..

Nang matignan ko ang mga ito, hibiscus ang mga bulaklak.

Maaari din itong gawing panglinis.. hindi pa ito masyadong tuyo lalo na ang pinakagitna ng tangkay nito.

Hindi nagtagal ay ginawa ko ang pangakong binitawan ko..

°~°~°

Natapos ko na ito at ito na'y makinang tulad ng bituin sa langit.

" Salamat, natapos din ako.. "

Sa aking paglingon ay laking gulat ko nang nariyan na si Hades.

" Pa--panginoon!! " gulat na wika ko

Hindi siya tumugon, nakatingin lamang siya ng masama sa akin.

Gusto na talaga niyang kitilin ang aking buhay..

Anong dapat kong sabihin?

" Uh! Panginoon! Heto na po ang aking trabaho! Hindi ba't napakintab ko ang iyong trono?! Kaya kong magtrabaho ng ganito! " masayang wika ko ngunit may takot

Hindi siya nagsasalita..

ANONG DAPAT KONG GAWIN?!!!

Kailangan ko bang lumuhod sa kaniya?!!

Kung gayon ay gagawin ko!

Natataranta akong bumababa sa mga palapag ng trono..

Sa ikalawang hakbang ay naaksidenteng natapilok ang aking kanang paa.

" AHHH!! "

Ipinikit ko ang aking mga mata para sa aking pagkakadapa..

Ngunit...

Hindi bumagsak ang aking katawan sa matigas na lapag..

Binuksan ko ang aking mga mata..

Napansing nasapo ako ni Panginoong Hades sa kaniyang mga braso.

Hindi ko alam ang aking gagawin..

Nahawakan ko ang kaniyang matipunong katawan..

Tumingala ako sa kaniya..

Nakatingin din siya sa akin..

Parang tumigil ang bawat minuto..

Nakahawak siya sa aking mga braso..

Sinalo ba niya ako?

Napansin kong may kagwapuhan ang kaniyang mukha..

Mistulang isa siyang prinsipe sa isang kaharian..

Hindi ko maintindihan..

Kinatatakutan ko siya ngunit tila napalitan ng pagkahanga sa kaniya..

Hindi ko maintindihan ang tibok ng aking puso..

Matapang ang kaniyang itsura..

Maputla ang kaniyang balat, ang mga labi'y nasa tamang lipis, mga kila'y may kapal, at mga mata'y nasa tamang korte.

Napansin kong iba ang mga kulay ng kaniyang mga mata..

Noong una ko siyang nakita, ang kulay ng kaniyang mga mata'y itim.

Ngayon ay mga ginto at tila mga mata ng leon..

" Tapos kana bang hawakan ako? " naiinis na wika ni Hades

Bigla akong nagising sa realidad at agad lumayo sa mga bisig niya..

Sa aking mga paghawak sa kaniya ay bigla akong na-ilang.

Mga pisngi ko'y nag-iinit..

" Tapos na po ako sa aking gawain, Panginoon! " wika ko

Umakyat si Hades sa apat na palapag papunta sa kaniyang trono at siniyasat ang aking trabaho.

Pinunasan niya sa kaniyang hintuturo ang kinang ng kaniyang trono at nakitang wala itong anumang dumi.

" Kung gayon, sasang-ayon na ako sa iyong paunlak. Kapalit ng iyong buhay ay maglilingkod ka sa akin. Habang-buhay. " wika ni Hades

Lumingon siya sa akin at tumingin sa aking mga mata..

Habang-buhay...

Nang marinig ko ito ay napahawak ang aking mga kamay sa dibdib..

Hindi ako makakauwi sa aking tahanan ngayon..

Ano kaya ang mangyayari sa akin dito?

Nakahanda ako sa mga pag-aalipusta at kaparusahan..

Iyon ang aasahan dito..

Muli ay iikot ang aking mundo dito madilim na kaharian..

Kasama ang diyos ng dilim na si Hades..

****

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status