author-banner
Aila Tanhueco
Author

Nobela ni Aila Tanhueco

Changing For You

Changing For You

Si Elina ay ang anak ni Demeter at mag-isang naninirahan sa gubat ng Elusian. Sa loob ng mga taon ay hindi bumalik ang kaniyang ina sa hindi matukoy na kadahilanan. Sa kaniyang pag-iisa sa buhay ay lungkot ang naipon sa kaniyang buhay. Hanggang sa mayroon siyang nakilalang misteryosong binata. Isang binatang malamig ang puso. Hindi niya tinulungan ang dalaga na maka-alis sa malawak na gubat. Pagkatapos ng araw na iyon ay tumindi ang lungkot ng dalaga sa kaniyang buhay at siya'y nawawalan na ng pag-asang may makatagpo muli. Sa hindi inaasahan ay biglang may pangyayari na hindi maipaliwanag. Ang mga nagliliwanag na paru-paro ang nagtipon-tipon sa kalangitan at patungo sila sa hilagang parte ng gubat. Iyon ang gubat ng Nysa. Ang mapanganib na parte ng Elusian. Hindi nagdalawang isip si Elina sa sundan ang mga ito, hanggang sa nakita niya ang bukid ng mga iba't-ibang uri ng bulaklak. Gayundin ang nagliliwanag na pulang bulaklak. Ito'y mahiwaga. Nang bunutin ito ni Elina, ang kaniyang buhay ay biglang nagbago. Nakarating siya sa puder ng Mundong Ilalim, at nakilala ang diyos na namumuno dito, si Hades. Laking gulat ni Elina na ang diyos na nasa kaniyang harapan ay nakilala na niya noon. Nag-alok si Hades ng kundisyon sa kaniya, kapalit ng inutang na buhay. Ang maglingkod siya habang-buhay. Lumipas ang mga araw ay nakilala ni Elina ang totoong si Hades, at ang hindi inaasahan ay ang mahuhulog ang kaniyang loob sa kilalang malupit na diyos. Nagdaan pa ang mga araw na magkasama sila at ang mga pagbabago'y namumulaklak na tila mga rosas sa dilim. Ngunit, titibay ba ang kanilang pag-iibigan sa mga dadaang pagsubok sa kanila? Credits: Pinterest [ Book's Cover ]
Basahin
Chapter: Chapter 17
[ ELINA ]Isa-isa kong hinihimas ang tatlong tuta habang sila'y nasa aking kanlungan.Akalain mo nga naman..Tatlo silang maliliit at kabuuan nila ay isang malaking Cerberus." Nakakamangha kayo.. " wika ko at napangiti sa kanilaIba ang kulay ng kanilang mga mata.Asul, pero ang kanilang mga balahibo ay itim at mga kahel na bakas.Hmm..Lagi nalang silang narito sa kanilang kulungan.Kung dalhin ko sila sa Elysium?Nang sa gayon naman ay mayroon akong kasama.Abala ngayon si Hades at hindi ko pa siya nakakausap simula kanina.Hay..Hindi siya maalis sa aking isipan.Hinahanap ko siya.Ngunit, hindi ko siya maiistorbo ngayon. °~°~°Narito na kami sa Elysium.Dala-dala ko ang mga tuta at dahan-dahan ko silang ibinaba sa mayamang damo ng paraiso.Dito, nakita ko silang masaya at patakbo-takbo ang kanilang maliliit na paa.Naglalaro't naghahabulan habang wumawasiwas ang kanilang mga maliliit na buntot.Nakakatuwa silang pagmasdan..Ngayon pa lamang silang nakala
Huling Na-update: 2023-11-04
Chapter: Chapter 16
[ ELINA ]- Pagkatapos ng malalim na tulog ay biglang nagising ang aking mga mata.Huminga ako ng malalim at dinama ang aking malambot na higaan.Nadama ko na ang pagod.Masakit ang aking likod, lalo na ang mga hita ko.Mistulang binugbog ako ng ilang beses." Ang sakit.. "Dahan-dahan akong bumangon at nakita ko ang aking sarili sa isang salamin.Hubad ang aking katawan.Tanging kumot lamang ang tumatakip sa akin.Magulo din ang aking buhok.Ang aking mga pisngi'y namumula.Higit sa lahat ay mayroon akong nakitang kakaiba sa aking dibdib. Ano ito?!May mapulang marka sa aking balat. " Hmm? Nakagat ba ako ng insekto? "Hindi ito makati at hindi ito mahapdi.Basta lamang itong mapula.Tatanungin ko na lamang kay Hades kung mayroon bang insekto dito sa kaharian niya.Nasaan nga pala siya?Lumingon ako sa aking likuran kung saan ko siya katabing natulog.Wala na siya.Magulong mga punda at kumot lamang ang aking nakikita.Nauna na siyang bumangon sa akin." Marahil nasa bulwagan siya. "
Huling Na-update: 2023-11-04
Chapter: Chapter 15
[ ELINA]- Sa mga nagdaang panahon ay nakita ko ang pagbabago ni Hades.Hindi na siya suplado.Hindi na mainitin ang ulo.Sa likod ng kaniyang pagbabago ay lumitaw ang tunay niyang kulay.Isa siyang maginoo at may kabaitan.Mahilig siyang magtago ng nararamdaman kaya hindi mo malalaman ang kaniyang emosyon.Kung pagmamasdan mo pa siya ay mababasa mo ito.Kalmado lamang siya.May mga araw na maaari ko na siyang tawagan upang humingi ng tulong.Ang magbuhat ng mabibigat na bagay dahil sa kaniyang lakas.Ang pag-abot sa mga matataas dahil sa kaniyang tangkad.Pagkatapos ay maaari na siyang bumalik sa kaniyang gagawin.Ako naman ay ipaghahanda ko siya ng matinong hapunan. Sasabayan ko siya sa kaniyang pagkain. Hindi ko maiwasan na matuwa sa kaniya dahil sa kaniyang pag-iiba.Maayos kaming nagkaka-intindihan.                         
Huling Na-update: 2023-10-26
Chapter: Chapter 14
[ HADES ]- Nakatulog si Elina sa kaniyang labis na pag-iyak.Binuhat ko siya patungo sa kaniyang silid at doon ko siya hiniga sa kaniyang kama upang mapakapag-pahinga ng maayos.‌Nang makita ko ang labis na kalungkutan ng dalagang ito ay nadudurog ang aking puso.May bigat sa kaniyang puso.Tungkol saan ang kaniyang dinaramdam?Nais kong malaman.Ngunit, sa ngayon ay hindi muna..Siguro'y itatanong ko na lamang ito sa kaniya sa tamang oras at panahon.Ang kailangan ko munang isipin ngayon ay kung paano siya mabibigyan ng kaligayahan.Hmm..Ano kaya ang maaaring ibigay o kaya'y gawin?Hindi ako makapag-isip ng maayos sa mga iskrolyong ito.Si Elina muna ang aking alalahanin ngayon. °~°~°Nagtungo ako sa kaniyang silid.Sa harapan ng pintuan ay ako'y kumatok ng tatlong beses. * KNOCK-KNOCK-KNOCK!Ilang segundo'y hindi bumukas ang pintuan.Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sumulyap sa maliit na siwang.Nakita kong naka-upo lamang si Elina sa kaniyang
Huling Na-update: 2023-10-25
Chapter: Chapter 13
[ ELINA ]- Wala si Hades ngayon dito dahil nagtungo siya sa kaharian ng Olympus.Ipinatawag siya ni Zeus.Narito ako ngayon sa pangunahing bulwagan at maiging pinapakintab ang kaniyang trono.Bigla kong naalala..Nang nakatulog siya rito.Siguro'y sa mga nagdaang mga araw bago pa ako narito ay hindi siya masyadong nakakapag- pahinga.Dito na rin siya siguro nalilipasan ng pagod.Hindi na nakaka-akyat sa kaniyang silid.Ang pagiging diyos ng isang nasasakupan ay isa sigurong bigat sa mga balikat.Kung gayon ay nakakapag-alala naman para sa kaniya." Ang sipag naman niya. "Wala siya ngayon..Hindi ko maiwasang isipin siya.Manabik sa kaniya.Ano ba ito?Iniiwasan ko siya tapos ngayon ay wala siya hinahanap ko siya. Bakit ganoon ang nararamdaman?Nakakalito kung minsan.Kung minsan ay hindi ko maiwasang mapa-isip ng anu-ano.Paano kung--Kung maging kasintahan ko na siya? Ano kaya ang pakiramdaman nang mayroon ganoon?Siguro naging kasintahan na ni Aphrodite si Hades. Ano kaya ang pa
Huling Na-update: 2023-10-19
Chapter: Chapter 12
[ HADES ]- Ang dalagang iyon.Ang dalagang iyon ay isang malaking tukso sa aking paningin.Sa bawat nariyan siya'y hindi ko mapigilan ang aking sarili na pagmasdan siya.Titigan siya..Hinahanap-hanap siya ng aking mga mata.Hindi ko rin mapigilang maisip ang nangyari noon sa balkonahe. Simula noon ay hindi ko maintindihan ang aking sarili.Noon ay wala akong iniisip kundi trabaho bilang diyos dito.Wala din sa aking isip ang mga ganitong bagay dahil ito'y hindi bagay sa akin.Bigla na lamang nagbago ngayon. Ang halik na iyon..Naramdaman ko ang kaniyang mga malalambot na labi.Nagliyab ng malaking tukso ang aming pagitan.Hindi siya umiwas.Humahanga din ako sa kaniyang kabaitan. Maganda siya..Para sa akin ay lamang siya kay Aphrodite.Nagustuhan ko ang kaniyang mga berdeng mata at gintuang buhok.Maputi ang kaniyang balat at mga labi'y natural na pula.Ang mga katangiang ito'y nakita ko na noong una siyang nakipag-usap siya sa akin. Sa ilalim ng puno..Hindi ko siya pinansin no
Huling Na-update: 2023-10-15
DMCA.com Protection Status