[ HADES ]- Nakatulog si Elina sa kaniyang labis na pag-iyak.Binuhat ko siya patungo sa kaniyang silid at doon ko siya hiniga sa kaniyang kama upang mapakapag-pahinga ng maayos.Nang makita ko ang labis na kalungkutan ng dalagang ito ay nadudurog ang aking puso.May bigat sa kaniyang puso.Tungkol saan ang kaniyang dinaramdam?Nais kong malaman.Ngunit, sa ngayon ay hindi muna..Siguro'y itatanong ko na lamang ito sa kaniya sa tamang oras at panahon.Ang kailangan ko munang isipin ngayon ay kung paano siya mabibigyan ng kaligayahan.Hmm..Ano kaya ang maaaring ibigay o kaya'y gawin?Hindi ako makapag-isip ng maayos sa mga iskrolyong ito.Si Elina muna ang aking alalahanin ngayon. °~°~°Nagtungo ako sa kaniyang silid.Sa harapan ng pintuan ay ako'y kumatok ng tatlong beses. * KNOCK-KNOCK-KNOCK!Ilang segundo'y hindi bumukas ang pintuan.Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sumulyap sa maliit na siwang.Nakita kong naka-upo lamang si Elina sa kaniyang
[ ELINA]- Sa mga nagdaang panahon ay nakita ko ang pagbabago ni Hades.Hindi na siya suplado.Hindi na mainitin ang ulo.Sa likod ng kaniyang pagbabago ay lumitaw ang tunay niyang kulay.Isa siyang maginoo at may kabaitan.Mahilig siyang magtago ng nararamdaman kaya hindi mo malalaman ang kaniyang emosyon.Kung pagmamasdan mo pa siya ay mababasa mo ito.Kalmado lamang siya.May mga araw na maaari ko na siyang tawagan upang humingi ng tulong.Ang magbuhat ng mabibigat na bagay dahil sa kaniyang lakas.Ang pag-abot sa mga matataas dahil sa kaniyang tangkad.Pagkatapos ay maaari na siyang bumalik sa kaniyang gagawin.Ako naman ay ipaghahanda ko siya ng matinong hapunan. Sasabayan ko siya sa kaniyang pagkain. Hindi ko maiwasan na matuwa sa kaniya dahil sa kaniyang pag-iiba.Maayos kaming nagkaka-intindihan.
[ ELINA ]- Pagkatapos ng malalim na tulog ay biglang nagising ang aking mga mata.Huminga ako ng malalim at dinama ang aking malambot na higaan.Nadama ko na ang pagod.Masakit ang aking likod, lalo na ang mga hita ko.Mistulang binugbog ako ng ilang beses." Ang sakit.. "Dahan-dahan akong bumangon at nakita ko ang aking sarili sa isang salamin.Hubad ang aking katawan.Tanging kumot lamang ang tumatakip sa akin.Magulo din ang aking buhok.Ang aking mga pisngi'y namumula.Higit sa lahat ay mayroon akong nakitang kakaiba sa aking dibdib. Ano ito?!May mapulang marka sa aking balat. " Hmm? Nakagat ba ako ng insekto? "Hindi ito makati at hindi ito mahapdi.Basta lamang itong mapula.Tatanungin ko na lamang kay Hades kung mayroon bang insekto dito sa kaharian niya.Nasaan nga pala siya?Lumingon ako sa aking likuran kung saan ko siya katabing natulog.Wala na siya.Magulong mga punda at kumot lamang ang aking nakikita.Nauna na siyang bumangon sa akin." Marahil nasa bulwagan siya. "
[ ELINA ]Isa-isa kong hinihimas ang tatlong tuta habang sila'y nasa aking kanlungan.Akalain mo nga naman..Tatlo silang maliliit at kabuuan nila ay isang malaking Cerberus." Nakakamangha kayo.. " wika ko at napangiti sa kanilaIba ang kulay ng kanilang mga mata.Asul, pero ang kanilang mga balahibo ay itim at mga kahel na bakas.Hmm..Lagi nalang silang narito sa kanilang kulungan.Kung dalhin ko sila sa Elysium?Nang sa gayon naman ay mayroon akong kasama.Abala ngayon si Hades at hindi ko pa siya nakakausap simula kanina.Hay..Hindi siya maalis sa aking isipan.Hinahanap ko siya.Ngunit, hindi ko siya maiistorbo ngayon. °~°~°Narito na kami sa Elysium.Dala-dala ko ang mga tuta at dahan-dahan ko silang ibinaba sa mayamang damo ng paraiso.Dito, nakita ko silang masaya at patakbo-takbo ang kanilang maliliit na paa.Naglalaro't naghahabulan habang wumawasiwas ang kanilang mga maliliit na buntot.Nakakatuwa silang pagmasdan..Ngayon pa lamang silang nakala
[ Elina ]- Maganda ang panahon sa kalangitan..Mga ulap ay puti na tila mga buong bulak..Ang hangin ay may lamig dahil sa kapaligiran..Ang aking ngalan ay Elina.Anak ni Demeter, ang diyosa ng agrikultura at mga pananim. Anak sa isang mortal.Kapag nasambit ang isang mortal ay ibig sabihin ay isang ordinaryong tao. May limitasyon at kamatayan.Namatay na ang aking ama na si Hiergos.Gayundin ang aking kapatid.Si Arion, ang panganay na anak.Mabait si kuya..Magalang at maginoo.Ngunit namatay siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sinambit lamang sa akin ni mama noon na mayroon pumatay sa kaniya. Hindi niya binanggit kung sino.Napakabuting tao ni kuya.Anong dahilan para paslangin siya nang ganun lamang? °~°~°Nakarating na ako sa isang malawak na bukirin na tanging nariyan lamang ay mga mayamang damo.Dito nakahimlay sa kapayapaan ang aking ama't kuya.Kanilang puntod.Pinagdalhan ko sila ng mga bulaklak. Ito na ang pinaka-huling bulaklak na nakita ko rito." Papa, kuya.. p
[ Elina ]- Sinusuklay ko ang aking buhok habang ako'y nakatingin sa salamin.Gamit ko ang pilak na suklay.Bigay ito sa akin ni mama.Kamusta na kaya siya?* Twit, twit, twit, twit!! *Sa palagay ko'y may bisita ako.Nakangiti akong nagtungo sa bintana.Nariyang ang maliit na ibon.Puti ang kaniyang kulay at ang tuka'y dilaw.Madalas ang pagbalik-balik niya dito.Bakit kaya?Masaya naman ako kahit papaano dahil may nakaka-alala sa akin." Kamusta na, munting ibon?! " masayang wika ko pagkatapos kong binuksan ang bintana*Twit-twit-twit-twit!! *Sa palagay ko'y masaya ang maliit na ibon na ito, marahil may nanyaring maganda sa kaniya.Umiikot-ikot ito na tila nagpapaliwanag sa akin." Mukhang maganda ang iyong araw ah!! Hahaha " masayang wika koOo nga pala.May bigla akong naalala.Ung ginoo kahapon.Babalik kaya siya ngayon?Makikita ko kaya siya ngayon?" Munting ibon, alam mo ba'y may nakilala ako kahapon. Isang lalaki na mandirigma! Kaso nga lang ay mailap siyang makipag-usap. San
[ Elina ]Bumalik ako sa pagdungaw sa bintana at naghihintay sa kung sino na lamang ang darating para sa akin..Umaasa sa wala..Kahit ito nalang ang aking nagagawa upang gumaan ang aking loob..Kung minsa'y naiisip ko..Kung kitilin ko na ang aking buhay?Gusto ko nang sumama sa aking ama't kapatid.. ~~~~Hindi ko na alam ang aking ginagawa..Basta na lamang akong dumampot ng matalim na bagay..Ang aking isipan ay lumubog sa kawalan..Marahil ito na ang solusyon..Wala na din namang hahanap pa sa akin.." Basta gawin mo na! "Dahan-dahan kong inilalagay ang patalim sa aking pulso upang putulin na ang mga ugat na bumubuhay sa akin..Kaya ko ito.. NgunitHindi ko magawa..Wala akong lakas ng loob upang gawin ito sa akin..Binitawan ko ang patalim at lumuha muli ang aking mga mata..Masyado na akong nalulungkot..Hindi ko man lang naisip ang mga nagmamahal sa akin..Hindi rin nais ng aking ama't kapatid na gawin ko ito..Patawad..
[ Elina ]" Elina! Elina! "May tumatawag sa akin..Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nasupresa sa nakita.Si mama!Agad ko siyang niyakap ng mahigpit..Agad ding lumabas ang mga luha ko dahil sa ligaya..Totoo ba ito?" Mama! Ang tagal kitang hinintay!! Pakiusap, huwag niyo na akong iwan! " pakikiusap koBumitaw ako sa aming yakapan at tinignan ang kaniyang mga berdeng mata.Ngumiti lamang siya sa akin..Anong ibig sabihin nito? [ END OF DREAM ] °~°~°Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata at ibinangon ang aking katawan." Napaginipan ko si mama.. " wika ko habang kinukusot ang aking mga mata.Napansin ko ang aking kapaligiran na tila kakaiba't madilim..ANO ITO??!!!Laking gulat ko'y nakasakay na ako sa isang may gintuang bangka..Nasa isang ilog ang bangkang ito at hindi ko alam saang direksyon ito tutungo.PAANO?! SINONG NAGDALA SA AKIN DITO?!!Nariyan ang nagsasagwan sa dulo ng bangka.. siguro'y alam niya kung sino at ano ang lugar na ito.Nilalapitan ko ang