Share

Chapter 6

[ Elina ]

- Nailinis ko na ang silid ng pagluluto, gamit ang isang pirasong basahan.

Maayos na ito ngunit ang mga kubyertos at mga pinggan na basag ay inilagay ko sa isang paso.

Ang problema nga lamang ay wala na itong masyadong kagamitan tulad ng mga kagamitang pangluto at mga karagdagang mga kandelaria.

Hindi sapat ang limang kandila sa malawak na silid na ito..

Buti na lamang ay nailinis ko ito kahit papaano..

°~°~°

Nagtungo ako sa pangunahing bulwagan upang kausapin si Hades..

Nais kong sabihin sa kaniya ang mga kakulangan sa silid ng pagluluto.

Hindi ako makakapaghanda ng matinong pagkain kung wala ang mga kailangan.

“ Siguradong naroon si Hades sa bulwagan. “

Ngunit..

Sa pagkakataong ito ay mayroon siyang kasama.

Hindi si Aeacus, kundi isang lalake na tila galing sa kaharian ng Olympus.

Isang lalaki na tila nasa edad ko..

Puti ang kaniyang suot at may gintong baluti..

Kayumanggi ang kaniyang buhok..

Ang kaniyang tangkad ay nasa tama lamang..

Ang kaniyang itsura ay marikit at gwapo..

At ang pinaka-nakakapansin sa kaniya ay ang mga gintong pakpak sa likod ng tainga.

Ang kaniyang mga bota ay mayroon ding ganun klaseng pakpak.

Mayroon din siyang mga dalang iskrolyo sa kaniyang likuran.

“ Panginoon. “

Sabay silang lumingon sa akin..

Ang panauhing lalaki’y napangiti sa aking presensya..

“ Bakit hindi mo sinasabi sa akin na mayroon kang magandang bisita ngayon? “ masayang wika ng lalaki.

“ Hmmp.. “ reaksyon ni Hades

Mabilis na tumakbo ang lalaki patungo sa aking harapan.

Ang kaniyang bilis ay hindi magagawa ng kung sinumang tao o hayop.

Sabay niyang hinawakan ang aking kamay at hinalikan ito.

“ Anong ngalan mo? Binibini. “

“ Elina. “ naiilang tugon ko

“ Kinagagala kitang makilala, Elina. Ako si Hermes! “

Hermes, ang mensahero ng Olympus!

Hay.. bakit kase apat na diyos lamang ang kilala ko sa Olympus.

Zeus, Poseidon, Hades, at Demeter: ang aking ina..

Sino paba ang mga diyos at diyosa?!

“ Hermes.. “ paulit ko

“ Oo, ang mensahero ng Olympus. Narito ako ngayon para sa pag-uutos ni Panginoong Hades! “ tugon ni Hermes

“ Ganoon pala. “

“ Nasa akin ang listahan ni Panginoon Hades. Hmm, mga kagamitan sa paglilinis, mga sariwang pagkain at!! Mga damit na para sa iyo! “ wika ni Hermes habang hawak ang isang iskrolyo

Mga damit na para sa akin..

Tama, ang suot ko ngayon ay ang pantulog ko..

Wala akong pang-palit dahil ang aking mga damit ay nasa bahay..

“ Teka, sino nga pala ang gagamit ng mga panglinis na hinihingi ni Panginoong Hades? “ nagtatakang tanong ni Hermes

Nanlaki ang mga berdeng mata ni Hermes sa akin at malamang ay ako ang naisip.

Tama siya..

“ Ikaw?! Bakit?! Napakaganda mo upang gawing alipin. Dapat sa iyo, minamahal! Hindi pinapahirapan! “

Anu ba naman itong si Hermes..

“ Uhm, hindi ko ala—“ wika ko at napayuko.

“ Maaari kanang umalis, Hermes.. “ sabat na wika ni Hades

“ Ah, si—sige! Aalis na ako Elina! Hanggang sa muli! “ natatakot na wika ni Hermes

Lumingon si Hermes kay Hades..

Natataranta itong kumaripas ng mga takbo, palabas sa mga bukas na pintuan ng bulwagan.

Mukhang alam niya ang tono ng pagkairita ni Hades..

Pati din siya ay natatakot, kahit isa siya sa mga taga-Olympus.

“ Anong kailangan mo? “ tanong sa akin ni Hades

“ Nais ko lamang pong magpasalamat, dahil pinabilinan niyo po ang aking mga kailangan. “

“ Hindi ako nakikiusap para sa iyo, ginawa ko ito upang tumagal ka at mapakinabangan ko. Isa kang alipin rito, wala nang iba. “

“ Opo, pero salamat parin po.. “ tugon ko

“ Makaka-alis kana. “ wika ni Hades

“ Opo, Panginoon. “ mahinahong tugon ko

Lumalakad ako palayo sa kaniyang harapan, ngunit hindi ko maiwasang lumingon sa kaniya.

Hindi ko siya nakikitang kumakain..

Hindi ba siya nanghihina?

Ganoon ba ang mga diyos?

Si mama nga’y kumakain ng tama, kahit siya pa’y isang diyosa.

Hindi ko maintindihan..

Sino kaya ang maaari kong tanungin?

Ah!

Si Aeacus!

°~°~°

Lumipas ang ilang mga oras..

Hindi dumalaw si Aeacus..

Siya ang tamang tao na maaaring pagtanungin..

“ Sayang.. “

Sa gitna ng aking pag-iisip ng anu-ano..

Hindi ko maipaliwanag ang dahilan ng aking pagkakilabot nang may kumalbit sa aking likuran.

Alam kong ako lamang ang nandito sa silid ng pagluluto..

Sino ang sana likod kong ito?!!

Sabay akong lumingon..

Laking gulat ko..

Si Hermes muli ito..

“ AHHH!!! Huwag ka ngang manggulat!! “

“ Patawad, binibini! Narito na kasi ang mga bilin ni Panginoong Hades. “

Nasupresa ako sa aking mga nakita..

Mga patung-patong na kahon ng mga sariwang pagkain, mga kagamitan sa paglilinis, at mga karagdagang kubyertos, pinggan, baso at tasa.

“ Ang bilis.. “ komento ko

“ Talagang mabilis. “ nakangiti at pagyayabang ni Hermes.

Iniaabot din ni Hermes ang mga damit sa akin.

“ Heto nga pala, pinagawa ko iyan sa mga diwata. “

“ Salamat. “ masayang wika ko

Ang gaganda ng mga tela nito..

Hindi na ako makapag-antay na masubok ang mga ito.

Ay!

Siya nga pala..

Si Hermes!

Kung siya ang tanungin ko tungkol kay Hades?

Mga simpleng tanong lamang tulad ng kaniya mga nais.

“ Ginoong Hermes, maaari ba kitang kausapin? “

“ Ano iyon? “

“ Alam mo ba ang mga nais ni Panginoong Hades? “ tanong ko

“ Hmm, ano ibig mong sabihin? “ nagtatakang tanong ni Hermes

“ Halimbawa: mga nais kainin o gawin o mga libangan. “

“ Hmm.. hindi naman siya maselan sa pagkain. Ang mga libangan niya ay magbasa. Ganoon lamang ang alam ko sa kaniya. Bakit mo natanong? “ tugon at tanong ni Hermes

“ Hindi ko siya nakikitang kumakain. Nakikita ko lamang sa kaniyang tabi ay bote ng Ambrosia. “ wika ko

“ Lagi siyang abala ganoon iyon, dagdag pa na hindi siya makatulog. “

Hmm, hindi halata sa kaniya ang pagod.

Nang marinig ko ang mga ito ay hindi ko maiwasang mag-alala para sa kaniya.

Sinambit niya na kami lamang ang dalawa dito..

Siyempre, kung aalagaan ko ang kahariang ito ay gayundin kong bigyang pag-aalala ang hari dito.

Hmm..

Ano kaya ang maaari kong gawin?

Siguradong tatanggihan niya ang aking tulong..

°~°~°

Nagtungo ako sa pangunahing bulwagan upang alukin ng makakain si Hades.

Alam kong tatanggihan niya ako..

Kahit tanggihan niya ako ay matatanggap ko..

Kahit siya ang pinaka-masama hindi ko matiis na ganun lamang..

Nag-aalala parin ako sa kaniya..

Hindi nagtagal ay binuksan ko ang pintuang papasok sa bulwagan at nilalapitan ang harapan ng trono.

“ Panginoon Hades, mayroon po ba kayo—“

Dito, ay nasupresa ako sa aking nakita..

Hindi siya tumugon..

Hindi siya gumalaw..

Ang kaniyang mga mata’y nakapikit habang ang ulo’t katawa’y nakasandal sa sandalan ng trono.

Nakatulog siya..

Napansin ko din ang mga iskrolyo na nasa tabi ng trono..

Madami ang mga ito..

Siguradong hindi niya natapos ang gawain dahil sa pagod.

Kahit sino ay kailangan ng pahinga..

Maging ang mga diyos ng Olympus..

“ Buti na lamang.. “ bulong na wika ko

Kailangan ko na siyang iwan..

Ngunit..

Sa hindi maipaliwanag na dahilan..

Hindi ko napigilang lumapit ng malapitan sa kaniya..

Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha..

Ganito ang kaniyang pagtulog noon nakita ko siya sa ilalim ng puno.

Siya talaga ang aking nakilala noon, kahit itanggi pa niya.

Hindi ko akalain na ganito kagwapo ang hari ng dilim..

“ Ang gwapo niya.. “

Ngunit ang pinagtataka ko..

Sa itsura ni Hades ay bakit wala siyang reyna dito sa kahariang ito..

Reyna o kaya’y kasintahan..

Hindi ba siya sumuyo ng babae?

Ang kaniyang ngalan ay kinatatakutan ng mga mortal..

Siya’y tanyag sa kaniyang kalupitan..

Ang tulad ba niya’y marunong magmahal?

“ Panginoong Hades.. “ bulong ko

Naku!

May tinta sa kaniyang mukha..

Teka, anong gagawin ko?

Hayaan na lamang ba ito?

Ngunit ang tinta’y hindi madaling matanggal sa balat. Hindi ba?!

Natatakot akong gawin ito..

Ayaw ko namang wala akong gawin..

“ Hay, ano ba ito..! “

Nilakasan ko ang aking loob..

Dahan-dahan kong pinunasan ang tinta sa kaniyang mukha, gamit ang aking hinlalaki.

Sa isang minsanang pagpunas ay naitagal ko ito sa kaniyang mukha..

“ Hay, buti na lang.. “

Sa isang iglap..

Ito’y aking ikinagulat..

Isa kamay na malaki ang humablot sa aking kanang pulso..

Dahan-dahang bumukas ang mga gintong mata ni Hades at tumingin sa akin.

“ Anong sa tingin mo ang ginagawa mo? “

“ Panginoong Hades! “

Tumayo siya sa kaniyang trono..

Sabay niyang hinila ang aking braso papalapit sa kaniyang harapan.

“ Tinanggal ko lamang po ang dumi sa inyong mukha! Iyon po ang totoo! “

Hindi siya tumugon..

Nakatingin lamang siya sa akin na tila binabasa niya ang aking isip.

Ang kaniyang mga kilay nakababa at ang tingin ay may inis.

Sa likod ng kaniyang mga labi’y nakikita ko ang pagngit-ngit ng mga ngipin.

Ang kaniyang gapos ay pumipisil ng mahigpit sa aking pulso.

Tila mga lubid sa pagbitay..

“ Nasasaktan ako! “ pagpupumiglas ko

Hindi ko napigilang umiyak sa kaniyang kalupitan.

Mistulang manika akong hawak niya na handa nang sirain anumang oras.

“ Panginoon, tama na po! “ pagmamaka-awa ko

Hindi nagtagal..

Sabay niyang binitawan ang aking braso..

“ Lumayo-layo ka sa akin, at kung hindi ay baka hindi ako makapagpigil na paslangin kita. “ wika ni Hades

Pinanood ko siyang lumisan ng bulwagan at ako na lamang ang natira sa malawak na espasyo.

Sabay kong pinunasan ang aking mga luha..

Naramdaman ko ang aking pulso..

Bumakas ang kaniyang baluti sa kamay.

Ito ang kailangan kong maintindihan..

Hindi na magbabago ang isang tulad niya.

****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status